Checkmate, Mr. Great!

By SunkissedPaige_

1.5K 1K 716

Every story has some unspoken truth. A lie that is covered up by another lie. It became more thrilling as it... More

Warning ⚠️
starter.
ABOUT
CHARACTERS & SETTING
prologue.
01
02
03
04
05
06
07
09
10
11

08

88 70 65
By SunkissedPaige_

Apologies for not updating for almost a month because of my previous completion of final requirements last sem. But here it is.

this chapter is dedicated to: HazelCortez967 enjoy!^^

✿ ✿

I've posted the bouquet of sunflowers on my IG story with a small caption on it "thanks, doc!" it says.

Bago ako umuwi ay gumawa ako ng maliit na note. Tyaka ko rin naisipang ilabas ang baon kong carbonara, ni hindi ko man lang nagalaw.

Kanina ko lang ito niluto kaya for sure pwede pang initin. Inamoy ko na rin muna para makasigurado. Naisipan kong ibigay nalang ito sa doktor bilang pasasalamat sa pag imbita sa tanghalian at sa mga bulaklak na binigay niya.

"Doc," I knocked.

"Come in, Miss Inez." rinig kong sabi ng doktor mula sa loob.

Isinilip ko muna ang ulo ko bago tuluyang pumasok. Natanaw ko ang doktor na seryosong nakatingin sa screen ng laptop nito. Wala ng ibang naroon at nang makumpirma na wala na rito ang abogado ay pumasok na ako.

"What is it?" diretsyong tanong ng doktor bago tuluyang isara ang laptop nito.

Inilapag ko ang tupperware na may lang carbonara sa harap ng doktor.

Tumingin ito sa tupperwar na nilapag ko bago sa akin. "Why? Do you want to take home some bibimbap?"

"Ah ha! Wrong!" I snapped. "Hindi mo naisip kung para saan 'to. Wow! for the first time," natutuwang sabi ko.

"So?" he raised his left brow while looking at me.

Napaayos ako ng tayo ng makitang naguluhan talaga ang doktor sa'kin. "A-Ano po pala. Pa-thank you ko po sa libreng lunch tyaka sa pa flowers. Favorite ko po kasi 'yon."

"Sure, no worries," he said and focused on his laptop screen again. "Also," he paused. "The paper sheet you've found. Schedule it for tomorrow at 2 pm."

"Noted, Doc." maikling tugon ko."Alis na po ako, Doc." pagpapaalam ko bago bahagyang yumuko.

He nods. "You take care,"

Nang makauwi ako, mas inuna ko pa ang pag hahanap ng paso na paglalagyan ng mga bulaklak kaysa sa pagpapalit ko ng damit. Baka kasi malanta pa lalo. Sayang!

Paborito ko ang mga ito. Noong bata pa ako ay may pinupuntahan kaming isang lugar sa kalapit na bayan kung saan doon ka lang makakakita ng naglalakihan at malulusog na mirasol. Maganda ang location ng bahay na 'yon. Ang Nana lucy ko ang nagdadala sakin doon noong nabubuhay pa siya dahil doon din kami bumibili ng pataba para sa taniman ng aking lolo' t lola. Kaya rin sobrang sintemyental sakin ng mga mirasol.

"Ma! Nasaan 'yung mga flower vase natin?" tawag ko, habang naghahanap sa mga aparador.

"Wala man lang bang Hi, Ma nandito na po ako? Bakit maaga ka ngayon? " bungad sa' kin ng ina na nakasuot ng apron at tila nagluluto pa ata. "Nagbago kana talaga, "

Natawa ako sa sinabi nito at umakto pang nasasaktan. "Hi, Ma nandito na po ako. Nasaan po ang 'yung flowers vase natin?"

"Nasa likod nilipat ko lang." sabi nito. "Hep! Teka nga lang bakit may dala kang bulaklak? Undas na ba?" sabi pa nito na may halong pang aasar sa boses. Ayan nanaman po siya.

"Kanino galing 'yan?" dagdag pa nito habang pinanlalakihan ako ng mata at nakapamewang pa.

"Sa manliligaw ko po." pamimilosopo ko.

"Ay meron ka non bhie?" she fights back.

"Oo naman, Ma. Ikaw lang ang wala," i said, sticking my tongue out.

"Ay, hindi ka sure," tumatawang sabi nito pabalik ng kusina.

Nang matapos ako sa pag aayos ng flower vase. Dumiretsyo na ako sa kwarto para makapaglinis ng sarili. Nang makapag palit na ako ng damit ay agad na akong humiga sa kama at nag scroll na lang sa Instagram. Nakita ko ang mga story ng ilang kaklase ko kaya kahit papaano ay nae-entertain ako. Pero hindi na ako ganun ka naiinggit na magkakasama sila.

I bit my lower lip when there's a lot of replies on the photo i've posted. Madaming nag react pero itong dalawa talaga ang pinaka namutawi sa paningin ko.

_inkredd (ingrid)
ay sis na-wrong pin ata ng address para saakin talaga 'yan.

do.when? (dwayne)
how much po?

Walang hiya, trip talaga ako nitong dalawang 'to. May iilan pa akong coursemates na nag react sa pinost ko pero tinawanan ko lang 'to.

I pouted. Gusto ko lang naman talaga ipost' yon as an appreciation post.

✿ ✿ ✿

Sumunod na araw, mas maaga akong umalis ng bahay dahil may kailangan pa akong ipasang mga papel. Nagkataon kasing kasabay ng internship ko ang thesis ko. Mahirap, Oo. Pero mas humirap dahil attitude at walang sense na ka-partner si Iris.

"Good morning, Mang Pards." bati ko sa guwardya.

"Magandang umaga rin, Inez," bati rin nito. "Ay, sandali may sulat ka,"

"Po?" kunot noong tanong ko. Dahil ito ang unang beses na makatanggap ako dito sa campus.

"May dumating kang sulat." pag uulit nito.

Mayroon na nanaman? Hindi ito basta bastang sulat alam kong may kasama itong pera. Ang hindi ko maintindihan ay simula ng mamatay ang tatay ay siya ring simula ng pag dating ng mga enveloped na ganito. Pare parehas na may pulang marka.

Recipient : Solea Finez Selencio

"Oo. Kaninang umaga pa." sabi pa nito. "Eh, Bakit hindi mo nalang sa bahay niyo i-address para hindi mo na kailangang puntahan pa rito?"

"Ah... Para rin po kasi sa privacy. Alam niyo na po minsan may mga hindi inaasahang pangyayari. Nag iinggat lang po talaga kami, Mang Pards." I said.

"Sabagay," patango tangong pagsang ayon pa ng matanda. "Maigi na rin ang nag iingat,"

"Sige po, Mang Pards. Ipapasa ko po muna ito. Salamat po," sabi ko bago tuluyan ng pumasok.

Nakakailang hakbang palang ako nang marinig kong may tumawag sa akin galing sa kung saan.

"Inzzy!!"

At alam ko namang si Ingrid 'yon. Siya lang naman may lakas ng loob na tawagin ako ng ganon. Daig pa ang boyfriend sa dami ng nickname ba binibigay sa akin.

"Wala kayong duty ngayon?" tanong ko.

"Mayroon pero kasi may kailangan ipasang document kay Sir Lyle kaya nag paalam kami na aabsent muna ngayon." ngumuso pa ito at napatingin sa akin. "Ikaw ba? Hindi ba't may duty ka rin?"

"Oo. Idadaan ko lang sana 'to kay Iris. Hindi kasi siya nag reresponse sa mga message ko." napanguso na din ako.

"Naku teh MIA talaga 'yon. Classmates kami non sa industriaI psych, e." sagot pa nito.

"Eh, Diba si Lyle prof niyo sa Industrial psych? Baka pwedeng pabigay naman. Pointers lang 'yan mukha kasing nahihirapan siya sa thesis namin," pakikiusap ko.

"Pag isipan ko," pag iinarte pa nito na ikinanguso ko.

"Sige na nga!" usal nito na parang napilitan pa. "Kwento ka muna."

"Tungkol saan naman? Sa pag kakaalala ko ikaw ang chismosa sa'ting dalawa?" mabilis kong sagot.

"Sa doktor, teh!" pa bigla niyang sabi. "Narinig ko kasi first time raw nun na buksan 'yung clinic niya sa interns. So... Kamusta naman mga kasama mo?"

"Uhm... Wala akong kasama. Ako lang ang intern niya," sagot ko.

"Ano?!" hindi makapaniwalang hiyaw ni Ingrid. "Ikaw lang? Paano kung pansamantalahan ka niya? Ang ganda mo pa naman at ang kinis ng kutis mo. Nakaka akit ka. Nako, Inez! Paano kung ano..."

"Huy!" tinakpan ko ang bibig niya gamit ang buong kamay ko para pahintuin siya sa mga posible niya pang sabihin. Narito kasi kami ngayon sa botanical garden kaya maraming estudyante na nagpapahinga sa mga bench. "Thank you ha? Pero mukhang hindi naman ganun si doc. Sa katunayan nga may pagkamasungit, hindi ganun kakumikibo pero..." Cute siya

"Don't tell me..."

I look at her with furrowed brows. "Don't tell you what?"

"Does he have socials?" she asked.

"I don't know." never ko pa kasing naisip na isearch siya.
"I barely see him using his phone. He's always reading books, newspapers, and documents. Kaya hindi ko alam."

"Eh, paano kayo nag uusap. Like ngayon? Nag paalam ka ba?" she asked.

"Yup," tumango ako. "Through email,"

"Email? Very formal naman sis. Wait nga, check natin sa facebook at instagram malay natin mayroon," sabi nito bago buksan ang cellphone.

Kaya inabangan ko rin kung may mahahanap siya pero hindi rin nagtagal nakangiti itong lumingo sa akin.

"Haha. Uhm... Pa-connect?" nangingiting sabi pa nito.

"Ano bayan naka iphone pero nakiki-hotspot," pang aasar kong sabi.

"Sorry ah, malay ko bang magsesearch tayo ng ganito," pagtatanggol niya sa sarili.

"Ng ano?" natigilan kami ng biglang may sumingit, it's Dwayne. "Porn 'yan no? May alam akong site gus-"

Natigilan siya sa pagsasalita ng hilahin siya ng Ingrid. "Sige tuloy mo para maikuskos ko rin' yang nguso mo."

"Gawain mo, eh no? Ipapasa mo pa samin." sabi ko at inirapan siya.

✿ ✿ ✿

"Good afternoon, Doc." bati ko sa doktor ng makita ko itong nakaupo sa karaniwang upuan niya.

Tumango lang ito. Bad mood? Hindi naman ako late ah?

"Good afternoon, Miss Inez." rinig kong bati ng kung sino sa likod ko. Ang abogado pala.

Nakangiti siyang naglalakad palapit saakin. May dala siyang box na mukhang chess board na... Alam ko na kung bakit nakasimangot ang doktor. Mukhang ginugulo nanaman siya ng kapatid.

"Good afternoon, Zhion," sabi ko bago tuluyang pumunta sa working station ko. Pero tanaw ko mula sa kinauupuan ko ang dalawa.

"Mas good ka pa sa Afternoon, Inez!" sabi nito habang nakangiting maloko.

"Game na," sabi niya pa sa doktor at tinapik ang balikat.

"If I win you, leave. " walang emosyong sabi ng doktor.

"Hey! You don't own this house." sagot naman ng kapatid.

Tinignan lang siya ng doktor habang kalmadong sumisimsim sa tasa ng kape nito.

Walang nagawa ang kapatid nito at napabuntong hininga nalang. "Fine, but if I win I'll date your-"

"Shut up. Let's start already. I can't wait for you to leave," seryosong sabi ni Zytho.

"Hatdog." malokong hirit pa ng abogado. "Siguro gusto mong masolo-"

"I'm not like you, Asshole," Kita ko kung paano tinaasan ng kilay ng doktor ang kapatid.

At wala nang naisagot pa ang abogado. Matapos ang seryosong sintemyento ng doktor. Inabala nalang niya ang sarili sa pag aayos ng mga piraso ng chess.

"Una kana," sabi nito sa kapatid ng matapos niyang ilatag ang chess board.

"F4," sambit ng doktor habang patuloy ang pag higop nito ng mainit na kape.

"H5 ang akin," sagot naman ni Zhion nang galawin nito ang puting pawn papunta aa posisyong binanggit.

"Knight, C3," sunod na sabi nito ng ilipat ang pirasong hawak niya.

"Rook...H6," sabi ng abogado.

Natuon ang pansin ko kay Zhion na tahimik na nag iisip at tila pinag aaralan ang bawat galaw. Nabigla pa ako ng bigla niya akong kindatan ng mapansing nakatingin ako sakanya.

"H4," ani ni Zytho.

"Knight...B6," tugon ni Zhion.

"B4,"

"Rook, B6,"

"Bishop A3,"

Ngayon ay nakahawak na sa baba ang abogado, aktong nag iisip ng susunod na galaw.

"Go on, little bro. In your 4th move, I'll win,"

"Jeez! Calm down, Doctor. Masyadong obvious na gusto mong uma-"

"Checkmate brother," the doctor announced with a smirk on his face.

"Hey, I'm still-"

"Masyado kang madaldal. Nakakairita," sabi pa ng doktor. Kita ko ang pagkairita nito sa kapatid at kaunti nalang ay parang babatukan niya na ito.

Napabuntong hininga nalang ng malalalim ang abogado dahil sa nangyari bago tumayo para pumasok sa bahay nila.

Nag angat ako ng tingin ng marinig kong bumukas ang connecting door papunta sa mansyon ng mga ito.

Tama lang din na lumabas mula doon ang abogado, may hawak na brief case at longsleeves.

"Mauna na ako, Kuya at Inez." nakangiting sabi nito saamin.

I waved my hands. "Ingat ka po, Atty."

"Don't call him that," masungit na sabi ng doktor.

"P-Po?" naninimbang na tugon ko.

He shook his head before massaging the bridge of his nose. Now, I noticed how long his eyelashes are. It's amazing. Nakakainggit.

"By the way, where did you buy the carbonara you gave me last time?" he asked, using his usual serious tone.

Dapat ba akong kabahan? Naimpatsyo ba siya? Nasuka? Panis ba? Fuck!

I gulped."B-Bakit po, Doc? Panget po ba 'yung lasa?"

He shook his head. "No, it's good. Actually, I like it,"

Nakahinga rin naman ako agad ng maluwag ng sabihin niyang okay 'yung luto ko. Akala ko eh mapapagalitan na ako or magkakabad record or... worst natanggal sa ojt.

"Where did you buy it?" tanong pa nito.

I looked at him. "G-gawa ko po 'yon, Doc."

"It's good," he commented while wearing his laboratory coat and stethoscope.

Gosh! He looks even more handsome now. Lord when ang sched ko? Waiting po ako. Char!

"T-Talaga po?" I asked again and he nodded. "I'll cook Carbonara for you next time, Doc," masayang sabi ko.

Habang abala ako sa pag aayos ng diagnosis ng mga patient ay bigla nalang tumunog ang wind chime sa pinto. Hudyat na mag papasok na tao. Kaya nag angat ako ng tingin at nakita ang isang mag anak na nakatayo sa tapat ng pintuan. Nakatingin lamang sa sahig ang bata habang hawak ang maliit na parihabang unan.

"Good morning, Ma'am and Sir," bati ko. "Do you have an appointment po?" I asked.

"Yes, we have." sabi ng asawang babae.

"May I know the client's name po?" I asked again.

"Gabriel Perez," the lady answered again.

I looked in the doctor's schedule board to verify if there was his name. Nakita kong nandoon naman ang pangalang binanggit. Inaasahan siya ng doktor ngayong araw.

Patient's Name: Gabriel Perez
Age: 9
Appointment schedule: 2 pm - Aug 27

"Okay, sige po Ma'am. Upo muna po kayo dito," sabi ko bago igayak sa silid tanggapan ang mga ito. "Tatawagin ko lang po ang doktor," pag papaalam ko.

Dumiretsyo ako sa opisina ng doctor para sabihin na nakarating na ang inaasahang pasyente.

I knocked. "Come in," rinig kong sabi galing sa loob.

"Doc, nandito na po 'yung pasyente," sabi ko ng mabuksan ko ang pinto.

"Who's with the patient?" he asked.

"His parents," I answered.

He nodded. "Okay, it's the first outpatient you'll encounter, Inez." panimula ng doktor. "I want you to assess both parent and their children while I was talking to them," sabi pa nito.

"Should I write them?" I asked.

"Yes, and observe carefully," he said. Tumango ako at sinabing papasukin na ang mga ito sa opisina ng doktor.

"Upo po kayo, Mr. and Mrs. Perez," sabi ko. At nang makita kong nakatayo lang ang mga ito ay inulit ko. "Mr. and Mrs. Perez?" tawag ko uli at iginaya sa mga upuan sa harap ng doktor.

Pansin kong kagaya ng kanina, kahit nakaupo na ang mga ito kapansin pansin paring nailap ang batang lalaki at tila takot sa tao. Tahimik itong nakaupo sa tabi ng ama na hawak ang kanyang braso at nililibang ang sarili sa dalang unan.

"Ilang taon na po ang bata?" tanong ng doktor habang nakaharap sa lalaki.

"Nasa pitong taong gulang na po siya," sagot ng asawang lalaki.

He nodded. "Kailan po nag simulang maging ganito ang bata?" tanong pa nito.

"4 months ago, Doc," sagot ng asawang babae.

"May nangyari po ba bago siya maging ganyan?" tanong pa nito bago makabuluhang tumingin saakin.

"M-Meron po," humihikbing sagot ng ginang sa doktor. "Nang mamatay ang lolo niya eh hindi na siya nakapagsalita pa tapos...tapos,"

Hindi na natuloy ng ginang ang sasabihin ng marinig ang paumpisang paghikbi ng anak.

"Inez, baka pupwedeng dalhin mo muna si Gabriel sa playroom natin at kakausapin ko lang ang mommy at daddy niya," sabi ng doctor.

"Hi, Gabriel. I'm ate Inez," pagpapakilala ko sa sarili ko. "Do you want to play toys?"

Nakayuko lang siya at hindi umiimik kaya nilabas ko ang lollipop na nasa bulsa ko at inalok sa bata. "Do you like candies?"

Tiningnan lang niya saglit ang lollipop at ibinalik sa sahig ang tingin. Napakurap ako at inangat ang tingin. Kanina pa pala nakatingin ang mag asawa at doktor sa akin.

Kaya nangiwi ako at sandaling napakurap ng makita ang ballpen ng doktor na nakalagay sa bulsa ng laboratory coat ng doctor. Disenyong kotse iyon kaparehas ng disenyo ng hawak na unan ng bata.

"May I?" tanong ko habang tinuturo ang ballpen na nakasuksok sa harapang bulsa ng doktor. At agad namang ibinigay ng doktor ng maintindihan niya ang gusto kong sabihin.

"Wow, car!" I said exaggeratedly, para matawag ang pansin ng bata. "Oh! you love cars too?" tanong ko sa bata ng makitang nag angat ito ng tingin sa akin.

I smiled.

"Gusto mo?" I asked.

Tumango ito at kinuha ang ballpen. At yumuko uli ito.

"Gabriel?" I called. Hindi ito lumingin. Napukol ang atensyon nito sa ballpen na ibinigay ko. Nang hawakan ng ama ang balikat ay tyaka lang ito lumingon sa akin. "Tara play tayo ng cars sa play room. There's a lot of toys there!"

Tumango ito at hinawakan ko ang kanyang kamay maliit na kamay papunta sa play room na sinasabi ng doktor. First time ko papasok doon kaya hindi ko talaga alam kung anong meron doon.

Binuksan ko ang pinto na may nakalagay na "Playroom" at tumambad sa amin ang napakalaking kwarto na aakalain mong indoor playground. Parang kidzoona!

Masiglang tumakbo ang bata papunta sa padulasan. Samantalang ako ay naghanap ng kotse kotsehan na sinabi ko sa kanya. Nakailang padulas pa ang bata bago ako nakakita ng maliliit na kotse sa isang banda.

"Gabriel," tawag ko sa bata ngunit hindi ito lumilingon at patuloy ang paglalaro mag isa.

Nilapitan ko ito dala ang mga maliit na kotse. "Look, Gabriel cars!" magiliw kong sabi.

Tila hudyat para sa bata ang salitang cars para makuha ang atensyon niya.

"tenkyu," sabi ng maliit na boses ng bata.

"Cute! You're welcome baby," sabi ko bago sana pisilin ang malulusog na pisngi nito.

Hindi pa naman nakakadampi ang kamay ko ay bigla nalang itong umiyak ng napakalakas at pinansalag ang braso sa mukha nito. Kaya napaupo ako para patahanin ang bata.

"Shush. Gab, Nandito si Ate Inez. Wag ka ng umiyak," sabi ko habang hinahagod ang likod nito.

Nagulat pa ako ng bigla itong yumakap sa leeg ko.

"Gabriel! What happened?" sigaw ng nag aalalang ina mula sa bukas na pintuan. "Come, uuwi na tayo,"

Tumahan bigla ang bata at nilingon ang mga magulang. He looked at me. His innocent eyes look sad, I hugged him tight and smiled.

Kinuha ito ng ama sa pagkakayakap sa akin. At nag paalam na rin sila agad dahil wala na sa wisyo ang bata at hindi na kakausap pa ng doktor. Kaya binigyan nalang ito ng bagong schedule sa mga susunod na araw.

"Any observation, Miss Inez?" bungad ng doktor gamit ang seryosong pananalita nito.

Hindi ko alam kung dahil lang ba sa lamig ng aircon iyon or dahil sa gulat, kaya nanindig balahibo ko ng biglang magsalita ang doktor sa gilid.

"Do you see ghost?" tanong pa nito bago tumingin sa paligid.

"Ghost? Meron? Dito?" Natatakot na tanong ko at napalunok pa.

He laughed. "What are you? A kid? Stop playing around, Miss Inez,"

"Ikaw kasi Doc bigla ka nalang sumusulpot kung saan saan." reklamo ko. "Pa-heads up naman minsan please,"

He chuckled. "Cute!" kumento nito at pinitik pa ang noo ko.

"Aray!"

"I need your observation, Miss Inez." sabi pa nito.

Napaisip ako ng mabuti. Inalala ko ang mga nangyari kanina simula ang pagdating ng mag anak sa clinic.

"I'm waiting," dagdag na sabi pa ng doktor.

"I guess the kid is still processing it all, Doc. He's still grieving," I said.

"The little boy isn't grieving," he deducted without any tinge of hesitation. "Observe carefully, Inez."

Salubong ang kilay kong tiningnan ang doktor. "What do you mean by that?"

"I studied and deal with people who have an actual trauma and I can see signs of those with that kid," Mas sumeryoso pa ang boses ng doktor habang nakatingin sa pintuan ng kanyang klinika.

"How"

Naputol ang sasabihin ko ng may dumating na bagong kliyente ang doktor. Hudyat ito para gawin ang dapat gawin at yun ay ang i-assist ang mga pasyente ng doktor.

Nang pumatak ang alas sais ay hudyat na ito na tapos na ang shift ko sa araw na 'yon nag paalam lang ako sandali sa doktor bago tuluyang isinara ang klinika nito.

Dahil sa traffic ay medyo late na akong nakarating sa bahay namin, I thought Mom would shout at my face and talk about how worried she is and such but... I was wrong.

Mas late pang umuwi si mother ignacia saakin. She looks more stressed than the last time na late na rin siya umuwi.

"Hi," bati ko.

"Hey," tugon nito bago humalik sa pisngi ko. Pagkatapos ay inilapag ang dalang bag sa sofa.

"Ma," I paused. "We got it again,"

"What? What did we get?" she asked.

"The man sent us money again." sabi ko. "He somehow found out my school's address"

My mom looks speechless.

"He's been sending us money for almost twelve years, Ma." pag papaalala ko kung gaano na katagal nagpapadala ito saamin.

I saw panic in her eyes. "I'll return it once I find him. Where's the money?"

"I just put it on your desk. Just how I got it," I respond.

"Okay, sige matulog kana para may lakas ka sa reheasal niyo bukas, okay?" she said, smiling. But I know she's just giving me a fake smile.

I hugged her from her back. "Can't we just spend that money, Ma? I guess it's enough for us to survive. Graduating naman na rin ako, Ma. Mag tatrabaho na agad ako after-"

"Solea, sige na matulog ka na," she looked at me and hugged me. "Alam kong mahirap pero... malalagpasan din natin 'to."

✿ ✿ ✿

The Next day, my whole day was rehearsing for our ballet recital and making some quick stops to meet my cousin-Svet. Napag usapan naming sa Kape't bahay kami magkikita. Iyon 'yung paboritong tambayan namin nung mga bata pa kami kaso nga lang sa kabilang bayan na siya nag aaral kaya hindi na rin kami palagiang nagkikita.

And there she is my looks-like-a-cinnamon roll-cousin who could kill you. I remember the last time we met, we went to the plaza to eat some BBQ and a pervert was trying to hit on me. But instead, she hit that pervert in the face. That's how contradicting her features and attitude are.

Kamuntikan niya pa ngang itusok 'yung barbeque stick sa mata ng lalaki eh.
But again she's a rule make not a rule breaker.

"Svet, Here!" tawag ko ng makita siyang pumasok sa pintuan ng milkshake shop.

She hugged me. "Kumusta?" agad na tanong nito.

"Ikaw ang kumusta. Okay naman ka naman ba kila tyang?" pag aalala kong tanong.

"Hay nako, Inez. Hindi ka pa nasanay sa mga 'yun," kumento nito.

Kumain at nag kwentuhan lang kami ng kaunti at nagpaalam na rin sa isa't isa. May rehearsal pa kasi ako samantalang siya ay may kailangan pang pickup-in na pinatahi. Maigi raw kasi magtahi ang modesta ng bayan namin kaysa sa siyudad.

✿ ✿ ✿

Humigit kumulang anim na oras din kaming nag sasayaw kaya ngayon ay pagod na pagod na ang paa ko. Sandali akong nagpahinga sa locker area ng studio bago magpalit ng damit.

Madilim na sa labas. Hindi kami palaging ganitong oras kung matapos sa rehearsal pero dahil ilang araw nalang ay recital na, eh understandable naman kung bakit pukpukan ang pag eensayo namin.

Habang nag lalakad ako sa daan eh hindi naman nakaktakot dahil sa maliwanag naman ang kalsada dahil sa liwanag na galing sa street light. I like this vibe tahimik, medyo malamig kaso medyo nakakatakot din pala.

Patuloy akong naglalakad ng makaramdam ako ng kakaiba. Imposibleng may sumusunod sa'kin pero lumingon ako. At may naaninag akong kung ano kaya mabilis akong tumakbo papunta sa pinakaunang kantong pwedeng likuan.

Ang kaninang naka french twist na buhok ay nakawag wag at gulo gulo na. Mabuti at hindi ko suot ang french hair stick na binigay sakin-

"What are you doing here?" tanong ng kung sino.

Napaanggat ako ng tingin dahil pamilyar ang boses nito sa akin. Halos lumuwa ang mata ko makilala ko kung sino ito. Pero mas pinangibabawan ako ng takot sa posibleng mang yari.

"It's already—"

Tinakpan ko ang bibig nito dahil may kalakasan ang boses nito.

"Shh... Someone's following me," I whispered.

Hindi siya sumagot at hiniwakan nalang ako sa braso. Dinala niya ako isang indoor coffee shop na hindi ako familiar. It's giving studio ghibli vibes.

Gusto ko mang enjoyin ang paligid ay hindi tumigil ang doktor sa kakatanong. Ang dami niyang tanong. Kung saan daw ako galing, at uwi pa raw ba ito ng matinong babae.

"May ballet rehersal po kasi kami, Doc."ayun lang ang sinabi ko bago uli sumimsim ng mainit na tsaa.

"At this hour?" He seriously asked.

I shook. "Hindi po. Kanina pa po,"

"Kanina pa pala. Then, why are you still here?" He asked even more.

"Uhm...K-Kasi po—" I stopped.
"Wait nga! Why does it seem like you're interrogating me, po?"

Kanina pa kasi siya parang tatay ko kung umasta.

"I stopped nearby... Then, nakita kita." he said.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "You just stopped by?"

Hindi mo nalang sabihin na kikitain mo ang girlfriend mo, Doc! Nahiya ka pa sakin!

"Yes," he answered and looked at me annoyed.

"Okay," I said, doing the okay-fine-bro look.

"Hey, you didn't answer my question," sabi pa nito pagbabalik sa pinag uusapan namin. "Why are you still here at this hour? Are you... meeting your boyfriend?"

"What?! No!" depensa ko agad. Mamaya isipin niya mayroon akong boyfriend hindi ko pa matapos 'yung ojt ko.

"Okay, Ganito kasi 'yon, Doc. This is the only time I can practice. Since I have my thesis in the morning and duty in the afternoon. Tyaka wala rin kasing space sa bahay, Doc." pag aamin ko sa doktor.

He nodded. "You know what? You can use our music hall. It's empty and you can rehearse there whenever there's no client or even appointment scheduled."

"But—"

"That's an order," Dr. Zytho said in final then, smirked.

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 254K 30
The day Molly's attackers were set free was the day Mallary decided to take justice into her own hands. And Mallary knew that in order to do that, sh...
56M 989K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
29.8M 989K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
82.5M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.