Retired Playboy

By JFstories

13.4M 384K 136K

Macario Karangalan Sandoval More

Prologue
MACARIO KARANGALAN SANDOVAL
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 20.1
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 13

71.4K 2.2K 189
By JFstories

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)


Macario Karangalan Sandoval


WHAT WAS HAPPENING?


Bakit nagkalat ang mga unipormadong bodyguards sa labas ng pinto ng aking condo Pagpasok ko ng pinto ay nadatnan ko sa sala ang bise presidente ng bansa, si Dad. What the fuck was he doing here? Paano siya nakapasok? May mga unipormadong lalaki na nakatayo sa bawat kanto ng sala area.


Humarap si Dad sa akin. Puting barong at itim na slacks ang kanyang suot. "Son, I am here to talk to you."


Tumiim ang mga labi ko. Wala ako sa mood makipag-usap. Kakauwi ko lang dahil nag-away kami ni Pamela, hindi okay ang mood ko.


"I want to understand you, Macoy," ani Dad. "Bakit ka nagkakaganito?"


"What?" halos padura na sabi ko.


"You are rebelling. Sa ginagawa mo, sinisira mo ang buhay mo."


"Paanong sinisira ko, Dad?" balik ko sa kanya. "Kahit busy ako sa band, pinapasukan ko pa rin ang ibang subjects ko."


Yumuko si Dad. "Iilang subjects lang. Hindi ka makapag-full load dahil mas inuna mo ang pagbabanda. Hindi lang iyon, you always go clubbing, palaging lasing. Matatahimik lang siguro ako kung nasa bahay ka na ulit. Kung babalik ka na sa atin."


"And what? Titira ulit ako kasama ang pangalawang asawa mo?!"


"Lulu cares for you, Macoy. Kahit hindi ka niya tunay na anak, inaalala ka niya. Kahit binabastos-basto mo siya, may pakialam pa rin siya sa 'yo."


Pagak akong natawa. "Ano ba'ng pinakain ng babaeng iyon sa 'yo, Dad, at paniwalang-paniwala ka sa kanya? Come on, ano'ng pinakain niya sa 'yo? Maliban sa puke niya, ano pa?!"


Doon tumigas ang anyo ni Dad. Nasa mukha niya ang pagpipigil na suntukin ako.


Ngumisi ako at lumapit sa kanya. "'Wag mo nang pigilan, Dad. You can punch me if you want. Come on. Hindi naman ito ang unang beses, ' di ba?"


Ang unang beses na nasapak niya ako ay noong nagsumbong ang putang Lulu na iyon sa kanya. Sinabi ng babaeng iyon na hinipuan ko raw ito, pero kabaliktaran ang tunay na nangyari. Si Lulu ang basta pumasok sa kuwarto ko at nanghipo sa akin. Ito ang palaging gumagawa niyon. Mula pa noong sixteen lang ako. Nang pumalag ako, doon ito nagsumbong kay Dad. And Dad believed her more than me.


I was barely seventeen when I left our house. Hinabol naman ako ni Dad pero ang gusto niya ay humingi ako ng tawad kay Lulu. Bakit ako hihingi ng tawad samantalang hindi ako ang may kasalanan?!


Namulsa ako. "Dad, let me live my life the way I want to live it. Iyon na lang ang magagawa mo para sa akin."


Bumuga ng hangin si Dad. Kinakalma ang sarili.


"As long as I am not taking illegal drugs, you don't have to worry about me. I will graduate this year. Wala akong gagawing makakaeskandalo sa pangalan mo." Alam ko na isa iyon sa inaalala niya. Nalaman na kasi ng media na nasa Pilipinas ang anak niya, ako.


Tumango-tango si Dad at pagkatapos ay nagtungo na sa pinto.


Pagkaalis ni Dad ay pinuntahan ko ang fridge at nagbukas ako ng beer in can. Binuksan ko iyon at nilagok. Hindi ako nakuntento sa isa lang, sunod-sunod ang binuksan at ininom ko na can. I was pissed. Ibinato ko ang beer na hawak. Lahat ng mahawakan ko ay ibinato ko sa kung saan.


....


Pamela


MABUTI na lang at sumagot ni Cloud sa tawag ko. Pati pala sa kanya, ay hindi rin nagpaparamdam si Macoy. Naniniwa ako dahil nahimigan ko ng pag-aalala ang boses ni Cloud. Maloko man ito ay ramdam ko na mahal nito ang kaibigan.


Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung paano ko mako-contact si Macoy. Hindi niya sinasagot ang tawag at mga texts ko. At kahapon pa ito uncontacted kaya nag-alala na ako. Oo na, marupok na. Hindi ko siya matiis e. Kahit ako ay natitiis niya.


Naglakas-loob na akong itanong kay Cloud ang address ng condo ni Macoy. Isang buong gabi kong pinag-isipan kung pupuntahan ba ang lalaki. Nabuo ang desisyon ko kaninang umaga na puntahan na nga siya sa kanyang condo. Para makaiwas na rin ako kay Donald dahil dadalaw na naman iyon sa bahay ngayon.


Napapikit ako nang makaharap ko na ang pinto ng condo ni Macoy. Number one rule ko: kapag hinubaran ako ni Macoy ay tatakbo ako palabas ng pinto.


Kinakabahan ako. Alam kong hindi maganda iyong huli namin date dahil nag-away kami. At napagtanto ko rin naman na mali ako. Siguro umiral lang ang pagka-isip bata ko. Dapat nga ay magpasalamat pa ako na hindi siya nagalit, di ba? Nasaktan lang kasi ako siguro dahil umasa ako na magseselos siya, pero hindi pala.


Pinindot ko na ang doorbell kahit nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba. Wala yatang tao. Walang nagbubukas ng pinto. Naka-apat na doorbell na ko.


Naisipin kong gamitin na ang code na binigay ni Cloud sa akin. Gumana naman. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang masukal na sala. May mga basag na picture frame at vase sa sahig. Nagkalat din ang lata ng beer sa lamesita. Ano'ng nangyari dito? Kay Macoy ba talaga itong condo na napasok ko?


Sa pagkakaalam ko ay malinis at masinop sa gamit si Macoy. Ayaw niya ng magulo. Kahit noon pa man, maligalig lang siya pero talagang organized siya sa mga bagay-bagay.


Natanaw ko na bukas din ang pinto ng kuwarto kaya sumilip ako. Lamp shade lang ang ilaw sa loob. Amoy alak at ang mabangong halimuyak ng expensive perfume niya ang malamig na hangin dito. Sa carpeted na sahig ay nagkalat ang basyo ng alak.


Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Macoy na nakabulagta sa kama. Boxers lang ang suot. Nakalaylay ang isang binti niya sa kama. Agad ko siyang nilapitan at tinapik siya sa kanyang makinis na pisngi.


"M-Macoy, ano'ng nangyari sa 'yo?!"


Umungol siya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay pilit siyang bumangon pero hindi niya magawa. Lasing na lasing siya.


"A-ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Bakit ka nagkakaganito?"


"Go away," sabi niya pagkatapos niyang tumalikod sa akin sa pagkakahiga.


"Ano'ng go away?! Humarap ka rito. Bakit ka ba naglasing?! Ni wala ka pa yatang kinakain, uminom ka na ng alak!"


"I'm not in the mood to argue with you, Pamela."


Napayuko ako. "Hindi ako nandito para makipag-away—"


"Please. Just go away. Gusto ko'ng mapag-isa."


Napatulala ako sa sinabi niya. Pero isinantabi ko ang pagtatampo. Mas nangingibabaw ang pag-aalala ko. "O-okay, aalis ako. Pero aalis lang ako kapag naasikaso na kita—"


"I said, go away!" Nagtaas ang boses niya.


Sa gulat ay napaatras ako.


"Who told you my place? Why are you here? I don't need you here! Umalis ka na!"


Nanikip ang dibdib ko dahil sa pagsigaw niya na hindi niya ako kailangan. Ako ang girlfriend niya pero hindi ganoon ang turing niya sa akin. Pakiramdam ko ba ay makakasagabal pa ako sa kanya.


Nang malaglag ang luha sa aking mga mata ay nanakbo na ako palabas ng kanyang condo. Habang naglalakad ako ay walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko.


....


THEO SALCEDO AND NENITA BELTRAN'S WEDDING.


Sa wakas, ikakasal na si Ate Nita kay Kuya Theo. Buntis si Ate Nita. Noong makausap ko siya, ang kuwento niya sa akin ay pinikot niya lang ang lalaki. Hindi siya nagdalawang-isip sabihin sa akin na desperada na siya. Nararamdaman niya raw kasi na nawawala na ang pagmamahal sa kanya ni Kuya Theo kaya gumawa na siya ng paraan.


Masakit man aminin pero kailangan ni Ate Nita ang yaman nina Kuya Theo. Ang plano ni Ate Nita ay kapag legal na siyang Salcedo ay siya na ang magbabayad sa mga utang ni Papa sa bangko.


Nitong nakaraan lang, nakalimutan ko sandali si Macoy dahil sa nalaman kong rebelasyon. Lubog na lubog na pala talaga sa utang ang pamilya namin. Kaya pala hindi na umaalis sa bahay si Papa para pumunta sa maliit nitong kompanya ay dahil bankrupt na. Wala na ang negosyong pinaghirapan nito ng dugo at pawis.


Masaya pa si Papa noong nakaraang taon. Akala nito ay matutupad na ang pangarap na paglago ng nesyo, pero kabaliktaran ang nangyari. Niloko si Papa ng pinagkakatiwalaan nitong kaibigan at kasosyo. Nilimas ang pera ni Papa kasama pati ang pera ng mga investors.


May fraud at estafa. Dahil nakatakas na ang kaibigan ay si Papa na ang sumalo ng lahat ng responsibilidad. Si Papa rin ang nasampahan ng kaso na estafa at fraud. Para hindi makulong ay nangutang si Papa sa iba't ibang bangko para may mabayaran ang lahat ng atraso.


Naisanla na rin ni Papa pati ang titulo ng aming tinitirahang bahay at nabenta na ang kanyang SUV. Baon na baon na kami. Ngayon ay nasa bahay na lang si Papa, palagi itong tulala at umiiyak mag-isa. Dinamdam nito nang matindi ang nangyari.


Si Mama naman sa kabilang banda ay umaasa na lang sa himala. Hindi kasi uubra kahit mag-apply pa ng trabaho si Papa, kulang na kulang pa rin ang kikitain para makabayad kami sa sandamakmak naming utang sa bangko. Si Ate Nita naman ay kulang pa para sa bills namin ang sahod, may ibang ginagastos din kasi ito.


Ang natitirang himala na inaasahan nina Mama at Ate Nita ngayon ay ang pera ng mga Salcedo. Isang bagsakang pera kapag nakasal na si Ate Nita kay Kuya Theo.


Napaisip tuloy ako kagabi kung ito na nga ba ang tamang pagkakataon para ipakilala ko si Macoy sa aking pamilya. Ayaw ko kasi na patuloy pa akong ireto nina Mama kay Donald. Kung irereto lang din ako sa mayaman, doon na sana sa taong mahal ko.


Bumagsak ang aking balikat. Hindi naging maganda ang kinalabasan ng pagpunta ko sa condo ni Macoy noong huli naming pagkikita. Akala ko pa naman ay masusurpresa ko siya. Matagal na niya kasing hiling sa akin na tumambay sa condo niya. Pero iba ang nangyari. Itinaboy niya ako dahil wala raw siya sa mood at gusto niya mapag-isa.


Nasaktan ako kaya umalis na lang ako nang araw na iyon. Pero kinagabihan ay nakatanggap ako ng text sa kanya. Sorry. Iyan lang ang text niya. Hindi ko na siya ni-reply-an. Katulad ng hiling niya, hinayaan ko muna siya mapag-isa.


Ngayon ay buo na ang loob ko na ipakilala siya sa aking pamilya. Nag-text ako sa kanya at inanyayahan ko siya na pumunta ngayon sa kasal ni Ate Nita. Hihintayin ko na lang ang reply niya.


Sa totoo lang kasi ay nagtatampo pa rin ako sa kanya. Nag-away na nga kami nung huling date namin, tapos pinaalis niya pa ako nang pumunta ako sa condo niya. Tinext ko na lang siya, hindi ko na siya tinawagan. Basta sumugal na ako. Sana nga ay pumunta siya ngayon dito.


Ito na ang pagkakataon niya na makabawi siya sa akin. Kung gusto niya na magkaayos kami at magkabati, pumunta siya dapat. Hindi puwedeng isang sorry lang sa text. Maganda rin kasing pagkakataon ngayon para maipakilala ko na siya sa aking pamilya.


"Pamela, ano ka ba naman?" Pinunasan ni Mama ang pawis ko sa noo. "Baka mabura ang make up mo."


Paroo't parito kasi ako. Hindi ako mapakali. Tapos na sa simbahan at ngayon ay nasa reception na, pero wala pa rin kahit anino ni Macoy. Ni wala ring tawag o text man lang.


"Hala, samahan mo muna ang papa mo sa upuan. Hayun at nakain mag-isa." Tinuro ni Mama sa akin si Papa. Nandoon nga ang papa ko at nag-iisa sa upuan nito.


Naglakad ako habang hawak ang laylayan ng aking suot na light blue na gown. Ako ang maid of honor kaya ayos na ayos din ako. Professional makeup artist ang nag-ayos sa akin katulad ng sa ate ko.


Hindi halatang tinipid ang kasal na ito. Malawak ang reception. Maganda ang paligid, maraming bulaklak at ilaw. Light blue ang naging motif. Perpekto ang lahat maliban sa braces ni Donald. Best man ito ni Kuya Theo at wala itong ginawa maghapon kundi ang ngitian ako. Kabanas!


Halos lahat ng mga dumalo ay kamag-anakan ng mga Salcedo. Samantalang sa side namin ay kami lang nina Papa at Mama.


Kasama sana si Macoy pero hindi siya nagparamdam sa akin. Lumipas ang ilang araw na wala man lang siyang reply sa text ko. Hindi ako nagtangka na tawagan siya dahil ako na naman ang magmumukhang marupok—kahit marupok naman talaga ako.


Habang palapit kay Papa ay nakaramdama ko ng lungkot. Halata kasi kay Papa na hindi ito masaya. Paano ba naman, sinubukan nitong makipagkamay sa daddy ni Kuya Theo pero hindi man lang ito pinansin ng ginoo. Lagi ring nakataas ang kilay ng Mrs. Salcedo sa tuwing titingin sa pamilya namin. Madalas pa na may kabulungan ito habang nakatingin sa amin.


Nang tingnan ko si Ate Nita ay nakaupo lang ito mag-isa sa stage kung saan sana ay katabi niya si Kuya Theo at ang parents nito. Wala si Kuya Theo dahil abala ito sa mga kaibigan nito. Abala rin sa mga kamaganak na bisita sina Mr. at Mrs. Salcedo.


Sigurado ako sa nakita ko. Bakas sa mukha ni Ate Nita ang lungkot kahit na nakangiti siya habang kinakasal siya kanina. At noong hinalikan na siya ni Kuya Theo, napansin ko na walang pag-aalab ng pagmamahal sa kanilang dalawa.


Ganito. Ganito ang kasal na walang pagmamahal.


Ganito rin ang kasal kapag hindi tanggap ng kabilang panig ang kabilang panig. Sa usaping pera at ari-arian, walang-wala ang pamilya namin sa pamilya Salcedo. Normal lang siguro na mag-isip sila na baka pera lang ang habol namin sa kanila—na partly ay totoo naman.


Bago ako makalapit kay Papa ay may humarang sa akin. Si Donal na nakasuot ng black slacks at light blue na long sleeves polo. Ngumiti siya kaya lumitaw na naman iyong braces niya sa ngipin. "I love you, Pamela."


Napakamot ako ng ulo. Kung saan-saan at kahit kailan na lang niya maisipan talaga na mag-'I love you'.


"Tara, Donald. Ikain na lang natin 'yang pagmamahal mo," yaya ko sa kanya.


"Sayang, hindi ako puwede kumain."


"Bakit naman?"


"Kaka-adjust lang ng braces ko. Masakit pa."


"Malas mo. Bala ka riyan." Iniwan ko na siya.


"Wait, Pamela!" awat niya sa akin.


"Oh?"


"Bakit parang iniiwasan mo ako."


"Uy, 'di lang parang, ah."


"What?"


"Char. Gutom lang talaga ako. 'Ge, bye!"


"Wait, Pamela!" Ayaw niya talaga akong paalisin. "Ngayong kasal na sina Kuya Theo at ang Ate Nita mo, we're now a family."


Alangan akong ngumiti sa kanya. "Oo nga e. So hayon, magkapatid na rin tayo." Kaya 'wag kang incest diyan!


"How about us? When are we going to be together?" Biglang nangusap ang kanyang mga mata. Kasasabi ko lang na 'wag incest, eh!


Bumuga ako ng hangin. Makulit talaga si Donald. Ang hirap niyang pigilan. Nakapagpasya na ako na tapatin na siya. Bahala na. "Donald, may boyfriend na ako."


"What?" Hindi niya yata ako narinig.


"'Sabi ko nagugutom na ako! Grrr!"


Napaatras siya at napataas ang dalawang kamay. "All right. Kumain ka nang marami."


Aalis na ako nang pumigil na naman siya.


"Pamela, may garden sa likod nitong venue."


"Oh?"


Nahihiya siyang yumuko. "Baka lang kasi na gusto mong mamasyal mamaya. Maganda ang garden doon. Sabihin mo lang, puwede kitang ipasyal doon..."


"Ah, K. Thanks!" Nang makawala na ako kay Donald ay dinukot ko ang aking cellphone para tingnan ang screen nito. Wala talagang reply si Macoy.


Lulunukin ko na ang aking pride. Ako na ang tatawag sa kanya. Kailangan ko talaga siya rito. Nag-ring ang phone niya pero hindi niya sinasagot. Tangina talaga!


Isa pa! Tinawagan ko siya ulit. Nakalimang subok ako na lahat ay hindi niya sinasagot. Nag-text na lang ako sa kanya.


Me:

Kapag di ka nagreply in 5 mins break na tayo!


Ise-send ko ba ito?


Oops, na-send na!


Napapikit ako. Seryoso ako. Since wala naman yata siyang pakialam sa relationship namin, mabuti pa na tapusin na lang ito. Bibigyan ko siya ng isang minuto para mag-reply.


Naghanap ako ng table na bakante at doon ako pumwesto habang naghihintay. Bigla na lang akong kinabahan sa nagawa ko. Kahit malamig sa venue ay pinagpapawisan ako.


Paano kung hindi siya mag-reply si Macoy, eh di 'tapos na kami?


Kailangan kong panindigan ito. Ako ang nag-umpisa nito!


Maya-maya ay tumunog ang cellphone kaya agad ko itong tiningnan. Shit, notification lang pala na low battery na ko!


Pinagmasdan ko ang oras sa screen ng cellphone ko. Malapit na mag-five minutes. Sige pagbigyan ko pa, gawin kong ten minutes.


Hanggang sa lumipas na ang fifteen minutes na wala pa rin siyang text sa akin. Pinunasan ko agad ang aking luha na kusang nalaglag sa aking mga mata. Siguro nga ay okay lang sa kanya na mag-break kami. Kaya simula ngayon, opisyal na single na ulit ako. Pagod na rin naman ako sa kanya.


Ayoko na talaga! Bahala na siya. Last na 'to. Ayoko na!


Sa sama ng loob ay naisubo ko ang pagkain sa aking harapan, ewan ko kung kaninong tirang pagkain iyon. Namumualan ako ay panay pa rin ako ng subo. Ang sakit-sakit ng puso ko.


Nagulat ako nang biglang may maglapag ng drinks sa harapan ko. Pagtingala ko ay si Donald. "Napansin ko na wala kang drinks kaya dinalhan kita. Baka kasi mabulunan ka."


Pasimple kong pinunasan ang aking mga luha. "T-thanks."


"Sige, kain ka lang."


"Donald!" awat ko sa kanya nang akma niya na akong tatalikuran.


"Saan ba iyong garden na sinasabi mo kanina?"


"Ha?" Natigilan siya at bahagyang pinamulahan ng mukha. "Uhm, doon banda. 'You want me to show you around?"


Sa kauna-unahang pagkakataon, bukal sa loob na ngumiti ako sa kanya. "Tara."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

23M 587K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
9.8M 384K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...
220K 4.8K 12
Mahal ko ang pinsan ko at habang tumatagal lalong tumitindi ang pagmamahal na yon. Parang isang Virus, kahit ayoko kusang kumakalat sa sistema ko ang...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...