South Boys #3: Serial Charmer

By JFstories

4.7M 256K 155K

She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
The Final Chapter
Epilogue
V.I.

Chapter 26

59.3K 2.8K 717
By JFstories

PARANG HINDI NA OKAY SINA ISAIAH AT ELI.


Mula nang sa bakuran na namin tumatambay si Isaiah at hindi na kami roon kina Eli, ay hindi na sila nagkakausap na dalawa. Sa school naman ay tamang tanguan na lang sila sa isa't isa. Hanggang sa matapos ang schoolyear, pati kaswal na tanguan ay nawala na. Parang bigla ay hindi na sila magkakilala.


Okay naman sila noong una kaya hindi ko alam kung ano ba ang nangyari? Iyon ba iyong tinatawag na maternity?


Maternity nga ba? Napailing ako. Maturity pala. Ah, basta, nagbago na sila.


Nakakalungkot lang at nakakapanghinayang dahil ang akala ko ay magtutuloy-tuloy ng friendship nina Isaiah at Eli. Pero ganoon nga yata talaga. May mga tao talaga na hindi puwedeng magkasama dahil sa magkaiba ang pag-uugali at mga gusto sa buhay.


Nagsuot ako ng headband para maghanda na sa pagpasok sa school. Unang araw ng bagong schoolyear. Grade 12 na ako at graduating senior high school student.


Hindi katulad noong nakaraang taon na bago lahat ang aking gamit. Ngayon ay maski mga notebooks ko ay recycled lang. Hindi ako binilhan at hindi rin naman ako nanghingi ng pambili. Sakto lang ang budget namin sa bahay dahil busy sa pag-aasikaso sa pagpunta ng Australia si Daddy.


Nag-check ako ng phone bago lumabas ng kuwarto. Sabay pa ang text nina Isaiah at Eli.


Boo ❤:

Morning, Boo. Mag-drive na ako. Kita na lang tayo sa school. I love you!


Sumaya agad ang umaga ko pagkabasa ng text ni Isaiah. May tawagan na nga pala kami. Palagi niya kasi akong kinukulit kung ano ba ang tawagan namin, mabuti na lang at nag-suggest ang isa sa tropa niya na si Miko. Cute daw ang 'Boo'. Bagay daw sa amin.


Sa tingin ko ay bagay nga ang 'Boo'. Cute pakinggan at hindi masyadong obvious. Isa pa, favorite color ko ang fuchsia na malapit sa kulay na pink. 'Tapos favorite anime naman ni Isaiah ang Dragon Ball Z, kung saan isa sa character ang pink na si Majinboo. Oh, 'di ba? Ang galing mag-isip ni Miko!


Matapos kong mag-reply kay Isaiah ay text naman ng kaibigan ko na si Eli ang aking tiningnan.


Eli:

Saan ka na? Kanina pa ako sa gate. Baka tulog ka pa? Siguro nagpuyat ka na naman sa kaka-text. Bahala ka! Bibilang ako ng 100, tapos iwan na kita pag wala ka pa!


Hindi kaya ako takot. Alam ko naman kasi na kapag natapos ni Eli ang pagbibilang ng up to one hundred na wala pa ako, ay uulit siya sa pagbibilang. Hindi niya ako iiwan.


Sa pagpupuyat sa pagti-text ay aminado ako. Nasanay na kasi ako na buong bakasyon ay ka-text si Isaiah. Kahit madalas naman kaming nagkikita sa gabi, miss pa rin namin palagi ang isa't isa. Ganoon yata talaga kapag in love. Hindi iyon naiintindihan ni Eli kasi hindi pa naman siya na-i-in love sa buong buhay niya!


Bumaba na ako sa sala. Nasa gitna pa lang ako ng hagdan nang aking marinig ang malakas na boses ni Daddy.


"VERONICA, ANO BANG PROBLEMA?!"


Sinundan ni Daddy si Mommy hanggang pinto. Nakabihis si Mommy ng pang-alis na damit. Hindi na ayos na ayos dahil hindi na siya palaayos ngayon. May bitbit siyang maliit na maleta.


Hinabol siya ni Daddy hanggang sa pinto. "Veron, 'wag kang umalis. Please, 'wag namang ganito o..."


"Tama na, Robert," malamig ang pagsasalita ni Mommy na ngayon ko lang narinig.


"Veron, naman..." Nabasag na ang boses ni Daddy. "Wag mo akong iwan. Maawa ka naman. Mahal na mahal kita, hindi ko kaya na wala ka..."


Hindi na pinansin ni Mommy si Daddy. Sa akin siya tumingin, "Vi, mag-empake ka ng kaunting damit. Iyong mga importante lang. Doon mo dalhin kina Hannah. Ibinilin na kita sa kanya na doon ka muna."


Napatanga ako. Kina Tita Hannah? Kina Eli?!


"Saan po kayo pupunta, Mommy?" nag-aalalang tanong ko dahil wala naman siyang kaibigan na puwedeng puntahan. Wala ring kalapit na kamaganakan.


"Vivi, uuwi muna ako sa lola mo sa Laguna. Hindi ko pa sigurado kung tatanggapin nila ako roon, pero susubukan ko." Itinakwil kasi si Mommy ng side niya noong nakipagtanan siya kay Daddy. Namatay kasi sa atake sa puso ang lolo ko dahil doon.


Pinangiliran ako ng luha. "Mommy, iiwan mo na rin ako..."


"Anak, pansamantala lang. Sana maintindihan mo. Natatakot akong dalhin ka agad dahil baka pumalpak ako at madamay ka pa. Hintayin mo muna si Mommy na makabuwelo sana muna."


Naiiyak akong tumango. Naiintindihan ko siya. Mahirap nga naman na dalhin niya agad ako, gayong wala pa siyang kasiguraduhan sa kanyang patutunguhan.


Ang tagal ni Mommy na natali sa bahay na ito. Mula nang magsama sila ni Daddy, tuluyan na siyang nawalan ng laya. Nabuhay na lang siya sa ilalim ng anino ni Daddy. Hindi pa niya nararanasang magtrabaho at wala siyang alam sa mundo kundi maging ulirang ina at asawa. Ang alam niya lang gawin ay ang alagaan at intindihin ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya.


"Babalikan kita, anak." Malungkot ang ngiti sa mga labi ni Mommy. "Ayaw ko ring sirain ang pag-aaral mo. Graduating ka na."


"Veron, please!" Bago makarating sa pinto ay niyakap siya ni Daddy sa bewang. "Veron, hindi mo na ba ako mahal? Bakit mo ako iiwan? Bakit ngayon? Kailangan kita. Kailangan ka namin.'Wag mong gawin ito sa pamilya natin..."


Galit na itinulak ni Mommy si Daddy. "Ginagawa ko nga ito para sa pamilyang ito, Robert! Dahil kapag hindi mo ako hinayaang umalis, baka matuluyan na tayo. Ubos na ubos na ako. Kapag nasaid ako, baka mapatay kita! Naririnig mo? Kapag natutulog ka sa gabi, gusto kitang patayin para hindi ka na magising!"


Lumuluha na si Daddy. "I'm sorry, Veron... Sorry sa lahat..."


"Kung talagang gusto mong sumubok na isalba ang pamilyang ito. Paalisin mo ako. Hayaan mo akong makahinga muna sa 'yo!"


Napahawak ako sa aking dibdib dahil umiiyak na ako. Iyong saya ko kanina ay tuluyan nang naglaho. Hindi na ako makahinga at basang-basa na ako ng luha habang nakatingin sa kanila. Sa unang pagkakataon, ngayon ko lang nakita si Mommy na manindigan para sa sarili niya. Masaya ako pero nalulungkot din ako dahil alam ko na aalis siya.


Wala na si Kuya Vien at aalis pa si Mommy. Alam ko kung gaano ako mahihirapan pero kailangan kong intindihin ang mga dahilan.


"Aalis na ako, Robert." Nagpunas ng luha si Mommy. "Tatawagan ko si Hannah mamaya. Nagbilin na ako sa kanya, kaya 'wag ka nang magtangka na gumawa ng kahit ano. Malalaman ko kapag hindi doon umuwi si Vivi."


Nang lumabas na si Mommy sa pinto ay nangingipuspos na napaupo si Daddy sa sahig. Napasabunot siya sa kanyang buhok habang nanginginig ang balikat sa pag-iyak.


Nakatitig lang ako kay Daddy. Hinahanap ko sa aking puso ang awa para sa kanya, wala akong mahanap kahit kaunti. Hungkag lang ang pakiramdam.


Bumalik ako sa kuwarto para mag-impake ng ilang damit at gamit. Ilang pares uniform, pajama, mga pambahay na damit at panloob. Hindi na ako nagdala ng mga skincare o make up. Bote lang ng shampoo, sabon, toothbrush at toothpaste ko ang aking dinala.


Bago bumaba ay dumaan ako sa kuwarto ni Kuya Vien at sandaling tumunganga roon. Matapos ang ilang minuto ay kumuha ako ng ilang t-shirt ng aking kapatid at inilagay rin sa bitbit na maleta. Ibabaon ko ang mga iyon.


Ang sakit ng dibdib ko dahil ngayon ang unang beses na aalis ako sa bahay namin. Pero mas hindi ko kayang manatili rito na mag-isa na lang ako.


Lumakad na ako palabas ng pinto. Nilampasan ko na si Daddy at hinayaan lang na tuluyang maubos sa aking pandinig ang kanyang hinagpis.



FIRST DAY OF SCHOOL. Wala ang sigla na dapat ay nararamdaman ko sa unang araw ng eskwela. Hindi ako kinulit ni Eli sa biyahe sa jeep dahil alam niya na ang nangyari. Siya na rin ang nagbayad ng aking pamasahe.


Ang mga gamit ko na inimpake kanina ay si Tita Hannah ang kumuha. Bago umalis si Mommy ay pumunta pala ito sa kanila para magpaalam. Alam na rin ni Eli na doon muna ako sa kanila titira.


Sabay kaming naglakad ni Eli papasok sa gate. Naghiwalay lang kami nang matanaw niyang naglalakad na palapit sa amin si Isaiah. Sumeryoso na ang mukha ni Eli at tahimik na nauna.


Si Isaiah ay seryoso rin ang mukha pero nang kami na lang ay saka ngumiti. Kinuha niya ang bag ko at siya angnagbitbit. "Tara sa canteen muna," yaya niya. "'Di pa ako nag-aalmusal. Subuan mo ko."


Hindi ako umimik dahil  alam ko naman na nag-almusal na siya sa kanila. Hindi papayag si Tita Anya na aalis siya na hindi kakain muna. Ang totoo, alam niya na ako ang hindi pa nag-aalmusal, kaya ako talaga ang pakakainin at susubuan niya.


Pagkakain sa canteen ay ibinili ako ni Isaiah ng bagong ballpen at one whole pad paper. Siya rin ang naglagay sa bag ko ng mga iyon para hindi na ako makatanggi. Iyong Hello Kitty ko naman na wallet ay nilagyan niya ng two hundred na buo saka dalawang fifty.


"Baka wala ka ng pera."


"Kumanta ko sa kasal ng anak ng kumare ni Mama kahapon. Seven hundred bayad sa akin. 'Tapos nanalo pa tropa kagabi sa pustahan sa computer shop. Mayaman boyfriend mo ngayon." Kinindatan niya ako.


"Ang swerte ko, ang yaman saka ang guwapo ng boyfriend ko."


Pinisil niya ang ilong ko. "Kaya nga 'wag mo na akong pakakawalan. Hindi ka na makakakita ng katulad ko."


"Oo!" Nakangiti na yumakap ako sa braso niya. Nakalimutan ko na ang lungkot ko sa pag-alis ni Mama. Kapag talaga kasama ko si Isaiah, para talagang magic na sandali kong nakakalimutan ang mga problema.


Sinamahan ako ni Isaiah sa paghahanap sa room ko. Sa second floor ako. Sumunod naming hinanap ang room niya. Doon siya sa ibaba. Kaklase niya sina Miko, Asher at ang pinsan niyang si Arkanghel.


"Akyat ka na?" Ayaw niya pang bitiwan ang kamay ko kahit malapit na mag-bell.


Tumango ako habang nakangiti. Nasa may hagdan kami. Tumingkayad ako para hawiin ang ilang piraso ng mahaba niyang buhok na napunta sa gilid ng kanyang sentido.


"Hindi ako nakapagpagupit noong Sabado. Napapunta kasi kami sa lola ko sa Tanza. Dinala siya sa ospital. 'Tapos noong Linggo naman ay kumanta ko sa kasal."


"Ha? Anong nangyari sa lola mo?"


"Kailangan ng kidney operation. Nasa ospital pa siya hanggang ngayon. Pupunta nga ako roon mamaya kasama si Mommy. Sorry, ah? Hindi ako makakapunta sa inyo mamayang gabi."


"Okay lang." Hindi ko pa rin naman nasasabi sa kanya na mula mamaya ay doon na ako kina Eli uuwi.


"Ako ang magbabantay sa lola ko. Doon ako dederetso tuwing uwian. Dadalhan na lang ako ni Mommy ng damit. Busy kasi sila ni Daddy dahil kailangan nilang mag-raise ng pera para sa operasyon."


Hindi pa nakakabalik ang daddy niya sa ibang bansa. Nagkasakit din kasi ito noong bakasyon.


Hinalikan ko si Isaiah sa pisngi bago ako umakyat sa second floor ng Grade 12 building.


Nakagat ko ang aking ibabang labi nang makita na kaklase ko pala ngayong taon si Carlyn. Nang makita ako nito ay inismiran agad ako.


Kaklase ko rin sina Jillian Mae Herrera at Susana Alcaraz. Dito na pala ulit ito mag-aaral ang huli. Mukhang matatalino ang mga kaklase ko ngayon.


Sa pinakagilid sa may bandang bintana ako pumuwesto. Dito sa hindi masyadong pansinin. Noong nomination nga lang para sa muse ay nasali pa rin ako. Ang nag-nominate sa akin ay ang kaklase namin na si Hugo Emmanuel Aguilar.


Natalo ako sa botohan. Ang nanalong muse ng section ay si Carlyn at ang escort nito ay si Hugo. Napuno ng kantiyawan sa room namin dahil binato ni Carlyn si Hugo ng notebook sa ulo.


Matiwasay naman ang buong unang araw ng klase. Sa huling subject, ay pinagawa kami ng essay sa formal theme tungkol sa kung ano ang goal namin ngayong taon. Wala akong maisip na goal maliban sa gusto ko nang maka-graduate para makapagtrabaho na.


"Ano ang goal mo ngayong taon, Eli?" tanong ko kay Eli. Sinundo niya ako sa room ko kahit ang sabi ko ay wag na siyang mag-abala.


Naunang pinalabas ang section namin ngayon, habang si Eli ay naunang makatapos ng activity sa room niya kaya nakalabas na siya agad. Ang section naman nina Isaiah ay sinesermunan pa ng teacher sa huling subject. Lahat doon ay damay at hindi pa pinapalabas.


Sinenyasan ko si Isaiah na uuna ako at kasama ko si Eli. Malungkot siya na nakatanaw na lang sa amin.


Sa bench ako naghintay kay Isaiah. Sinamahan naman muna ako ni Eli habang naghihintay. "Ano ang goal mo ngayong taon, Eli?" tanong ko sa kanya.


Namulsa si Eli sa suot niyang school pants nang sumagot, "Iyong pangako ko kay Kuya Vien na hindi kita pababayaan."


Lumabi ako. "Hindi iyon. Ano nga?"


"Iyon nga."


Paglingon ko sa kanya ay seryoso ang ekspresyon niya.


Hinawakan niya ang kamay ko. "Matutupad ko lang iyong pangako ko kapag palagi mo akong kasama."


"Palagi naman tayong magkasama, ah."


Hindi ko alam kung imahinasyon lang ba na parang nag-iba ang emosyon sa mga mata ni Eli o baka gutom lang siya.


"Vivi!" boses ni Isaiah na nagpalingon sa akin sa harapan.


Pasimple kong binawi ang kamay ko kay Eli pero ayaw niyang bitiwan. "Eli, kamay ko..."


Pagbalik ng paningin ko kay Isaiah ay seryoso na rin ang ekspresyon niya habang nakatingin sa magkahawak naming kamay ni Eli.


Tumayo ako sa bench at akmang lalapit kay Isaiah. Baka kasi sa ganoong paraan ay bitiwan na ni Eli ang kamay ko. Pero sa pagtayo ko ay tumayo rin si Eli habang nakahawak pa rin sa aking kamay. Napaatras tuloy ako dahil sa pagkakahila.


Kinakabahan ako. Dahil kitang-kita ko ang pagdidilim ng ekspresyon ni Isaiah.


"Eli, ano ba?" mahinang sita ko sa kaibigan.


Lalo lang humigpit ang pagkakahawak ni Eli sa kamay ko. "Paano kung ayaw kitang bitiwan, Vi?"


Napanganga ako. "Ano bang sinasabi mo? Uutang ka ba? Nawalan ka ba ng wallet? Wala kang pamasahe?"


Nagusot ang matangos na ilong ni Eli saka ako binitiwan. "Mamaya na nga lang tayo mag-usap!"


Lumabi ako. Bakit ba ang init ng ulo niya?


Nilampasan na ako ni Eli. Dinaanan niya lang basta si Isaiah at hindi ko na nakita kung ano ang ekspresyon niya. Si Isaiah naman ay seryoso pa rin at nakatiim ang mga labi.


Lumapit sa akin si Isaiah na hindi maganda ang mood. "Anong pinag-uusapan niyo?"


"Uhm, goal sa buhay?"


Hindi kumibo si Isaiah pero hindi na nawala ang pagsasalubong ng kilay niya hanggang sa maihatid niya ako sa amin pauwi.


Dahil wala sa mood si Isaiah ay hindi ko pa tuloy matyempuhan na sabihin sa kanya na kina Eli ako pansamantalang titira.


Pagkahatid niya sa akin ay nagkunwari ako na papasok na sa gate. Nang tiyak na nakalayo na siya ay saka ako dumeretso sa gate nina Eli.


Hindi pa ako nakakapag-doorbell ay bumukas na agad ang gate. Ang sumalubong sa akin ay ang nakasimangot na si Eli. Naka-uniform pa at hindi pa nagpapalit ng pambahay.


Tumuloy na ako sa loob. Nandoon si Tita Hannah na nakangiti sa akin. "Vi, kumain na muna kayo ni Eli. Nagluto ako ng pancake. May syrup din na paborito mo, pinabili ni Eli kahapon nang mag-grocery ako."


"Thank you po, Tita Hannah." Sinulyapan ko si Eli pagkatapos. Hindi siya makatingin sa akin habang pinamumulahan ng mukha.


Busog na busog ako hanggang kinagabihan. Ngayon lang ako nabusog nang ganito. Ang ulam sa hapunan ay masarap na kalderetang baka. Walang umaawat sa pagkain ko, sa halip ay panay pa ang alok sa akin ni Tita Hannah ng ulam at si Eli naman ay pasimple na pinagsasandukan ako ng kanin.


Pagkakain ay tinulungan ko si Tita Hannah na maghugas ng pinagkainan at maglinis ng kusina. Nauna na itong umakyat sa itaas dahil umatake na ang migraine. Naiwan ako na nagtapon ng basura sa bakuran. Sinamantala ko rin ang pagkakataon na tanawin ang bahay namin.


Makikita mula sa bakuran nina Eli ang kalahati ng bahay namin. Mukhang hindi umuwi si Daddy dahil walang kailaw-ilaw. Napakalungkot tingnan ng madilim na bahay namin. Hindi ko na kinaya pang tanawin iyon kaya pumasok na ulit ako sa bahay nina Eli.


Nag-shower ako at pagkatapos ay sa banyo na rin nagbihis. Maluwag na t-shirt ni Kuya Vien at pajama ang suot ko paglabas. Muntik na kaming magkabanggaan ni Eli dahil nakasalubong ko siya na akmang papasok ng banyo. Nasubsob ako sa ilalim ng leeg niya.


Natigagal naman siya at agad na itinulak ako sa noo. "B-bakit galing ka sa banyo? Bakit basa ang buhok mo, amoy shampoo at amoy sabon ka?!"


"Makatulak ka naman! Nakiligo lang po ako sa banyo niyo, sana okay lang?!" Inis na hinilot ko ang noo ko na itinulak niya. Muntik na akong tumihaya sa sahig sa biglang tulak niya, eh.


"Naligo?!" Namula yata pati tainga ni Eli. "Bakit ka naligo?!"


"Syempre, para presko at mabango!"


Lalo siyang pinamulahan.


Tigagal pa rin siya habang namumula. Nilampasan ko na siya. Para siyang baliw diyan. Bakit ba big deal ang pagligo ko? Saglit lang naman ako sa banyo, ah? Hindi ko naman inaksaya ang tubig nila! Ang damot-damot niya!


Pumunta na ako sa kuwarto ni Eli dahil nandito ang aking maleta. Niligpit ko ang mga damit ko saka sumilip sa kuwarto ni Tita Hannah. Tulog na ang babae dahil masakit ang ulo kanina. Nahihiya ako na basta tumabi rito sa kama dahil baka magising ito. Paano kaya 'yan?


"Hoy, Vivi!" tawag ni Eli sa akin. Nagpupunas siya ng mukha. Naghilamos siya at nagpalit na ng pantulog na t-shirt at pajama.


"Tulog na mama mo. Parang hindi ko kayang tumabi sa kanya kasi baka magising siya. Nakakahiya."


"Doon ka na lang sa kuwarto ko."


"Ha?"


Umiwas ng tingin sa akin ang mailap na mga mata ni Eli. "Doon ka sa kuwarto ko. May aircon din doon..."



Napailing agad ako nang mapagtanto ang sinasabi niya. "Kuwarto mo? Ayoko nga!"


Napa-tsk siya. Hinuli niya ang pulso ko saka ako hinila. Pumapasag ako pero bigla niya akong kinarga. Hindi ako makatili dahil baka magising ang mama niya kaya sinabunutan ko na lang siya.


"Ano ba, Eli?! Ibaba mo ako! Kalalbuhin kita!" impit at gigil na sabi ko habang sinasabunutan siya.


Nakasimangot siya sa asar pero tiniis niya ang pananabunot ko. Hindi niya ako ibinaba hanggang hindi kami nakakarating sa kanyang kuwarto. Doon niya ako sa kanyang kama ihinagis. Tumalbog ang puwet ko sa foam.


"Diyan ka matulog!" Kinuha niya ang isang unan. "Doon ako sa sofa sa sala!"


Ha? Ganoon pala?


Palabas siya ng pinto nang lumundag ako pababa sa kama niya para habulin siya. Napigilan ko siya sa braso. "Eli, ako na lang ang sa sofa sa ibaba!" Nakakahiya kasi na nakikituloy na nga ako, aagawin ko pa ang komportableng higaan niya.


Salubong ang mga kilay niya nang lingunin ako. "Mainit at malamok sa ibaba. Gusto mo bang magkaroon ng kagat ng lamok ang balat mo?"


"Eh, 'di ikaw naman ang maiinitan at kakagatin doon ng lamok!" Mas lalo akong nakonsensiya. "Dito ka na lang din matulog kung ganoon!"


Umawang ang mga labi ni Eli sa sinabi ko.


"Puwede ka naman dito, Eli. Diyan ka sa kama 'tapos maglalatag na lang ako sa sahig."


"Sa tingin mo papayag ako na sa sahig ka matutulog?!"


Napabuga ako ng hangin. Mukhang wala na akong pagpipilian. "Okay, okay. Para wala ng away, sa kama na lang tayo pareho. Maglagay na lang tayo ng unan sa pagitan natin."


Laglag ang panga ni Eli sa suhestiyon ko.


Magkaibigan naman kaming dalawa. Magkababata pa. Kahit noong mga bata kami ay may pagkakataon na nakakatabi ko sila ni Kuya Vien na humiga sa damuhan. Wala lang iyon dahil para na kaming magkakapatid.


Hinila ko ang braso niya. "Sige na, Eli. Magtabi na tayo sa kama. Wala namang malisya."


Nabura ang pagkatigagal niya. Nagulat ako nang sumeryoso ang kanyang mukha. "Vi, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi mo ba alam?"


"Eli..." May bumangon na kung anong kaba sa dibdib ko nang makita ang pagdaan ng galit sa seryosong mga mata niya.


Ang mga titig niya sa akin ay biglang uminit. Kasunod niyon ay ang mga salitang hindi ko akalaing aking maririnig, "Sa 'yo lang wala, Vi. Sa 'yo lang walang malisya... pero sa akin, meron."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

24.9K 1.7K 70
THE WATTPAD FILIPINO BLOCK PARTY IS BACK! Sana all bumabalik! Sana all binabalikan! Dahil narito na muli ang ating taunang Wattpad Filipino Block Pa...
264K 16.4K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
15.2M 487K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...