Match Made After Life ✔

By AegyoDayDreamer

467K 21.6K 2.8K

[PUBLISHED UNDER PSICOM: Available at all leading bookstores nationwide] ‘Where there is love, there is life... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Epilogue

Chapter 15

16.4K 927 138
By AegyoDayDreamer


(Adele Medina POV)


Tapos na ang ritwal. Hiwalay na kami ni Louie. Nasa langit na siya ngayon. At naiwan na akong mag-isa.

Sobrang bilis ng mga pangyayari at ngayon nga, dapat na nilang ibalik ang bangkay ko sa aking tunay na libingan.

"Tatawagan ko na 'yung body-snatchers," suwestyon ng Mrs.Chua pero...

"No, mom!" pinigilan ito ni Xian. "Sa akin bumulong si Adele. Ako ang dapat na magbalik sa kanya." Saka siya lumapit at narinig ko ang pagbulong niya ng, "I'm really sorry. I'll make this right."

Dahil kampante naman na akong ibabalik ni Xian ang katawan ko doon sa sementeryo, nagpasya akong mapag-isa na lang muna. Parang gusto kong magmuni-muni. Mag-isip kung ano nang susunod kong gagawin ngayon bilang isang kaluluwa.

Lagpas hatinggabi na. May mangilan-ngilang tao pa rin sa paligid ngunit hindi naman nila ako nakikita. Gayon pa man, alam kong ramdam nila ang presensya ko dala na rin ng aking kalungkutan.

Nang mapadaan ako sa kalye kung saan nag-practice kami noon kasama si Sandra, nag-flashback sa utak ko ang eksenang nag-holding hands kami at nagkahiyaan.

"Pre, nakita mo ba 'yun?" isang tambay ang biglang namutla sa takot. "May dumaang babae tapos biglang nawala!"

"Putek! Sabi na nga ba, hindi ako namalik-mata lang!"

"MULTO!!!" sabay silang napatakbo paalis.

Sunod kong dinalaw ang convenience store kung saan kami ng nag-practice din ni Louie. Nagpunta ako doon sa spot kung saan nakapag heart-to-heart talk kami at mas lalo akong nalungkot. Hindi ko na nga alintana na nabubunggo ko na ang ilan sa mga paninda na naroon.

"Ma'am, may nagpaparamdam na naman sa store niyo!" ika ng bagong cashier. "Magre-resign na po ako!"

"Hindi na kailangan! Ipapasarado ko na talaga ang store na 'to!" bulalas naman ng store manager.

At noong mapadpad naman ako sa peryahan kung saan si Louie ang nagsilbing vocal instructor ko noon, mas lalo akong nalungkot. Nakaka-bitter pa na lahat ng mga tao rito ay masaya samantalang ako ay nalulumbay.

Pinatay ko nga ang main switch sa buong peryahan at pinanood ko silang magsigawan sa takot. Pero kahit ganun, hindi naman nabawasan ang lungkot. Hindi masayang manakot kung mag-isa lang ako.

* * *

Hanggang sa pagbabalik ko sementeryo, mga alaala ko kasama si Louie at naiisip ko. Nagfa-flashback sa akin ang lahat ng mga kalokohan namin sa puntong akala ko ay nakikita ko na ulit siya-pero guni-guni lang pala ang lahat.

Nahiga na lamang ako sa damuha. Madilim pa at kitang-kita ang nagkikislapang mga bituin sa langit.

'Ano na kayang ginagawa ni Louie ngayon sa langit?' naitanong ko sa sarili. 'Nakikita niya kaya ako ngayon? Naiisip pa kaya niya ako?' at napabuntong-hininga na lang ako.

Sandali akong pumikit dahil pakiramdam ko may tutulong luha na sa mga mata ko. Pero sa muli kong pagdilat, may mukhang nakaharap na sa akin.

"Adele!"

Napabangon ako sa gulat at nagka-untugan tuloy kami. "Sandra naman! Bakit bigla ka na lang sumusulpot!"

Tinawanan naman niya ako, "Ang ganda naman kasi ng emote mo rito, girl! Pang-music video lang ang peg! Pero bakit ka mag-isa? Nasaan ang asawa mo?"

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib dahil sa tanong niya. Naiiba ang kirot na ito na hindi ko maihahalintulad sa naranasan ko noong buhay pa ako. "Hindi ko na asawa si Louie. Hiwalay na kami," malamya kong sagot.

"Oh no! Nambabaeng multo ba siya?" biglang nagdilim ang mukha ni Sandra. Bigla pa siyang lumutang, kulang na lang ay nakakatakot na sound effects. "Nasaan siya at maghihigante ako para sa 'yo!"

"Hindi 'yun. Nagawa na kasi naming takutin ang pamilya niya para ipawalang-bisa ang kasal namin."

"Ay oo nga pala!"

"At ngayon nasa langit na siya. Tahimik na siya doon."

"Ow..." biglang napalitan ang aura ni Sandra at naging masyado itong malungkot. "Ibig sabihin, wala na ang favorite ghost couple ko? Wala ka nang leading man! O hindi!" saka siya naglupasay sa isang gilid.

Dala pa nga ng kabiguan niya, nalanta na ang mga damong nasa paligid. At pakiramdam ko, mas lalo na rin akong na-depress. Dumoble pa ngayon.

"Kumusta ka naman ngayon, girl?" Nakuha pa niyang magtanong.

"Malungkot. Ikaw kasi eh! Nanghahawa ka!"

"Sinisi mo pa ako! 'Di ba masaya ka naman na nasa langit na siya?"

"Oo. Pero..." hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin.

"Pero ano? Gusto mo bang sa impyerno siya bumagsak?"

"Hindi 'yun." At napabuntung-hininga ako. "Naiingit lang ako kasi nakatawid na siya."

Nilapitan ako ni Sandra para i-comfort ako. Medyo ang creepy lang niya dahil inilapit niya ang mukha niya at parang nanlilisik pa ang mga mata.

"Sandra naman eh. Sinubukan mo ba akong takutin?"

"Hindi! Nakikita ko lang kasi sa mukha mo na parang may ibang dahilan pa ng kalungkutan mo. Magsabi ka sa akin, girl. 'Yun lang ba talaga ang dahilan mo? Dahil naiinggit ka?"

Nakakainis din itong si Sandra. Imbes na ayokong umiyak, hindi ko na tuloy napigilan pa! Oo na. Aaminin ko na.

"Namimiss ko lang kasi siya."

At tuluyang bumuhos ang emosyon ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiintindihan.

"Patay na ako kaya hindi na dapat tumitibok 'to, 'di ba? Dapat hindi na ako nasasaktan. Pero bakit ganito? Noong unti-unti siyang naglalaho sa paningin ko at hindi ko na siya mahawakan, naramdaman ko ang matinding kirot dito sa dibdib ko. Parang mas masakit pa yata 'to kaysa noong naninikip ang dibdib ko dahil sa sakit?" at sa pagkakataong ito, hindi ko man sadyain ay napahagulgol na ako. "Ang sakit-sakit, Sandra. Hindi ako makahinga. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag iniwan ka?"

"Hindi..." mabilisang naman na sagot niya sa akin. "Tingin ko kaya ganyan ang pakiramdam kasi nagmahal ka."

Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya, "Pero imposibleng mahulog ang loob ko kay Louie! Patay na kami!"

"Nasasabi mo pang imposible gayong nahulog ka na nga? Ang pag-iyak mo ngayon sa lalaking 'yun ang patunay na kahit wala ka nang buhay, pwede ka pa ring magmahal. At mahal mo siya kaya ka ngayon nangungulila at nasasaktan."

Napakagat-labi ako, "Kung ganun, anong dapat kong gawin? Wala bang gamot o pwedeng operasyon 'to? Tulungan mo akong matigil itong sakit."

Huminga ng malalim si Sandra, "Napaka-inosente mo pa talaga, Adele."

At naramdaman ko ang biglang pagpulupot ng kanyang mahabang buhok upang mayakap niya ako at madamayan.

"Buhay o patay, walang ibang gamot sa pagiging broken-hearted. At pasensya ka na dahil pananakot lang ang kaya kong ituro sa 'yo. Sa pag-move on, ikaw lang ang makakapagturo 'nun sa sarili mo."

Naintindihan ko ang mga sinabi ni Sandra. Alam ko na kung anong dapat gawin. Kaso ang hirap. Ito pala 'yun. Ganito pala ang pakiramdam 'nun.

Halos buong magdamag akong nag-iiyak habang kino-comfort ako ni Sandra. At dahil hindi naman ako nakakaramdam ng pagod, hindi ko tuloy alam kung kailan ako matitigil. Kung makakatigil pa ba ako.

Malapit nang mag-umaga. Ang madilim na langit ay nagkakakulay na dahil sa unti-unting pagsilip ng araw.

Ang nakapagtataka lamang, may sinag ng liwanag na tumama sa aming mga mata. Nakasisiguro kami na hindi iyon galing sa papasikat na araw.

Nagkatinginan kami ni Sandra dahil tila baga nagbukas ang langit sa harapan ngunit hindi para sunduin kami.

"Adele!" muli naming narinig ang boses ni Louie. Akala ko nga na imahinasyon ko lang ulit ngunit nang humakbang na ito palapit, nakita ko na talaga siya na nakangiti pa.

"Lou-Louie?"

Bumulong naman sa gilid ko si Sandra, "Nasayang ang drama mo, girl. Binalikan ka na ng asawa mo oh! Kinikilig ako! Ahihihi!"

Muli na nga talagang bumalik si Louie. Pero bakit? Bakit nandito ulit siya?



Continue Reading

You'll Also Like

5.7K 64 16
Minsan kapag naghahanap ka ng totoong magmamahal sayo, kailangan mo pang hanapin sa malayo. Eh paano kung ang totoong magmamahal sayo, nasa tabi mo l...
85.8K 1.6K 56
Masarap nga bang magmahal? E bakit madaming nasasaktan? Mas marami pa ata ang nasasaktan e. Lahat nalang kasi ng pinapangarap mong tao na mahal mo. M...
9.9K 248 37
Paano kung isang araw mawala ang kaibigan mo, ang bestfriend mo...ang mahal mo? Paano mo itutuloy ang buhay mo ng wala siya? Paano kung may pangako k...
27.9K 769 54
The search is over. We are all given our teen years and our twenties, even our thirties and for some hanggang forties o fifties o sixties pa, as a s...
Wattpad App - Unlock exclusive features