The Assassin Servant (Under I...

By Chomipinky

1M 20K 6.7K

Obsession series #1 The story revolves around Venezio, a skilled assassin driven by a desire for vengeance. A... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanaba 16
Kabanata 17
Kabanata 18🔺Warning🔺
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28 🔺Warning🔺
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling kabanata
Main Characters

Kabanata 37

13.5K 350 268
By Chomipinky

Fuck! Hindi ko na alam kung paano ko pa kakayaning mabuhay araw-araw, wala na ang anak ko pati ba naman si Venezio ay iniwan na rin ako.

Nasaan na ang mga pangako niya na handa siyang mamatay para sa akin? Sa amin ng anak niya?

Wala lang ba talaga 'yun sa kaniya? Buong araw ako nagkulong dito sa kuwarto ko sa bahay. Ayokong makakita o makausap ng kahit na sino, even my family.

Sunod-sunod naman ang binibigay sa akin na blessing, hindi ko na matanggap.

Naging masama na ba talaga akong tao para maranasan ko lahat ng 'to? Gusto ko lang naman maging masaya, pero bakit ang hirap?

Simpleng sagot lang naman ang hinihingi ko sa kaniya pero hirap na hirap siya ibigay sa akin. Hindi niya man lang sinabi sa akin kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit siya nakikipaghiwalay. Napatingin ako sa singsing na nasa kamay ko.

How to move on? Kung nahulog ka na rin ng sobra sa lalaki.

"Blare," rinig kong tawag ni Dad sa akin sa labas. Hindi ako nagsalita, gusto kong mapag-isa.

"Nasa labas lang ako. Tumawag ka lang ng maid kung kailangan mo kami ng mommy mo," hindi ko siya sinagot.

Nakatakip lang ng kamay ko ang bibig habang yakap-yakap ang sarili. Bakit ko ba nararanasan 'to? Masama ba talaga ng ugali ko?

Hinayaan ko ang sarili magmukmok. Balang araw magiging okay rin ako, pangako ko sa sarili. Lahat gagawin ko maging masaya lang ako at makalimutan ang mga taong nanakit sa akin.

Pagod na rin ang katawan ko. Ilang araw na akong walang maayos na tulog at kulang pa ang kinakain ko araw-araw.

Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko. Pero hindi ako puwedeng mawalan lang ng malay at maging talunan palagi.


Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta ng living room, kung saan palagi nakatambay sila dad para hintayin ang paglabas ko.

"Dad"tawag ko sa kanya ng makitang nagbabasa sya ng jaryo.

Agad nyang binaba ang hawak, mukhang gulat pa sya ng makita ako.

Tumayo sya at akmang lalapit ng tuluyan ng madilim ang paningin ko.

"Oniria"huling narinig kong tawag ni dad sa'kin.

-

I want to recover my eyes dahil sa nakakasilaw na liwanag, liningon ko si Mom sa tabi ko at mahimbing na natutulog

"Mom"pag gising ko sa kanya.

Dahan dahan syang bumangon at kinusot ang mata.

"Gising ka na pala, gutom ka na ba? paghahandaan kita"tumayo sya at akmang aalis na ng pigilan ko na agad.

"Hindi pa ako gutom, ako na ang bahala sa sarili ko, Mom!"i smiled.

Umupo sya sa tabi ko at hinaplos ang pisngi ko.

"Maaayos nyo rin ang away nyong dalawa, everything will be okay, Darling"

Tumango ako, sana nga.

Kung may balak pa syang bawiin lahat ng sinabi nya tatanggapin ko pa rin, pero hindi.....

Ilan araw akong naghintay at hintayin bumalik sya sa'kin pero hindi nya man lang ako pinuntahan.

Wala na ba talaga? Pumikit ako at sinandal ang sarili.

I was holding my phone ng biglang magvibrate, pagtingin ko may bagong message pero hindi ko alam kung kaninong number.

Lumakas ang pagkakahawak ko sa cellphone ng makitang may kasama si Venezio na babae, nakakapit ang kamay nya sa bewang ng babae.

She's gorgeous pero hindi man lang nakalahati ang ganda ko.

Papatayin ko na sana ang cellphone ng magtext ulit.

Unknown number:ibibigay ko ang address sayo, pumunta ka na bago pa mahuli ang lahat

Tumayo ako at nagpalit ng damit, buti na lang wala dito si Mom.

Nagtago lamang ako dahil baka makita ako ng mga nurse, mukhang nandito pa rin si Mom.

Kinuha ko ang susi sa loob ng slim bag ko, pumasok ako ng sasakyan ni mom at mabilis pinatakbo.

Wala na akong pake alam kung red light na, gusto ko lang masagot lahat ang katanungan ko, kung bakit nya ako iiwan ng ganun ganun lang.

Pinuntahan ko ang address na binigay sa'kin, nandito sa sya bar habang ako nagdudusa.

Paano mo kayang mag enjoy Venezio?

Pumasok ako, palinga linga ako sa paligid para hanapin sya.

Tumigil ako ng makita syang nakaupo habang katabi nya ang babaeng nakita ko sa picture, naglakad ako papalapit sa kanya.

"Whoooo!"sigawan ng mga kasama nya.

"Who is she?"tanong ng babae, tiningnan nya ako mula ulo hanggan paa.

Kumuyom ang kamao ko ng makitang hawak ni Venezio ang bewang ng babae.

Umasta kalang na para bang hindi ako kilala.

"Wag mo akong tingnan na para bang mas maganda ka sa'kin, wala ka pa sa kalahati ng kinis ng balat ko"ani ko.

Inis na tumayo ang babae.

"How dare you"akmang sasampalin nya ako ng may kamay nya pumigil sa kanya.

"Venezio!"tawag ko sa pangalan nya.

"Zio, sino sya? Bitawan mo nga ako"sabi ng babae at inis na inalis ang kamay nyang hawak ni Venezio.

Durog na durog na ang puso ko.

Hinuli nya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan, dinala nya ako sa labas.

Nagpumiglas pa ako pero masyado syang malakas, tinawag sya ng mga kasamahan nya pero hindi nya man lang pinansin.

"Nasasaktan ako, ano ba?"binitawan nya ang kamay ko.

Pagtingin ko sa kamay ko, masyadong mapula. He's hurting me.

"Bakit ka nandito?"unang lumabas sa bibig nya. Simpleng salita nya lang pero pinipiraso ang puso ko.

"Venezio, bakit mo ginagawa-"pinutol nya ako.

"Tapos na tayo, Blare. Hindi mo pa rin ba naiintindihan? Hiwalay na tayo at walang mangyayaring kasal"seryoso nyang ani.

Kusa na lang tumulo ang luha ko, bakit parang hindi na sya ang kilala kong Venezio? Ang daming nagbago.

Wala na akong pake alam kung pagtitinginan na kami ng mga tao.

"Bakit mo ako iiwan? May nagawa ba akong mali? O hindi lang ako marunong magluto. Venezio, gagawin ko ang lahat matuto lang, maglalaba pa ak-"

"Stop, Blare."pagpigil nya sa'kin.

He sighed.

"Umalis ka na at bumalik sa pamilya mo, tapos na tayo."

Nanghina ako, ganun lang ba talaga? Napaka dali nyang sabihin, hindi ko man lang maramdaman na nasasaktan sya.

"B-bakit?"huli na, titigil na talaga ako.

Tinitigan nya ako sa mata.

"Sawa na ako sayo. Pagod na ako, hindi na kita gusto, siguro sapat na para maintindihan mo ang sinabi ko"

Pumikit ako.

Ang sakit sakit, napaka dali ko lang pala pagsawaan.

Sinakripisyo ko kung anong meron ako para sa kanya, muntikan ko ng kalabanin ang pamilya ko, tapos ipagtatanggol ko lang ang gag*ng katulad nya.

"Gago ka!"pinagsasapak ko dibdib nya, hinahayaan nya lamang ako"wala kang kwenta Venezio, paano mo gawa sa'kin to?"tuloy tuloy ang pagbuhos ng luha ko.

Hinuli nya ang kamay ko.

"Umuwi ka na, tatanggapin ko kung ano man ang sasabihin mo sa'kin Blare. Hindi na kita gu-"

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi nya, gigil na gigil akong saktan sya.

"F*ck you! Sana hindi na lang kita nagustuhan pa, pinagsisihan kong minahal ko ang katulad mo"ani ko at tinalikuran sya.

Tuloy tuloy ang pagbuhos ng luha ko habang naglalakad ako, wala na akong lakas.

Pumasok ako ng sasakyan at sinandal ang sarili.

Hindi ko mapigilan sumigaw, galit na galit ako sa sarili ko, bakit ko hinayaan mahulog ako sa katulad nya?.

"Ahhhhh"malakas na sigaw ko, ginulo ko ang buhok ko.

Naiinis na ako sa sarili ko, ang tanga ko.

Bakit ba ako maghahabol sa lalaking wala naman ginawa kundi saktan lang ako?

I won't break my promise again. Hindi na ako iiyak, huling beses na, pagod na pagod na ako, palagi na lang ako talo sa lahat.

Binuhay ko ang makina ng sasakyan, malabo ang paningin ko dahil sa luhang patuloy sa pagpatak.

Mabilis ang takbo ng sasakyan, i can't conrol my self.

Nasisilaw ako sa mga ilaw ng mga sasakyan nadadaanan ko, dumagdag pa ang pag sakit ng ulo ko.

Napansin kong nasa madilim parte na ako ng daan, ililiko ko na sana ang sasakyan ng may biglang sumipot na sasakyan.

"F*ck!"muntikan na akong mabangga.

Nabaling ang tingin ko sa cellphone kong tumutunog, bumagal ang takbo ko at inabot ang cellphone sa loob ng slim bag ko.

Sasagutin ko na sana ang tawag ng makitang may malaking sasakyan papalapit ulit sa  gawi ko.

Hindi ko nagawang iliko ang sasakyan  dahil sa sobrang gulat ko.

Bumagsak ang cellphone ko ng hindi man lang nasasagot ang tawag.

"Damn!"naramdaman ko ang pagtinalapon ng sasakyan ko.

Namanhid ang buo kong katawan, halos na wala na akong marinig, pumikit ako at hinayaan ang pag gulong gulong ng sasakyan ko.

Pagmulat ko ng mata kita ko ang katawan kong puno ng dugo.

Ngumiti ako bago mawalan ng malay.

_

2 years later.......

_

I was comatose for almost 7 months, ang daming nawalang dugo sa katawan ko, isang taon pa ang lumipas bago maka recover ang katawan ko sa trahedyang naganap.

Nahuli na rin ang taong may pakana ng lahat, they want me to die, but sorry na lang dahil malakas pa ang kapit ko kay satanas.

Hindi ko rin lubos maisip na hanggan ngayon ako pa rin ang target ng mga kalaban ni Dad.

Wala naman akong kasalanan kung nanalo si Dad at talo sila, hindi ako ang mga taong bumuto sa kanya.

They are stupid, hindi nila mapatay si Dad kaya ako naman ang target nila, bobo ba sila?

Tinali ko ang buhok ko at nagsimula na rin magpinta, kung ano ang gusto ko iyun na lang ang pinagpatuloy ko.

Twelve hour bago ko matapos ako magpinta.

Tinali ko ang buhok ko at tiningnan ang pinta ko, ngumiti ako.

This is my first time na magpinta ng tatlong pamilya na magkakasama, sinabit ko iyon sa pader dito sa kwarto ko.

Linigpit ko lang ang kalat ko, naligo lang ako at bumaba na rin dahil naghihintay sa'kin sa labas si Bryle.

Dito pa rin ako tumitira sa bahay pagkatapos ng aksidenteng naganap, takot na silang balikan ulit ako ng mga kalaban nya.

Laking pasasalamat lang nila dahil buhay pa rin ako hanggan ngayon.

Pagbaba ko naabutan ko silang nag-uusap ni dad.

Agad tumayo si Bryle at lumapit sa'kin.

"You're so gorgeous, Blare"he kissed my cheeks.

Pasimple ko syang siniko dahil nakatingin sa'min si Dad.

Palipat lipat ang tingin nya sa'min, umayos kami ng tayo ni Bryle.

"Bagay kayo"ani nya.

"We're just friends, dad"ani ko.

"Yeah! Hanggan friends lang kami Tito dahil palagi akong basted sa anak nyo"nakakaasar nya akong tiningnan.

Sinamaan ko sya ng tingin.

Ilan beses ko na nga bang nireject ang lalaking to? Hindi naman sya seryoso sa pagtingin nya sa'kin.

Tumayo si dad at tinapik ang balikat ni Bryle, hindi ko narinig ang sinabi nya dito.


"Let's go"pag aaya nya sa'kin.

"San tayo pupunta?"tanong ko.

"Balita ko palagi ka ng nakakulong dito sa kwarto mo, don't worry! you're safe with me"hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming lumabas.

Oras na rin siguro para lumabas ako ng bahay, simula ng lumabas ako ng hospital hindi na ako nakakalabas sa bahay.

I choose to stay at home, para na rin sa safety ko sa mga mapanakit na tao.

Pinagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan, pumasok ako at sinuot ang seat belt.

Pinanood ko syang lumibot ng sasakyan.

Binuhay nya rin ang makina.

Pumasok kami sa men cloths, hindi ako inform na sasamahan ko pala syang mag shopping

"What do you think?"pinagpantay nya ang dalawang binili nya kung saan ang maganda

Inirapan ko sya.

"Bilhin muna, mayaman ka naman"ani ko.

"Sh*t! Nalimutan ko"tinapik nya ang nuo nya.

Ang sarap nyang tadyakan minsan.

Nauna akong lumabas dahil magbabayad lang naman sya ng pinamili nya,  nakakapanibago lang talaga.

Napansin kong para bang may nakatingin sa'kin, palinga linga ako sa paligid para hanapin sya.

Nakita kong nakatayo si Venezio malapit sa nagbebenta ng ice cream.

Nagtama ang tingin namin.

Wala na rin akong kakaibang nararamdaman pa.

Paglabas ni Bryle, inaya ko na rin syang kumain.

"I saw him"pagputol ni Bryle sa katahimikan.

"Sino?"kunot nuong taong ko.

"Wala"nagkibit balikat lang sya.

Kumain na lang kami, alam ko naman kung sino ang tinutukoy nya.

Normal na rin sa'kin kapag naririnig ko ang pangalan nya.

Sigurado naman ako na pareho na kaming walang nararamdaman pa.

Hawak ko ang tummy ko sa sobrang busog ko.

"Next time, ikaw naman ang manlilibre sa'kin"kinindatan nya ako.

"Mayaman ka na, hindi ka dapat nagpapalib-"hindi ko natuloy ang sasabihin ng may biglang yumakap sa tuhod ko.

Parang tumigil ang mundo ko ng makita ang batang babae na nakayakap sa'kin.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko na marinig sa sobrang lakas ng tugtog.

"Mommy"ani ng bata at sumiksik pa lalo.

Hindi ako nakapagsalita sa sobrang gulat ko.

"Stella"rinig kong tawag na pamilyar na boses.

Pag angat ko, nakita ko si Venezio na papalapit sa gawi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

906K 29.5K 39
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
5.2M 108K 43
Isla de Vista Series #1 Amber, the firstborn child, sought to let everything go. She's living in peace far from civilization. But then, one deep sile...
981K 33.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...