The Mafia Boss' Only Princess

By Kuya_Soju

12.1K 500 62

[PREVIEW ONLY] Grizelda was once a sweet and loving girl. But she turned into a cold and heartless woman when... More

Introduction
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 10
CHAPTER 11
Published Book
PUBLISHED BOOK

CHAPTER 09

308 24 2
By Kuya_Soju





"ALAM mo, Boyet, one hundred percent sure ako na si Zelda 'yong babae na nakita ko sa coffee shop. Magkaparehas sila ng katawan tapos Grizelda ang pangalan niya. Kapag inalis mo 'yong Gri sa pangalan niya ay Zelda na lang ang matitira! Pagkatapos—" Biglang sinalpakan ni Boyet ng tinapay na mamon ang bunganga ni Conan habang walang preno ang kaniyang pagsasalita.

Nakatambay sila sa harapan ng isang bakery sa kanilang lugar ng hapon na iyon.

"Si Zelda na kung si Zelda! E, ano naman kung iisa sila? Crush mo? Tinarayan ka nga lang sabi mo sa kwento mo, 'di ba? Saka sa lawak nitong Pilipinas, malabo nang magkita pa kayong dalawa!" ani Boyet sabay kagat nang malaki sa mamon nito.

"Ewan ko sa'yo! Hindi ko alam kung bakit kita naging kaibigan. Sobrang nega mo, Boyet!"

"Sinasabi ko lang ang mas posibleng mangyari kesa sa ilusyon mo para hindi ka gaanong masaktan." Napakamot ito sa likod ng ulo. "Maiba ako. Kumusta na pala 'yong paghahanap mo sa tatay mo?"

Agad na nilukob ng lungkot si Conan nang mabanggit ng kaibigan ang kaniyang tatay. Totoo na hinahanap niya ito. Matagal na. Ngunit sumuko na siya dahil pakiramdam niya ay naghahanap siya ng isang karayom sa isang tambak ng dayami. Ilang presinto na ang pinagtanungan niya kung meron bang record doon ang tatay niya pero wala.

Sa presinto siya naghahanap dati dahil hindi lingid sa kaalaman niya na isang tulak ng ipinagbabawal na droga ang tatay niya. Kaya baka nahuli na ito kaya hindi na nakauwi sa bahay nila. Sumasagi sa isip niya minsan na baka wala na ito. Baka napatay ito sa isang engkwentro o raid tapos hindi naibalita. Pero malakas ang pakiramdam niya na buhay pa ang ama niya. Hindi niya nararamdaman na nasa impyerno na ito.

"Wala ka pa rin bang balita sa kaniya?" tanong ni Boyet. Dumighay ito matapos na humigop sa straw na nakasaksak sa plastik na may laman na softdrinks.

Umiling si Conan. "Wala pa rin. Mukhang ayaw magpahanap ni tatay, e. Alam mo naman na wanted siya dahil isa siyang tulak. Saka tumigil na ako sa paghahanap sa kaniya. Kung uuwi siya, umuwi siya. Kung hindi, bahala siya sa buhay niya." Pabalewala niyang sabi kahit sa loob niya ay nasasaktan siya.

Close kasi si Conan sa tatay niya. Bata pa lang siya ay ito na ang kakampi niya. Kapag pinapagalitan siya noon ng nanay at lola niya ay palagi siyang ipinagtatanggol ng kaniyang ama. Ito rin ang palaging gumagawa ng laruan niyang baril-barilan gamit ang kahoy o sanga ng puno. Marami siyang magagandang alaala sa kaniyang ama kaya kahit pa isang kriminal ang tingin ng lahat dito ay alam niya na isa pa rin itong mabuting ama.

Matapos kumain ni Boyet ay nagpaalam na ito sa kaniya dahil may kailangan pa itong gawin.

Masyado pang maaga para kay Conan ang oras na iyon para umuwi. Gusto sana niyang rumaket pero wala siyang makitang maaaring pwedeng mabiktima. Nirereserba rin niya ang kaniyang energy sa operasyon na gagawin nila sa isang gabi. Doon naka-focus ang utak niya dahil bukod sa isa iyong malaking operasyon ay delikado pa. Hindi basta-bastang mga tao ang magiging ka-transaksiyon niya. Isa iyong mafia group!

Kaya hindi siya pwedeng pumalpak. Hindi siya maaaring mamatay dahil marami pa siyang pangarap sa buhay. Kailangan pa siya ni Lola Marie at baka kapag natigok siya ay pabangunin pa rin siya nito sa hukay. Nakikini-kinita na niya ang gagawin ni Lola Marie sa sandaling mamatay siya.

Kahit ayaw pang umuwi ni Conan ay napilitan na siya dahil sa wala siyang maisipan na gagawin. Naabutan niya sa bahay na nagsasaing na si Lola Marie.

"Ang aga mo naman magsaing, 'la. Ala-singko pa lang ng hapon, a!" pakli ni Conan. May lutong ulam na rin sa maliit nilang lamesa. Itlog na maalat na may kasamang hiniwang kamatis at sibuyas.

"Dahil kailangan nating agahan ang pagkain ng hapunan."

"Bakit po? Naka-before six ka bang diet, 'la?" Pang-aasar niya.

"Damuho kang bata ka! Sa tingin mo, sa edad kong ito ay magda-diet pa ako para makapag-suot ng swimsuit?!"

"Aba, lola, wala akong sinabing magsusuot ka ng swimsuit. Ikaw lang ang naka-isip niyan!" Patuloy na pang-iinis ni Conan sa matanda. Kasama na sa lambing niya ang inisin ito sa araw-araw.

"Ay, naku! Ayoko nang patulan pa ang pang-aasar mong, damuho ka! 'Eto na nga, maaga tayong kakain ng hapunan simula ngayon dahil naputulan tayo ng kuryente. Mahirap kumain kapag madilim."

"P-paanong naputulan tayo? Akala ko ba ay sa susunod na buwan pa dapat tayo puputulan?" Ang nagtatakang tanong ni Conan.

"Malay ko ba sa electric company na iyan. Basta trip yata na magputol ay magpuputol!"

May awang humaplos sa puso ni Conan. Hindi para sa sarili niya kundi para kay Lola Marie. Alam niya na mahihirapan itong matulog mamayang gabi dahil mainit. Mainitin pa naman ang matanda.

"Hayaan mo, lola. Sa susunod na araw ay babayaran natin ang utang sa kuryente para magkaroon ulit tayo ng ilaw agad. Saka promise ko sa iyo, makakaalis din tayo sa lugar na 'to. Malapit na malapit na! Magugulat ka na lang, meron na tayong malaking bahay, sasakyan at ref na punung-puno ng pagkain at mga—aray ko!" Hindi na nagawang tapusin pa ni Conan ang pagsasalita dahil binatukan siya ni Lola Marie nang malakas.

"Tumigil ka nga sa mga pinagsasabi mo, Conan! At bakit ka nagsasalita ng ganiyan? Parang sigurado ka na mangyayari ang mga bagay na lumalabas sa bibig mo. Bakit? Magnanakaw ka? Gagaya ka sa tatay mo na nagbebenta ng droga?! Hindi kita pinalaki at binuhay para maging kriminal!" Akusa ni Lola Marie.

Tumagos sa puso ni Conan ang bawat salitang binitiwan ng kaniyang lola. Naubo pa siya nang hindi niya sinasadya. Tila nagkaroon tuloy siya ng pagdadalawang-isip kung itutuloy pa niya ang "trabaho" na nakatakda niyang gawin. Alam niya na hindi iyon ikaka-proud ng Lola Marie niya at isusumpa siya nito hanggang sa kabilang buhay kapag nalaman nito na ginawa niya ang bagay na iyon.

Patawarin mo ako, Lola Marie, pero wala na kasi itong atrasan... turan niya sa sarili.

"'La, masyado kang judgemental sa akin. Sa tingin mo ba, magagawa kitang pakainin gamit ang perang galing sa illegal? Siyempre, hindi. M-may bago na kasi akong trabaho na mas malaki ang sahod."

"Naku, Conan! Siguruhin mo lang talagang totoo iyang sinasabi mo. Kapag nalaman ko na gumagawa ka ng masama kagaya ng walanghiya mong ama, kakalimutan kong apo kita!"

"Tama na nga 'yang pagbubunganga mo, 'la. Kumain na lang tayo bago dumilim!" Pagputol ni Conan sa pag-uusap nila ni Lola Marie.


-----ooo-----


BAHAGYA ang pagtagaktak ng pawis sa noo ni Conan habang nakahiga siya sa papag katabi ang kaniyang mahal na lola. Nakatulog na si Lola Marie habang pinapaypayan siya gamit ang pinunit na karton mula sa kahon na lagayan nila ng kanilang mga damit. Dahil sa wala silang kuryente ay kailangan nilang magtiis sa init. Ngunit alam niya na iyon ay pansamantala lamang. Kapag nagtagumpay siya sa kaniyang gagawing trabaho ay magpapakabit agad sila ng kuryente. Ayaw niyang nahihirapan ang kaniyang Lola Marie. Matanda na ito kaya ang nais niya ay puro ginhawa ang ma-experience nito hanggang sa kunin na ito ni Lord sa kaniya.

Ganito kaya ang buhay ko kung nandito ka, papa? Tanong ni Conan gamit ang kaniyang isip.

Ah, hindi siguro. Baka nga mas magulo ang buhay nila ni Lola Marie kung kasama pa rin nila ang kaniyang ama. Puro ilegal ang alam nitong gawin kaya malamang ay baka kasama pa sila nito na nagtatago.

Ngunit sa kabila ng masamang tingin ng lahat sa tatay niya ay hindi pa rin niya makakalimutan na naging mabuting ama ito sa kaniya. Naalala niya noong bata pa siya, kapag may pera ito ay dinadala siya nito sa isang fastfood restaurant na sikat sa mga bata. Oorder ito ng isang piraso ng fried chicken, spaghetti at ice cream. Papanoorin lang siya nito na kumain habang nakangiti na para bang masayang-masaya ito na makita siyang kumakain ng paborito niyang pagkain...

"Papa, bakit hindi ka kumakain? 'Eto, o. Kagat ka sa chicken ko. Ang sarap!" Turan ng batang si Conan sa kaniyang ama.

Umiling ito. "Busog pa ako, Conan. Sige lang, ubusin mo na iyan at papasyal tayo sa palengke. Ibibili kita ng bagong damit!" Ngumiti pa ito.

"Hindi kita nakitang kumain kaya pa'no ka nabusog, 'pa?" Inilapit ni Conan ang manok sa bibig ng ama. "Kagat ka ng isa, papa. Masarap!"

May pag-aalinlangan na kumagat ang tatay niya sa manok. "Hmm! Masarap nga, anak! Kaya pala favorite mo iyan, e!"

"'Di ba? Salamat, 'pa, kasi kahit wala tayong pera ay pinapakain mo ako rito!" Matamis ang ngiti sa labi ni Conan.

Namula ang mata ng kaniyang ama na parang maiiyak. Inilayo nito ang mukha sa kaniya na parang itinatago ang pagbagsak ng luha. Kagaya ito ng nanay niya na masaya na kapag pinapanood siyang kumain. Maliit na bagay ngunit napakalaking kasiyahan na ang naibibigay niyon sa mga ito.

Bata pa man noon si Conan ay naiintindihan niya ang hirap ng kaniyang ama. Alam niya na sobrang lungkot nito dahil hindi nito naibigay ang maginhawang buhay na ipinangako nito noon sa kanila ng kaniyang nanay. Ngunit para sa kaniya ay walang kaso iyon. Ang importante ay magkakasama silang lahat. Buo sila ng kaniyang pamilya.

Walang ibang pangarap si Conan kundi ang habangbuhay na maging buo ang kaniyang pamilya. Siya, ang papa at mama niya at hindi pwedeng mawala si Lola Marie. Ngunit naunang nawala ang tatay niya. Natatandaan pa niya ang gabing nag-uusap at nagtatalo ang mama at papa niya...

"Conrad, huwag ka nang tumuloy! Ako na ang nakikiusap sa iyo!" Pigil ng nanay ni Conan ang paglakas ng boses. Ang akala yata nito ay tulog na siya.

"Pero ito na ang paraan para makaahon tayo sa kahirapan. Para ito sa iyo at lalong-lalo na kay Conan!"

"Para sa amin? O para sa iyo? Talaga bang iniisip mo na pera ang sagot sa lahat? Sige, sabihin na magkakapera ka riyan pero talaga bang kaya mong pakainin kami ng perang galing sa madumi?"

"Galing man sa malinis o hindi, pera pa rin iyon!"

Suminghot ang nanay ni Conan. "P-paano kung mapahamak ka? Paano kung may mangyaring masama sa iyo? Mahuli ka ng mga pulis? Mapatay ka nila? Conrad, hindi namin makakaya ni Conan kapag nawala ka! 'Wag ka nang tumuloy. P-parang awa mo na!" Patuloy na pakiusap ng nanay niya.

Hindi nagawang pigilan ng nanay ni Conan ang kaniyang tatay sa pupuntahan nito ng gabing iyon. Nasaksihan niya kung paano tahimik na umiyak ang nanay niya habang nakaluhod sa harapan ng altar at nagdadasal. Alam niya na ang tatay niya ang ipinagdadasal nito—ang kaligtasan nito.

At iyon na nga ang huling gabi na nakita ni Conan ang kaniyang tatay. Kung alam lang niya na iyon na ang huling beses na masisilayan niya ito ay bumangon na siya at niyakap ito nang mahigpit. O kaya ay tinulungan niya sana ang nanay niya na pigilan ito sa kung saan man ito magtutungo ng gabing iyon.

Hindi na umuwi ang tatay ni Conan simula noon. Palaging nakatutok sa telebisyon ang nanay niya at naghihintay ng balita tungkol sa tatay niya pero wala. Araw-araw itong umaalis upang hanapin ang tatay niya at palagi itong umuuwi na pagod at bigo. Halos isang taon na ganoon ang ginawa ng nanay niya hanggang sa sumuko na ito. Napagod na ito. Na para bang tinanggap na lang nito na hindi na nila makikita ang ama niya.

Noong bata pa si Conan, hindi niya naiintindihan ang nangyari sa tatay niya kung bakit hindi na ito bumalik. Nang namatay ang nanay niya ay inunti-unting ipaliwanag ni Lola Marie ang lahat hanggang sa tuluyan na niyang maunawaan ang lahat.

Involve sa pagbebenta ng droga ang tatay ni Conan. Nagkaroon ito ng isang transaksiyon na kikita ito ng malaking halaga ng pera. Kaya ito pinipigilan ng nanay niya ay dahil alam nito na sobrang mapanganib ang naturang operasyon. Hindi masagot ng lola niya kung ano na nga ba ang totoong nangyari sa tatay niya. Nagtatago ba ito? Nahuli ng mga pulis? O baka patay na?

Kung si Conan ang tatanungin, para sa kaniya ay buhay pa rin ang kaniyang ama. Kahit kailan ay hindi niya naramdaman na wala na ito o patay na. Kahit isang beses ay hindi ito nagparamdam o nagpakita sa panaginip niya at sinabi nito na wala na 'to. Kaya kahit minsan, sinasabi ni Lola Marie na huwag na siyang umasa na babalik pa ang tatay niya ay hindi niya ito pinapakinggan. Alam niya sa puso niya na buhay pa ito. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na mahahanap niya rin ang kaniyang ama.

Bigla niya tuloy naisip. Paano kung mangyari sa kaniya ang nangyari sa tatay niya? Iyong meron din siyang operasyon na kikita siya ng malaking pera? Paano kung hindi na siya makabalik?

Hindi ka pwedeng hindi bumalik, Conan! Isipin mo si Lola Marie! Sigaw ng utak niya.

Makalipas ang matagal na pag-iisip ni Conan sa kaniyang ama ay nakaramdam siya ng bahagyang pananakit ng ulo. Inihinto muna niya ang pag-iisip dahil baka iyon ang dahilan kung bakit niya iyon biglang naramdaman.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. "Matulog ka na, Conan..." bulong niya sa sarili.

Ngunit hindi niya makontrol ang utak niya ng gabing iyon. Talagang ayaw niyong huminto sa pag-iisip sa kaniyang ama. Kaya naisipan niyang ibaling sa ibang bagay ang kaniyang utak. Iyong sa positibong bagay at baka sakali na mawala ang pananakit ng kaniyang ulo.

Hanggang sa may pumasok sa isip ni Conan. Hindi isang bagay kundi isang tao. Si Grizelda. Nakangiti ito at napaka ganda ng aura ng mukha. Automatic siyang napangiti habang nakapikit ang mga mata.

Marami na siyang babaeng nakita. Magaganda at sexy. Ngunit iba ang dating ni Grizelda sa kaniya. Kahit ang taray nito ay hindi niyon napigilan ang sarili niya na magka-crush dito. Lalo na at meron siyang hinala na ito si Zelda na nakita niyang lumaban noon sa isang fighting match. Ganoong babae kasi ang tipo niya. Iyong malakas at kayang ipagtanggol ang sarili. Para sa kaniya ay isa dapat iyon sa katangian ng isang babae lalo na sa panahon ngayon na laganap ang kasamaan at krimen sa paligid.


Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 25.2K 101
Areeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senator. Being brought up having everything s...
4.8M 18.5K 5
❝ How can an assassin queen love someone if in the beginning she's already broken? ❞ ❝ How can a campus king love someone if in the beginning he ju...
1.5M 44.7K 68
(REVISING) Isang araw, nerd pa ako. Hanggang sa naging Gangster ako ng hindi ko namamalayan. Si Angela, na ang buhay ay malas, bawat kasiyahan, may...
192K 6.9K 54
Basahin po muna ang season1 bago ito. Salamat! Apir! [Credit to the owner of the Pic.] PUBLISHED: SEPT. 5,2015 END: FEB. 2,2016