Checkmate, Mr. Great!

Por SunkissedPaige_

1.5K 1K 716

Every story has some unspoken truth. A lie that is covered up by another lie. It became more thrilling as it... Más

Warning ⚠️
starter.
ABOUT
CHARACTERS & SETTING
prologue.
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11

01

97 75 56
Por SunkissedPaige_

The Doctor is in

Gaya ng ipinaliwanag ng doctor kahapon ang magiging setup ng on-the-job training ko ay magiging buntot slash assistant slash utusan lang naman niya ko sa loob ng humigit kumulang isang buwan, 8-10 hrs sa isang araw. Kaya pagkatapos ng lunch time ay sumakay na kami sa kotse niya. Pumunta kami sa St. Camillus, isang retirement home.

Maliban kasi sa mga pasyenteng bumibisita sa kanyang clinic, may mga pro bono cases o voluntary psych consultation din siya sa mga institusyong na ngangailangan. Boluntaryo siyang nagbibigay ng serbisyo sa mga matatanda.

"Elders need psychiatrist too," saad ni Doc Zytho habang naglalakad kami papasok sa retirement home. "But some people don't want to spend money because they think elders don't suffer from mental illness instead, they think it's just a sign of aging. Kaya ako nagboluntaryo para tulungan ang mga matanda."

Nilabas ko ang kuwaderno at sinulat ang kanyang sinabi. Mapupuno ko kaya 'to ng aral? May matututunan ba ako sakanya? Mukha naman siyang matalino eh.

"Focus... Miss Inez"

"P-Po?"

"You need to be focused at the time. I don't just need your presence. Nand'yan ka nga kasama ko pero iba naman ang iniisip mo," mahinahong puna ng doctor.

Tunog sadboy ka naman Doc. Day 1 palang oh mamaya madevelop feelings ko niyan makita mo.

He snapped. "Presence merely helps you get things done. Focus is so important, take note of that. It is the gateway to all thinking. So, focus on me, Miss Inez." seryoso ang pagkakasabi ng doctor pero naging dahilan ito ng pamumula ng pisngi ko.

Lumunok ako ng para basain ang aking labi kasi pakiramdam ko ay kanina pa ito nanunuyo dahil sa kaba at kanina padin ako hindi nagsasalita. Mula pa ng dumating ako sa clinic ng doctor hanggang dito sa retirement home. Para pa akong natutunaw sa bawat salita ng Doctor saakin, isama mo pa ang seryosong mga mata pero mahinahong pananalita nito.

"Blushing is pointless. I just said that you need to focus on me because it's part of your duty to listen and learn from me, my apprentice." walang emosyong paliwanag niya.

Sinalubong kami ng isang babae na nakasuot ng nurse uniform. Nakangiti ito sa doctor na akala mo wala ng bukas.

"Doc DT, buti na lang ay nakarating ka na. May problema kasi tayo ngayon..." malungkot na bungad nito saamin. "Lolo Alejandro is now showing signs of Alzheimer's. At kinukulang na rin po ng funds itong kanlungan,"

Oh... DT pala dapat. Balak ko pa naman siyang tawagin na Dr. Zytho. wow! first name basis? close kayo, Inez?

"Miss Inez, this is Nurse Mika. Nurse Mika, this is Miss Inez," pagpapakilala ng doctor saamin. Ngumiti lang ako dahil mukha rin namang walang balak 'yung nurse na makipag kamay sakin dahil lahat ng atensyon niya ay nakatuon sa Doctor.

"Since when did Mr. Alejandro shows signs of Alzheimer's?" tanong ng doctor.

"Last week po, Doc." matamlay na sagot ng Nurse. 

Nakita kong kumunot ang noo ng doctor. "Let's go see him then,"

Tinahak namin ang pasilyo na may kahabaan. Madami dami rin pala ang mga matatandang nandito sa kanlungan.

"Ayoko niyan! Gusto ko iyong champorado ko! Hindi ko pa nakakain iyon!" boses galing sa nilagpasan naming silid.

Balak ko pa sana silipin kaso bigla akong tinawag ni Nurse Mika."Miss Inez?"

Ano kaya yun?

Huminto kami sa isang kwarto. Kapansin pansin ito dahil madaming lantang bulaklak at may nag iisang litrato na nakadikit sa pader.

Kamukha ni Lolo Alejandro ang lalaking nandoon, mukhang mga anak niya at asawa ang kasama niya sa litrato.

"Pamilya ko iyan, hija," nakangiting sabi ng matanda. "Ang mga anak ko at ang asawa kong si Ophelia." turo niya sa mga litrato, ngunit bigla ring lumingkot ang itsura nito. "K-Kaso nga lang...hindi na sila ganun ka dalas dumalaw dito. May kanya kanyang pamilya na sila. At... A-At ang asawa ko naman..."

"Lolo Alejandro," tawag ng nurse sa matanda. "Nandito na po si Doc DT."

"Doc! Kanina ka pa po ba dyan?" tanong ng matanda.

Natawa ako dahil halos katabi ko lang naman ang doctor bakit hindi niya mapapansin. "Ikaw talaga Lolo Alejandro matinik ka pa rin pagdating sa babae,"

"Sinong nagsabi nun ha?" pagtanggi pa ng matanda. Mukha naman good mood ang matanda ngayon kaya nilapitan na siya ng doctor.

"I need to do a physical check-up so I can assess your condition. Okay lang po ba kung gawin ko 'yon Lolo?" nangiting tanong ni Doc DT.

Dahan-dahan namang tumango ang matanda.

Alam kong unti-unting kinukuha ng doctor ang loob ng matanda, pero habang pinapanuod silang dalawa at nakukuha narin niya pati ang loob ko.

He really is a prince charming, and I couldn't help but smile.

Ginawa ng doctor ang kanyang pagsusuri tulad ng ginawa niya sa akin noon, at ginawa niya ito na may buong oag iingat para hindi matakot at mag iba ang asta ng matanda.

"Miss Inez?" nagulat ako nang biglang nagsalita ang nurse na narito pa pala sa silid. "Malalim yata ang pagtitig mo, baka matunaw ang doctor niyan."

Magkasalubong na kilay ang tugon ko sa umuusyosong nurse. "S-Si Lolo Alejandro ang pinapakatitigan ko!" bulong ko na medyo napalakas.

Habang tumatawa ang nurse at binalik ko ang tingin kina Zytho para siguraduhing hindi niya kami narinig. Napansin kong may binigay na isang hugis parihaba at may disenyong bulaklak ang doctor galing sa paper bag na dala namin. 

Oh! It's a wooden tangram wood pero in terms of therapy that's pattern boards. 

"Alam mo po bang mahilig din ako sa mga bulaklak?" malambing na sabi ng doctor. "It's an Artherapy— a gift from me, Lolo Alejandro. I hope you'll like it."

PAGKATAPOS no'n ay sunod-sunod na naming binisita ang iba pang matatanda na naroon sa retirement home. Iyong iba ay tulog o hindi naman ay wala sa mood makipag usap.

"Opo doc, kakatapos lang po naming kumain!" bungad ng isang matandang babae na bagsak na ang pangangatawan. "P-Paminsan minsan lang po nahuhuli sa oras ng pagkain pero okay lang naman po kami. P-Pangako po!"

Napakunot ako ng nuod dahil mukhang balisa ang matanda kanina pero nang makita ang doctor ay gulantang na gulantang siya.

"Hijo!" magiliw na sabi ng matanda. "Nainom ko na ang gamot ko!" dagdag pa nito.

"Ah talaga po Lola Isla?" malambing na tanong ng lalaki na siya namang agad na tinanguan ng matanda. "Ano pong kinain niyo bago kayo uminom ng gamot?"

"L-Lugaw... tama lugaw ang kinain ko doc." may pag aalinlangang sagot ng matandang babae.

"Oh, Kumusta po ang lugaw?"

"Medyo matamis, Doc. Bagong recipe ata nila." natatawang sabi ng matanda.

Medyo madami pa kaming dinalaw na matatanda. Iyong iba nagwawala, umiiyak, at walang imik. At ang huling kwarto sa pasilyo na aming tinatatahak ngayon ang pinakahuli. Siya daw ang pinakamatagal na dito. Mukha namang tahimik ang matanda at malinis ang kwartong inookopa nito. 

Kapansin pansin ang dami ng paintings sa kwarto niya ang gaganda. Aakalain mong museum ito. 

"Lolo Manolo," tawag ni Nurse Mika sa nakatalikod na matandang lalaki. 

Nilingon ng matanda ang doctor at tyaka ngumiti ito. Tulad ng ibang matatanda chineck up din ito ng doctor. Tahimik kong inobserbahan ang bawat galaw ng doctor. Maingat ang bawat galaw ng doctor, parang babasagin kung ingatan ng doctor ang matanda. 

Pagpatak ng alas-singko ay kailangan na naming umalis sa retirement home. Oras na kasi ng gamot nila at pagpapahinga bago ang hapunan. Sakto lamang dahil nakausap at na checkup na silang lahat ni doc. Bumalik na kami sa kotse ni Zytho ngunit hindi parin maalis ang lungkot sa'king mukha.

"Hey," mahinang sambit ng doctor. Dinig sa kanyang boses ang pag-aalala ng mapansin ang itsura ko. "Are you okay, Miss Inez?"

I answered him with eyes that droop down in weariness. "I just realized na... Kapag tumanda ka hindi ka na ganun na nabibigyan ng pansin, or worst, you'll be neglected and abandoned. Iyong iba naman doon may pamilya nga tulad pero mas piniling iwan sila don dahil tingin nila mabigat na pasanin na ang pag babantay ng matanda. Yes, Government supports them pero mukhang kulang ang suportang natatanggap nila. Paano nalang kung walang magdonate sa mga matatanda, Doc? Hahayaan nalang bang lumala iyong sakit nila?"

"Well, it's a case-to-case basis, Miss Inez. There's always a deep unavoidable sadness in everything. Don't worry..." said the doctor, "because that retirement home should be a comfortable home for elders as it should be."

"Huh? Bakit ang gamot ba sa Alzheimer's parang mefenamic mawawala agad pag katapos uminom?" kunot noo kong reaksyon. Hindi ko alam na sa loob ng bente-kuwatro oras ay magagamot na ang matanda.

I heard him chuckle. "Silly. Wait until tomorrow," he said before pinching my cheeks.

Kusang nag init ang pisngi ko dahil sa ginawa ng doctor. Buti na lang ay nakarating na kami sa bahay ko kaya agad-agad kong tinagal ang seat belt pagkahinto ng kotse.

"H-How –"

"I'll see you tomorrow my cute apprentice." pagpuputol niya sa sasabihin ko. Marahan akong tumango

I wasn't sure if the revving that I heard next was of doctor's care...or that of my own accelerating heart. 

Did he just say cute? cute my ass!

Seguir leyendo

También te gustarán

63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
56M 989K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
29.8M 989K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
6.8M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...