Retired Playboy

By JFstories

13.4M 384K 136K

Macario Karangalan Sandoval More

Prologue
MACARIO KARANGALAN SANDOVAL
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 20.1
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 9

74.7K 2.2K 450
By JFstories

HABANG abala si Mama sa paglilinis ng sala, si Ate Nita naman paroo't parito, hindi mapakali na patingin-tingin sa hawak na cellphone. Naghihintay ng message ng boyfriend na si Kuya Theo. Susunduin kasi siya ngayon nito.


Lumabas si Papa ng banyo. Nagtanong ito nang makitang hindi magkandaugaga sina Mama ate Ate Nita, "Bakit ba natataranta kayo?"


"Darating kasi ang boyfriend ng panganay natin," nakangiting sagot ni Mama sa asawa. "Iyong sa mataas ang katungkulan sa Sandovals'. Aba, ngayon na lang ulit iyon madadalaw rito sa atin, dahil susunduin itong pangangay natin."


Napatakbo sa sofa si Ate Nita. Nagkalkal siya sa bag niya na regalo ni Kuya Theo noon sa kanya. Mula roon ay kumuha siya ng salamin at pinasadahan ng tingin ang sarili, pagkuwa'y tumingin kay Mama. "Ma, how's my make up?"


"Good, anak," sagot agad ni Mama. "Very pretty, my lovely daughter!"


Tumayo si Ate Nita at niyakap si Mama. "Thank you, 'Ma! Gusto ko kasi talaga na palagi akong maganda para kay Theo. Ang dami kasing nagkakagusto sa kanya, mahirap na baka maagaw siya."


Napailing ako sa dahilan ni Ate Nita. Naiintindihan ko naman siya dahil in love siya, ang hindi ko lang maintindihan ay bakit pumayag siya sa set up na gusto ni Kuya Theo na live in. Bukod sa wala silang basbas sa itaas ay wala rin siyang habol sa asawa sa batas. Paano kung magkaanak sila? Magiging illegitimate ang bata kahit pa sabihing isusunod ito sa apelyido ng asawa niya.


Paano rin kung bigla ay pagsawaan ni Kuya Theo si Ate Nita? Ano ang maiiwan sa kanya maliban sa memories nilang dalawa? Kung biglang mambabae man ito, ano'ng proteksyon at habol niya? Ni hindi niya maidedemanda ang lalaki at ang magiging babae nito.


Siguro makaluma lang talaga ang pag-iisip ko, pero iyon talaga ang pinangangatawanan kong paniniwala. Kahit gaano ko kamahal si Macoy, ayaw ko na magsasama kami nang hindi kami kasal. Natatakot ako.


Hinaplos ni Mama ang buhok ni Ate Nita. "Masaya ako kapag si Theo ang nakatuluyan mo, anak. Mayaman siya, hindi ka maghihirap sa kanya."


"Hindi lang ako ang hindi maghihirap, Ma. Kadamay kayo." Buo ang kumpyansa na ngumiti si Ate Nita. "Kapag kasal na kami ni Theo at legal na akong may karapatan sa pera niya, mababayaran ko na ang mga utang natin sa bangko."


May mga loan kasi si Papa sa iba't ibang bangko dahil sa pagtatayo nito ng negosyo. Maganda naman ang kinalabasan ng negosyo ni Papa. Nakapagpundar kami ng bahay na tinitirahan namin ngayon, at saka nakapag-aral ako sa isang private high school noon, kaya lang ay humina ang negosyo nitong nakaraang taon. May malaki pa yatang problema ngayon.


Napatingin si Papa kina Mama at Ate Nita. "Ano'ng sabi mo, Nita? Bakit iaasa mo sa ibang tao ang mga loan ko?!"


Napasimangot naman si Mama sa pagsabat ni Papa. "Puwede ba, mahal? Huwag mo nang pairalin ang pride mo riyan. Baka nakakalimutan mo? May kinahaharap kang problema sa negosyo mo ngayon. Kaya dapat nga ay magpasalamat ka pa na gustong tumulong sa 'yo ng anak mo."


Kung gayoon ay may problema nga talaga. Bakit hindi man lang nila sinasabi sa akin? Bakit kailangang ilihim?!


"Ma, luto na ba iyong bopis?" pag-iiba ni Ate Nita sa usapan. "Kung kanina pa luto, pakiinit po. Baka malamig na kasi kapag inihain. Ayaw pa naman ni Theo ng malamig na pagkain."


"Ako na, Ate!" pagpresinta ko. Wala naman kasi akong ginagawa. Ayaw akong patulungin ni Mama sa paglilinis ng bahay. Ang gusto lang nila ay mag-aral ako nang mag-aral at ingatan ko raw ang aking kutis.


"Ay, 'wag, anak!" biglang pigil ni Mama sa akin. "Ang papa mo na lang ang mag-iinit sa ulam. Ang mabuting gawin mo, mag-ayos ka na lang din ng sarili. Isasama raw kasi ngayon ng boyfriend ng ate mo ang kapatid nito."


Kumindat sa akin si Ate Nita. "Type ka ng kapatid ni Theo, 'di ba? Kasama niya iyon mamaya."


Laglag ang panga ko. Seryoso ba si Ate Nita? Wala siyang kaalam-alam na may boyfriend na ako. Sandali, may boyfriend pa nga ba talaga ako?


Nang maalala si Macoy ay sumama na naman ang aking pakiramdam. Pumasok na lang ako sa kuwarto at naghanda nang magkulong doon. Pilit kong kinakalimutan ang tungkol sa lalaking iyon, kaya lang para siyang amag na sa akin ay maya't mayang bumabagabag.


Katok ni Ate Nita sa aking pinto ang pumukaw sa akin. Tamad na pinagbuksan ko siya. Nakasimangot siya sa akin. "Ano'ng ginagawa mo? Bakit ka nagkukulong dito?"


"Wala naman akong gagawin sa ibaba."


Hindi niya pinansin ang aking sinabi. "Magbihis ka. Isuot mo iyong binili kong damit sa 'yo noong nakaraan."


Biniling damit? Iyon bang branded na damit na binili niya gamit ang credit card ng kanyang mayamang boyfriend? Hilig niya akong ipag-shopping ng mga bagay na hindi ko naman nagagamit. Ang mamahal kasi ng taste ni Ate Nita, alangan namang gamitin ko iyon habang nagko-commute sa school?


Pag-alis ni Ate Nita ay wala na akong nagawa kundi magbihis. Isinuot ko ang damit na sinasabi niya. Isang above the knee na light pink doll dress. May etiketa pa, P50,000. Napailing ako. Kapresyo ang damit ng mismong sahod ni Ate Nita sa Sandovals' bilang secretary. Mukhang credit card nga ni Kuya Theo ang ginamit sa pagbili ng damit.


Matapos magbihis ay basta ko lang itinali into a bun ang aking buhok. Flats na sandals na kulay puti ang nasa aking mga paa. Hindi na ako nag-make up, lip gloss lang, at pagkatapos ay bumaba na ako sa sala.


Naroon na nga ang hinihintay ni Ate Nita at Mama. Late ng isang oras. Isang lalaking matangkad ang naka-long sleeves at tila ba naliligo sa mamahaling pabango. Umalingasaw kasi ang mabangong amoy nito pagpasok sa pinto. May itsura naman, hinas na hinas ang buhok na para ba'ng kakaahon lang sa swimming pool. Ito si Kuya Theo. As as usual, nakasimangot ito.


Kulang na lang ay lumambitin si Ate Nita kay Kuya Theo. "Babe, you're one hour late!"


"Ang hirap ng parking sa labas niyo." Parking talaga ang idinahilan? Ano iyon, isang oras na siya nag-pa-parking sa labas ng bahay namin?!


Saka, hello? Kailan sumikip ang parking sa labas? Hindi man private subdivision itong lugar namin, malalawak naman ang mga kalsada. Kakayaning mag-double parking kahit saan.


"Magandang gabi, Theo," bati ni Mama rito. "Salamat at napadalaw ka ulit sa amin. Kumusta ka na?"


Tiningnan lang ni Kuya Theo si Mama.


Tumikhim si Papa sa gilid. "Pakainin mo na ang bisita mo, Nita."


"Ah, Nita. I told you already abour my brother, right? Kasama ko siya ngayon." May tinawag si Kuya Theo mula sa labas ng pinto. Mula roon ay pumasok ang isang lalaki. Katulad ni Kuya Theo ay naka-long sleeves din ito, hinas na hinas ang buhok, guwapo naman depende sa anggulo. Ang pinagkaiba lang sa kapatid ay nakangiti ito.


"Donald!" masayang sambit ni Ate Nita.


"Ah, siya ba si Donald?" nakangiting singit ni Mama. "Aba'y guwapo rin. Kumusta, hijo? Welcome to our house!" Napakagiliw ni Mama rito.


Katulad nga lang ni Kuya Theo ay hindi rin pinansin ni Donald si Mama. Sa halip ay sa akin ito dumeretso. "Good evening, Pamela."


Sa gulat ko ay walang paalam na kinuha nito ang aking kamay at hinagkan ang likod ng palad ko.


Lumawak ang ngiti ni Ate Nita sa nakita. Kitang-kita kasi nila kay Donald ang pagka-gentleman nito. Si Papa naman ay napapailing na tumalikod na sa amin.


Nakasimangot pa rin si Kuya Theo na halatang naiirita sa paligid. Malawak man kasi ang sala namin ay wala naman kaming aircon dito. Sa mga bedroom lang kasi ang afford naming pakabitan. Kay Kuya Theo na itinutok ni Ate Nita ang dalawang electricfan pero hindi pa rin ito masaya.


Si Donald naman ay nakangiti pa rin sa akin. Mukhang proud siya sa braces niya sa ngipin na parang christmas lights. Iba-iba kasi ang kulay, nagmukha tuloy itong high school boy kaysa college boy. Guwapo naman, basta tingnan mo siya palagi sa kaliwa at 'wag sa kanan.


Naupo si Ate Nita sa tabi ni Kuya Theo. "Babe, galit ka ba?" Hinawakan niya ang kamay ng lalaki. "May luto si Mama na bopis. Paborito mo iyon, 'di ba?"


"Nita, ang init. Sana sinabi mo na wala pala kayong AC sa sala niyo, para sana nag-book na lang ako sa malapit na resto rito."


"Sorry na, babe. Gusto mo ba sa resto na lang tayo kumain?" masuyong tanong ni Ate Nita. Nakalimutan na agad kung gaano nagpakahirap sa kusina si Mama kakaluto ng bopis na hiling niya.


Mabuti at hindi na umimik si Kuya Theo. Nakakaasar ito. Parang ina-under ang ate ko. Naaalala ko tuloy ang mga gabi na biglang umuuwi rito sa amin si Ate Nita. Nahuhuli ko ito na umiiyak sa kuwarto nito.


Dumulog na kami sa mesa. Asikasong todo si Mama kina Kuya Theo at Donald. Si Papa naman tahimik lang at sunod sa agos.


Kumuha agad si Ate Nita ng pinggan para asikasuhin si Kuya Theo. "Kain na, babe."


"What's this? Bakit umuuga ang mesa niyo?" reklamo ng lalaki.


Nagkatinginan sina Mama at Papa.


"Ah, teka, hijo. Pasensiya ka na." Kumuha agad ng pangkalang si Papa sa paa ng isang mesa. Lumuhod siya sa haparan ni Kuya Theo para abutin ang paa ng mesa.


Imbes ma-appreciate ang ginawa ni Papa ay bumulong si Kuya Theo, "I lost my appetite."


Napakapit ako nang mahigpit sa hawak kong kubyertos. Bastos ang lalaking ito at walang respeto kay Ate Nita at sa mga magulang ko. Bakit? Dahil ba middle class lang kami habang siya ay nasa upper class?


Ganito rin kaya si Macoy kung sakaling makapunta na ito rito sa bahay namin? Mamaliitin din ba kami dahil mayaman din ito?


Hay, bakit ba sumagi na naman sa isip ko ang lalaking iyon?


Sa totoo lang, matagal ko na kasing gustong ipakilala si Macoy sa aking pamilya bilang boyfriend ko. Hindi siguro sila magiging tutol sa lalaki dahil mayaman ito. Matitiyak nila na magiging mabuti ang kinabukasan ko. Kaya lang, kung ipakikilala ko si Macoy rito ay tiyak na mapi-pressure ito—at iyon ang iniiwasan kong mangyari.


Sina Mama at Papa kami ay naniniwala na kung sino ang naging boyfriend ng anak ay iyon na rin dapat ang makakatuluyan. Baka ma-pressure si Macoy sa isiping matatali na siya sa akin.


Sinagot ko si Macoy nang ligawan ako nito, hindi dahil sa alam ko na mayaman ang lalaki, kung hindi dahil mahal ko ito. Ang kaso, wala na kami ngayon. Ito ang dahilan kung bakit ilang araw ng mabigat ang dibdib ko ngayon.


"Pamela, are you still studying?" tanong sa akin ni Donald habang kumakain kami sa mesa.


"Oo." Si Ate Nita ang sumagot sa kanya. "Buong buhay ni Pamela, from nursery to high school ay nasa private school siya. Nitong college naman ay sa PUP siya napunta, scholar. Matalino 'yan at masipag mag-aral. Hindi nag-bo-boyfriend, inuuna ang pag-aaral kaysa sa ibang bagay."


Talambuhay agad? Ang tanong lang naman ay kung nag-aaral ako!


Lumawak naman ang ngiti ni Donald. "That's nice."


"She's at the right age to enter a relationship, hindi naman namin pinipigilan, pero ayaw pa talagang mag-boyfriend," nakangiting dugtong pa ni Ate Nita, kahit wala namang nagtatanong. "She's single. No boyfriend since birth."


NBSB? Hindi. Pero single? Siguro. Iyon naman na ang pakiramdam ko ngayon, single. Wala naman na akong boyfriend. Ghosted na ako.


"Pamela," tawag ni Donald sa akin. "Why don't you transfer to my school? Para naman same university tayo. Palit ka na rin ng course para pati course ay pareho tayo."


Ha? Okay lang ba siya?


"Hindi namin kaya ang tuition sa school mo, hijo," mahinang sabat ni Papa na ikinatanga ni Ate Nita.


Siniko naman agad ni Mama si Papa dahil sa sinabi nito. "Ay, naku, ang ibig sabihin ng asawa ko, okay naman na si Pamela sa PUP bilang scholar. Masaya siya roon—"


"Hindi talaga kaya ang tuition sa ibang university," putol ni Papa sa pagsasalita ni Mama. Ayaw nitong magpapigil. Seryoso ang mukha na tumingin sa akin. "Pero kung hindi lang nagkaproblema ang negosyo ko, kaya ko namang pag-aralin si Pamela sa kahit saang private university na gusto niya. Kayang-kaya ko sanang ibigay ang magandang buhay sa mga anak ko, na hindi na nila kakailanganing umasa sa iba."


Napatikhim si Ate Nita. "Kumain na lang tayo."


Hindi naman na nakaramdam si Donald. Sumige pa. "Our dad can pay for Pamela's tuition."


Nasamid ako sa kinakain.


Sina Mama at Ate Nita naman ay nagningning ang mga mata, habang si Papa ay dumilim ang ekspresyon.


"Dad will disagree," malamig na sabat ni Kuya Theo.


"Why not?" Kumiling ang mukha ni Donald. "Wala pang request ko ang tinanggihan ni Daddy."


Daddy's boy naman pala!


Sumimangot si Kuya Theo. "Because we don't know her yet."


Ayaw pa ring patalo ni Donald sa kapatid. "Well, she's your girlfriend's sister. And we met her today. We know her now."


"You just met her tonight, Donald!"


"Ahem." Sumingit na ako. Mukhang dito pa kasi sila mag-aaway na magkapatid. "Hindi ko rin naman gustong lumipat ng school at magpalit ng course."


Natahimik ang dalawa.


Pero nagpahinga lang si Donald. Maya-maya lang ay dumadaldal na naman. "Pamela, I saw your photos on Facebook. You're pretty there, but I think you're prettier in person."


"Maganda nga 'yan, pero ayaw talagang mag-boyfriend. Puro aral ang inaatupag," sabay ni Mama. "Nangako kasi yan sa amin na iaahon niya kami sa hirap."


Kailangan ako nangako?


"Kapag ako ang nakatuluyan ng anak niyo, ako na ang mag-aahon sa hirap sa inyo." Sabay kindat sa akin ni Donald.


Gago!


Nagtawanan silang lahat. Syempre, maliban kay Kuya Theo.


"Mabuti pa, hijo, e ligawan mo na. Baka maunahan ka pa ng iba riyan," kantyaw ni Mama sa lalaki. "Kung sa 'yo lang din, hindi ako tututol."


Ngiting-ngiti naman si Donald sa sinabi ni Mama. Samantalang ako ay napipikon na. Kulang na lang ay ibenta nila ako sa lalaki.


Walang imik naman si Kuya Theo. Nakasimangot pa rin ito habang halos kulang na lang ay subuan ni Ate Nita ng pagkain.


Pagkakain ay akala ko uuwi na ang mga ito, pero mukhang may LQ sina Ate Nita at Kuya Theo. Nagkulong sa kuwarto ng kapatid ko ang dalawa at doon impit na nagsigawan.


Si Donald naman ay halos ayaw na akong lubayan. Ultimo pagbanyo ko kanina, naghintay siya sa labas ng pinto. "Tara, Pamela, lakad-lakad tayo sa labas. Pahangin lang."


"Ayoko, ang pangit mo."


Nagulat si Mama sa sinabi ko. Kahit si Donald ay napatigagal sa akin.


Napakamot ako ng pisngi. "A-ang ibig kong sabihin, ang pangit kasi ng labas namin kapag gabi. Madilim dahil sira ang ibang ilaw sa daan!"


Gigil na napahalakhak si Mama. "Sige na, Pamela, samahan mo na si Donald sa labas. Maganda nga ang kaunti lang ang ilaw, mas romatic!" May kasama pa'ng pandidilat sa mga mata niya.


Bumagsak na lang ang aking balikat. "Tara na nga, Donald." Yamot akong naglakad para lumabas ng bahay.


Sumunod sa akin si Donald at tumabi sa akin habang naglalakad. Nakatitig siya sa akin kaya kamuntik pa siyang matalisod. "Ah, Pamela. Totoo ba ang 'sabi ng mama at ate mo na wala ka pa raw boyfriend?"


Nagkamot ako ng tainga dahil may bumulong sa aking lamok. "Hindi pa ba kayo uuwi? Inaantok na kasi ako, eh."


Bahagya siyang lumapit sa akin. "Okay lang na pumunta tayo sa kuwarto mo, sasamahan kita."


Kumunot ang noo ko. "Ihehele mo ako hanggang makatulog ako?"


Napakamot siya ng batok.


"Gago, joke lang 'yon."


Pigil siyang napangiti. Parang kinilig na nasabihan ko siya ng gago.


"Alam mo, iba ka sa lahat. Iba ka rin sa ate mo."


"Oh, talaga ba?" tamad na tanong ko.


"Yeah. Akala ko noong una ay katulad ka ni Nita na mahinhin, babaeng-babae at soft-spoken. Hindi pala. Prangka ka pala, may pagkamatapang at kwela. Lalo tuloy akong na-curious sa 'yo."


Ano bang pinagsasabi ni Donald? Tama ba'ng ikompara niya ako kung kani-kanino? Wala akong pakialam sa pag-uugali ko, basta sinasabi at ginagawa ko kung ano ang gusto ko. As long na wala akong tinatapakang tao, go lang ako. Pero para sa akin ay hindi iyon kalakasan o kahinaan.


Napansin niyang napayakap ako sa aking sarili dahil malamig ang simoy ng hanging panggabi.


"Nilalamig ka ba?"


"Sakto lang."


"Ang lamig pala rito sa labas niyo, ano?"


"Oo nga e, parang nguso mo na humalik sa palad ko kanina, ang lamig."


"Huh?"


"Char!"


Natawa siya. "Nakakatawa ka, Pamela. Ang saya mo pala talagang kasama."


"Actually, hindi ako nagpapatawa." Napahinto ako sa paglalakad.


"Huh?" Napahinto rin siya.


Tumingala ako sa kanya. "May gusto ka ba sa akin?"


Napayuko siya. "I want to court you and if you'll allow it, I also want to marry you in the future."


Marry agad?


Pinamewangan ko siya. "Teka nga, 'di ba nag-aaral ka pa lang?"


"Malapit na akong mag-graduate. Magtatrabaho na ako. Doon ako mag-a-apply sa Sandovals'. Alam mo ba na bukod sa kuya ko, our parents are also working there? I'm sure once na makapasok ako roon, for regularization na agad ako ."


"Sana all."


"Marami na akong naging girlfriend," kuwento niya.


"Tinatanong?" bulong ko.


"Pero nakikipag-break din ako sa kanila pag-tagal."


"Paki ko," bulong ko ulit.


"Akala ko palagi na lang akong ganoon, mabilis magsawa. But I changed my mind the day I saw your photos. And when I finally meet you now in person, I realized that you are the one."


Humikab ako.


"I like you, Pamela." Kinuha niya ang kamay ko. "Puwede ba kitang maging girlfriend na agad ngayon?"


Bumitaw ako sa hawak niya. "Uwi lang ako saglit, natatae ako, eh." Pagkasabi ay iniwan ko na siya.


Naiwan siyang nakatanaw na lang sa akin habang papalayo sa kanya.


Sorry na lang, Donald, but it's a no. Kahit niloko ako ng boyfriend ko, mukhang hanggang sa next decade pa ang pag-mo-move on ko.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

9.8M 384K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...
25.9M 783K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
13.4M 205K 85
Nananahimik siyang nagtatrabaho sa Canada as an architect when he received a letter from the Philippines, a copy of his Lola's Last Will and Testamen...
1K 191 7
"No matter how I wish to break my vow, I just can't. I can't because its cost is the one I love. I would rather suffer than have a chance to lose him...