THE SORCERERS ADVENTURE- "Xar...

Oleh Ladyrosesofblack

13 2 0

Story Description Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga kakaibang nilalang katulad na lamang ng mga.... ... Lebih Banyak

PROLOGUE
CHAPTER II: THE RESURRECTION AND THE BIRTH
CHAPTER III: The Death of the Montefalcon Heiress

CHAPTER I: THE PROPHECY

5 1 0
Oleh Ladyrosesofblack

                *"CHAPTER 1"*
           *Third Person P.O.V*

      "The day has come
   Sorcerer from the past will arise
   Chaos will be everywhere
   Blood will scattered all over the places
   And the girl who possessed the power of the goddess will be born
   And destined to kill the dark sorcerer
   Together with the four chosen one."

Ang paglabas ng propesiya ay nagbigay ng takot at pag-asa sa mga taong nakakaalam nito.

Takot sa hatid nitong masamang balita at pag-asa sa pagsilang ng tagapagligtas ng mundong ito.
.
.
.
.
.
  The king sent a message to the council that they have an important meeting to discuss about the new prophecy. A prophecy that can change the Xarnia into chaotic world.
.
.
.
  Ang Council ay binubuo ng 12 malalakas at makapangyarihang Xarnian.
Si Headmaster Ace Xavier Montefalcon ang headmaster ng Xarniana Academy
Master Cloud Reyes
Madam Elise Hope Carpio Santos
Master Jacob
Queen Serine of Sea Kingdom
Master Ariel of Winger
Master Leonard Zard, Madam Celine Berdin, Master Kian of Macedon
Madam Raven Montenegro
Master Draven Iñigo
Madam Liza of Moon City
Ito ay pinamumunuan ng Hari ng Xarnia na si King Alexander Celestial.
.
.
.
.
.
.
.
        *INTO THE PALACE*

  The king arrived in the hall where the meeting will be held.

  Ang mahal na hari- saad ng kawal upang malaman ng mga nasa bulwagan ng pagpupulong ang pagdating ng Mahal na Hari.

  Tumayo at nagbigay galang ang bawat naroroon sa mahal na hari. Pumunta ang mahal na hari sa kanyang upuan.

  Maaari na kayong magsiupo- saad ng hari sa kanila at nagsiupo na ang mga Council.

  Pinatawag ko kayo dahil may bagong propesiyang lumabas at may masama at maganda balita itong hatid.- Pagbibigay alam ng hari sa mga naroroon.

  Biglang nabahala ang mga naroroon sa tunuran ng hari.

  Ano po ang masamang balitang hatid nito, kamahalan?- Tanong ni Headmaster Ace sa kamahalan.

 Sinasaad ng propesiya na nalalapit na ang pagbabalik ng dark sorcerer. At nais kong sanayin ninyo ang bawat Xarnian na makipaglaban, upang makaya nilang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.- Pagbibigay utos ng mahal na hari sa mga Council.

  Masusunod po kamahalan- sabay-sabay na sagot ng mga Council.

  Ano naman po ang magandang balitang hatid po nito kamahalan- nagtatakang tanong ni Madam Elise sa hari, upang malaman na nila ang magandang balitang hatid nito.

  "Isa sa mensahe ng propesiya ay, sa pagbabalik ng dark sorcerer ay may isisilang na sanggol na nagtataglay ng kapangyarihan katulad ng kapangyarihan ng ating dyosa. Siya ang magtatanggol sa atin, laban sa dark sorcerer.- pagbibigay alam ng Mahal na Hari sa kanila ng may ngiti sa labi.

  "Kung ganon siya ang makakatalo sa dark sorcerer?- Tanong ni master Ariel ang pinuno ng mga Winger. (Ang mga winger ay mga Xarnian na may pakpak at naninirahan sa sky city na kung saan ito ay nasa himpapawid.)

  Ganon na nga, kasama niya ang apat na magigiting at makapangyarihang Xarnian- saad ng hari. Sa sinabi ng hari ay nagbigay ito ng ginhawa sa kanila. Ngunit mayroon parin takot sa kanila, hindi lamang para sa kanilang sarili ngunit para narin sa mga mamamayan ng Xarnia.

  Ngunit paano natin sila makikilala?- nagtatakang tanong ni Madam Elise sa mahal na hari.

  Oo nga kamahalan, paano natin Sila makikilala kung hindi natin alam ang kanilang pagkikilanlan, lalo na ang itinakda. Gayong wala tayong palatandaan sa kanila. - Nagtataka at naguguluhang turan ni Headmaster Ace.

  Nabahala ang mga Council dahil maaring matagalan sila sa paghahanap sa mga itinakda.

  Huwag kayong magalala dahil may palatandaan na ibinigay ang Oracle sa akin.- Pagbibigay alam ng mahal na hari.

  Naguluhan ang mga Council kung ano ang palatandaan ang sinasabi ng mahal na hari. Na maaari nilang magamit upang mahanap ang mga itinakda.

  Ano pong palatandaan ito.- Nagtatakang tanong nila sa mahal na hari.

  "Ang sabi sa akin ng Orakulo ay may kakaibang marka ang mga hinirang. Kakaiba sa mga markang mayroon tayo.- Pagbibigay alam nito sa mga Council.

  Ang mga Xarnian ay may mga marka na nagpapakita ng kanilang kapangyarihan at pagkakakilanlan. Marka na nagpapakita na sila ay mga nilalang na naninirahan sa Xarnia.

  Mga kakaibang marka?- nagtatakang tanong ni Queen Serine.

Ano namang klaseng marka ang inyong sinasabi, kamahalan.- Tanong ni Master Ariel sa hari.

Ang sabi sa akin ng orakulo ang mga napiling Xarnian ay may mga kakaibang marka na nakalagay sa kanilang noo at ito ay isang brilyanteng may simbolo ng kanilang kapangyarihan. At nababatid ko na kung sino ang apat na pinili.- pagbibigay alam ng mahal na hari.

  Makikita sa mukha ng mga Council ang galak, dahil nakita na ang apat na hinirang na makakasama ng tagapagligtas. Ngunit gulat naman ang iyong makikita sa mukha ng tatlong council na sina Headmaster Ace, Madam Elise at Master Cloud. Dahil batid nila kung sino ang sinasabi ng mahal na hari.

  Kung gayon sino po ang apat na iyon, na inyong sinasabi.- Nagtatakang tanong ni master Leonard, ngunit bakas parin ang galak sa kanyang mga mukha.

   Isa sa kanila ay ang aking anak na si prinsepe Ezekiel. Kasama ang mga anak nina Ace, Elise at Cloud. At nais kong sanayin na sila hangga't bata pa sila.- pagbibigay utos nito.

  Makikita mo ang pangamba sa mukha ng tatlong council. Ngunit dahil ito ay nakasaad sa propesiya ay mas pinili na lang nilang sumunod.

  Masusunod, kamahalan- saad nina headmaster Ace, Madam Elise at Master Cloud.

  Batid mo ang gulat sa mga mukha ng mga Council, ngunit napalitan naman ito ng tuwa. Sa kadahilanang kapiling na nila ang apat na itinakda.

  Ngunit ano naman ang palatandaan ng taga-pagligtas- nagtatakang tanong ni master Jacob.

  Muling nagsalita ang hari.

  Ang ibinigay na palatandaan ng oracle upang makilala natin ang taga- pagligtas ay...................
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

                *Flashback*

Ito ang oras na kinakausap ng oracle ang hari.

  Ano naman ang marka na palatandaan ng taga-pagligtas na iyong sinasabi, Orakulo.

Ang markang mayroon ang itinakda ay iba sa mayroon ang mga xarnian. Siya ay may marka sa noo ng kalahating buwan at tatlong bituin na nakapalibot dito. Ngunit kailangan mo munang ilihim ang bagay na ito, dahil nababatid ko na manganganib lamang ang buhay niya.- Saad at babala ng oracle sa mahal na hari.

  Kung ganon hindi ko ba pwedeng ipaalam sa iba ang palatandaan ng taga-pagligtas. Paano ko ito mahahanap kung gayong ako lamang ang nakakaalam dito.- Naguguluhang tanong ng hari.

  Maaari mong sabihin ito sa mga pinagkakatiwalaan mo. At patagong hanapin ang taga-pagligtas. Ngunit piliin mo ang dapat pagsabihin mo ng bagay na ito. Hindi lahat ng nakapaligid sa iyo ay may mabuting hangarin.- pagbibigay kaalaman at babala ng oracle sa mahal na hari.

  Kung iyan ang makakabuti, Orakulo.- pagsang-ayon ng hari.

    *END OF FLASHBACK*
.
.
.
Muling nagsalita ang mahal na hari.
Ang ibinigay na palatandaan ng oracle sa akin ay.........

  Walang ibinigay na palatandaan ang orakulo sa akin, ngunit sabi niya ay makikilala natin ito sa tamang panahon.- pagsisinungaling ng hari.

  Biglang nabahala ang mga Council.

  Paano natin makikilala ang taga-pagligtas? Paano kung malaman ng dark sorcerer ang tungkol sa taga-pagligtas at patayin ito?-Nababahalang tanong ni Queen Serine.

  Huwag kayong mag-alala, dahil gagawa ako ng paraan upang makahanap ng maaaring palatandaan nito, upang ating makilala ang taga-pagligtas- pagbibigay alam ng hari.

  Hanggang dito na lang ang pag-uusapan natin. Maaari na kayong umalis.- tumayo na ang hari, Ngunit bago ito umalis ay may ibinulong sa kanyang kanang kamay at ito'y umalis na.

  Hindi pa lubos na nakaaalis ang mga Council ng tawagin ng kanang kamay ng hari sina headmaster Ace, Madam Elise at Master Cloud.

  Ano ang iyong nais. - tanong ni madam Elise dito.

  Pinatatawag po kayo ng hari sa kanyang bulwagan. Nais niya kayong maka-usap tungkol sa pagsasanay ng inyong mga anak.- litanya ng kanang kamay ng hari.

  Ganon ba. Sige samahan mo kami sa kanya.- saad ni headmaster Ace at sila ay pumunta sa bulwagan na kung saan naroroon ang mahal na hari.

  Ngunit hindi nila alam na isa sa pag-uusapan nila ay tungkol sa taga-pagligtas.

   Nasa harap na ng bulwagan sina Headmaster Ace. Ngunit na una munang pumasok ang kanang kamay ng hari, upang ipaalam dito na nasa labas na ang mga ito.

   Nakaupo ang hari sa kanyang upuan at kasalukuyang  nagbabasa ng mga liham na galing sa mga mamamayan ng Xarnia. Nang biglang dumating ang kanang-kamay niya.

  Mahal na hari, naririto na po sila- pagbibigay alam nito. Tumingin ang hari sa kanya at ipinag-utos dito na sila'y papasukin.

  Pumasok na sina Headmater Ace at nagbigay galang sa hari. Tinigil muna ng hari ang kanyang ginagawa at sila'y kanyang hinarap.

   Pinatawag ko kayo dito, dahil may mahalaga akong sasabihin tungkol sa taga-pagligtas- pagbibigay alam nito sa kanila. Nagtaka naman ang tatlo dahil ang alam nila ay tungkol sa pagsasanay ng kanilang anak ang pag-uusapan nila.

  Ngunit ang sabi ng iyong kanang-kamay, ang pag-uusapan natin ay tungkol sa pagsasanay ng ating mga anak?- takang tanong ni headmaster Ace.

  Isa rin iyon sa ating pag-uusapan, ngunit pinatawag ko kayo dito ay upang malaman ninyo ang tungkol sa taga-pagligtas- saad ng hari.

  Bakit hindi niyo pa sinabi kanina ang tungkol sa taga-pagligtas?- nagtatakang tanong ni madam Elise.

   Nagtataka ito kung bakit silang lang tatlo ang

Hindi ko sinabi kanina sa pagpupulong, dahil batid kong may traydor sa Konseho.- saad ng hari. Nagulat naman ang naroroon dahil sa tinuran ng hari.

  Traydor?! -gulat na tanong ni master Cloud.

  Oo, may traydor sa konseho. Ngunit hindi ko alam kung sino ang mga ito.- litanya ng hari.

  Mga?? Ibig sabihin hindi lang iisa ang traydor?-Tanong ni headmaster Ace.

  Oo, mukhang sila ang gumagawa ng paraan upang mabuhay muli ang dark sorcerer.- sagot ng hari sa tanong ni headmaster Ace.

  Nakakabahala naman iyon, kamahalan. Bakit hindi na lang natin ipadakip ang mga iyon? Para hindi na muling mabuhay ang dark sorcerer.- suhestiyon ni madam Elise.

  Hindi maaring baguhin kung ano ang itinakdang mangyari. Ang propesiya ay propesiya, kung ano man ang maaaring mangyayari ay ating nalang paghandaan.- saad ng hari.

  Tama ka, kamahalan. Ang magagawa nalang natin ay maghintay at maghanda sa kung ano man ang maaaring mangyari.- pagsang-ayon ni headmaster Ace.

  Ngunit kahit ganon, kailangang malaman natin kung sino ang traydor sa mga konseho.- litanya ng hari.

  Oo nga pala, kamahalan. Ano naman ang tungkol sa taga-pagligtas. At bakit sa amin ninyo sinasabi gayong parte rin kami ng konseho. - nagtatakang tanong ni madam Elise.

  Sasabihin ko ito sa inyo, dahil alam kong hindi kayo magiging traydor. Dahil isa rin ang inyong mga anak sa pinili na makakasama ng taga-pagligtas. At alam ko kung ano ang maaaring maging palatandaan natin sa taga-pagligtas- mahabang litanya ng hari. Nagtaka naman ang naroon, gayong sinabi kanina ng hari na hindi sinabi ng orakulo ang palatandaan ng itinakda.

  Kung gayon, ano ang maaaring palatandaan natin sa taga-pagligtas.- tanong ni master Cloud. Makikita mo ang galak sa mukha ng mga nasa silid na iyon, dahil may palatandaan na sila upang mahanap ang taga-pagligtas.

  Ang sabi sa akin ng oracle ay mayroon itong marka ng kalahating buwan sa kanyang noo. At nakapalibot dito ang tatlong bituin.- pagbibigay alam ng kamahalan.

  Kakaibang marka, Katulad nalang ng markang mayroon ang mga pinili. Hindi na ko magtataka kung bakit ganon ang marka ng taga-pagligtas.- saad ni headmaster Ace.

  Tama ka, markang sinisimbolo ni Goddess Luna.- nakangiting saad ng hari.

  At nais kong palihim ninyong hanapin ang sanggol na ito. Habang maaga pa, upang maprotektahan natin ito.- pag- uutos nito sa kanila.

  Masusunod, kamahalan- saad ng tatlo.

  At tungkol sa mga pinili, nais kong sanayin sila habang bata pa ang mga ito. At ipaalam ninyo sa kanila kung ano ang magiging mission nila dito sa ating mundo. Naiintindihan ba ninyo?- tanong ng hari sa kanila.

  Masusunod, kamahalan- sagot ng mga ito.

  Kung gayon maaari na kayong lumisan.At sana'y ilihim muna ninyo kung ano ang ating napag-usapan. Dahil kapag may nakaalam na kalaban ay maaaring manganib ang buhay ng taga-pagligtas.-Saad ng hari. Tumayo ang hari gayon din ang tatlo.

  Makakaasa po kayo sa amin, kamahalan.-saad ni headmaster Ace. Nagbigay-galang muna ang mga ito at sila'y lumisan na.

  Bumalik narin ang hari sa kanyang ginagawa.

 
Ngunit ang hindi nila nalalaman ay may isang traydor na pasikretong pinapakinggan ang kanilang pinag-uusapan at nalaman ang tungkol sa itinakda.

       * Someone Point of View*

  Anong nangyari sa pagpupulong ninyo kanina?- tanong ko sa ginoo.

  Hindi sinabi ng kamahalan ang palatandaan ng taga-pagligtas sa pagpupulong. Ngunit palihim kong pinakinggan ang pag-uusap nila sa kanyang bulwagan at batid ko na kung ano ang palatandaan ng taga-pagligtas. - nakangiting saad nito sa akin.

  Ano ang palatandaan?- nagtatakang tanong ko sa kanya. Binulong naman niya kung ano ang palatandaan.

Nakapagbigay saya ito sa akin dahil alam ko na kung paano hanapin ang itinakda.

  Gagawa ako ng paraan upang hindi nila mahanap ang itinakda. At sisiguraduhin ko na hindi na nila ito makikita pa.

  At may isa pa akong ibig ipaalam sa iyo. Nalaman ko sa kanilang pag-uusap na may mga traydor sa konseho. Kaya hindi ipinaalam ng hari ang tungkol sa itinakda. Ngunit hindi pa niya nalalaman kung sino ang mga ito.-dagdag nito.

Kung gayon, alam na niya pala na may traydor sa kanila, ngunit hindi na ko magtataka kung malaman niya.

"Sabihin mo sa ating mga kasamahan na mag-iingat sila, upang hindi sila mabisto. Mag-iingat ka rin sa iyong mga gagawin.- utos ko sa kanya.

Nalalapit na ang pagbabalik ng aming pinuno, at sisiguraduhin ko na kami ang magwawagi sa pagkakataong ito.

_________________________________________

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

90.2K 4.7K 52
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Started...
7.3M 436K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
4.6M 113K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...