THE SORCERERS ADVENTURE- "Xar...

By Ladyrosesofblack

13 2 0

Story Description Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga kakaibang nilalang katulad na lamang ng mga.... ... More

PROLOGUE
CHAPTER I: THE PROPHECY
CHAPTER III: The Death of the Montefalcon Heiress

CHAPTER II: THE RESURRECTION AND THE BIRTH

2 0 0
By Ladyrosesofblack

                         Chapter II:
         The Resurrection and the Birth

Isang masayang araw ang bumungad sa buong Xarnian. Dahil ito ang araw na kung saan ang bawat isa ay nagdiriwang sa kahit saan mang panig ng Xarnia.

Ito ang araw na kung saan ipinagdiriwang nila ang pagbisita ng kanilang dyosa, a day that the moon will shine bright that even in the darkest place of Xarnia will light. And the day that they celebrated the creation of the Xarnia.

They believe that in this day, the goddess will wonder around the Xarnia and bless everyone with her power.

Ngunit ang hindi nila nalalaman, ang araw na ito ay naiiba sa kanilang nakasanayan, hindi nila nalalaman na ito ang araw ng pagsisimula ng kaguluhan sa kanilang mundo.

Ang kinatatakutan ng marami ay magsisimula na. Galak at saya sa kanilang mukha ay mapapalitan ng kalungkutan at hinagpis.

        *King Alexander Point of View*

Ako ay nasa balkonahe ng aking bulwagan, at pinagmamasdan ang bawat xarnian na nagdiriwang. Nakikita ko ang galak at saya sa kanilang mukha. Isang pangyayaring aking nais na mapagmasdan sa darating na panahon at hanggang ako'y lumisan sa mundong ito.

Nababatid ko na nalalapit na ang araw na aming kinatatakutan. Ngunit sana'y makita ko pa ang ngiti ng bawat isa, kapag natapos na ang gulong mangyayri.

Ngunit pinapangako ko na gagawin ko ang lahat upang maipagtanggol ang aking nasasakupan. Sana'y makaya din nilang ipagtanggol ang kanilang sarili sa mga kalaban.

Sa aking pagmumuni-muni ay biglang pumasok ang aking kanang-kamay.

"Kamahalan"- dumating ang aking kanang-kamay at nagbigay pugay. Tinunguan ku na lamang ito.

Narito po ang Mahal na Reyna.- pagbibigay alam nito sa akin. Nagbigay naman ito sa akin ng saya.

Papasukin mo siya at papuntahan dito- utos ko dito. Ang aking Reyna at ang aming anak ang nagbibigay lakas sa akin.

"Mahal kong hari" - biglang turan na aking reyna. Humarap naman ako sa kanya at iginaya sa upuan dito sa balkonahe.

Umupo ito sa upuan at ako'y pumunta sa kabila ay umupo.

"Bakit ka na parito, Mahal kong Reyna. Hindi ba dapat ikaw ay nagpapahinga. Kasama ng ating anak."- tanong ko rito. Dahil kapag ganitong oras ay nagpapahinga siya kasama ang aming anak.

"Nais ko lamang na ikaw ay samahan dito. At nais ko rin pagmasdan ang mga xarnian sa kanilang pagdiriwang, kasama ka.- tugon ng mahal kong Reyna.

Tumayo naman siya sa kanyang kinauupuan at tinignan ang mga xarnian na masayang naghahanda para sa pagdiriwang mamayang gabi. Tumayo narin ako at pumunta sa kanyang tabi.

"Hindi ba'y napakagandang pagmasdan ang bawat xarnian. Napakagandang pagmasdan ng kanilang mga galak at saya sa kanilang mga mukha."- turan nito habang pinagmamasdan ang mga xarnian sa baba na may ngiti sa labi.

"Tama ka napakaganda nga nilang pagmasdan. Sana'y makita ko pa ang kanilang ngiti sa labi sa susunod na araw."- sagot ko sa kanya habang pinagmamasdan namin ang aming mga nasasakupan.

Hindi lingid sa kanyang kaalaman kung ano ang mangyayari sa susunod na araw at ang propesiya. Isa pa'y isa ang aming anak sa pinili upang ipagtanggol ang mundong ito.

"Huwag kang magalala dahil makikita at makikita parin natin ang kanilang ngiti. Hindi natin hahayaang manaig ang kasamaan. Lalaban tayo hangga't kaya natin. Lalabanan natin sila, hanggang sa pagdating ng itinakda."- saad ng aking reyna. Napangiti naman ako sa kanyang tinuran. Dahil tama nga siya hindi naman hahayaang manalo ang kasamaan. Gagawin naman ang lahat maipagtanggol lang ang mundong ito laban sa kanila.

Sana'y maging ligtas ang itinakda, hanggang sa panahon na kailanganin na siya ng aming mundo.

Sana'y makaya ng mga xarnian ang mangyayari sa mga susunod na araw.

* Third Person Point of View*
Sa kabilang dako naman ng mundo. Ay may isang bayan na kung saan naghahanda hindi para sa pagdiriwang kundi, upang maghanda sa paglusob sa iba't-ibang bayan.

Habang nagsasaya at naghahanda ang mga xarnian. Ang ilan naman sa mga ito na may masamang hangarin ay naghahanda. Dahil ito ang araw na mabubuhay ang kanilang pinuno at ang araw na kung saan magsisimula ang lahat ng nasasaad sa propesiya.

Walang kaalam-alam ang mga mabubuting xarnian kung ano nga ba ang maaaring mangyari mamaya sa kanilang pagdiriwang.

Habang ang mga masasamang sa xarnian ay nakamasid at nakakalat sa iba't-ibang panig ng Xarnia. At naghahanda para sa kanilang pakikipaglaban pagsapit ng hatinggabi.
.
.
Sa isang liblib na lugar sa xarnia ay may isang grupo na naghahanda sa muling pagbabalik ng dark sorcerer. Naghahanda sila para sa ritwal na kanilang gagawin na makapagpapabuhay sa kanilang pinuno. At hinihintay na lang ang oras na mabubuhay ang dark sorcerer.

*Someone Point of View*

Narito ako sa punong bulwagan ng aming tahanan na kung saan naroroon ang aming pinuno, na payapang nakahimlay. Ngunit nalalapit na rin ang oras na siya ay magigising konting oras na lang, at makakasama na namin siya. Sisiguraduhin namin na sa pagkakataong ito ay kami mananalo. Kay tagal na naming hinintay ang pagkakataon na ito.

"Naririto ka pala."- sambit ng aking kaibigan na kadarating lamang.

Tumabi siya sa akin upang pagmasdan namin ang aming pinuno na payapang nakahimlay.

"Nakahanda na ba ang lahat?"- tanong ko sa kanya. Siya ang nakatalaga sa mga ginagawang paghahanda ngayon.

"Oo, nakahanda na ang lahat. Hinihintay na lamang ang tamang oras upang maisagawa ang plano. Walang kaalam-alam ang ating mga kalaban sa kung anong mangyayari ngayon. At nakakalat na ang ating mga tauhan sa buong Xarnia.- sambit niya, napangiti naman ako sa kanyang balita. Dahil naaayon sa aming plano ang nangyayaru. Wala talaga silang kaalam-alam sa mangyayari ngayon. Isa ito sa magandang balita para sa aming pinuno sa muling pagbabalik nito.

"Ano nga palang balita sa pinapahanap ko?" - tanong ko sa kanya. Kailangan naming mahanap agad ang itinakda upang paslangin ito. Hindi namin hahayaan mangyari kung ano man ang nakasulat sa propesiya. Dahil sisiguraduhin namin na hindi na ito mabubuhay pa

"Sa ngayon hindi pa mahanap ang itinakda, ngunit nasisiguro ko na hindi ito makikita ng kabilang panig."- Sambit nito.

Kailangan naming mahanap agad ang itinakda, hindi kami makakapayag na matalo ulit kami ng mga ito.

"Nakahanda na ba ang lahat ng gagawin." - tanong ko sa kanya.

Oo, nakahanda na ang lahat- tugon niya sa aking katanungan.

Ipatawag mo na sila, dahil sisimulan na natin ang ritwal.- pag- utos ko dito.

*End of Someone's Pov*
.
.
.
.
*Third Person Pov*

Makikita mo sa buong Xarnia ang mga makukulay na liwanag, isama pa ang mga bituing nagniningning sa kalawakan at ang buwan na siyang nagpaliwanag sa gabi. Makikita mo ang galak at saya sa kanilang mga mukha. Iba't-ibang palaro na ang inyong makikita at mga paligsahan.

Ngunit walang kaalam alam ang bawat xarnian sa maaaring mangyari sa gabing iyon.

Sa kabilang dako nagkakagulo sa mansion ng mga Montefalcon, dahil manganganak na ang asawa ng kanilang pinuno. Ngunit si Headmaster Ace ay wala sa kanyang tahanan dahil ito ay dumalo sa pagdiriwang na isinasagawa sa palasyo.

"Punong tagapagbantay, ipatawag mo ang Master. At sabihin na nanganganak na ang Mistress."- utos ng mayordoma ng mansion sa punong tagapagbantay.

Masusunod, Ginang Lisa- tugon nito. At pinatawag niya ang isang tagapagbantay upang ipabalita sa Master ang nangyayari.

Nasa silid niya ang Mistress, kasama ang mga komadrona at patuloy na inululuwal ang sanggol.

Paglipas ng ilang sandali ay maayos na nailabas ng Mistress ang kanyang anak.

Uwahhh, uwahhh iyak ng sanggol matapos iluwal ng kanyang ina.

Sa pagluwal ng sanggol ay siyang naging hudyat ng paggising ng dark sorcerer.

Nagbunyi ang mga kapanalig ng dark sorcerer sa muli nitong pagkabuhay. Sa oras ng paggising nito, ay ang pagbibigay nila ng hudyat sa kanilang kapanalig. Hudyat upang simulan na ang kaguluhan sa iba't-ibang panig ng Xarnia.

------------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
1.7M 65.7K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
61.9M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
2.5M 188K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...