Retired Playboy

By JFstories

13.4M 384K 136K

Macario Karangalan Sandoval More

Prologue
MACARIO KARANGALAN SANDOVAL
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 20.1
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 18

69.1K 2.2K 186
By JFstories

Macario Karangalan Sandoval


I GOT TO TELL DAD THAT I'M MARRIED.


Bahala siyang magalit kapag nalaman niya na basta ako nagpakasal, ang importante sa akin ay masabi ko sa kanya. He was still my father after all. Saka malamang na makakarating din iyon sa kanyang kaalaman. Mababanggit iyon sa kanya ng nagkasal sa amin ni Pamela, ang ninong ko na judge. Uunahan ko na.


Ito lang yata ang unang beses mula nang mamatay si Mom, na umuwi ako rito sa mansiyon nang nakangiti. Masaya ako nitong nakaraang mga araw dahil si Pamela ang kasama ko. Almost a week kami sa resthouse at iyon na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko, ang makasama ang asawa ko.


Dahil good mood ako, sa tingin ko ay makakaya kong makipag-usap nang matiwasay kay Dad. Hopefully, he would listen to what I had to say. I would tell him that I was ready to fix my life because I was now married and I loved my wife. Alam ko na mauunawaan niya ako dahil nagmamahal din naman siya. Baka panahon na rin para magkaayos kaming mag-ama.


Pagbaba ko ng aking kotse ay pumasok agad ako sa mansiyon. Luckily, I did not see Lulu. Kadalasan kasi na ang babaeng iyon ang sumasalubong sa akin.


I saw Dad in the sala with his bodyguards. May lakad yata siya ngayon at mabuti na lang at naabutan ko siya. "Hi, Dad—"


"Where had you been?" malamig ang boses na tanong niya. "Lulu was trying to contact you since last week, but you were uncontacted. There was a charity gala because of the recent typhoon. That would have been a good opportunity to introduce you to the public, but you were nowhere to be found."


Was he for real? Ni hindi man lang niya ako kinumusta muna. He didn't even had the slightest idea that I had been sick last week. Hindi ko na namalayan ang petsa dahil naratay ako.


"You were not even in your condo yesterday. Wala ring alam ang kaibigan mong si Cloud kung nasaan ka. Even your manager, your bandmates, university professors, hindi alam kung nasaan ka!" singhal ni Dad sa akin. "Saang bar ka naroroon? Mula nang magkabagyo, ano'ng ginawa mo maliban sa pag-inom?!"


Tumango-tango ako. Akala ko ay makakapag-usap kami nang maayos ngayon, mukhang mali ako.


"Ano'ng plano mo sa buhay? I heard from one of your professors that you dropped three of your subjects. Hindi ka na rin gaanong pumapasok at napag-alaman ng tao ko na bukod sa banda na sinalihan mo ay may iba ka pang pinagkakaabalahan. Isang babaeng crew sa isang fatfood restaurant!"


Doon na kumuyom ang mga palad ko. "Pinaimbestigahan mo ako?!"


"I had to. Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa buhay mo! Umaalis ka nga ng bansa na walang akong alam!"


"And what information have you gathered so far?" sarkastikong tanong ko. Gusto ko lang malaman kung ano ang mga bagay na nahalungkat niya, kung kasali ba roon ang tungkol sa tunay na estado ng relasyon namin ni Pamela.


"Na may kinalolokohan kang crew. Hindi naman mahalaga sa akin ang katayuan ng kahit sino'ng babae na idi-date mo, ang concern ko ay dahil alam ko na naglalaro ka lang. Naaawa ako sa mga babae na pinapaasa mo lang. Bakit nandamay ka pa ng isang crew na working student? Hindi mo naman seseryosohin pero pinapaasa mo!"


Napa-tsk ako. Good thing at wala siyang alam sa aking tunay na nararamdaman kay Pamela at hindi lates ang update na alam niya tungkol sa amin. I was wrong, he didn't deserve to know about anything about my private life and feelings.


"Isa pa'ng nalaman ko, aalis ka na naman ng bansa. Sikat na sikat na ang banda niyo. What's next, Macoy, you're going to be an actor?"


"Have you forgotten?" Napabuga ako ng hangin bago malamlam ang mga mata na tumingin sa kanya. "I have always loved music since I was a kid."


Napatda si Daddy at hindi agad nakapagsalita.


"Tutal nakalimutan mo na lahat mula nang mamatay si Mom, kalimutan mo na rin ako. Let me do what I want to do with my life. I want to play a piano, to sing!" Nagtaas ako ng boses at halos sumigaw na. "And I don't want to be a politician! I don't want to be like you!"


"You, son of a bitch—" Akma akong sasampalin ni Dad nang bigla siyang mapahawak sa kanyang dibdib. "Ahg!"


Nagitla naman ako at nataranta. "Dad, what's wrong?" Agad ko siyang inalalayan dahil muntik siyang matumba.


Hindi makapagsalita si Dad, nakakapit lang siya sa braso ko nang mahigpit.


"Dad!" Napasigaw ako nang mawalan na siya ng balanse. Dinaluhan ko siya sa sahig. "Dad!" sigaw ako nang sigaw. Wala na siyang malay habang nakahandusay.


Nagsilapitan sa amin ang mga bodyguards niya. Binuhat ko na siya at ako na ang nagdala sa kanya sa kotse. Dinala namin siya sa ospital. Inatake siya sa puso. Putang-ina, inatake siya dahil sa kagagawan ko!




MY HANDS WERE SHAKING. Pinagmasdan ko ang aking mga palad. Takot na takot ako dahil hanggang ngayon ay nasa ICU si Dad. Wala pa ring malay. Wala pa ring kasiguraduhan kung magkakamalay pa ba.


Napasabunot ako sa aking buhok. Nakailang lakad na ako rito sa hallway. Gulong-gulo ang isip ko. Kapag may nangyaring hindi maganda kay Dad ay hindi ko mapapatawad ang aking sarili.


I had to call Pamela, my wife. Kailangan kong marinig ang boses niya. Kinapa ko ang backpocket ng suot na jeans para lang mapamura. Wala akong phone ko. Damn it! Naiwan ko yata sa kotse.


Nagsidatingan ang mga pinsan ni Dad, nangunguna si Uncle Ariseo. Kasama ng lalaki ang step-mom ko na si Lulu.


"I heard about what happened, Macoy," madilim ang mukha ni ani Uncle Ariseo. "Nakausap ko ang bodyguards ng dad mo. Ikaw ang kausap nito bago ito inatake. Ano na naman ba ang ginawa mo?! Wala ka na ba talagang gagawing matino?!"


"Don't be hard on Macoy!" singit ni Lulu.


Ang mga tiyahin ko sa paligid ay kanya-kanyang ismid. Si Uncle Ariseo naman ay nagdilim lalo ang mukha.


Hinarap ako ni Lulu at akmang yayakapin. "Poor boy, are you worried about your dad?"


Itinulak ko siya. "Don't touch me!"


Gustuhin ko mang manatili roon ay parang mas sasabog ang utak ko dahil sa presensiya ng aking mga kamaganak. Lumabas ako ng ospital para kausapin ang mga tauhan ni Dad. Ang adviser ni Dad ay naroon at kausap na ang mga tauhan. Itatago nila sa publiko ang tungkol sa pagkakaospital ni Dad.


"Ito ang gugustuhin ni Vice kung may malay lang siya ngayon," anang nasa mid fifties na lalaki. Nakabarong ito at nakasalamin sa mata. Kagalang-galang ang itsura. "Baka makaapekto sa susunod niyang pagtakbo bilang presidente ng bansa kapag malaman ng madla ang tungkol dito."


Naiintindihan ko. Syempre, sino nga ba ang boboto sa isang kandidato na may problema sa kalusugan? Sarado pa naman ang utak ng ilang mga tao. Kapag naospital ay nasa isip agad ay hindi na magtatagal.


Nasa parking lot ako nang sumunod si Lulu. Lumalagutok ang takong ng suot nitong sapatos sa paglapit sa akin. "Macoy!"


"What do you want?" malamig na tanong ko rito.


"Oh, come on! 'Wag kang masungit diyan. Tayong dalawa na lang ang magtutulungan kapag wala na ang dad mo."


"Do you even hear yourself? Buhay pa si Dad, ganyan na ang mga sinasabi mo!"


"He's critical." Humalukipkip si Lulu. "Makinig ka, Macoy. Magpakatotoo tayo. Kapag hindi na nagising ang dad mo, ibig sabihin ay hindi na matutupad ang hangarin niyang maging presidente ng bansa. Ibig sabihin, hindi na ako magiging first lady ng bansa."


"Seriously? 'Yan ang inaalala mo?!"


"Like what I've said, nagpapakatotoo lang ako. I put up with him because I believe that he will win the presidency. I want to be the country's first lady."


"You don't really love my dad," patuyang bitiw ko.


"Of course, I love him. He's a kind person, a gentleman. He's also handsome, rich, and powerful. He has everything a woman could ask for. It was so easy to fall in love with him. There's only one problem, though. He's too busy serving the people. He has no time for me."


"What do you expect? You married a politician!" buwiset na bulyaw ko sa kanya.


"Iyon nga, eh. Okay lang naman sa akin na palagi siyang busy sa politika. Ang mahalaga, manalo siya as next president of the country. Ibigay niya sa akin ang titulo ng pagiging first lady. Iyon ang pangarap ko. Iyon ang dapat niyang tuparin!"


Inis na nagpakawala ng hininga si Lulu.


"Pero ano'ng nangyari ngayon sa dad mo? Nandoon siya sa ICU at kritikal! 'Pag namatay siya ngayon, saan ako pupulutin? Hindi ko naman mamamana ang pagiging vice president niya ng bansa. Hindi rin sa akin mapupunta ang maiiwan niyang pera, because he made me sign a prenuptial agreement!"


I didn't know about that. Kung gayon ay walang balak si Dad pamanahan si Lulu? Bakit? Asawa niya ito.


"Your dad gives me money. May cards din ako galing sa kanya. Mabibili ko ang kahit ano'ng gusto ko. Kapag namatay siya ay may makukuha pa rin naman ako kahit paano, but not enough. Talong-talo ako."


"You made this choice, Lulu. Bukas ang isip mo nang pumayag kang pakasal kay Dad."


"I know. Ang akala ko nga kasi ay magiging presidente siya. Pero ngayon ay nanenelikado na." Dinuro niya ako. "You know, dapat stressed ka rin dahil wala ka ring mamanahin. Nasa will ng dad mo na kapag namatay siya ay mapupunta sa charity ang maiiwan niyang pera—not unless, magkakaapo siya sa 'yo. Sa apo niya mapupunta."


"Wala akong pakialam sa pera ni Dad." Kahit nga sa pera ni Grandpa o sa kompanya ay wala akong pakialam.


"You're just like him," paismid na sabi ni Lulu. "Ang dad mo ay walang pakialam sa pera at kompanya ng lolo mo na dapat ay kanya mapupunta. Mas gusto niyang magkawang-gawa at magsilbi sa bansa. Habang ikaw naman, wala ka ring pakialam sa lahat. Ang gusto mo lang ay magpakasaya."


"What is your plan, Lulu?" I asked her. May pakiramdam ako na kaya niya ako kinakausap ngayon ay dahil may pakay siya.


Tiningnan niya ako at pagkuwa'y nginitian. "I wanna help you."


Kinunutan ko siya ng noo. "What?"


"Your uncle, Ariseo, target niya ang kompanya ng lolo mo. Umaasa siya na sa kanya na talaga mapupunta ang kompanya. Mas tumaas ang chance niya ngayon dahil kritikal ang dad mo. Pero meron pa rin siyang problema. Ikaw."


"I told you, I don't care about my grandpa's company."


"Sa ngayon mo lang nasasabi 'yan, Macoy. Magigising ka rin isang araw na panghihinayangan mo ang kompanya kapag napunta na ito sa kamay ng iba. It's your grandfather's sweat and blood. Sa 'yo lang dapat mapunta ang pinaghirapan niya. And I will help you have it."


"Macoy!" sigaw na nagmula sa exit ng hospital building. Boses ni Uncle Ariseo.


Nagulat ako nang bigla akong sampalin ni Lulu. "Enough!"


"What the fuck?!"


Bigla na lang umiyak ang babae. "Baka nakakalimutan, ikaw ang huling nakausap ng dad mo bago siya nagkaganito! Please, Macoy, umalis ka na! 'Wag ka nang bumalik dito sa ospital!"


Siraulo, amputa!


Sinugod ako ni Uncle Ariseo at kwinelyuhan. "Ang kapal ng mukha mo, Macoy! Nasa ICU ang ama mo dahil sa 'yo! Tumaas din ang dugo ni Uncle Mateo nang malaman niya ang nangyari!"


Natigilan ako. "W-what happened to Grandpa?"


"Sa pag-aalala niya ay tumaas ang kanyang dugo. Gustuhin man niyang umuwi ng Pilipinas ay nakaratay rin siya ngayon sa Italy. Lahat ay dahil sa kagagawan mo!"


Si Lulu sa gilid ay humahagulhol na.


Niyakap ni Uncle Ariseo si Lulu para aluhin. "Tahan na, Lulu. Your husband will be fine. Gagaling siya at magigising." Hinarap ako ni Uncle Ariseo. "At ikaw, Macoy, umalis ka na. Umalis ka rito! Hindi ka kailangan dito!"


Umigting ang panga ko bago sila tinalikuran. I walked out of the parking lot with my fists clenched. Hindi na ako sumakay sa SUV na dala ng bodyguards ni Dad. Pumara na lang ako ng taxi sa labas.


Hindi ko alam kung saan pupunta. Ayaw kong pumunta sa White Plains para balikan ang kotse ko na naiwan doon. Wala akong lakas na tumapak ulit sa lugar na iyon, siguro ay si Cloud na lang ang aking uutusan na kunin ang kotse ko.


"Sir, saan po tayo?" tanong sa akin ng taxi driver.


Sinipat ko ang oras. Alas sinco pa lang ng hapon. 7:00 PM. Sinagot ko ang driver, "Libis. Dalhin mo ako kahit saang bar."


Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak hanggang sa makalimot ako. Makatulog sana ako sa kalasingan para kahit papaano ay maramdaman ko na hindi nangyari ang lahat ng ito.


....


Pamela


WALANG PARAMDAM SA AKIN ANG ASAWA KO.


Ano ba ang nangyari kay Macoy? May shoot ba siya ng ads ngayon? May rehearsal ang banda? May pictorial? O baka busy sa school dahil graduating na rin siya? Hindi kaya nasa ibang bansa siya ngayon for a fan signing? Hindi na ako naghihinala sa kanya kaya chill na lang ako.


Pagkatapos ng shift sa fastfood ay pumunta ako sa condo niya. Ang sabi niya kasi ay anytime na gusto ko roong pumunta ay pumunta lang ako. Ang gusto niya pa nga ay 'wag na ako mag-board at doon na sa kanya tumira. Tumanggi muna ako. Saka na lang kapag naka-graduate na kami pareho.


Pagpasok ko sa condo ni Macoy ay dumeretso ako sa kuwarto niya. Nandoon siya sa kama nakadapa. Lundagin ko kaya?


"Ahem," tumikhim ako.


Dumilat siya at inabot ang kamay ko. "Come here."


Wala akong sinabi na pupunta ako pero hindi siya nagulat sa aking biglang pagsulpot.


Nang mapahiga ako sa tabi niya ay niyakap niya agad ako. Napasubsob ako sa ilalim ng mabango niyang leeg. Tiningala ko siya. "Hi."


"Bakit ngayon ka lang?" inaantok ang mga mata na tanong niya sa akin.


"Kanina pa dapat. Umuwi pa kasi ako sa boarding house para maligo. 'Tapos natagalan ako sa pagki-kilay."


Kung mag-usap kami ay parang may usapang magkikita ngayon. Wala naman. Napapangiti na lang ako.


"Kumusta ka? Bakit hindi ka nag-te-text at tumatawag sa akin mula kahapon? Ano'ng pinagkakaabalahan mo?"


"Shhh..." Pinatahimik niya ako. Pagkatapos niya akong yakapin ay pumikit na siya.


"Cuddle lang tayo?"


"Please don't move. Let me just hold you," bulong niya.


"O-okay." Medyo disappointed ako. Two days kaming hindi nagkita at miss ko na siya, ayaw ko sana ng cuddle lang.


Pero okay na rin ito dahil noong huling may nangyari ay muntik na akong malumpo. Naka-apat na round ba naman kami sa loob lang ng isang gabi.


Sobrang natakam yata si Macoy kaya hindi ako tinigilan. Umalis ako ng Batangas na akala ko ay hindi na makakatayo. May aftershock pa iyon, three days akong hinang-hina. Hay, pero okay lang. Masarap naman.


Pinagmasdan ko na lang ang mukha ni Macoy nang marinig kong lumalim na ang kanyang paghinga. Nakatulog na yata.


Ang haba talaga ng kanyang pilik-mata. Hinagkan ko ang mga labi niya. "I love you..." usal ko.


Nagulat ako nang umungol siya at lalong humigpit ang yakap sa akin. "Pamela... wag mo kong iiwan..." At pagkatapos niyon ay nakatulog na siya ulit.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

639K 23.3K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
25.9M 783K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
14.4M 743K 71
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...