Temptation Island: Broken Ties

By makiwander

4.8M 193K 106K

Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Huling Kabanata
Huling Kabanata (2)
Huling Kabanata (3)

Kabanata 35

139K 5K 1.8K
By makiwander


Thea

After five years...

Char. 

Eto totoo na.

----

Thea

"Ang tapang-tapang magdrive mag-isa, hindi na nga makalakad ng tuwid." Sinilip ni Thea si Saint habang lumalabas ito ng sasakyan sa harap ng bahay nito. He cannot even manage to park it inside the house because he was too drunk.

She followed him from Marriott to Forbes and tried to shield his car on open lanes. Mabuti at malapit lang kasi kabadong-kabado siya na siya ang matamaan ng bus o truck sa EDSA. But then she can't take seeing Saint in an accident. 

Thekla Mapagmahal, yarn?!

Tinawag na niya ang lahat ng Santo na kakilala niya para hindi sila mapano. Si Saint Betlog na lang ang hindi pa nadamay sa rollcall kasi nagtatampo sa kanya. 

"Saint!" Sumilip siya sa bintana nang makita niyang papasok na ito sa visitors gate. She heaved a sigh when he did not turn his head at her. 

"Pasalamat ka, lasing kang Betlog ka!" Malakas niyang tinapakan ang gas at sumibad na ang kanyang sasakyan papalayo. May internal dialogue pa siya sa loob ng kanyang civic habang nagmamaneho. 

She did not deny their relationship! Hindi lang siya sumagot. And the fact that they did talk about it. Sino ba ang hindi marunong sumunod sa usapan? Seriously, sa reunion sila aamin kung saan ang taas ng tingin dito ng buong batch nila at siya naman ay lagapak sa lupa?

Si Thea na sex doctor, si Thea na naghirap, si Thea na naghubad, si Thea na ginagamit si Saint para sa luho. 

"I am more than that!"

"Yes, you are more than that!" Nagulat siya nang may sumagot sa kanya, hindi niya namalayan na nakapasok na pala siya sa kanilang unit at naririnig siya ni Fox. "Ayun, oh! Hindi na naman umuwi kagabi, tapos darating na napakaganda? Ano naman ang kwento niyan? Ang hirap mong pagtakpan sa kapatid mong chismosa! Mabuti at busy!"

Sumimangot siya at pagod na sumalampak sa sofa. "Galing ako sa reunion." 

"May shanghai ka sa bag? Pahingi, pang-midnight snack." Naglakad si Fox papalapit sa couch na may bitbit ng dalawang tasa ng kape. 

"Alam mo dati, I don't mind if people don't like me. Pero iba pala talaga kapag ipinaparamdam sa iyo na hindi ka welcome."

Ngumiti si Fox, "Maybe they like you then, even if they are not your friends. Now, di ka na feel. Maybe before, they liked you for your money."

She didn't imagine her day would end this way, a pity party for herself. "I know how Saint felt then. At least Saint had me before, and I made it easier for him."

"Hey, you got me." Tinapik ni Fox ang kanyang braso. 

"Sobrang baba na ng self-esteem ko, Fox."

Pinandilatan siya ng mata ni Fox, "Nakakahiya naman sa iyong may pepe, ano! Paano pa kaming mga backdoor entrance, masasaktan muna bago lumigaya tapos magpapanggap pa kami na may pipi na parang ang sherep sherep!"

"Bakit, feeling mo ba hindi masakit sa pipi kapag umpisa ng aksyon? Sakit din ha, depende sa foreplay, depende sa size."

"Jumbo hotdog kasi iyong pinapasok mo riyan!"

"Because I deserve that, Fox."

"Go girl!" Sumeryoso si Fox at hinagod ang buhok niya, "You deserve nicer things, Thea. Napakabuti ng puso mo. Medyo may tama ka lang ng kaunti at bastos ang bunganga mo pero mabuti ka. Be proud of it."

Nicer things? Deserve niya kaya si Saint? Saint can have everything now with his status. Baka mahilig lang talaga sa throwback si Saint kaya siya ang pinipili ngayon.

Or maybe it is just familiarity that made him want her. She had clients who doesn't want to get an annulment, kahit pa paulit-ulit nang niloloko. The idea of starting again scares them. The sunk cost fallacy-- they will start computing the years spent with the person, and that's the basis of staying even if they need to start something new. Sayang kasi ang maraming taong ininvest mo sa taong yon kahit na nasasaktan ka na paulit-ulit.

Baka ganun si Saint sa kanya? 

Kinapa niya ang sariling nararamdaman. Napahilamos siya sa napagtanto. Definitely not a sunk cost fallacy. Mas madalas pa siya ang nakakasakit kay Saint. With her recklessness and stubborness. Her crass. Her impulsive decisions. Kabaliktaran ng kay Saint. Saint is precise, intelligent, caring. Para itong Prince Charming at siya yung wicked witch.

Tengene, hindi kayo bagay, Thea.

Panay ang silip niya sa cellphone niya ng gabing iyon. Saint did not send her any message. Napalabi siya habang nakatingala sa kisame ng kanyang kwarto.

Thea: Goodnight, Baby...

She immediately deleted the last word before sending it.

Thea: Goodnight, B.

She bit her lower lip and sent another message after that.

Thea: Betlog..

--

"Wala man lang 'Good Morning'?" Masama ang tingin niya sa kanyang cellphone. "Tanghali na akong gumising ha! Walang good morning?? Kumain ka na bhi? Ganyan!" Reklamo niya dahil ala-una ng hapon na nga siya nagising. 

"Nagtatampo ka talaga?" Tiningnan niya ang picture ni Saint. "Yung feelings ko hindi mo tatanungin? Yung mga kabatch natin inaapak-apakan pagkatao ko! What do you think I felt last night? At ano bang ikinatatampo mo? Gusto mo pa talaga madamay ka sa pangpapahiya sa akin 'e!"

"Pero karapatan mo naman magtampo, who am I to invalidate your feelings?"

She went to google at nagtipa doon ng topic.

'How to Say Sorry Without Saying Sorry'

1. Say, 'Ooops..'
2. Say, 'Excuse Me..'

"Oops.'." Tumikhim siya, "Ooops, Saint! Ganon? Parang hindi naman convincing yun. ''Excuse Me, Saint. Naapakan ko ang feelings mo, pakalat-kalat kasi sa dinaraanan ko.' Parang hindi naman nagsosorry kapag ganon."

"Hay ewan ko sa iyo, Google! Mas madali pa atang mag-spread ng legs! Pempem, take over and do the work!" Galit niyang inexit ang binabasa. 

Nakakarinig siya ng kuwentuhan sa labas ng salas, narinig niya ang boses ng kapatid kaya siya napabangon. As she went out, naroon nga si Sloane, si Adam, si Fox, at Luke. Nagtatawanan at may tinitingnan na litrato.

"Good morning, Ate! Pang graveyard shift ang design ng gising natin, 'ah! Tanghali na!" Ngumiti si Sloane, "Ate, okay na ang Volume 2, article mo na lang ang kulang."

"Article ko? Hindi ba, hindi na ako kasali riyan dahil baka makahalata ang mga tao? They can hear my writer's voice."

"Last na, Ate! Hindi pa ako nakakahanap ng article writer pero may naka-line up na for interview si Athena."

"Hindi ako nakapagready ng topic, Sloane." Tanggi niya. And she doesn't want to do it. She's been sacrificing enough for Sloane's magazine. Nagmamadali na nga siyang makalimutan ng tao.

"Less controversial na lang, tips on using your feminine sexual energy to say sorry."

"Men are not lap dogs, Sloane."

"But you told me they are pigs!" 

"Bad Ate." Komento ni Luke.  "Well, actually, it is a good topic. Nakakalimutan gamitin ng magkakarelasyon ang sexual energy para i-repair ang relasyon nila. Diretso kasi kay Manny Tulfo ang mga may problema ng mga magjojowa ngayon. What do you think, Doc Bombshell?"

She rolled her eyes, "Fine. Last na ito, Sloane. I want to live a private life."

Napagdesisyunan niya na irespeto ang space na kailangan ni Saint, but she still updates him. 

Thea: I just woke up =) I'll visit Mama Jane like we planned to do together. Ipapaalam ko na nakita ko ang ex niya. You may or may not follow, but I'll do this today, para may time si Mama na mag-isip.  Hindi pa ako naglalunch, but not yet hungry. Magdrive thru na lang ako ng brunch along the way. Grab yourself a soup to cure your hangover, and eat healthily! 🍌🍑🍒🍆

Wala siyang natanggap na sagot pero pinili niyang hindi sabayan ang tampo ni Saint. Lalo lang silang hindi magkakasundo kung pati siya ay mainit ang ulo. She's learning about relationships, her own relationship, hindi naman por que psychologist siya ay expert na siya sa social interactions. Mas madaling kausap ang libro at sarili, 'no!

Sunday is a good day to drive to Rizal. She took her time looking at the scenery and local street vendors. Gumanda ng kaunti ang mood niya lalo na nang nakita niya agad si Mama Jane na may bitbit na bilao ng mga preskong gulay at lumalabas doon sa gate ng resthouse niya. Agad na nilingon nito ang sasakyan niya. Nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdan ang ina ni Saint. Maganda na ang kulay nito at nagkaroon na ng laman ang katawan. No wonder Saint and Cairo are both good-looking too, half-American si Mama Jane, and the other half of the brothers came from Monasterio blood that drips with good looks and sexy body.

Tiniyak niyang nasa bag niya ang calling card na ibinigay ni Fernan Arevalo bago bumaba ng sasakyan.

"Mama Jane!" 

Nakangiting sinalabong siya ni Mama Jane. "Thea, halika't pumasok ka sa loob. Nagluto kami ni Andeng."

"Nagluto? Anong okasyon?"

"Nandito ka. Yun ang okasyon."

"Mama Jane talaga, binobola pa rin ako." 

Nagulat siya nang makitang nagmamadali si Andeng at Teody na maghanda sa lamesa. May menudo, chopsuey, at fried chicken pa. 

"Teody, yung cake, nasa ref ba ha?" Narinig niya pa si Aling Andeng.

"Wow. Hindi naman kayo prepared niyan. Ganito kayo pag-Sunday? Ang saya naman."

Ngumiti lang si Mama Jane sa kanya. "Kumain ka ng marami, Thea."

Umupo na sila at nagsalo-salo sa hapag dahil hindi siya pumayag na wala siyang makakasabay. She felt better eating homecooked food. Nabawasan ang anxiety niya, pati na rin ang pag-aalala sa away nila ni Saint. 

"Mama Jane, may sasabihin po ako." Tumikhim siya nang iwanan na sila ni Aling Andeng at Mang Teody dahil mag-aani pa raw ng gulay.

"Nung nasa mall kami ni Katie, may nakilala akong lalaki. Nakita niya si Katie kaya nagtanong siya kung kilala daw ba kita."

Matamang nakikinig si Mama Jane pero walang pagtataka sa mukha. Mas siya pa nga ang nagtaka sa reaksyon nito. Unbothered si Queen Mother.

"Siya ang Tatay ni Katie." Sabi ni Mama Jane. "Fernan." Malungkot na ngumiti ito. "Hindi kami nababagay 'nun ni Fernan. Matandang binata yon at nakantyawan lang sa club na pinagtatrabahuhan ko. Ayaw pumili ng bata, gusto ay ako dahil magkalapit ang edad namin. Nag-enjoy." Nahihiyang wika ni Mama Jane.

"Pero Mama, hinahanap ka niya."

"Alam ko. Kaya nga ako nagpakalayo-layo. Thea, pokpok ako. Alcoholic ako. Pabaya akong ina. Si Fernan? Disenteng lalaki yon."

Napalunok siya. Mama Jane's sentiments are precisely her sentiments too. 

"Mabuti nang kalimutan ako ni Fernan at mamuhay siya nang naaayon sa estado niya. Malupit ang mundo, Thea. Kahit magmahalan pa kayong dalawa, nariyan ang opinyon ng mga kaibigan, pamilya, at ang pinakamasaklap pakinggan? Ang opinyon ng sarili mo."

Walang salita na lumabas sa kanya. She felt that. She can actually relate to that. Nakikita ni Mama Jane ang sarili niya na pokpok, pabayang ina, alcoholic, but she sees her as a Mother, as a struggling mother, hindi ito kailanman makita ni Mama Jane.

"Mama Jane, huwag ka masyadong malupit sa sarili mo. Nagbago ka. Yun ang mahalaga. Hindi yung nakaraan kundi ngayon ang mahalaga." Kinuha niya sa bulsa ang calling card ni Fernan nang papaalis na siya. "Itago mo 'to, Mama. Tatay ni Katie si Sir Fernan. May karapatan pa rin siyang malaman. Si Katie, nalilito na siya sa mga taong nakikilala niya. Sana matulungan natin siya, Mama."

Tumalikod na siya at naglakad na patungo sa sasakyan. She's hopeful for the reconciliation, but who is she to decide. 

--

"Ay, wala ang Daddy na taga-sundot ng teacher." Kunwaring malungkot ang tono ni Artemis habang pinagmamasdan si Yaya Emily at Katie na papasok sa Little Archers. May driver na nga si Katie kaya hindi na kasama si Saint. Napasimangot siya. Talagang tinitiis siya ha!

"Kaya pala wala sa mood si Teacher, kulang sa sundot at dilig." Patuloy pa rin sa pang-aasar si Artemis.

"Artie." She rolled her eyes at her friend who keeps on chuckling. Marahas siya nitong hinila patungo sa Teacher's lounge at halos magkanda-dapa-dapa pa siya.

"I heard what happened at your class reunion." Parang may lihim pang ibinubulong si Artie.

"Artie, kung may pakpak ang balita, matanong ko lang, ikaw ba ang pakpak?"

"Gaga ka! We have common friends. Maraming naglalaway kay Saint Monasterio. Ang sabi ay si Chloe daw ang dumalo kay Saint sa stage nong naghanapan ng jowa ni Saint. Is that true?"

"U-umakyat si Chloe sa stage?"

"My goodness! Hindi mo alam? Ano ba kasing drama niyo? Parehas naman kayong binata at dalaga. Bakit ayaw niyong aminin sa madla na kayo na?"

"H-hindi pa kami ah."

"O sige, ako pa ang lokohin mo, let's say that I believe you, bakit parang wala kang energy today? Bakit hindi si Saint ang nagdala sa bata?"

"We're not okay." Pagkalipas ng ilang sandali ay sinabi niya. "Hindi ba lugi sa akin si Saint, Artie?"

"What? Even Saint's father wanted you to be his son's bride! Saka bakit ba mas ikaw pa ang nakakaalam? Makinig ka sa mga support sa relasyon niyo, hindi roon sa may ayaw."

"I know right." Napalabi siya, "And now, nagtatampo siya. He's not responding to my text messages. Sabi niya hindi ko daw siya mahal."

"Ang drama!" Malakas na humalakhak si Artie. "Nakakadiri talaga ang mga relasyon ha! Kaya hanggang Fubu lang talaga ako! Ang drama! Ayoko ng marriage proposal, mamamatay ako sa kahihiyan!"

"I was that. I was exactly that."

"Pero si Saint ay hindi? He's the typical family man who loves to work the whole day and go home to his sweet tiny house with a wife and a dozen of children. And you are submitting to what he wants, oh my gosh!"

"Are you Team Saint or Team Thea?"

"I am Team Whatever The Fck Will Make You Happy. Because you know girl, married or not, you can get hurt. Hindi importante ang past, now, is the most important thing."

"Any tips to say sorry?"

"You came to the right person. Magaling ako magpawala ng galit. My gosh! Psychologist ka pa naman. Yung anger, kailangan ibinubuhos yan para maubos. Hindi dapat yan tinatago sa loob kasi nagiging resentment yan in the long run."

"Paano ko naman papalabasin? Hindi marunong magalit si Saint. He had to take alcohol para maibuhos ang sama ng loob sa akin."

"You really don't know?" Artemis showed her toothy grin. Umiling siya.

"Kapag galit sa akin, ginagalit ko rin ang tite." Pagkatapos ay humalakhak si Artemis na parang baliw.

Artemis is not helpful at all. Habang lumilipas ang mga oras na hindi nagpaparamdam si Saint, mas lalo siyang nakokonsensya. Alam niyang nagkamali siya. Damn it. Siya ba talaga ang manunuyo? Hindi siya pinalaki sa lambing. But then...

Huminga siya ng malalim bago umapak sa Monasterio Corporate, dito siya dumiretso pagkatapos ng klase niya. May ilang nagbubulungan agad pagkakita sa kanya. 

"Thea?" Nasalubong niya sa lobby si Lucifer. Hindi siya sanay na makita ito in suit and tie. May kasunod itong dalawang bodyguard at isang sekretarya sa likod.  "Anong ginagawa mo rito? Si Saint?"

"A-ah.. Si.. si..." Hindi niya maituloy ang sasabihin. Lucifer smiled kindly.

"Ah, you'll get your royalty for your magazine cover? Go ahead." Tumango na lang siya at dire-diretsong nagtungo sa elevator para umakyat sa Monasterio Publishing. 

The receptionist of Saint's Publishing House did not smile at her. Mabuti na lang at nakita niya agad si Saint. Sinugod niya ito. Lakad takbo siya para mapaliit ang kanilang distansya.

"Saint.." Hinihingal na sabi niya. "Pupwede ba tayong sabay magdinner?"

Tinitigan siya ni Saint nang nagtataka. "A-anong ginagawa mo rito, Thea?"

"I know.. I know I suck. Like, really suck as a girlfriend. Anong karapatan kong itanggi ka, I am not a superstar, not a socialite, pero ang dating, ikinakahiya pa kita. Ang kapal, right? But I want you to know that I--"

"Sir Saint, nasa loob na po ang mga managers." May sumilip mula roon sa conference room, nang luwangan ang pinto ay punong puno ng tao ang conference table na lahat ay nakanganga dahil sa mga sinabi niya. Nawindang siya sa pagkapahiya. 

"I-- I am hungry, Saint." She gently muttered. 

"I have an interim meeting, Thea." Mababa ang boses na pagkakasabi ni Saint.

Nahihiya siyang ngumiti, "Of course. It is important. I can wait." 

Kumunot ang noo ni Saint, para namang sinasabi niyang magmamadali ito dahil naghihintay siya. Dapat ay hindi niya na sinabi. 

"I mean, I can wait until you are not busy anymore. Dadaanan ko na lang si Sloane. Naroon siya sa Greenbelt. We can eat together. Sige.."

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Saint, tumalikod na siya. 

"Weng, mag-order ka ng steak dinner for the managers. Dinner is on me." Narinig niya si Saint, "I am sorry, can we delay this meeting for tomorrow? My girlfriend is hungry. "

Tumahimik ang lahat bago may nagsalitang isa, "O-of course, Sir. Sure."

"Thanks. Enjoy your dinner. See you tomorrow, everyone."

"Thanks, Sir." Sabay sabay na wika nang naroon sa loob. Nag-init ang pisngi niya. Did Saint just cancel his meeting for her?

Naku, Thea, gandahan mo ang litanya mo dahil pangmalakasan ang ginawa ni Saint. You can't waste your chance.

Saint stood beside her while walking out. Ito rin ang nagtulak ng glass door papalabas ng Monasterio Publishing. She was really nervous and she finds it awkward. Nang pumasok sila sa elevator, parang gusto na niyang mahimatay. Mabuti at may kaunting tunog ng jazz music sa loob kaya hindi siya masyadong natakot. 

"Saan mo gustong kumain, Thea?" Malamig na tanong ni Saint. 

"Mamou? Bagong bukas ang sa Greenbelt."

Tumango si Saint. Lumabas lang sila ng Monasterio Corporate at naglakad lang sila. It will be a 5-minute walk. Walang nagsasalita sa kanila kahit pa nang makarating na sila sa restaurant. Saint assisted her to her seat before he sat to his chair. 

Sa sobrang kaba ay basta nagturo na lang siya ng kung ano-ano sa menu. Nang umalis ang waiter ay naiwan silang dalawa na wala na namang sinasabi. 

"S-sana hindi mo na lang kinancel ang meeting, Saint." She started, "Baka sabihin mas importante pa ang lovelife kaysa sa trabaho."

"Mas importante ka kaysa sa trabaho, Thea."

Nahihiya siyang natawa, "Totoo? 'E bakit hindi ka nagrereply? Pakitang ferson ka." Napatakip siya ng bibig sa katabilan. Tumigil ka, Thea! You are making the situation worse.

"You want to say something, ano yun?" Pag-iiba ni Saint sa usapan.

"Ha?" Nagsalubong ang kilay niya. "Ah. Yung I... I am hungry!" Talagang hindi na siya mapapatawad ni Saint. Saint shifted his gaze on the glass window, tila nawawalan na ng pasensya sa kanya. "S-saint.. Tampo ka pa?"

"Oo, Thea."

"Okay, wait.." Itinaas niya ang kamay at may kinuha sa bag. "Flowers for you!" Kinuha niya pa iyon sa school kanina. She'll feel better with flowers, kaya naman iyon din ang dinala niya para kay Saint. 

Kinuha iyon ni Saint at hindi nagpasalamat. "Goodnight, B?" Naiiling na wika ni Saint. "B for Betlog? Really, Thea?" Masungit na tanong sa kanya ni Thea.

"B for bul**"

"Thea."

"Bull." She grinned. Nagtaas ng kamay si Saint at nag-order ng Mimosa

"M-mag-iinuman tayo?" Nagtataka niyang tanong.

"You will, Thea. Until you can elaborate on what you want to say. Maghihintay ako."

Grabeng parusa naman! Magrereklamo sana siya kaya lang ay tama naman si Saint. Hirap na hirap siyang sabihin ang Sorry at I love you. Hindi niya rin tiyak kung effective ba ang alak. Although, ginawa niyang juice ang Mimosa. On her fifth glass, hindi na niya masabi ang pagkakaiba ni Saint kay Chris Hemsworth.

"Alam mo dati, crush na kita, Saint. Tumitibok na ang pempem ko sa iyo--"

"Bill out.." Nagtaas ng kamay si Saint nang nagiging kakaiba na ang lumalabas sa kanyang bibig. 

"Fck, did I say it out too loud? Bubulong ko na lang." Lumapit siya sa tenga ni Saint, "I lust you..." She whispered, then giggled. 

Bitbit siya ni Saint papalabas ng restaurant, kung hindi siya aalalayan ay baka humandusay siya sa sahig. 

"Shit, paano pa ako makakapagdrive." Malakas na sabi niya habang papalapit na sila sa Monasterio Corporate. Kahit malamig ang hangin ay hindi siya nahimasmasan. 

"And we're still not okay." Pinanliitan niya ng mata si Saint, "Those eyes still hate me."

"Hindi. I don't hate you, Thea. Kahit sumama ang loob ko, mahal kita. Hindi ko kailangan malasing para sabihin ko sa iyo iyon ng diretso." May hinanakit na wika nito. 

"Kita mo 'to! Three hours na tayo magkasama, galit ka pa rin. Paano yun? Hindi ako marunong manligaw? Galit ka na lang sa akin forever? Bad yun."  Natatanaw na niya ang parking lot. She wants to climb to her car, drive and sleep, ang bigat na ng ulo niya.

"Masama ang loob ko, Thea. Pero hindi ako galit."

"Potato po-tah-toh. Saint Monasterio hates me because I cannot say it. He thinks I don't feel it. Alam mo ba kung bakit ko binigay ang virginity ko sa iyo?"

"Because you want the person you trust to have it."

"Mali naman." Inis siyang napakamot ng ulo, "I want you to have it. I want you to mark me first. I know I will never get married, but I want to experience everything with the man I love, Saint. My sacrifices are beyond money. When I make decisions, I always consider you, always. Pupwede akong hindi sumama sa Daddy hanggang makapagtapos tayo. I can visit him from time to time, but I chose to leave Saint. Because I don't want my problems to burden you while you work for your dreams."

"Pero hindi ko masabi kung anong tawag don. What do you call it, Saint?"

Hindi kumibo ang nobyo, pinapanood lang siya. 

"I never grew up in a household with love. Hindi ko alam kung bakit ang lambing mo. Hindi ko alam kung saan mo nakuha. Who taught you that? Bakit sa akin, wala?" Kinumpas niya pa ang kamay with feelings.

"You are successful now and I am really, really happy for you... Kaya lang sobrang taas mo naman ngayon, Saint. I cannot catch up. Ako ang nahihiya sa sarili ko tuwing tumatabi ako sa iyo. Ayokong mapahiya ka nang dahil sa akin. Natatakot ako na marealize mo that I am not worth the trouble. Saint, I--- I---"

"Fck I am so drunk and so sleepy." Ipinahinga niya ang noo sa dibdib ni Saint. "Bukas na lang ako manunuyo, okay?"

Hindi niya alam kung paano siya nakauwi kinaumagahan. Pakiramdam niya ay mabibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Wala rin siyang masyadong maalala bukod sa sinabi niyang manunuyo siya today. 

Tiningnan niya ang oras. Sapat para gumawa siya ng strategy niya na ipakita ang pagmamahal kay Saint, naniniwala siyang action speaks louder than words. Nagtungo siya sa kusina at naghanap ng pupwede niyang iluto. Hindi na muna siya naging ambisyosa at nagprepare siya ng salad at baked salmon. Ipinadala niya lang iyon via delivery app.

Thea: Saint, sibuyas ka ba?

Tawang-tawa siya habang nagtitipa ng mensahe kay Saint. Her phone beeped with a reply.

Shopee Delivery: Hindi.

Napasimangot siya. 

Thea: Support naman diyan sa panliligaw ko... Sibuyas ka ba?

Shopee Delivery: Bakit?

Thea: Napapamahal kasi ako sa iyo.

Shopee Delivery: Bakit?

Nawala ang ngiti niya. Hindi na-gets?! Hindi ba ito nag-go-grocery?! Damn it, iba na lang.

Thea: May lahi ka bang keyboard?

Shopee Delivery: Wala

Thea: I hate you!

Nakakapikon! Huminga siya ng malalim at sinagot na lang ang sarili.

Thea: Type kasi kita.

Shopee Delivery: Ah, ok.

Thea: I sent you lunch. I cooked.

Nagtataka siya dahil hindi na muling sumagot si Saint. Probably he got busy. Kinuha niya kasi ang oras nito kagabi. She took the other half of salad she prepared and sat in front of TV. Her phone rang. Nakangiti niyang sinagot iyon. She thought it was Saint, but to her surprise, si Sloane.

"Ate.. Gising ka na ba?"

"Tulog pa! Bye." Natatawang biro niya.

"Ate." Huminga ng malalim si Sloane, "Sorry, Ate."

"Sorry?" Bigla siyang kinabahan.

"Ate, Good Girls Gone Wild was exposed, Big Bad Boys Magazine released their December issue, and they exposed you as the owner of our magazine, they congratulated you in fact."

"H-hindi nga... Hindi magandang joke yan, Sloane."

"Ate, boyfriend mo ba si Saint? Sorry.."

She hurriedly went to her laptop. Binasa niya ang mga excerpts. Kahit positibo ang pagkakasulat na ang dating covergirl ang owner ng GGGW, nabahiran pa rin iyon ng malisya dahil may nagkumpirma na dine-date niya si Saint to be a spy. 

Sumikip ang dibdib niya. "Sloane, kahit anong mangyari huwag mong aaamining parte ka ng magazine."

"Ate."

"I'll take the hit. Bye."

She dialed Saint's number. It was ringing, but no one was answering. She smiled sadlyhe knows and exposed her? , and sheShe deserves it. She lied. 

She stood up and pack a few things from her closet, numb. She want to shut down all the worries. Pagbaba niya pa lang ng lobby ng condo ay may mga sumalubong na sa kanyang media. Nagkaroon ng maliit na komosyon ang limang tao at nagmamadaling lumapit sa kanya. 

"Doctor Bombshell, totoo ba na kinakalaban mo ang magazine ng boyfriend mo? At nakipagrelasyon ka kay Saint Monasterio dahil gusto mong malaman ang trade secrets ng kumpanya? You even hired his Marketing Head, Adam, para kopyahin ang magazine?"

Tumayo siya ng tuwid, "May magbabago ba kung sasagutin ko?" Pilit siyang ngumiti.

"This kind of life, hurts me and the people around me. Gusto ko na lang magpahinga sa intriga. Pupwede niyo ba akong tigilan?" She felt her eyes water.  

"Aalis ka ba, Doctor Bombshell?" Tanong ng isa na nakita ang kanyang maleta. "Saan ka pupunta?"

"Kahit saan. Kahit saan na walang nakakakita." She answer sadly. Bumakas ang panic sa mukha ng babaeng nag-iinterview. 

"Doc, are you okay? Kailangan mo ng kausap?"

"Na reporter? I don't think so. Please? I want space." The reporter stepped back. Ganon din ang ginawa ng iba. Nilapitan siya ng security guard at sinamahan hanggang sa parking lot. 

"Salamat, Kuya." Pinagbukasan siya ng pinto ng security.

"Ma'am, mag-unwind ka lang. Intriga lang yan, huwag mong sayangin ang buhay mo dahil diyan."

Tumango siya at binuksan na ang makina ng sasakyan. She looked at her phone and typed in.

Thea: Hey, I am sorry for the trouble. I don't know what to say, Saint. 

She turned off her phone, threw it in the backseat, and drove away. 

Hindi niya rin sinisisi si Saint if he exposed her. She wants everything to stop. The hurting. The noise. She could have bawled on her way to Batangas, but she couldn't. Maybe, deep inside her, she knew that alignment would happen, even though it hurts. And she has to accept it. May kasalanan din naman siya. 

She took a sharp right to an unfamiliar beach that she never visited since she last saw it. Itinulak niya ang kinakalawang na malaking gate nang mabuksan ang equally kinakalawang na padlock. It was gifted by Sandro on her 18th birthday. Ipinangako niya sa harap mismo ni Sandro ay nangako siyang hindi niya ibebenta ito. 

Ang tahimik na paligid at ang payapang alon ng dagat sa di kalayuan ay kumalma sa kanya. Huling punta niya rito ay kasama ang ama. She tried to go back to that old self to calm herself down.

It used to be a property of Sandro and her Mom. May isang bungalow na bahay sa gitna. Good Lord, only God knows what she'll see inside. Walang caretaker ang tahanang iyon. Naglakas loob pa rin siyang itinipa ang pincode ng numeric padlock na birthday niya. 

Hindi niya alam kung sobrang honest lang ng mga taga-Anilao at walang nagtangka na tingnan ang nasa loob ng tahanan considering na wala nang bumisita simula noon. 

"Hindi sana maisip ng ahas na magkaroon ng pamilya rito at manirahan ng tahimik." She whispered to herself before pushing the door.

Nakahinga siya ng maluwag nang mapagtantong ganon pa rin ang ayos mula sa dati niyang pagkakaalala. Maliwanag din dahil sa malalaking bintana pero pinagana niya ang solar power source ng bahay. Napangiti siya sa masasayang larawan ng mga magulang niya na nakadisplay sa buong bahagi ng bahay. 

Huminga siya ng malalim at nakaisip ng idea. She wants to restore the house on her own. Clean it. Replace the old foams. Kapag maayos na, saka siya babalik sa Maynila. Hopefully, all the news about her died down.

"Anak ka ni Mara?"

Nagulat siya nang may sumilip sa kanyang bahay habang tinititigan ang isa sa mga lumang litrato ng magulang sa frame. An old lady. Payat ito at nakasuot ng mahabang palda at lumang blouse.

"Sino ho kayo?"

"Ako si Doris. Anak ako ng Yaya ni Mara dati. Dito kami nakatira sa lupa niyo. Ibebenta mo na ba itong beach?" Nahihiyang tanong ni Doris. Umiling siya.

"Hindi ho, gusto ko sanang linisin. Ngayon ko lang muli nadalaw."

"Alam ko. Matagal na rin kitang hinihintay na bumalik. Pinigilan ako ni Sandro na makalapit sa iyo nung mas bata-bata ka pa. Hindi ko alam na hiwalay na sila ni Mara dati kaya pala ganon.. May itinabi akong ipinapabigay ni Mara. Hindi ko lang alam kung paano mo pa magagamit. Hi-tech na kasi ngayon. Teka, kukunin ko sa bahay."

Pagkasabi non ay iniwanan na siya ni Doris ng nagtataka. Mabuti at hindi siya nakilala na may bagong intriga. Nilibot niya ang tingin sa buong bahay. Pati ang tatlong katamtamang laki na silid na naroon. The matress foams were covered by cling wrap. Vaccuum sealed din ang mga beddings. It is as if the house is waiting for her to come back. 

Kinuha niya ang mga gamit panlinis at nagsimulang magwalis ng makapal na alikabok. Nakatulong iyo para madivert ang atensyon niya.

"Thea. Nakalimutan ko na ang pangalan mo pero nakasulat kasi rito." Iwinagayway ni Doris ang isang CD. "For Thea, - Love Mommy" Binasa pa ni Doris ang sulat kamay ng kanyang ina. Nagmamadali niya iyong kinuha at hinaplos ang bawat letra. 

"Salamat po."

"Kailangan mo ng tulong sa paglilinis? Pwede kami ng mga anak ko."

Mabilis siyang umiling. "Ako na po muna, pero tiyak na kakailanganin ko ang tulong niyo sa pagbili ng mga kailangan."

"O siya, magsasabi ka lang ha? Lalakad ka lang ng dalawang minuto mula rito sa bahay mo, makikita mo ang kubo namin..."

She spent her whole day cleaning. Manghang-mangha siya sa mga lumang gamit na naroon. Nang isaksak niya ay gumagana pa lahat. Parang blast in the past. 

At least she deep-cleaned the floor. Bukas ay maglalagay siya ng mga kurtina at table cloth. Siguro ay titingin siya sa mall ng pupwedeng idagdag. Sloane might love to stay here to unwind too. 

Nabawasan ang bigat ng loob niya at napalitan ng pisikal na pagod. Kaya importante ang coping mechanism tuwing may pinagdadaanan. Naririnig niya pa rin ang hampas ng alon sa tabing-dagat, napakapeaceful. Na-appreciate niya ang full moon at ang maliliwanag na bituin bilang view. Napatingin siya sa CD na inabot ni Doris, lumipat ang mga mata niya sa VCD player na nakakonekta sa TV. She groaned.

"Mommy ha? No. Kung ano mang laman nito, hindi pa ako ready. Hindi ko pa nga tinatapos ang sulat mo." She sighed. What difference will it make kung papanoorin niya. Emotional din naman siya ngayon. 

Kinuha niya ang bote ng wine na binili niya sa nadaanang convenience store kanina. Pinaandar niya ang jurassic na refrigerator kaya malamig na rin ang bote.

She sat on the wooden couch in front of the tv after she set the VCD player to play. Pinatay niya ang ilaw sa buong bahay at pinagana ang aircon saka niyakap ang sarili nang unti-unting lumiwanag ang buong paligid dahil sa video sa TV.

'Sandro.. Manang-mana ang anak mo sa iyo pagdating sa kakulitan!' She heard a familiar voice that her ears couldn't recognize, but her heart did. Napalingon siya sa beach sa labas. It was taken there. Kita pa nga sa background ang bahay, maliwanag nga lang sa video dahil papalubog pa lang ang araw doon.

She saw her younger self trying to walk on the sand. Wala pa yata siyang dalawang taon dito. She struggled but kept standing and kicking the sand in front of her. 

'Mommy....' She sweetly called.

'Oh! Thea. Thekla Angeline..'  Manghang wika ni Mara.

'What a precious moment, akin na ang camcorder. Ako naman ang kukuha.' Narinig niya ang boses ni Sandro. Niyakap siya ni Mara. That's the first time she saw Mara moves. Parang siya kung kumilos at tumingin, iyon nga lang ay napakalambing nito.

'Say it again. Mommy.. Mommy..' 

Napatakip siya ng bibig sa tagpong iyon. Mara is kneeling in front of her and she was smiling. 'Daddy!' She chose to say instead. Pinunasan niya ang luha habang natatawa. Malakas na humalakhak si Sandro. 'Bata pa lang, marunong nang mang-asar!'

'I told you, mana sa iyo!'

'Okay na yan! Basta mana sa iyo ang kagandahan. I love you.'

'I love you too; I love both of you...'

Marami pang video na magkasama sila ni Mara. Pinapakain siya, tinuturuan siyang magsalita. In a short while, she felt how it is to have a mother who repeatedly tells her she loves her. Lahat ng salita ni Mara ay punong-puno ng pagmamahal. 

'This is Ursula Oaklene..' Bumubulong si Mara habang nasa ultrasound room at pilit na kinukuhaan ang sarili, 'I wish I can still see her face, I wish I can still see your face, Thekla Angeline. My babies.'

Maputla si Mara pero hindi mawala-wala ang ngiti. May mga video ito na kinakausap si Sloane habang nasa sinapupunan, pati na rin siya. 

'Love your sister, Thea. Sloane, listen to Ate, always. Susuportahan niyo ang isa't isa. Okay?'

Sa panghuling video, it was Mara, still pregnant, sitting on a chair.

'Sandro.. I love you. I am sorry. I hope you can watch this video, too. Malaki ang kasalanan ko sa iyo at kay Thea pero gusto kong mabuhay si Sloane. I know Sandro, you'll never give her a chance kung ako ang kapalit but she is our daughter..'

'Thea, baby, my Thekla Angeline, love fiercely. Don't be afraid to love because Mommy and Daddy's love story did not work out, and it worked through you and Sloane. Huwag mo akong gagayahin kapag nagmahal ka na. Huwag kang matakot kasi hindi mo alam kung kailan ang huling araw na maipaparamdam mo ang pagmamahal na iyan. Huwang kang tatakbo papalayo, kundi lumapit ka kung saan ka sasaya.. I love you. I miss you.'

She burst into tears when the video went off, and she let herself have a good cry. Lahat ng takot niya na inipon, lahat ng insecurity niya na nabuo dahil pakiramdam niya ay hindi siya buo na lumaki. Pati ang mga salitang hindi niya kayang sabihin. Iniiyak niya. 

Ibinuhos niya ang mga sumunod na araw sa pagsasaayos ng bahay na para sa kanila ni Sloane. It took her days to clean everything. Damn it, tiyak na pinapahanap na siya ni Sloane sa mga pulis. Hindi niya magawang buksan ang cellphone niya dahil natatakot siya sa kung anong mababasa. 

Kuntento siyang ngumiti sa bahay na kanyang inayusan. Ayaw niyang ipagalaw ang pintura hanggang maayos pa. Sandro and Mara set their eyes on that paint. She wanted their memories to live through that house. 

"Baka naman sampung taon na ulit bago ka bumalik, Thea. Baka patay na rin ako non."

"Ang lakas-lakas mo pa Aling Doris, ha. Pero baka next weekend lang ay nandito ako ulit, dadalhin ko ang kapatid ko."

Iyon ay kung hindi pa siya isinusumpa ni Sloane o wala pa sa ICU dahil sa heart attack na ibinigay niya nong bigla siyang nawala. Pwede rin namang siya ang maglaho sa mundo dahil dudurugin siya ni Sloane pagkakita sa kanya. Two weeks ba naman siyang hindi nagparamdam, hindi na nga rin siya lumabas pa dahil si Doris ang kumukha ng kanyang mga pangangailangan.

Sana naman ang balita sa kanya ay 'Doctor Bombshell, nawawala dahil sa sama ng loob.' pagkatapos ay maaaawa sa kanya ng mga netizen at mananalangin ng kanyang ligtas na pagbabalik.

Ha! Asa!

Anyway, she knows she has to go back. Habang lumalapit siya sa condo ay mas lumalakas ang tibok ng puso niya. Takot na takot siya sa reaksyon ni Fox at Sloane. 'E kung sa pulis muna kaya siya sumuko? Humingi siya ng proteksyon or something...

"Hi..." Kaswal na bati niya habang pumapasok sa loob ng unit nila ni Fox. Naroon si Adam, Sloane, Fox, at Luke. Magkakaharap sa dining table. 

"Hello. Welcome back." Kalmadong bati ni Fox. 

Tipid na ngumiti si Sloane. "Naglunch ka na, Ate? May kaldereta."

She finds it weird. Really weird. Akala niya ay babatuhin siya ng vase pagpasok niya pero parang normal ang kilos ng mga ito kaya naging kataka-taka!

"Tumayo ka riyan, Adam. Let's set the table para makakain si Thea." Si Luke

Tumayo naman si Adam at tumulong sa paghahain ng pagkain. 

"Balita?" She asked while sitting at the dining table.

"Balita? Wala naman masyado. Same old, same old." Sagot ni Sloane. 

"Oh, mabuti naman." Lumapit siya sa lamesa. "S-sarado na yung GGGW?"

"No. Actually, we are working on the third volume." 

"Third volume?"

"Yeah, Brix's cover sold like hotcakes. Nagpareprint pa kami ng volume 1 kasi mataas din ang demand."

Sinampal niya ang sarili, "Nananaginip pa rin ako, fck." Sinampal niya muli ang sarili. "Didn't they cancel me?"

"Well, about that... Hindi naman." 

"Hindi naman? As in hindi?"

Sabay-sabay na umiling ang apat. 

"So I can step out? Wala nang problema."

"That.. May kaunti lang akong request. Kaunting-kaunti." Sabi ni Sloane.

"Ano?"

Ngumisi si Sloane.

--

"Ayoko ngang maging writer tapos gagawin mo akong photographer?!" Reklamo niya kay Sloane habang nakaupo silang dalawa sa coffee shop sa ibaba ng photo studio kung saan nila imi-meet ang model ng Volume 3 ng GGGW. "Anong alam ko sa pagkuha ng litrato?"

"Stupid ka ba, Ate? Pipindutin mo lang! Kailangan kong icheck ang problema sa printer baka madelay ang reprint! Sayang ang hype kung mahihinto ang delivery ng magazine."

Sumimangot siya. 

"Bakit hindi si Fox?"

"Gay. Hindi daw kumportable si Model."

"Adam?"

"Gay din. Hindi mo ba alam?" Sloane rolled her eyes. 

"I cannot pull it off. Ano bang tingin mo sa magazine mo? Puchu-puchu?"

"I can manage the editing. Kaya mo na yan! Kahit ID picture type. Professional naman ang model." Iginiit ni Sloane sa kanya ang camera.

"Sino ang model?"

"Si Michael."

"Sinong Michael?"

"Hindi mo ba kilala yon? Grabe, tanda mo na talaga, Ate! Naiinis na ako sa iyo ha, eto na ang camera. Huwag mong pinapaiinit ang ulo ko." Pinandilatan siya ni Sloane. Mas galit pa nga ito dahil ayaw niyang kuhaan ng litrato ang model kaysa sa fact na nawala siya ng two-weeks.

Bigla na lang tumayo si Sloane at sinugod ang taxi na nakita pagkatapos ay sumakay. 

"Buwisit ka talaga, Sloane! Pasalamat ka may kasalanan ako sa iyo."

Inis siyang umakyat sa penthouse kung nasaan ang bagong studio ni Sloane. In fairness, ang gara! Asensado agad si Sloane in just two volumes. Naoverwhelm agad siya sa ilaw at laptop na naroon sa studio. Huminga siya ng malalim at pumikit, inalala ang ayos tuwing may shoot si Sloane. She hooked the camera on a cable connected to the laptop and took photos. Napangiti siya nang may rumehistro sa laptop. 

Tumunog ang cellphone niya. Si Sloane iyon.

"Ate, ano? Ready ka na ba?" 

"I think so..." She muttered unsurely. 

"Andyan na ang model."

"Nandito na? Saan? Sa lobby?"

"Duh, nasa studio. Napupush up lang sa make-up room kanina." 

"P-push up?" Napalunok siya. Shet, ang awkward tiyak. Hindi siya marunong humawak ng camera.

Muntik niya nang mabitiwan ang camera na hawak nang tumayo si Saint sa gitna ng backdrop. He was topless, with only towel barely hanging on his waist. His face was almost stoic. Na parang hindi nito kaaway ang kaharap. He's supposedly mad, right? Kinalaban niya ang magazine nito, at umalis siya nang walang paliwanag kung nag-espiya nga ba siya sa BBB o hindi!

"S-saint.. A-anong ginagawa mo rito?"

"I'll be your model for Volume 3, Thea." Kalmadong sabi nito habang siya naman ay pinagpawisan ng malamig.

"I-ikaw ang model namin? B-bakit?" Windang niyang tanong.

"Ate, photoshoot ha. Hindi porn shoot! Bye!"

--

🧡 Makiwander | 📸 Instagram: Wandermaki | 💙 Facebook: Makiwander | 🐦 Twitter: Wandermaki | 💚 Spotify: The Slow Fix Podcast

Maki Says: Patapos na!














Continue Reading

You'll Also Like

25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
90.4K 1.3K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
23.2M 591K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...