Moon And Our Hearts

By awesomejasvi

58.2K 2.4K 203

Zahra meet Aziel, the biological father of the twins she adopted two years ago. She loathed him for abandonin... More

PROLOGUE
MAOH1: The Salvation
MAOH2: Quinn and Quincy
MAOH3: Adoption
MAOH4: The Entitled Parent
MAOH5: This Guy
MAOH6: The Parent
MAOH7: Danger
MAOH8: Target
MAOH9: Identity
MAOH10: Right
MAOH11: Deciding
MAOH12: Bridge
MAOH13: Move
MAOH14: Take The Twins Back
MAOH15: Fall
MAOH16: Protection
MAOH17: Help
MAOH18: Mama and Papa
MAOH19: Guidance
MAOH20: First
MAOH21: The Painting
MAOH22: Kiss
MAOH23: Surprises
MAOH24: Happy and Complete
MAOH25: My Date
MAOH26: Jealous
MAOH27: Play Your Part
MAOH28: Unexpected
MAOH29: Best Friends
MAOH30: Love
MAOH31: The One
MAOH32: Some Time
MAOH33: Smile Genuinely
MAOH34: Live Your Life
MAOH35: Stay Forever
MAOH36: Heart Donor
MAOH37: Mad
MAOH38: Rage
MAOH39: Pernicious Tyro
MAOH40: Wife
MAOH41: Propose
MAOH42: Real Mother
MAOH43: Job
MAOH44: The Show
MAOH45: Beware
MAOH46: Watch
MAOH47: This Woman
MAOH48: Something Important
MAOH49: Do
MAOH50: Positive
MAOH52: First Step
MAOH53: Save You
MAOH54: Altogether
MAOH55: Envoy
MAOH56: Cat and Mouse
MAOH57: Circus
MAOH58: Annulment
MAOH59: Fixing
MAOH60: Our Vacation
MAOH61: Their Mother
MAOH62: Just Like The Moon
MAOH63: Your Story
MAOH64: Found
MAOH65: Done
EPILOGUE
- jasv, the author
New Story Updated!

MAOH51: Begging

531 17 1
By awesomejasvi

CHAPTER 51: BEGGING

Zahra's POV

Tatlong beses akong bumuga nang malakas na hangin para kalmahin ang sarili. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang PT. Huminga ulit ako nang malalim bago inayos ang sarili at lumabas ng cr.

Nakangiting tumingin sa'kin si Doc. “How is it?”

Hindi ako sumagot sa kan'ya at inabot nalang ang PT. Naupo lang ulit ako sa harap ng desk n'ya. Hindi nawala ang ngiti n'ya nang makita ang resulta. Ibinaba n'ya ang PT at tiningnan ako.

“What did you feel after seeing the result here?” tanong nito. Parang may bumara bigla sa lalamunan ko dahil sa tanong n'ya.

‘Kailangan bang sagutin 'yon?’

Lumunok ako. “I'm still not ready.”

Hindi pa rin natinag ang ngiti n'ya. Tumango ito sa'kin. “That's normal. What you felt is normal and valid, okay?”

“Alam ko naman ho 'yon, Doc.” natawa ito sa'kin. Ilang sandali pa ay sumeryoso na ito.

“Whatever your decision is, I respect that. That's your body, you have your decision for that. But you know..” sandali itong natigilan at napangiti. “Motherhood is the best feeling in the world. The euphoria when you saw your baby for the first time after hours of struggling delivering them. And them, sleeping peacefully on your arms. It's always been the best feeling.”

Natigilan ako habang nakatitig sa kan'ya. Nakangiti s'ya at nagniningning ang mata na parang galing mismo sa karanasan n'ya ang mga tinuran. May kung anong kirot ang tumusok sa puso ko.

Ang tungkol sa pagiging ina ay maiintindihan ko pa. Nandyan ang kambal na ipinaramdam sa'kin ang pagiging ina ay napakasarap na bagay. Kahit hindi sila nanggaling sa'kin mismo, kahit hindi ko dugo ang nananalaytay sa kanila ay minahal ko sila na parang akin.

Pero nang makita ang ningning sa mata n'ya nang sinabi n'ya ang pagluwal sa bata ay biglang pumasok sa isip ko ang isang bagay na lihim kong hinihiling noon pa man.

‘Sana nga sa akin nalang galing ang kambal.’

“You know, to us, women, motherhood were like a natural job for us. It's like a savvy the moment we gave birth to our child. Alam na agad natin kung paano sila aalagaan even though we thought we are not ready of having a baby.” nakangiti n'ya akong tiningnan ulit. “You may think that you are still not ready for it, but I'm telling you, once you got a glimpse of your baby, you fill fight the world for him, and protect him.”

Tumatak sa isip ko sa sinabi n'ya. Totoo lahat ng iyon. Noon pa man ay iniisip ko na kapag nagkaanak ako ay poprotektahan ko talaga s'ya. Ibibigay ko lahat ng kailangan at gusto n'ya, mamahalin ko s'ya nang higit sa buhay ko.

“I suggest that try to take a responsibility of it. You're already in your thirty. I know you're financially and unconsciously emotionally and mentally stable to have kids. Kahit na walang tatay, kids are already enough to fill the whole in our hearts. Mostly, mothers consider their kids their greatest love.”

Hindi ako nakasagot sa haba ng litanya n'ya. Lahat ng salita n'ya ay nagbigay linaw sa isip ko. May humaplos sa puso dahil sa mga narinig.

Wala akong balak magpaabort. Sigurado ako roon. Kahit na agree ako sa bagay na 'yon ay desisyon ko namang hindi gawin sa'kin 'yon.

“But still, pregnancy test results wasn't a confirmation that you're pregnant. It can give you false positive too, so you made a great decision on letting the professionals giving you the answer if you're pregnant or not.” nakangiti nitong saad. “We need to use sonography to see and check if you are really pregnant. So let's go.”

Tumayo na ito kaya sumunod ako sa kan'ya. Lumabas kami ng office n'ya at dumiretso sa isang puting pinto. Kasama namin ang nurse na nagbigay sa'kin ng fill up form kanina. Pumasok kami roon. Tumambad sakin ang isang higaan at monitor. Nandoon din ng sonography na gagamitin para sa ultrasound.

“Please lay down on the bed, Ms. Valmorida.”

Sumunod ako sa sinabi n'ya. May mga ginawa muna s'ya katulong ang nurse n'ya bago bumalik sa'kin. Hinayaan ko s'ya na gawin ang mga dapat gawin.

Itinaas n'ya ang damit ko hanggang chest part at bahagyang ibinaba ang pantalon na suot ko para ilantad ang puson ko. May nilagay s'yang gel sa tiyan ko hanggang puson. Humarap muna s'ya sa'kin at ngumiti.

“Relax first.” tumango lang ako. “Now, are you ready?”

Putspa naman, pinarelax ako tas tatanungin kung ready na ako. Hello, mas lalo akong kinabahan!’

Tumango nalang ako bilang sagot.

“Okay. If you want to, you can look at the monitor.” nakangiting saad nito. Kusa kong itinapon ang mata ko sa monitor.

Hindi ko na naialis ang paningin doon kahit pa naramdaman ko ang bagay na idinikit ni Doc sa tiyan ko. Gumalaw ang bagay sa monitor. Dinaga ng dibdib ko sa kaba habang inaabangan ang bagay lumantad doon. Nakailang lunok ako at humigpit ang kapit ko sa damit ko.

“I found him.”

Biglang may naging visible na imahe sa monitor. Kumunot ang noo ko dahil hindi masyadong klaro iyon. Kulay black and white kaya kailangan ko pang titigan nang mabuti ang monitor.

“There he is.”

Naging klaro ang isang maliit na bagay sa gitna. Maliit pa s'ya at mukhang natutulog lang. Sobrang liit n'ya at mukhang bago pa lang.

“Do you want to listen to his heartbeat?” napatingin ako kay Doc na nakangiti pa rin. Kusang tumango ang ulo ko bago ko ibinalik ang tingin sa monitor.

Maya maya ay may narinig akong tibok. Mahina palang 'yon pero parang musika na sa tenga ko. Para akong niyakap sa tunog na 'yon. Kumibot ang labi ko at umulap sa luha ang mata ko. Umiiyak akong napangiti habang nakatingin sa maliit na bagay sa bahay bata ko habang nakikinig sa tibok ng puso nito.

“Ang baby ko..” mahinang anas ko.

Kakatuwang wala na akong maramdamang pagdududa na hindi na ako magiging masamang ina sa kan'ya. Dahil nang marinig ko ang tunog ng tibok ng puso nito ay ipinangako ko na sa sarili kong bubuhayin at aalagaan ko s'ya.

‘Sobrang mamahalin ka ni Mama, baby ko.’

Natapos ang ultrasound ay bumalik na kami sa office n'ya para bigyan ako ng mga gamot na iinumin ko. Bumalik kami sa dating pwesto namin. Nagsusulat s'ya ng reseta.

“You are 6 weeks pregnant that's why you need to extra take care of yourself because you are carrying another life.” inabot n'ya sa'kin ang reseta na isinulat n'ya. “Here's the vitamins that you need to take. Bibigyan din kita ng pampakapit because you're still on your first trimester. Med'yo mahina pa si Baby n'yan.”

“Thank you.”

“You need to go back here for your check ups, okay? You can eat your cravings but eat moderately only para healthy pa rin.” mahinahong saad nito.

Tumango tango lang ako bilang sagot habang matiim na nakikinig sa kan'ya. Nagpaliwanag pa ito ng mga bagay na pwede at bawal sa'kin at sa baby. 

“Mm you can go now.”

Ngumiti ako sa kan'ya at tumayo. “Thank you, Doc.”

“And, oh, wait!” may inabot s'ya sa'king maliit na brown envelope. Kinuha ko 'yon. “That's your copy ng ultrasound kanina.”

Gulat akong napatingin sa kan'ya dahil sa sinabi. Napangiti ako.

“Congratulations for your pregnancy, Ms. Valmorida.” nakangiti rin itong tumayo. Inilahad nito ang kamay sa'kin para makipagshake hands. Tinanggap ko 'yon at nakipagshake hands sa kan'ya.

Marahan naming binitawan ang kamay ng isa't isa. Nakatingin s'ya sa'kin kaya hindi n'ya napansin ang picture frame na nasagi n'ya. Napatingin ako roon at umanggulo sa'kin ang picture frame. Kitang kita ko ang mga tao sa larawan.

S'ya habang may kargang baby boy na sa tingin ko ay nasa two years old na. Katabi nito ay lalaking sa tingin ko naman ay asawa n'ya.

Napayukom ang kamao ko at napatingin sa kan'ya. “Asawa ka ni Ryan?”

Nawala ang ngiti nito pero kalmado ang mukha. Saglit n'yang tinapunan ng tingin ang picture frame bago ibinalik sa'kin ang tingin.

“Yes, Mrs. Arne—”

“Don't call me that.” mariin kong saad sa kan'ya. Nagpantay ang labi ko dahil sa inis.

“You don't have to worry, Zahra. I won't tell them about you and about this.”

“You should be.” malamig na sagot ko sa kan'ya. Kumunot ang noo nito dahil sa inis pero agad ding nawala. Huminga ito nang malalim bago ko tiningnan ulit.

“He's worried about you. Noong isang araw ka pa n'ya hinahanap at pinapahanap. Ryan was busy since then looking for you. Pumunta sila sa probinsya mo and only to find out na wala na kayo roon. Mr. Arne thought something bad happened to you kaya nag aalala na s'ya. He's still searching for you right now.”

May kung anong kumurot sa'kin sa mga narinig. Natigilan ako bigla.

“I have no right to meddle with your business so I won't tell them you came by here. I just want you know that...” tiningnan n'ya ako diretso sa mata na parang gusto n'yang maalala ko ang sasabihin n'ya. “He's worried about you. Hindi s'ya titigil para hanapin ka.”

Nagtangis ang ngipin ko. Dumiin ang pagkakakuyom ng kamao ko. Basta ko s'yang tinalikuran at lumabas.

Nang malayo sa opisina n'ya ay napaupo ako sa isa sa mga bleachers at napasabunot ng buhok sa inis.

‘Tangina naman!’

Napahilamos ako ng mukha. Pakiramdam ko ang sama sama ko ngayon.

‘Anong gagawin ko?! Hindi pa maproseso ng utak ko ang mga nalaman ko. Kailangan ko sina Mama at Papa para ipaliwanag 'yon.’

Nang mabili ang gamot na inireseta n'ya ay umalis na ako sa hospital na 'yon. Nagtext ako sa mga kapatid ko na baka gagabihin ako ng uwi at pinatay ang cellphone ko.

Mula sa hospital ay naglakad lakad ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang maglakad lakad at mag isip. Masyado nang magulo ang utak ko. Nagdagdagan pa dahil sa mga sinabi ng doktor na asawa pa ng isa sa mga bodyguards ni Aziel.

Magiguilty na sana ako sa biglang pagkawala ko pero naalala ko, marami rin namang tinatago si Aziel sa'kin. Alam kong may alam s'ya sa marriage certificate na 'yon. Marami s'yang panahon para sabihin sa'kin ang totoo pero pinapatagal n'ya pa.

‘Nila. O kung may balak man sila.’

Para akong naglalakad lang sa alapaap. Magaan at lutang. Walang pakialam sa nakakasalubong basta naglalakad nalang.

Napapikit ako nang mariin nang maalala ang tungkol sa Chamber of Secrets. May laban pala kami ni Aziel ngayong Linggo. May limang araw pa ako roon.

‘Tangina naman.’

Hindi na ako pwedeng basta bastang gumalaw ngayon. Buntis ako at baka mapano ang baby ko kapag gumawa ako ng big movements. Mas nakakaatake ako sa ganoong paraan. Lagi pa naman akong nasa ere at naninipa o kaya naman nakaunat lagi ang binti ko para manipa pa rin. Bawal na ang ganon ngayon dahil ayokong mawala ang baby ko.

Napabuga ako ng hangin at napatigil sa paglalakad. Nakaramdam ako ng gutom kaya nilibot ko ang mata para maghanap ng makakainan. May Jollibee sa malapit kaya doon ako dumiretso.

Napangiwi ako sa dami ng inorder ko na hindi naman ganito karami ang laging kinakain ko.

“Grabe ka naman, Baby. Patatabain mo pa ata ako.”

Kahit pa ganon ay gutom na rin naman ako. Tahimik akong nagsimulang kumain. Napapatingin lang ako sa kalsada kung saan maraming dumadaan. Nasa gilid ako ng glass wall at kitang kita ang mga dumadaan sa labas.

Napangiti ako dahil iba rin talaga ang kapayapang hatid kapag ikaw lang ang gumala. Sarili mo lang ang iisipin mo. Minsan kailangan mo rin mapag isa para magrelax at mag isip. Mabuti nalang at natuto akong ilibre ang sarili ko paminsan minsan kahit pa marami akong sinusustensuhan.

Nang maubos ang pagkain ay dumiretso naman ako sa isang ice cream shop. Isang chocolate flavor agad ang binili ko. Lumabas ako habang bitbit ang cup ng ice cream at kumakain.

Natigil ako sa paglalakad nang may tumigil na isang mamahaling sasakyan sa harap ng isang fancy restaurant sa tapat ng ice cream shop. Lumabas mula sa driver's seat ang lalaking nagsasabing hindi magkandaugagang maghanap sa'kin ngayon. Kasunod mong lumabas ang babaeng ipinangako n'yang hindi na kikitain pa.

Naunang pumasok si Aziel sa loob ng restaurant at excited namang sumunod sa kan'ya si Laura. Kitang kita ko mula rito ang pag upo nila sa isang vacant table.

Mapait akong napangisi habang humigpit ang hawak ko sa ice cream. Tuluyan ko na itong nabitawan sa panggigigil at bumagsak sa paanan ko. Nag init ang sulok ng mga mata ko at parang gusto nalang sumigaw ngayon.

‘Bakit sila magkasama? Nangako s'ya na hindi na n'ya hahayaang makalapit sa kan'ya 'yung babae.’

Parang tinusok ng napakaraming karayom ang dibdib ko at piniga 'yun pagkatapos. Masakit para sa'kin ang nakikita ngayon.

Kahit pa walang emosyon si Aziel at parang hindi interesado sa kausap ay hindi naibsan ang selos ko roon. Umaasa akong hinahanap pa rin ako ni Aziel hanggang ngayon. Umasa akong hindi s'ya okay dahil sa pagkawala ko. Pero mukhang sumuko na s'ya kakahanap sa'kin.

‘Yeah, of course, promises are meant to be broken.’

Walang emosyon akong tumalikod at nagsimula nang maglakad papalayo sa kanila. Napagdesisyunan kong bumalik nalang sa apartment dahil mas'yado akong pinagod ngayong araw. Kailangan ko ng agarang pahinga kahit saglit lang.

Nang makapasok sa loob ay dire diretso lang akong pumasok sa kwarto ko. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa'kin ng mga kapatid ko. Mukhang may itatanong sana kaso nakita ang sitwasyon ko kaya minabuti nang huwag magtanong.

Humiga ako sa kama na mabigat ang loob. Parang binugbog ako mentally at emotionally ngayong araw. Halo halong emosyon ang naramdaman ko na parang pati feelings ko ay pinaglalaruan din ako.

Tulala ako sa kisame habang nag iisip ng tamang gawin, tamang hakbang para sa'kin.

Nakatulog ako sa sobrang pagod kakaisip. Hating gabi na nang magising ako at gutom na gutom. Napangiti ako nang makita sa ref ang pagkaing itinira sa'kin ng mga kapatid ko. Kinain ko nalang 'yon bago bumalik sa pagtulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag asikaso. Pero ngayon, dito nalang din muna ako kasama ng mga kapatid ko.

“May gusto ba kayong puntahan?” tanong ko habang kumakain kami sa isang karenderya pang umagahan naming tatlo. “Ilang araw ko na kayong ikinukulong sa apartment.”

Napatingin sila sa'kin at unti unting napangiti. 'Yung ngiting parang may naalalang maganda.

“Grabe, gan'yan na gan'yan ka rin magtanong sa amin n'ung bata pa kami, Ate.” natatawang saad ni Zach. Kinunutan ko s'ya ng noo.

“Ha?”

“Oo nga. Tapos tatakas tayo para gumala! Ang saya non.” natatawang segunda ni Zane sa kuya n'ya. “Kasama pa natin minsan si Kuya Ed noon.”

Napatitig ako sa kanila at napangiti dahil sa mga pinagsasabi nila.

“Saan nga? Ayaw n'yo ba gumala?”

“Aba syempre gusto.” angal agad ni Zach.

“Sa mall nalang, Ate. May mga kailangan din tayo bilhin para magamit sa apartment. Ref lang kasi appliances natin doon.”

Napangiwi naman ako. “Ako na'ng bahala tungkol d'yan.”

“Edi magmall nalang tayong tatlo.”

Tumango nalang ako bilang sagot.

Pagkatapos nga namin kumain ay bumalik kami sa apartment para magbihis. Umalis kami sa apartment at agad dumiretso sa pinakamalapit na mall na pwede naming libutin.

Napagdesisyunan naming manood muna kami ng sine bago libutin ang buong mall. Isang animated movie ang pinili nila kaya masaya lang kaming nanonood na talo. Para pa kaming mga bata na nag aagawan ng character sa movie. Malapit ko na silang bigwasan dahil aagawin pa nila sa'kin ng fave character ko sa movie.

Nauwi sa window shopping ang pagliliwaliw namin matapos manood ng pelikula. Sinamantala ng mga ulupong ang black card ko dahil unlimited naman daw ito. Nagshopping kami ng mga iilang damit at sapatos. Talo pa nila ako sa mga binili dahil pwede na nilang pakyawin ang buong boutique.

Kumain muna kami bilang pahinga. Hapon na rin at gutom na kami. As usual ay nilantakan ko ng chocolate pagkatapos kumain.

Napagdesisyunan na naming umuwi na ng apartment dahil sa rami ng bitbit namin. Baka mahirapan kaming makauwi sa rami ng dalahin.

Nang makarating ay agad akong naligo at nagbihis ng panibagong panlakad. Nagtataka sa'kin ang mga kapatid ko nang makitang nakaayos na naman ako.

“Aalis ka na naman, Ate?”

“May gagawin lang ako. Magpadeliver nalang ulit kayo.”

Hindi ko na sila naantay sumagot dahil tuluyan na akong lumabas sa apartment. Hinintay ko ang Grab na binook ko. Dumating ito at agad naman akong sumakay.

Sa byahe ay abot abot ang kaba ko dahil sa gagawin ko. Sana naman ay walang galit o dismayado. Kung ito lang ang paraan para makausap at matanong ko ang mga magulang ko at gagawin ko. Ayoko nang nakakapagod na hanapan. Kailangan ko ng mga sagot, ngayon na.

Halos pagabi na nang tumigil ang sasakyan sa condo building ni Aziel. Nang makabayad ay agad akong bumaba. Napatingala muna ako sa taas noon. Nanlamig bigla ang kamay ko sa kaba.

Huminga ako nang malalim. Sa ground floor ako dumaan, sa may parking lot. Umaasang baka may madaanan akong Black Fire. Pero nakakapagtakang wala.

Hindi ko na 'yun pinansin at tumuloy. Agad kong pinindot ang floor ng penthouse ni Aziel. Kahit kabado ay pinanatili ko ang kalmadong ekspresyon. Kinalma ko ang buong pagkatao ko. Bumuga ako ng ilang malakas na hangin para makalma.

Napalunok ako nang bumukas ang elevator. Pinunasan ko muna ang mga palad ko bago humarap sa pinto. Pinindot ko ang code ng lock at bumukas 'yon. Narealize kong ang code pala nito ay ang date na nakasulat sa marriage certificate namin.

“You came back already, Tita Lau?”

Kumabog nang mabilis ang puso ko nang marinig ang boses ni Quincy. Natigilan ito nang makita ako. Nanlaki ang mga mata nito na parang nakakita ng multo. Nanginginig ang labing ngumiti ako sa kan'ya.

“Quincy.” tawag ko sa kan'ya.

Napaatras ito na ipinagtaka ko. “W-What are you doing here?” kumunot ang noo ko nang mahimigan ang galit at takot sa boses n'ya.

“Are you mad at me, my love?”

“Quinn!” nagulat ako nang bigla s'yang sumigaw at tinawag ang kambal. Nakatingin pa rin s'ya sa'kin na parang takot at ayaw lumapit sa'kin. Galit ang mga mata n'ya at kinamumuhian ako.

“What are you doing here?” napatingin ako sa dulo ng hagdan kung saan nakatayo si Quinn. Agad itong bumaba at tumakbo papalapit sa kakambal. Katulad ng kay Quincy ay galit at kinamumuhian ako ang tingin n'ya.

‘Ano'ng nangyayari?’

“I'm asking you.”

“I'm... coming home. Miss na miss ko na kayo.” nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang mga emosyon na umalpas.

“This is not your home, murderer.” sagot ni Quincy sa'kin.

Nagulat ako sa pakikitungo nila sa'kin. Para akong sinakal ng mga salita nila. May bahid ng galit ang bawat salita at tumatarak 'yon sa utak at pandinig ko.

“Ano bang sinasabi n'yo? What kind of attitude is that, Quincy? I know you're mad that I left pero makinig muna kayo kay Mama—”

“You are not my mother! Our mother is not a murderer!” sigaw ni Quincy sa'kin.

Para akong sinaksak sa mga narinig. Umalingawngaw 'yon sa pandinig ko at parang hinampas non ang puso ko at pilit pinapatay. Napaawang ang labi ko para magsalita pero pakiramdam ko ay tinakasan ako ng boses ko. O mas tamang sabihin na may sumasakal sa leeg ko dahilan para mahirapan akong magsalita.

“You killed our mother. If wasn't because you, we are maybe the happiest family right now. We won't experience traumatic events in our life if only our real mother was alive.” matapang na saad nito sa'kin. Malayong malayo sa Quincy na puno ng lambing kapag kakausapin ako.

Bumigat ang paghinga ko. “A-Ano bang sinasabi mo, Quincy?” nanginginig na tanong ko. Hindi ko na ata kaya ang sakit ng pakikitungo nila sa'kin. Ang sakit ng mga salitang ibinabato nila sa'kin. Nakakamanhid.

“I hate you. I hate calling you Mama. I hate everything about you.”

‘Tama na.’

“Quincy..” bantang tawag sa kan'ya ng kakambal n'ya.

Tuluyan nang nawala ang emosyon sa mukha ko. Tiningnan ko sila nang malamig.

“Wala akong alam tungkol sa sinasabi n'yo. Hindi ko na tatanungin kung sino ang nagsabi n'yan sa inyo.” ngumiti ulit ako sa kanila. “Kakalimutan ni Mama 'to lahat. Basta huwag n'yo nang uulitin.”

“No. We don't want to see you anymore!” sigaw ulit ni Quincy.

Napatitig ako sa kanilang dalawa. Si Quinn ay nasa tabi ng kakambal at hindi tumitingin sa'kin. Pero halata ang galit sa mga titig nito. Halata ang galit nito sa'kin. Si Quincy naman ay umiiyak na pero matapang itong nakatingin sa'kin at ipinakita ang galit sa'kin.

‘Galit na hindi ko alam kung saan nanggagaling.’

“So, you're here.”

Napalingon ako sa likod nang may magsalita.

“Tita Lau!” agad s'yang sinugod ng yakap ni Quincy. Naiyak ito sa binti n'ya kaya niyakap n'ya si Quincy.

“Shh stop crying na, baby.” pag aalo ni Laura kay Quincy. Tumayo s'ya at tiningnan si Quinn. “Quinn, go back to your room, bring your sister with you.” saad nito. Agad s'yang sinunod ni Quincy at hinawakan sa kamay ang kakambal. Pinanood ko silang umakyat hanggang sa tuluyan nang mawala sa paningin ko.

Pakiramdam ko ay unti unti akong nadudurog ngayon. Sinasaktan at pinapatay sa makabagong paraan.

“Seems like you still no have an idea about what Quincy is talking about.” unti unti itong napangisi sa'kin. Walang emosyon lang akong nakatingin sa kan'ya.

“So, you're the motherfucker who is brainwashing them?” malamig na tanong ko. Tumawa ito nang malakas.

“This motherfucker knows everything that you don't.” natatawang saad nito. Naikuyom ko ang kamao ko habang nakatingin sa kan'ya. Para gusto ko nalang hablutin ang gilagid at lalamunan n'ya.

“Dapat sana ay pinabroadcast mo na marami ka palang alam. Sayang, you need to be praised.” sarkastiko kong sagot sa kan'ya.

Tumaas lang ang kilay nito. Sarkastiko rin itong natawa at napailing. “Maldita ka talaga, ano?”

“Wala na bang bago?”

“Well, the twins hates you now, that's new.” nakangisi nitong saad. Humigpit ang kamao ko at gusto ko nalang padapuin 'yon sa nakakainis n'yang mukha.

‘Putangina.’

“Malamang, nilason mo ang isip nila e.”

Tumawa ulit ito. 'Yung tawang nakakainis at ang sarap pasakan ng bibig n'ya.

“It's not my fault why they're mad at you. That's your fault. If you didn't kill their mother, they won't act this way—”

Sa sobrang inis ko ay nasakal ko s'ya. Agad ko s'yang isinandal sa pader at hinigpitan ang pagkakayakap ng mga kamay ko sa leeg n'ya. Dumaing s'ya at pilit tinanggal ang kamay ko sa leeg n'ya. Gigil kong hinigpitan lalo 'yon.

“Putangina mo, ano'ng pinagsasabi mo?! Hindi ko pinatay si Scarlet! Namatay s'ya sa panganganak sa kambal, paanong may kinalaman ako roon?! Ha?! I never met that bitch. And you're telling me I killed her?”

Namula ang buong mukha n'ya at panay bukas sara ng bibig n'ya. Nahihirapan na s'yang huminga dahil sa pagsakal ko sa kan'ya. Pilit n'ya parin tinatanggal ang kamay ko sa leeg n'ya.

Inis ko s'yang binitawan at lumayo. Kinalma ko ang sarili ko. Kailangan kong kumalma dahil baka hindi ko s'ya matantya at mapatay ko s'ya ngayon.

Napa upo s'ya at hinabol ang hininga. Tumayo s'ya at galit na ipinukol ang tingin sa'kin.

“Pinatay mo s'ya! Nang dahil sa'yo namatay s'ya! At kahit kailan, hindi ko manlang nakita sa'yo ang pasasalamat na kinuha mo ang buhay n'ya at inangkin! You murdered her.” bumigat ang paghinga n'ya dahil puno ng galit ang mga salita n'ya. Napansin ko ang pamumuo ng luha sa mata n'ya.

Umiling ako. “Wala akong alam sa sinasabi mo.”

“Malamang! Dahil hindi naman sinasabi ng magaling mong asawa ang mga kagaguhan n'ya!”

Natigilan ako nang makitang tumulo ang luha n'ya.

“Bakit hindi mo alamin ang lahat, Zahra. You deserve to know it. You have every right to know it. Tinatago lang ni Aziel sa'yo ang lahat dahil duwag s'ya. He's a coward, and always been a coward.”

Galit n'yang pinunasan ang luha n'ya at galit na naman ang matang tumingin sa'kin.

“Hindi ka ba nacucurious kung sino ang heart donor mo, Zahra?” tanong nito sa'kin dahilan para kumabog nang malakas ang puso ko.

‘Nandito na naman kami sa topic tungkol sa puso ko.’

“If you're aware of confidentiality of patients and donors, baka magkaroon ka ng hint kung bakit.” sagot ko sa kan'ya.

“No.” itong umiling nang paulit ulit. “No. I know you. Kung gugustuhin mong alamin, gagawin mo. You are Crescent of The Catchers. That's easy for you.” nakangisi nitong saad.

Napatitig ako sa kan'ya dahil sa mga narinig. Sa simpleng sinabi n'ya ay nagsimulang nang magkalkula ng mga pangyayari ang utak ko at pinagtagpi tagpi 'yon.

“Simply because you don't want that heart. You don't want to live at all.” madiing saad nito. “Kung ayaw mo naman na pala mabuhay noon, bakit kailangan mong kunin ang puso ng iba?!” humagulhol ito.

Bumigat ang paghinga ko dahil sa mga naiisip.

“Bakit kailangan mong kunin ang puso ni Scarlet?” galit nitong tanong sa'kin kahit puno na ng luha ang mga mata.

Napaatras ako at napailing nang paulit ulit.

“Sinungaling..”

“Aziel knows it! He knows who's your heart donor is. Dahil s'ya ang dahilan kung bakit nasa iyo ang puso ngayon ni Scarlet... na totoong asawa n'ya.”

Patuloy akong umiling. Nag uulap na ang mata ko dahil sa mga naririnig. Tumatarak lahat ng iyon sa isip ko. Akala ko manhid na ako kanina, pero mas dobleng sakit ang nararamdaman ko ngayon.

“Totoong kasal kayo ni Aziel, Zahra.” napatingin ako sa kan'ya. Puno ng luha ang mukha n'ya at namumula na ang mata at ilong n'ya.

‘Naguguluhan ako.’

“Kasal kayo sa papel. Mag asawa kayo sa papel, Zahra. Your marriage with him is legal and registered. Pero sa papel lang 'yon. Scarlet is the one he married.”

“Anong bang pinagsasabi mo?!”

“He made Scarlet pretend as you! Pinagpanggap nila si Scarlet bilang ikaw. Ikinasal sila pero pangalan mo ang nakasulat sa marriage contract. Sa papel, ikaw ang asawa pero si Scarlet ang pinakasalan.”

‘Tama na. Ang sakit na.’

“Nabuntis si Scarlet sa kambal. Nahirapan s'ya sa pagdeliver oo, but that wasn't her cause of death.” umiling ito kahit na naiiyak. “I found out that you're in the same hospital as hers, taking your medication at naghihintay sa heart donor mo.”

“Tama na..”

“They made Scarlet donate her heart to you.” humikbi ulit ito. “Pinili nilang mas buhayin ka kay'sa kay Scarlet dahil tapos na sila sa paggamit sa kan'ya.” mapait itong tumawa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “And I can see you're living very well now.”

Nanginginig ang mga kamay ko. Napatingin ako roon at nakita ko ang pagdaloy ng dugo mula sa palad ko. Nasugatan na ako sa higpit ng magkakakuyom ng kamao ko.

“Bakit nila ginawa 'yon?” mahinang tanong ko habang nakatingin sa palad ko.

Tiningnan ko ang pagdaloy ng dugo papalabas sa'kin ang hanggang sa tumulo na ito sa sahig. Napakapula ng dugo at buhay na buhay kung titingnan. Kabaliktaran sa nararamdaman ko ngayon. Para akong pinatay sa mga narinig.

“It's the King's order.” napaangat ako ng tingin sa kan'ya. “Ayaw na nilang maging citizen ng bansa nila because of the current King's abusive authority. The King doesn't want them to let go that easily. He gave order to Aziel's parents and yours na pagtuntong mo ng ika-18, which is the legal age to finally marry someone, you have to marry Aziel.”

‘Ang Hari na naman.’

“That is his condition to let them go. Pero ayaw ng mga magulang mo na ikasal ka. Hindi nila hinayaang lumaki ka sa bansang pinanggalingan nila dahil ayaw nga nilang gawin ang utos ng Hari. But they have to gambit in order to get their freedom. At doon na nga nangyari ang pagpapanggap and the rest is the story. Now, they're probably reaching you out because they need you.”

Hindi na ako sumagot sa kan'ya. Masyado na akong maraming nalaman. Hindi na kinakaya ng utak ko. Binugbog na naman ang mental state ko. Nawalan na naman ako ng gana sa lahat. Masyadong masakit at nakakamanhid. At hindi ko alam kung paano na uusad nito pagkatapos.

“That's why the twins has the every right to get mad at you. Because Scarlet died giving her heart to you.” madiin nitong saad. “I am mad because you took the most important person to me. You killed Scarlet. You killed my best friend. You killed the only family I have. And I will make sure you'll go through hell because of it.”

Walang emosyon at puno ng lamig ang mga tingin na ipinukol ko sa kan'ya. Unti unti akong lumapit sa kan'ya. Hindi s'ya natinag sa kinatatayuan. Inilapit ko ang mukha ko malapit sa tenga n'ya.

“You should've stayed on your burrow and just continue doing your dirty jobs in the dark. You will regret showing yourself on me.” napalingon ako sa kan'ya. Napangisi ako nang makitang lumunok s'ya at naglaro ang mga mata sa kaba. “I won't go through hell, I'm done on that level. I will bring you the hell instead. So bear yourself very well, because I'm not an easy adversary.”

Tumayo ako nang maayos at tiningnan s'ya. Nilagpasan ko s'ya at tuluyan nang lumabas ng penthouse ni Aziel. Sumakay na ako ng elevator at tuluyan nang nilayasan ang mismong building.

Sumakay ako ng taxi papauwi sa apartment. Buong byahe akong tahimik. Paminsan minsan ay kinakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang umiyak at humikbi. Kahit nananakit na ang lalamunan ko ay mas pinili kong huwag umiyak.

Andaming masasakit na nangyare ngayong araw. Pinagsisisihan kong bumalik pa ako roon para lang mahanap ang mga magulang ko. Ang babaeng kinamumuhian ko pa ang makakasagot sa lahat ng tanong ko. At hindi ko rin nagustuhan ang mga nalaman ko.

Sinong matutuwa na mapaglaruan?

Mapait akong natawa para ibsan ang sakit.

Galit sa'kin ang mga anak ko. Sinisisi nila ako sa pagkamatay ni Scarlet. Wala na atang mas sasakit pa roon.

“You killed our mother. If wasn't because you, we are maybe the happiest family right now. We won't experience traumatic events in our life if only our real mother was alive.”

“I hate you. I hate calling you Mama. I hate everything about you.”

Paulit ulit akong sinasaksak habang paulit ulit ang mga linya na 'yon sa utak ko.

“Simply because you don't want that heart. You don't want to live at all. Kung ayaw mo naman na pala mabuhay noon, bakit kailangan mong kunin ang puso ng iba?!”

“Bakit kailangan mong kunin ang puso ni Scarlet?”

‘Kasalanan ko ba 'yon? Hindi ko naman alam e.

Katulad ni Scarlet ay pinilit lang din nila akong mabuhay. Ngayon alam ko na kung bakit isinalba nila ako. Dahil mas kailangan nga naman ang totoong Zahra kay'sa sa peke.

Nagsisimula nang umusbong ang pakiramdam na akala ko matagal ko nang naibaon. Itinapat ko ang palad ko sa dibdib ko at pinakikiramdaman ang tibok ng puso ko. Malakas 'yon pero parang wala nang buhay. Parang tumitibok nalang dahil kailangan.

‘Ayoko nito. Ayoko nito. Itanggal n'yo 'to sa'kin. Ayoko nito.’

Nakakapagod na ang buhay ko. Simula noong bata ako ay hindi tumatagal sa'kin ang kasiyahan. Una ay bibigyan ako ng rason para mabuhay. Kapag ayos na ay kukunin naman sa'kin ang rason na 'yun at ipaparamdam na naman sa'kin na nakakapagod ang mundo. Pagkatapos ganon ulit, bibigyan at babawian ng rason para mabuhay. Nakakapagod.

Dinama ko ang puson kong hindi pa malaki. Ito na naman ang panibagong rason para mabuhay. At natatakot na akong babawiin din s'ya sa'kin. Natatakot na ako.

‘Please, I'm begging, God. Just this time don't take this away from me. Hindi ko na kakayain kapag ganon.’







jasv | @awesomejasvi

Continue Reading

You'll Also Like

412K 9.3K 49
Highest rank: Secretagent #1 action-adventure #5 Genre: mystery crime/romance Keith Louisse de Garcia was a woman who grew up in wealth but acted as...
72K 1.3K 24
Like a Promise WIFE SERIES COLLABORATION Genre: General Fiction Status: COMPLETE A collaboration under PaperInk Imprints Marriage isn't the end of ha...
2.1K 169 38
"Back off. I'm not anyone's green flag." - Anaya Elona Rabrigoza Kasama na ni Elona si Paris simula kindergarten, sa dugyot days, sa childhood m...
1.1M 29.7K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...