ZBS#3: Yellow Beetle's Lost M...

By iamyourlovelywriter

2.3M 50.3K 2.7K

Teaser: She was lost, there are dreams haunting her every night. Dreams that she can't remember when she wak... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four (SPG)
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven (spg)
Chapter Eight-A
Chapter Eight-B
Chapter Eight-C
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C
Chapter Ten-A
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
EPILOGUE-A
Extra#1: Letter from MasterH to Yellow Beetle
Extra #2: The Deal

Epilogue-B (END)

108K 2.4K 223
By iamyourlovelywriter

Epilogue-B


"May sakit pa ba ang bride? Bakit wala pa siya dito kailagan niyang ifit ang wedding dress niya para sa kasal mamaya."



"Mukhang manganganak na yata siya."



"That's nonsense eight months pa lang ang tiyan niya kailangan niyang ifit ito para maadjust agad." Dadaanan na sana niya ang dalawang babaeng nagtatalo. "If only we can find someone who can fit the gown-." Napatingin ang isang babae sa kanya at sa tiyan niya.


"Perfect." Lumapit ito sa kanya. "Misis pwede ba kaming makahingi ng tulong?"



"Huh? S-sure?"



"Thanks God you are our lifesaver, kasal ng client namin and we really need to fit the dress for her kaso masama ang pakiramdam niya dahil buntis siya and she can't fit this one. Pwede bang ikaw ang magfit para malaman namin kung ano ang dapat iadjust?" gusto sana niyang tumanggi but knowing how it feels sa mga ganitong pagkakataon she doesn't have the heart to refuse.



"Okay lang ba na ako?"



"You are perfect magkasingkatawan naman kayo. You are pregnant too, kailan ang due mo mukhang malapit na ah."



"I'm still on my fifth month malaki ang tiyan ko dahil twins ang laman nito."

Halatang nagulat ang dalawang babae sa sinabi niya and she can't blame them, para nga namang manganganak na siya sa laki ng tiyan niya.



"I'm sorry but congrats for having two babies your husband must be happy."



Tumabingi ang ngiti niya. "I'm not married."



"Sorry again me and my big mouth, so pwede bang ikaw ang magfit ng dress?"



"Sige." Inalalayan naman siya ng dalawa ng isuot niya ag wedding dress. It's not really a

long gown which is ideal for pregnant brides dahil delikado kung matatapilok kapag naglalakad na sa aisle. Napatingin siya sa kanyang sariling repleksyon habang suot niya ang simple pero eleganteng wedding dress na iyon na umabot hanggang sa may tuhod niya. It's off shoulder and it's sleeves were made from lace that stops up to her wrist. At kahit na malaki na ang tiyan niya ay hindi halata iyon dahil na rin siguro sa tabas ng tela. It's a wedding dress she would design for herself if she's getting married and pregnant. Naalala tuloy niya ang tita Lei niya sa damit na iyon, it has the feels and whoever design the dress she sure know how to make dresses.



"Wow, bagay pala sa iyo parang ginawa para sa iyo ang damit." Puri ng isa sa mga babaeng kasama niya.



"Kaunting adjustment nalang ang kailangan." The dress is perfect for her kaso hindi naman siya ang ikakasal.



"The owner of this dress would be very please if she'd wear this one." Aniya.



"She will be the most beautiful bride tonight mayaman ang lalaki eh dinala lahat ng kaibigan at pamilya nila sa cruise. Mahilig kasi ang bride to be na magcruise kaya dito nagpasya ang groom na magpakasal silang dalawa. Iyong family and friends very supportive.

Napangiti nalang siya, may inggit pa rin siyang nararamdaman habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Kung sa tamang panahon siguro her friends and her family would probably do it for her. Ilang segundo din niyang tinitigan ang sarili sa salamin wishing na sana siya rin ay makakapagsuot ng ganoon and walk down the aisle while the man on her life waits for her at the altar.



Pagkatapos niyang nagbihis at nagpasalamat ang mga babae sa kanya, they even asked for her room number para daw mabigyan siya ng simple token for the help but she refused to give them dahil hindi na naman kailangan. Dahil nakaramdam na naman siya ng antok ay nagpasya nalang siyang matulog nalang at ilang oras din siyang natulog ng may maramdaman na naman siyang mga matang nakatitig sa kanya. She doesn't know if it's a dream or not pero this time may mainit na bagay na dumampi sa kanyang mga labi. It's a familiar feeling though.



"Let's stop the chase dear, bumalik ka na sa akin." Bulong ng kung sino na naging dahilan kung bakit siya nagmulat ng mga mata, inilibot niya ang buong paningin sa paligid kaya lang wala namang tao. May narinig siyang kumatok sa pinto ng kanyang cabin at agad naman niya iyong binuksan. Iyong dalawang babae kanina sa hall.



"Paano niyo ako natagpuan?" takang tanong niya.



"Tinanong namin sa cabin crew ma'am, ahm, nalaman ng client namin ang ginawa niyo pong tulong kaya po pinapunta po niya kami dito para imbitahan po kayo sa kasal."



"Hindi naman kailangan-."



"Malaki po ang tulong ang ginawa ninyo para sa kanya she wants to thank you po by inviting you to their wedding. Sige na po ma'am at saka tayo-tayo lang naman sa cruise."



"Ah-eh-."



"Aayusan na namin po kayo, malapit ng magsimula ang wedding." At hindi na siya nakaimik ng hilahin na siya ng mga ito papasok sa kanyang cabin.



"Sa bride ito hindi ba?" takang turo niya sa damit na suot niya.



"May isa pa pong dress ang bride ma'am and she likes long dresses kaya iyon ang pinili niya at saka gusto niya ng red kaya red poi yon."



"Eh, ibig sabihin magwa-white lahat ng guest tapos siya ang red? Ang weird niya ha." Natatawang ani niya well, hindi naman iyon ang first time na narinig niya na may ibang trip suotin ang bride. May iba nga na gusto ng green o kaya ng black, depende talaga iyan sa trip ng ikakasal at saka sino ba naman sila para tumanggi kung iyon ang gusto ng haharap sa altar.



Nalaman niyang stylist pala ang isang babae at iyong isa naman ay make-up artist kaya siguro nagawa siya nitong itransform from haggard pregnant to something magical.



"Ang ganda niyo po pala talaga no, maganda na kayo sa pictures pero mas maganda kayo sa personal." Bulalas ng isa.



"Anong picture?"



"Ha? Sa internet po hindi po ba kayo iyong designer nakilala ko po kayo kanina pag-alis niyo o kamukha niyo lang po."



"K-kamukha ko lang iyon." kaila niya kapag nalaman ng mga ito na siya iyon at kapag naikalat ng mga ito baka masira pa ang pamilya niya dahil sa kanya. Wala na naman siyang ibang narinig na komento sa mga ito.



"Malapit na ang kasal punta ka ha?" nagpasalamat siya sa mga nag-ayos sa kanya, hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya sa salamin. She looks like a bride. A faint and sad smile appear on her lips, right now alam niyang imposible sa kanya na maging bride dahil ang nag-iisang lalaki na gusto niyang pakasalan ay kasal na sa iba at masaya na ngayon.



"Hindi bagay sa iyo Chloe." Mahinang usal niya sa sarili niya. Hindi siya dadalo sa kasal total hindi naman talaga siya kilala ng ikakasal hihingi nalang siya ng tawad sa mga nag-ayos sa kanya. Pinunasan niya ang mukha niyang may kolorete at maingat na tinanggal ang damit na nakasuot sa kanya. Ibinalik niya ang maternity dress na suot niya kanina at nagpasyang magpunta sa kabilang panig ng cruise kung saan hindi niya masasaksihan ang kasal na gaganapin sa cruise. Maiinggit lang siya.



She covered herself with a shawl and stepped out from her cabin when suddenly her world stops pakiramdam niya ay natulos siya sa kanyang kinatatayuan, hindi na niya marinig ang mga ingay sa paligid niya dahil ang malakas na tibok ng puso niya nalang ang naririnig niya. Napaatras siya ng humakbang ito palapit sa kanya, mabuti nalang at hindi niya pa nailock ang cabin niya kaya mabilis niya iyong nabuksan at nakapasok siya pero hindi niya maisara ang pinto dahil mabilis na nakasunod sa kanya si Rye.



"Why are you running away from me Chloe?" he said using his strained voice. Nakatalikod siya dito hindi niya kayang tumingin dito dahil ipagkakanulo siya ng kanyang katawan at ng kanyang isip. Three long months and still she can still say that she's still in love with this man. A man she could never have because he belongs to someone else.



"What are you doing here Tryker?" she bit her lips as she can't stop it from trembling.



"Why aren't you dressed yet?" kilala ba nito ang ikakasal? Then she remembered the way he dressed, para nga itong dadalo sa kasal.



"I changed," malamig na tugon niya. "Mapapagod lang ako kapag dumalo pa ako sa kasal ng mga taong hindi ko naman kilala. Please leave-." Muntik na siyang mapatili ng yakapin siya nito mula sa likod. The heat of his body radiating through her makes her knees so weak and her body so vulnerable.



"Stop this Chloe." He whispered as a tear roll on her cheeks, God knows how much she tried resisting to feel the same pain again but she can't. She can't contain this anymore. "Why are you deliberately running and hiding away from me? Why?"



Pinilit niyang baklasin ang braso nito na nakapulupot sa katawan niya. "I am not running and hiding Tryker I am just giving you a peace of mind."



"Peace of mind!" biglang sigaw nito. "Peace of mind? Three long months Chloe and I can't even sleep peacefully, bawat segundo ikaw ang naiisip ko at nag-aalala ako sa iyo dahil hindi ko alam kung nasaan ka and your friends pretended like you doesn't exist anymore!"



Pinunasan niya ang luha na tumulo sa mga mata niya. "Let's stop this charade Tryker, I don't know what you are talking about. Masaya ka na bakit kailangan mo pa akong isipin, hindi ko kailangan ang awa mo kaya pwede ba umalis ka na. Hindi ako ang kailangan mo if you want proper closure then I'll do it now, wala ka ng dapat isipin tungkol sa akin. Tanggalin mo na ako sa Sistema mo dahil hindi na ako kasali sa buhay mo, I set you free ako naman ang pakawalan mo."



"Bakit ka ba nagdedesisyon para sa akin Chloe? Ayokong pakawalan mo ako dahil hinding-hindi kita pakakawalan."



"Baliw ka ba? Kailangan ka ni Becca and you need her too, you are supposedly meant to be together bakit kailangan pang nandoon ako sa buhay mo-."



"Harapin mo nga ako look at me while you are talking." Umiling siya dahil ayaw niyang makita siya nito.



"Leave me alone."



"No, I will never do that. Harapin mo na ako at kausapin ako ng maayos."



"Ayoko."



"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" at sa isang iglap lang ay nasa harap na niya ito, nagulat man siya ay nagawa pa rin niyang yumuko upang hindi nito makita kung ano ang hitsura niya.



"Chloe Claire listen very carefully, Becca is a part of my past. Yes, I loved her I used to love her since we grew up together. We were together at akala ko siya na talaga kaya ng nawala siya tapos hindi niya sinabi sa akin kung ano ang dahilan nagalit ako. I felt betrayed and I shut my world from everyone else because I don't want to be betrayed again. I met you, you opened my close door, you made me realized the things I never thought I would feel. You made me feel things I haven't feel when I was with Becca. Ang relasyon namin ni Becca hindi ko alam wala na pala talaga, wala na akong pinanghahawakan, we don't love each other pareho lang kaming napilitan na ipagpatuloy iyon dahil iyon ang nasimulan namin. Pareho kaming natakot na bumitaw dahil ayaw naming mawala ang magandang relasyon na meron kami. We were friends and we will be forever friends."



"But she's pregnant with your child bago pa niya nalaman na may cancer siya."



Umiling ito. "It wasn't my child she was carrying then Chloe. While we are in our relationship hindi ko siya nabantayang mabuti, she fell in love with another man. I am willing to give her up unfortunately the guy left her when she told him that she was pregnant. Hindi ko kayang pabayaan si Becca, it's my responsibility to take care of her. She refused but I insisted at ng malaman niyang may sakit siya iyon ang ginamit niyang dahilan upang makaalis sa poder ko. I blamed myself for that dahil kung hindi ko ibinuhos ang oras ko sa pagtatrabaho hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya, hindi siya mapupunta sa kalagayan niyang iyon at hindi siya mawawala. Maniwala ka man o hindi I never slept with her when we were together, I kissed her but we didn't do it."



He pushed her chin up until their eyes met. "Nang makilala kita saka ko nasort out ang lahat ng damdamin ko, I love Becca as a sister, para ko nalang siyang kapatid, and you, I love you as a man Chloe, hindi kapatid o kaibigan pero bilang isang lalaki na handang gawin ang lahat mapasaakin kalang. No matter what I see, what I hear, you seized me and my entire consciousness, I can't think of anything else but you. You occupied my mind and my heart."



She sobbed silently when he pulled her closer to his body, "Don't cry dear." He hugged her tightly kahit na may malaking bagay sa pagitan nilang dalawa. "Oh God, I missed you Chloe I so missed you and I missed you. Huwag mo na akong iwanan please, dalawang beses ka ng nawala sa akin. The first time you were gone pakiramdam ko napasok ko ang impyerno, the second time you were gone you killed me."



"You didn't spare me a glance when you met her, I waited but you never turn your back on me." Mahinang sabi niya.



"I'm sorry, I was just too overwhelm when I saw her and in that condition. Sinisi ko ang sarili ko dahil hindi ko siya nabantayan kaya siya nagkaganoon."



"I waited Rye, I waited for you but you never came that's why I decided to leave everything behind." Wala na itong sinabi bagkos ay yumakap lang ito sa kanya ng mahigpit, he doesn't need to answer her his embrace were good enough for her.



"Masyado akong naging confident na hindi mo na ako iiwanan. When I got the letter you were gone, your friends they don't even know where you are. They said they don't know you kahit na si Ainsley-."



"It's normal Rye. Tanggal na ako sa sorority."



"What? Why?" Hindi makapaniwalang tanong nito.



"I chose your happiness that's why, I thought you chose Becca over me and I am pregnant. It's a rule in the sorority when someone got pregnant out of wedlock she'll be removed from the group."



Mukhang doon lang nito napansin ang sinabi niya, mukhang doon lang nagsink in sa utak nito na buntis nga siya.



"Crap! I forgot about my babies." Hinawakan nito ang malaking tiyan niya and she can see the happiness dancing on his black eyes. They were so refreshing to him. Nagtiim bagang ito at napatingin sa kanya, his eyes were darker now. "Mabuti nalang at nakita na kita or else I won't see my kids growing in my eyes."



Bigla itong lumuhod sa harap niya, "Chloe Claire Santillan, the most selfless woman I met in the my life. Right now, I want you to be selfish for me this once, I want you to secure your happiness as I am doing with mine. I want you to act spoiled around me because I am more than happy to give you everything. Marry me."



Tinakpan niya ang mga labi niya at sunod-sunod na tumango, agad naman itong tumayo at ginagap ang palad niya. May isinuot ito sa kanyang palasingsingan, it's a diamond studded ring. Her engagement ring.



"Yes, I will marry you Rye. Hindi na kita pakakawalan ngayon pa wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Minsan na kitang pinakawalan hindi na mauulit iyon, I maybe selfless but I can be selfish too. Beware, I am not holding back anymore."



"Good, those are the words I wanted to here." And before she can say how much she loves him ay mabilis nitong inangkin ang mga labi niya na maagap naman niyang sinuklian. She missed his kisses and his warmth.



"Let's get married now,"



"Ye-Who-What?"



Hinila siya nito palabas sa cabin niya at dinala sa kung saan may mga nakaset up na para sa ikakasal. Tapos na ba ang kasal?



"You are late!" sigaw ni Ainsely.



"Ainsley?" gulat na tanong niya ng makita ang kaibigan niya, napakurap siya.



"Why aren't you wearing the dress? Pinaghirapan iyon ni tita Lei, wear the dress akala ko ba naisuot na niya ang damit?" Patuloy ni Ainsley.



"I'll dress her up." Presenta ni Diana Rose at ni Karylle.



"Teyka lang ano ba ang nangyayari?" takang tanong niya.



"Kasal mo ngayon kaya dalian na natin, malapit ng magtwelve hindi pwedeng lumampas ng alas dose ang kasal mo. Iyan ang taning ni Hexel kay Tryker kapag lumampas siya ng alas dose ng umaga ay hindi na siya makakalapit sa iyo."



Kumunot ang noo niya ng hilahin siya ng mga ito. "A-akala ko ba bawal na akong magpakita sa inyo?" she asked trying to suppressed her voice.



"Mali ka naman ng pagkakaintindi, if you are pregnant at wala kang asawa hindi ka na pwedeng makalapit sa amin pero kapag pinanindigan ka niya ibang usapan na iyon. He is brave enough to prove that he is worthy to be yours and to have you as his. He endured the challenge we gave to him and he gain our respect. Sa tingin mo ba tatayo nalang kami sa isang tabi ng walang ginagawa habang ang isang kaibigan namin ay nageemote sa ibang panig ng mundo? We can never let it happen, wala man kami sa tabi mo it doesn't mean wala na kaming ginagawa. Mawala ka man sa samahan hindi ka mawawala dito sa puso namin and we will always protect you. Hindi ba isang rule sa sisterhood, always trust your sister all the time. Kung darating sa point na nawala ka na ng tiwala sa sarili mo at sa ibang tao, huwag sa amin. Trust us Chloe, trust us to make you happy— teyka huwag kang iiyak hindi pwede masisira ang make up matatagalan pa tayo dito."



Mahigpit niyang niyakap ang mga kaibigan niya at kahit na sabihin ng mga ito na hindi siya pwedeng umiyak ay napaiyak pa rin siya. Masyado siyang nasuffocate sa nararamdaman niya kaya nawala sa isip niya ang mga kaibigan niya. She isn't selfless at all, naging selfish din siya dahil nakalimutan niyang nasasaktan din ang mga kaibigan niya.



"I'm sorry girls and thank you for everything."



"Huwag munang magdrama, saka na kapag kasal ka na. We don't want to rob you off the last chance for you to be happy one hundred percent. We are helping that guy because he really loves you to the bottom of his heart," sabi ni Diana. "If only all the guys in the world are like him wala na sanang masasaktan ngayon." Medyo naguluhan siya sa sinabi nito but Diana's smiling, something's off.



"Are you and Warren okay?" biglang tanong niya.



"They aren't." si Karylle na mismo ang sumagot. "But they will be okay ganyan talaga ang mag-asawa may mga bagay na hindi pinagkakasunduan." Sabi nito.



Ngumiti lang si Diana at tinapos ang pag-aayos sa kanya. Ilang minuto lang ang tinagal nila sa cabin niya dahil agad siyang hinila ng mga ito sa pagdadausan ng kasal. Agad niyang napansin ang lahat ng mga kaibigan niya na nakangiti habang naghihintay sa kanya.



"My little Fairy."



"Dad?"



"Ihahatid ko na kayo sa altar." Mahinang sabi nito but his voice were croaked as if he had been crying for so long. "I can't believe it ikakasal ka na at pakiramdam ko wala akong nagawang mabuti para sa iyo. I am not a good father to you Chloe I am really sorry."



"Dad stop crying." Alo niya sa ama. "You've been a good father to me you've provided me everything."



"But not my time."



"I understand dad, nalungkot ako but I am okay now. Kailangan ko lang lawakan ang pag-iisip ko para mas maintindihan ko ang mga bagay-bagay. I don't condemned you or mom for not spending time with me, dahil kung hindi nangyari iyon I wouldn't found my friends. I wouldn't learn how to be on my own and to stand on my own, kaya nagpapasalamat ako sa inyo at kay mommy. I love you and please forget the past and let's start a new beginning magiging lolo at lola na kayo."



"Kung hindi man namin naibigay ang lahat ng oras namin sa iyo ibibigay namin iyon sa mga apo namin. Now, your groom is already too eager to have you I want to see you happy with the man you love. I am sending you off to him he gained my respect and showed me how much he really loves you. He will be a good husband to you and a good father too better than me."



She smile at her dad, her dad isn't perfect but for her he will still be the best father in the world nothing could change that. She looks at her mom who has been crying still and she almost laugh at the scene, tumabi ito sa kanya upang ihatid din siya sa altar. This might be the best day of her life, her friends around and smiling at her, her parents sending her to the man she loves and a groom waiting for her at the end of the aisle and of course with her babies. Hindi man ito iyong pangarap na wedding niya but the hell with that, there's no such thing as ideal wedding or dream wedding because for her being married to the man she loves, while her friends and families were around this is indeed a perfect wedding for her.



Pero may isang tanong siya sa kanyang isipan na hindi pa nasasagot, How did they managed to set this up in this cruise. And how did they know that she's still in a cruise, pakiramdam niya ay may manghuhulang nakapagsabi sa mga ito sa susunod na mangyayari sa buhay niya. Everything was set up perfectly. A bit creepy and scary but she can't deny the fact that whoever maneuvering her every steps is damn so smart that it makes her happy.



She's finally happy.



Napangiti siya ng masilayan si Rye na naghihintay sa kanya sa altar, finally she's getting married now.




When we see each other again, I will make you all happy. Medyo natigilan siya ng magflash sa isip niya ang isang eksenang iyon, eksena kung saan mga bata ang nakikita niya at isa sa mga batang iyon ay siya. She was six years old then but she can't remember the faces of the girls around her age




"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Rye sa kanya.



"I am," tumikhim siya. "I'm just too excited."



"Me too, you'll be finally be mine."



They both smile at each other as they are going to seal their eternity. She'll be happy.



"Thank you for granting me my wish yellow Beetle." He whispered, napatanga siya dito, "I wish for my one hundred happiness and you are giving me this one hundred happiness now."



Napangiti siya sa sinabi nito, who would have thought that being a member of Zalpha Bri Sorority whose legend says that anyone of them can grant a wish will be granting a wish for themselves as well.










<<3 <<3 <<3

A/N: Holah! ANg init ng panahon ngayon and finally natapos ko na rin siya mahaba pala talaga ang epilogue na naisulat ko kaya pasensya na kung kailangan ko siyang hatiin sa dalawa. Kapag kasi ipinost ko siya ng mahaba ay may part na hindi mababasa gaya ng nangyari nung nagpost ako ng one shot story na mahaba kaya hinati ko nalang. May two extra chapters pa pakiabangan nalang po sila dahil ipopost ko rin sila. Matatapos na talaga ang ZBS 3 at aminin niyo ito iyong kwentong sobrang tagal kong natapos maliban sa WOAF, nagpapakalunod pa ako sa pagbabasa ng manga. Ay, nagpapakalunod rin pala kami sa pag-aayos ng clearance namin sa school, sa mga public school teachers diyan nag-RPMS ba kayo? Kumusta naman ang rpms masaya ba? Ang daming requirements, hindi pa kasali ang form 201 and everything. Naku talaga, one month sa vacation namin ay naubos sa pabalik2x sa school dahil sa mga requirements na iyan. Ang sarap magbigti— sila pala ang sarap ibigti ng patiwarik mabuti nalang at natapos ko na rin siya last tuesday kaya natapos ko na ito. Everytime kaisng magsusulat ako ay hindi ko matapos-tapos dahil naiisip ko ang clearance and rpms, mabuti pa ang mga students clearance lang ang kailangan nila sa amin ang daming pasikot-sikot.


Tapos next month pasukan na naman, alam niyo bang grade 8 adviser na ako? Hahahaha, iyon nga lang iyong advisory class ko lang ang grade 8 science na tuturuan ko then the remaining four classes would be grade 7 science. Tigdadalawang preparations pero keber as long as hindi ako mabobore, at may maayos na classroom na rin sana ako kaya mas okay everybody happy. Makakaranas na rin ako ng maayos na classroom na hindi binabaha kapag umuulan. Kayo ayun ang habang otor's note, dito nalang muna magsusulat muna ako para maipost ko na ang next chapters at masimulan ko na rin si Diana Rose inspired by a colleague of mine. Ohahahahahaha... labyu guys and i mishu much!

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 41.9K 17
TEASER "Kirra." Narinig niyang bulong ni Pierce sa teynga niya habang hinahalikan siya. She bit her lips as she tried to stop her tears...
368K 3.4K 8
If you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) or Goodnovel (Hope Castillana) or purchase a book on Immac Printing and...
79.7K 2.2K 28
GXG
28.9K 905 9
Arranged marriage is a very old tradition that is still followed by some families in the world, and unfortunately for Odette Morcilla, her family jus...