LADY MASQUERADE

By CeCeLib

14.8M 347K 40.2K

WARNING: SPG/R-18 "Love has a powerful way of removing the mask we all insist on wearing." - geckoandfly More

SYNOPSIS
CHAPTER 1 - The Boss
CHAPTER 2 - Amber Eyes
CHAPTER 3 - The Hand Job
CHAPTER 4 - Frustration
CHAPTER 5 - The Host
CHAPTER 6 - He likes her
CHAPTER 7 - Chivalry
CHAPTER 8 - It Hurts
CHAPTER 9 - Stoic Secretary
CHAPTER 10 - Unknown Emotion
CHAPTER 11 - Her Mask Fell
CHAPTER 13 - A Loveless Offer
CHAPTER 14 - Not Easy to Forget
CHAPTER 15 - Confession and Kiss
CHAPTER 16 - Tonight, Love me
CHAPTER 17 - Genie in the Bottle
CHAPTER 18 - I love you
CHAPTER 19 - You're mine now
CHAPTER 20 - The Masquerade Ball

CHAPTER 12 - Going Home

562K 14.5K 1.2K
By CeCeLib

CHAPTER 12 – Going Home

BAGO tuluyang makita ni Aidan ang mukha ni Lady Masquerade, biglang namatay ang ilaw. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at lihim na napamura. Shit! Malapit na, e! Makikita na niya, e!

Fuck it!

Hinawakan ni Lady Masquerade ang kamay niya na may hawak sa maskara nito at kinuha roon ang hawak niya. Mabilis niyang sinapo ang mukha nito at siniil ng halik ang mga labi ng babae.

"Don't..." he was begging and he never begs. "Don't put it on. Please? I want to see you... i want to know you."

Umiling-iling ito. "I'm sorry, Aidan. Pero hindi pa ito ang tamang panahon." May bahid na pangamba ang boses nito.

"Tamang panahon? Kailan? Kapag nasa mental na ako sa kakaisip sa'yo?"

She sighed. "Nakipagkita ako sayo ngayon para sabihing huwag kang magkakamaling ibigin ako. Tanggalin mo ako sa isip mo, Aidan. Kasi hindi maganda ang pakay ko sa'yo. Masasaktan lang kita."

"Kailangan mo akong saktan?" Naguguluhang tanong nito. "Why? May galit ka ba sa'kin?"

The woman captured his lips in white hot fiery kiss before she gets off his lap.

"Lady—"

"It's Cathya." Anito sa boses na pamilyar na pamilyar sa pandinig niya. "My second name is Cathya."

Paanong hindi magiging pamilyar? He'd been hearing that voice for more than three years now.

"C-Cathya?" No... It couldn't be...

The light turns back on. May suot na naman itong maskara. He looked deep into her gray eyes. They were sad and full of guilt. Puno iyon ng pagsisisi.

Pero hindi puwede... baka nagkakamali lang siya. Imposible! Hindi puwede 'to.

"'Till we see each other again, Aidan." Anito at mabilis na umalis ng silid.

Hindi siya gumalaw sa kinauupuan. He was in shell shock. He couldn't believe it. No. Hindi iyon puwede. Hindi niya kayang gawin 'yon sakin. Hindi niya iyon magagawa!

Mabilis siyang naglakad palabas ng silid at lumabas ng Restaurant. Sumakay siya sa kaniyang Lamborghini at pinaharurot iyon pabalik sa opisina niya.

Nakasara na ang Navarro Building at tanging nag security guard nalang ang naroon.

"Sir." Anang Security Guard. "Good evening."

"Open the door." Pagalit na sabi niya.

Mabilis naman na tumalima ang Security Guard at nagmamadali siyang naglakad patungo sa elevator. He pushed the top floor button.

Nang tumigil ang elevator at bumukas, nag-uunahan ang mga paa niya na pumasok sa kaniyang opisina at kinuha sa file cabinet ang resume ni Gemini at binasa iyon.

Walang buhay siyang napatawa ng makita ang buong pangalan ni Gemini. Hindi. Hindi siya nagkamali.

Pero paano nito nagawa 'yon sa kaniya?

Aidan read Gemini's full name again and again.

Gemini Cathya Tejares.

No! She won't do this to me! 

No!

Galit na tinapon niya ang resume nito sa sahig at mabilis na lumabas ng opisina. He needs to see her. He needs to talk to Gemini. Kailangan sa bibig nito mismo manggaling na hindi ito si Lady Masquerade. Mabait si Gemini. She's a good girl and she won't fool him like this!

Halos lumipad ang sasakyan niya patungo sa apartment ni Gemini. Nang makarating doon, kaagad siyang kumatok sa pinto ng apartment ng sekretarya niya.

Alam niyang umuwi na ito kasi tinext siya kanina ni Mack na inihatid nito si Gemini sa apartment nito. Nagalit pa nga siya rito, e.

Then a couple of seconds later, the door opened showing a very tired looking Gemini.

"Aidan..."

Aidan cupped her face softly and stared at her eyes. "Gemini, please tell me—" Her eyes ... shit! They were color gray and not black.

At kahit walang buhay ang mukha nito, nakakahalina pa rin iyong pagmasdan.

Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong lalagyan ng contact lens.

Umawang ang labi niya at pagak siyang tumawa. "Why?"

Nagbaba ito ng tingin. Halatang nagi-guilty ito sa ginawang panloloko sa kanya.

"Sagutin mo ako, Gemini." Matigas ang boses na sabi niya. "Answer me. Why on fucking earth did you do this to me?"

Hindi ito umimik at nanatiling nakababa ang tingin.

Pumasok siya sa loob ng apartment nito at marahas niyang hinila si Gemini patungo sa sala at pinaupo ito sa sofa.

"Bakit mo ginawa sa'kin 'yon?" Tanong niya habang nakatayo sa harap nito. "May galit ka ba sa'kin? Ayaw mo ba sa'kin? May nagawa ba akong masama sayo?"

Umiling ito at nag-umpisang humikbi. Parang pinipitas ang puso niya sa sakit dahil sa naririnig niyang hikbi nito pero ginawa niyang bato ang puso. Hindi maari. Hindi niya hahayaang lumambot siya pagkatapos ng ginawa nito sa kanya.

"Fuck it! Gemini! Answer me!" Galit na galit na sigaw niya.

Napaigtad ito at nanginginig ang boses na nag-umpisang magsalita.

"I-I'm sorry. H-Hindi ko naman b-balak na lokohin k-ka. I j-just needed money for my f-family."

His jaw tightened. "Money? Are you for real? How much?"

"T-Two million." Humihikbing sabi nito.

"Two million? Para lokohin ako?" He laughed sardonically. "You know what, i won't even ask who paid you to do this to me. Ayoko na. Ayokong malaman ang kahit na anong may kinalaman sayo. Niloko mo ako at pinaglaruan. Lady Masquerade is you all along. Tama na." Humakbang siya palayo rito. "I'll pay you two million pesos as your separation fee in my company. Sana masaya ka na. Pera lang pala ang habol mo, sana sinabi mo kaagad. Hindi ka na sana nag-effort pa."

She didn't answer. She just keeps of crying and sobbing loudly.

"S-Sorry, Aidan."

His heart is being ripped apart inside his chest. "I'll be expecting your resignation in my table tomorrow morning." Nagtatagis ang bagang na sabi niya saka malalaki ang hakbang na umalis sa apartment ni Gemini.

What a joke. No... The joke is on him. From the very beginning.

The changes on Gemini's attitude... the shoes... and damn it! The body. Nang makita niya ang hubad na katawan ni Gemini kaagad na pumasok sa isip niya si Lady Masquerade pero dahil may tiwala siya kay Gemini na hindi siya nito lolokohin, hinayaan niya. He should have known. The shoes... that night with Gemini... hindi na siya nagtaka kung binigay sa kanya ni Gemini ang pagkababae nito dahil sa pera.

He thought she was different. She thought she was an angel... pero nagkamali siya. She is nothing but a worthless piece of crap that he needs to get rid of.

GEMINI was crying furiously. She was sobbing loudly and her cries echoed inside her apartment. Gusto niyang magmakaawa at lumuhod sa harapan ni Aidan para lang patawarin siya pero nang makita niya ang galit sa mga mata nito, naduwag siya.

Kung kailan niya inamin sa sarili na nahuhulog na siya kay Aidan, saka naman nangyari ito? Bakit ba kasi binigyan pa niya ang binata ng hint kung sino siya? Hindi bobo si Aidan para hindi nito malaman iyon.

Ginawa niya iyon dahil ayaw na niya. Kaya niyang isakripisyo ang rancho nila para kay Aidan. Ayaw niyang saktan ito o kaya lokohin.

Gemini cried and cried and cried until her eyes gave up on her. Walang tigil ang pamamalisbis ng luha niya sa pisngi habang naalala ang mga panahon na kasama niya si Aidan at inaalagaan siya nito.

Kasalanan niya kung bakit siya umiiyak ngayon. Kasalanan niya kung bakit galit ito sa kanya. Kasalanan niya ang lahat. Nagpasilaw kasi siya sa pera. Bakit ba hindi niya naisip na walang mangyayaring mabuti kapag nagpasilaw ka sa salapi?

Lesson learned.

Kahit namumugto ang mga mata, pinilit niyang gumawa ng resignation letter. Her tears were streaming down her face as she makes her resignation.

This is my entire fault. There's no one to blame but me.

HABANG hindi pa umaalis ang eroplanong sinasakyan ni Gemini patungong Cebu, mabilis siyang gumawa ng mensahe para sa ina ni Aidan.

To: Mrs. Navarro.

I'm sorry but I can no longer be Lady Masquerade. Nalaman na po ni Aidan ang totoo kagabi at nag-resign na ako dahil iyon ang gusto ni Aidan. Pero huwag po kayong mag-alala, hindi ko po sinabi kay Aidan ang lahat. Hindi po niya alam na may kinalaman ka sa mga nangyari. Babalik na ako ngayon sa Cebu at doon nalang po ako mag-uumpisang muli. May naipon naman po ako kaya puwede na iyon. I'm really sorry ma'am. But thank you. Kasi dahil sa pagpapanggap ko, nakilala ko ang tunay na Aidan na maalalahanin at mapag-aruga. Your son is a good guy, ma'am. And I'm proud to call him my boss.

Gemini hit send. Pinalipas muna niya ang ilang minuto bago pinatay ang kaniyang cell phone. Minutes after that, narinig niya sa mga stewardess na lilipad na ang eroplano.

Inayos niya ang seatbelt at mariing ipinikit ang mga mata.

As the plan takes off, her mind was on Aidan. Sana dumating ang panahon na mapatawad siya nito. At sana dumating din ang panahon na makakalimutan ng puso niya ang nararamdaman para sa binata.

Sana ...

LUGONG-LUGO na pumasok si Aidan sa boutique na pag-aari ng ina niya. Nasa counter ito at parang may binabasa sa cell phone nito. Nang pumasok siya kaninang umaga at walang Gemini na nakita, kaagad na nasira ang araw niya.

He was irritated the whole morning and he could fire anyone who gets in his way.

"Hey, mom." Bati niya sa ina at umupo sa stool na nasa harap ng counter.

His mother looked at him. "So? May bago ka nang sekretarya?"

Natigilan siya at kunot ang nuong tumingin sa kaniyang ina. "Paano mo nalaman?"

His mother shrugged. "Nag-text sa'kin si Gemini. Nagpapaalam siya."

His body went rigid. "Nagpapaalam?" I don't care! Damn it!

"Oo." Anang ina niya. "Babalik na raw siya sa Cebu at doon nalang siya mag-uumpisang muli."

Sa Cebu? Anong gagawin niya roon?

"Ano naman ang gagawin niya roon?" Aidan asked as he pretended like he didn't care.

"Hindi ko alam." Bumuntong-hininga ang ina niya. "Kawawa naman si Gemini. Baon na baon sila sa utang, nakasanla ang Rancho nila at ngayon wala na siyang buwanang sahod na tutostos sa mahina na niyang ama."

He stilled at that. "Ganoon sila kahirap?"

"Oo." Mataray na sagot ng ina niya. "Kaya nga magaan ang loob ko kay Gemini, e. Hindi siya katulad ng ibang babae na pinapabayaan ang pamilya. Gemini is a good woman and an amazing daughter. At wala kang kuwenta dahil tinanggal mo siya sa trabaho. Ano nalang ang gagawin niya ngayon?"

Hindi siya umimik. Hindi niya sinagot ang ina. Ano naman ang pakialama niya sa babaeng 'yon? Niloko siya nito. Wala na siyang pakialam kahit na ano pa ang mangyari kay Gemini.

Galit siya rito. Period.

NANG makalapag ang eroplanong sinasakyan ni Gemini sa Cebu, napangiti siya. It's been three years since she'd been here. Hindi kasi siya umuwi habang nagta-trabaho sa kompanya ni Aidan. Tiyak na matutuwa ang ama niya kapag nakita siya nito.

Gusto niya itong surpresahin kaya naman hindi niya sinabi rito na uuwi siya.

Habang naglalakad siya palabas ng Airport, may ngiti sa mga labi niya. She missed this place. Medyo namasa ang mga mata niya. Naalala kasi niya kung gaano kamahal ng mommy niya ang Cebu. Nang wala pa itong cancer, may nag offer ditong trabaho sa Maynila at talagang napakalaki ng sahod, pero ang ina niya, tinanggihan iyon dahil mahal nito ang Cebu at ang pamilya nito.

Pumara siya ng Taxi at nagpahatid sa bahay nila.

Nang makarating ang taxi sa labas ng simpli nilang tahanan, kaagad na nakita niya ang kaniyang ama na nakaupo sa recliner sa labas ng bahay at nagbabasa ng diyaryo.

"Dad!" Sigaw niya ng makalabas sa taxi. "Dad! I'm here!"

Her father stands up abruptly and when he saw her, his eyes watered. Mabilis siya nitong sinalubong at niyakap siya ng mahigpit.

"My baby. Oh, Gemini." Bulong ng ama niya habang yakap siya. "I miss you so much! God. Salamat at sinagot niya ang panalangin ko na makasama ka."

Naiiyak na yumakap din siya sa ama. "I'm here, dad. Dito na po ako mananatili mula ngayon. Hindi na ho ako babalik sa Manila para magtrabaho. May naipon naman po ako ako e. I could open up a coffee shop or something that could feed us both."

Nakangiti ang ama niya ng pakawalan siya sa pagkakayakap. "Salamat, anak. Salamat at hindi ka na babalik sa Manila. Na miss kita. Na miss ka nang mga kapatid mo."

She grinned. "Na miss ko rin ho sila, daddy. Kayo ho, kumusta?"

Inakbayan siya ng kaniyang ama at iginiya papasok. "Ayos lang naman ako, anak. Ikaw?"

"Okay lang po, daddy." Sabi niya kahit ang gusto niyan sabihin ay 'I'm heartbroken, dad'.

A/N: Last update :) Two chapters lang ulit. Hehe. Salamat sa pagbabasa :)

Continue Reading

You'll Also Like

250K 7.7K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
3.1K 72 28
Liam is a boy who has a simple life and never expects anything from people he is a softhearted person. Xeron is a popular guy,handsome,rich, and sma...
565 85 10
#15 | WICKED WRITERS SERIES| A Collaboration The body was roasted down to its core. It smells nice. Edible, even. The burnt smell was unexpectedly sa...
6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...