The Ugly Duckling (PUBLISHED...

By kissmyredlips

4.9M 146K 22.8K

If you're looking for the ugly duckling who turned into a swan, then you got the wrong book. Les' best friend... More

Ugly #1
Ugly #2
Ugly #3
Ugly #4
Ugly #5
Ugly #6
Ugly #7
Ugly #8
Ugly #9
Ugly #10
Ugly #11
Ugly #12
Ugly #13
Ugly #14
Ugly #15
Ugly #16
Ugly #17
Ugly #18
Ugly #19
Ugly #20
Ugly #21
Ugly #22
Ugly #23
Ugly #24
Ugly #25
Ugly # 26
Ugly # 27
Ugly #28
Ugly #29
Ugly #30
Ugly #31
Ugly #32
Ugly #33
Ugly #34
Ugly #35
Ugly #36
Ugly #37
Ugly #38
Ugly #39
Ugly #40
Ugly #41
Ugly #43
Ugly #44
Ugly #45
Ugly #46
Final Ugly Chapter
Epilogue

Ugly #42

76.8K 2.3K 638
By kissmyredlips

Our university won the match. Natalo ang team nila Luke. Pinaghalong frustration at depression ang naging ungol ng team ng dati kong university na pinapasukan. Si Calum ay niloko pa ako, nagtatampong ipinagtulakan palayo sa kanila dahil isa daw akong traydor.

Kahit na talo ay nakangiting sinalubong ako ni Luke. Pawis siya at mukhang pagod na pagod pero hindi katulad ng iba niyang teammates ay bali wala lang sa kanya ang pagkatalo. To be honest, he seemed to be in a pretty good mood. It was weird seeing smile. Luke's an impatient asshole. Mabilis siya ma-frustrate pero mukhang good mood siya ngayon.

"What are you smiling about?" yun ang salubong ko sa kanya at mas lalo lang lumawak ang ngisi sa mukha niya. His grin was contagious. I would have smiled back at him if I wasn't confused at his weirdness.

Inangat ni Luke Dashiel ang kamay niya at ipinatong iyon sa ibabaw ng ulo ko. Nagulo na niya ang buhok ko bago ko pa iyong matapik palayo sa akin. He dropped the weird happy look in his face and just smiled like a normal person that he wasn't. "Go to your boyfriend. Kanina ka pa hinihintay n'yan. He's been practicing hard for weeks for this."

Nanlaki ang mga mata ko. "You knew he was playing?"

"Uh, yup." napakamot si Luke sa batok niya at inis na hinampas ko siya sa braso ng ilang beses. Umiilag siya sa bawat pag hampas ko sa braso niya.

"Why didn't you tell me? Nag lihim ka sa akin, Luke Dashiel! Akala ko ba best friends forever tayo!" itinuloy ko lang ang paghampas at panay ang aray naman niya habang pinipigilan ang kamay ko sa pagtama sa kanya.

"Aray! Masakit, Les!" bahagyang lumakas na ang boses ni Luke kaya alam kong naasar na siya. I don't want him to get mad at me kaya tumigil na ako like wanted. I pouted my lips and crossed my arms above my chest.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" rinig ang pagtatampo sa boses ko. Hindi naman sila close ni Sage pero may sikreto silang dalawa na hindi ko alam. It was a conspiracy.

"Because he said he wanted to surprise you. Remember when you were sulking because he's been too busy for you? Sinugod ko siya. Susuntukin ko sana siya pero sinabi niya sa akin na maglalaro siya. He said it was for you, pero ayaw niyang sabihin." paliwanag ng best friend ko sa akin. "Sage asked me to keep it and then I offered na ayain kita sa game na ito para hindi siya mahalata."

I still can't move on. I still can't believe that my best friend and my... Uh, Sage, schemed something behind my back. I felt left out.

Matulis siguro ang nguso ko dahil bigla iyon hinawakan ni Luke at pinisil ng madiin. Lagi niya iyon ginagawa pag nagtatampo ako. Sa tuwing nagtatampo kasi ako ay nakasanay ko na ang pagnguso.

"Wag ka nang magtampo." inalis ni Luke ang kamay niya sa nguso ko at tinapik ang pisngi ko. "Just go to Sage and we'll talk about what you said on the phone later, okay?"

Tumango ako kay Luke. Ngumiti ulit siya sa akin bago dumeretso sa team mates niya na sabay-sabay na nagmumukmok at pinapangunahan ni Calum. Ako naman ay isa lang ang nasa isip, at iyon ay ang makalapit kay Sage.

Naglalakad pa lang ako palapit ay natanaw ko na agad siya. Masaya siyang nakikipag-usap sa team mates. Ngayon ko lang ulit siya nakipag-interact sa team mates ng ganito. He looked young and carefree. My smile dropped as I watched him, then my heart clenched.

Naramdaman ni Sage na nakatingin ako sa kanya dahil hinanap niya ang mga mata ko. Lumiwanag ang mukha niya at lumaki ang ngiti sa labi niya nang makita ako na mas lalong nagpakirot sa puso ko. Pinilit kong ngumiti at magmukhang masaya kahit na hindi maganda ang nararamdaman ko. Hindi na nagpaalam pa si Sage sa mga team mates niya na ligalig pa rin na nag-uusap. Naglakad siya palayo sa iba para salubungin ako sa paglalakad.

Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko at mas binilisan ang paglakad. Malalaki na rin ang bawat hakbang ni Sage. Nang makalapit ay hindi ako nagdalawang isip na itapon ang sarili sa kanya at bigyan siya ng mahigpit na mahigpit na yakap.

I don't care if he's wet and damn sweating. It's digusting but he smells good kahit sobrang pawis na pawis. Mariin na ipinikit ko ang mga mata at walang pakialam kung may mga nakatingin sa amin ngayon. I needed this hug. I needed his warmth to numb down my constricting chest.

Nabigla si Sage sa biglaang pagyakap ko sa kanya dahil hindi niya . Alam niyang hindi ako mahilig sa public display of affection katulad niya pero ibinalik niya ang yakap ko sa kanya.

Needles started to prick in my chest when Sage returned my hug. I buried my nose on his chest and bit my lip. My arms tightened even more around him and it made him chuckle. His chest vibrated when he started to speak. "You're this happy?"

Natutuwa si Sage dahil akala niya ay niyakap ko siya sa sobrang saya. Masaya naman talaga ako na makita siya na maglaro nung una. Pero nawala din agad iyon at napalitan ng kakaibang sakit.

Hiniwalay ko ang mukha ko mula sa dibdib niya para tingnan siya. Kitang-kita ko ang tuwa sa mukha ni Sage. Binigyan ko siya ng pekeng ngiti at tumango-tango sa kanya.

Humalakhak ulit si Sage at hinawakan ang likod ng ulo ko para idikit ulit ang mukha ko sa dibdib niya. Ipinatong niya ang baba sa ibabaw ng ulo ko at ibinalik ang mahigpit na yakap ko kanina. Mariin na ipinikit ko ang mga mata ko at nahihirapan sa nararamdaman.

The team decided to celebrate. Invited ang buong Blue Archers na team ni Luke Dashiel. Kaya pala kampante siya kanina na makakapag-usap kaming dalawa. Hindi ko na hinintay si Sage at nauna munang umuwi sa bahay dahil maliligo at magbibihis pa ako. Ang naging usapan ay susunduin niya na lang ako sa mansion. Pumayag ako dahil ayaw ko nang pahabain pa ang usapan. Hindi ko kailangan mangamba dahil paniguradong wala pa naman si Mommy at Daddy sa bahay.

Pagkapasok namin ni Sage sa loob ng may kalakihan na bahay ay rinig na rinig sa speaker ang isang Justin Bieber song. Nakataas ang kilay ko kay Sage na blangkong nakatingin sa akin. Pilyang ngumisi ako at ipinagalaw-galaw ang mga kilay.

"Babe, yung idol mo oh."

Sage grimaced at me. "Shut it."

"What?" I innocently looked batted my eyelashes at him. "Too bad it's not your favorite song from him..."

Binigyan ako ng matatalim na titig ni Sage at mukhang napipikon na siya. "You really love teasing me, huh?"

Napangiti ako. "Medyo..."

Sage groaned and I couldn't help but laugh. Pagkatawa ko ay pinisil ni Sage ang kamay ko bago hinila papalapit sa kanya. tumama ang mukha ko sa dibdib niya at nanggigigil na niyakap naman niya ako.

My lips parted as I turned frigid with Sage's arms wrapped around me. I felt him place his lips on the crown of my head and that's when everything came crashing down. Everything turned cold.

Nagpapasalamat ako nang may tumawag sa pangalan ni Sage dahil iyon ang naging dahilan para humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. A few people approached us and requested for a picture with Sage until the few people turned into a lot.

Naging suplado si Sage at sinubukan niyang tinanggihan ang mga iyon pero sinabi ko sa kanya na okay lang iyon dahil hahanapin ko rin naman si Luke Dashiel para kausapin. It was true, but I also wanted to leave. I needed to.

"Text me, okay?" pinisil ni Sage ang kamay kong hawak-hawak niya. Sa ginawa niyang iyon ay parang pati puso ko ay kasama sa pagpisil niya. Alam kong lumalabas na sa mga mata ko ang takot nang tumango ako kay Sage. Bago pa niya iyon makita ay binigyan ko siya ng matamis na ngiti at nagmamadaling umalis.

Hindi naging mahirap ang paghahanap kay Luke. Wala siya sa crowd. Nasa likod siya ng bahay na pinaggaganapan ng party at abalang-abala sa phone niya. Sa sobrang busy niya sa phone ay hindi niya namalayan na nasa tabi na niya ako.

"Luke," hinawakan ko ang braso niya.

Napatalon si Luke at nagpaulan ng mura sa ginawa ko. Kung sa ibang araw ay baka natawa ako sa itsura niya pero kahit ngiti ay hindi ko man lang maibigay sa kanya.

"What are you doing here?" pasimpleng itinago ni Luke ang phone na hawak-hawak sa likod na bulsa ng pants niya.

"Bati na kami ni Dee." walang emosyon na sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo ni Luke Dashiel sa akin.

"Really?" tumango ako at naalis ang lukot sa noo ni Sage at ngumiti sa akin. "That's awesome, Les. I'm glad that you two are finally okay now." inangat pa niya ang kamay para guluhin ang buhok ko. Nakangiti siya habang ginagawa iyon habang ako naman ay blangko lang na nakatingin sa kanya at hindi man lang hinawi ang kamay ni Luke katulad ng karaniwan kong ginagawa.

Luke Dashiel removed his hand from my head. His forehead was creased again and a small frown was displayed on his face "What's wrong, Les?" he asked.

"Sage..." I whispered.

"Oh, anong meron kay Sage?" tanong nito habang nakakunot pa rin ang lukot sa noo niya. Umiling-iling ako bago siya tiningnan ng deretso sa mga mata.

"I can't be with him."

"What?" Luke asked with confusion still written all over his face.

Kinagat ko ang labi ko at umiling ulit. Pinigilan ko ang paghinga ko habang nag-iisip ng isasagot. "P-Pakiramdam ni Dee nawalan siya ng kakampi kaya siya nagalit sa akin. Being with Sage will hurt her and I can't do that to Dee, Luke Dashiel. B-Bati na kami ni Dee, ayaw kong mag-away kami ulit. M-Masasaktan siya."

Natanggal ang pagkagulo sa mukha ni Luke Dashiel at napalitan iyon ng pagkainis sa akin. "Ano bang mentality yan, Les?" singhal niya.

"Best friend ko si Dee."

"Best friend ka rin niya and I know she wouldn't want to see you hurt for the sake of her feelings!" Luke sneered. "How are you even going to push him away? Sage's completely whipped by you. Sa tingin mo basta-basta mo lang siya maitutulak palayo nang walang paliwanag? And if you're going to give him that bullshit excuse of yours, sa tingin mo titigil siya? Savellano's a determined ass. He's going to trample on everything that is in his way and he's not going to stop until he gets what he wants. That's how Sage Savellano plays and he plays hard."

Alam ko na kita na ni Luke ang sakit na nangingibabaw sa mukha ko. "Ayaw kong masaktan... Ayaw kong masaktan siya."

"Ayaw mong masaktan siya o ayaw mong masaktan ka?" matigas na tanong sa akin ni Luke. Hinigpitan ko ang pagkakasara ng mga kamay ko.

"Ayaw kong masaktan siya. I don't want to hurt Dee."

"Bullshit!" Luke shouted in my face and I flinched. "Kilala kita, Les! We've been together since we were kids! I know all of your quirks. I know everything that's going inside your head. Best friend kita at kilalang-kilala kita. Dee may be part of it but I know the main reason why you're being like this."

"Stop, Luke." I warned him but he still resumed talking.

"You're acting like this because you're scared. You're scared of how deep you're already in. You're scared of your feelings. You're scared that you'll get hurt, that's why you're choosing to hurt him instead. You want to push him away because it's your defense mechanism. You're scared because you know that you're already in lo-"

"I said shut up!" I exploded like an angry volcano. Tears were threatening to fall down in my eyes. I don't know what caused it. If it's because I'm completely hurt or because I'm pissed at Luke for not stopping when I asked him to.

"It's pointless, Luke. We can't be together. Iyon lang yon, okay? Iyon lang iyon."

Luke tightly shut his eyes. He was frustrated. I could hear him groaning inside his mind. He opened his eyes and stared at me with sadness. "Les..."

Tumalikod ako at walang isang salita na iniwan siya.

I sent a text to Sage that night and told him that I went home with Luke Dashiel because I wasn't feeling well. It was true that I wasn't feeling well. I couldn't exactly face him with frustration plastered on my face and pain twinkling in my eyes. I was lying when I told him that I went home with Luke Dashiel because I just took the taxi. I was too mad at Luke to ask him for a ride.

My mind was made up. I used the whole night plotting on how I'd push Sage away. Luke was right when he said I couldn't push Sage away just because I wanted to. Hindi siya papayag doon. The next day, I called in a payment from my friends and told them about my plan.

"Don't get it. Why can't you just break it off by telling him the truth?" tanong ni Raegan na nakakunot ang noo.

Ngumiwi si Joyce at hinaltak ang buhok ni Raegan. Umaray si Raegan at sinamaan ng tingin ang kaibigan namin. "Hindi ka ba nakikinig? Her Sage won't accept that kind of reason."

"So, what the plan then?" tanong ni Aly.

"I need Sage to do something unforgivable. Something that will break the two of us. Yung magiging acceptable ang pagtulak ko sa kanya palayo. I'm going to make him cheat."

Kumunot ang noo nilang lahat at sabay-sabay na nagtanong. "How?"

Tinapik-tapik ko ang lamesa gamit ang mga daliri ko habang pinapagana ang utak. Talking helps me finalize my plan. Nang mabuo ko na ang plano ay tiningnan ko silang lahat. "There's this party na pupuntahan si Sage three days from now with his cousin Kade..."

I broke down the plan thoroughly and with complete details. They were intently listening to ever word that's coming from my mouth. I kept my face blank and my chest empty. My eyes were stone cold and there wasn't any hint of smile on my lips.

It was wrong to scheme things around Sage's back but this is the only effective way that crossed my mind and make sure that he'll let me go. This was equivalent to betrayal, even worse when I pretended to be someone I'm not, but there's no turning back. I need to do this.

"We'll just pick roles kung sino ang hahalik, kukuha ng video at magpo-post." paliwanag ni Joyce at tumango ako sa kanya.

"What if he'll not take the bait and push whoever one of us off? The clip won't do."

Umirap si Cess. "Child's play. I can always edit it. I'll slow down the video then copy the music from the original video and paste it in the edited one."

Tumango ang lahat, pati ako ay napatango na rin sa explanation ni Cess. Huminga ako ng malalim. Napatingin sa akin si Cess at binigyan ako ng seryosong tingin.

"I hope you won't regret letting go the guy who accepted all of your quirks and flaws and still forgave you after the ugly duckling stunt you pulled." Cess soberly exclaimed and I stared at her with my coldest and detached stare.

"I won't."

Continue Reading

You'll Also Like

645K 24.8K 29
Ang mga babaeng Salamanca ay para lamang sa mga lalaking Valleroso. Sina Arc at Lass ay ikinasal dahil sa tradisyon ng kanilang mga pamilya. Sa una p...
1.1M 22.1K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
557 145 42
"Buong buhay ko na ang ibinigay ko. Hindi pa ba sapat ang mga nasakripisyo ko? Lagi ko na lang ba isasantabi ang sarili ko? Kailan darating ang araw...
107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...