Isla Haraya: Mayumi (Publishe...

By SassyMissy0823

5.7K 147 3

Different personalities... Different stories... One island. Six individuals went to a secluded island to move... More

Simula
Isla Haraya
WHAT IFS
HEART DOES NOT LIE
I LOVE YOU, BEST FRIEND
NO LONGER INTERESTED
YET AGAIN
FOUND
BROKEN...AGAIN
STRAWBERRY
Kyro Miguel Sandoval
LET GO
NAG-IISANG BITUIN
THE NECKLACE
SOULMATE
BUT...
ISLA HARAYA: KARINA (BOOK 2)

IKAW AT IKAW PA RIN

193 4 0
By SassyMissy0823

Zeb's POV

After three months...

Nagligligpit ako ng mga gamit nang bigla kong narinig ang notification mula sa cellphone ko. Akala ko mula ito kila Rap ngunit agad ding nanlaki ang mata kong nang makitang mula iyon kay Kyro. It had been three months! Wala siyang paramdaman sa pahanong iyon, at ito ngayon, nagtatanong kung na saan ako.

Paanong hindi ako magugulat, wala talagang balita sa kaniya. Para siyang nagsoul searching. Akala mo si Gerald Anderson kung makapang-ghost, e. Syempre, biro lang naman iyon, tulad ng sabi niya, nagpaalam naman siya sa amin. It was to heal and to let Yumi think while he was away.

Inasar ko na lang siya na matagal na namang malinaw ang isip ni Yumi. But of course, I was kidding. Tama naman si Kyro, talagang maraming iniisip si Yumi noong panahon na iyon. Dahil pinag-uusapan na namin ang babae, nagtanong agad ako kung nasabi niya bang nakauwi na siya. Sinabi niya namang hindi pa at ipapaalam niya na lang kapag nagkita kita na kaming lahat.

Bakit ba kasi ayaw niya na lang i-text? Ang dali lang namang sabihin. Kaso, natigilan ako nang makita ang sagot niya sa akin doon. Ayaw niyang i-text ang babae dahil baka raw magselos ang boyfriend.

Ngumuso ako, halos umaalpas na ang ngiti. Sinabi niyang baka raw kasi magselos ako kaya kapag lumabas na lang kaming magkakaibigan.

Zeb: Kung boyfriend ako ni Yumi, siguro magseselos ako.

Kyro: Exactly my point is. Alam ko kung saan ako lulugar.

Lalong lumaki ang ngisi ko dahil doon. Ang slow naman nito. Tinawag pa akong maligalig. Bagay talaga sila ni Yumi, pareho silang slow masyado! Sinabi ko naman "kung" boyfriend ako, kaso hindi naman ako boyfriend nung babae.

Mukhang nagtaka pa siya doon. Nalaman ko na lang na nakita niya pala yung post namin sa Instagram. It was when we posted something like "done for the 1st for this year". Akala niya pa ay ginugulo ko lamang ang isip niya.

Halos hindi ako makahinga kakatawa dahil doon. Pero agad ko ring pinaliwanag na tungkol lang iyon sa natapos na sem sa taong iyon. Kung ano-ano agad iniisip nito. Sunod niya namang tinanong yung caption naming "Monthsary" at may pulang puso pa sa dulo.

Akala niya talaga kay Yumi iyong kamay na hinahalikan ko roon sa picture. Assumero talaga 'to. Sinabi ko agad na si Claire iyon, ang girlfriend ko. And yes, we were still together. Maraming nangyari at dahil umalis si Kyro, halos hindi niya na alam ang mga mahahalagang balita.

Kyro: E ano nga? Paano nangyari iyon? Paano si Yumi?

Zeb: Slow. Yumi and I. It never happened. But we remained as friends, best friends.

Iyon ang totoo. Akala ko rin mahal ako ni Yumi pero hanggang pagkakaibigan lang talaga ang lahat. Nagkaalaman nga kaming first love namin ang isa't isa at hindi naman magbabago iyon. Pero hanggang doon na lang iyon, hindi siya ang magiging huling pag-ibig ko.

Hindi ko alam kung tanga ba itong si Kyro o nagtatanga-tangahan lang. Ako na tuloy ang nagsabi sa kaniya. Oo, siya ang mahal ni Yumi. Siya itong pinili, kaso ito siya, umalis.

Doon siya nagtaka, dahil noong nagpaalam siya sa babae, hindi ito nagsabi sa kaniya. Napailing ako dahil mukhang kailangan ko pang sabihin ang lahat bago niya maintindihan. It was obvious, Yumi was trying to give him the chance and space he was looking for. At para sa kaibigan ko, mas maayos na rin iyon para pagbalik nitong lalaking ito, buo na siya, magaling na.

I chuckled when he realized that he had just wasted three months because he misunderstood everything. Tingnan mo nga naman, hindi kasi nagtatanong, e.

Pero hindi naman nasayang ang panahon niya, ang maganda, sa pag-alis niya nabuo sila parehas at nagyon, ready na sila.

He asked me how Yumi was, but I did not answer him. Nagsayang siya ng oras kaya siya na mismo dapat ang magtanong noon. Tinanong niya rin kung iyon pa rin ba ang number ni Yumi, pero ano bang inaakala niya? Simula highschool kami iyon pa rin ang ginagamit niya kaya malamang, hindi niya iyon babaguhin.

Nagpasalamat siya sa akin matapos iyon. Kaya agad akong nagpaalala na alagaan niya, na huwag saktan ang babae. I hurt her so I hoped that he would not. Dahil sa totoo lang, sobrang swerte niya para piliin at mahalin ni Yumi.


Yumi's POV

Sinabi ko lang naman kay Ysa na malapit na ang pasukan at sobrang bilis ng oras, pero ito siya, niyayaya na akong lumabas. Balak niya pa ata akong gawing thridwheel dahil aalm kong kung isasama namin si Claire, sasama rin si Zeb. Edi ako lang ang walang boyfriend?

Natigilan ako nang bigla niya akong tinanong kung may namimiss ba akong tao. Hidni ako agad nakapagreply. Pero kinalaunan, napabuntong hininga ako habang napapaisip. Babalik pa kaya siya? Ilang buwan na rin simula noong umalis siya.

Sinabi naman ni Ysa na kung mahal naman ako noong tao, babalik naman iyon sa akin. At kung hindi naman, thank you next na lang. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinasabi niya o matatakot.

Hindi naman kasi madaling makalimot. That was when she suggested that I should ask how was he doing. Pero hindi ko iyon gagawin dahil humingi sa akin ng oras si Kyro para makapag-isip, ayaw ko naman siyang guluhin. Pero paano na lang kung makalimot siya sa proseso? Kakayanin ko ba iyon?

Natawa tuloy ako nang sabihin ni Ysa na tamang hinala ang lalaki. Tamang hinala na si Zeb ang pipiliin ko at hindi siya. Para sa akin naman, ayos lang na nanghingi siya ng oras para sa sarili, lalo na ngayon dahil sa totoo lang, dahil din sa oras na iyon, masasabi kong ready na ako. I was completely healed.

Ysa: Healed ka na nga, wala ka namang jojowain.

Yumi: Tse. I'll just wait. Babalik siya, babalik siya sa akin.

Binalaan niya akong huwag umasa pero bahala na, basta maghihintay ako para kay Kyro. Sunod naming napag-usapan ang relasyon ni Claire at Zeb. Buti nagkaayos sila tulad ng sabi ni Ysa. Sa totoo lang, hindi na rin ako nagulat dahil mukhang mahal talaga ni Claire ang lalaki. May pinagsamahan din sila kaya hindi na nakapagtataka iyon.

Nagtanong naman siya kung paano na ang pangako namin sa ilalim ng mga bituin. That made me smile. It did not look like it but we fulfilled everything. Nahanap ako ni Zeb. Soulmate ko pa rin siya. At nakatadhana talaga kaming magkita muli ni Zeb. We were destined, we were destined to be best of friends. That was the underlying truth.

Sumang-ayon naman siya roon at sinabing tama ako. At masaya pa siyang naging maayos pa rin ang pagkakaibigan namin ni Zebedee matapos ang lahat. Walang kahit anong awkwardness. Totoo iyon dahil tanging pagtanggap at pagpapatawad lang naman ang kailangan namin. Dinagdagan naman iyon ni Ysa ng will at determination na sinang-ayunan ko rin.

Matapos iyon, nagpaalam na ako sa kaniya at sinabing daanan niya na lang ako para hindi ako mag-isang pupunta sa mall.

She agreed and told me that she would pick me up with Rap. She even told me that I should dress up because I might find the person that was for me there. Umirap ako at napailing. Kakasabi ko lang, e. Si Kyro lang ang hihintayin ko!


Kyro's POV

Balik sa dati. Balik sa pangungulit, balik sa napakaraming corny na pick-up lines at balik sa mga gabi at araw na nakangiti dahil kausap ko si Yumi. Tulad sa araw na ito. I sent her another pick-up line but she did not respond. Inasar ko tuloy siyang hindi niya man lang ako namiss.

Natawa ako nang sabihin niyang hindi uubra sa kaniya ang mga banat ko. Ngumuso ako at tinanong kung hindi niya ba ako namimiss dahil ako? Oo, sobra pa nga. Kaso halos abot ang ngiti ko dahil kinontra niya pa iyon na kung miss ko talaga siya, bakit ngayon lang ako nagbalik.

Paanong hindi ako aalis, e tamang hinala ako nung mga nakaraang buwan. Ganoon ako kapraning, hindi ko pa nga alam ang desisyon niya pero inunahan ko na siya.

Tinanong niya ako bigla kung kailan ako babalik pero agad ko ring sinabing nakabalik na naman ako at ito nga, paalis na ulit.

Doon siya nagtaka at biglang nagsend ng napakahabang mensahe. She was asking me why I was leaving again and where I was going. Halos nagtampo pa dahil hindi ko man lang siya kinita. Sinabi niya pang hindi naman pala siya ang dahilan ng pagbabalik ko. Na hinayaan niya ako, hindi kinausap ng matagal at ito na naman ako, aalis na namang muli.

"Oh, God. This girl," bulong ko sa sarili. Hindi na ata mabubura ang ngiti sa labi ko.

Yumi: May dapat ba tayong pag-usapan? Three months ago pa dapat ito. Tapos ngayong bumalik ka, ni hi or hello, wala? My god. Umasa lang ba talaga ako sa wala? Ganoon kabilis mo bang nakalimutan na mahal mo ako?

Kyro: Mahal naman kita, e. Sinong may sabing hindi?

Doon siya halatang nagtampo. Naiisip ko na tuloy na nakasimangot siya, galit sa akin. Pinagdudahan niya pa ang pagmamahal ko dahil paulit ulit ko raw siyang iniiwan. She told me that she loved me so much to the point that she let me leave. Para kung bumalik man ako, ready na kami sa isa't isa. Tapos malalaman niya naman daw na wala na pala siyang hinihintay.

Pero parang nawala lahat ng mga sinabi niya sa akin dahil nakatuon lang ang pansin ko nang aminin niyang mahal niya ako. Halos mapamura ako sa sobrang saya at napasuntok pa sa hangin. Ang saya saya ko! Posible pala ito?

Inamin niyang matagal na niyang napagtantong mahal niya ako at ngayon niya lang sinabi sa akin. Pero mukhang huli na raw ang lahat dahil wala akong paramdam.

Kyro: Mahal kita, Mayumi. Ikaw pa rin ang ligaya ko.

Yumi: Mahal pero paalis na ulit? Mukha mo!

Natawa ako dahil galit na galit talaga siya sa sinabi ko, kaya inamin ko na. Inamin kong paalis na talaga ako dahil ngayon, paalis na ako papunta sa kaniya.


Yumi's POV

Agad na napalitan ng ngiti ang pagsimangot ko. Ilang salita lang at ito ako, agad nagbago ang mood. Parang nagbago lang bigla ang ihip ng hangin.

"Luka luka na? Nangiti mag-isa?" siniko ako ni Ysa.

"Si Kyro," nakangiti ko pa ring sagot sa kaniya

"Oh ano si Kyro? Is he back?" tanong ni Ysa. Nakakunot ang noo niya at nagtataka.

Ngumiti lang ako bilang sagot sa kaniya.

"O-M-G," nanlaki ang mga mata ni Ysa na para bang nakakita ng multo. Maya maya pa ay may nagtakip ng mga mata ko mula sa likuran ko.

"Miss me?" bulong niya sa tainga ko.

Ang boses na ito. Hindi ako maaaring magkamali. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakatakip niya sa mga mata ko.

"I miss you," muli niyang bulong sa tainga ko. Pare- pareho namang nakangiti ang mga kaibigan ko. Si Ysa ay parang kinikiliti sa kilig.

"Huy ano ka ba. Tumayo ka nga dyan," pagsita ko sa kaniya. Feeling ko ang pula pula ko kasi ang dami daming taong nakatingin sa amin.

Ngumiti lang siya. Hindi siya nagsalita bagkos ay nagsimula itong kumanta.

Sagutin mo lang ako, aking sinta'y walang humpay, na ligaya

at asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga Wag ka sanang magtanong at magduda

dahil ang puso ko'y walang pangamba

na tayo'y mabubuhay na tahimik at buong ligaya

"I am sorry for making you wait for so long but I won't waste time anymore. Mayumi Ramirez, my love, my bibi Yumi, ang nag-iisa kong ligaya mula noon hanggang ngayon, nag nag-iisang bituin sa aking langit... Will you be my girlfriend?"

Teary-eyed, I answered, "Yes."

"Yes!" napatalon siya sa tuwa at niyakap ako nang napakahigpit. Yakap na nakapagpaalis ng pangungulila namin sa isa't isa.

Yes. Yes, to spending my life with you. It's only the beginning, but I promise to do my best, so I can keep you, my Kyro.


Kyro's POV

Wala na akong mahihiling pa. Ilang taon kaming pinaghiwalay ng tadhana noon kaya sino bang mag-aakalang matapos ang matagal na panahon, narito kami, pinili niya ako. Mahal ako ni Yumi. Pakiramdam ko ipinaranas sa akin ang langit sa lupa nang sagutin niya ako. I was so happy that I prayed to the Universe to never take this happiness away from me, especially Yumi.

Agad akong nagtipa ng mensahe para sa girlfriend ko. I told her how much I love her, and she answered me with a sweet I love you too. That made me feel so giddy. Para akong hindi lalaki kung kiligin, halos umabot sa tainga ang ngiti ko.

Kaya agad akong nagpasalamat na naghintay siya, dahil mula pa noon, hanggang ngayon, siya lang. Siya lang ang mahal ko at kaya kong mahalin. Habang buhay iyon. Habang buhay ko siyang mamahalin at paglilingkurang parang siya ang pinaka-importanteng tao sa mundo.

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 171K 110
"I'll break you, Spring. I'll fucking break you. Mark my words." *** Spring Cruz is your typical A plus student. There's nothing special about her. S...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
22.5M 508K 50
[A published book under PSICOM Publishing Inc. ] In a world where sunshine meets corporate storms, Nisyel Love's life takes a thrilling twist when sh...
10.2K 240 13
PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING When a 26 years old dying patient, Kate Bryan, lost his way to live a normal life again meet a single and jolly Do...