The Assassin Servant (Under I...

De Chomipinky

1M 20K 6.7K

Obsession series #1 The story revolves around Venezio, a skilled assassin driven by a desire for vengeance. A... Mais

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanaba 16
Kabanata 17
Kabanata 18🔺Warning🔺
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 28 🔺Warning🔺
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling kabanata
Main Characters

Kabanata 27

18.8K 375 46
De Chomipinky

Pumasok ako ng kwarto. Isasarado ko na sana ang pintuan may kamay na pumigil, inis kong binitawan ang door knob.

Pumasok si Venezio. May dalawang maleta syang dala.

Linagay nya sa gilid ng kama. Binalingan nya ako ng tingin.

"Magpatulong kalang kay, Manang, kung hindi mo alam gawin," ani nya, at binuksan ang malaking kabinet.

Nakita nya ang naka hanger na gown ko.

"Anong gagawin mo jan?" tanong ko at mabilis inagaw sa kanya ang gown.

Nabibigatan ako sa laki ng gown.

"Hindi kasya sa loob ng kabinet ang gown mo, Blare. Hahanap ako ng paglalagyan nyan." Kinuha nya ulit sa 'kin ang gown.

"Siguraduhin mo lang talaga na hindi mo 'yan susunugin. Alam ko naman patay na patay ka sa 'kin," binulong ko lang ang huli.

"What?" nagsalubong ang kilay nya.

"Lumayak ka na," ani ko at tinuro ang pintuan palabas.

Sinunod naman nya ako. Paglabas nya dala ang gown ko. Binuhat ko na rin ang ang isang maleta at binuksan.

Mas maraming dress kumpara sa mga T-shirt. May mga panloob na rin.

Tinaas ko ang isang panty na bulaklakin.

"P*tang ina!" Mura ko.

Agad kong binalik sa loob ang bulaklakin panty, dati lang ako mahilig nyan, pero ngayon hindi na.

Kumuha ako ng damit ko at nagpasyahan ng maligo, kahit anong lamig pa. Matagal pa rin ako maligo. May mga skin care routine na rin sa isang maleta.

Pagkatapos kong maligo, nagpahid na rin ako ng lotion. Ang sarap lang sa pakiramdam na nakaligo na rin ako. Nagblower lang ako dahil basa ang buhok ko.

Gabi na rin talaga, nakaramdam ako ng uhaw.

Nagpasyahan kong bumaba para kumuha ng tubig sa kitchen.

May nakahanda na rin tubig kaya iyon nalang ang ininom ko.

Aakyat na sana ako ng mapansin nakabukas ang pintuan. May twalya akong nakita sa sofa kaya kinuha ko iyon at binalot sa sarili, malamig talaga sa labas.

Maliwanag naman sa labas. Bilog na bilog rin ang buwan.

Nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod habang nakatingin sa dagat.

Hindi ko alam na mahilig pala talaga si Venezio sa alon, kaya naman pala dito nya pinili magpatayo ng bahay.

Nang maramdaman nya ako, agad syang lumingon sa gawi ko.

Naglakad ako papalapit sa kanya at umupo sa tabi nya.

Pareho kaming nakatingin sa hampas ng alon.

"Bakit hindi kapa natulog?" tanong nya.

"Malamang hindi pa ako inaantok," sagot ko.

"Blare!" Suway nya.

Tumahimik ako. Ang lamig talaga dito sa labas.

Napakurap kurap ako ng hawakan nya ang kanan palad ko at haplosin.

Pinagtama nya ang tingin namin. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Pumikit ako ng unti unti nyang ilapit ang labi sa labi ko. Ilan segundo lang naramdaman ko na ang malambot nyang labi.

Sumabay ako sa halik nya.

Nagbitaw ang labi namin pero magkadikit pa rin ang tungki ng ilong namin.

Hinaplos nya ang labi ko gamit ang hinlalaki ng kamay nya.

"Tastes strawberry!" Ramdam ko ang init ng hininga nya.

Pinatong nya ang ulo ko sa balikat nya. Pumikit ako at nilanghap ang simoy ng hangin.

Blanko ang utak ko. Wala talagang pumapasok.

Unti unti akong kinakain ng antok ko, naramdaman kong binuhat nya ako.

Nilapag nya ako sa malambot na kama. Linagyan na rin ng kumot ang katawan ko bilang pambalot.

"Good night, Blare!" He kissed my forehead.

Hinayaan ko ang sariling matulog.

-

Hapon na rin ng magising ako. Ang ganda ng mood ko, siguro dahil wala akong trabaho ngayon at malaya kong magagawa lahat ng gusto ko.

Saktong pagbangon ko ng bumukas ang pintuan. Pumasok si Venezio na may dalang try.

Uminit ang pisngi ko ng sumagi sa isip ko ang halikan namin kagabi. Blare, bakit lumambot ka na naman sa kanya?

Nilapag nya sa tabi ko ang pagkain.

"Kumusta ang tulog mo? Nakatulog ka ba ng mahimbing?" Umupo sya sa tabi ko at hinaplos ang kamay ko.

Damn!

Magtatalon na talaga ako.

Tumango ako.

Para na akong sasabog. I feel butterfly in my stomach. Pwede ko bang alisin?

"Kumain ka na, ipapasyal kita dito sa isla pagkatapos mo." Tumayo sya at ginulo ang tutok ng buhok ko.

Paglabas nya ng kwarto. Kinagat ko ang unan ko para pigilan sumigaw.

Ang gwapo pa rin nya talaga.

Blare, matanda ka na para sa kilig moments na 'yan. Tama na! Relax.

Kumain ako. Excited na rin ako pumasyal. Mukhang mawalak naman talaga ang isla, pag-aari ni Venezio ang islang 'to?

Should i ask him? No, blare.

Pagkatapos kong kumain, dinala ko na rin sa baba ang tray. Nakita ko syang nag-aayos ng baril. Agad nyang tinigil ng lumapit ako.

"Tapos ka na?" Tiningala nya ako.

"Yes, let's go!" Parang batang pag-aaya ko.

Sanay na talaga ako sa mga baril. Natuto rin ako kung paano humawak, normal sa 'kin kung may makita akongg baril.

Tumayo sya at tinago ang baril sa likod nya.

"Bakit kailangan mo pa rin ng baril? mamasyal lang naman tayo," tanong ko.

"For protection," he said.

Tumango ako.

Wala naman mga tao dito, kaming tatlo lang.

Lumabas kami ng bahay. Sabay kaming naglalakad, minsan nauuna ako dahil pinaglalaruan ko pa ang buhangin.

"Blare!" Tawag ni Venezio ng malayo na ako sa kanya.

Tumigil ako sa paglalakad at hinintay sya. Ang bagal maglakad.

Hinigpit nya ang bewang ko.

"I have a suprise for you." Bigla nyang tinakpan ang mga mata ko.

Binubuksan ko ang mata ko pero wala talaga akong makita. Mukhang sakop talaga ng kamay nya ang buong mukha ko.

"Wag mo akong ibabangga," ani ko. Kinakabahan talaga ako kapag wala akong nakikita.

Dahan dahan ang bawat lakad ko. Sa likod ko si Venezio, kumapit ako sa braso nya.

"Venezio!" Sigaw ko sa pangalan nya.

"Relax, baby! Sigurado akong magugustuhan mo 'to." Narinig ko ang pagtawa nya.

"Siguraduhin mo lang talaga. Matagal pa ba?" atat na tanong ko.

"Wait!"

Biglang kaming tumigil sa paglalakad. Kinakabahan ako. Paano kung iwan nya ako dito?

Paano kung ahas 'yan?

1

2

3

Dahan dahan binuksan ni Venezio ang kamay nya.

"Suprise," he whispered.

Kinusot ko ang mata ko dahil biglang dumilim. Lintik naman.

"Venezio, pwe-" bumilog ang bibig ko ng makitaa kung ano ang nasa harap ko.

Sobrang daming tulips. Iba't ibang kulay.

This is paradise. Iba't ibang kulay ng tulips, para akong batang lumapit sa mga tulips, lumuhod ako at inamoy.

Liningon ko si Venezio.

"Pwedeng pumutol?" tanong ko.

Tumango naman sya.

Kumuha ako ng isa. Inaamoy ko ang tulips, sobrang bango, pumagitna ako.

Sobrang lawak rin ng tanim nila, parang ang sarap naman mag relax dito.

Maraming bumaklak na nakatanim dito pero tangin tulips lang ang umagaw ng pansin ko.

Umupo si Venezio sa silong ng malaking puno, pinapanood nya lang ako.

Hindi pa rin mawala ang pagkamangha ko. Nagputol ulit ako ng isa, nagmatch sa dress ko na kulay pula.

Hindi mawala ang ngiti ko. May biglang butterfly na dumapo sa tulips na hawak ko.

"Ang ganda no? Sayang at wala tayong camera." Baliw na talaga ako dahil kahit butterfly kinakausap ko na rin.

"Tsk!"

Hindi ko pinansin si Venezio. Hahawakan ko na sana ang butterfly ng biglang lumipad. Sinundan ko sya ng tingin hanggan sa makitang lumipat sya sa dadapuan.

"Ang sungit naman." Reklamo ko  kaunting haplos lang naman gagawin ko.

Linibot ko na lang ang mga tulips, pumunta rin ako sa sun flower, hanggan bewang ko palang naman ang haba.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Flowers lang pala ang magugustuhan ko.

Agad kong liningon si Venezio ng bigla syang magpaputok ng baril. Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita ang malaking ahas sa likod ko.

Hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat ko.

Lumapit si Venezio sa 'kin at dinala sa tabi ng puno. Tinapik nya ang pisngi ko dahil hindi pa rin ako gumagalaw

"Blare!" niyugyog nya balikat ko. Tiningnan ko sya.

"V-venezio!" Agad ko syang niyakap ng makarecover ako.

Paano kung nakagat ako ng ahas? Ano nalang ang mangyayari sa 'kin? ang alam ko nakakamatay ang kamandag nila.

Pinaupo nya ako sa tabi, tulala ako lamang ako.

May trauma ako sa ahas, bata palang ako takot na rin ako sa ahas, simula ng pumasok si Dad sa politika. Ako ang naging target ng mga kalaban nya, minsan na rin sila pinasok ang bahay namin, at nilagyan ng ahas ang kwarto ko.

Muntik na rin ako makagat noon pero may isang taong tumulong sa 'kin, hanggan ngayon hindi ko pa rin alam kung sino ang taong tumulong sa 'kin.

Isa lang ang  hindi ko makakalimutan, kung paano nya galawin ang baril.

Binigyan nya ako ng tubig para pakalmahin ako, pero umiling agad ako. Ayokong uminom.

Tiningan ko sya sa mata. Kumunot ang nuo nya.

"May problema ba?" hahawakan nya sana ako ng tabigin ko ang kamay nya. Halata ang gulat sa mga mata nya.

Tumayo ako at bahagyang lumayo sa kanya.

"Ikaw ang pumatay sa mga ahas sa kwarto ko, Venezio." Malakas na sigaw ko.

"What do you mean, Blare?" Nagmaang maangan ka pa ngayon Venezio.

Bata palang ako. Alam ko nang may taong nakasunod sa 'kin, nasanay na rin ako, kaya hinayaan ko nalang dahil akala ko normal lang ang lahat.

"Stop acting, Venezio! Hindi mo ako maloloko, ikaw ang lalaking palaging sumusunod sa 'kin."

He sighed.

Tinago nya ang baril sa likod nya.

Tiningnan nya ako sa mata. Umiwas agad ako, hindi ko kayang titigan ang mga mata nya.

"Ilan taon mo nang ginagawa 'to, Venezio?" Nanghina ang boses ko.

"Simula ng magdalaga ka." Kumunot ang nuo ko ng makitang pumula ang pisngi nya.

Ilan taon nga ako ng magdalaga ako, wa-wait.

10 taong palang ako ng magdalaga ako. Maaga akong nagdalaga.

"So, You're telling me na 19 years mo na akong binabantayan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes, responsibilidad kong bantayan ka, Blare." Nilampasan nya ako at umupo ulit sa tabi ng kahoy.

Sinundan ko sya ng tingin

"Bakit mo ginagawa to? How? Paano mo nakayang bantayan ako ng 19 years, Venezio?" Ayaw magprocess sa utak ko.

Ang hirap paniwalaan ang sinabi nya pero ramdam ko noon na may taong nag aaligid sa 'kin.

"Kung nakikita mo lang ang nakikita ko, malalaman mo kung bakit umabot sa 19 years. Mukhang magtatagal pa." Nginitian nya ako.

"Kaya ka ba namasukan sa pamilya ko, para lang mapalapit sa 'kin?"

Hindi nya ako sinagot. Pinikit nya lang ang dalawang mata.

Hindi pa kami tapos mag-usap. t
Tinulugan na agad ako. Ang kapal ng mukha.

Takot lang talaga syang malaman kong, patay na patay sya sa 'kin.

Pag gising nya, bumalik na rin kami. Umakyat sya sa taas kaya na iwan akong katabi si manang.

"Kumusta naman ang lakad nyo? Alam mo bang ikaw ang kauna unahan babaeng dinala nya dito." Masayang kwento ni Manang.

Inabot nya sa 'kin ang gatas. Namiss ko tuloy ang alak. Ilan araw na rin ng hindi ako nakakainom.

"Alam nyo rin ba manang, patay na patay pala sa 'kin ang alaga nyo," natawawa kong kwento.

Nong akala kong patay na sya, nasa piligid ko pa rin ba sya? Paano sila nagkakilala ni Chantel?

I bite my lower lips. Biglang pumasok sa isip ko na may gusto pala si Chantel kay Venezio. Bakit parang ang sama ko naman kaibigan? ano kaya ang iisipin nya kapag nalaman nyang kasama ko ngayon si Venezio?

I'm sorry, Chantel. i
Ipapaliwag ko sayo lahat kapag nakabalik na ako.

Pagkatapos namin magkwentuhan ni Manang, pumasok na ulit ako ng kwarto ko. Hindi ko magawang magmuni muni dahil wala man lang balcony o bintana ang kwarto.

Gumawa ka talaga ng paraan para hindi ako makatas dito sa isla mo.

Pagsapit ng hapon, kumain lang ako mag isa dahil hindi pa rin daw bumaba si Venezio sa kwarto nya.

Ano kaya ginagawa ng lalaking 'yon?

Tuwing sabado umaalis daw si manang para bumili sa palengki ng mga lulutuin.

Pwede kaya akong sumama kapag namalengki sya?  gusto ko lang naman maranasan.

Nasa tapat ako ng pintuan ni Venezio, Kumatok ako pero walang nagbubukas.

Kapag ako nainis, sisipain ko na talaga.

Kumatok ulit ako. Tinapat ko ang tainga ko sa pintuan para pakinggan kung may tao ba.

Wala akong naririnig pero sabi ni manang nasa loob pa rin daw si Venezio.

Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan, bigla akong nasubsob sa matigas na bagay.

"What are you doing here?" Matigas na wika ni Venezio.

Continue lendo

Você também vai gostar

72.7K 1.3K 24
Like a Promise WIFE SERIES COLLABORATION Genre: General Fiction Status: COMPLETE A collaboration under PaperInk Imprints Marriage isn't the end of ha...
29K 222 5
Afraid to disappoint her parents, Rafaela Santi Vlanco stayed in an unhappy marriage with a husband who only treated her as a trophy. Because of Geis...
90.5K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
10.3K 256 17
A wealthy businessman died due to sudden cardiac arrest. But Maui, the patient's nurse, believes the incident is a murder case. Her desire to bring j...