Checkmate, Mr. Great!

By FrostyPaigejamas

1.5K 1K 716

Every story has some unspoken truth. A lie that is covered up by another lie. It became more thrilling as it... More

Warning ⚠️
starter.
ABOUT
CHARACTERS & SETTING
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11

prologue.

122 76 100
By FrostyPaigejamas

INEZ.

That's not a maarte term for 'inis'. Or because I'm a hot-headed person. It's my name!

I'm Solea Finez Selencio. A graduating psychology student na malas sa lahat. At hindi favorite ng mundo.

"Ano girl may nahanap ka ng clinic?" naawang tanong ni Ingrid

"Wala pa nga eh," usal ko sa'king kaibigan bilang pagtugon sa kaniyang mukhang hindi maipinta. Kasalukuyan kaming kumakain ng pares sa karinderya sa labas ng unibersidad kung saan kami pumapasok.

"Paano 'yan?" problemadong tanong ni Ingrid "Aalis na kami ni Dwayne sa martes. Kung pwede lang kitang isingit sa listahan ginawa ko na, e."

Biglang sumama sa usapan naming ang aming lalaking kaibigan na si Dwayne. Isiningit niya ang kanyang mangkok at plato sa pagitan naming ni Ingrid. "May bad at good news ako sayo, kaibigan!" nakakawiling sabi ni Dwayne.

"Ano naman 'yon?" kunot noo ko siyang tinignan.

"Bad news o good news," tanong pa niya.

"Kahit ano! Sasabihin mo naman din!" iritang sabi ko.

"Bad news, alaws talaga ayaw talaga pumayag ng head master na isingit ka. Bakit kasi noong araw pa na'yon ka umabsent."

"Whatever! Eh, sa nilagnat ako." I rolled my eyes.

"Huwag ka masyadong magalit, Inez. Na-predict talaga siguro ng mga magulang mo 'yang ugali mo kaya ganyan pinangalan sa'yo. So ayun na nga, may good news naman ako para sa'yo." May inilabas siyang papel mula sa dala-dala niyang bag at ipinakita sa'kin ito.

Kinuha ko naman ang nakabalandarang papel at binasa ang mga nilalaman nito. Pangalan ng clinic, doctor, address at contact number.

'My Clinic is open for interns. But strictly no boyfriend allowed.'

Nagkatitigan kami ni Ingrid nang mabasa ang naka italic na mga kataga doon.

Kailangan ba talaga niya sabihin 'yun? As If naman may mag chuchukchakan sa clinic niya. But it's possible, I guess?

"Graduation o love life?" Tila host sa game show na tinatanong ako ni Ingrid. Sinamahan niya pa ng pagtutok sa'kin ng kutsara ko na animo'y mikropono.

"Hell yeah, Graduation!" pasigaw na sagot ko at kinuha ang kutsara ko

"Tama 'yan bestfriend graduation muna bago lovelife. Willing to wait naman ako eh," singit ni Dwayne at inilapit pa ang mukha saakin,

"Kwento mo sa fb friends mong parang all-girls school. Hayop ka!" sabi ko sabay irap.

✿ ✿ ✿

Pumarada na ang sinasakyan kong taxi sa harap ng isang mala-palasyo pero nakakatakot na mansyon. Napatingala ako sa laki, lawak at kakaiba nitong hitsura.

For a while, I thought I was a princess that was about to enter a castle. Whoever's living inside the palace-like mansion is surely a prince charming.

Naglakad ako patungo sa harap ng isang malaking gate na may karatulang nakapaskil:

The Doctor is in.

Tila dinala ako ng mga paa ko sa isang malaking pintuan. Nang biglang bumukas ang pintuan ay kinabahan ako. Nakakatakot kung titignan ang lugar.

"Clinic ba 'to?" tanong ko sa sarili. Baka mali lang ang napasukan ko. Nang akmang palabas na ako ng main door ay napasinghap ako nang makaramdam ng mainit na kamay na dumapo sa aking balikat.

"Ay Putang ina!" napamura ako dahil sa takot at gulat.

"Can't you read?" usal ng lalaking nasa aking likuran na agad ko namang nilingon.

My jaw dropped upon seeing his unbelievably godly features.

Una kong napansin ang malalim niyang mga mata na nasa gitna na kulay butterscotch, Tinakpan ito ng mga pilikmatang nakakainggit ang haba. Makapal ang kaniyang dalawang kilay na ngayon ay nakasalubong.

There are faint dark lines around his deep-set eyes, making him look sexier. Sigurado akong nakakalunod kapag tumititig ang mga matang iyon.

Medyo may kalusugan ang hulma ng kanyang mukha. God! He looks like serious siopao. Pero siopao na bawat detalye at galaw ay sadyang nakakaakit.

He snapped.

"I-I'm Inez," nahihiyang sabi ko sa doctor

"Oh, you're inis," he said mockingly. "Tell me what makes you inis?"

Aba'y gago ba 'to? Gwapong gago. Akala niya ba joke 'yun?

"N-No! It's my name. I'm Solea Finez Selencio," agad kong pagtatanggol sa'king sarili. "But you can call me Inez,"

"Oh, I thought you're like those pick-me students, who are making a university their personality," Ngumiti ng kaunti ang doctor. "I didn't pay attention to your submitted resume, that's why I don't know your name. I only read your letter of interest and made sure you weren't a thief or a murderer. Gladly, you're a real student and ikaw lang naman din ang nagpasa sa clinic ko."

"Ang creepy po kasi ng awra sa labas pero...m-maayos naman po pala sa loob." Kumento ko. "Wala po ba kayong nurse or assistant man lang? Mabuti po ay may mga pasyente pang nagpapakunsulta dito?" sunod sunod kong sabi.

"Well, people who truly need help will ask for help," he answered in his deep voice.

I can listen to him all night. God, his voice is just too gorgeous and sexy.

Kinabukasan pa ang simula ng actual ojt ko pero ngayon pa lamang ay sinabi na lahat ng doctor ang lahat ng bilin niya. Both do's and dont's, he's really specific with the things he wants me to do. Ayaw niya ng masyadong madaldal kaya ngayon palang ay nag papraktis na akong manahimik. Ayaw niya ng mabagal, tamad, at higit sa lahat ay tinatanong pa ang obvious namang bagay.

Nag paalam na din ako sa doctor na kung pupwede tuwing biyernes ay kalahating araw ang ako papasok dahil sa lingguhang training ko sa pagba ballet. Pumayag naman siya. Ngunit may mga bagay lang talaga siyang mahigpit na ipinagbilin.

Dr. Zytho Fredrick De Travera Rpm, PhD, MD.

Madami siyang natamong award, medalya, at pagkilala sa larangan ng agham, sikolohiya at medisina. Madami din siyang organisasyon na sinusuportahan. Gaya ng Agrikultura at pangangailangang medical.

Umagaw ng pansin ko ang isang malaking litrato ng tatlong binata at isang matandang babae sa gitna na nakakabit din sa dingding . Agaw pansin ang pare parehas na kulay butterscotch na mga mata nila. Kapansin pansin din ang pagkakahawig ngunit magkakaiba lamang ang hubog ng mukha at kasuotan.

Napakalakas ng dating ng mga ito maske ang ginang na nakaupo sa gitna, halata na ang katandaan nito pero hindi maipagkakaila ang pagkaelegante at makapangyarihan ng ginang. She's a timeless regal and classic woman.

At iyong nasa kaliwang binata seryosong seryoso ang itsura at nakasuot ng black coat, necktie at black slacks. Samantalang ang isa naman na nasa kanan ay mas mukhang mabait pero hindi padin mawawala ang seryosong dating ng mga mat anito kagaya ng nasa kaliwang binata, nakasuot ito ng white long sleeves folded until his elbow and black slacks.

At pangatlong lalaki naman ay... teka? Kamukha siya ni Doc! Ang gwapo! I really like how he can be serious and cute at the same time. Ang gwapo! I want to pinch that squishy squishy che –

"You want to pinch what?" halos mapatigil ang pagtibok ng puso ko nang marinig ang malalim ngunir nakakalokong boses ng doktor na nasa aking likuran.

"I-I want to pinch that... flowers! yeah right that flower," nakakahiyang palusot ko.

"Pinch that flower huh?" malokong sabi niya kasabay ang pag ikot ng mata nito.

"Y-Yeah...Flowers. Ang ganda!"

"Heightened voice and struggled to breathe, accompanied by defensive aggression." parang nag-a-assess na pagbigkas ng doktor. "That was an obvious sign na hindi nagsasabi ng totoo ang isang tao. You can't fool me, Miss Inez. I'm a psychology major and a Medical Doctor."

"I know it too! I'm a psychology major too, Doc Zytho!"

Your psych tricks won't work to me. Mark my word Dr. Zytho Fredrick De Travera. 

Continue Reading

You'll Also Like

56M 989K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
29.8M 989K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
10.3M 462K 114
"One mobile dating app... gone wrong. Countless of daredevil couples in Lancaster High are now battling dangerously because of this deadly app. Every...
7.6M 260K 81
A school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished...