THE PSYCHO'S RETALIATION (Col...

By cloudnine_magu

130 12 0

Mackhenzie Zanders is the heiress of their family's company, who knows every bit of the company's darkest sec... More

Disclaimer
THE PSYCHO'S RETALIATION
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7

CHAPTER 5

7 1 0
By cloudnine_magu

SURPRISE

Khenzie's POV

"Miss Khenzie!"

Nahulog ako sa upuan dahil nagising ako sa isang sigaw. Malalim akong huminga at tumayo kahit na masakit ang pwet ko mula sa pagkakahulog.

I glared at Jolie who was standing at the door, or more like hiding behind it.

Pasalamat siya magkaibigan kami.

"You really have to shout?" irita kong tanong at inayos ang suot.

"Sorry, Miss Khen. But there's a delivery for you." Tuluyang pumasok si Jolie at nilapag sa desk ko ang isang bouquet ng bulaklak kasama ang red paper bag.

"From who?" kunot-noong tanong ko at sinuri ang bulaklak. It has a note on it.

MZ,

Hope you like my present. It's in the paper bag.

—LN’

"Walang sinabing pangalan, Miss. Basta para raw sa 'yo."

"It's okay, I already know who," sabi ko na may ngiti sa labi habang naktitig sa bulaklak.

Yumuko lang si Jolie at umalis. I put down the flower and looked inside the paper bag. Nagningning ang mata ko ng makita ang laman.

Kaya pala medyo mabigat kasi libro ang laman. The complete set of The Copernicus Legacy! I've been wanting to have all four and now I'm holding it in my hands! It's my favorite book series at hindi na ako magtatanong kung paano niya ito nalaman.

He's been courting me for almost five months now at palagi niya talaga akong sinosorpresa sa lahat. His confession that night was so fast, I didn't even remember what I said before I agreed.

Nilinis ko ang mga folders na nagkalat sa desk at pinagpatong-patong ito sa gilid. Kinuha ko naman ang phone saka kumuha ng picture ng regalo niya. Ito ang ginagawa ko everytime na may binibigay siya tapos nilalagay ito sa album. And I'm gonna give it to him kapag sinagot ko na siya.

I glanced at the wall clock and quickly gather my things when I noticed the time. Napakabilis naman ng oras. Mukhang natulog lang ako buong hapon.

Kailangan kong umalis ng maaga sa opisina ngayon dahil may dinner kami kasama ang mga business friends ni Dad. Hindi ko alam kung sino, wala rin naman akong planong magtanong.

Bitbit ang aking bag, ang bouquet, at ang paper bag, lumabas ako ng office na malaki ang ngiti.

I stopped in front of Jolie's desk and put down the flower.

"Ilagay mo sa favorite vase ko and place it in the middle of my mini table," utos ko na nakangiti niya namang tinanguan.

Nagpatuloy ako at nginingitian ang mga empleyadong bumabati sa akin. Nakasalubong ko pa nga ang ibang board members but since I'm too happy, hinayaan ko muna sila. I'm not in the mood to tease them.

Sumakay ako sa elevator para makarating agad sa basement parking lot. Nang makarating sa sasakyan ay napatigil ako sa pagsakay nito ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Nilagay ko muna sa backseat ang mga gamit na dala ko bago iyon sinagot.

"Hi," bungad ko at sumakay.

["Hey, may naistorbo ba ako?"]

"None, wala na rin naman ako sa office. Uuwi ako ng maaga ngayon for some business matter."

["Oh, I see. May lakad rin kami ngayon. May ime-meet raw kaming business friends ni Dad."]

"Mukhang hindi tayo pwedeng magkita ngayon. You're gonna miss my cute face," pang-aasar ko. Ibinaba ko sa passenger seat ang phone and put it on speaker mode. Pinaandar ko na ang sasakyan saka nagsimulang magmaneho.

He chuckled. ["I surely will."]

"By the way, thank you for the gift. I love it."

["Nakita kitang nakatitig sa mga librong 'yan no'ng minsan tayong pumunta sa mall at napadaan sa isang bookstore."]

Napangiti ako sa sinabi niya. "Let's have a date tomorrow, I have something to give you."

["You don't have to give me something in return."]

"It's not a payback gift. Basta may ibibigay ako." I grin, almost giggling, just thinking about the album I'm about to give him tomorrow.

["Alright, anong oras bukas?"]

"How about dinner?"

["Fine with me."]

"Dinner it is," sagot ko at tumigil nang maging pula ang stoplight.

["I have to go now, hinahanap na ako ni Dad."]

"Okay, have fun."

["Drive safely, hmm? Sasagutin mo pa ako."]

"Opo, Mr. Nagasaki," tatawa-tawa kong sagot.

Pinatay ko na ang tawag at nilagay sa bag ang cellphone para hindi siya mapunta kung saan-saan habang nagda-drive ako.

Agad kong pinaharurot ang sasakyan nang mag-Go ang traffic light. Mahina ko lang tinatawanan ang mga naririnig kong busina sa mga sasakyang nilalagpasan ko.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto para magbihis. Ayaw ni Mommy na pupunta ako doon na ang suot ay 'yong damit kong pang-opisina.

Nilagay ko lang sa kama ang bitbit kong gamit at pumasok sa walk-in closet para pumili ng damit pero nakita ko ang isang note na nakadikit sa salamin.

'Bilisan mong magbihis, dapat malinis tignan ang mukha mo, especially your hair. Wear the dress I prepared, it's in your wardrobe. Drive fast.

—Mom’

Binalik ko ang pagkakadikit nito sa salamin at binuksan ang wardrobe. Agad ko namang nakita ang tinutukoy ni Mom na black dress. Kinuha ko iyon at sinuot. Mabilisan ko lang ring inayos ang mukha at buhok ko.

I looked at the mirror one last time before getting my bag then left. I almost tripped on my way down the stairs dahil sa pagmamadali, nakalimutan ko atang nakasuot ako ng heels.

Mabuti nalang at nakabukas ang gate kaya nakalabas ako agad. Bigla akong naging si Flash sa bilis kong magpatakbo ng saskayan. Late na kaya ako at kanina pa tumutunog ang cellphone ko. Paniguradong si Mommy ang tumatawag.

I sighed in relief when I arrived at the restaurant.

I gave my keys to the valet and let him park the car. Inayos ko pa sandali ang sarili saka pumasok. May ibang taong napapatingin sa akin pero hindi ko na pinansin.

May lumapit sa aking babae na hula ko ay ang manager ng restaurant.

"Good evening, are you Miss Mackhenzie?" she politely asked.

Nakangiti lang akong tumango at sinundan siya papunta sa table kung saan sila Mommy. Habang papalapit ay may namumukhaan akong nakaupo kasama nila.

The Nagasaki's? Sila ang tinutukoy ni Mom?

They stopped talking when I arrived. Napunta ang tingin ko kay Lloid na nakangisi lang sa akin. Hindi man lang niya ako sinabihan na kami pala ang ime-meet nila.

I gather my posture and smiled at them. "Good evening, everyone. I apologize for being late," bati ko at umupo sa tabi ni Mommy.

"Louis, this is my daughter, Mackhenzie," pagpapakilala ni Dad kay lumingon ako sa ama ni Lloid at ngumiti.

"Good evening, Mr. Nagasaki," bati ko at bahagyang yumuko.

"I've heard a lot about the new youngest CEO. Glad to finally meet you, young lady," sabi niya at inilahad ang kamay.

Kinuha ko naman ito at magalang na nakipagkamayan. "Pleasure is mine, Sir."

"This is my wife, Fauna," pagpapakilala niya at inakbayan ito.

I smiled and bow my head as a respect. "Good evening, Ma'am."

"Too much formality, Mackhenzie. Just call me Tita. Magkaibigan naman kami ng parents mo," she chuckled.

Nahihiya akong tumango. "Yes po,"

Sunod niyang pinakilala ang nga anak niya. "My daughter, Lily." The girl sweetly smiled at me kaya nginitian ko rin siya pabalik, with a litle wave of the hand. "And my son, Lloid." He taps his son's shoulder. "I'm sure you've heard about him?"

Hindi agad ako nakasagot. Lihim kong tinignan si Lloid na may pagtataka. His father didn't know about his investment in my company? Because if he do, he wouldn't act like this.

Well, I guess we're the same. Hindi ko rin sinabi sa parents ko ang tungkol sa pag-invest ni Lloid. The only people who knew, which are the three girls and my secretary, didn't say a word to others.

"Yes, Sir. Your son is quite famous in my company. My employees are always talking about the youngest CEO bachelor," sagot ko. I slightly glanced at Lloid and gave him a quick smirk.

Tinaasan niya ako ng kilay pero hindi siya nagsalita.

Dumating na ang pagkain namin. Nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol sa business habang kumakain. Tahimik lang kaming tatlo na nakikinig sa mga parents namin.

I don't want to interupt their chat but it's rude to leave the table without excusing. Eh, kasi naman, sa kalagitnaan ng pagkain ko, tumawag si kalikasan number one.

Tumikhim ako to get their attention. "May I excuse myself? I need to go to the ladies room."

"Sure, go ahead," pagbibigay permiso ni Dad.

Kinuha ko ang purse at pumunta agad ng restroom. Napahinga ako ng maluwag nang wala akong naabutang tao. Ni-lock ko ang pinto saka humarap sa salamin. Kumuha ako ng tissue na nasa sink at pinahiran ang mukha ko.

I may look confident on the outside but I'm nervous as hell on the inside. Simula kanina no'ng makarating ako sa table, I'm debating with myself kung ngayon ko ba sasabihin sa kanila ang namamagitan sa amin ni Lloid.

I mean, it's a great oppurtunity. Nandito ang parents ko, nandito ang parents niya. Hindi na ako mahihirapan pang mag-explain sa kanila isa-isa.

Kaso nga lang, kailangan ko pang kausapin si Lloid. I need to let him know about my move.

Iniwan ko muna sa sink ang purse at pumasok sa isang cubicle para umihi. Patapos na ako nang bigla kong marinig na bumukas ang pintuan.

But I locked it.

"Sino 'yan?" alerto kong tanong habang inaayos ang dress.

Binuksan ko ang pinto ng cubicle at handa na sana siyang salubungin ng suntok pero natigilan ako.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "How did you get in?"

Umalis si Lloid sa pagkakasandal sa pinto habang nakangisi. "Secret," he winked at me.

Hinampas ko siya sa balikat. "Sarap mong murahin. Kinabahan ako, akala ko kung sino ang nakapasok." Naghugas ako ng kamay at kinuha ang lipstick sa purse para mag-retouch.

"Sorry naman," he chuckled.

Nilingon ko siya at tinitigan ng ilang segundo bago hinampas ulit ang balikat, but this time mas malakas.

Ngumiwi siya habang sapo ang balikat. "What was that for!?"

"That's for not telling me about the dinner today," inirapan ko siya saka binalik sa salamin ang atensyon.

Bahagya akong natigilan nang yakapin niya ako mula sa likod.

"It wouldn't be a surprise if I told you, would it?" He rested his chin on top of my right shoulder.

Sinara ko ang lipstick at binalik iyon sa loob ng purse. Tinanggal ko ang kamay niyang nakayakap sa bewang ko saka siya hinarap.

"I wanna tell to our family that we are dating.." mahina kong sabi.

His forehead slightly creased. "Tonight?"

"Uh-huh.."

"Are you sure?" paniniguro niya.

"Do I have to repeat myself, Lloid?" irap ko.

"Alright, alright, we'll tell them. Don't be so grumpy," he teased pero hindi ko na pinatulan.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa pinto pero bago niya pa ito mabuksan ay hinarap ko siya sa akin. I put my arms around his nape and kissed him.

Gumapang pababa sa bewang ko ang kamay niya at nilapit ang katawan ko sa kanya. Bago pa man ito mapunta sa kung saan ay pinutol ko na ang halik. I almost laughed when I saw his face. Mukha siyang bata na inagawan ng candy.

Bago pa siya magsalita ay inunahan ko na.

"It's a yes," ngisi ko.

Ang kaninang inis ay napalitan ng pagtataka. "Yes? Anong yes?"

Mahina akong tumawa. "It's a yes, babe. Keep your brain running."

Lumabas ako ng restroom at iniwan siya doon. Tatawa-tawa akong bumalik sa table namin but I stopped when Mom looked at me.

Tumikhim ako at inayos ang sarili.

"We have something to announce but let's wait for Lloid. He won't be long," sabi ni Mr. Nagasaki.

Palihim akong ngumisi dahil mukhang matatagalan pa ang isang 'yon. Sa apat na buwan niyang panliligaw, may mga bagay akong napansin sa kanya.

I tend to confuse him sometimes with my pick-up lines at kapag na-gets niya na ang ibig kong sabihin, kikiligin 'yon at hindi gagalaw sa pwesto niya dahil ninanamnam pa ang sinabi ko.

Gan'yan kiligin ang isang Lloid Nagasaki. Nagiging slow.

Kinain ko muna ang dessert habang naghihintay sa kanya. Ilang minuto pa ang lumipas nang makita ko siyang pabalik dito sa table namin na may malaking ngiti.

Nang makaupo si Lloid ay kinausap siya sandali ni Mr. Nagasaki bago humarap sa amin ang huli ng nakangiti.

Tinanguan niya si Dad na parang binibigyan ng go signal.

Si Mr. Nagasaki ang unang nagsalita. "We decided to merge both companies to strengthen our bonds. Our connection to each other."

"And in order to do that.." Tumingin sa akin si Dad. "..you and Lloid will have to get married."

••••

—Cloudnine and Siecheys

Continue Reading

You'll Also Like

BLOOD SECRETS By ec

Mystery / Thriller

17.1K 863 14
Once the blue-blooded heirs of Queens Erlington Academy are arrested for murder, bloody secrets start to spill. After all, even blue bloods have bloo...
Burn Marks By Icecold101

Mystery / Thriller

5.7K 250 7
My TikTok - E.writer🖤 (whteverwhnever) I've just started the Hierarchy Kdrama And I love it !! ( I will definitely be editing this story a lot se...
127K 12.8K 32
Athulya Singhania has spent her entire life in solitude, yearning for the love of a family. Over the years, she mastered the art of concealing her em...
108K 2.5K 12
حسابي الوحيد واتباد 🩶 - حسابي انستا : renad2315