Ang Martyr at Ang Manhid (MSS...

By kimperfections

184K 3.4K 290

Istorya ng babaeng lubos kung magmahal. Ang babaeng iiiyak lahat ng luha, ibubuhos lahat ng uhog, itutulo lah... More

Ang Martyr at Ang Manhid
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Ang Martyr at Ang Manhid

Kabanata 38

2K 41 2
By kimperfections

Kabanata 38

Kilig Moments

"Hoy Waju. Bakit mo'ko inakbayan kanina? Alam mo namang nandun si bees, kaloka ka. Magselos yun," sabi ko kay Waju habang papunta kami sa disciplinary office para isubmit ang detention slip namin at mabigyan kami ng gagawin namin.

"I winked at her, at alam na niya 'yun."

"Ah, kaya pala."

"Anong kaya pala?" hinawakan ko na ang door knob ng disciplinary office saka tumingin sa kaniya.

"Kaya pala nakangiti pa rin siya kanina at hindi ako nasabunutan," half-meant 'yun. Pinihit ko na ang door knob at sabay kaming pumasok.

"Hindi siya ganun," bulong ni Waju sa tenga ko.

Alam ko.

"Good morning Sir," sabay naming bati ni Waju sa disciplinarian.

"Good morning too," binigay namin 'yung detention slip namin.

"Okay. You will clean the garden at the backyard of this school, water the plants too. And clean the laboratory at room 17."

"Teka po sir, bakit naman po dalawa?" reklamo ng kasama ko. Napairap naman ako. Rich kid eh.

"Why Mr. Chua? You want me to me to make it three?" mabilis naman akong nagsalita.

"No sir! Ayos na po ang dalawa. Thank you, po. Halika na," sabay hila ko kay Waju papalabas ng office. Baka kasi magbago pa ang isip nun eh.

"Bakit naman kasi dalawa?" hinarap ko naman siya.

"Alin 'yung uunahin natin? 'Yung garden o 'yung lab?" nilagpasan niya naman ako ng lakad.

"Hoy! Saan ka pupunta?" sigaw ko sa kaniya. Aba! Huwag niyang sasabihin na iiwan niya akong mag-isa? Kundi ipapatikim ko na talaga sa kaniya ang flying kick ko! For real!

"Pupunta akong gym," sigaw niya pabalik ng hindi man lang ako nililingon. At seryoso talaga siya? Iiwan niya talaga ako dito?! Aba! Hindi pwede 'yun! Bukod sa gusto ko siyang *ehem* makasama, dapat rin siyang magtrabaho! Ang unfair kaya.

'Bibigyan kita ng tatlong sigundo para bumalik. Kapag nagpatuloy ka lang, patay ka sakin.'

Isa.

Dalawa.

Tatlo!

Hindi ka babalik ah. Hinubad ko ang suot kong sapatos at hinagis 'yun sa direksiyon niya. Parang nagslow-mo ang paligid at...

"Arayyy!" Ayun! Sapul! Bwahaha! Lumingon sa direksiyon ko si Waju at 'nung makita niya ako, bigla niya akong sinamaan ng tingin.

"What?" maang-maangan kong tanong. Mula sa mukha ko, bumaba ang tingin niya papunta sa paa kong— arg! Nakalimutan ko pala.

Binalik niya ang tingin niya sakin at sabay ngisi. Pinulot niya ang sapatos ko at... at tumakbo palayo.

"Haha! Akala mo ah! Maglakad kang isa lang ang sapatos mo!" Sigaw niya sakin habang tumatakbo palayo at iwinawagayway ang sapatos ko.

Tumingin ako sa paligid. Konti lang naman ang estudyante eh. May klase pa sa ganitong oras.

Okay lang naman siguro na maglakad akong isa lang ang sapatos ko noh? Aish! Bakit ba kasi ang tanga ko at ang sapatos ko pa talaga ang ipinambato dun?

Paano ko 'yun mahahabol eh para namang higanteng elepante ang hakbang nun? Kainisss.

"Hoy ibalik mo 'yan! Ibalik mo ang sapatos ko!" sigaw ko habang tumatakbo para kunin ang sapatos ko. Pero, sarili ko lang ata ang niloloko ko, hindi ko naman talaga mahahabol 'yun eh.

Andito na kami sa likod ng school. Medyo konti na lang ang mga estudyante dito, halos mga magsyota lang na naglalampungan ang nandito.

"Waju! A-amin na kasii!" hinihingal na rin ako. Umupo muna ako ng bench na malapit sakin at nagpahinga saglit. Si Waju naman, andun sa kabilang bench, na medyo malayo-layo sakin. Kita ko pang nakangisi siya sakin.

'Argh! Patay ka talaga sakin pag nahuli kita, humanda ka.' mahinang sabi ko sabay tingin ng masama sa kaniya. Nakangisi lang din siyang nakatingin sakin, habang 'yung sapatos ko ay nakalagay sa monobloc table.

Nag-iisip pa ako ng paraan kong paano ko kukunin 'yung sapatos ko. Tiningnan ko ang medyas ko, ang dumi-dumi na. 'Yung abnong 'yun talaga!

Habang nag-iisip ako ng strategy, ay nakatitig ako sa sapatos ko. Ano kayang pwedeng gawin? Hmm...

Napaayos ako ng upo ng makita kong parang may tumatawag kay Waju. Tumayo siya ng hindi dinadala ang sapatos ko, at tumalikod, sinagot ata 'yung tawag.

Kaya habang nakatalikod pa siya ay kinuha ko ang pagkakataong 'yun para dali-daling naglakad at lumapit doon sa batong-mesa kung saan nakalagay ang sapatos ko. Tiningnan ko naman si Waju, nag-uusap pa rin sila ng kung sinong ponsiong pilato.

"Finally," mahinang bulong ko ng makuha ko na ang sapatos. Isusuot ko na sana ng bigla na lang humarap si Waju sa pwesto ko. Kaya bago niya pa uli makuha ang sapatos ko ay umatras na ako para sana tumakbo ng mapatid ako ng bato sa baba ko.

Pumikit na ako at yinakap ang ang sapatos ko sa dibdib ko habang hinihintay ang pagbagsak ko sa lupa. Pero walang dumating, ang naramdaman ko lang ay ang pagpulupot ng dalawang braso sa beywang ko.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, at nakita ko ang dalawang pares ng asul na mga mata na nakatingin lang din sakin. Bumilis ang pagtibok ng puso ko at halos pigilin ko na ang hininga ko dahil sa sobrang lapit niya sakin.

Bumaba ang tingin ko patungo sa matangos niyang ilong, patungo sa... sa sapatos ko?

"Ngek," daing ko na nasa gitna pala namin ang sapatos ko. Dahil sa kahihiyang naramdaman ko ay aalisin ko na sana ang pagkakahawak niya sa beywang ko ng may galit na boses akong narinig.

"What are you doing, you two?!" mas mabilis pa sa alas kwatrong tinulak ko si Waju papalayo sakin, muntik na rin siyang matumba, tumingin ako sa kaniya at humingi ng sorry sa pamamagitan ng tingin. Samantalang sinuklian niya ng masamang tingin.

Binalik ko ang tingin ko kay—oh my!

"Ahm s-sir," utal kong sabi sa disciplinarian na nasa harap namon. Oo, 'yung disciplinarian na nakausap namin kanina. Lagot...

Tiningnan niya kaming dalawa, at tinuro.

"Didn't I assigned you two a punishment work?" mabilis naman akong tumango. Pero, itong kasama ko relax relax lang. Aba, ako dito halos malusaw na sa kabang nararamdaman ko habang siya parelax relax lang?

"Yung nadatnan ko? What is it?" tiningnan niya pa kami ng makahulugan. Err. Wala atang balak magsalita ng isang ito kaya ako na lang ang sumubok magsalita. Kinakabahan ako...

"Ahm, a-ano po s-sir—" bigla namang nagsalita si Waju kaya napatigil ako.

"Napatid lang siya Sir habang kumukuha ng basura kaya tinulungan ko siya, " tiningnan niya ako at pinandilatan ng mata, parang sinasabing makiride na lang ako.

"Ah, o-opo! N-napatid lang po ako kaya ganun, hehe, " mukhang-tangang sang-ayon ko at tinago ang sapatos sa likod ko.

Kinabahan pa rin ako ng nanatili lang itong nakatitig samin na parang hindi siya naniniwala. Pero, tumango naman siya pagkatapos na ikinahinga ko ng maluwag.

"Okay. I'll buy that, but where are your cleaning materials by the way?" Oh...

"A-ano po, k-kukunin pa lang po namin sa room! At.. at habang naglalakad kami ay namumulot na rin kami ng mga k-kalat. Para po s-sulit," tiningnan ko si Waju at parang nagpipigil pa siya ng tawa. Awtomatikong napataas ang kilay ko dun, anong nakakatawa?

"Ms. Lantigo,"

"Yes?" sagot ko naman at naguluhan pa ako ng kumunot ang  noo ng disciplinarian sakin.

"Are you raising an eyebrow to me Ms. Lantigo?" awtomatiko namang binaba ko ang kilay ko. Hindi naman kasi para sa kaniya 'yun. Para 'yun kay Waju! At ang mas nakakainis ng tumawa pa ito ng malakas sa harap mismo ng terror na disciplinarian na ito. Halaa. Patay kang bata ka..

"And you, Mr. Chua, is there anything that funny?" tumingin ako sa paligid, wala ng mga naglalampungan. Sinita na siguro ni Mr. Panis, ang disciplinarian na nasa harap namin ngayon.

"Nothing sir," rinig kong sagot ni Waju. Pero, 'nung tingnan ko siya, nakatingin rin pala siya sakin habang pinipigilang bumungisngis ulit. May sayad na talaga sa utak ang taong 'to.

"If there's none, then why are you laughing?" kunot-noong tanong ni Mr. Panis.

"Hindi ko alam, na pati pala pagtawa ko, kailangan kong sabihin ang dahilan sa'yo," sabay na nanlaki ang mga mata namin ni Mr. Panis dahil sa sagot ni Waju.

Kita ko rin ang unti-unting pagtransform ni Mr. Panis, mula sa pagiging matabang higante patungong galit na galit na werewolf. Bago pa siya tuluyang umatake samin ay agad ko ng hinawakan ang kamay ni Waju at tumakbo papuntang room ng mga cleaning materials.

"Maglilinis na po kami Sir!" sigaw ko hanggang sa makarating na kami sa nasabing room. Pumasok kami dun ng hinihingal. Hawak ko pa rin ang sapatos sa kaliwa, at ang kamay naman ni Waju sa kanan. Bago niya pa mapansin 'yun ay binatawan ko na at sinuot na ang sapatos ko. Ang itim itim na ng medyas ko.

Hinarap ko naman si Waju at sinamaan siya ng tingin samantalang kinunutan niya lang ako ng noo.

"Bakit mo 'yun sinabi kay Mr. Panis?" nagkibit-balikat naman siya.

"Ang chismoso kasi, ang laki-laking tao,"

"Waju!" saway ko dito. Mamaya marinig pa kami nito. At baka dagdagan pa ang parusa samin. Pasalamat nga ako, dahil hindi naman siya nagdagdag samin dahil sa ginawang pagsagot ni Waju.

"Maglinis na tayo, para matapos na 'to," sabi niya at kumuha ng gunting sa may mesa doon.

Puno ng purong kagamitang panlinis ang room na ito. Pero, bakit may gunting dito? Panlinis rin ba ang scissors?

Kumuha ako ng walis-tingting at dustpan at sinundan si Waju pabalik ng garden.

"Hoy Waju! Anong gagawin mo sa gunting na 'yan?"

"Ito? Pamputol malamang,"

"At ano naman ang puputulin mo, aber?" tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin.

"Puputulin ko 'yung akin, gusto mong manuod?" nakangisi niyang sabi. A-ano daw?

"A-ang... ang bastos mo!" namumula na siguro buo kong mukha ngayon dahil sa hiya. Diyosko! Iba atang Waju ang kasama ko ngayon, ibalik Niyo po ang totoong Waju, pakiusap.

"Anong bastos? Ang green minded mo, Jabelle. Buhok ang tinutukoy ko, tama nang panunuod ng porn, navavirus na 'yang utak mo,"

"Err, b-buhok?" Weirdo naman siyang tumingin sakin.

"Huwag mong sabihin kahit buhok hindi mo alam?" di makapaniwala niyang tanong sakin. Iniwas ko naman ang tingin ko, paniguradong pati tenga ko namumula na.

"N- no! I mean, oo—," pinutol niya uli ako.

"Anong buhok ba ang naiisip mo ha?" nakangisi niyang tanong sakin habang sinusubukang hulihin ang mga mata ko, pero nakayuko lang ako.

"M-maglinis na nga tayo!" sabi ko nalang habang nagmartsa patungong garden at nagsimula ng magwalis ng mga nahulog na mga dahon galing sa mga puno habang sa likod ko ay rinig ko ang halakhak niya.

"Haha! Ang pula na ng mukha mo, Jabelle! Pfft, kung nakita mo lang,"
Tumigil ako sandali sa pagwawalis saka ko hinarap si Waju na nakasitting-pretty lang na nakaupo sa may bench habang may hawak-hawak na dahon at ginugunting-gunting niya lang.

"Kung magtrabaho ka na lang kaya noh? Kesa, ang magdada ka dyan. Para kang bading," sabi ko naman saka bumalik sa pagwawalis.

Hindi naman 'yun totoo eh. Sinabi ko lang 'yun para tumigil na siya sa pang-aalaska niya sakin. Quota na ako eh. Palagi ko nalang pinapahiya ang sarili ko sa harap niya.

"Ako? Bading?" dinig kong tanong niya sa likod ko habang ako ay patuloy pa ring nagwawalis.

"Oo, kaya magtrabaho ka na dyan, pwede?" ramdam kong tumayo siya at parang may kinuha.

"Pakiulit nga 'nung sinabi mo Jabelle," naiinis naman akong humarap sa kaniya.

"Bading ka—" S P L A A S H!

Nagulat ako dahil sa malakas na pagtama ng tubig sa mukha ko. Tiningnan ko si Waju, at may hawak siyang hose at nakaharap 'yun sakin. Malakas pa naman ang agos ng tubig. Wala na... basa na talaga ako.

"Haha! Ano? Sabihin mong bading ako Jabelle," tawa pa rin siya ng tawa habang nakaharap pa rin ang hose sakin at patuloy lang ito sa pagsirit ng tubig, basang-basa na talaga ako.

"Akala mo ikaw lang marunong ah," lumapit ako sa kaniya at nakipag-agawan ng hose sa kaniya. Nang mahawakan ko na rin ang hose ay iniharap ko ito sa direksiyon ni Waju. Ayun, sapul sa mukha.

"Haha! Akala mo ikaw lang ha," hinabol ko naman siya dahil tumatakbo siya para makaiwas sa tubig, pero parang useless na rin kadi kasi basa na rin siya.

Lumapit siya sakin at nakipag-agaw sa hose, nag-agawan lang kami nun. Minsan napupunta sakin 'yung tubig, minsan naman ay naihaharap ko 'yun sa kaniya. Tawa lang kami ng tawa dahil sa ginagawa namin. Para na kaming mga batang sisiw dahil basang-basa na kami. Pero masaya, kahit ngayong araw lang,  nakalimutan ko panandalian ang mga problema, siguro ganun din si Waju. Sinusubukan niyang maging masaya kahit sa loob-looban niya ay mesirable siya.

"Haha! Basa na tayo!" ako ang may hawak ng hose kaya pinatay ko na 'yung tubig.

"Oo nga eh, haha! Tara, ayusin mo na natin dito, at magbihis tayo para linisin sunod 'yung lab,"

***

Matapos naming magbihis, 'yung P.E uniform nalang namin ang ginamit, 'yun lang naman damit ma pwede naming masuot, ay pumunta na kami sa lab.

Pagkapasok palang namin, napaubo na ako sa daming alikabok.

'Wala man lang naglilinis dito?"

'Yung mga bottles nagkakalat, pati ang daming papel na nakakalat rin sa sahig.

"May gumagamit ba pa sa lab na 'to? Para kasing abandoned lab na ang itsura eh," sabi ni Waju. Hinarap ko naman siya at andun siya sa front table at nakaupo na parang hari habang iniikot-ikot niya pa ang small bottle sa kamay niya.

'Ang hot niya tingnan ng ganyan,'

"Staring is rude," mukhang natauhan naman ako dahil sa sinabi niya. Gezzz, nakita niya pa talagang titig na titig ako sa kaniya? Nakakahiya. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa nakangisi niyang mukha.

"H-hindi ako n-nakatitig sa'yo ah!" Ge, deny pa Belle, baka sakaling may milagro at maniwala siya kahit obvious na obvious naman.

"Sige. I'll buy your alibi Jabelle. Basta maglinis kana para matapos na tayo, miss ko na si Carley eh," hindi ko narinig ang last niyang sinabi.

"Anong sabi mo? At talagang ako lang ang maglilinis?! Kanina sa Garden ako lang ang nagtrabaho, tapos—aish! Ang tamad mo talagang abno ka!" naiinis kong bulyaw sa kaniya. Aba naman, dalawa kaming may detention at ako lang ang nagtatrabaho! Pambihirang lalaki! Porket mayaman, aish!

"Relax Jabelle...nagmumukha ka ng matanda eh," natatawa niyang sabi. At talagang nang-iinis pa talaga siya dito noh? Pinulot ko naman ang walis-tambo sa gilid at inihagis sa direksiyon niya. Pero ang abno, parang wala lang na sinalo niya! Bwisit! Siya na ang magaling!

"Argh! Ewan ko sa'yo Waju!" tumawa lang siya sa pagmamartsa ko. Ang lakas niyang mangtrip!

Huwag mo nalang siyang pansinin Belle.

Tama, huwag mo nalang pansinin at magpretend kang wala kang kasama, total ikaw lang naman ang nagtatrabaho. Pambihira..

Tumalikod nalang ako sa kaniya at nagsimula ng mamulot ng mga nagkakalat na bottles at itinayo ko ng maayos.

'Yung tao sa likod, mukhang tahimik lang naman eh, kaya ayos.

"You we're just a dream that I once knew," kanta ko habang winawalis ang mga papel na nagkalat sa sahig.

" I never thought I would be right for you,"

Pulot ng papel, walis, tapon sa basurahan.

"I just can't compare you with anything in this world,"

Patuloy kong kanta habang nililigpit ko naman ang basag na bottle sa may gilid.

"You're all I need to be with---arayyy!" impit kong sigaw ng masugatan ang kamay ko.

Tiningnan ko 'yung sugat, may nakabaon na maliit na piraso sa daliri ko.

"Jabelle! Anong nangyari sa'yo?!" umupo siya sa harap ko at tiningnan ang sugat sa pointing finger ko.

"May sugat ka.." nag-aalala niyang sabi habang nakahawak sa kamay ko. Ramdam ko ang init ng mga kamay niya, kaya mabilis kong binawi ang kamay ko, nakukuryente kasi ako...

"Maliit na sugat lang ito, hindi nakakamatay," mahinang sabi ko saka tumayo at ipagpapatuloy ko sana ang paglilinis ng bigla niya akong hilahin at pinaupo sa isang upuan dun.

"Porket maliit na sugat lang, pababayaan mo na? Paano kung maipeksiyon 'yan? Akin na ang bag mo," tiningala ko naman siya at nakalahad ang kamay niya sakin.

"Ako ng kukuha," sabi ko at kinuha ang mini kit sa bag ko at ibinigay 'yun sa kaniya.

Lumuhod naman siya sa harap ko,

"Akin ng kamay mo," kinuha niya ang kamay ko at tiningnan. Napakaseryoso ng mukha niya, naglakbay ang mga mata ko mula sa mahahaba niyang pilik-mata, sa matangos niyang ilong, hanggang sa *lunok* mapula niyang labi. Ohmy! Bakit ang init?

"A-aaray, " angal ko ng tanggalin niya ang bubog sa daliri ko.

"Ayan, tanggal na," nilinis niya naman ito at nilagyan ng bandaid na galing sa mini kit ko. Nang malagay niya ito ay babawiin ko na sana ang kamay ko sa pagkakahawak niya ng pinigilan niya ako.

"S-sandali, s-sayo ba ang bandaid na 'to?" nakatitig lang siya dun sa bandaid.

"Hindi, hiningi ko lang kay bees ito," sabi ko kasi naubusan na ako eh. Parehas kami ng biniling bandaid ni Bees, 'yung may Tinkerbell ang design. Ang cute kasii.

"A-ah, akala ko.."

"Akala mo ano?" tanong ko. Tumayo naman siya at naglakad papuntang pinto.

"W-wala, ge alis na ako," agad naman akong tumayo at hinabol siya.

"Sandali lang!" pigil ko saka siya hinawakan sa braso niya.

"Ano?" tanong niya ng hindi man lang ako nililingon.

"A-ano, s-salamat sa—dito sa paggamot ng sugat ko..."

"Wala 'yun Jabelle, pati naman iba gagawin din 'yun. At isa pa, I'm your bestfriend, " maglalakad na sana uli siya ng pigilin ko naman siya.

"What now?!" inis niyang tanong, pero imbis na sagutin ko siya ay tumingkayad ako para yakapin siya. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko dahil parang nanigas siya sa kinatatayuan niya.

"Huwag mong masyadong sarilinin ang mga problema mo, Waju.. Nandito naman kaming mga kaibigan mo, ang girlfriend mo, ang b-bestfriend mo, nandito ako. Hindi naman masamang magpakahina minsan, " bulong ko sa kaniya.

Pero, hihiwalay na sana ako sa yakap namin ng makarinig kami ng malakas  na kalabog ng pinto.

At nanlaki ang mga mata kong tumingin sa taong bumukas 'nun..

"B-bees/Carley," sabay naming bulalas ni Waju.

Continue Reading

You'll Also Like

138K 3K 34
[YMP book 2] =Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya, maybe it'll remind him what he did... Now that I'm back, sisiguraduhin kong matatapos...
293K 9.2K 31
Tubong ilongga si Kylie.. pinanganak siya sa Bacolod. Kahit anong trabaho ay papasukin niya kahit katulong. Kasalukuyan siya kasing nag aaral ng Bus...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
111K 2.1K 37
Heart Buenavida, isang babae na panget at poorita. Nagta trabaho bilang isang guro sa isang pampublikong paaralan. Laging nararanasan ang pangungutya...