Waves of Destruction (Z Serie...

Od CursedExpensive

167K 5.4K 1.9K

The Zambales Series is the first girl x girl series I will write, this is contain three books. ... Více

WAVES OF DESTRUCTION
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Epilogue
Announcement

Kabanata 1

9.8K 254 35
Od CursedExpensive

Gael Adivino POV

To: Gwapo kong Papa
From: Maganda mong anak
Mico, sabihin mo kay Papa na nakarating na 'ko. Mag-meryenda na kayo, ha.


Text ko sa phone ni Papa, na alam ko naman na kapatid ko rin ang makakabasa. Nakatingin ako sa malaking gate, na aking papasukan, ngumiti ako ng malapad. Bumuntong-hininga ako nang bumukas ang gate, naka-ngiti sa akin ang guard na.

"Ikaw ang bagong kasambahay?" Tanong sa akin nito, hindi matanda ang lalaki. Sa tansya ko ay ka-edaran ko lamang ito.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango, sinabihan naman ako nitong pumasok sa loob. Sinarado niya ang gate at sinamahan ako papunta sa likod ng bahay, roon kami dumaan at hindi sa entrada ng mansyon.

Wala pang ilang minuto ay muli siyang nagsalita sa aking tabi, nilingon ko siya at muling nginitian.

"Ako nga pala si Kristopher," pakilala niya sa akin.

"Gael, Gael Adivino." Wika ko at mabilis kong nilahad ang aking palad sa kaniyang harapan, tumigil ako para lang doon. Hinarap din niya 'ko at tinanggap ang nakalahad kong palad sa kaniyang harapan.

Muli akong naglakad, palinga-linga ako sa paligid dahil ang ganda rito. Natanaw ko rin ang malawak na karagatan, aminado akong mayaman ang may-ari nang pamamahay na ito.

Pamilyang Castellanos. . .

"Ang ganda mo kapag ngumingiti," saad niya.

"Ha?" Nilingon ko siya at pakiramdam ko ay namula ang aking mga pisngi.

"Huwag mong aalisin 'yan, Gael," naka-ngiti niyang sabi sa akin, umiwas ako nang tingin at umastang walang nangyare.

Sa hindi mapaliwanag na pakiramdam, namula man ako dahil sa kaniyang pagpuri ay senyales lamang iyon ng hiya at hindi kilig. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil hindi manlang ako makaramdam ng kilig sa tuwing may mga pumupuri sa akin-- lalo na kung lalaki ito.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito, nakangiti siya sa akin at alam kong nakikipag-kaibigan lamang ito sa akin, hindi ko rin naman makita sa mga titig niya na may iba pa siyang intensyon sa akin.

"Salamat sa compliment mo pero kasi. . . kasi hindi ako sanay sa mga ganiyan." Diretso kong sabi sa kaniya habang nakatingin dito, natigilan naman siya panandalian dahil sa sinabi kong iyon sa kaniya.

"Bakit? Wala bang nagsasabi sa iyo no'n?" Nagtataka niyang tanong sa akin, nakakunot ang kaniyang noo.

Umiling naman ako bilang sagot sa kaniyang tanong sa akin, saka naman ako nagsalita muli.

"Meron, ang totoo ay hindi lang ako komportable sa ganitong bagay," walang pagdadalawang isip kong sinabi iyon sa kaniya, "lalo na kung hindi ko naman kilala ang nagsabi, nakakailang." Walang halong kasinungalingan ko pang dagdag sa mga unang sinabi ko sa kaniya.

Napabuka ng bahagya ang kaniyang bibig dahil sa hindi niya inaasahang sasabihin ko sa kaniya, ang random kasi ng pagpuri niya sa akin kaya naman ang random ko rin na sinabi iyon.

Nasa gano'n kaming puwesto noong may lumabas na isang matanda sa isang pintuan na mayroon pala sa aming likuran. Isang may edad ng babae ang lumabas sa pintuan, ang seryoso ng kaniyang tingin at sobrang tindig ng kaniyang pagkakatayo.

Dahilan iyon para hindi na makasagot sa akin si Kristopher.

Lumapit siya sa amin at tiningnan ako mula ulo hanggang sa paa, nakakailang ang kaniyang titig at hindi ko itatanggi iyon. Lumipat ang tingin niya kay Kristopher at sinenyasan itong umalis.

"Bumalik ka na sa trabaho," utos niya sa lalaki, sumunod naman ito ngunit bago siya umalis ay magpa-salamat ako sa kaniyang paghatid sa akin. "Sumunod ka sa 'kin," tukoy naman sa akin ng matanda.

Walang pag-aatubiling sinundan ko ito pagkatalikod niya sa akin, pumasok kami sa loob at nadatnan namin doon ang iba pang kasambahay katulad namin.

"Ilapag mo ang gamit mo riyan at sumunod ka sa akin," seryoso niyang utos sa akin. Nilapag ko ang gamit ko sa isang tabi at sinundan siya papasok sa loob ng dining area.

"Ikaw ang kapalit ni Laura sa trabaho, ikaw ang papalit sa kaniyang trabaho." Untad niya, lumabas naman kami sa malawak na dining area at ang sunod naming nilabasan ay ang sobrang lawak na sala. "Nakikita mo ba ang mga litrato na 'yan?" Tinuro niya ang mga litrato na nasa tabi ng hagdan at mga nakasabit sa dingding.

"Opo," sagot ko.

Hinarap niya ako at tiningnan muli mula paa hanggang sa aking mukha, hindi naman niya ako tinatarayan ngunit para naman niyang binabasa ang nasa isip ko sa pamamagitan nang pagtingin sa mga mata ko.

Ang pakiramdam ko sa kaniyang tingin ay para niya rin akong hinihigop at hini-hypnotized, gano'n ang dating ng titig ng babaeng ito sa akin.

"Sigurado ka ba na kaya mo ang mga trabaho rito sa mansyon?" Tanong niya sa akin, hindi ko naman inaasahan iyon dahil wala akong alam na dahilan para itanong niya sa akin iyon.

Bumuka ang aking bibig, dahan-dahan na tumango sa kaniyang tanong sa akin.

"Learn to speak when someone is talking to you, kid." Bigla niyang pagi-ingles sa akin, hindi ko inaasahan iyon sa isang kagaya kong kasambahay. . .

"I'm sorry po, Manang. Opo, kaya ko po ang magiging trabaho ko." Agad ko naman na sagot sa kaniya pagkatapos niya akong kausapin at sabihin iyon sa napaka-pormal na tono.

Hindi normal para sa kagaya kong katulong, iniisip ko tuloy ay nasa mataas na position siya naroroon sa mansiyon na ito ng mga Castellanos.

Biglang nangunot ang kaniyang noo.

"Ano ang tinawag mo sa akin?" Tanong nito sa akin sa mas seryoso na tinig, unlike sa kaniya na kahit papaano ay hindi ako kinakabahan.

"Manang po. . .?" Sagot ko sa kaniya sa patanong din na paraan.

"I am not Manang, call me Madam Rosario." May diin pa sa ibang salitang sinabi niya sa akin, hindi ako bingi at manhid para hindi iyon malaman, hindi naman naiirita o galit ang kaniyang boses para matakot ako, siguro ay kaba at ilang pero hindi sa punto na natatakot ako.

"Oho, Manang-- I mean Madam Rosario, noted po!" Agad kong pinutol ang unang itatawag ko sa kaniya dahil biglang mas naging seryoso ang tingin niya sa akin.

"Just to let you know, I am the master here, wherein I am the one who will guide and lead the maid here." Walang halong pang-iinsulto ang kaniyang boses after niya sabihin iyon sa akin.

"Opo, pasensya na po." Hingi ko ng pasensya kay Madam Rosario.

Tumango naman ito sa akin.

"Answer me again, sigurado ka ba na kaya mo ang trabaho na pinasa sa iyo ni Laura?" Tila nagda-dalawang isip niyang tanong nanaman sa akin.

"Opo," agad kong sagot para wala akong marinig mula sa kaniya.

"It just, I only want to make sure na kaya mo nga." Hindi ko alam kung feeling ko lang ba ito or delusional lang ako, pakiramdam ko ay may pinupunto siyang bagay. "Para ka kasing walang laman, payat ka." Bigla niyang sagot.

Natigilan talaga ako ng malala dahil sa sinabi niyo, is that backhanded compliment or insulto talaga for me?

"Kahit po payat ako ay kaya ko po ang trabaho na ito." Sagot ko sa kaniya, may paggalang pa rin sa aking boses kahit medyo naiirita ako sa matanda.

Hindi siya nagsalita pagkatapos kong sumagot, nagsimula naman itong umakyat sa hagdan. Sinundan ko siya sa kaniyang pinuntahan, ngayon ay nakaharap naman ako sa malalaking mga litrato sa ibabaw ng mga cabinet at nakasabit sa dingding dito sa malawak na living area sa second floor.

Ang matandang babae ay taas noong tumingin sa akin, nilingon naman niya ang isang litrato na kanina ko pa tinitingnan. Hinarap niya 'yon at nagsalita sa aking harapan.

"Ang trabaho mo ay ang linisan at alisin ang mga kahit isang alikabok sa mga picture frame, panatilihin mong malinis ang mga 'yan." Mahaba niyang sabi sa akin, "are we clear? Our boss don't want a dirt. Especially the Young Lady." Patuloy pa nito.

The young lady na wala pang nakakakita kahit na sino. . .

Nilingon ko siya at nginitian, "Yes po!" Masigla kong sagot, tumango lang ito sa akin at nagpa-unang bumaba sa hagdan.

Sa huling pagkakataon ay nilingon kong muli ang apat na tao sa isang picture, ang ganda no'ng mga ngiti nila. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas nang loob at tinanong ko ang babae.

"Sino ho iyong mga nasa litrato kanina?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot sa tanong ko, pagkababa namin ay naglakad muna siya bago tumigil. Dahan-dahan siyang humarap sa akin at pinakatitigan ako, sobrang lalim at hindi ko mabasa ang mga mata niya.

"It is not our business, Hija. It's not your job to know who's the people that wasn't here." English niyang sagot sa akin, tumalikod siyang muli sa akin.

Naipit ko naman ang labi ko gamit ang itaas kong labi, tumaas ang aking kilay at lumaki ang mga mata saka tumango.

"Okay po, ma'am. . ." mahina kong wika saka siya sinundan.

"Just mind your own business-- if you have that." muli siyang lumingon sa akin at isang mapaglarong ngisi ang iginawad sa akin ni Madam Rosario, "all you need to do is do your work properly," dugtong pa niya bago ako iwan sa sala.

Dapat kasi hindi ka na nagtanong, Gael.










May ngiti sa aking labi habang pinupunasan ko ang mga litrato sa sala no'ng may nagsalita sa aking tabi, nilingon ko 'yon at nginitian.

"Hi," magiliw kong sabi sa babaeng nasa tabi ko lamang.

Umirap ito sa akin, kaya ang ngiti ko ay parang naging ngiting pilit na lamang.

"Nakakairita ang ngiti mo, alam mo ba 'yon?" Sabi nito sa akin. Ngumiti naman ito sa akin, ngiti na nang-iinsulto.

Mas nakakairita naman ang iyo.

Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya, hindi ko siya maintindihan o ang pinupunto niya. Hindi naman kami close para sabihin niya sa akin 'yon, 'di ba? Saan niya nakukuha ang kapal ng mukha?

"Hmm?" Tanging nahuni ko na lang sa kaniya.

"Bakit mo siya kausap kanina?" Tanong nito sa akin.

Nangunot ang aking noo dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya sa akin, hindi ko siya sinagot at ngumiti na lamang sa kaniya. Ano ang isasagot ko sa kaniya, kung hindi ko naman alam ang tinutukoy niya?

"Ha?"

"Nilalandi mo ba si Kristopher?" Nangigigil niyang tanong sa akin, mas nangunot ang aking noo dahil sa sunod niyang sinaad.

Ako? Hindi ko gawain 'yon.

"Pasensya ka na, pero hindi ko gawain 'yon." Mahinahon kong sagot sa kaniya, pagkasabi ko no'n ay tinalikuran ko na ito at tinuloy ang ginagawa ko.

I'm not prepared, hindi ko alam kung saan tutungo ang usapan naming ito. Isa pa, wala naman akong ginagawa sa kaniya. Hinatak niya ang braso ko, na naging reason kung bakit ko muntikang nabitawan ang picture frame.

"Sumagot ka!" Mahina niyang sigaw sa akin.

"Miss, hindi ko alam ang tinutukoy mo," kahit anong sigaw nito sa akin ay nagagawa ko pa rin ang maging mahinahon. Hindi ako sanay sa away, hindi ako pala-away.

"Sinungaling," inis niyang sabi.

She's asking me but when I answered her sasabihin niyang sinungaling ako? Ano ba dapat ang isagot ko sa kaniya?

"Ano ba ang gusto mong maging sagot ko? Oo? Nilandi ko nga siya?" Tanong ko sa kaniya, gamit pa rin ang mahinahon kong boses.

"Maang-maangan ka pa! At isa pa, huwag kang magbait-baitan. Alam naman nating dalawa na nasa loob ang kulo mo," nakangisi niyang sabi sa akin.

Tumawa ako, na parang hindi makapaniwala. Ano ba talaga ang gusto niya sa 'kin? Nagseselos ba siya? Kinausap at nilapitan lang ako no'ng tao, nilalandi na agad? Nagseselos ba siya? Bakit? May sila ba? Si Kristopher ang dapat niyang tanungin 'di ba?

Dahil sa ginawa kong pagtawa ay mas humigpit ang hawak niya sa braso ko, bigla ay nairita ako ng sobra dahil nasasaktan na ako sa kaniyang pagkakahawak.

"Bitawan mo 'ko," mahinahon kong sabi sa kaniya.

Sasagot sana siya sa akin pero may tumikhim mula sa taas ng hagdan, parehas kaming napalingon doon. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ng babaeng kasama ko ngayon, na kanina lang ay inaaway ako.

Bigla ay agad niyang binitawan ang aking braso, tiningnan ko panandalian iyon at kitang-kita ko ang pamumula dahil sa kaniyang kagagawan.

Muli akong lumingon sa taas at doon ay mas naaninagan ko na ang babaeng pababa sa hagdanan.

Parang nag-slow motion ang paligid ko, parang bumagal ang oras at galaw ng babaeng pababa ng hagdan. . .

Sa mga mata ko ay ang sexy niyang bumaba at maglakad, ang balingkinitan nitong katawan. Ang pa-oblong nitong mukha at ang mahaba niyang straight ng buhok, ang matangos at maliit na ilong niya, ang pa-puso niyang labi, ang natural at ang mataray niyang mga kilay, at mata ang nakakuha ng atensyon ko. . .

Ang masasabi ko lang ay-- ang ganda niya. . .

Magandang babae ito na parang angel na binaba ng Diyos sa bahay na ito, ang corny ko, pero iyon ang totoo. Ang ganda niya, para siyang anghel.

Nakayuko ang katabi ko, pero ako naman ay nakatulala at nakatingin sa babaeng nakatayo sa harapan namin. Hindi siya nakatingin sa akin o sa katabi ko, pero ako naman ay nakatingin sa kaniya.

Paano ba alisin ang titig ko sa kaniya? Hindi ko maalis, para na siguro akong tanga ngayon. Pero kung siya lang din naman ang titingnan ay okay lang maging tanga, para siyang artista.

Pakiramdam ko ay nakatingin siya sa akin at kinakausap ako, pinupuri at nakangiti sa akin.

"You're so beautiful, Gael."

Ashhhh. . .!

Grabe na ang imagination ko, bakit gano'n? Bakit kinikilig ako sa sarili kong imahinasyon? Bakit nga kinikilig ako? Tangina. . .

What the fuck is happening? Bakit ang lakas nang tibok ng puso ko? Bakit sobrang namamangha ako?

Kasi maganda siya?

Siguro. . .

"Are you in a relationship with Kristopher?" Tanong nito sa kausap ko kanina.

Shit! Iyong boses naman niya ngayon, bakit ang lalim? Nakakakilabot. Ang ganda sa tainga, ang sarap pakinggan.

Sino ka ba?

"Wala po kaming relasyon, Lady Priscilla. . ." nanginginig na boses ang narinig ko sa babae.

Hindi gano'n ang boses niya kanina, matapang ang boses niya kanina. Pero ng kausap niya na ang babaeng ito ay naging magalang at takot ang boses niya.

At tama ba ang narinig ko? Lady Priscilla? S-siya. . . siya ang hidden granddaughter ni Ms. Margaret Castellanos! Why they need to hide her? She's beautiful, nasa kaniya na ang lahat. . . anong reason para itago siya?

Tama ba 'to?

Ang alin? Anong tama? Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko, wala akong maintindihan. Masiyado akong humahanga ngayon sa babaeng nasa harapan ko.

Hindi ko akalain na ganito siya kaganda, ang alam lang ng lahat ay ang pangalan niya. Pero ni isa ay wala pang nakakakita sa kaniyang mukha, maliban sa mga taong nasa pamamahay na ito at mga dating katulong. Ang alam ko ay binabayaran nila ang mga kasambahay na aalis sa kanilang trabaho, nang sa gayo'n ay mapanatili ang sekretong mukha ni Lady Priscilla.

Ngayon, hindi ko inaasahan na makakaharap ko siya. Hindi lang iyon, sobrang lapit lang niya sa akin. Sobrang lapit lang ng magandang Priscilla Castellanos sa akin, ang babaeng hinahangaan ko kahit hindi ko pa nakikita. . .

"What's your name?" Tanong ni Lady Priscilla sa babaeng nasa tabi ko.

"Annie-- Annie, Lady Priscilla. . ." nauutal na sagot ng babae, na ang pangalan ay Annie.

May itsura siya, pero kung sa ugali ay pumalya na. Sa naging encounter namin kanina, alam ko na agad na pumalya na agad siya kay Kristopher sa ugali.

Naglakad si Lady Priscilla palapit kay Annie habang magka-cross ang mga braso sa baba ng dibdib nito, hindi nagtangka si Annie na umurong o umatras. Hindi siya nakatingin sa aming amo, ramdam na ramdam ko ang takot at nginig niya.

"You have no right to insult my workers," seryosong sabi ni Miss Priscilla kay Annie.

"Yes, Lady Priscilla--" hindi natuloy ang sasabihin nito ng magsalita muli ang babaeng nasa harapan namin.

"Also you have no right to Kristopher, Annie," ani Lady Priscilla. "Wake up in your dream."

"Sorry po. . ." hinging paumanhin ni Annie.

Tumingala si Lady Priscilla at muling yumuko at tumawa, napalunok ako dahil doon, bakit ang lakas ng dating no'n sa akin. . .?

Nakita ko naman na bumagsak ang isang butil ng luha galing kay Annie. Para akong naaawa sa kaniya, ngunit wala namang ginagawa sa kaniya ang aming amo. . .

"Don't apologize to me," nagpapahiwatig na sabi sa kaniya ni Lady Priscilla, kinagat lamang ni Annie ang kaniyang mga labi.

"Ayos lang na--" hindi ko na napigilan at sumabat na ako sa kanila, tiningnan lang ako ni Lady Priscilla rason kung bakit ako napatigil.

Katulad ni Madam Rosario, para din akong hinihigop nito gamit lamang ang kaniyang magagandang mata. Kakaiba talaga. . .

Muli siyang tumingin sa babaeng katabi ko at kasama namin, kinukutkot niya ang kaniyang mga daliri at wala talagang plano mag-sorry sa akin.

"Do you want me to fire you?" Sabi ni Lady Priscilla, hindi ko alam kung tanong pa ba iyon o pagbabanta na sa babaeng ito.

Agad na nag-angat nang tingin si Annie at kitang-kita ko ang nangingilid niyang mga luha, kitang-kita ko rin kung paano niya babaan ang kaniyang pride kahit pa na ayaw niya.

"P-pasensya ka na, nadala lang ako ng emosyon ko. . ." nanginginig ang boses niyang sabi sa akin.

Binigyan ko siya ng tunay na ngiti, ngiti na sinasabi sa kaniya na ayos lang ang lahat. Ayos lang sa akin ang nangyare at hindi big deal sa akin 'yon.

Yumuko siyang muli at humarap kay Lady Priscilla, hinihintay ang susunod na gagawin at sasabihin ng aming amo.

"Once I caught you insulting the maids of this mansion-- again. I'll fire you," pagbabanta ni Lady Priscilla sa kaniya, "and that Kristopher." Dagdag pa niya, tumango naman ang babae.

Sumenyas naman si Lady Priscilla na puwede ng umalis si Annie, mabilis na tumakbo palayo ito at tumungo sa dining area.

Ilang minuto pa ang lumipas noong nakaalis na si Annie ay hindi pa rin umaalis si Lady Priscilla, kalaunan ay humarap ito sa akin.

"New maid?" Tanong niya sa akin, tiningnan ako sa mata na para bang pinapasok niya ang aking kaluluwa at pinag-aaralan ako. . .

Sobra itong nakakapanghina. . .

"You know, staring is rude." Malamig ngunit mahinahon niya iyong sinabi sa akin, kagaya ng kaniyang maganda boses ang kaniyang mga mata-- malamig tumitig ngunit maganda.

"Pasensya na po. . ." mahina kong wika at yumuko sa kaniyang harapan.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin, hanggang sa napansin kong halos isang dangkal na lamang ang layo nito sa akin.

Halos manlamig ako dahil sa ginawa niya, hinawakan niya ang aking baba gamit ang kaniyang hintuturong daliri para i-angat ang aking ulo at agad mapa-titig sa kaniya. . .

"Are you nervous?" Halos bulong na niyang tanong sa akin.

Napabuka ang aking mga labi dahil doon, sobrang bango rin ang kaniyang hininga habang tumatama iyon sa aking mukha. . .

Umiling agad ako.

"Liar," untad niya sa akin.

"Hindi po ako nagsisinungaling," agad ko naman iyong sinabi dahil sa kaniyang tinuran.

Suddenly, she is now laughing while looking at me, I don't know the reason why pero wala akong maramdaman na insulto o inis sa kaniya. . .

"You are sweating but you still continue lying to me," may ngisi na ngayon sa kaniyang labi.

Agad kong hinawakan ang aking mukha at doon nga'y napagtanto kong pinagpapawisan nga ako. . . agad ko itong pinunasan at hindi na makatingin kay Lady Priscilla.

"Now answer me-- honestly." Bigla ay hinawakan niya ang aking baba at pisngi gamit ang kaniyang isang kamay lang, rason para agad akong mapatingin sa kaniya habang nakatingala. . .

Ang kabog ng puso ko. . .

"Are you. . . nervous?" Mabagal niyang tanong sa akin.

Pumikit ako ng ilang segundo at walang atubiling tumango sa kaniyang tanong bilang aking sagot. . .

Nagmulat ako ng mata at naabutan ko itong nakangiti.

Napalunok ako at agad na kinagat ang aking labi, ilang segundo lang ang tinagal no'n at nakita ko kung paano nawala ang ngisi sa kaniyang labi habang nakatingin siya sa aking labi.

Lumayo sa akin Lady Priscilla na tila napapaso. . . dahil sa akin.

Sakto naman na lumabas si Madam Rosario, ang matandang kasama ko kanina. Nagtataka ang kaniyang mukha, ngunit nginitian lamang ako nito. Lumipat ang tingin niya sa aming amo, saka bumalik sa akin. Seryoso na ang kaniyang mukha, ngunit may bahid pa rin iyon ng pagtataka.

Tiningnan ko naman si Lady Priscilla, katulad niya ay tumingin din siya sa akin. Kumabog nanaman muli ang aking puso dahil sa seryosong tingin niya sa akin, nilagpasan naman niya ako at sinamahan siya ni Madam Rosario sa dining area. Bago iyon ay sinulyapan muna niya 'ko.

Agad-agad akong napahawak sa aking dibdib, parang aatakihen ako sa puso dahil sa lakas ng kabog nito. Ngunit sa kabilang banda ay muli kong naalala ang kaniyang mukha at kung gaano kaganda ang babaeng iyon.

Nagkagat-labi ako at umiling, muli kong tinuloy ang aking ginagawa kanina na naudlot dahil sa nangyare.

"Para saan iyon. . .?"

Nagtataka kong tanong sa sarili ko ngunit kalaunan ay napangiti na lamang ako. . .

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1.4M 34.1K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
180K 4K 32
In the midst of sanctuary, Rie Amor Y. Vineturiaz and Solace B. Gregorio are two devoted married couples who will be challenged by the fate of love...
4.4M 276K 103
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
34.5K 595 23
The characters used all belong to James Cameron the creator of the Avatar series. I'm in love with these tall blue aliens. Feel free to request!