On His Painful Cage | COMPLET...

By Lorenzo_Dy

40.9K 673 24

Ang tanging alam n'ya lang ay asawa siya ni Conrad, ang lalaking puno ng galit at pagkamuhi sa kanya sa hindi... More

WARNING
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue

Chapter 03

1.5K 34 1
By Lorenzo_Dy

"Bakit merong baril si Conrad?"

Nanginig ako at tila binuhusan ng malamig na tubig, kakaibang takot ang nararamdaman ko habang nakatingin sa baril. Naitukod ko ang mga kamay ko sa mesa at muling isinarado ang drawer. Sinubukan kong humakbang pero bigla na lang akong napa-upo sa sahig at napahawak sa swivel chair dahil sa tila nawalan ako ng lakas at nangatal din ang mga kamay.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko, luha ng galit at takot, hanggang sa mapahawak ako sa aking sintido at mapapikit. Parang may mga naririnig akong boses sa utak ko hanggang sa may mga imaheng lumabas.

"Mas gusgustuhin ko pang mamatay kaysa makuha mo ang gusto mo!" Umiikot ang paningin ko habang umaatras sa ibabaw ng kama dahil sa alam ko ang binabalak niya!

"Don't make it hard for me, may makukuha ka rin naman pagkatapos nito." Kahit lumalabo ang paningin ko at unti-unting nilalamon ng antok, naaaninagan ko pa rin ang paghubad nito ng suot pang-itaas.

"Hayop ka! Hindi ako papayag na makuha mo ang gusto mo! Sisirain ko ang pangalan mo! Agh!" Isang malakas na sampal ang binigay nito sa 'kin na ikinahulog ko pa sa kama dahil sa lakas ng pagkakasampal nito.

"Mas madali kong masisira ang pangalan mo dahil ako rin ang unang nagbigay ng kinang sa pangalan mo! Nakalimutan mo na ba?!" Nalasahan ko ang dugo mula sa labi ko, at kahit nanghihina ang katawan ko dahil sa kung anuman ang itinurok nito sa 'kin kanina bago nito ako dalhin dito sa loob ng kwarto, pinilit ko pa ring tumayo at inabot ang lampshade.

"Sige! Subukan mong lumapit sa 'kin!" Banta ko habang nakaambang ihagis ang lampshade rito. Ngumisi lang ito at umiling bago may kunin sa ilalim ng unan.

"Pick one, you will give yourself to me or I will put a bullet on your head?" Humigpit ang pagkakahawak ko sa lampshade dahil sa galit at takot matapos nitong maglabas ng baril.

"Mas gusgustuhin ko pang mamatay." Nangilid ang mga luha ko dala ng galit sabay hagis ng lampshade na naiwasan naman nito. Kinuha ko ang pagkakataon na tumakbo palapit sa nakasaradong pinto sa kabila nang matinding pagkahilo na nararamdaman ko. "Agghh!" Sigaw ko dahil sa naabutan ako nito bago ko pa man mahawakan ang doorknob ng pinto at higitin ako sa bunbunan at pakaladkad na hatakin pabalik sa may kama. Sinubukan kong lumaban sa pamamagitan ng pagkalmot sa mukha nito pero hinuli nito ang kamay ko at itinutok sa ulo ko ang hawak na baril kaya natigilan ako.

"You're just making it more exciting-agh!" Sigaw nito at mamulupot sa sakit matapos kong tuhurin ang maselang bahagi ng katawan nito habang pilit itong umiibaw sa 'kin. Tinulak ko ito sa kama kaya nakawala ako at agad na inagaw ang baril dito pero mabilis nitong nahawakan ang kamay ko at sinusubukang agawin sa 'kin ang baril. "Fuck you bitch! Papatayin na lang kita kaysa mahirapan pa ako!" Giit nito at nilalabanan ko ang lakas nito dahil sa ramdam kong makukuha na nito sa 'kin ang baril.

"Pinandidirihan kita!" Galit na sigaw ko habang pareho naming hawak ang baril at pumutok ito.

"Wag!" Sigaw ko.

"Coleen," nagugulat na sambit ni Manang Celia na nasa tabi ko. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa pagkirot at tila nablanko ito. "Ayos ka lang ba? Bakit dito ka sa sahig natulog?" Nagtatakang tanong ni Manang Celia na inalalayan akong tumayo. Mabigat ang bawat paghinga ko at malamig ang pawis na lumalabas sa aking noo.

"B-bakit?" Nanginginig kong sambit. "Bakit hindi ko maalala?! Bakit wala akong matandaan?!" Lumuluha kong turan dahil sa wala akong maalala sa kung anumang mga imahe ang lumabas sa utak ko kanina, pero alam ko sa sarili ko na may naalala ako, hindi ko lang matandaan kung ano!

"Hija, ano bang nangyayari sa 'yo? May naalala ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Manang Celia na lumuluha kong nilingon.

"M-meron Manang..."

"Ano? Anong naalala mo?" Natutuwang sambit ni Manang Celia.

"H-hindi ko na matandaan, pero sigurado ho ako, may naalala ho ako..." Hinawakan ni Manang Celia ang mga palad ko.

"Huwag mo munang pilitin ang sarili mo na maalala ang naalala mo dahil baka maapektuhan na ang kalusugan mo, mas mabuti pa siguro na kumain ka na dahil sa hapon na rin, nalipasan ka na ng gutom." Hinayaan ko si Manang Celia na akayin ako palabas ng kwarto at alalayan hanggang sa makarating sa kusina. Pinaghain niya ako ng kanin at ng niluto niyang ulam, mag a-alas dos na rin ng hapon kaya ang nararamdaman kong kirot sa ulo ay hindi na lang dahil sa pinipilit kong alalahanin ang naalala ko kanina kun'di dahil na rin sa wala pang laman ang tiyan ko.

"Manang," natigil sa Manang Celia sa pagpupunas ng mga pinggan dahil sa pagtawag ko. "Puwede ho bang huwag niyo munang babanggitin kay Conrad ang nangyari sa 'kin kanina?"

"Bakit, hija? Hindi ba't mas maganda kung sasabihin mo sa kanya para matulungan ka ng asawa mo?"

"Sasabihin ko rin naman ho sa kanya sa oras na maalala ko ang naalala ko kanina, mas maganda ho siguro kung ganu'n."

"Sabagay," sang-ayon na turan ni Manang Celia na siyang nagsasabi kay Conrad sa lahat ng ginagawa ko sa buong maghapon. "Kung 'yan ang desisyon mo Coleen, sige, hindi ako mangingialam."

"Maraming salamat po Manang," nakangiting sambit ko. Malakas ang kutob ko na malapit nang bumalik ang mga alaala ko, at gusto kong sarilihin muna ito sa ngayon dahil ayaw ko rin na abalahin ang asawa ko.

"What?" Asik ni Conrad habang kumakain ito ng hapunan habang ako ay nakatingin dito.

"Wala..." Sambit ko at sumimsim sa mainit na gatas dahil sa nilalamig ako dala ng pag-ulan sa labas.

"Will you please stop staring at me?" Iritadong sambit ni Conrad dahil sa napatitig na naman ako rito. Sinisigurado ko lang na hindi sinabi sa kanya ni Manang Celia ang tungkol sa nangyari sa 'kin kanina at mukang wala namang alam si Conrad kaya panatag na ang loob ko.

"I'm sorry..." Mahinang usal ko at natigilan naman si Conrad na akma nang isusubo ang kutsara na may laman.

"Anong sinabi mo?" Ibinaba nito ang kutsara at diretsong tumingin sa 'kin. Napaayos naman ako ng upo.

"I'm sorry. Patawarin mo ako..." Sa hindi malamang dahilan ay nanubig ang mga mata ko at naging emosyonal.

"Stop."

"Gusto ko lang humingi ng sorry sa lahat Conrad-"

"I said stop!" Malakas na ibinagsak ni Conrad ang palad niya sa mesa kaya nagulat ako at natapon din ang konting tubig mula sa baso. "You can't fix everything by just saying sorry. Nasira mo na ang lahat." Kuyom na ang palad ni Conrad at madilim na ang mukha nito.

"Conrad, sandali..." Mabilis na nilisan ni Conrad ang kusina at gusto ko sanang sundan ito paakyat ng kwarto pero mas pinili kong manatili rito sa kusina dahil sa ayaw kong harapin si Conrad ngayon lalo pa't galit na naman ito.

Napanguso ako dahil sa gusto ko lang naman humingi ng sorry dahil sa paglilihim ko sa kanya tungkol sa may naalala ako kanina na hindi ko na matandaan. Ayaw kong maglihim sa asawa ko hangga't maaari pero sa tingin ko mas kailangan kong itago ito sa kanya. Nanatili muna ako rito sa sala ng ilang saglit bago umakyat ng kwarto para makasiguro na tulog na si Conrad.

Marahan kong pinihit ang doorknob pabukas at maingat na tinulak ang pinto, nag-iingat na hindi makagawa ng kahit anong ingay dahil baka magising si Conrad, pero nang makapasok ako sa loob, walang Conrad na nakahiga sa kama. Patay ang ilaw sa kwarto at ang tanging lampshade lang ang bukas kaya iginala ko ang mga mata ko sa medyo madilim na kwarto para hanapin ang asawa ko. Hanggang sa may maaninagan akong bulto ng tao na nakatayo sa may veranda sa labas nitong kwarto kaya naglakad ako patungo roon.

"Mang Ben is gone? Anong ibig mong sabihin na wala na si Mang Ben?" Boses ni Conrad habang may kausap ito sa telepono at nakatalikod.

"He took his own life. Nagpakamatay s'ya kagabi sa loob ng kulungan." Rinig ko namang turan ng nasa kabilang linya na kausap ni Conrad.

"What?! That's impossible! Hindi gagawin 'yan ni Mang Ben, nagkausap palang kami kahapon ng umaga sa presinto. Handa na siyang magsalita, that's what exactly he told me." Kahit nakatalikod si Conrad, sigurado ako na salubong ang kilay nito at kunot ang noo dahil sa boses palang nito, ramdam ko na hindi nito gusto ang naririnig niya ngayon.

"You have to stop this Conrad. Kumikilos na ang taong nasa likod ng nangyari. I'm worried about you." Giit ng nasa kabilang linya.

"No. Hindi ako titigil hangga't hindi nagbabayad sa batas ang mga dapat managot sa nangyari. Ako ang tatapos nito." Ibinaba ni Conrad ang telepono niya at humarap ito kaya huli na bago pa man ako makaalis sa kinatatayuan ko.

"Conrad!" Gulat kong sigaw dahil sa sinipa nito ang upuan na nasa veranda.

"Bullshit! Ang gagaling niyo rin talaga 'e no?! Tangina!" Galit nabaling nito sa 'kin.

"Hindi kita maintindihan--aray!" Hinigit ni Conrad ang braso ko at marahas na kinaladkad pabalik sa loob ng kwarto at malakas na tinulak kaya napasalampak ako sa sahig. "Conrad, tama na! Conrad!" Awat ko dahil sa bawat bagay na mahawakan ni Conrad ay ibinabato nito sa kung saan, tinumba rin nito ang bookshelf at sinuntok ang whole body mirror na nasa gilid kaya napasigaw na ako. Hindi pa rin tumitigil si Conrad kahit pa dumudugo na ang kanang kamay nito, galit ito, galit na galit, pero imbis na matakot ako tulad ng dati ay tumakbo ako papunta rito at niyakap ko ito mula sa likod habang umiiyak.

"Tama na, pakiusap... Tama na 'to Conrad..." Marahas na tinanggal ni Conrad ang kamay kong nakayakap sa kanya at itinulak ako. Sobrang dilim ng kanyang mukha at gumagalaw ang hulmadong panga nito at balingan naman ang swivel chair sa kanyang mini office at buong lakas na ihampas sa ibabaw ng mesa.

"Why just don't you die?!" Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha habang pinapanood siyang magwala rito sa loob ng aming kwarto. "You ruined everything! Sinira mo ang buhay ko!" Napaatras ako nang sipain naman nito ang stand table na nasa gilid ng kama at mabilis na hinigit ang braso ko.

"N-nsasaktan ako... pakiusap, bitawan mo ang kamay ko..." Ramdam ko ang pabaon ng kanyang kuko sa braso ko, ganu'n kahigpit ang hawak niya sa braso ko at dama ko ang kanyang galit habang kinakaladkad ako pababa ng hagdan.

"Lumayas ka! Leave!" Marahas ako nitong tinulak kaya bumagsak ako sa sahig at napadaing matapos tumama ang aking likod sa gilid ng sofa. Hindi ko siya maintindihan!

"A-anong bang kasalanan ko? Anong nagawa ko? S-sabihin mo naman sa 'kin, para maintindihan k-ko..." Luhaang sambit ko at pinilit na tumayo sa kabila ng pananakit ng aking likod.

"I shouldn't save you! Ang tanga ko na niligtas pa kita! Sana hinayaan na lang kitang mamatay!" Singhal nito sa 'kin.

"Sana ganu'n na nga lang ang ginawa mo! Sana hinayaan mo na lang akong mamatay kaysa sa gan'to! You're hurting me-"

"And you deserve it all!" Muling hinigit nito ang braso ko at kaladkarin ako palabas ng aming bahay hanggang sa makarating kami sa may gate, malakas ang pagbuhos ng ulan kaya mabilis kaming nabasa, pero hindi iyon ang inintindi ko kun'di ang masasakit na salitang binibitawan ni Conrad, ng asawa ko. "I don't want to live with you anymore!" Umiiyak akong umiling at nangangatog ang mga tuhod dahil sa hindi ko kinakaya ang mga binibitawang salita ng asawa ko.

Sinubukan kong hawakan sa magkabilang pisngi ang asawa ko pero marahas n'ya lang na tinapik ang kamay ko, galit s'ya, galit na galit s'ya sa 'kin sa hindi ko malamang dahilan.

"P-please, tell me everything... sabihin mo naman sa 'kin ang nagawa ko para maintindihan ko kung bakit nagagawa mo akong saktan nang ganito..." Nagmamakaawa kong sambit.

"Umalis ka na bago pa ako mawala sa sarili at baka kung ano pa ang magawa ko sa 'yo!" Umiling ako at pilit na hinahawakan ang kamay ni Conrad na umaatras naman. "How I wish I could kill you..." Humina ang boses ng asawa ko at natuptop ko ang aking bibig dahil sa hindi ako makapaniwala na kaya niyang sabihin iyon sa 'kin. "Huwag mo akong pilitin na maging katulad mo, dahil hindi ko kayang pumatay..." Kumabog ang dibdib ko sa mga huling salitang binitawan ng asawa ko bago ako nito talikuran at muli pumasok sa loob ng bahay at pabagsak na sinarado ang pinto.

Napaluhod ako sa semento sa gitna ng maulan at malamig na gabi habang gulong-gulo ang isip sa kabila ng kirot at sakit na nararamdaman ng puso ko.

Anong nagawa ko?

Sana... Sana bumalik na ang mga alaala ko para maintindihan ko ang pinanggagalingan ng asawa ko. Lumalakas lalo ang pagbuhos ng ulan at patuloy ang pagluha ko, sinusubukan kong intindihin ang asawa ko sa lahat ng masasakit na salitang sinasabi nito sa 'kin, na baka may malalim siyang dahilan kung bakit niya nasasabi ang mga ito pero nadudurog naman ang puso ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit na ganito niya ako itrato nang hindi man lang niya sinasabi sa 'kin ang dahilan.

"Ayoko na! Ayoko na!" Hagulgol na sigaw ko dahil sobrang bigat na ng dibdib ko, wala akong ibang ginawa kun'di ang lumuha sa gitna ng malakas na ulan hanggang sa manlabo ang paningin ko at dahan-dahang bumagsak sa semento kasunod nang pagdilim ng buong paligid.

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
8.7K 132 21
"If I can't have your heart, then might as well kill me, Archer." Lyrae is the definition of epitome beauty. Everyone admired her and wished to becom...
1.5K 269 14
Ianna maeve was a innocent girl who lives in her father with her stepmother in Ten years when her mother died ,She has a very good heart because that...