Admiring at Midnight

由 writexsolace

156K 3.3K 1.1K

Bargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seigh... 更多

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Author's Note
Question
Trivia

Chapter 34

2K 23 0
由 writexsolace

"Awiee, baby! Ang cute cute mo talaga!" Eunice pinched Vivienne's cheeks kaya tumawa ang anak ko.

They're here now sa bahay namin. Kababalik lang nila kahapon ni Muri dito. Nakapag desisyon kasi sila na umuwi na muna para maka bonding kami. Nag leave pa raw sila nang dalawang araw sa trabaho.

Kasama pa nila ngayon dito bumalik si Keanu at Onew. Narinig ko na paparating narin si Cleyu at Rui ngayon.

Nag text sa akin si Giveon. Nag tanong lang naman siya kung kumusta kami dito gayong first time ni Vivienne at Gionne. May nabanggit rin siya na baka may parcel ngayon na darating sa bahay. It's his gift daw sa dalawang anak ko at bayad na. Hindi naman niya sinabi kung ano 'yon.

May dala rin si Eunice para sa akin na galing pang Boracay. Nasiyahan pa ako kasi favorite ko ang dried mango at matagal na ako hindi naka tikim nito. Binigayan niya rin ang kambal ng toys saka damit.

"Ang hirap pala magka anak ng kambal ang gastos!" tapos tumawa pa siya niyan.

Si Muri rin may binigay na laruan barbie kay Vivienne saka pang batang headphone naman kay Gionne na kulay blue kaya sobrang tuwa nito. May binigay rin siya na maliit na bracelet para sa kambal.

"Okay lang ba kayo dito?" Mommy asked ng naabutan niya kami ngayon dito sa sala.

"Yes po, Tita, okay lang po kami." Eunice answered saka ngumiti sa Mommy ko.

"Just tell me if you need something nasa kwarto lang ako." anito saka ngumiti pa kay Eunice na ngayon nasa tabi ko kandong si Vivienne.

Si Onew kalaro ngayon si Gionne, pinag tri-tripan nilang dalawa ang talking cactus saka sila tawa nang tawa. Minsan kumakanta si Onew tapos gagayahin ng cactus tapos si Gionne pinag tatawanan ang ninong niya.

Ngumiti nalang ako kasi nasisiyahan ako na makita si Gionne na tumatawa nang ganito. Si Muri at Keanu nasa convenience may binili at babalik rin 'yon agad.

Plano kasi nilang mag punta ng Kembali ngayon, and they want me to be with them. Nasabi ko rin naman sa mga magulang ko at sabi nila hindi na ako mag alala pa kasi nandito naman sila para mag bantay sa kambal.

Hindi nga sana aka sasama pero pinilit ako ni Eunice at Muri. Kaya wala na akong choice kundi ang sumama nalang sa kanila. Dating gawi.

Sumama si Vivienne kay Mommy kaya naiwan naman kami ngayon dito ni Eunice. Sobrang tahimik pa namin. Ang tanging maingay lang ay ang nilalaro ngayon ni Gionne at Onew.

"Nag away na naman ba kayo?" tanong ko kay Eunice. Kasi napansin ko na wala silang pansinan ni Onew simula ng dumating sila sa bahay.

"Hay naku! Nag selos ang luko kay Keanu kaya hindi ako ngayon kinakausap. Hayaan mo na siya. Manigas siya diyan."

Manigas? Eh, tawa nga 'yan nang tawa si Onew ngayon.

Naalala ko dati gustong gusto ni Eunice si Kristoffer na kapatid ni Muri tapos nalipat kay Keanu na ngayon naman mukang boyfriend na ata ni Muri. But unexpectedly si Onew ang naging boyfriend niya ngayon kasi false alarm lang naman daw ang nararamdaman niya kay Kris at Keanu dati. Na scam daw siya sa feelings niya at huli na niya napagtanto na ang harot niya lang daw sa panahon na 'yon.

Hindi ko alam kung anu-ano ang mga nangyari sa paglipas ng ilang taon. Kasi kahit na nag uusap parin naman kami lagi sa social media ay hindi naman lahat nang bagay na nangyari sa kanila ay dapat alam ko narin.

Basta isang araw nalaman ko nalang na mag boyfriend na ni Eunice si Onew. Parang dati aso at pusa pa sila kung mag sagotan. Tapos si Keanu naman na crush ni Eunice dati ay boyfriend na ata ngayon ni Muri.

I mean wala masama kung gano'n nga ang nangyari. Both couples naman ay nakitaan ko ng pag mamahal sa isa't isa. Kahit medyo nag iba lang ang ihip ng hangin.

"Alam ninyo pareho kayong mali kasi ikaw na gagalit ka kapag nag tatampo si Onew sayo. Tapos si Onew naman nag seselos sa boyfriend ni Muri ngayon. Isa lang naman kasi ang ibig sabihin n'yan...."

I smiled playfully, teasing her.

"Ano?"

"Pareho kayong immature ng boyfriend mo." then I laughed medyo sinapak niya pa ako sa balikat saka tumayo at nilapitan ngayon si Onew. Tinawag ko naman agad ang anak ko para iwan na muna ang dalawa para magkaayos na.

Pinuntahan ko ngayon si Mommy sa kwarto niya at para narin e check si Vivienne kung ano ang ginagawa. Wala kasi si Mama at Papa ngayon umuwi na muna sa bahay kasi iniwan nila si Snowy do'n.

Ang bahay namin hanggang ngayon hindi pinagbili nina Mama at Papa dahil nga sa grandparents ko pa 'yon. Tanging ang flower shop lang namin ang naibinta nila no'ng lumipat sila sa Batangas.

Plano ko nga sana na bilhin ulit sa bagong may ari ngunit ang sabi ni Mama mukang malabo na daw 'tong ibinta ng bagong may ari ngayon kasi bakery na nga ito.

"Mommy!" tili ni Vivienne ang bumongad sa akin pag pasok ko ng kwarto ni Mommy.

"Anong ginagawa mo?"

Nakita ko ngayon na pinakialam niya ang mga bags at make-up ni Mommy kaya agad ko siyang nilapitan para iligpit 'yon.

"Let her be, Beckha. Saka she's enjoying it..." ngumiti sa akin si ngayon Mommy.

May ginagawa siya ngayon sa laptop niya pero pa minsan-minsan niyang cheni-check ang pinanggagawa ng anak ko.

"Pero baka masira niya ang bag at mga make-ups mo." rason ko dito na tiningnan lang ako ngayon.

"It's just a thing. I want her to be happy, Beckha. Saka I want to give her everything na hindi ko nagawa sa 'yo noong bata kapa. Sa kanilang dalawa ni Gionne." saka ngumiti si Mommy sa akin.

Lumapit ako ngayon kay dito at hinarap siya. Si Gionne naman pinagsasabihan ngayon ang kakambal niya.

I know na gusto lang niyang bumawi sa lahat ng pagkukulang niya sa akin sa pamamagitan ng ganitong bagay. Simula ng nalaman niya na anak niya ako halos ginawa at binigay niya lahat-lahat sa akin.

Everything I need. Kahit na hindi ko naman luho ay binibilhan niya ako. Bags, shoes, damit, at kung anu-ano pa. Tumigil lang siya ng sinabi ko sa kanya na hindi ko kaylangan ng mga materyal na bagay.

Pumasok si Daddy ngayon sa kwarto kaya lumabas na muna ako. Hinanap niya ngayon si Gionne at Vivienne. Ang sabi niya at pupunta daw silang mall mamaya. Sobrang tuwa naman ng dalawang anak ko nang narinig nila 'yon sa Didi nila.

Dumating na ngayon sina Muri at Keanu na may iilang dala. Nandito narin si Rui at Cleyu sa may sala. Ang ingay pa nila.

"Ano tara na?" excited pa talaga niyan si Rui.

"Mauna ka mag isa, pre!" si Onew.

"Gago ka! Mas maaga mas maraming time...."

"Ang sabihin mo gusto mo lang mang chics!" pang bara ni Eunice na umirap pa ngayon.

Nag prepare lang naman kami ng mga dadahilan namin na gamit saka pagkain. Sabi nila mag o-overnight daw kami do'n sa Kembali kaya naman nag dala ako nang iilang extra na damit.

After kong nag paalam kina Mommy and Daddy saka sa dalawang anak ko ay umalis na kami. Gamit namin ngayon ang van na gamit namin dati noong nag bonding rin kami sa beach nila Keanu na pinsan ko.

Parang deja vu lang.

Kaso na dagdagan kami ng bago at may nawala. I remember Anne 'yong girlfriend dati ni Rui. Ang sabi niya break na daw sila matagal na. Biniro pa nga siya ni Onew si Rui na ipinag palit lang daw siya sa pangit.

Tumunog ang phone ko kaya agad ko itong kinuha. May isang text ngayon galing kay Giveon. Binasa ko naman agad.

Giveon:

Narinig ko ka Cleyu na pupunta kayong Kembali ngayon. So you must enjoy your day with your friends. Pero sana nandiyan ako ngayon.

Nag type naman agad ako ng reply para kay Giveon. Si Cleyu nilingon ako ngayon.

"Sino ka text mo?" tanong niya.

"Hm. Si Giveon.... nasabi mo pala sa kanya na pupunta tayo ng Kembali ngayon?"

"Oo, tumawag kasi siya sa akin kanina may itinanong lang. Kaya nabanggit ko ang pag punta natin ng Kembali kasama ang iba pa nating kaibigan."

Si Onew kasi ang dra-drive ngayon nang van kasi nag reklamo na si Rui na ginawa nalang daw siyang driver samantalang ang sarap daw ng buhay niya daw sa Manila.

To Giveon:

Thanks, Giv. Ikaw rin enjoy diyan sa Australia.

"Babe, gusto mo ng tubig?" narinig kong alok ni Eunice kay Onew na nag dra-drive ngayon.

"Sure, babe...."

Kinuha naman ngayon ni Eunice ang isang bottle ng tubig at pinainom ito kay Onew na hawak parin niya ang bottle.

"Potek! Pinanangak lang talaga ata akong single nalang lagi sa mundo? Ako lang ito si Rui Takahashi. Gwapo at mabango! Isang hamak na single! I'm fine, gwaenchana, teng neng neng neng." maingay na saad ni Rui, tudo emote.

"Magsitigil ka diyan, Rui! Akala mo hindi namin alam na may ka fling ka last time." bara ulit ni Eunice kay Rui na nag e-emote na ngayon.

"Cleyu, pre, mabuhay tayong mga single sa mundo!" anunsyo niya.

"Akala ko ba mahal ka nang babaeng fling mo no'ng nakaraan?" Cleyu asked.

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ngayon ni Rui saka may kinalikot sa bag niya. Kinuha niya ang cellphone niya at may pinidot don.

"Mahal kita, Rui, pero kaylangan ko iligtas ang mundo." sabi no'ng babae sa record.

"Hindi ko alam na may saltik pala sa ulo 'yong naging fling ko no'ng nakaraan!" anito saka ngumiwi pa.

Agad naman kaming nagsitawanan dahil sa sinabi niya. Dahil nga sa sobrang tawa ni Onew ay huminto muna kami saglit sa isang lugar kung saan may view. Klarong-klaro ang dagat at bundok.

"Malapit na ba tayo?" Muri asked.

"Hmm. Medyo ma layo-layo pa." narinig kong boses ng pinsan ko na katabi ngayon si Muri.

"I'll just take a nap, just wake me up kung dumating na tayo."

"Sure,"

"Dihado talaga tayo dito, Cley. Tatlo tayong walang lovelife dito ni Beckha!" reklamo ulit ni Rui. Siya lang 'yong sobrang ingay sa amin.

"Can you please keep your voice low, Rui? Natutulog ngayon si Muri." suminyas pa si Keanu kay Rui na sobrang ingay.

"Ayaw ko na talaga sa earth. Napaka unfair ng buhay." bulong na saad nito ngayon, ayaw patinag.

Dumating kami sa Kembali mga alas dos na nang tanghali kaya agad kami nag ayos ng gamit namin. Inilagay narin namin lahat ng pagkain namin sa isang pavilion. Madami kaming pagkain at may dessert pa. May prutas, wine, saka junks foods rin na iba't ibang klase.

Inilibot ko ngayon ang paningin ko sa paligid. May malaking pool, may malaking espasyo at may iba't ibang halaman pa akong nakita. Sobrang ganda pa ng view na tanaw mo ang napakapayapa at kumikinang na dagat sa baba.

Dahil nga anong oras na ay kumain na muna kami pagkatapos ay naligo. Ang boys naligo sa dagat. Ako naman saka si Muri at Eunice ay busy sa pag ta-take ng pictures saka naligo na nang pool after. Mamaya pa kasi kami maligo ng dagat dahil mainit pa masyado.

Nakita pa namin sa baba si Rui na hinahabol si Onew at may dala ito ngayon na starfish. Natawa nalang kami kasi bakit takot si Rui sa ganon.

Muri laughed. "Malamang takot siya dahil baka maala niya si Anne. Remember her before? Iyong chics niya na nakasama natin sa beach nila Keanu?"

Na kwento ko ngayon sa kanila na alam na ni Giveon ang tungkol sa kambal. Nagulat pa sila at nag tanong kung alam na ba ni Gideon. Same lang naman ang sinagot ko sa kanila sa sinabi ko kay Cleyu no'ng nakaraan.

"Mabuti naman at hindi na nagtanong nang marami si Giveon, Beckha?" Eunice asked.

I bit my lower lip slowly. "Hindi na naman. Sobrang kaba ko pa nga that time kasi akala ko kung ano na ang sasabihin niya. Pero sabi niya, hindi niya sasabihin kay Gideon ang nalaman niya. Hahayaan niya lang akong mag sabi no'n sa kakambal niya. Naiintindihan niya raw kasi ako."

Sobrang seryoso pa namin ngayon. Madami kaming napag usapan na mga bagay at nangyari sa amin. Iba parin kasi talaga kapag kasama mo sa personal ang mga kaibigan mo. That feeling na isa-isa kayong nag sha-share ng mga nangyari sa buhay ninyo.

Minsan nasa akin ang topic, minsan kay Eunice, at kay Muri.

May tumalon sa bandang likuran namin kaya nagulat kami. Si Rui pala 'yon na may dala-dala na ngayon na malaking swan. Sumunod rin naman si Onew dito at tumalon rin sa pool kaya 'yong tubig napunta sa muka namin. Nagalit pa si Eunice sa boyfriend niya.

"Muri...."

Tinawag naman ngayon ni Keanu si Muri at may dala pa itong towel ngayon. Si Onew naman nilapitan si Eunice at hinapit sa bewang saka ito hinalikan ng bahagya.

Parang biglang na out of place tuloy ako sa relasyon ng mga kaibigan ko. So I decided na bumaba nalang muna sa tabi ng dagat. Naabutan ko pa ngayon si Cleyu na nakaupo sa isang sun lounger at mukang malalim ang iniisip.

"May problema ka ba, Cley? Okay kalang ba?" I suddeny asked.

Agad naman siyang lumingon sa akin nang namataan niya ako. May iilan rin na tao dito na hindi namin kilala. May nag ta-take ng pictures, naliligo at naglalaro ng volleyball sa may unahan.

Sobrang seryuso niya ngayon habang nakatingin sa akin. Umupo naman ako ngayon sa may tabi niya kaya umusog siya para bigyan ako ng space sa tabi niya.

"If you have any problems, you're free to share everything sa akin, Cley. We're friends." ngumiti ako sa kanya.

May nakita akong isang shell kaya pinulot ko ito agad. Naisip ko si Vivienne kaya ibibigay ko ito sa kanya. Last time kasi nabanggit niya sa akin habang nanood siya ng little mermaid ay gusto niya daw makakita mga shells.

Hindi naman daw kasi totoo ang mermaid kaya shells nalang ang gusto niyang makita. Siguro mamaya ay mag hahanap pa ako ng ibat-ibang shells.

He sighed deeply. "I fell in love with another girl when I still liked someone else, Beckha...."

Lumingon ako sa kanya na ngumiti ngayon ng mapait. Mukang may nakita ata rin siyang shells kaya pinulot niya ito at binigay sa akin.

Hindi ako nag salita kasi gusto kong makinig lang sa sasabihin niya ngayon. Si Cleyu 'yong klasi na kaibigan na hindi madaling nag sha-share ng problema. Siguro dahil magkaiba ang lalaki at babae.

Dati noong nasa Sydney palang ako at kapag nag uusap kami sa tawag. Lagi siyang tumatawa, nakangiti at mag jo-joke sa akin. Kapag may problema ako lagi siyang nandiyan na laging nakikinig sa mga hinanaing ko sa buhay.

Hindi man lang sumagi sa isip ko na tanongin kung okay lang ba siya. Kasi hindi ko naman nakikita na may ganito pala siya ngayon nararamdaman.

"It's started with a dare... I met her last year. I thought I wouldn't fall in love with her because all I want was to play that damn dare for almost five months. And I still liked someone else that time, Beckha..." ngumiti siya ng mapait.

Na gulat ako ngayon sa sinabi niya. Pero hindi ako nag salita. Gusto ko lang muna makinig sa kanya.

He smiled bitterly. "She's actually a nice girl. Lagi niya akong pinapatawa. Hanggang sa malaman niya na laro pala ang lahat. Galit siya sa akin sobra. Alam mo kung ano ang masakit?" sa malungkot niyang boses. Nagpakawala siya ngayon ng isang malalim na buntong hininga. "Iniwan niya na ako nang natutunan ko na siyang mahalin..."

Tiningnan ko siya ngayon. Sobrang lungkot pa ng boses niya habang sinasabi niya sa akin 'yon. Ngumiti ulit siya sa akin gaya ng lagi niya pinapakita.

Nagulat ako ngayon sa sinabi niya. Hindi ko akalain na sasabihin niya sa akin ang bagay na 'yan. Na mag sha-share siya sa akin ngayon tungol sa babaeng mahal niya.

I tapped his shoulder to comfort him. Alam ko kung gaano ka sakit ang nararamdaman niya ngayon.

I smiled at him. "Cley, hindi pa naman huli ang lahat... pwede ka pang mag paliwanag sa kanya. Humingi ng tawad. I'm sure makikinig siya sa 'yo."

"She's now gone, Beckha." he said coldly.

Anong ibig niya sabihin? Agad naman siya nag iwas ng tingin sa akin.

"What do you mean?"

"Kahit kaylan hindi na siya babalik sa akin." ngumiti ulit siya sa akin nang malungkot.

"Ay naku! Nandito lang pala kayo! Kanina pa namin kayo hinahanap!" dumating si Eunice ngayon na may dalang chips saka umupo siya sa tabi ni Cleyu at inakbayan ito. "Oh, anong nangyari dito sa pinsan ko?"

Tumayo ngayon si Cleyu saka suminyas na mauna na siyang umakyat sa taas. Wrong timing kasi itong si Eunice. Nando'n na sana, eh!

Siguro kung hindi lang dumating si Eunice madami pa kaming pinag usapan ngayon ni Cleyu. Minsan nga lang 'yon nag o-open up tapos dumating pa siya. Siguro tatanongin ko nalang siya ulit mamaya.

"Anong nangyari sa pinsan ko?"

Tumayo narin ako saka inaya na si Eunice para bumalik sa taas. Ayaw niya pa sana dahil gusto niyang mag babad sa dagat pero hinila ko na siya.

"Mamaya na mag ni-night swimming nalang tayo, Eunice." sabi ko.

Bumalik kami sa pavilion kung nasaan 'yong mga pagkain namin saka kumuha ako ng macaroni at mango float.

"Nasaan si Cleyu, Onew?" tanong ko dito na busy sa pag iihaw ngayon nang barbecue.

"Ewan, baka nag banlaw na?"

Nakita ko si Rui sa pool nakahiga sa malaking swan na dala niya. May suot pa itong shades. Si Muri at Keanu naman nag lalaro ngayon ng chess sa may gilid.

"Feel na feel naman ang moment, ah?" puna ni Eunice ng nakita niya si Rui sa pool.

"Hayaan mo na, Eunice. Minsan nga lang mag moment ang tao, eh." sabi ko habang sumusubo ng macaroni salad.

"What if may laro tayo ngayon ng volleyball?"

Agad naman ako napaisip sa sinabi ni Eunice. Lumapit siya ngayon kay Keanu at Muri na katatapos rin ata mag laro ng chess.

"Sige ba gusto ko 'yan," Sabi ko na may tunog excitement pa.

Matagal narin kasi akong hindi nakakapag laro ng volleyball. Siguro highschool palang ako no'n.

I checked my phone first kung may texts ba or missed calls pero wala naman kaya binalik ko na agad ito sa bag ko.

Lahat kami nag agree sa sinabi ni Eunice. Mukang tapos na naman ata naglaro 'yong kanina ng volleyball kaya kami na ulit ang papalit sa kanila. Sakto naman bumalik na si Cleyu na naka bihis na ngayon.

Kung titinginan mo parang okay na siya. I hope na ma ayos niya kung ano mang misunderstandings na nangyari sa kanila ng mahal niya para magiging okay na ang lahat.

Dahil nga sobra kami ng isa ay si Cleyu na ang naging referee saka scorer namin.

Kasama ko sa team ko ang pinsan kung si Keanu at saka si Muri. Samantalang sa kabila naman si Onew, Rui at Eunice.

Tumalon-talon pa ngayon si Rui na para bang lalaban ng boxing. Pinagtatawan pa siya ng isang babae at bakla na napadaan sa gawi namin saka may binulong.

Maganda ang laro namin. Medyo magkalapit lang rin ang scores namin kina Eunice. Mas lamang kami sa kanila.

"Ano ba kayo wa'g kayo mag lampungan kaya tayo matatalo, eh!" reklamo ni Rui dahilan para tumama sa ulo niya ang bola na galing kay Keanu.

"Naku! Nakikialam ka kasi sa relasyon ng iba!" si Onew na natatawa na ngayon.

"Saka pwede ba tangalin mo 'yang shades mo? Nag lalaro tayo ng volleyball tapos naka shades ka? Tanga lang!"

"Ang sakit mo naman mag salita, Eunice. Bakit? Iyang si Onew nga dati nag swi-swimming nang naka jogging pants!" ganti ni Rui dito.

Hindi tuloy kami makapag concentrate sa laro namin dahil sa bangayan nilang tatlo. Ang team namin ang tatahimik tapos 'yong team nila sobrang ingay.

At sa huli nga kami parin ang nanalo. Mukang natapos nga ang laro na may hinanakit parin si Rui kay Onew at Eunice. Paano ba naman palaging pinagsasabihan niya ang dalawa kung ano ang gagawin daig pa ang coach.

"Kean, cellphone mo ba ito?" Cleyu asked saka ipakita sa pinsan ko ang isang phone na nag ri-ring.

"Oo, akin nga 'yan." Keanu answered. Lumapit naman agad ito kay Cleyu saka kinuha ang phone saka tumingin sa akin.

"Gideon... yes, nandito na nga kami sa Kembali ngayon."

Paakyat na sana ako pero agad akong natigilan ng marinig ko ngayon ang pangalan ngayon ni Gideon.

"Huh? I thought.... really?" napakunot noo ngayon si Keanu. "Bukas pa kami uuwi, eh.... are you sure?"

Mukang nag end na ata ang call dahil inilagay na ngayon ni Keanu sa bulsa niya ang phone niya saka lumapit sa akin.

"Beck, he's coming nasa malapit lang daw siya ngayon at pupunta siya ngayon dito."

Anong ginagawa niya naman sa malapit ngayon?

"Huh? 'Di ba, nasa Manila ngayon si Gideon?" si Muri na 'yong nag tanong sa pinsan ko.

"Kauuwi niya lang noong nakaraan. Nasa malapit lang daw siya kaya dadaan siya ngayon or mag tatagal."

Naligo nalang kami ni Eunice at Muri ng dagat. Ang boys naman umakyat na. Nag tanong pa nga sila sa akin kung okay lang ba na nandito si Gideon. Sabi ko na okay lang naman.

Siguro hindi na naman ako maninibago lalo pa at nag kita na kami dati nang tatlong bisis.

Paakyat na kami ni Eunice at Muri nang may nakasalubong kami na dalawang babae na familiar. Nagulat pa sila nang nakita ako ngayon.

It's Twinkle and Tali. May iilan pa sila ngayong kasama na hindi ko na kilala pa.

"Is that you, Beckha?" Tali asked, gulat pa siyang nakita ako ngayon.

"Mabuti naman at nakauwi kana pala? Kumusta ang paglalayas mo?" hinead to foot pa ako ngayon ni Twinkle.

Ngumisi ako. Binugad agad ako ng pagtataray? Wow, ah.

"Kung maka head to foot ka naman sa kaibigan ko akala mo sino kang sexy at maganda diyan." inis na saad ni Eunice.

Agad ko naman inawat si Eunice dahil baka ano pang mangyari at bumalik na kami sa taas.

Sinundan pa ako ngayon ng tingin nang dalawa na para bang may kung anong na naman silang naiisip. Sana naman wa'g silang gumawa ng kung ano na makasira ng kasiyahan namin nang mga kaibigan ko ngayon.

"Anong nangyari sa 'yo?" Onew asked. Lumapit pa siya ngayon kay Eunice na mukang bad mood ngayon.

"Wala, may asungot na pangit lang sa baba."

May lumapit ngayon sa akin at inabutan ako ng towel. Kukunin ko na sana pero nakita ko ang muka ni Gideon kaya medyo nagulat ako.

"Here, use this towel..."

Hindi na ako nag inarte pa at kinuha ko ito sa kanya. Naka short pa siya ngayon saka naka polo.

Wow. Coincidence nga.

He smirked.

"Tapos kanang maligo?" he asked me seductively.

Pinasadahan niya pa ako ng tingin bago umiwas. Naka suot ako ng white eight mermaid swimsuit ngayon.

Nakita ko pa kung paano ako tapunan ng tingin ngayon nang mga kaibigan ko tapos lipat na naman ulit kay Gideon. Na para nag hihintay sila nang susunod na mangyayari.

"Oo tapos na." tipid na sagot ko.

He slowly bit his lower lips. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya dahil naiilang ako.

Pumunta agad akong shower para makapag banlaw na. Kinuha ko pa ngayon ang bag ko kung nasaan ang damit ko para narin makapag palit ng bagong gamit.

Dahil nga sa nag banlaw na ako ay hindi ko na alam kung mag ni-night swimming pa ba ako mamaya kasama sina Muri at Eunice.

Pag balik ko sa pavilion ay basa na ngayon si Gideon. Naka damit pang ligo narin siya. Naka shorts lang siya saka walang damit pang taas. Nang nag tama ang paningin namin ay agad ulit akong umiwas.

Hindi ko pa maiwasan mapatingin sa magandang hubog na katawan niya. Siguro lagi siyang nag gy-gym kasi may pandesal.

At talagang 'yan pa talaga ang napansin ko sa kanya? Tsk!

Naka maxi dress ako ngayon saka may dala rin ako na hoodie. Mag gagabi na kasi at medyo malakas ang hangin kaya medyo maginaw na.

Si Eunice at Muri naka bihis narin mukang nag banlaw narin ata sila. Hindi pa ako sure kung mag ni-night swimming pa ba sila ngayon.

Lumapit ngayon si Gideon sa gawi ko habang natitig sa akin na pinantayan ko naman pero iniwas ko rin agad. Agad niyang hinawakan ang kamay ko kaya hindi agad ako naka kilos.

Bakit hindi ko manlang siya magawang itulak?

"Can you hold this? I'll just take another dive. Baka kasi mabasa...."

May binigay siya ngayon sa akin. Cellphone niya kaya medyo napaawang ako. Bago pa ako ma react ay tinalikuran niya na ako. Tiningnan ko ngayon ang cellphone niya.

Bakit hindi niya nalang ito nilagay sa bag niya para hindi ma basa?

Agad itong na open dahil may text. Ayaw ko sana tingnan kung sino 'yon pero may nag pop up ulit na message. It's from her sister Karlie. May nag text ulit kaya hindi na kay Karlie galing kundi kay Ariela. Hindi ko alam pero parang may bumubulong sa akin na tingin ko.

Pumikit ako, saglit lang akong titingin. Promise!

Ariela:

Hindi mo man lang ba ako kayang mahalin kagaya ng pag mamahal mo kay Beckha, Deon?

Ariela:

You know na ikaw ang mahal ko. Hindi si Giveon.

Napatakip ako sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa nabasa ko. Muntik ko pa nga mabitawan ang cellphone ni Gideon. Shit!

Bakit ganito nalang ka lakas ang kabog ng puso ko?

繼續閱讀

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
202K 7.3K 38
Belleza series #1 | COMPLETED "I liked you the moment I saw you sketching me." - Tristan Louiz Vargaz Nang mapagdesisyunang makipagsapalaran sa Manil...
26.8K 346 37
Ballerine Maeze Castillo, a theater arts student wants revenge from Lorenzo Reigan Maxwell, the golden boy and baseball captain studying psychology...
2.3K 577 43
Barbara was the kind of girl a guy who would want to date. A typical beautiful, kind and a family oriented type of girl but all of these characterist...