Some Cup Of Eudaimonia [TO BE...

By Maria-Felomina

210 52 6

PII COLLABORATION || MENTAL HEALTH SERIES "Are you okay?" That question is too simple but hard to answer. Adi... More

SOME CUP OF EUDAIMONIA
Ang Simula
Unang Tasa
Ikalawang Tasa
Ikaapat na Tasa
Ikalimang Tasa
Ikaanim na Tasa
Ikapitong Tasa (Part-I)
Ikapitong Tasa (Part-II)
Ikawalong Tasa
Ikasiyam na Tasa
Ikasampung Tasa (PART-I)
Ikasampung Tasa (PART-II)
Ikalabing Isang Tasa
Huling Tasa
Ang Wakas
Acknowledgement

Ikatlong Tasa

13 2 0
By Maria-Felomina

Ikatlong Tasa

Deuteronomy 31:6,
"Be strong and courageous. Do not fear or be in dread of them, for it is the Lord your God who goes with you. He will not leave you or forsake you.”

PALAGI kong naalala ang verse na 'yan sa bibliya, pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito kakapitan.

"Manang?" Napalingon ako agad nang marinig ko ang aking kapatid. Nagbuga ako ng isang malalim na hininga saka siya tinugon. 

"Anna," tawag ko pabalik. "Gabi na, dapat magpahinga ka na... Maaga ka pa bukas."

Umupo siya sa aking tabi gawa ng aking sinabi. Narito kami sa labas ng aming bahay kung saan tanaw na tanaw ko ang kabilugan ng buwan. Nanatili lang ang tingin ko rito. Ang mga bituin nama'y malayang nagningning ang repleksyon nito sa aking mga mata. 

"P'wede mo 'kong paglabasan ng sama ng loob... hanggang sa maging okay ka." My lips parted from what I have heard. Muli kong ibinaling ang aking tingin sa kapatid. 

"Ayos lang ako, Anna," walang gana kong tugon. Umiling-iling siya tila 'di sang-ayon sa'king palusot. 

"Hanggang kailan ka magpapanggap? Hanggang kailan mo tatakpan ang tunay mong nararamdaman?" I cleared my throat. 

"Ikaw na lang ang inaasahan ko, Anna. Sana'y huwag kang gumaya kay ate Eya mo," sermon ko, hinawakan niya ang aking kamay. 

"Ikaw rin ang inaasahan kong makakaahon sa atin sa hirap, Manang. Isang taon na lang, ga-graduate ka na." Napangiti ako nang mapait. 

Pilit kong itago ang tunay kong nararamdaman kasi ayaw kong pati ang batang 'to'y mag-alala para sa akin. 

"Matagal mo na bang alam ang tungkol sa ate Eya mo at ng syota n'ya?" I asked. Nag-iba naman ang reaksyon ng kaniyang mukha saka tumango. "Bakit 'di mo sa'kin sinabi?"

"Ayaw kong dagdagan ang problema mo, Manang. Ang dami mo ng iniisip kaya pinili kong ilihim na lang muna."

"Bakit hindi mo siya pinigilan. I mean... sana man lang sinabi mo kay Eya na masama ang ginagawa niya–"

"I did it po. Ginawa ko lahat pero bunso ako, e. Wala akong karapatan na diktahan siya." Naramdaman ko ang lungkot sa kaniya boses. 

I sighed, hinawakan ko ang kamay niya dahilan ng mapatingin siya sa akin. 

"Anna, kapatid ka niya... kaya may karapatan kang sermonan ang ate Eya mo lalo na sa masamang gawain." She forced to smile. 

"Sana gano'n kadali, Manang," aniya. Kumirot naman ang dibdib ko sa sunod kong narinig mula rito.  "Hindi ka ba napapagod?" Tanong na nagpakunot ng aking noo. 

"Saan?" She smirked. 

"Sa lahat." Bumitaw siya sa hawak ko at isinandal ang ulo sa pader ng aming bahay. "School, bahay, trabaho... lahat na lang nakapasan sa'yo. Pati responsibilidad na mga magulang dapat natin ang gumawa, nasa sa'yo na." Nilingon niya ako, umiwas agad ako ng tingin. 

"Bata ka pa, Anna, hindi mo pa alam ang tunay na kahulugan ng buhay para mabuhay."

"Pero alam ko kung ano ang ginagawa mo, Manang Adira. Alam ko na nahihirapan ka na, hindi ako bulag," gigil niyang sabi. Ramdam ko ang tingin niya sa akin pero hindi ko ito pinansin. 

Ilang sandali pa, laking gulat ko na lamang nang bigla siyang tumayo sa aking harapan. Nag-angat ako ng tingin kasabay ang pagyakap niya ng mahigpit sa akin. 

"Kung may ipagpasalamat man ako, ikaw 'yon," maluha-luha niyang sabi. Dahil sando lang ang suot ko, ramdam ko ang butil ng luha niyang tumulo sa aking balikat. Napapikit naman ako sa aking nabatid. 

I rubbed her back gently and feel her warmth. After that, kumalas ako sa yakap at pinunasan ang kaniyang luha. I smiled at her genuinely. 

"Pumasok ka na sa loob, susunod ako." Wala siyang magawa kundi ang tumango't sumang-ayon. 

Hindi ko inilayo ang tingin ko sa kaniya hanggang sa makapasok ito sa aming silid. Tumingala ako, pilit pigilan ang luha kong naaatat ng tumulo. 

You know what is the hardest feeling? Iyon 'yong gusto mong maglabas ng hinanakit pero hindi mo alam kung papaano. Hindi mo alam kung saan magsisimula. 

Niyakap ko ang aking sarili nang nakaramdam ako ng lamig. Hanggang ngayon, sarili ko lang ang mayro'n ako. 

"ADING, dumudugo ang kamay mo," nag-aalalang sabi sa'kin ni Mang Mario. Dinakuan ko naman ng tingin ang parteng iyon. 

When I saw it bleeding, I didn't feel any pain on it. Sa halip, natawa pa ako ng palihim. 

"Malayo 'to sa bituka, Mang Mario," walang kaba kong tugon.

"Sinabi ko na sa'yo na mag-iingat ka. Alam mo naman na matulis iyang kutsilyong hawak mo, pabaya ka pa." Balewala sa akin ang pangaral n'ya kasi nasa kamay kong dumudugo ako nakatuon. 

I questioned myself secretly kong bakit ikinatuwa ko ang sugat na aking natamo. I mean... I didn't even feel the pain. Parang nagustuhan ko ang kulay ng dugo't amoy nito. 

"Ikaw lang yata ang nasugatan na masaya." I came back to my senses by hearing those words. 

"Pasensya na po."

"Sya, hugasan mo muna 'yang sugat mo 'tsaka magpatuloy sa paglilinis ng mga 'yan," payo niya sa akin, tumango naman ako. 

MATAPOS kong hugasan ang aking sugat, bumalik ako sa p'westo ni Mang Mario. Natuwa naman akong maraming nakalinya sa mga paninda niya para bumili. Sana sagana rin ang kikitain ko ngayon.

"Oh, Ading, ako na lang ang tatapos ng mga ito at baka mahuli ka pa sa pasok mo–"

"Sh*t! Nakalimutan ko!" I exclaimed. Nagsilingunan naman ang tao sa'king paligid sa aking inasal. 

Without further ado, hindi ko na tinugon pa si Mang Mario at kinuha ang bag ko sa gilid ng kaniyang tindahan saka kumaripas ng takbo. Lagot ako nito! 

HINGAL ASO ako nang makarating ako sa Roswald. Hindi ko pa man ihinakbang ang aking mga paa papasok sa campus, I close my eyes and pray. 

Sana dinggin mo ako kahit ngayon lang, Panginoon. 

Life trying to play underdog again to drag me but I am Adira–a powerful one and no one can beat me. 

I don't like wasting my time kaya tuluyan kong pinasok ang Roswald. On my way to our building I suddenly stopped when I saw classmates coming out from our room. Nangalay bigla ang balikat ko sa aking nasaksihan. 

I was about to step back para lisanin ang unibersidad but someone stopped me to do so. 

"Kelsie, you missed the class," salubong na sabi sa akin ng kaklase ko. She's wearing  Roswald uniform. A mocha color of dress with a pair of black skirt. Her chubby body fits in it. The black ribbon necktie makes her more cute too. "Miss Viy is looking at you earlier. She mentioned that marami ka raw need habulin para pumasa sa subject niya," dagdag nito na aking kinatulala. 

Nakatingin lang ako sa kaniya, gano'n din siya. Out of nowhere, I asked her something. "Can I get a warm hug from you?" Nagtaka naman siya. 

"S-sure," nabubulol niyang pagpayag. I hugged her without any hesitation and smiled. I felt her hands rubbing my back, it makes me relax. "A-are you okay, Kelsie? Is there b-bothering you?"

"Sorry," paumanhin ko, saka kumalas ng yakap. "Thank you for the hug. I gotta go," sabi ko at tinalikuran ito. Alam kong naiwan ko siyang puno ng katanungan. 

"At least, dalawa na kaming naguguluhan ngayon," I whispered, laughing. 

While walking, questions popped up in my head. Is this normal? Like, I'm happy seeing other people who have worries in life too like me. I love seeing them lonely because I am. 

Huminto ako sa paglalakad sa gilid ng unibersidad when I saw a girl who's holding a dark color art painting. It was like a sad sky but it makes me happy. 

The theme of the painting makes my heart at peace. Like, I should thank the kid for sharing her art. It's a masterpiece though. 

A sweet smile drew in my face when I saw a kid walking in my direction. I smiled even more when she looked at me. 

"Hi," I greeted her. Huminto siya sa harap ko. I think he is 13-year-old because of her looks. Did her mother allow her to go on her own in this big city? 

"Hi," bati niya pabalik. "Why are you smiling at me?" taray n'yang tanong. 

"I l-like your piece, the color too," I commented. 

"Oww. My art likes you, too." My lips slowly parted. 

"Why do you say so?"

"I said to my teacher that only those sad people will understand my art. Then you said you like it, so my piece likes you too," she explained seriously. 

"Do I look sad to you?"

"I'm not your mirror, but I know you're showing that mirror something that I saw too by looking at you," she replied like an adult. "Collect yourself, Miss. The world may be cruel to you but it doesn't mean you're a waste," she added and left me hanging. 

The world may be cruel for you but it doesn't mean you're a waste. 

Pagkatapos na marinig ko iyan sa bata kanina, ayaw na akong tantanan nito. Palagi itong pabalik-balik sa aking utak. But that kid has a point. I.Am.Not.A.Waste. 

"Pang bayad 'yon ng tuition ni Ading, Eduardo, tapos... tinalo mo lang sa lintik na sugal na 'yan?!" Salitang bumulabog sa akin. 

Nasa pintuan pa ako ng bahay pero gustong-gusto ko ng pumasok sa loob para harapin ang ama ko lalo na sa sunod na binitawan niyang salita. 

"Tuition lang 'yon, mahalaga pa ba 'yan sa pagsusugal ko?"

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
998K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]