Retired Playboy

By JFstories

13.6M 387K 136K

Macario Karangalan Sandoval More

Prologue
MACARIO KARANGALAN SANDOVAL
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 20.1

71.6K 2.4K 359
By JFstories

WALA AKO SA SARILI NA UMUWI SA AMIN. Galing ako sa OB. Two months na ang tiyan ko.


Hindi ko alam kung kanino ko unang sasabihin, kung kay Macoy ba o sa pamilya ko. Gulong-gulo ako at nanghihina, ang gusto ko muna ay makapagpahinga. Gusto kong makita sina Mama at Papa.


Dahil nagtitipid ay naglakad lang ako papasok sa subdivision namin. Pagkarating sa amin ay nakita ko agad ang nakaparadang sasakyan sa labas ng gate. Bakit nataon pa na nandito si Donald sa amin?!


Aatras sana ako nang sakto na lumabas si Ate Nita ng pinto. Nakita ako nito. "Pamela!"


Napalabas na rin si Mama at napangiti. "Naku, sakto! Nandito si Donald at hinihintay ka!"


Napapasok na tuloy ako sa loob. Nagmano ako kina Mama at Papa na hindi tinatapunan ng tingin ang lalaking nakaupo sa sofa.


"Pamela, saan ka ba nag-bo-board?" tanong ni Ate Nita sa akin. "Bakit hindi mo ipinapaalam sa amin? Ito ngang si Donald o ay gustong-gusto kang dalawin."


Iyon nga ang dahilan, Ate, kaya ayaw kong sabihin, sa loob-loob ko. Hindi pa ba obvious iyon?


Rinding-rindi ako sa mga papuri ng aking pamilya kay Donald, na kesyo kahit hindi raw sigurado kung uuwi ako ay patuloy pa rin daw na dumadalaw sa amin. Si Donald naman ay ngingiti-ngiti lang.


Ang balak ko na pumunta sa aking kuwarto ay hindi nangyari. Inutusan ako ni Mama na i-entertain si Donald sa sala. Niyaya ko ang lalaki na lumabas, gusto ko siyang kausapin na kami lang dalawa.


"Pamela, are you all right?" tanong niya sa akin habang nakatitig sa aking labi. Nasa garahe kami ngayon. "You're pale."


Tumango ako. "Okay lang ako." Pero ang totoo ay nahihilo na ako. Gusto ko lang talaga na kausapin siya. Gusto kong patigilin na siya sa pagpunta-punta rito dahil wala naman siya sa aking aasahan. Ilang beses ko na siyang lantarang tinanggihan, makulit lang talaga siya.


"Pamela, palagi akong pumupunta rito dahil inaabangan kita."


Sinalubong ko ang seryoso niyang mga mata. "Itigil mo na, Donald. Wala kang aasahan sa akin. Gusto ka man ng pamilya ko, hindi naman kita gusto."


"I believe that you'll change your mind."


Natampal ko ang aking noo.


"I want to marry you, Pamela. I already asked your family for your hand."


Lalong kumibot ang sentido ko. "May mahal na akong iba."


Nagblangko ang kanyang mukha. Nakita kong napakuyom siya ng kamao. "I won't give up on you. Just let me do this, Pamela. You can't stop me from loving you. We're living in a free country. I am free to do what I want."


Sumuko na ako. "'Geh, push mo 'yan."


Matigas talaga ang isang 'to. Magkasing tigas yata ang ulo namin. Sa akin yata siya nagmana.


"Pero Donald, walang sisihan. Hindi ako nagkulang sa paalala sa 'yo na wala ka talagang aasahan."


Dumilim ang kanyang mga mata pagkatapos ay maliit na ngumiti siya. "We'll see about that." Pagkatapos ay tinalikuran niya na ako. Basta siya lumabas ng gate at pumasok sa kanyang sasakyan. Umalis siya nang hindi man lang nakaisip na magpaalam sa aking mga magulang.


Napalabas si Ate Nita ng pinto. Hindi na niya naabutan si Donald. Galit na galit siya sa akin. "Narinig ko ang mga sinabi mo, Pamela!"


Lumabas din si Mama sa pinto. Pareho silang galit ni Ate Nita. Pinakinggan pala nila ang pag-uusap namin ni Donald kanina.


Hinablot ni Ate Nita ang aking braso. "Bakit mo sinasayang ang pagkakataon, ha! Gamitin mo naman ang utak mo! Mahal ka nong tao! Kung siya ang makakatuluyan mo ay tiyak nang magiging maganda ang kinabukasan mo!"


"Ate, hindi ko siya gusto!" sa wakas ay aking nailabas ang sinasaloob ko. "Ayoko sa kanya!"


"He's not like Theo, Pamela," mapaklang bitiw ni Ate Nita. "Donald really loves you. Kapag siya ang nakatuluyan mo, magiging maganda ang buhay mo. Babayaran niya pati lahat ng utang natin sa bangko. Para mo na ring iniahon sa kumunoy ang pamilyang ito."


"Bakit kailangan niyo akong pilitin, Ate? Hindi ko nga siya gusto! Hindi ko siya mahal!"


"At sino ang mahal mo?" Sumingit si Mama at hinawakan ako sa balikat. "Totoo ba iyong sinabi mo kay Donald na may iba ka ng mahal?! May boyfriend ka na ba na hindi sinasabi sa amin, ha?!"


"Kaya ka ba lumayo at nag-boarding house, Pamela?" nanunuyang tanong ni Ate Nita. "Hindi para makaluwag sina Mama at Papa sa gastusin dito, kundi dahil may boyfriend kang itinatago?"


Hindi ko na nakuhang magsalita. Natutop ko ang aking bibig nang bigla akong makaramdam ng pagkasuka.


Nanakbo ako patungo sa kusina at doon sa lababo sumuka. Naisuka ko ang lahat ng kinain ko kanina pang umaga. Hinang-hina ako. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na sina Mama at Ate Nita.


Iniharap ako ni Mama sa kanya. "Anong nangyayari sa'yo? Masama ba ang pakiramdam mo? Namayat ka at ang putla-putla mo. 'Wag mong sabihing..." Natigilan si Mama.


"Ma..." Napaiyak na ako nang makitang naluluha siya.


Kinapa ni Mama ang aking leeg. Pinulsuhan niya rin ako. Nabitiwan niya ako at nanlaki ang kanyang mga mata. "Buntis ka!"


"A-Ate...M-Ma..." basag na sabi ko. "I'm sorry..."


Sinampal ako ni Mama. "Paano mo nagawa sa'min to? Bakit mo kami niloko?!"


Napahiyaw si Ate Nita. "What did you do, Pamela?!" Pulang-pula siya habang naglalabasan ang litid sa leeg. "Binibigay ko lahat ng luho para makita mo, para ma-realize mo na isang magadang buhay ang para sa 'yo! Anong ginawa mo, nagpabuntis ka lang sa kung sino!"


Dumating si Papa sa kusina dahil narinig nito ang sigawan. "Ano'ng nangyayari dito? Ano'ng ginagawa niyo kay Pamela?!"


Hindi ito pinansin ni Ate Nita at sinugod ako para sampalin. "Nag-iisip ka ba o talagang tanga ka lang talaga?! Bakit ka nagpabuntis? Napakalandi mo!"


Inawat na siya ni Papa at hinila siya palayo sa akin. Balak niya pa kasi akong sabunutan. Galit na galit siya sa akin.


"Mahal ko siya!" sigaw ko sa pagitan ng aking pag-iyak. "Mahal ko ang nakabuntis sa akin, Ate! Mahal ko!"


"Sino ang walanghiyang nakabuntis sa 'yo?!" Si Mama ang sumigaw.


Napamulagat si Papa sa narinig at napatitig sa akin. "Buntis ka, Pamela?!"


Luhaan at nanginginig akong tumango. "I-ipapakilala ko naman siya sa inyo."


"At anong maitutulong sa'yo ng pagmamahal?!" asik ni Mama sa akin habang awat-awat din siya ni Papa. "Mapapakain ka ba niya?!"


"M-mayaman po siya," sagot ko.


Natigilan silang dalawa ni Ate Nita at nagkatinginan.


"Boyfriend ko po siya." Pinunasan ko ang aking mga luha. "Matagal na. Natatakot lang ako na magsabi sa inyo. Mayaman po siya." Higit na mayaman kay Donald.


At isang sikat na tao...


Saka lang kumalma si Mama. "Ipakilala mo siya sa amin."


Hinila ako ni Ate Nita sa braso. Hinila ako ni Ate Nita sa braso. "Listen, Pamela. You only have two choices. Ipapadala ka namin sa probinsya para ipalaglag ang bata at pakasalan si Donald o ipapakilala mo sa amin ang ama niyang ipinagbubuntis mo!"


"I-ipapakilala ko siya sa inyo." Tinabig ko ang kamay ni Ate Nita. "B-bukas... Makikilala nyo siya."


Hindi ko na nasabi sa kanila na asawa ko na ang ama ng ipinagbubuntis ko. Saka ko na sasabihin sa kanila na kasal na ako kay Macoy kapag ipinakilala ko na sa kanila ang lalaki.


Pero saang lupalop kaya ng mundo ko hahanapin si Macoy?


....


Macario Karangalan Sandoval


PEARL FORESTEIR had been calling me, but I never picked up her call. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang number ko. Ayaw ko na siyang makita dahil baka masakal ko lang siya.


Wala akong maalala kung paanong nagkaroon ng kuha sa amin ang paparazzi. All I knew was that I drowned myself in alcohol at a bar in Libis. Sobrang durog ko sa problema kaya gusto kong makalimot sandali. Gusto kong okay na ako kapag humarap ako sa asawa ko. Nang lasing na lasing na, umalis na ako sa bar. Ang naaalala ko ay sumakay ako ng taxi na mag-isa.


When I woke up the next day I found out that I was in a hotel room. Naked. But I was alone. I was sure I was alone. Wala akong maalala kung bakit nasa hotel ako at wala sa aking condo. Umalis din ako roon.


Kinokondisyon ko ang sarili bago puntahan si Pamela. Ang gusto ko ay okay na okay na ako kapag nagkita kami, but then siya ang naunang pumunta sa akin. She was very angry. She didn't want to listen to me. She didn't want to believe my explanations.


Nagkalat na pala sa mga magazines at sa Internet na may affair ako kay Pearl Foresteir. Gusto kong linawin na walang katotohanan iyon. Kinausap ko si Pearl para paaminin ang babae, pero pinagtawanan niya ako. Bakit wala raw akong maalala?


Damn it, bakit hindi ko raw maalala kung paano ko siya pinaligaya sa kama?!


May nangyari sa aming dalawa. Hindi ko maalala pero meron daw nangyari. Magdamag kaming nag-sex, putang-ina!


Nagsisigaw ako sa frustation dahil hindi ko kayang manakit ng babae, pero parang gusto kong basagin ang bungo ni Pearl habang nakangisi siya sa akin. Habang sinasabi niya lahat ng kababuyan na ginawa namin.


May asawa na ako, putang-ina! Nakipag-sex pa rin ako sa iba! Napakawalang-hiya ko! Dapat lang na isumpa ako ni Pamela!


Damn! Nandidiri ako sa sarili ko! Wala akong mukhang maihaharap sa asawa ko. Hindi ko siya kayang harapin. Hawakan siya, halikan siya at yakapin, hindi ko na kaya. Wala akong kuwenta.


Napasubsob ako sa sahig kung saan nakakalat ang mga basag na gamit. Mga gamit na pinagtatapon at pinagbababasag ko.


I was a mess. I was hopeless. My Uncle Ariseo was right all along. Lahat ng tao didikit sa akin ay masasaktan at mapapahamak lang.


Hindi ko napansin na pumasok na pala si Cloud sa pinto. Labas-masok siya sa condo ko kaya kahit kailan niya gustong pumunta ay makakapasok siya. Nag-squat siya sa aking harapan at hinawakan ako sa ulo.


"Macoy, what's happening to you?"


Sumandal ako sa ibaba ng kama at tumingin sa kanya. Mabuti pa ang batang ito, walang problema. Sa kabila ng magulo rin niyang pamilya, chill-chill lang siya.


"I came here to remind you that we have a flight to catch tomorrow night. We have a concert in LA next week."


Yeah, tonight sunod-sunod ang mga ganap ng BOS. Ang dami nang rehearsals namin ang hindi ko napuntahan. Mabuti at wala ring namang pakialam ang mga kabanda ko. Madalas ay doon na kami mismo sa concert nagkikita-kita.


"Oh, by the way, I'm sorry about your step-mom and uncle," ani Cloud.


Pinabukol ko ang aking dila sa loob ng pisngi ko. Oo nga pala, muntik nang mawala sa isip ko. Lulu and Uncle Ariseo were all over the news right now. Nasangkot sa car accident ang dalawa. Dead on arrival sa ospital.


Dahil sa aksidenteng iyon ay lumabas ang tinatagong lihim na relasyon ng mga ito. I was not surprised, though. I knew that Lulu was capable of betraying my dad. Kay Uncle Ariseo lang ako na-disappoint. Mahal ito ni Dad bilang pinsan. Mahal din ni Grandpa at pinagkatiwalaan pa sa kompanya, pero anong ginawa nito? Inahas si Lulu.


Pero sino ako para manghusga? Hayup din naman ako na nagtaksil sa sarili kong asawa. Pareho-pareho lang kami na masusunog sa impyerno.


Kung may maayos mang nangyari matapos ang lahat, iyon ay ang tumaas ang rating ni Dad sa mga tao. The result of Lulu's death was good for his political career. Apart from the fact that people really loved him because he was a good politician, ay kinaawaan pa siya ngayon dahil pangalawang beses niya nang nabiyudo. Malamang na landslide win siya sa susunod na eleksyon. Magiging presidente siya.


Isa pang magandang pangyayari ay nag-reach out sa akin si Dad. Humihingi ng tawad. Pinapauwi na ako sa mansiyon. Ayaw ko pa nga lang siyang harapin ngayon.


Wala naman talaga akong kwentang anak. Baka ako pa ang makasira sa maganda niyang reputasyon sa publiko. Saka na, kapag siguro may matino nang nangyari sa buhay ko.


Bigla ko kasing naisip ang asawa ko, si Pamela. My life was a mess. It was a total mess. Nagkamali ako na ipinasok ko siya sa buhay ko na magulo. Hindi ko man lang siya magawang alagaan. Magiging magulo lang din ang buhay niya sa akin.


Nagsisisi na ako kung bakit ko pa siya pinakasalan. She deserved someone better. Hindi iyong katulad kong patapon.


Mahinang tinadyakan ako ni Cloud sa tuhod. Nakatayo na pala siya sa harapan ko at matamang nakatitig sa akin. "If you're thinking about a girl, stop it, bro. Panira iyan. We're still young. Ang haba pa ng panahon natin. 'Wag mong paiksiin."


"Yeah..." I lazily agreed.


Then suddenly my cellphone rang. It was Pamela. Napatitig ako sa screen ng phone ko. Should I pick it up?


Wala akong balak pero nagkusa ang mga daliri ko sa pag-tap ng screen. Pinakinggan ko ang paghinga niya sa kabilang linya. Bumangon sa aking dibdib ang pangungulila. Paano ko ba siya kukumustahin?


Narinig ko agad ang boses niya. [ M-Macoy, may sasabihin ako sa'yo. Kailangan nating magkita. ]


Napaayos ako sa pagkakaupo sa sahig. Galit siya sa akin, bakit siya makikipagkita? At bakit parang galing sa pag-iyak ang boses niya?


Posible ngang umiyak si Pamela. Bukod sa may sarili siyang problema sa kanyang pamilya ay dumadagdag pa ako. I was the main reason why she felt miserable. Kasalanan ko kung bakit unti-unti na rin nasisira ang buhay niya.


[ Macoy, nakikinig ka ba? Kailangan nating makita. ]


Napapikit ako bago mahinang sumagot, "I'm busy."


[ Ngayon ka lang sumagot sa tawag ko, 'tapos ganito pa ang sagot mo?! ] Halos sumigaw siya. [ Basta kailangan nating magkita! Please, pumunta ka sa bahay namin. Please, hindi puwede na hindi ka pupunta! ]


I gritted my teeth in guilt after hearing the desperation in her voice.


Pamela was a beautiful, sweet, and smart woman. Marami ang puwedeng magmahal sa kanya na hindi ipaparanas sa kanya ang nararanasan niya ngayon sa akin, kaya lang sa akin siya bumagsak.


Muli akong sinipa sa tuhod ni Cloud. "What the—"


[ Sino'ng kasama mo?! ] biglang tanong ni Pamela. Nabasag ang boses niya. [ May kasama ka! May kasama kang babae! ]


"It's..." Sasabihin ko sana na si Cloud lang ang kasama ko, but then I realized something.


Wala nang tiwala sa akin si Pamela.


And I was right. Before I could answer her, she hung up. Wala na siya sa kabilang linya...


....


Pamela


NAPAKALAKAS ng ulan sa labas. Nasaan na ba si Macoy? Bakit wala pa rin siya? Akala ko ba on the way na siya kanina pa?


Sinabihan ko siya kahapon na pumunta siya sa bahay namin. Na importanteng pumunta siya. Na magpapakita at magpapakilala na siya sa pamilya ko. Umasa ako na pupunta siya. Pero namuti na ang mga mata namin sa bahay na maski anino niya ay hindi nagpakita.


Galit na galit ang aking pamilya dahil iniisip nila na nagsisinungaling lang ako. Hindi ako makasagot dahil sa panliliit.


Ngayon ay nag-set ako ng bukod naming pagkikita ni Macoy. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong itanong sa kanya kung ano na ba talaga ang plano niya. At gusto ko na ring isambulat sa kanya na buntis ako. Na magkakaanak na kaming dalawa.


Baka lang kasi kapag nalaman niyang buntis ako ay maalala niya iyong mga pangako niya sa akin. Baka maalala niya na mahal niya ako.


Nandito ako ngayon sa isang bakanteng canteen. Inaayos pa lang kasi ito. Kami lang ang tao rito kaya dito ko napili na makipagkita sa kanya. Nang matanaw ko si Macoy na papasok ay agad akong napatayo.


Pinagmasdan ko siya habang naglalakad papunta sa aking kinaroroonan. Saglit niya lang akong tinapunan ng tingin dahil masyado siyang busy sa pagtingin sa screen ng hawak-hawak niyang cell phone.


Kanina ko pa siya itini-text pero ni hindi niya man lang ako ma-reply-an, gayong heto at hindi niya naman pala binibitiwan ang phone niya.


"Kanina ka pa?" tanong niya na abala pa rin sa pagtingin sa cell phone niya.


Tumango ako. "Limang oras na kong naghihintay rito, Macoy."


"Sorry," salat sa sinseridad na sabi niya.


"Sino ba kasi 'yang ka-text mo?"


"Si Cloud. We have a flight to catch later. We're going to LA."


LA? Aalis siya nang hindi nagsasabi sa akin? Kung hindi pa ako makikipagkita sa kanya, hindi ko pa malalaman? Sabagay, sikat na sikat siya. In demand. Busy na tao. Nagugulat na nga lang ako na nasa kung saang bansa na siya... at kung sino-sino ang mga nakakasama niya.


"Bukod sa banda, sino pa ang makakasama mo sa LA?" anas ko sa piyok na boses. "Kasama mo rin ba ang Italyanang si Pearl Foresteir?"


Nagsalubong ang kilay niya. Nagdilim ang mga mata.


"Macoy, 'di ba pinapunta kita kahapon sa amin? Iyon ang unang beses na hiniling ko na pumunta ka, pero hindi ka dumating," puno ng pait na sumbat ko sa kanya.


Yumuko siya at hindi nagsalita.


Bakit ba hindi pa ako nadala? Ilang beses na itong nangyari. Paulit-ulit na lang pero heto pa rin ako, umaasa pa rin na magbabago siya. Na mag-ma-mature na siya.


Ano nga ba talaga ang sadya ko at hinintay ko siya rito nang ganito katagal? Bakit nga ba gusto kong makausap pa siya sa kabila ng nalaman kong niloloko niya na naman ako? Ah, oo nga pala, umaasa pa rin pala ako na magbabago siya. Umaasa pa rin talaga ako kasi mahal na mahal ko siya.


Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang totoong sadya ko... na buntis ako.


Napaatras ako. Ilang sandali pa'y naglandas na ang mga luha ko. "A-ayoko na, Macoy..."


Napamura siya. Bumalatay bigla sa mukha niya ang gulat kahit parang nag-e-expect na siya.


Umiling ako. "Macoy, ayoko na... pagod na ako..."


Bumaha ang gulat sa kanina'y walang emosyong mukha ni Macoy. Tila siya nagising. "Pamela, what the fuck?" Bigla niyang ibinulsa ang CP niya. 


Napangiti ako sa kanya kahit puno ng luha ang mga mata ko.


Lumambot ang ekspresyon niya at nakita ko ang pagguhit ng sakit sa magandang uri ng mga mata niya. "Pamela..."


Sa mga ganitong titig niya ako nahulog at napaniwalang may pag-asa pa kaming dalawa.


Napatingala si Macoy habang hinihilot ng mahahabang daliri ang sariling noo. Nang muli siyang tumingin sa akin ay matigas na ang kanyang ekspresyon.


"Fine."


Umawang ang mga labi ko.


"Fine. It's fine with me." Malamig siyang ngumiti. "Tapusin na natin ito, Pamela." Pagkuwa'y tumalikod na siya.


Gusto ko siyang awatin at habulin. Gusto kong sabihin sa kanya na magkakaanak na kami. Pero para ano? Para lalo siyang magalit? Malamang na magagalit talaga siya dahil nakaligtaan ko ang pag-inom ng pills. Bata pa siya para magkaanak. I don't think na handa na siyang magkaanak.


Ngunit sadya nga yatang tanga ako at matigas ang aking ulo. Tumayo ako at hinabol ko siya. Hinila ko siya sa braso. "M-Macoy..." Napahagulhol ako.


"What?" Tinabig niya ang kamay ko.


"M-minahal mo ba ko?"


Hindi siya agad nakasagot. "Mahal kita."


Really? How could I believe that? Minsan nararamdaman kong oo mahal niya ako, pero meron ding minsan na hindi ko nararamdaman na mahalaga ako.


Naalala ko ang aking paniniwala. Na kaya nagpapakasal ang dalawang tao ay dahil mahal nila ang isa't isa. Kasi naniniwala sila na sila na panghabangbuhay, na hindi na sila maghihiwalay. Na kahit magkaroon ng problema, may dumaang tukso o masasakit na pangyayari, sila pa rin sa huli.


Dahil panghahawakan nila iyong mga pangako nila sa kanilang kasal na ipaglalaban nila ang isa't isa hanggang katapusan. Pero mukhang katulad ng ibang ikinasal na naghiwalay ay ganoon din ang aming kahihinatnan.


Tumango ako. Nagdurugo ang puso ko nang mga sandaling iyon pero nakapagsalita pa ako. "G-good-bye, Macoy..."


Matagal niya akong tinitigan. Pagkatapos ay padabog siyang lumabas ng pinto ng canteen.


Napaupo ako mula sa pagkakatayo. Yakap ko ang aking sarili. Pakiramdam ko ay walang-wala ako ngayong iniwan niya ako. Ang meron lang ako ay itong anak ko.


Napahimas ako ang aking tiyan. Masakit, I know. Pero ito ang tamang paraan para mabuhay ako – kami ng anak ko.


Walang ibang paraan kundi ang maghiwalay kami ni Macoy. Mabubuhay ako ng kaming dalawa lang ng anak ko.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
345 60 23
Ang librong ito ay naglalaman ng mga akda ng iba't ibang manunulat na nagpasa sa palahok ng GOLDEN PEN para sa maikling kuwento. Ang lahat ng nilala...
24.5M 716K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...