The Assassin Servant (Under I...

By Chomipinky

1M 20K 6.7K

Obsession series #1 The story revolves around Venezio, a skilled assassin driven by a desire for vengeance. A... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanaba 16
Kabanata 17
Kabanata 18🔺Warning🔺
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28 🔺Warning🔺
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling kabanata
Main Characters

Kabanata 36

14.2K 333 247
By Chomipinky

Ang hirap paniwalaan ang lahat, pakiramdam ko ay dala-dala ko parin ang anak ko sa sinapupunan ko.

Ano kaya ang pakiramdam kapag karga-karga mo ang sarili mong anak? Yung makikita mo siyang nakangiti o umiiyak? Gusto kong maranasan lahat ng iyon, pero ipinagkait sa akin 'yon ng hayop na babaeng 'yon.

"Blare," tawag ni Chantel nang makita ako. Binigyan ko siya ng tingin kaya tumakbo siya papalapit sa akin at agad akong niyakap. Ayoko na talagang umiyak pero hindi ko talaga kayang pigilan.

"Shh... Cry all the pain out, Blare. Nandito lang ako para sa'yo." Hinahaplos niya ang likod ko.

Umupo kami sa sofa at inabutan niya ako ng tubig para pakalmahin ang sarili ko.

"Tumutulong na rin kami sa paghahanap, Blare, pero hindi namin talaga alam kung saan iniwan ng babaeng 'yun ang anak niyo." Ani niya.

Kahit nga si Venezio ay hindi alam kung saan hahanapin ang anak namin, paano pa kaya sila? Siguro sapat na ang tatlong buwan na paghahanap. Titigil na ako at aasa na lang sa kapalaran para sa amin. Labag man sa loob ko pero iisa lang palagi ang nakukuha kong balita.

Diretso kong tiningnan si Chantel sa mata. "Itigil na natin ang paghahanap," matigas na wika ko. Kita ko naman ang gulat sa mga mata niya.

"Blare-,"

"Tatanggapin ko na lang ang lahat na hindi talaga kami magkikita ng anak ko. Tatlong buwan na ang lumipas gano'n pa rin ang sitwasyon namin." Pumaos ang boses ko. Hinaplos niya ang kamay ko.

"Blare, kahit anong mangyari ay, tawagan mo lang ako. Handa akong puntahan ka kahit anong oras," nginitian niya ako. Ngumiti naman ako pabalik.

Pagkaalis ni Chantel ay nilibang ko mo na ang sarili ko. Hindi ko na alam kung ano ang pumapasok sa utak ko. Gusto kong magpinta pero nanginginig lang ang kamay ko.

Wala pa rin si Venezio kaya nagsuot ako ng isang fitted dress. Maglilibang lang naman ako, walang masama sa gagawin ko.

Inayos ko ang heels ko at inalis ang singsing sa daliri ko at iniwan 'yun sa loob ng drawer. Pagkatapos ko mag-ayos ay ginamit ko ang sasakyan ni Venezio. Uuwi rin naman ako mamaya.

Baka kahit papaano at makalimutan ko man lang ang nangyari kapag nalasing ako.

Pumasok ako ng bar at umupo bar counter kung saan ay may isang bartender na gumagawa ng drinks sa mismong harap mo. Nag order lang ako ng tequila pero parang nag iba ang lasa sa akin.

Sabagay, mahigit isang taon din akong hindi uminom ng alak. Hindi na yata sanay ang dila ko sa lasa.

"Hinay-hinay lang, miss," sabi ng lalaking umupo sa tabi ko. Hindi ako nagaksaya ng oras na bigyan siya ng pansin.

"Leave me alone. Ayoko sa lalaking malangsa." Hindi ko na alam kung anong pinagsasabi ko. Mukhang napikon yata ang lalaki pero nagkibit balikat lang ako.

Kapag lasing ako ay hindi ko talaga alam kung ano ang lumalabas sa bibig ko.

Mukhang malakas ang tama sa akin ng alak kaya tumayo na ako at naglakad sa lugar kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Pagewang-gewang ako habang naglalakad papunta sa dance floor.

I'm enjoying myself na walang iniisip ng ibang bagay. Sumasayaw ako sa paraang gusto ko.

"Do you want to dance with me?" Bulong ng isang lalaki sa tainga ko. Tumigil ako sa pagsasayaw at nilingon siya. Hindi ko masyado maaninag ang mukha niya dahil malabo na ang paningin ko.

Mas lalong lumakas ang tugtog.

Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla niyang hinapit ang beywang ko at muntik na akong mapasubsob sa dibdib niya.

In fairness, ang bango niya. Sumabay ako sa sayaw niya. Halos magkadikit na rin ang katawan namin. I don't know what I'm doing anymore. Hinahayaan ko nang kontrolin ng alak ang katawan ko.

Blare, mali 'to! May fiancée ka na, hindi ka dapat nakikipagsayaw sa kahit kanino lang. Pero iba ang sinasabi ng utak ko sa ginagalaw ng katawan ko. Naglakbay ang kamay ng lalaki sa beywang ko.

"Shit, you're sexy as fuck, miss." Rinig kong sabi niya. Parang ang sarap sapakin ng sarili ko ngayon. Gusto kong itulak ang lalaki pero ayaw naman ng katawan ko. Ganito na ba talaga ang tama ng alak sa akin?

Magsasalita na sana ako nang may biglang humablot sa akin. Nagulat na lang ako nang makitang nakahandusay na ang lalaki at paulit ulit na pinagsusuntok ni Venezio.

"Venezio!" Parang nawala ang pagkahilo ko. Lumapit ako sa kaniya at pinigilan siya sa pagsuntok sa lalaki. Dumistansiya ang ibang tao mula sa amin at mukhang natakot sila sa nasasaksihan.

"Fuck, Blare?!" Inis niyang binitawan ang damit ng lalaki saka ako binalingan ng masamang tingin.

Napatingin ako sa lalaking wala ng malay at nagkaroon ng sugat sa labi at pasa sa mukha. Nilingon ko si Venezio at nakita ang sobrang sama ng tingin niya sa'kin.

Hinawakan niya ang kamay ko, sobrang higpit no'n at ramdam ko ang gigil niya sa pagpisil niya sa braso ko. Hindi ako nagsalita hanggang sa makalabas na kami ng bar.

Malakas niyang binitawan ang kamay ko. Napayuko ako at naghanda na para salubungin ang galit niya sa akin.

Tatanggapin ko 'yun. Pero napa angat ang tingin ko nang maramdamang may pumatong na jacket sa balikat ko. Sinuot niya sa'kin ang jacket niya pero sobrang lamig ng titig niya.

"Umuwi na tayo. Malamig dito sa labas." Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at inalalayan ako sa pag pasok. Sinuot niya pa sa akin ang seat belt bago sinarado ang pintuan ng sasakyan.

Pagpasok niya ay agad niyang pinatakbo ang sasakyan.

Kita ko ang mahigpit na kapit niya sa manibela ng sasakyan.

Bakit hindi na lang siya magalit sa akin? Hindi ako matinong babae, alam ko 'yun.

Walang nagsasalita sa aming dalawa, hindi niya man lang ako nilingon hanggang sa makarating kami sa bahay.

Tatanggapin ko kung sasabihin niyang malandi ako, na kahit alam kong may fiancée na ako ay nakikipagsayaw pa ako sa ibang lalaki, pero hindi ko iyon narinig mula sa kaniya.

Sinundan ko lang siya papasok ng kuwarto namin.

"Maligo ka na. Dumikit ang amoy ng lalaki sa'yo," seryosong ani niya. I bit my lower lipat sinunod ang sinabi niya. Naligo ako at naglinis ng katawan, tanging robe lang ang suot ko paglabas ko ng banyo.

Naabutan ko siyang nakaupo sa kama at nakasandal ang sarili sa headboard habang nagbabasa ng libro. Nang mapansin niya ako ay sinara niya ang binabasa at kumuha ng tuwalya. Lumapit siya sa akin at ginamit ang tuwalya para patuyuin ang basa kong buhok.

Pinaupo niya ako sa kama habang ginagawa 'yon. Hindi ko mapigilang maiyak kung paano niya ako tinatrato ngayon. Ibang iba talaga si Venezio sa lahat ng kilala at nakilala kong lalaki. Kahit galit siya ay inaalagan pa rin niya ako kahit alam kong nagagalit at nasasaktan siya sa nagawa ko.

"Venezio...," malambot na tawag ko sa pangalan niya.

"Hmm...?"

"I'm sorry. Dapat nandito lang ako sa bahay. Pagalitan mo na ako." Hindi ko na napigilang suminghot. Lumuhod siya sa harap ko at pinagpantay ang tingin namin.

"Paano ako magagalit sa asawa ko? Pangalan mo pa lang, lumalambot na ako, paano pa kaya kung tuwing naririnig ko ang boses mo?" He then kissed my forehead softly. Pumikit ako nang haplosin niya ang pisngi ko.

Deserve ko ba talaga ang isang tulad niya? Wala akong ginawa kundi maghintay na mahanap ang anak namin habang siya ay hindi na natutulog o nagpapahinga para lang maghanap.

Sinuot niya sa daliri ko ang singsing. I want to cry so badly. Bumalik ang tingin niya sa akin habang marahang hawak ang kamay ko.

"Magpahinga ka na. Hindi ka dapat napapagod, Blare." Binitawan niya ang kamay ko. Hinayaan ko lang siyang iwan ako.

Paglipas ng ilang araw ay napapansin kong hindi na madalas umuuwi ng bahay si Venezio, kapag umuuwi naman siya ay aalis rin kaagad. Naiiwan lang akong kasama si manang sa bahay.

Ayokong mag isip ng kung ano.

Tama pa ba ang pagsasama naming dalawa? Simula no'ng mawala ang anak namin ay wala na siyang oras para sa akin.

Mahal ko si Venezio. Ginagawa ko ang lahat, tumatawag ako sa kaniya pero hindi niya naman sinasagot ang mga tawag ko.

Alam ko na rin kung saan nakalibing ang babaeng kumuha sa anak namin, pero saan ko naman hahanapin ang ang anak ko? Sabi ko ay titigil na ako pero hindi ko talaga magawa. Sobrang hirap gawin.

Sinundan ko si Venezio kung saan palagi siyang nagpupunta, bumaba ako ng sasakyan nang makita siyang pumasok sa isang malaking bahay. Hindi ako makakapasok dahil maraming nakabantay na malalaking tao sa gate.

Anong pinasok mo Venezio? Napapikit ako.

He's an assassin, right? Baka nagpapatulong lang siya, 'wag kang mag isip ng kung ano-ano, Blare.

Sumakay na lang ulit ako ng sasakyan at hinintay ang paglabas niya.

Bakit ang dami mong hindi sinasabi sa akin, Venezio? Mukha ba akong hindi mapagkakatiwalaan? Saka fiancée mo naman ako.

Paglabas niya sa bahay ay binuhay ko na rin ang makina ng sasakyan. Nang malayo layo na rin ang sasakyan niya mula sa akin ay sinundan ko na ulit siya.

Akala ko ay uuwi na siya sa bahay pero bigla niyang niliko ang sasakyan. Napasandal na lang ako sa upuan nang bigla siyang mawala sa paningin ko.

"Damn it, Venezio!" Wala sa sariling nahampas ko ang manibela ng sasakyan. Saan na naman siya pupunta? Tiningnan ko ang singsing sa daliri ko.

"May silbi ka pa ba talaga?" Bulong ko. Pakiramdam ko ay balewala na ang lahat.

Dumiretso ako ng bahay ni Bryle. Nagulat pa ito nang makita ako.

"Blare!" Tawag niya sa akin at binaba ang binabasang niyang diyaryo.

"Tanda-tanda mo na, diyaryo pa rin gamit mo?" Kaswal na sabi ko sa kaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"I-tape kaya natin 'yang bibig mo, Blare? Ang sakit magsalita ch." Umarte pa siyang nasasaktan. Umupo ako sa sofa. Hindi ko na lang siya pinansin, wala akong planong makipag biruan.

"Hindi mo pa rin ba nahahanap?" Tinaasan ko siya ng kilay at naghihintay ng sagot. Siya lang talaga ang pinag-uutusan ko tuwing may hinahanap ako. Mabilis malaman ni Bryle ang lahat pero ito, wala talaga siyang ideya dahil wala siyang nahahanap na iba pang impormasyon tungkol sa babaeng 'yon.

"I'm sorry to tell you this, Blare.Pero hindi ko talaga alam kung saan iniwan ng babaeng 'yon ang anak niyo." Nilapag niya sa harap ko ang kape na tinimpla niya para sa akin.

I hate coffee.

Tinititigan ko lang ang kape at hinihintay 'yon na lumamig. Kasing init ba naman ng ulo ko eh.

Umupo siya sa tabi ko.

"Mahahanap pa rin natin ang anak niyo. Sigurado naman ako na may pinagmanahan ang batang 'yon sa inyong dalawa." He smirked. Siniko ko naman siya.

Ano ba kasi ang ginawa nila sa amin ni Venezio at bigla kaming nakatulog matapos kong ilabas si baby? Pumikit ako at inaalala kung ano ba talaga ang nangyari noong araw na 'yon.

May tinusok sa akin ang babaeng 'yon sa braso ko pero hindi ko alam kung ano 'yon. Manganganak na ako nu'n kaya hindi ko na alam kung ano ang ibang nangyayari sa paligid ko.

Pero bakit nawalan din ng malay si Venezio no'n? Akala ko ay hinimatay lang siya dahil sa sobrang tuwa pero sabi niya ay hindi raw.

"Nag pa-investigate na rin ako kung ano ba talaga ang ginawa nila sa inyo nang mawalan kayo ng malay, pero mukhang naunahan na ako ni Venezio na alamin kung ano ang gamot na ginamit sa inyo." Kunot nuo ko siyang nilingon.

"What do you mean?" Huminga siya nang malamin.

"Malakas ang kapit ng mapapangasawa mo, Blare. Mukhang mapapadali ang paghahanap niyo kung pareho lang kayong magtutulungan." Simpleng ani niya.

I can't! Paano ko sasabihin ang plano ko sa kaniya, kung hindi rin naman niya sinasabi sa akin ang plano niya? What the fuck!

Hindi ko nga mabasa kung ano ang iniisip niya. Ang alam ko lang ay maraming tinatago si Venezio sa akin pero never ko siyang tinanong o pinilit na sabihin sa akin ang mga bagay na 'yon.

Umuwi ako ng bahay na maraming iniisip. Si manang lang ang naabutan ko.

"Manang," umupo ako sa dining table. Agad niya naman akong binigyan ng tubig kaya uminom naman ako.

"Saan ba kayo nagpupunta, Blare? Palagi kayong wala ni Zio, hindi naman pareho ang pinupuntahan niyo." Umupo si manang sa tabi ko.

Siguro nagtataka na talaga si manang kung bakit palagi siyang naiiwan dito sa bahay.

"Sa police station lang po ako pumupunta manang." I lied, obviously. Hinaplos niya ang kamay ko at malungkot akong tiningnan.

"Wag kang mawalan ng pag-asa, Blare. Mahahanap niyo rin ang anak niyo." Tumango lang ako sa kaniya.

Naagaw ang atensyon namin nang biglang pumasok si Venezio sa bahay. Marahas ang pagkakabukas at sara niya ng pintuan kaya napansin namin siya ni manang. Diretso niya akong tiningnan sa mata.

"Let's talk, Blare." His voice was serious. Agad niya kaming tinalikuran pagkasabi niya sa akin no'n. Kumalabog ang dibdib ko, ngayon lang niya ako kinausap ng ganito kaseryoso.

Parang hindi ko gusto ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Nagpaalam na ako kay manang at sinundan siya sa kuwarto namin.

Nilock ko ang pintuan pagkapasok sa kuwarto para hindi marinig ni manang ang paguusapan namin.

"May dapat ba tayong pag usapan, Venezio?" Nagsalubong ang kilay ko. Saglit siyang pumikit at dahan-dahang minulat ang mata. Bakit pakiramdam ko hindi maganda ang patutunguhan ng usapan namin ngayon? Napatingin ako sa kamay niya ng alisin niya ang singsing.

"Venez-,"

"Maghilaway na tayo, Blare." Sinundan ko ng tingin nang ibagsak niya ang singsing mula sa kamay niya. Para akong pinagbinagsakan ng langit at lupa sa narinig ko.

"You're lying... Hindi mo ako magagawang iwan, Venezio." Nagsisimula nang pumaos ang boses ko. Biglang tumulo ang luha ko, nag bibiro lang siya 'di ba?

"Hindi magandang biro 'yan. Sabihin mong j-joke lang 'to, Venezio." Naglakad ako papalapit sa kaniya. Tanging malamig na tingin lang ang kaya niyang ibigay sa akin.

Nanginig ang buo kong katawan. Wala na kaming time para sa isa't isa pero wala akong planong iwan siya. Tinitigan ko siya sa mata.

"B-Bakit mo nagawa 'to, Venezio? May kasalanan ba ako sa'yo?" Hindi naman siya nagsalita.

Fuck! Bakit ngayon pa?!

"Magpatulong ka nang mag-empake ng gamit mo, Blare. Hindi na dapat kita maabutan dito pagbalik ko." Malamig niyang ani at saka ako tinalikuran. Napaupo na lamang ako sa kama.

Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha ko. Bakit ang bilis mong iwan ako, Venezio? Gano'n na lang ba kadaling itapon ang lahat?








Continue Reading

You'll Also Like

412K 9.3K 49
Highest rank: Secretagent #1 action-adventure #5 Genre: mystery crime/romance Keith Louisse de Garcia was a woman who grew up in wealth but acted as...
29.5K 712 9
"Just for a while... act like a lovable and caring husband. I know sounds hippocrate and desperate but I'm begging you. Just act like you love me bef...
29.1K 222 5
Afraid to disappoint her parents, Rafaela Santi Vlanco stayed in an unhappy marriage with a husband who only treated her as a trophy. Because of Geis...
920K 29.9K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...