The Assassin Servant (Under I...

Από Chomipinky

1M 20K 6.7K

Obsession series #1 The story revolves around Venezio, a skilled assassin driven by a desire for vengeance. A... Περισσότερα

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanaba 16
Kabanata 17
Kabanata 18🔺Warning🔺
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28 🔺Warning🔺
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling kabanata
Main Characters

Kabanata 39

14.1K 358 161
Από Chomipinky

Napansin kong hindi mawala ang tingin ni Bryle sa cellphone nya.  lumapit ako at sinilip kung ano ang ginagawa nya.

Kumunot ang nuo ko ng makitang tinitingnan nya ang picture ni Chantel.

"What do you think your doing?"gulat nyang tinago ang cellphone at liningon na ako na parang walang nangyari.

I glared at him.

"Do you like Chantel?"hinihintay ko ang sagot nya pero tinapik nya lang ang balikat ko.

"Mind your own business, Blare"ani nya

Sa sobrang inis ko, sinipa ko ang tuhod nya. Napaluhod naman sya at masamang tumingin sa'kin.

"F*ck!"pilit nyang tumayo habang hawak ang tuhod nya.

Linampasan ko sya na para bang walang nakita, kaya nga hindi kami pwede dahil araw araw kaming mag aaway kapag kami ang nagkatuluyan.

"Kung hindi ka lang anak ng-"pinutol nya ang sasabihin ng lingonin ko sya.

"Anak ako ng?"

"Anak ka ni Tito"napakamot sya ng ulo.

We're not kids anymore but he's still acting like a kid.

Nag-iinit ang dugo ko sa kanya.

"Maghanap ka nga ng girlfriend mo. Wag mo akong kulitin palagi"umupo ako sa sofa.

Tumabi naman sya.

Nandito kami sa bahay nya, dito na ako dumiretso matapos kong ihatid ang painting.

Kaya ba talaga nakipag hiwalay sa'kin, noon si Venezio dahil may nabuntis syang babae?

Stop thinking Blare! matagal ng tapos ang lahat. May sarili na rin syang pamilya.

Gagawa palang ako pero hindi ko lang alam kung kanino, what if bumalik ako sa china para maghanap ng lalaking mapapangasawa? Pero panget naman kung hindi ko mahal.

Makikita ko lang ang pamilya ko doon. Mas maganda pa rin dito sa pilipinas kahit ang daming manloloko na lalaki.

Pinatong nya ang ulo sa balikat ko, hindi ako gumalaw ng makitang pinikit nya ang mata.

Maybe he's tired, ang dami nyang trabaho.

Susuportahan ko pa rin kapag inamin nyang may gusto talaga sya kay Chantel, wala naman problema. ang magiging problema lang kapag hindi sya gusto ni Chantel.

Kawawang Bryle sawi ulit sa pag-ibig.

Ilan araw na rin ang lumipas, nagkulong ulit ako sa bahay para matutong magluto.

Hindi ko rin nalilimutan uminom ng gamot.

Ang dami kong pinagdaanan simula ng macomatose ako.

Kaya ako takot sa dugo dahil noon bata palang ako, nagkaroon na rin ng malaking trahedya ang pamilya ko.

Muntikan na rin mamatay si Dad sa kamay ng mga kalaban nya, i was there. Nakita ko lahat.

Kung paano hampasin ng paulit ulit si dad, maraming dugo ang nawala sa kanya pero ang kinatatakutan ko ng buhusan nila ng isang timbang dugo si Dad.

I'm afraid of Blood dahil doon. bata pa lang ako ng mangyari ang bagay na 'yon.

Sa tuwing nakakakita ako ng dugo nawawalan ako ng malay. kapag nasusugatan ako pumipikit na agad ako para hindi ko na makita pa.

Living my life is like a hell. Walang kwenta.

Nag-ayos lang ako ng sarili, gusto ko mapag-isa ngayon pero hindi dito sa bagay.

Buti na lang wala si dad, mukhang nasa office sya ngayon.

Walo ang sasakyan dito sa bahay. pinili kong gamitin ang kotse ni Mom, binigay naman nya sa'kin ang susi.

Wala na akong tiwala sa sasakyan ko, palagi na lang ako pinapahamak.

Gusto ko pumunta ng luneta dahil maraming bata doon, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.

Naging hilig ko na rin manood ng mga batang naglalaro.

Iniisip ko pa rin hanggan ngayon ang anak ko? Kumusta na kaya sya? Inaalagaan ba sya ng mga taong nakakuha sa kanya? Ang daming tanong sa isip ko.

Kahit hindi ko na sya makita basta malamang ko ng inaalagaan sya ng mabuti. magiging maganda na rin ang pakiramdam ko.

Hindi mawala ang ngiti ko habang nakatingin sa mga batang naglalaro.

Bumaba ang tingin ko sa paanan ko ng makita ang maliit na bola, pinulot ko 'yon at tiningnan.

Lumapit ang batang babae sa'kin.

I was shocked when i saw Stella, tumingin ako sa paligid para hanapin kung may kasama ba sya.

Mukhang hindi pa naman talaga sya marunong magsalita.

Tinuro nya ang hawak ko.

Umupo ako at pinagpantay ang tingin namin.

"Asan ang daddy mo?"tanong ko at inipit ang hibla ng buhok nyang nakaharang sa mukha nya.

Umiling lamang sya bilang sagot.

Inabot ko naman ang maliit na bola na hawak ko, tuwang tuwa naman nyang kinuha, nagulat ako ng halikan nya ang pisngi ko.

Damn!

Bakit tuwing malapit ako sa batang to. bumibilis agad ang tibok ng puso ko?

Wala naman kaming dugong dumadaloy sa isa't isa.

Pero anong ibig sabihin ng nararamdaman ko tuwing malapit sya sa'kin? F*ck!

Pinaglaruan nya sa harap ko ang bola na hawak.

Lumambot ang puso ko ng makita ang ngiti ni Stella, ganito ba talaga ang pakiramdam kapag may anak na ang ex mo? Huh!

Kung ano-ano na ang pinag-iisip mo Blare.

Imbes na panoorin ko ang ibang bata, nakatutok lang ang tingin ko kay Stella, natatakot ako na baka mawala sya sa paningin ko.

"Stella"naagaw ng pansin ko ang babaeng papalapit sa'min.

Tumayo naman ako at sinalubong si Miss. Wilson.

Kita ko ang gulat sa mata nya pero agad rin napalitan ng makita si Stella.

"Sorry Miss. Villarreal kung naabala ka pa ni Stella"yumuko sya bilang pagpapaumanhin.

"No, it's fine, wala naman sa'kin yun"ani ko.

Nginitian nya ako.

"Stella"tawag nya sa bata pero sya nito pinansin.

Tumayo si Stella at yumakap sa tuhod ko.

"Hindi ko sya pinapalo Miss.Villarreal, hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw nya sa'kin ngayon"pagpapaliwanag nya

Linayo ko ng kaunti si Stella.

"Sumama ka na sa Mommy mo, Stella"mahinahon kong sabi.

Tinitigan nya ako sa mata. Manang mana nga sya kay Venezio.

"Baby! Come here"

"Mommy"nanlaki ang mata ko ng tawagin nya ulit ako ng mommy.

Nagkatitigan kami ni Miss. Wilson, kita ko ang paglunok nya at pag iwas ng tingin sa'kin.

"Baby, i'm not your mommy"umiling lang ang bata.

"Come here Baby, Baka hinahanap na tayo ng daddy mo"kinuha ni Miss. Wilson ang bata sa'kin.

Wala ng nagawa si Stella kahit ayaw nya pang lumayo sa'kin.

"Sorry talaga sa istorbo Miss. Villarreal"ani nya.

Tumango lang ako at sinundan sila ng tingin hanggan sa mawala sila sa paningin ko.

Sana anak na lang kita Stella.


Pagkatapos kong manood ng mga bata, pumunta ako ng office. ang tagal ko na rin hindi nadadalaw sa opisina si Dad.

Maraming nagbago sa mga design.

Bumati sa'kin ang mga staff nya. dahil ako si Blare hindi ko na rin naman sila pinansin.

Badtrip ako at wala naman maganda sa good na 'yan.

Binuksan ko ang pintuan, kita ko si Dad na nagbabasa ng mga documents.

"Oniria"tawag nya.

Hilig nya talaga akong tawagin sa Second name ko kapag kaming dalawa lang ang magkasama.

Nilapag ko ang gamit sa table nya. umupo ako at sinandal ang sarili, I'm tired.

"Anong gusto mo?"he asked.

"Anything, basta naiinom"sagot ko.

Tumawag sya sa secretary para sabihin ang gusto ko, ilan sandali pa dumating na rin ang drinks na binili nya para sa'kin.

"Dad"liningon ko sya habang umiinom ng drinks.

"Hmmmm"

Nilapag ko sa harap nya ang drinks na iniinom ko. Nagtama ang tingin namin

"Maganda ba ako?"tanong ko.

He sighed.

Hindi naman ako magbibiro sa tanong ko.

"Gwapo at maganda ang gumawa sayo Oniria. sa tingin mo ba panget ang kakalabasan?"nag cross arms sya sa harap ko.

Tumango tango lang ako, he's right.

Tumayo ako at kinuha ang gamit ko, sinundan nya ako ng tingin.

"May pupuntahan lang ako, wag mong balakin pasundan ako sa mga tauhan mo"pagbabanta ko.

"Do whatever you want, Matanda ka na rin,"sinamaan ko sya ng tingin.

Ilan taon na nga ba talaga ako? Ganito ba kapag matanda na nalilimutan na rin kung anong edad? Stop Blare! Kung ano ano naman ang pumapasok sa utak ko.

Pumasok ako ng sasakyan at binuhay na rin ang makina, ang dami kong naiwan gamit sa condo ni Venezio, sigurado naman ako na wala na rin sya doon.

Iisang bahay lang naman ang tinitirahan nya kasama ang girlfriend nya. wala naman akong nakitang singsing sa kamay nilang dalawa,  So malamang hindi pa sila kasal.

Hininto ko ang sasakay sa tapat ng building. Umihip ang malakas na hangin paglabas ko.

Naglakad ako papasok, buti na lang wala akong kasabay ng pumasok ako ng elevator.

Nagpabuga ako ng hangin, sana lang hindi nya pinalitan ang password.

I started typing the password, kinakabahan pa ako baka pinalitan nya.

976437

"Good boy"sumilay ang ngiti sa labi ko ng mabuksan ko ang condo.

Linibot ko ang tingin, hindi pa rin nya pinapalitan ang mag design ng kwarto, ganun pa rin ang lahat.

Kumunot ang nuo ko ng makitang may mga prutas pa rin nakalapag sa table.

F*ck!

Ibig sabihin tinitirahan nya pa rin ang condo hanggan ngayon.


"Blare?"rinig kong boses ni Venezio galing sa likod ko.

Para akong binagsakan ng langit at lupa, dahan dahan ko syang liningon. Mapait akong ngumiti.

"What are you doing here?"namulsa syang naglalakad papalapit sa'kin habang salubong ang kilay nya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Akala ko hindi-"pinutol nya ang sasabihin ko.

"This is my condo Blare, baka nakakalimutan mo"

Oo nga pala.

Huminto sya sa paglapit sa'kin.

"Wala akong intensyon Venezio, pumunta lang ako dito para hanapin ang ibang gamit ko"

"Nasa kwarto ang mga gamit mo, tinago ko. alam ko naman babalikan mo pa rin"ani nya.

Nanlaki ang mata ko ng pumasok si Stella, tumakbo sya papalapit kay Venezio pero hindi na nacontrol ang sarili kaya nabunggo nya ang daddy nya.

"Stella"natatawang binuhat ni Venezio ang bata at pinaghahalikan ang pisngi ni'to.

Tuwang tuwa naman si Stella at hindi mapigilan hindi makiliti sa ginagawa ng daddy nya.

"Daddy,"tinigil ni Venezio ang ginagawa ng mapatingin sa'kin.

Parang pinipiraso ang puso ko, paano kung nabuhay ang anak namin noon? Kitang kita ko sa kanya ang pagmamahal nya kay Stella.

Binaba nya si Stella.

Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng luha ko, ang sakit pa rin talaga.

Ayokong magdrama sa harap nya pero naalala ko ang anak kong hindi ko man lang nahawakan.

Sa ilan taon na lumipas. Akala ko kaya ko lahat, pero pagkatapos kong makita si Venezio kung paano nya itrato ang anak nya bumalik sa'kin ang lahat.

"Blare"akmang lalapit sya ng agad ko sya pigilan.

"I'm fine, napuing lang ako,"pagdadahilan ko, hindi naman sya maniniwala sa sinabi ko.

Lumapit si Stella sa'kin.

Umupo ako at pinagpantay ang tingin namin, salubong ang kilay ko ng mapansin mapula ang mata ni Stella.

Nagpunas ako ng luha. kinapa ko ang nuo nya pero agad kong inalis ng maramdaman sobrang init nya.

"V-Venezio"tawag ko.

"May proble-"hindi nya natuloy ang sasabihin ng biglang bumagsak sa'kin si Stella.

"Stella"sigaw ni Venezio, kinuha nya sa'kin ang bata at hinaplos ang nuo nya.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa sobrang taranta ko.

Nagmadaling lumabas si Venezio habang buhat si Stella, sumunod ako sa kanila.

"Damn! I forget my key"babalik pa sya pero agad ko na syang pinigilan.

"Kotse ko na lang ang gamitin para mas madali, ang taas ng lagnat ni Stella"

Tumango sya, pumunta kami ng parking lot kung saan nakapark ang sasakyan ko, inabot ko sa kanya ang susi.

Nagmamadali syang pumasok ng sasakyan, hawak ko si Stella.

Akala ko okay lang sya kanina dahil hindi ko naman napapansin ang ibang galaw nya.

Mabilis ang takbo ni Venezio.

"Relax! Mas layo tayong mapapahamak kapag may nangyari dito sa daan"pagpapakalma ko.

Akala ko hindi nya ako susundin, bumagal ng kaunti ang takbo ng sasakyan.

Binalik ko ulit ang tingin kay Stella na mahimbing na natutulog.

Pagdating namin ng hospital agad nagsilapitan ang mga nurse.

-

Pabalik balik lang si Venezio sa harap ko, simula ng dumating kami dito sa hospital hindi pa rin  sya umuupo.

"Blare"tawag nya.

Tumayo ako.

Nagulat ako ng bigla nya akong higpitin papalapit sa kanya pero ang mas lalong nagpagulat sa'kin ng yakapin nya ako.

Wala na akong marinig sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.




Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

1.8M 36.7K 31
The hiring process is now officially open. Are you interested in applying to be Treivhor Conzego's wife? He is a cold yet carrying single dad and a t...
191K 2.8K 26
Under Editing but Daily Update! ... Sa ilang taon na panunungkulan ni Laxon Ace Montemayor bilang Governor ay malaki na ang naitulong niya sa lalawig...
931K 32K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
86.4K 1.4K 19
| LIGHT FAST PACE ROMANCE FICTION | Caleb Raixon Montemayor ay ang Mayor ng Sta Rosa at nasa ikalawang termino na siya nito. Kilala siya bilang isang...