The Assassin Servant (Under I...

By Chomipinky

1M 20K 6.7K

Obsession series #1 The story revolves around Venezio, a skilled assassin driven by a desire for vengeance. A... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanaba 16
Kabanata 17
Kabanata 18🔺Warning🔺
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28 🔺Warning🔺
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling kabanata
Main Characters

Kabanata 42

15.1K 354 90
By Chomipinky

Ang dami nilang pangako sa anak ko, kapag walang totoo jan, isa isa ko silang sasapakin.

Mayaman naman silang lahat, maniningil na lang ako.

Huminga ako ng malamin ng nasa tapat na ako ng bahay, maraming tawag ang nakatanggap ko galing kay Dad pero hindi ko sinasagot ang tawag nya.

Haharapin ko sya mag-isa. Hindi dapat ako matakot sa kanya pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko dahil sa kanya.

Binuksan ko ang pintuan ng bahay at pumasok na rin, naglakad ako papunta sa living room kung saan palagi nakatambay si Dad kapag wala syang trabaho.

"Saan ka galing Oniria? Ilan beses akong tumawag sayo pero hindi ka sumasagot"tumayo sya at lumapit sa'kin.

Pinanatili ko ang matapang na titig ko sa kanya.

Halos hindi ako kumukurap.

"Bakit ganyan ang tingin mo sa'kin, Oniria?"kumunot ang nuo nya.

Umatras ako para mapalayo sa kanya.

"Stop pretending, dad! na wala kang alam sa pagkawala ng anak ko,"kita ko ang gulat sa mata nya pero napalitan rin agad.

"What are you talking about, Oniria?"namulsa sya sa harap ko.

Pumikit ako sandali, bahala na kung ano man ang mangyari.

"Paano mo nagawa sa'kin lahat ng to, Dad? Buong buhay ko, binigay ko ang tiwala ko sa'yo dahil akala ko magiging sandalan kita sa lahat,"hinintay nya ang susunod kong sasabihin"pero nagkamali ako sa pagkakakilala sa'yo"

"Alam mo na rin ang lahat?"paano nya nagagwang umasta na parang wala lang sa kanya ang lahat.

"Oo, alam kong pinakulong mo si Venezio ng tatlong taon at utusan syang hiwalayan ako, pero alam mo 'yun masakit, Dad? Sarili kong anak nagawa mong ilayo sa'kin"pinipigilan kong wag maluha.

Huminga sya ng malamin.

"Ginawa ko lang 'yun para sa ikabubu-"agad ko syang pinutol.

"Ikabubuti?,"pinipigilan kong wag matawa,"kailangan pa naging mabuti lahat ng desisyon mo sa'kin? Tangin ang sarili mo lang ang iniisip mo"malakas na sigaw ko.

Nagsimula na rin mag bago ang aura nya, kita ko ang pagkuyom ng kamao nya.

"Sarili mo ang iniisip ko Oniria, kaya ko linayo ang anak nyo dahil hindi makakabuti para sa'yo si Venezio"

Huh!

Alam kong ayaw nya kay Venezio para sa'kin pero hindi 'yun sapat na dahilan para ilayo nya ang anak ko.

"Hindi matutuwa ang anak nyo kapag nalaman nyang nakulong pala ang tatay nya"dugtong nya pa.

Ginulo ko ang buhok sa sobrang inis ko.

Naiiyak na ako sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon.

"Hindi nyo man lang iniisip ang mararamdama ko, halos mabaliw na ako ng mawala ang anak ko pero pinili nyo pa rin itago ang anak ko, ang sama mo,"sigaw ko"napaka sama ng ugali mo, sana hindi na lang kita naging dadd-"hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng tumama ang malakas na sampal ni Dad sa kanan pisngi ko.

Napasalampak ako sa sahig.

"Xavier"sigaw ni mom ng makita kami.

Agad syang tumakbo papalapit sa'kin at tinulungan akong tumayo, bumuhos ang luha sa mata ko.

"Hindi ko sinasady-"

Hawak ko ang kanan pisngi ko, mukhang mamaga pa.

"Anong ginawa mo sa anak natin, Xavier?"sigaw ni mom.

"Hindi ko nacontrol ang sarili ko, Oniria! I'm sorry"sinibukan nyang lumapit pero umatras ako.

Hindi na sya ang kilala kong dad, hindi naman sya ganito noon pa, his a good father pero hindi ko alam kung bakit sobrang daming nagbago sa kanya.

"Stop calling me, Oniria! Kalimutan mo ng naging anak mo ako"sabi ko at tinalikuran sila.

"Blare"pareho ni lang tawag sa'kin pero hindi ako nakinig.

Pumasok ako ng kwarto ko at nilock ang pintuan, kinuha ko rin ang malaking maleta ko at nilagay ang ibang gamit ko.

Ayoko ng tumira dito.

Pagod na pagod na akong umintindi sa ugali nya, galit na ako kay Dad.

"Blare"rinig kong tawag ni Mom sa'kin sa labas.

Hindi ako sumagot at tinuloy ang pagpasok ng mga gamit ko sa maleta.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na rin, ayokong mahanap nila ako.

Ayokong tumira kay Bryle dahil madali lang nila ako mahahanap.

Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko sa maleta, binuksan ko na rin ang pinto ng kwarto ko.

Kita ko si Mom na patuloy sa pag-iyak.

"Blare, wag mo kaming iwan"pag-pigil nya sa'kin pero hindi ako nakinig.

Ayokong umiiyak pero nahahawa na ako.

Walang mangyayari maganda kung palagi na lang ako dito sa bahay at kontrolin lang lahat ng desisyon ko.

Huminto ako sa harap nya.

"Tatawag pa rin ako sayo, Mom"gusto ko lang talaga lumayo kay Dad.

Inipit nya ang buhok kong nakaharang sa mukha ko.

"Take care honey, gagawin ko ang lahat, bumalik lang ulit sa dati ang daddy mo"patuloy ang pagbuhos ng luha sa mata nya.

Tumango ako.

Gusto kong ibalik 'yun daddy na palagi lang masaya at walang ibang iniisip kung hindi ang makakabuti para sa pamilya namin.

Pagbaba ko naabutan ko syang nakaupo sa sofa.

"Balang araw pagsisihan mo rin lahat mg desisyon mo at marealize mong tama lahat ng desisyon pinili ko para sayo"sigaw nya.

Tumigil ako at liningon nya.

"Sana magawa mo yan para sa'yo, dad"ani ko at lumabas na rin ng bahay.

Pumara ako ng taxi, sinandal ko ang sarili ko.

Wala akong pagsisihan sa desisyon ko, sarili ko naman ngayon ang iisipin ko.

Tumigil ako sa hospital, nagtataka ang mga tingin ng mga tao sa'kin dahil sa laki ng dala kong maleta.

Hindi ko na lang sila pinansin at pumasok kung saan naka confine ang ang anak ko.

"Blare"gulat na tawag ni Bryle sa'kin, halos tumakbo na sya sa paglapit at hinaplos ang pisngi ko.

"Nauntog lang ako"inalis ko ang kamay nya.

"Walang nauuntog ng-"hindi nya natuloy ang sasabihin ng bigla akong hapitin ni Venezio sa bewang ko. Napalingon ako sa kanya.

"Did he slap you?"sinuri nya ang pisngi ko, iiwas sana ako ng tingin ng hawakan nya ang pisngi ko.

Inalis ko ang kamay nya.

"Nauntog lang sabi ako"lalayo na sana ako pero ayaw nya akong bitawan.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa sobrang lapit namin dalawa.

"Wala na syang ginawang tama"inalis nya ang kamay sa bewang ko.

Sinundan ko sya ng tingin ng lumabas sya.

Asan na naman sya pupunta?

Muntik na akong mapatalon ng may kamay na pumatong sa balikat ko.

"Galit na galit ang boyfriend mo"sabi ni Bryle.

Sinamaan ko sya ng tingin, buti na lang tulog si Stella.

Hindi ko Boyfriend si Venezio, matagal na kaming tapos.

-

Akala ko umalis si Venezio pero kumuha lang pala sya ng ice cube at linagay sa malinis na tela, dinampi nya 'yun sa pisngi ko.

Hindi na rin naman masakit.

Namula lang dahil sa lakas ng sampal nya sa'kin.

"Hindi mo dapat hinarap mag-isa ang daddy mo"

"He's not my dad, anymore"inis kong sabi.

Nakakainis sya, wala na syang ginawa kundi paki alaman ang gusto ko.

Paano ako sasaya kung may mga taong pinipigilan ako sa gusto ko.

Linayo ko ang tela sa pisngi ko. ang lamig na.

"Asan mo balak tumira ngayon?"singit ni Bryle sa usapan.

Hindi ko alam, kung titira naman ako sa apartment kasama ang anak ko, hindi rin papayag si Venezio na hindi makita si Stella.

Magsasalita sana ako ng unahan nya ako sa sasabihin.

"Sa condo ko"ani ni Venezio.

Napanganga ako sa sagot nya.

Wala kaming relasyon, baka ano pa ang isipin ng mga tao sa'min kung magsama kami sa iisang bubong.

"May apartmen-"hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng sumingit ulit sya.

"May anak na tayo Blare, sa tingin mo ba gusto ng anak mong mapalayo ka ulit sa kanya?"seryoso nyang ani.

Hindi ako nakapagsalita, wala na akong magagawa, naglayas ako. Panindigan ko na.

Makakauwi na rin kami ngayon araw, magaling na rin naman si Bryle. Naiwan ako kasama ang anak ko dahil hinatid ni Venezio si Bryle pauwi sa bahay nya.

Ako sana ang maghahatid pero nagpresenta na si Venezio.

Tuwang tuwa na tumatakbo si Stella.

"Baby! Be careful ba ka madapa ka"ani ko.

Tumakbo sya papalapit sa'kin at yumakap sa tuhod ko.

"I love you, m-mommy!"tuwang tuwa nyang sabi at siniksik pa ang sarili.

Ang cute nya.

I will do everything para sa anak ko, i'm not perfect pero kakayanin ko.

Hinayaan ko na lang sya sa paglalaro, ilan sandali pa dumating na rin si Venezio para sunduin kami ng anak ko.

Dala ni Venezio ang malaking maleta ko, habang hawak ko naman si Stella para hindi mawala sa'kin. ang kulit nya, natatakot ako na baka mawala ulit sya sa'min.

Sa backseat pinasok ni Venezio ang maleta ko, pinagbuksan nya rin kami ng pinto ni Stella.

Inupo ko si Stella, sabay namin tiningan si Venezio na lumibot para makapasok.

"Be a good girl, Stella!"ani nya at ginulo ang tutok ng buhok ng anak nya.

Tumango tango naman sya.

Hindi pa kami nakaka-alis ng makatulog sya sa bisig ko, hindi mawala ang ngiti ko habang tinitingnan ang anak ko.

Binuhay ni Venezio makina at pinatakbo na rin ang sasakyan.

Walang nagsasalita sa'min dalawa hanggan sa makarating kami.

Unang lumabas si Venezio.

Binuksan nya ang pinto ng sasakyan sa tabi ko at dahan dahan kinuha si Stella para hindi magising.

Ingat na ingat sya sa ginagawa.

"Babalikan ko na lang ang maleta mo"mahina lang ang boses nya.

"Kaya ko naman-"

"Ako na ang magdadala"pagputol nya sa'kin.

-

Linibot ko ang tingin sa kwarto ni Stella, hindi mawala ang pagkamangha ko ng makita ang mga gamit na pinamili ko para sa kanya.

Hindi ko inaakala na magagamit nya pa rin lahat, nakakatuwang isipin.

"Take a rest, alam kong pagod ka pa"sinundan ko sya palabas.

Hinatid nya lamang ako sa kwarto pero agad din sya lumabas para balikan ang maleta ko.

Umupo ako sa kama.

Hindi ko mapigilan hindi humikab, ilan minuto lang ang tulog ko kanina.

Sinubukan kong umidlip mo na, mabigat na ang katawan ko dahil sa pagod ko.

Naramdaman kong may pumatong sa'kin kumot, gusto kong imulat ng mata ko pero malalim na talaga ang tulog ko.

Gusto kong pagsisihan ni Dad lahat ng ginawa nya, at hayaan na lang ako sa anumang gusto ko.

Ang sigla ng katawan ko ng magising na ako.

Lumabas ako ng may marinig akong nagtatawanan.

Sumandal ako at pinanood si Venezio at Stella na nagkikilitian.

"What do you want for dinner, baby? Lulutuin ni daddy lahat ng gusto ng baby nya"hinalikan nya ang nuo ni Stella.

Nakakalambot silang panoorin.

"Chicken"sigaw ni Stella.

Ginulo ni Venezio ang tutok ng buhok ng anak ko.

"Ask your mom, kung ano ang gusto nyang lutuin ko para sa kanya"nagulat ako ng ituro ako ni Venezio.

Naglakad palapit si Stella sa'kin, kinalabit nya ang tuhod ko.

Bumubuka lang ang bibig nya at mukhang hindi alam ang sasabihin.

"Anything, Baby!"ani ko at pinagpantay ang tingin namin pero tinalikuran nya agad ako.

Huminga ako ng malamin, mukhang close talaga ang dalawang to.

Lumapit ako sa kanila.

"Ako na ang magluluto"presenta ko

Liningon ako ni Venezio at tinaasan ng kilay.

Hindi na ako naglalagay ng lason ulit sa mga luto ko.

"Are you sure?"mukhang nag-aalinlangan pa.

Huling luto ko sa kanya, sumakit lang ang tyan nya, mahirap naman talaga ako pagkatiwalaan.

"Yes! nag-aral na ako, kung paano magluto"sabi ko.

"Then, maghihintay na lang kami ng anak mo"

Tumango ako, pumunta sila ng living room para manood na lang ng Tv.

Kumuha ako ng mga ingredients sa ref, i want to cook adobo.

Hindi na ako nagagandahan sa mga kulay.

Sinuot ko ang apron at nagsimula na rin magluto.

-

Pagkatapos kong magluto, linapag ko na lahat sa dinning para makakain na lang ang dalawa.

"Halina kayo"tawag ko sa dalawa.

Agad naman silang lumapit, tinitigan ni Venezio ang luto ko, may trust issue pa rin talaga sa'kin ang lalaking to.

Pinaglagyan ko ng adobo ang pagkain ni Stella.

Unang tumikim si Stella, pinapanood muna ni Venezio ang bata bago sumunod.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para hintayin ang sasabihin nya.

"I like it! Ang sarap!"sabi nya at pinagpatuloy kumain.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nya.








Continue Reading

You'll Also Like

143K 2.1K 42
WARNING: Mature Content. Read at your own risk. Started: November 26, 2022 Completed: January 1, 2023 I dropped on my knees then held her hand. "Oh...
676K 19K 53
Charles Sandoval is the long-time crush of Clarisse Villanueva. She didn't go to States with her family just to be with Charles Sandoval. She decided...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
149K 3.6K 29
An accident caused her to lose her virginity to him. After six months of hiding, pregnant Amelié sees her baby's father again and reappeared back int...