Love Me in Brooklyn

By NerdyIrel

157K 5.8K 1.4K

A cheerful and optimistic girl who deeply admires an unapproachable popular guy. She chases him but he never... More

Start
Love Me in Brooklyn
Prologue
Chapter 1 - Her Life
Chapter 2 - Failed Attempts
Chapter 3 - Journey
Chapter 4 - OSR
Chapter 5 - Russell Riders
Chapter 6 - New Member
Chapter 7 - Triple R
Chapter 8 - Everywhere
Chapter 9 - Secret
Chapter 10 - Welcome Party
Chapter 11 - Threat
Chapter 12 - Childhood Friend
Chapter 13 - Contract
Chapter 14 - Revenge
Chapter 15 - Patience
Chapter 16 - First Date
Chapter 18 - Invite
Chapter 19 - Falling
Chapter 20 - Feelings
Chapter 21 - Selfie
Chapter 22 - Territorial
Chapter 23 - Worried
Chapter 24 - Confession
Chapter 25 - Bruise
Chapter 26 - Love
Chapter 27 - Suitors
Chapter 28 - Keep
Chapter 29 - Promise
Chapter 30 - Shoes
Chapter 31 - Proud
Chapter 32 - Cheer
Chapter 33 - Guilt
Chapter 34 - Caught
Chapter 35 - Rumors
Chapter 36 - Agreed
Chapter 37 - Truth
Chapter 38 - Questions
Chapter 39 - Protect
Chapter 40 - Settled
Chapter 41 - Nervous
Chapter 42 - Fetch
Chapter 43 - Promises
Chapter 44 - Going Home
Chapter 45 - Happiness
Epilogue
Author's Note

Chapter 17 - Competition

2.2K 101 10
By NerdyIrel

5k words! Hehhee
Enjoy! ❤️

----------------------

CHAPTER 17

COMPETITION


Russell's POV


It's been hell for me these past couple of days. Nagsabay lang naman ang exams week sa competition ng swimming team against other schools. I had to study hard to maintain my high grades and at the same time, make sure my team wins the game. Mataas ang expectation ng BHU from me and I didn't want to lose ever.

Wala sa bokabularyo ko ang matalo. Kahit kailan, hindi pa ako natatalo.


"Hi hubby! Sweet morning! Alam ko kumpleto na ang araw mo dahil nakita mo na ang ganda ko!" Napakunot ang noo ko nang bigla na lang lumitaw si Sab sa tabi ko.

How did she even know I'll be in the library at six in the morning? I didn't text her because I wanted her to have time to study hard. Baka masisi pa ako pag bumagsak siya. Her cousin's been glaring at me lately each time I see that woman. Magkadugo nga sila nitong si Sab. Both are weird and crazy.


"Nag-breakfast ka na?" tanong niya.

"Why are you here? How'd you find me?" I looked back to the book I'm reading. Nagre-review ako para sa exams mamaya.

"I asked you first. Answer me. Kumain ka na ba?"

Umiling lang ako at hindi umimik.


"Mabuti naman!" Walang ibang tao dito sa second floor kaya ayos lang kung malakas ang boses niya, though it's really early to be hearing such noise.

I raised an eyebrow at her. "What's so good with not having breakfast?"

"Tada!" She grinned the same time she raised a plastic bag in front of my face. I just gaze at it as she placed on the table.


"I bought you food. It's from your fave resto outside the campus." Nakangiti niyang inilabas ang mga pagkaing binili niya. There's bacon, egg and waffles. Tapos may hot coffee pa.

Pinagmasdan ko ang mukha niya habang inaayos niya ang mga iyon sa harapan ko. She seems so excited and happy.


Hindi ko naman siya inutusan pero binilhan niya pa rin ako ng makakain. Talagang lumabas pa siya ng campus dahil naalala niya siguro ang sinabi kong hindi ako basta basta kumakain ng pagkain galing sa ibang stores. She woke up early to do all these things for me.

I'm speechless.


Napatingin siya sa akin kaya umiwas agad ako ng tingin. I cleared my throat and frowned. "I'm busy studying."

"Ihhhh, bilis na! Kumain muna tayo saglit. Don't waste food, it's bad." Inayos niya na rin ang kanya bago nagtanda ng krus at pumikit upang magdasal.

Bakit ba inuuna niya ako palagi? Bakit ba inaasikaso niya ako?


Napailing na lang ako at pumikit na rin upang magdasal. Then I closed my book and joined her. I was silent the whole time she's talking. Kinukwento niya kung gaano kahirap ang exams nila kahapon. I wanted to interrupt and tell her that the math problems she said was so easy to solve, but I knew we're not the same. Madalas ang mga madadali para sa akin ay hindi kaya ng iba.


Every now and then, I'd find myself just watching her. Ang lakas niyang kumain at kinuhanan pa ang akin nang mabitin siya. Nahihiya pa nga nung una pero ayaw tumigil kakatitig sa pagkain ko kaya inalok ko na.

Nang matapos kaming kumain ay inabutan niya ako ng bottled water. Siya pa talaga ang nagbukas noon. Then she cleaned the table and threw the trash on the bin. Tumabi ulit siya sa akin at naglabas rin ng libro.

She started reading, though I could see she's not interested cause she keeps on flipping the pages every five seconds. I continued studying but I got bored since I already knew all this stuff. I decided to watch Sab again to entertain myself. Palihim lang syempre dahil baka asarin niya ako.


Pinipilit naman niyang magbasa ng libro ngunit nadi-distract agad siya sa sarili niya. She'd remove a fallen hair from her shirt or check her nails to see if it's clean. I also caught her just looking around while pouting her lips. She's not talking to me cause she knows I hate to be bothered. Maya-maya ay napapapikit na siya at humihikab hikab. It didn't take long for her to rest her head on the book and sleep.

Natawa na lang ako at chineck ang schedule ko para sa araw na ito. When I noticed Sab shivering a bit, probably because of the cold temperature from the aircon, I took off my varsity jacket and placed it on her shoulder. Ang himbing ng tulog niya, binubulong niya pa ang pangalan ko.

"Russell..."

She must be dreaming of me... Strange but funny.



Gusto ko na umalis pero nag-stay na muna ako at hinayaan siyang matulog. I know she woke up really early for my breakfast. The least I could do is let her have her sleep even just for a few minutes. Ayoko namang iwanan na lang siya basta dahil baka may lumapit sa kanya rito at pag-trip-an siya.

I slowly took off her book and replaced it with my extra shirt, para naman hindi matigas ang pinapatungan ng mukha niya. May dala talaga akong damit dahil may competition mamaya.


After almost an hour, I glanced at my watch then I hesitantly woke her up. May exams pa kasi kami.

"What time is it?" inaantok na tanong niya. Nag-inat inat pa siya at kinusot ang mata bago napansin ang jacket ko at ang T-shirt na nasa table. She smiled but gave it back to me. Nagulat ako dahil akala ko yayakapin niya pa ang mga iyon o 'di kaya aamuyin. "Thanks," she mumbled.

"You sure you don't need atleast the jacket? Mukhang mas kailangan mo pa 'yan kaysa sa'kin." She's only wearing a yellow tank top and white skirt, habang ako naka-white sweater naman. The weather's a bit cold today.

"It's fine. I have Ron's jacket here with me. Ibabalik ko na rin kasi sa kanya."


Hindi ko alam kung mao-offend akong ayaw niyang suotin ang jacket ko dahil dala niya ang kay Ron o matutuwa dahil ibabalik niya naman na pala iyon.

Wait, why would I be happy if she returns Ron's jacket? What the heck does that have to do with me?


Napailing ako at tumayo na. "'Yung isang T-shirt ko, kailan mo ibabalik? The one you borrowed from home." I don't really care about that one. I just wanted to change the topic and that's the first thing that came into my mind.

"Ha? Meron? Wala ah!" pagmamaang maangan niya sabay takbo pababa ng hagdanan.


Napangiti ako sa kakulitan niya ngunit inilagay na rin sa bag ko ang T-shirt at jacket ko.

I went downstairs and saw her waiting for me at the exit door. Talagang hinintay pa ako e magkaiba naman kami ng building na pupuntahan.


Paglabas ko, dire-diretso lang akong naglakad. I knew she'll follow me anyway. Humahagikgik pa siya kaya napapangiti ako pero syempre inaalis ko rin agad dahil baka may makakita sa akin.

Para siyang bata na may ginagawang kalokohan.


When I saw their building, I thought she'll finally leave but she still continued to walk behind me. Tumigil ako at humarap sa kanya.

"Oops," she giggled. "Hi hubby! Andyan ka pala!"

"Go," I muttered.

"Ha?"

"Sige na, mauna ka na."

"Luh, gusto mong ako mag-first move? Emeghed, hubby ah! Masyado ka! Pero sige, kiss sa cheeks lang ha!"


Ngumuso siya at lalapit na sana sa akin kaya hinawakan ko ang backpack niya at inangat iyon. She grabbed the straps to stop me. I pushed her bag towards their building. I let go when she faced that direction.

"Goodluck on your exams," I muttered. Nilingon niya ako at mukhang napasaya ko siya sa sinabi ko kaya nagliwanag ang mukha niya.


Tumalikod na ako at umalis na dahil marami rami na ang mga estudyanteng pinapanuod kami. Kung wala nga lang nakatingin sa amin ay baka sinigurado ko pang totoong nakapasok siya sa classroom niya bago ko siya iwanan. I'm just afraid she might go to my building and watch me take my seat before she goes to hers. Hindi kasi imposibleng gawin iyon ni Sab. She always does unexpected things.


Sab's POV


"Finally! It's done!" Halos mangiyak ngiyak na sigaw ko bago ako tumayo at sumayaw sayaw. I heard some of my classmates laughed.

"How'd the test go?" tanong ni Marina habang nagaayos siya ng gamit niya.

"Malay ko. Sana pasado."

She frowned. "Nag-review ka ba? O baka naman pinapahirapan ka pa rin nung Russell na 'yon kahit na alam na nga niyang exam week?"


Palagi kasi siyang wala kaya hindi niya alam na halos magdamag lang ako sa dorm nitong mga nakaraang araw. Mula last week ay sa mga study café na sila nagaaral ni Lucas. Mas nakakapag-concentrate daw siya kaysa kapag kasama ako dahil makulit daw ako at maraming kwento.


"Hindi ah! Halos hindi nga ako kinakausap no'n! Busy siya, wag ka nga! Naaawa na nga ako sa kanya e. Halatang ang dami dami niyang kailangang gawin."

"Tsss. Busy... Just be sure! Kasi kapag ikaw bumagsak sa exams mo at nalaman kong may kasalanan siya, nako talaga S, sinasabi ko sa'yo---"

"Ay nako, ang daming sinasabi. Tara na at manuod ng swimming competition. May ni-ready akong banner kagabi! Hehehe!"

"Yeah, Lucas told me---wait! Nakagawa ka pa ng banner?! So hindi ka nag-review?"

I bit my lower lip and chuckled. "Of course I did! May extra time lang ako---"

"Extra time mo mukha mo!" Binatukan niya ako nang mahina pero may halong gigil. "Magaral ka nga! Mula nursery, lagi ka ng bagsak!"


"Kaya nga e. Mula nursery, ganito na 'ko, 'di ka pa nasanay." Magsasalita pa sana siya pero tumakbo na ako palabas ng room habang natawa. Sumilip ako at nakitang nakairap siya sa akin. "Let's go! We need to find the best seats for the game! Ayaw mo bang makita abs ni Lucas ha? Yieee!"


She blushed and rolled her eyes. "Fine. Doon tayo sa pinakaharap."

We ended up sitting at the corner in the back, the farthest from the pool. Wala nang seats pagdating namin doon, punong puno kaagad dahil manunuod rin pala ang mga estudyante galing sa ibang schools.

Sinubukan naming makikisiksik sa Russell Riders pero puno na daw talaga sabi ni Lily. Hindi naman daw kasi ako nagsabing sa kanila ako sasama. She thought I'll be VIP since I'm the assistant pero wala naman kasing reserved seats for assistants kaya ito, anlayo ko tuloy! Akala niya rin si Lucas na ang bahala sa seat ni Marina tutal kalat naman na sa campus na nililigawan siya nito.


"Sorry Sab, next time na lang ha," Lily said. "Pwede ka naman dito pero nakatayo ka nga lang sa gilid."

Kaya ayon, naglibot kami and luckily may nakita kaming seats pero sa likuran na. Katabi pa iyon nang tapunan ng bote kaya walang may gustong umupo.



"Ano ba 'yan, baka hindi ako makita ni Lucas. Nangako pa naman ako sa kanyang manunuod ako."

I smirked at my cousin who's been complaining since we entered the place. "Ikaw ha, mukhang nagkakamabutihan na talaga kayo. Kayo na ba?"

Umiwas siya ng tingin. "No. Not yet."

"Omg! Not yet? Pero malapit na?"

Unti-onti siyang ngumiti. "Baliw. Syempre kinikilala pa namin ang isa't-isa maigi!"

"E bat kinikilig ka diyan? HAHAHA! Hays M, sana all."

"Kung si Ron ba naman kasi ang hinahabol mo at hindi si Russell, 'di sana nagde-date na kayo by now."

I snorted. "Mukha kang Ron. Sure ka bang si Lucas ang bet mo at hindi si Ron?"

"I'm just saying. He's your childhood sweetheart and he's really nice. Unlike that boss of yours who's always in a bad mood."


Sinundan ko agad ang tingin niya at napangisi nang makita si Russell na nakatayo sa tabi ng pool. Napansin kong nililibot ng mga mata niya ang buong lugar, mukhang may hinahanap siya.

The crowd was loud when Russell walked near us. I raised my hand and waved but it was no use. Natatakpan ako nang mga taong kumakaway rin sa kanya.

Nakakunot noong tumingin siya sa phone niya at may tinype doon. My phone suddenly buzzed. Tiningnan ko iyon at nagulat na ako pala ang tinext niya.


From: Hubby 💕

2:10 pm

Where are you?


Ay hala! Ako ang hinahanap niya? WEH?! OH MY GOSH!!!! Russell ha! Sabi ko na nga ba, may clingy side ka rin!


To: Hubby 💕

2:11 pm

Nandiyan lang... sa puso mo!

HAHAHAHA!


From: Hubby 💕

2:11 pm

What's funny?


I looked at his face and I could see that he's getting annoyed at my jokes. Luh galit na!


To: Hubby 💕

2:12 pm

Nandito ako sa corner, dulo. Sa tapat mo.

Anlayo ko sa'yo, hubby ko. 😭

Ganito pala ang LDR. I miss you sobra much!


He raised his head and his eyes found mine in a second. Iniangat niya ang kamay niya at ginamit ang dalawang daliri upang senyasan ako na lumapit.

Teka, bakit niya ako pinapalit doon? He can't hug and kiss me here! Nakakahiya naman uy! Hindi ako sanay sa PDA, enebe!


"Who is he referring to? Is it me?"

"Dumb bitch, he's looking at me!"

"No, I'm sure it's me! Our eyes met for a second!"


Mga feeler! Ako 'yun, hindi kayo!


"Oh! It must be Agatha!"

"Shocks! They're really cute!"

"Look at Agatha blushing!"


Hinanap ng mga mata ko si Agatha at kumpirmadong doon nga siya sa may harapan nakaupo. She's wearing a cheering uniform tapos may pompoms pa. Halatang nag-ready siya dahil may colored hairspray pa ang buhok niya na color blue, kakulay ng uniform nila Russell. Tapos may mga led banners din silang dala.

Napatingin tuloy ako sa banner na hawak ko. Cartolina ang gamit ko at nilagyan ko lang ng glitters. Walang wala kumpara sa mga props nila Agatha na may mga pahabang balloons pa.


I felt shy so I folded my banner and sighed. Nag-vibrate naman ulit ang phone ko kaya tiningnan ko iyon.


From: Hubby 💕

2:14 pm

I need you here.


I blinked a couple of times and read his text over and over again.

Wrong sent ba 'to?


From: Hubby 💕

2:15 pm

You're my assistant.


Parang na-disappoint ako dahil akala ko kung ano na ang ibig sabihin niya sa text niya.

"Russ!" I heard Agatha shouted. "Win the game so we can celebrate at my place tonight!"


Tumingin sa kanya si Russell at tumango lang. Ngumuso ako at tinitigan ang banner na nasa kamay ko.

For sure, hindi ako iimbitahin nung babaeng 'yon. Ano ba 'yan, nakakaasar naman. Sila ang magkasama mamaya. Matalo ka sana, Russell. Mapulikat sana bigla paa mo habang nasa kalagitnaan.


I sighed at my petty thoughts and grabbed my bag.

"M, mauna na muna ako."

"Saan ka pupunta?!"

"Work," malungkot na sagot ko.


I walked towards Russell despite all the eyes watching him. Tumigil ako sa harapan niya at nag-fake smile. He studied my face before he gazed at the banner that I'm holding. I quickly hid it behind my back.


"What's that?" He asked.

"Wala. Basura."


Inilahad niya ang kamay niya kaya nagtaka ako. Na-realize ko rin naman agad ang gusto niya kaya unti-onting nawala ang lungkot ko at napangiti ako. I gave him my hand.


"YIEEE! IS SHE THE ONE, CAP?"

"ARE YOU FINALLY DATING SAB?"

"NICE! CONGRATS RUSS!"


Pinagaasar siya ng mga teammates niya kaya natawa ako. Binitawan naman ni Russell ang kamay ko at hinablot na ang banner. He opened it before I could even stop him.



"Go Hubby..." pagbabasa niya. For a second, I thought I saw a smile but I must be imagining things cause there is no way Russell would smile in front of a crowd.

"Alam ko hindi maganda at mukhang pangbata ang sulat ko."

"Yeah, I agree," walang prenong sambit niya. Ngumuso ako dahil hindi man lang siya nagsinungaling para gumaan ang pakiramdam ko.

"Sorry, kagabi ko lang kasi ginawa. Amin na, itatapon ko na---" Tinupi niya na ulit iyon at inilayo sa kamay ko. Sinubukan kong kunin sa kanya iyon ngunit kahit tumalon ako ay hindi ko maabot abot.

"Give it back!"


Bigla siyang naglakad palayo kaya sumimangot na naman ako.

Ano namang gagawin niya sa banner na 'yon? Bakit ba ayaw niyang isauli? Ang panget panget kaya no'n! Walang wala sa mga dalang Led banner ng cheerleading team.

Pangaasar niya ba sa'kin 'yon? Baka naman gagamitin niya pambalot ng mga basura nila...


I felt more offended just by thinking about it. Sa ugali nitong gwapong ito, hindi na ako magtataka kung gagawin niya nga 'yon.


Sumunod na lang ako sa kanya at umapir kay Ron nang madaanan ko siya. He wanted to talk to me but I told him his captain will be mad if I stayed. I just lent him his jacket and thanked him before I left.


Dumiretso kami ni Russell sa locker room. Kami lang doon dahil nasa labas na ang lahat. Nagtaka ako nang inilagay niya ang banner sa loob ng bag niya.


"Aanhin mo 'yan?" I asked.

"Why were you seating at the back? I am competing today. Dapat kung nasaan ako, nandoon ka," he reminded me, completely ignoring my question.

I scratched the back of my head. "Sorry na. 'Di mo naman nabanggit kaninang umaga na kailangan pala ako dito." Manager Lee also didn't orient me. Ah, wait. May iniabot nga pala siyang papel sa akin kahapon. I just forgot to read it.


Tiningnan niya lang ako na para bang ang shunga shunga ko bago niya inihagis sa akin ang isang bag. Binuksan ko at tiningnan ang loob, nandoon ang mga gamit niya for his competition today.

I was busy rummaging through the bag when I noticed that he's taking his shirt off. Napalunok ako at hindi gumalaw. First time kong makita ng malapitan ang abs niya!

OH MY GOSH!!! Grabe, pandesal kung pandesal!


I watched him remove his shoes too. Akala ko tapos na 'yon ngunit nanlaki ang mga mata ko nang tatanggalin niya na ang pants niya. Mabuti na lang ay napansin niya ako kaya tumigil siya at tinaasan ako ng kilay.


"Why are you still here?"

"You told me I should be where you are."

He sighed. "Just leave, Sab."

"Sure ka? I don't mind staying here. Nage-enjoy naman akong panuorin ka."

"Get out." Tumawa ako dahil mukhang napipikon na siya. Sumunod din naman ako ngunit bago ko buksan ang pintuan ay may naalala ako.


"Hubby, pwede humingi ng pabor? Can I bring my cousin along with me? Ang layo kasi niya, hindi niya mapapanuod nang maayos ang game. Kahit doon lang siya sa gilid, basta nasa harapan, keri na 'yon."

He simply nodded so I smiled widely and ran towards him. Yayakapin ko sana siya sa tuwa pero humakbang siya patalikod na para bang naiilang siya. Doon ko napagtantong magagalit siya kaya hinawakan ko na lang ang kamay niya. "THANK YOU SO MUCH!"

For some reason, his lips parted while staring at our hands. Bago pa ako makapagisip kung bakit naging ganoon ang itsura niya ay nahila niya na ang kamay niya. He seemed allergic to me. Kung makatingin siya ay para bang isa akong germs.


I rolled my eyes and escaped the room. Agad akong pumunta sa pwesto ni Marina at kinuha ang bag niya kahit na may mga naririnig akong bulungan sa gilid. Some girls are glaring at me but I ignored them.

"Let's go!" pagyayaya ko.

"Where? I don't want to leave yet! I'm watching Lucas---"

"Russell allowed you to stay near the pool. Basta wag ka lang humarang ah kasi ako ang mapapagalitan."

Nanlaki ang mga mata niya. "Talaga? Pumayag siya?"

"Oo nga! Tara na! Sabi ko naman sa'yo mabait 'yon e!"

"I like him from now on!" Tuwang tuwa si Marina na nagpahila sa akin.

Pinadaan kami nung tagabantay at hinatid ko siya sa may gilid kung saan nandoon rin si Manager Lee at ang ilang mga coach ng swimming team. Iniwan ko doon ang pinsan ko dahil maga-assist pa ako kay Russell. Nilapitan rin naman siya agad ni Lucas at kinausap.


I studied what the other assistants are doing. Ginaya ko sila at inilabas na ang mga gamit ni Russell mula sa bag. Inilagay ko sa balikat ko ang twalya niya. Chine-check ko pa lang kung kumpleto ba ang swimming gears niya nang marinig kong maghiyawan ang mga tao.

Russell finally went out of the locker room, wearing only his swim trunks. Sobrang gwapo niya, para siyang modelo na naglalakad palapit sa akin. I blushed as I realized how I lucky I am. If Agatha's watching, I'm sure she's jealous right now.


Tahimik kong iniabot sa kanya ang mga gamit niya. I wanted to help him wear his cap but I'm not sure if it's okay for me to touch his hair. I just kept my hands to myself.

Nag-ready na rin ang mga makakalaban niya from other schools. Ron, Lucas and the others will also swim later. Magkakaiba sila nang oras pero magkakasunod rin naman daw.


"Whooh!" Russell exhaled loudly, trying to calm himself. Kinakabahan din pala siya... akala ko hindi 'yon uso sa kanya. He seemed confident all the time.


He started stretching after that. Nang matapos siya ay tumingin siya sa mga mata ko.

I smiled at him. "Galingan mo, hubby!"


Tumingin lang siya nang ilang segundo at tumalikod na nang magsisimula na. Everyone cheered for him even some girls from other schools. Hindi na ako nakisigaw dahil baka magalit si Manager Lee. Alam kong ayaw niyang mag-fangirl ako habang ginagawa ko ang trabaho ko.

Tumingin ako sa Russell Riders at halos lahat sila ay binigyan ako ng thumbs up. I felt relieved that they can see I'm doing great with my job. Tsaka behave ako today kaya mukhang okay si Lily.


Tumabi na ako sa mga kapwa assistants ko upang manuod. I find it so cool when Russell stood at the starting block. Mukha talaga siyang professional lalo na nung inilagay niya na ang earplugs niya sa tenga niya at ang googles sa mga mata niya pagkatapos ay yumuko na siya at humawak sa starting grip. I secretly took some photos from my phone. Gagawin ko itong wallpaper mamaya.


Both the line timekeeper and chief timekeeper went to their respective places. When the starter gave the signal, Russell dived into the Olympic sized pool and swam as fast as he could. Freestyle ang labanan at sa pagkakaalam ko, diyan pinakamagaling ang hubby ko.

Ang ingay ingay sa buong lugar pero ako ay nakatitig lang sa kanya. I prayed for his safety. Binabawi ko na ang hiling ko kanina na sana mapulikat siya. That was a joke kaya sana hindi magkatotoo.


I watched as he reached the other end of the pool with ease. He flipped and turned then he pushes the wall with his feet. Nangunguna na siya kaya naman mas lalong nagingay ang lahat. Nang mahawakan niya na ang finish wall at iniangat niya mula sa tubig ang ulo niya ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. He took off his goggles and looked at the scoreboard. Ngumisi siya nang makitang nanalo siya.

I knew you can do it! I'm so proud of you, hubby!


Sinalubong kaagad siya ng buong Brooklyn Sharks kaya naman natawa siya. Manager Lee shouted for my name so I took that as a cue to run towards Russell. I was going to give him his towel but his teammates blocked my way. Ang tatangkad nila kaya naman hindi ko man lang maaninag si Russell.

I frowned and tried to jump but I still couldn't see him. Mukhang hindi rin nila ako nakita dahil nabunggo ako ng isa sa kanila at na-outbalance ako. I tripped on my own feet and landed on the ground.

"Aray!" Hinimas himas ko ang balakang ko dahil medyo sumakit iyon. Napalakas pala ang pagkakabagsak ko.

"Hey, are you okay?" I looked up and was shocked to see Russell kneeling in front of me. Natahimik ang mga kasamahan niya at nagtataka kung ano ang nangyari.

Ron frowned and knelt beside me too. "What happened?"

"W-wala. Ayos lang ako." I stood up and smiled at them. "Congrats hubby!"


Tumayo na silang dalawa ngunit hindi ngumiti si Russell sa akin. He's staring at me as if he's trying to read my mind.

"Lucas, you're next!" Manager Lee said. Natuon kay Lucas ang atensyon ng grupo at sinimulan siyang asarin.


"Ay oh, hubby. Baka lamigin ka." Tinakpan ko kaagad ang katawan niya ng twalya pagkatapos ay kinuha ko sa kanya ang googles, cap at ang earplugs niya. I placed it back inside my bag. Nakatitig pa rin siya sa akin at doon ko napagtantong nagaalala siya sa akin.

"I'm fine, really."

"I wasn't asking," masungit na sagot niya bago ako iniwan. Tingnan mo 'yon, attitude palagi.


We walked back to his locker room, though he keeps on stopping every time someone congratulates him. Hindi ko kilala kung sino sino sila.


"You did great," A lady wearing a white formal dress greeted her with a genuine smile. Halatang napakayaman niya dahil ang bag niya ay branded tapos may suot pa siyang gold ring at gold watch. Mukhang boss din siya dahil may secretary sa gilid atsaka halata naman sa aura niya.

Pinagmasdan ko pa ang itsura niya. Maikli ang buhok niya pero bagay sa kanya. Medyo may edad na pero maganda pa rin. Artistahin ang mukha!


Medyo familiar nga siya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.

"Thanks Mom," Russell simply answered.

"Hi Mom," I mumbled without giving it much thought. I sometimes have a weird habit of repeating what I just heard.

Russ chuckled and continued walking. I did the same but I stopped when I remembered what happened.

Mom? Or did he say Ma'am?


Nilingon ko 'yung matandang babae at nagulat dahil nakatingin siya sa akin. "B-bye Ma'am!" I immediately ran towards Russell, afraid that the woman might talk to me.

"Mama mo ba 'yon o nagkamali ako ng rinig?"

Pumasok na siya sa locker room at agad kong iniabot sa kanya ang damit na pampalit niya. "She's my mother," He casually replied.

"Ah tama nga ako---HA? ANO?"

Tumingin siya sa akin. "What's wrong?"


"Hindi mo man lang sinabing manunuod siya? Sana nagayos ako! Sana nagpaganda ako! I mean, first time kong mami-meet ang mother-in-law ko tapos ganito lang itsura ko? Myghad Russell! Ano na lang iisipin niya?"

He chuckled. "I'll introduce you next time."


Pumasok na siya sa shower area kaya naiwan ako sa locker room.

I pouted and felt really bad that I wasn't able to make a good impression to her mom. Baka mamaya hindi niya ako matanggap, mahirap na. Ang daming failed relationships dahil sa pakikielam ng mga in laws.


Lumabas na lang muna ako at tumabi kay Marina upang mapanuod si Lucas. She was shouting for his name like a girlfriend cheering for her boyfriend. Vinideo-han ko nga upang may pangasar ako sa kanya mamaya.


Lucas won too and so did Ron. I was so happy that when Ron walked towards me, I clapped my hands.

"Did you watch?" He asked while drying his hair with a towel.

"Of course! Ang galing galing mo nga!"

"Kiss sa cheeks nga," asar niya. I rolled my eyes. Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Kain tayo sa labas---"


"Party at Agatha's tonight!" Russell shouted to his friends. Hindi tuloy naituloy ni Ron ang sasabihin niya.


Nasa likuran ko lang pala siya, hindi ko naramdaman. "Am I invited?" I grinned.

He just looked at me and did not even bother answering the question. Napakamot tuloy ako sa ulo ko dahil hindi ko alam kung pwede ba akong sumama o hindi.

"Huy hubby, pwede ba akong maki-join sa party niyo?" I asked again but he completely ignored me.


Ron was studying Russell's face when I looked back to him. "I thought you don't like partying?"

"I still don't. But everyone won today and I didn't want to pay for everyone's meal so..."

"Talaga ba? 'Yun lang dahilan mo, bro?"

Tumingin siya sa akin ngunit umiwas din kaagad. "Do I need to have another reason?" He cleared his throat before walking towards Manager Lee.


Ngumiti na lang ulit ako kay Ron at nag-wave na ng goodbye dahil nagpaalam na siya upang makaligo.


"Kung malisyosa ako, iisipin kong nagpa-party si Russell para hindi kayo makapag-date ni Ron." Marina smirked.

That thought never crossed my mind. Party ng ibang babae 'yon e. Party ng babaeng malaki ang gusto sa kanya. That is not his party.


"Bakit mo naman nasabi, M?"

"Ang sama ng tingin niya sa'yo mula pa nung naghihiyaw ka habang nagsu-swimming si Ron."


I glanced at Russell and caught him staring at me. He pretended as if he's not looking. Bumalin sa iba ang tingin niya.

"Do you really think so?"

"It's just based on my observation. Pero wag kang masyadong umasa. Baka mali ako, masaktan ka lang."


Tumango ako at kumapit na lang sa braso niya.

I wanted not to think about what she said but I found myself smiling because of it. If it's true that he's getting jealous, then that would mean my plan, Operation Seducing Russell, is finally working.

Magiging akin ka na nga ba soon?


My thoughts were interrupted when I saw Agatha approaching Russell. Sumama ang timpla ng mukha ko nang yakapin niya ang hubby ko sa leeg pagkatapos ay bumulong pa ito. She was laughing as if there's something funny. Hindi ko naman mahulaan kung ano ang sinasabi niya dahil walang pinagbago sa mukha ni Russell. He was just nodding and answering her.

Maya-maya ay nakita niya ang mother-in-law ko. Nakipagbeso beso siya dito at nagusap pa sila na parang normal na sa kanila ang magchikahan. I felt envious that she can easily talk to Russell's mother unlike me who got scared and ran away earlier.


Yumuko na lang ako at binitawan na si Marina nang magpaalam siya. Kakain daw sila sa labas ni Lucas bago magpunta sa party nila Russell mamaya. They invited me but I didn't want to be their third wheel so I declined the offer. Ang sabi ko na lang ay may gagawin pa kasi ako.


I'm not sure if I'm still needed here now that the competition's done. Since tapos naman na, siguro ay pwede na akong umalis. Hindi na ako nagpaalam kahit kanino dahil wala na ako sa mood. I went outside and walked towards my dormitory building.

Pagdating ko sa room ko ay naligo ako. I took a hot shower and just wore my pajamas. Habang nagpapatuyo ng buhok ay nag-cellphone lang ako. I wasn't surprised to see Russell's name on the trending list in twitter.

Hindi ko pinansin iyon ngunit nanigas ako nang makita ko ang pangalan ko at ni Agatha.

Russell and Sab

Russell and Agatha


I immediately clicked on the first one to check what was happening. I was shocked to see numerous photos of me and my hubby. Panay stolen pictures kanina.

Kadalasan sa mga tweets ay mga babaeng naiinggit sa akin. They said I'm living the best life. I agree with them. I get a free pass to be near Russell because of it.

Nag-scroll pa ako upang magbasa. Mayroong mga positive comments pero mas marami ang negative tweets. Hindi daw ako bagay maging assistant. I'm only taking advantage of the situation. Ginagamit ko daw ang pwesto ko para maghari-harian sa school. Nainis ako dahil obvious namang nagsisinungaling sila. Wala naman akong oras para gawin ang mga binibintang nila. I barely have free time lately.

Makikipagaway sana ako sa kanila at ipa-public ulit ang account ko upang mabasa nila ang mga replies ko nang ma-realize kong kailangang English ang sagot. I have no energy to deal with them so I decided to check why Agatha was trending.

Dating rumors pala about the two of them. Kalat ang pictures at videos ng pagyakap nito. Parang ang sweet sweet nila kahit hindi nakangiti si Russell.


I just closed the app because I was getting annoyed. Bakit si Agatha, tanggap ng mga tao? Pag ako, manggagamit agad?


I was lying on my bed, watching a panda at the zoo clip on youtube when I received a phone call from Russell. Ayoko sanang sagutin pero natakot naman ako na magalit siya.


"Hello?"

"Where are you? Bakit bigla kang nawala?"

Tingnan mo, ngayon mo lang napansin dahil busy ka kay Agatha.


"What do you need?" iritableng tanong ko na lang.

Kung uutusan niya ako ngayong gabi, magpapanggap talaga akong may sakit para hindi kami magkita.


"A-are you okay?" His voice is calm, almost like he's not Russell at all.

I was startled at his question. "What made you think I'm not?"

"You sounded different..." Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin niya doon. Ito pa rin naman ang boses ko.


"I'm fine. Bakit ka napatawag? Anong kailangan mo? Yung mga gamit mo binalik ko sa locker mo bago ako umalis. Kung may ipapabili ka, pwedeng bukas na lang?"

He didn't speak so I looked at my phone. Nasa call pa rin naman siya pero bakit hindi siya nagsasalita?


"Hello? Narinig mo ba 'ko?" tanong ko ulit.

Again, there was only silence.


"Russell, nandyan ka pa ba? Hello? Ibababa ko na ito---"

He suddenly exhaled loudly. "Where are you?"

"Bakit ba kasi? Bukas ka na nga lang magutos please. Kung para sa party 'yan, mag-hire ka na lang ng iba."

"Don't make me repeat my words, Sab."


I shrugged at how serious he is now. I bit my lower lip and stared at the ceiling.

Ewan ko ba kung bakit medyo naiinis ako sa kanya at kung bakit gusto ko siyang iwasan. Wala naman siyang ginawang masama.


"Nasa dorm na ako," I said in a low voice. "Nakahiga na sa kama..." I added that so if he ever wanted to boss me around, he'd feel guilty. Matutulog na ako kaya hindi na niya ako pwedeng guluhin pa.

He sighed. "Get up. I'll pick you in ten."

"Ano? Bakit? Nakapangtulog na ako---"


Nagulat ako nang in-end call niya. I crossed my arms and closed my eyes, totally determined not to move but I received a text message from him again.


From: Hubby 💕

6:42 pm

Dress nicely.

We'll have dinner with my Mom.





*End of Chapter 17*


------------------------------------


Merry Christmas everyone!

Love ya'll! x

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 227 34
Let's travel Palawan in Douglas' eyes. Douglas Alejandria, a son of Cuyo's Vice Mayor, decided to leave their hometown and live alone and work his as...
297K 9.7K 29
Serendipity Series #2: Serenity /sɪˈrɛnɪti/ noun the state of being calm, peaceful, and untroubled. Miguel Lucas Monteclaro has it all. Being the fro...
10.5M 44K 8
Who knew that all it takes is just one badarse speed racer to capture the heart of a young bratty billionairess? Highest Rank Achieved: #2 in Romanc...
4M 72.5K 28
Dear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... me? Written ©️ 2013-2014 (Republished 2...