Temptation Island: Broken Ties

By makiwander

4.8M 193K 106K

Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Huling Kabanata
Huling Kabanata (2)
Huling Kabanata (3)

Kabanata 34

121K 4.6K 2.7K
By makiwander

Maki Says: Nagmamadali magtype, makapag-update lang. Alam niyo na yon. Kayo na mag-adjust sa mga typo. hahaha 6,000 words para sa inyo!

Hey, makinig kayo sa Spotify podcast ko! Malapit na ang pagraraffle ko ulit ng winners. Habol kayo.

Thea

"Ipinangalan mo ako sa delivery rider sa phone book mo?" Hindi makapaniwala si Saint. She giggled.

"Nira-ride mo rin naman ako, Saint, walang ipinagkaiba." Tumingin siya sa madilim na kalsada na binabaybay. "Ako, anong pangalan ko sa phonebook mo?"

"Baby." 

Hinampas niya sa balikat si Saint, "Baka mahuli. Ang pangit mo ka-bonding!"

"Okay lang, marami naman na akong tinawag na Baby dati."

Uminit agad ang kanyang ulo, "Saint ha! Three-days pa lang tayo magjowa ginagalit mo na ako."

Saint smirked, "Selosa."

Hindi siya kumibo, sinilip siya ni Saint, "Nagselos ka na ron?"

"Ay hindi, natuwa ako. Kinilig." Masungit niyang sabi bago napabuntong-hininga. "Pero alam mo, ang sama ng Daddy mo 'no?"

"He likes you."

"Yuck ha, hindi ako mahilig sa matanda. Magkahawig kayo pero no. Eiw, no."

Natawa si Saint, "He likes you for me! Ano bang iniisip mo?"

"Ah." Natawa rin siya. She felt calm driving around at night and having a light conversation with Saint made her heart flutter. Ito naman talaga ang gusto niya. Companionship. Not a complicated marriage tied up with kids. 

They played soft music in the background while reminiscing about their younger days. 

"I was invited to our high school reunion." Sabi ni Saint nang pumasok sila sa tollgate. Napalingon siya. Right, she was too.

"Pupunta ka?" 

"Pinag-iisipan. They've been following up."

"Really?" Tumaas ang kanyang kilay. These people. Samantalang siya ay hindi nakatanggap ng imbitasyon kahit isa. She has public accounts too, it is not impossible for them to reach her. 

Naramdaman niya ang pagkukumpara sa katayuan, kung gaano hindi patas. Nagkabaliktad na ang mundo nila ni Saint ngayon. Saint was bullied, and she was the one who can defend him because she has money and an influential father.

"What are you thinking? Pupwede akong hindi pumunta." Napansin yata ni Saint ang pananahimik niya. 

Ngumiti siya at umiling. "Pumunta ka. I was not invited."

"Hindi ako pupunta kung ganon."

"Pumunta ka. Show them who you are now."

"Hindi iyon importante. And if I will go, gusto kong ikaw ang date ko."

"Ano yun? Gate crasher?" Pakli niya, "Pumunta ka na. Kwentuhan mo na lang ako."

"Okay, hindi ako pupunta." Saint smiled as if he's been reading her between the lines. 

Pinanood niya ang kalsada na kanilang dinaraanan. Medyo malayo na rin pero dahil hindi traffic ay hindi niya napansin. They made a few turns before reaching a high-gated lot. Bumukas ang pinto ng kusa.

Madilim kaya hindi niya masyadong maaninag ng buo pero isang bahay na may dalawang palapag ang bumungad sa kanila. 

"Wow." Hindi niya napigilan ang pagkamangha nang bumukas ang warm lights sa buong kabahayan. "Sa iyo ito?"

"Sa atin." Saint smiled widely, "Nagustuhan mo?"

Tumango siya habang nilalakad ang daan papalapit ng bahay. The house was adjourned with sturdy wood panels and painted white. May mga totoong halaman sa loob. It is like a cabin house she seen in the movies, only that this one is true to life. 

"Ang ganda, Saint."

"We can meet here and stay here, Thea. Mas maganda ang view kapag sunrise." Tumingin si Saint sa rolex watch nito, "Two hours from now.."

"Pupwede nating hintayin?"

"Are you sure? Hindi ka pa inaantok?" He nuzzled her neck and patted a soft kiss on her cheeks. The innocent gesture that she will choose over sex. 

Plastik.

She likes both. But she likes Saint the most. She could just imagine how fun it is getting old--- older with him. Ang saya siguro nong araw-araw kang may inaaway este, minamahal. 

"Sunrise..." Giit niya. "Magpa-disenteng boyfriend/girlfriend date ka naman diyan. Lagi tayong walang damit." 

"Sige, Thea, pero tatanggalin ko pa rin ang damit mo mamaya."

"Grabe, hindi nagsawa. Ito.." Itinuro niya ang ribbon ng dress niya sa may batok, "Isang hila lang to ha. Saka may zipper itong dress sa gilid." She instructed. Mahirap naman iyong masira pa ang damit niya. Inakbayan siya ni Saint at hinalikan ang tuktok ng ulo. 

"Thank you for making me happy.."

Binuksan ni Saint ang cabinet sa ilalim ng wooden staircase at may kinuha roon na makapal na blanket pagkatapos ay niyaya siya sa likod bahay. Umihip ang preskong hangin at ang mahinang pagdaloy ng tubig ay unti-unting lumalakas habang papalapit sila. It was a lake! Laguna lake.  Inilatag ni Saint ang blanket sa lupa sa tabi ng matandang puno at naupo sila roon. Kitang kita ang buwan at ang repleksyon nito sa lawa. She smiled. 

"Do you think Dad still remembers me? Hindi ko siya napanaginipan kahit kailan. Like, his death was sudden, but I need to hear more words from him."

"Like?"

Napalunok siya. She wants him to confirm that marriage is worth the risk despite the considerable chance of hurting, a massive opportunity for losing. 

Napatingin siya kay Saint, hindi masabi ng dila niya na mahal niya ito. She scared that emotions will flow and she'll be excessively dramatic. She doesn't want to be that. She wants reservations, iyong may ititira ka pa sa sarili mo kung may aalis na naging parte ng buhay mo. Ilang beses na ba siyang naiwan?

She shook her head and tried to be in the present, 'Wala pang umaalis muli, Thea.'

"I am happy that you are here, Saint." She chose to be grateful.

"You don't know how happy I am too."

---

The secret relationship continues to prevail. In fairness, wala nang nagtatanong. Madalas din siyang nagpupuntang Laguna, nagmimeet lang sila ni Saint sa isang paid parking at dumidiretso na roon. Fox never asked. Si Sloane ay busy naman sa magazine at hindi rin siya masyadong inaabala. 

"Grabe, napapadalas ang paghahatid-sundo ng Daddy, mukhang may sinusundot na Teacher kasi." Komento ni Artemis habang pinagmamasdan nila si Katie at si Saint na bitbit ang barbie doll bag. 

"Wala lang driver.. Hindi pa bumabalik." Pagdedeny niya pa kahit halos bumaliktad ang mata ni Artie sa pagkakaikot.

"Ang dami-daming pera, hindi makakita ng driver sa agency---" Tumikhim si Artemis nang makita ang pagtaas ng kilay niya at pagnguso sa nakikinig sa kanila, "Sabagay mahirap na nga naman na magtiwala sa stranger. Hoy kayo, anong tinintingnan niyo riyan? Bawal ang chismosa. Nakapirma kayo ng NDA." Nakapamewang na sita ni Artie sa mga school staff. 

Nakangiti niyang sinalubong si Katie na nakasimangot na naman nang makita siya. "Are you sure you don't like Papa?" Imbes na Good Afternoon ay iyon ang ipinambati sa kanya. 

"Katie. You are not supposed to ask that." Seryosong sita ni Saint.

"But I saw your photo on her phone!" Giit ni Katie. Paano ay itinakas nito ang phone niya na parang snatcher noong isang araw habang abala siya sa paghahanap ng ipapatugtog ng nursery rhyme. Sutil na bata!

"Katie, don't be a Marites. You are still young!" Malakas na kinalabit ni Yaya Emily ang bata, "Do you remember, Papa is dating Chloe, Daddy's classmate, the beauty queen? You met her when we were in the house, right? And we had lunch with her at Powerplant. That's your future Mama."

Lumipat ang matalim na tingin niya kay Saint na halatang nagulat sa sinabi ni Yaya Emily na pinagalitan ang alaga sa pagiging chismosa pero ito pala ang lider ng mga chismosa.

"Pumasok na kayo, Yaya Emily para makapaglaro pa si Katie habang naghihintay ng mga classmates ni Katie. Maaga pa naman."

"Bye, Sir Saint." Umirap siya at naglakad patungo sa Teacher's lounge para iwasan si Saint. Chloe pala ha! Future Mama. Mamamatay sa kanyang kamay. Sino ba iyang Chloe na yan? Chloe Narciso? Hindi siya updated sa mga kaklase niya noon and she couldn't recall Chloe until today. 

Kukuha muna siya ng kape sa lounge, napabuntong-hininga siya nang walang tao roon dahil naroon na rin sa kani-kaniyang mga classroom. 

"Ay!" Napatili siya nang may humila sa kanyang braso at sa isang iglap lang ay nasa loob na sila ng banyo. "Yes?" Tinaasan niya ng kilay si Saint na tumugon sa kanya ng ngisi.

"May picture ako sa phone mo? Wallpaper mo?"

"Ang kapal!" She rolled her eyes at him. 

"Tinitingnan mo habang nagkaklase ka? Bakit? Miss mo agad ako lagi?"

"Hoy Saint, grabe ang hangin!" 

"Hindi pala ako pwedeng mawala kahit isang araw."

"Really, Saint? Chloe?! Kaya pala may nag-iimbita sa iyo sa highschool reunion dahil may ka-loveteam ka na? Did you fck her?"

"Thea.." Humina ang boses ni Saint na para bang sinasabing gayahin siya. Pero umaalpas talaga ang kanyang galit, as in galit na galit, gustong manakit. "Hindi. She kept in touch this year because she organized the reunion, asked for donations. Hindi naman ako pupunta."

"Pumunta ka!" Galit na pagtutulak niya. "Baka mamiss ka pa ni Chloe."

"Kaysa mamiss mo ako. Mas may pakialam ako sa girlfriend ko, Thea." 

"Kaysa sa future Mama ni Katie?"

"Si Mama ang mama ni Katie, Thea. Ikaw ang Mama ng magiging mga anak ko."

"Hoy! Hindi ako pumapayag sa ganyan ha. I am on depo shot!"

"Bakit? Kapag nagkaroon ba, hindi mo itutuloy?" Nagsalubong ang kilay ni Saint.

"Ang layo naman ng narating ng usapan. Ang sinasabi ko lang---"

'Nandito yun 'e, magdadasal ata sa Santo na nandito, prayer room kasi yung dito sa likod. Madasalin kasi ang teacher na yon. Sandali lang, Don Levi.' Narinig niya ang boses ni Artie, pinanlakihan sila ng mata ni Saint.

"Anong ginagawa ng Daddy mo rito?" Mahinang bulong niya. Nagkibit-balikat si Saint.

"Diyan ka lang, huwag kang lalabas." Mariin niyang utos bago pinihit ang doorknob. She prepared her smile. Agad niyang nakita ang matandang Don, he's wearing a khaki slacks and a gray jacket. May dala itong bouquet sa kamay at mabait na nakangiti sa kanya.

"Doc Thea."

"Sir!" Nakangiti niyang sambit, "Anong ginagawa niyo rito?"

"Pasensya na, nasa gitna ka yata ng trabaho?"

"Hindi pa naman nagsisimula. Kukuha lang sana ako ng kape. Maupo po tayo."

"Inalam ko talaga kung saan ka nagtatrabaho." Nahihiyang ngumiti ang matandang don. "By the way, flowers."

Naiwan sa ere ang kanyang pagkakangiti. Alam niyang pakboy ang Don, pero pati pa naman siya ay papatusin pa yata. Ito na nga ba ang sinasabi niya kay Saint! 

"Narito ako para manligaw--"

"Hindi po ako pumapatol sa twenty years and older. Wala po yan sa standards ko. I know age doesn't matter pero hindi rin po ako pumapatol sa may asawa, kasi alam niyo po, bad yun."

"Manliligaw ako para sa anak ko, kay Saint."

Napakurap-kurap siya. "P-para kay Saint?"

"My son..." He sighed, "That son of mine is the most softhearted and kind. Malayo sa mga kapatid niya. I am afraid that because of that, he will be unhappy. Lagi niyang inuuna ang gusto ng iba kaysa sa sarili niya. He tries to be an ass like his brothers, Atticus tries to train him to be tough, but he just can't.  He gives allowance for mistakes, lalo na kay Jane. Siya ang sumalo ng lahat ng kakulangan ni Jane kahit gaano pa ang sama ng loob niya. He's still the Saint that you knew, very kind, hindi ko nga alam bakit ako nagkaroon ng anak na sobrang bait."

"Baka hindi niyo anak, ano? Baka nasalisihan ka... po."

"He is my son. I am sure of that." Tiningnan siyang mabuti ni Don Levi, "My son loves you. Kaya kung may kaunting atraksyon ka para sa anak ko, I am willing to close the gap and make you love him even more. He deserves the world, Doc."

Bumuntong-hininga si Don Levi, "I am proud of him, but I couldn't take the credits that you and Cairo did for him to succeed."

"Maliit na bagay, actually maniningil pala ako." Natulala si Don Levi sa kanyang sinabi, "Joke!"

"Teacher! What's taking you so long?" Nakapamewang si Katie na naroon sa may pintuan. Napatingin siya sa wallclock at 1-minute late na siya sa klase. 

"Katie, you can still play."

"I don't like the music, and it is so boring. Change it, please."

Na-glue ang pagkakangiti niya at pinandilatan ng mata si Katie, "I have a visitor."

Lumipat ang mga mata ni Katie kay Don Levi. 

"Is he your boyfriend? Why is he giving you flowers?"

"No, he is your Papa's Daddy."

"Papa has a Dad?" 

"Siyempre, ano ba yung Papa mo, alien? Kabute?" Naiinis niyang bulong pero bago pa siya sumagot kay Katie at gumapang na ito sa kandungan ni Don Levi. Nawindang siya!

"Katie!" 

"You are my Grampa?"

"A-ah.." Hindi alam ni Don Levi ang gagawin.

"You look so grumpy, a grumpy grampa."

"Katie, that's not a nice thing to say."

"Well, he doesn't like me." Sabi nito habang bumababa sa kandungan ng matandang Don.

"Why did you say that?" Gulat na tanong niya sa bata.

"I can just feel it. See you, Teacher. Bye Grampa." Tumalikod na si Katie at naglakad na papalayo. Nahihiya siyang ngumiti kay Don Levi. 

"Pasensya na, Don Levi. Her life is also tough. Kinuha lang siya ni Saint sa basurahan."

"I heard." Malungkot na tumango ang Don, "Hindi ko na kukunin ang oras mo." Tiningnan nito ang mga bulaklak at chocolates na nasa lamesa at kinuha para iabot sa kanya.

"I didn't know that Jane's daughter is also here. Can you give this to her and tell her that Grampa brought her these flowers and chocolates?"

Nagulat siya sa gesture ng Don at pinanood niya ito na maglakad papalayo ng lounge. Nakahinga siya ng maluwag nang mawala na ito sa kanyang paningin. Narinig niya ang pagbubukas ng pinto sa kanyang likuran. 

"I'm sorry, Thea.. I'm.. I'll talk to Dad." Bungad ni Saint. She sighed and touched Saint's cheeks. Natunaw ang lahat ng inis niya at pagdududa.

"May point ang Daddy mo."

"Pero hindi niya pwedeng hingin ang kamay mo dahil sa akin."

"Masaya ako na marami nang nagmamahal sa iyo, Saint, pero ako ang first honor."

"You are..."

"Hoy mga malalandi, nandyan na naman si Don Levi..." Humahangos si Artie sa may pinto ng lounge, nagmamadaling bumalik si Saint sa banyo. Pumasok naman si Artie sa loob ng lounge at parehas silang pekeng ngumiti.

"I left my phone.." Si Don Levi. Tumango naman si Artie at ininguso ang cellphone nito.

Nakahinga na lang silang muli nang makaalis na ito. 

"Wala pa lang driver ha." Siniko siya ni Artie. "Anong drama yan?"

"Ayaw ng chismis." Bulong niya.

"Hay, secret relationships, sa una lang exciting. Kalaunan ay magkakasakitan din. Anyway, diskarte mo yan. Bumalik ka na sa klase mo. Monasterio, aalis na ang bebe mo."

Nadatnan niyang tahimik si Katie sa klase, hindi ito kumikilos at halatang malungkot. Agad niya itong nilapitan pero umiwas lang ng tingin. 

"Katie? What's wrong?"

"Nothing." 

"Did you see the flowers and the chocolates? That's for you."

"What's wrong with me, Teacher? Why do I always need to hide?"

Kinurot ang kanyang puso sa tinuran ni Katie, namumula na kasi ang mga mata nito. Biktima si Katie ng tadhana at wala siyang magawa para dito bukod sa damayan lang ito. 

"I can see you. Yaya Emily sees you. Your classmates see you." Pilit niyang pinagagaan ang tono. Do you want more?"

"You know what I mean. My family..."

She sighed. Matured mag-isip si Katie. Kaya naman nang mag-uuwian na ay ininsist niya kay Saint na siya ang maghahatid kay Katie. She wants to eat with her and play with her. Lalo tuloy tumitindi ang paniniwala niyang hindi dapat nag-aanak kung hindi handa. 

"Teacher, I want to buy color pencils." Itinuro ni Katie ang mall na dinaanan nila. 

"Katie, sa weekend na lang." Tanggi ng yaya nito.

"Okay lang, Yaya Emily. Baka sumaya si Katie kapag pumasok sa mall. Marami na ring Christmas decorations sa loob." She manuevered her car inside Glorietta's parking lot. Hindi nga siya nagkamali, marami ngang mga palamuti ang naroon. Iginiya niya sina Yaya Emily at Katie papuntang bookstore at hinayaang mamili si Katie. 

Nagdagdag pa ito ng libro at nilalagay sa maliit na pushcart na itinutulak niya.

"Ooops.." Hingi niya ng paumanhin sa nabangga ni Katie kakatakbo para kumuha ng iba pa. "Sorry, Sir." 

Marahan nitong inalalayan si Katie pagkatapos ay napakunot ang noo nito. The guy looks old, in his fifties, he looks like he's working in a bank with his white polo barong and eyeglasses. 

"Sorry, Mister." Magalang na wika ni Katie na ikinangiti niya. 

Nagtataka siyang tinapunan ng tingin ng matanda na parang nagtataka pa rin. Alanganin siyang ngumiti at sinenyasan si Katie para kumuha ng iba pa. 

"Teacher, I want a Frozen coloring book."

"Sure, you can have three, but that's it. We have to bring you home."

Nakapila na sila sa counter nang may tumapik sa braso niya. Nang lingunin niya ay iyon ang nakabanggaan ni Katie kanina. "Yes, Sir? How may I help you."

"Y-yung bata... How old is she?"

"Four, about five..."

Tumango ang lalaki. "M-may kakilala ka bang Jane.. Jane Castro? Naalala ko siya sa bata, kamukha niya."

Hindi siya agad nakakibo. Kumunot din ang noo niya. 

"Imposible. Imposibleng kilala mo si Jane. Sige, Miss. Nagbabakasakali lang."

"Sino ka?"

Natigilan sa paglalakad ang lalaki. 

"Kilala mo si Jane?"

"Sino ka?"

Huminga ito ng malalim, "Fernan ang pangalan ko. Naging boyfriend ako ni Jane, limang taon na ang nakakaraan pero bigla siyang nawala. I am just wondering kung anong nangyari sa kanya."

"P-pwede ko bang makuha ang calling card mo?"

"Kilala mo si Jane?" Ulit nito.

"Oo. Kung sakaling makita ko, sasabihan ko siya."

Nagliwanag ang mukha nito at nagmamadaling kinuha ang calling card sa wallet pagkatapos ay iniabot sa kanya. Ngumiti siya, "Salamat Sir." 

"Sino yun, Teacher?" Nagtatakang tanong ni Yaya Emily habang pinagmamasdang lumayo si Fernan. Tiningnan niya ang calling card imbes na sumagot. 

'Fernan Arevalo- Bank Manager'

Imbes na umuwi na ay hinintay niya tuloy si Saint na makauwi mula sa trabaho. Hindi siya nagsabi na naroon siya sa bahay nito. Naglaro sila ni Katie hanggang antukin ito at nanatili siya sa receiving area para hintayin si Saint.

"Okay ka lang diyan, Teacher?" Nakapajama na si Yaya Emily nang silipin siya.

"Oo, Yaya. Matulog ka na. Huwag kang mag-alala, hindi ako akyat-bahay."

"Teacher talaga. Goodnight, Teacher."

"Goodnight." 

Inabala niya ang sarili sa pagbubuklat ng mga photobook ni Saint na naroon sa may centertable. Inisa-isa niya ang mga litrato at lalo lang siyang kinilig sa loko!

"Sana all may talent. Ay.." Napangisi siya nang makita ang sarili niya sa photobook noong college pa siya, "Laging ako ang subject? Magkano ba ang bayad sa ganito?"

Narinig niyang bumukas ang pinto at ilang sandali pa ay iniluwa na nito si Saint. 

"Anong oras na? Uwi ba ito ng pamilyadong tao?" Banat niya sa nagtataka niyang nobyo.

"Akala ko nakauwi ka na?"

"Surprise! Oh? Bakit parang ayaw mo? May babae ka ba riyan?" Naglakad siya papalapit dito at itinulak ito para silipin ang labas ng bahay. 

"Wala. Nandito ang babae ko, bakit pa ako mag-uuwi?" Saint smirked, "Ganyan ka ba kapag sa iisang bahay na tayo nakatira? Hindi na lang ako magtatrabaho kung ganon."

"Anong hindi? Paano tayo kakain? Ano yun? Ako ang bubuhay sating dalawa? Tapos na ako riyan!"

Natawa si Saint at sumiksik muli sa leeg niya, "Sabayan mo akong kumain."

"Kumain na ako! Kaya nga ako nandito para magpakain."

"Sige, mukbang tayo. Ikaw muna.."

Pinamulahan siya ng pisngi, naeskandalo. Bastos talaga itong si Saint pero maraming nalilinlang.

"Huwag dito, can I see your room?"

Natigilan si Saint at mukhang nag-alinlangan.

"Amoy zonrox kaya ayaw mo noh? Maraming nakabold. Sabi ni Yaya Emily, ayaw mo raw nagpapapasok sa kwarto mo at ikaw ang naglilinis. Naku, napakabastos mo, eiw."

"Lagi mo na lang akong pinagbibintangan." Malambing na hinila ni Saint ang kamay niya at dinala sa kuwarto. An automatic dim lights opened. They are all in blue against the gray walls with black and white photographs of her.

"Patay na patay yarn? Ginawa mo akong wallpaper na literal?"

"Sobra." Pinatakan ni Saint ng maliliit na halik ang kanyang balikat, patungo sa leeg. "Aren't you supposed to feed your man?" Nakakaakit na bulong ni Saint sa kanyang tainga. She felt her knees literally weakened. 

"Pero hindi nakakabusog." 

"I won't mind.." Binuhat siya ni Saint patungo sa kama nito at marahang inalis ang suot niyang uniporme. 

"Sandali, I need to wash up first. I need to prep. I need to---"

Sinikop ni Saint ang kanyang labi ng isang mainit na halik. Agad na nagliyab ang pagnanasa sa buo niyang katawan. Kinapa ng kamay niya ang suot nitong polo at inalis isa-isa ang butones nito. 

"Just a quickie, Baby, I miss you..." Bulong nito sa kanyang tainga. She can feel the warmth between her thighs, longing to be claimed in no time. 

"You are beautiful.." He told her as he slowly kissed every part of her body, from her neck to the peak of her breasts to her womb and thighs.

"Saint!" Jusmiyo, she did not shower yet. 

"Okay. I can have that later." Natatawang wika ni Saint. He sucked a small part of her thigh skin, and she felt the need to have more. It is so sensual, tickling, and hot. She moved a little bit to intercept Saint's kisses. She wants it fast. Quickie, right? Gusto niyang kumain muna si Saint, like real food. 

"Thea.." Saint's breathing hitched when she positioned on top of him, pushing his muscular shoulders to rest his back on his soft bed. His jaw moved when she gave him slow, melting kisses on his lips, chin, and jaw. She almost mimicked his moves a while ago. When she reached his V-line, she gently tugged his erect manhood with her tongue, playing with the tip of his bulbous groin. 

"Thea..." Mahinang bulong ni Saint having sumisinghap, his one hand held the hair at the top of her head, with ease, and attempted not to pull her hair with his strength. 

"Do it, Saint. Lead me where you want me to go."

"Oh, fck." Napamura si Saint at humigpit ang kapit sa buhok niya. She carefully positioned her mouth not to hurt him with his teeth. She took all of his hugeness in her mouth, avoiding gag. It was so fast; her head was bobbing up and down, left and right. Saint was half-sitting, his left palm resting on the top of the bed, supporting his weight, while his eyes stayed on fire, looking at how he was maneuvering her head to give him a blowj*b. 

"On top of me, Baby." Mariing utos ni Saint. She positioned herself on top of him, doing a reverse cowgirl, her legs at the sides of Saint's waist. She's facing the body mirror in front of the bed and gracefully moves her hips in a circular motion, getting her support from Saint's thighs. Saint cupped her breasts, and it felt perfect. She was sighing and oohing when she felt the release of hot thick liquid inside her. 

"Fck, not yet done." Anunsyo niya. Saint's hand moved on her nub and massaged her sensitive cl*t while still pumping. Nanghina siya at nakiliti, before she knew it, she gasped for air, and another batch of a hot liquid filled her. 

Bumulagta siya sa kama na parang natamaan sa gyera. Well, nabaril din siya, sa ibang parte nga lang. Naramdaman niya na lang na umangat siya sa kama at napunta sa bathtub na may umaagos na mainit na tubig. Hindi pa iyon puno. 

"Saint, hinintay lang naman kasi may sasabihin ako."

"Oo nga 'di ba? You want me to eat you." Biro ni Saint habang tinatapunan siya ng warm water sa binti. 

"Hindi yun.." Sumeryoso siya. "I think I met Katie's Dad."

Natigilan si Saint at maang na napatitig sa kanya.

---

Hindi niya alam kinabukasan kung paano bababa ng pamamahay ni Saint. She's wearing his t-shirt, at napakataas na ng araw nang sumilip siya sa bintana. It is a Saturday morning, or afternoon.

"Ano ka ba, Thea? Ang landi mo!" 

Mahimbing pa si Saint na nakadapa sa kama nito. Dahil naka-blackout curtain ito ay hindi nito namalayan na maliwanag na sa labas. Narinig niyang nagring ang cellphone ni Saint. Tiptoe pa siyang naglakad papalapit sa sidetable para kunin iyon. Napakunot ang noo niya nang makita niya ang pangalan ni Chloe Narciso. 

She planned to put it on silent pero maling button and napindot niya! Damn the differences between android phones and iPhones!

"Hello? Saint?" Narinig niya nang nagsalita si Chloe sa kabilang linya. "Where are you? Huwag mo kaming indiyanin mamaya ha! We are waiting for you! Open invitation na rin naman. So mas marami nang makakapunta."

Tumaas ang kanyang kilay, pili lang pala noong una. Kapal ng mukha nito.

"Saint?"

Ibinaba niya ang cellphone pagkatapos. Nakita niyang alas-kuwatro na ng hapon. Napahawak siya ng batok. Napasarap ang mukbangan kagabi, inabot sila ng umaga. She sighed again. Paano siya bababa ngayon? Walk of shame na ba ito?

Lumunok siya at naghahanda na sanang lumabas nang maramdaman niyang pumulupot sa beywang niya si Saint. "Hi Baby..."

Ang damuho, ang bango pa rin ng hininga! This guy is really impossible!

"Saint, tumawag si Chloe, aksidente kong nasagot. Ngayon na pala ang reunion niyo."

"Hindi ako pupunta. Halika, baba tayo. Kain tayo." Anyaya ni Saint na naghahanap ng t-shirt sa cabinet nito.

"Wearing this?" Nagtataka niyang tanong. 

"So? You look beautiful with nothing but my t-shirt on you."

"Nambola ka pa.. Pero paano si Katie?"

"Thea, hindi kita hahayaan maiwan dito. But if you prefer to stay in my room, I won't mind..."

"Bastos talaga! Tara na nga!" Naiinis siyang lumabas and lo-and behold, nasa labas nga si Katie at si Yaya Emily na biglang nagpanggap na may ginagawa.

"Good Afternoon, Sir. Teacher..."

"What are you doing in my Papa's room?"

"Ah. I-- I borrowed his shirt, and I spilled something on my clothes."

"Did you sleep here?"

"No!"

"Yes." Kalmadong sagot ni Saint.

"Why?" Taas ang kilay na tanong ni Katie.

"Ah... Because your Papa and I were classmates, we will go to our class reunion together. That's today, right, Saint?"

"Thea.." Kinurot niya sa tagiliran si Saint para sumang-ayon na lang. Tumango si Saint. "That's right, we will go together."

"Okay.."

Panay ang bulong sa kanya ni Saint habang naglalakad sila patungo sa kusina. "Sinabi ko nang hindi ako pupunta."

"Sabi ni Chloe, open invitation na raw. Pwede nang pumunta ang iba kaya pupunta ako. Hindi lang tayo sabay na papasok."

"You don't like it." 

"I do." Giit niya.

Kaya naman agad na nag-contact si Saint ng stylist para bihisan sila. Trusted stylist iyon ni Saint at ibinigay niya lang ang sukat niya, wala pang isang oras ay nasa labas na agad ito at may kasama nang make-up artist.

"Hi, Janno. Thea. Classmate ko nung highschool."

"Oh, Doc Bombshell. Are you a--"

"No!" Sabay nilang sagot ni Saint, "We are bestfriends since we were kids. Grade 4." She smiled.

"Okay, that explains the closeness, malisyosa lang talaga ang mga netizens. Grabe, super rush, mabuti at parehas na wala nang masyadong aayusin, perfect body, perfect hair, nose, teeth, eyes. Altaire, do the make-up quickly for Doc Bombshell."

White goddess gown ang isinuot niya na lantad ang kanyang mga binti. Their reunion theme was ethereal. Nakalugay ang mahaba niyang buhok na kinulot sa dulo.

"Napakaganda! at napakaguwapo!" Komento ni Janno nang makita si Saint in his all-white tuxedo with silver lining. Bukas ang tatlong butones nito na nagbibigay ng pahapyaw sa dibdib nito. Nakakapaglaway talaga ang kanyang sinta! Mapapapak niya talaga mamaya!

Nakapangalumbaba si Katie at pinapanood sila, "You are pretty, Teacher." Katie commented, and she smiled. 

"Do you want make-up too?" She asked.

"Nah, maybe on your wedding with Papa."

Pinanlakihan siya ng mata at tinakpan ang bibig ng bata! Mabuti at abalang mag-empake ang glam team kaya hindi nito narinig ang tinuran ni Katie.

"You are beautiful, Baby." Bulong ni Saint sa kanyang tainga. Katie smiled from ear to ear when she saw how close their body were! Malisyosang bata.

Nagpag-usapan nila ni Saint na sa magkaibang sasakyan sasakay patungo sa hotel. Good thing at sa Pasay lang naman iyon kaya hindi siya mahihirapang umuwi. 

Maraming pamilyar na mukha ang dumagsa sa kanyang alaala habang naglalakad siya sa lobby. The venue was paid for, si Saint ang nagbayad ng venue bilang donasyon sa kanilang school. Kaya pala gustong-gusto ni Chloe na pumunta si Saint. 

Binalot siya ng kaba habang papalapit sa pinakamalaking function hall ng Marriot. Alam niyang naroon na sa loob si Saint pero hindi niya magawang pumasok dahil hindi niya alam ang ikikilos. 

She was once one of the most influential of their batch, ngayon ay napakarami na lang eskandalo at hindi na mapera kagaya ng dati. Lumiko siya patungo sa restroom para huminga nang kaunti. 

"Oh, look who's here. Who invited you?"

Nilingon niya si Chloe na sinarhan ang compact mirror nito at tiningnan siya; now she remembers her. She can imagine how much she spent on plastic surgery. She was lanky and really dark then, and now she's tall, beaming with perfect curves, and morena. Bumagay sa kanya ang royal blue na gown na suot.

"Isn't this open to all?"

"Oh, yes, dear. But the committee specifically exclude you to the list of invites. You know, Catholic school tayo at bukod sa nagpose ka na ng hubad, nagbibigay ng sex tips, eskandalosa ka pa."

Napakapit siya sa dibdib. "I didn't get the notice! Sana ay nagpapalit din muna ako ng itsura ko para pasok sa panlasa ng committee. Tingin mo magiging beauty queen ka without bathing in plasticity, both externally and internally? Maiwan na kita, makikikain muna ako sa loob. I heard that the guy that everyone bullied except myself donated this venue and the ball itself? Maybe, I am entitled for a meal perhaps as Saint's only superhero back then?"

"Ysmael. Don't confuse love for pity. You don't love Saint. Eversince, naaawa ka lang sa kanya. At ngayon, nagkabaliktad ang sitwasyon, si Saint na ang naaawa sa iyo at sinasakyan mo naman bilang cheap na blogger slash influencer na walang kadating-dating!"

"Oh, it echoes dear. Sabi ng boses mo, wala ka raw kadating-dating. Bye." Taas-noo siyang lumabas ng restroom. Mas maraming mata ang dumako sa kanya. Most are her male classmates na kulang na lang ay pumito nang makita siya. 

"Lakas talaga ng sex appeal ni Thea."

"Narinig ko yon, Bermudez." Nilingon niya ang kaklase niya dati, he's the class escort at campus crush kahit katumbas lang ng kuko ni Saint. Natawa ito.

"The great Thea Ysmael still remembers me."

"Huwag kang magyabang, Angelo. I have a fairly good memory. Naalala ko pa nga noong umiyak ka nung kinder dahil may poop ang saluwal mo."

"Thea naman. Siga ka pa rin. Kumusta?" Inabot ni Angelo ang kamay nito. She giggled. She has always been a part of the boys.

"Thekla Angeline!" Napalingon siya sa tumawag sa kanya, "Ang sikat kong friend na hindi napapansin ang message ko!"

"Akina!" Niyakap niya ang elementart bestfriend niya bukod kay Saint na matagal na niyang hindi nakikita. 

"Nagtatampo ako! Binasa mo ang message ko as Doctor Bombshell pero hindi mo man lang ako nakilala!"

"Sino ka roon?" Hinila siya ni Akina sa isang corner at doon sila nagkwentuhan. May mga kasama silang mga kaklase nila simula elementary. Panay ang abot ng inumin ng mga ito. Tinatanaw niya si Saint at panay ang kausap sa mga teachers na mukhang proud na proud sa narating nito. Her phone beeped.

Shopee Delivery: Don't stay too close to Bermudez and his friends. I am watching you. Don't make me jealous, Baby. Akin ka lang.

Nilingon niya si Saint na kaswal naman na nakikipag-usap sa mga teachers. How can he see her? Nagkaroon ng maigsing program at awarding habang kumakain ang lahat. Nakikita niya si Chloe na panay ang asikaso kay Saint at ito pa mismo ang nagdala ng pagkain nito.

Waitress yarn!

"And now, to award the Most Exemplary Student.. May we call on the awardee, Mr. Saint Monasterio."

Kalmadong pumalakpak ang lahat pero si Akina ay sobra-sobra ang cheer. "Thea, yung beshy mo! Whohhhh!" 

Tipid siyang ngumiti. "Napagwapo talaga ni Mr. Monasterio." Papuri ni Mrs. Guyan na kanilang Highschool Principal dati. "Are you single?"

Pinanlamigan siya ng kamay sa tanong.

"I am taken." Malinaw na sagot ni Saint. Mas lalo siyang pinagpawisan ng malamig. Isspluk na ba sila ni Saint?

"So.. Who's the lucky girl? Date mo ba siya ngayon?" Nanunuksong tanong ni Mrs. Guyan.

"She's the most beautiful woman here."

"Sino? Si Chloe? Siya lang naman ang beauty queen ng batch natin! Miss Grand International pa yan!" May sumigaw na grupo kung saan.

Umugong ang tuksuhan pero hindi iniaalis ang tingin sa kanya ni Saint.

"Ang chaka! Ba't si Chloe!" Reklamo ni Akina. "Dapat ikaw, Thea! Mas bagay kayo ni Saint!"

"I don't want to put her on the spot. Kung lalapit, then you will know. Baby, can you come on stage?"

Mas lalong lumakas ang kantyawan at bulungan. She hurriedly stood up, Saint's eyes were anticipative but instead of walking down the stage, she walked backwards. Papalayo, papalabas ng venue. Panay ang bitiw niya ng mura sa sarili habang lumalayo sa mga kaklase niya dati.

"What the hell, Thea? Anong nangyayari sa mga paa mo?" Bulong niya sa sarili habang naglalakad papalayo. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya dahil mukha siyang aparisyon pero umabot siya sa Resorts World at pumila pa siya sa Starbucks para umorder ng Americano.

Nang makuha na niya ang kape niya ay hindi niya alam kung gaano siya katagal tulala sa coffee shop. Bakit ba ayaw niya ng public na relasyon? Ano bang problema sa kanya?

"Gaga ka talaga, hindi ka pa rin nagbabago. Ikaw ang jowa ni Saint ano?" Narinig niya ang boses ni Akina na kalaunan ay umupo sa kanyang harapan. May hawak din itong kape. 

"Anong ginagawa mo rito, Kin?"

"Boring don, puro plastikan. Walwalan ang mga boys. Pokpok dance ang mga girls. Shit, ang tanda na ba natin?" Natawa si Akina at napailing. "Si Saint nagwawalwal din. Brokenhearted, ideneny mo 'e. Ano bang problema mong hayop ka?"

Umirap siya sa kaibigan. "Bakit ba kasi kailangan ibroadcast ang relasyon? I mean, kung kami? So what? Who knows what the future might be? Maghihiwalay kami tapos sayang naman ang ininvest samin na atensyon ng iba."

"Yun lang? Yun lang kaya sinaktan mo si Saint ngayong gabi?" Tumaas ang kilay ni Akina, "I fcking know you, girl. Laging si Saint ang iniisip mo. Kulang na lang yung panatang makabayan mo, iba ang talata e. Panatang Makabayan, Iniiibig ko si Saint Monasterio. Siya ang titeng aking sisilungan... Ito ang tahanan ng aking pipi."

"Bastos mo, Kin." She rolled her eyes heavenwards. "The teachers are so proud of him. He deserves that recognition, and in fact, he deserves someone better than me. Mahirap na ako, Kin, puro scandal pa."

"So? Gold digger ba si Saint? And who else deserves Saint than a woman who stood by him when he has nothing? Ikaw, Thea. Ikaw ang pinipili ni Saint. Ikaw ang pipiliin niya because he felt your unconditional love for him." Marubdob na wika ni Akina. Hindi siya kumibo.

"Tngina, lasing na yata ako. Sobrang makata na." Napamura si Akina, "Damn, it, magpamilya na kayo ni Saint. I have three kids now. Habol ka naman diyan! Mas lasing ka ba sakin? Nagkape ka lang ah."

She sighed. "Is Saint okay?"

Nagkibitbalikat si Kin, "Samahan na kitang sunduin. Mukhang kailangan nang bitbitin at ipagdrive."

Sumang-ayon siya kay Akina. Bumalik sila sa function hall, nagkakasiyahan na nga ang lahat. Mas madilim na ang ilaw at maraming alak ang umiikot. Nakaupo sa isang lamesa si Saint at walang kasama. Malalaki ang hakbang niyang nilapitan ito.

"Saint, can you still drive?"

Tiningnan siya ni Saint at ibinaba ang baso. "Andyan ka na pala. Umalis na tayo, Thea."

Tahimik siyang sumunod kay Saint. Kapag sinusubukan niyang paliitin ang distansya nito ay mas nilalakihan pa ni Saint ang hakbang. Parang iniiwasan pa siya.

Lawit na tuloy ang dila niya nang makarating sa parking lot.

"Saint, sandali. Ako na lang ang magdadrive." Habol niya rito nang akmang bubuksan ang Porsche nito. 

"Kaya ko, Thea." Malamig na turan nito.

"Hey, galit ka ba?"

"Hinaan mo ang boses mo baka may makarinig."

"Look, Saint, I'm sor--"

"Ano bang problema, Thea?" Malakas na tanong ni Saint. Napako siya sa kinatatayuan niya. "Are you still not proud of me? Nagsumikap ako, Thea, para magpantay tayo. Heto na ako! Bakit ayaw mo sakin? Naaawa ka lang ba talaga sa akin kaya nasa tabi pa rin kita?"

"That's not true, Saint. Hindi ako naaawa sayo."

"Kailangan pang makiusap ng Tatay ko para magustuhan mo ako. Yung mga kapatid ko ay halos itulak na ako sa iyo and what? You don't want the world know that we're together? Na akin ka na? Ikinahihiya mo pa rin ba ako, Thea?"

"Lasing ka na, Saint. Mag-usap tayo bukas." Pinanatili niya ang pagiging kalmado. 

"At alam mo kung anong pinakamasakit bukod sa kailangan mo akong itago? You can't even say that you love me and you can't even commit that you will carry our child if something happens accidentally. Hindi mo ako mahal."

Pagkasabi non ay tumalikod na si Saint at mabilis na sumakay sa sasakyan nito.

She couldn't believe that their official LQ was happening. 

The end.
















































































Char!








--

🧡 Makiwander | 📸 Instagram: Wandermaki | 💙 Facebook: Makiwander | 🐦 Twitter: Wandermaki | 💚 Spotify: The Slow Fix Podcast










Continue Reading

You'll Also Like

7M 141K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
8.1M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
406K 12.1K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
90.6K 1.3K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...