Racing Hearts (De Silva Serie...

By Gianna1014

1.7M 91.9K 49.5K

De Silva Series 2nd Gen. The story of Dylan De Silva. More

Racing Hearts
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 45

26.8K 1.6K 705
By Gianna1014

“Don’t be envious of evil people, and don’t try to make friends with them. Causing trouble is all they ever think about; every time they open their mouth someone is going to be hurt.” – Proverbs 24:1-2

**

Chapter 45

Ruth 

Bumubuhos ang malakas na ulan. Nakatitig ako sa tombstone ni ate Deanne. Ang basang basa kong katawan ay hindi inalintana ang pag-ihip ng hangin. The wind didn’t make me shiver but the pain did. Every fiber in my bone lashed by its unseen swords and bullets. You couldn’t fight it unless you have the will to stop it. And I couldn’t stop it.

All I could hear was the rain, the wind and my sobs. Hector shouted my name. Minura niya si Leonard. Yumakap ang makapal na tuwalya sa mga balikat ko. Pilit akong tinayo ni Hector at ng kanilang kusinero. 

“Just let her mourn. Kung hindi naman dahil sa kanya, hindi magmamatapang na pakasalan ni Deanne ang Kuya ko.” 

“’Wag mong kalimutan ang pangalang kumupkop sa inyong magkapatid.”

“Hindi ako nakakalimot, Hector. Katulad ng ginawa ng isang de Silva sa kapatid ko.”

Binalot sa akin ni Hector ang tuwalya. Pinayungan ako. Hindi ko inaalis ang titig sa pangalan ni ate Deanne sa batong iyon. Hector cursed. Pinihit niya ako patalikod sa puntod. My body was like a fluid. Following what he wanted me to do. Giniya niya ako palayo sa puntod ng mag-asawa.

Para akong nilayasan ng lakas at tamang ng pag-iisip. Para akong hinila palabas ng maingay na lugar at kinulong sa madilim at nakakabinging katahimikan ng silid. Is this really happening? Is she really dead? 

Sumabay pa ang ulan. Wala akong pakielam mabasa man. Buhusan niyo na lang ng gusto kong sagot ang utak ko nang hindi ko na maramdaman ang pumapatay sa akin. 

It’s so hard to stop this. It’s so hard. . . to accept this . . .

Nakatayo sa entrada ng mansyon sina Don Leon, Steph at ang matandang babae. Agad akong sinalubong ng matandang babae. Hinawakan niya ako sa mga braso at inakay patungo sa hagdan. 

“Gumawa ka ng mainit na tsokolate at dalhin mo sa kwarto ni Senyorita Ruth.” Mabilis nitong utos sa apo. 

Narinig kong umalma si Steph.

“Sundin mo ang Lola mo, Steph.”si Don Leon. His voice was calm. 

Dinala ako sa isang kwarto. Nakita ko sa ibabaw ng malapad na kama ang duffel bag ni Dylan. She made me stepped inside the bathroom. Pinagmasdan ako ng matanda ilang segundo bago nagsalita nang mahinahon.

“Gusto mo bang tulungan kitang maligo, Senyorita?” 

I slowly shook my head. I couldn’t speak. Nor move farther from her. 

“Kung gano’n, iiwan na kita rito. Sa labas lang ako. Hihintayin kitang matapos at nang makainom ka ng mainit. Maagapan nating dapuan ka ng sakit.” 

Pinagmamasdan niya ako. Lumapit ako sa shower room. Nagsisimula na akong mangatog. Sunod kong narinig ang paglapat ng pinto. Inalis ko ang tuwalya. Tumayo ako sa ilalim ng dutsa. Isang pihit lang ay bumuhos ang tubig sa ibabaw ng ulo ko. 

This water could clean up the mess but couldn’t clear up my head. 

I showered mechanically. I shampooed and soaped my body. Matapos kong maamoy ang sabon sa banyo, nangatal sa galit ang ngipin ko. Sinuot ko ang robang nakahanda roon. Paglabas ko ay kasasarado pa lang pinto at inilalapag ni matandang babae ang isang tasa ng mainit na tsokolate. Binalingan niya ako mula sa pagyuko sa pabilog na mesa. 

“Uminom ka nitong tsokolate nang mainitan ng tiyan mo, senyorita.”

“T-Thank you.” halos walang boses na lumabas sa akin. 

Sinundan niya ako ng tingin. Lumapit ako sa gilid ng kama. Kumuha ako ng damit sa duffel bag. Bumalik ako sa banyo. Nagbihis ako. Paglabas ko ay naroon pa rin ang magtandang babae. Pinapanood ako na para bang may gagawin akong hindi maganda. Masyadong mabigat ang katawan ko.

Umupo ako sa gilid ng kama. Nilabas ko ang baon na brush. “Okay na po ako. Kaya ko na po.” 

“Gusto mo bang suklayan kita?” tanong niya. Pero hindi na niya hinintay akong sumagot. Tumabi siya sa akin. Kinuha ang brush sa kamay ko at siyang nagsuklay sa buhok ko. 

Hindi na ako umalma. Her hands were not heavy nor hard. Tila ako pinapatulog sa sobrang gaan ng kamay niya sa buhok ko. She didn’t speak. Maybe she concentrated herself on combing my hair. 

Tumingin ako sa labas ng bintana. Parang papagabi na kahit maaga pa. The wind was blowing against the glass window. Akala mo ay may bagyo. Nakatitig ako sa labas. Hindi ko namalayang natapos na pala ang pagsusuklay sa akin. Nakita ko na lang na nilapag niya ang brush sa ibabaw ng night stand. 

“Ang tsokolate mo, senyorita,” binigay niya sa akin ang tasa. 

Kinuha ko iyon. Tinitigan ang halos hindi makitang usok. It’s getting cold. Wala akong gana para inumin. Kung hindi rin lang niya pinilit sa akin. 

“Inumin mo ‘yan at tapos ay subukan mong umidlip. Magpahinga ka. Makakatulong ‘yon nang hindi ka magkasakit. Pero ihahanda ko ang paracetamol kapag nakaramdam ka ng pananakit ng ulo o lagnat. Handa naman kami rito sa isla.” 

It was hard to swallow how kind she was to me. Hindi ako kumibo hanggang sa iwan na niya akong mag isa. I sipped in the cup. I almost winced when I still got scalded. Akala ko ay hindi na iyon mainit. Napaso pa rin ako. 

In return, binaba ko iyon sa tabi ng brush. Tinitigan ko. Slowly, my eyelids became heavy. Slowly, my body felt tired and all I ever wanted was to lay in this bed and let my thoughts drown in sleep. Humiga ako at pumikit. 

Bukas ang bintana nang magising ako. Tumila na ang ulan pero madilim pa rin. Sinilip ang oras sa wall clock. Pasado alas singko na ng hapon. Walang gumising sa akin. Binalingan ko ang night table. Wala na roon ang tasa ng tsokolate. May nakalapag na kapirasong papel na nakatiklop. Ginawang pabigat sa ibabaw nito ang brush ko. Kinuha ko iyon at binuklat.

Take care for me. I love you. 

-Dylan

Natigilan ako. Tila ba bumalik sa dati kong mundo ang katawan at isipan ko pagkakita ko sa pangalan ni Dylan. Paulit ulit kong binasa ang mensahe ng asawa ko sa akin. Tinitigan ko ang bawat salita kahit hindi niya ito handwriting. But these were his words. It came from him. it sounded like him. These words were his. 

Dylan . . . 

Your twin is here . . .

I saw her tombstone . . .

I’m sorry . . .

Pumasok sa isipan ko sina Daddy Johann at Mommy Aaliyah. Sina Dean at Dulce. I failed them. I failed to rescue ate Deanne. Hindi ko na matutupad ang pangako ko kay Dulce. Iniisip ko pa lang ang mga salitang sasabihin ko para sa kanila ay umaatras na ako. Ayoko silang saktan. Pero wala akong ibang choice kundi ipaalam ito sa kanila sa pagbabalik ko.

Napapatanong din ako. Paano ito nakayang harapin ni ate Deanne? Iyong pagmamahal niya para kay Dylan, sa pamilya at sa akin . . . ay ibang klase. Hindi mababaw. Handang itaya kahit sariling buhay.

Bumaling ako sa pinto nang bumukas ito. Dumungaw si Steph. Pagkakita niya sa akin ay ngumiwi ito. 

“Ah, kumatok kami pero hindi ka sumasagot. Gusto kang makausap ni Hector. Pwedeng pumasok?” 

Dahan dahan akong bumangon. Hindi ako nilagnat o sumakit ulo. Siguro nga, nakatulong ang pagtulog ko. 

Lumuwang ang pagkakabukas ng pinto. Pumasok si Steph, kasunod si Hector. He changed his clothes. He looked mad. But after he saw me, he sighed heavily. 

“Iwan mo na kami, Steph.” Sabi niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. 

“Okay. Sa labas lang ako, ha?” 

Hector looked at her but didn’t speak. Nagkibit ng mga balikat si Steph bilang sagot. Tapos ay walang salitang lumabas ulit.

Binaba ko ang dalawang paa sa sahig. Naupo ako sa gilid ng kama. Pinunasan ko ang luha sa magkabilang pisngi. Lumapit si Hector sa akin. Tumayo sa paanan ng kama. Humalukipkip habang pinagmamasdan ako.  

“Nabasa mo na pala ang sagot ni Dylan sa ‘yo. Sa totoo lang, pinagbantaan pa niya ang tauhan kong tumawag sa kanya para ipasabi ang message mo. Susugurin niya raw kami kapag hindi ka namin binalik-“

“Paano namatay ang mag-asawa?” 

Hector stopped from talking. He made fun of my husband’s anger. For what? Para pagtakpan ang nalaman ko kina ate Deanne?

Humugot ako ng hangin. Hinanda ko ang sarili. I glared up at him. “Sino’ng may gawa?” 

Hindi inalis ni Hector ang mga mata sa akin. Matapang siya. Nakipagtunggali ng masamang titigan. Maybe, he thought I am condemning him now. Tinapangan ko pa mga mata ko. Wala akong pakielam kung magalit man siya o manakit. I am too brave to even backdown. 

“She killed her husband.”

“She . . . killed him?”

He nodded. “Deanne Montevista shot Yale.” 

Napatayo ako. Hinarap si Hector. “Hindi gano’n si ate Deanne!” 

Hector sighed. Nagbaba ng tingin sa sahig. “Dinala ni Yale rito sa isla si Deanne. Nalaman niyang may pinaplano ang mga de Silva laban sa kanya at sa Blue Rose. He locked her up here. Pero . . . palaban ang asawa niya. Nang-agaw ito ng baril sa isa sa mga tauhan . . . at . . . pinatay si Yale. One of our men shot Deanne. They both died here. And buried.”

“Bakit hindi niyo pinaalam sa mga magulang ni ate Deanne?! They’ve been looking for her!!”

Hector scoffed. Pinanliitan niya ako ng mga mata. “A killer won’t call the prey’s family to tell them that he or she killed her. Kung pinagplanuhan niyo kami, dapat ay naging handa rin kayo sa mangyayari sa pinsan mo.”

Tila may kumuyom sa dibdib ko. Napatakip ako ng bibig. Bumalong ulit ang luha sa mga mata ko. 

Hector sighed. “Wala kaming planong patayin si Deanne, atleast sa side namin. Bago sila magpakasal, Yale insisted that he would do something about you. That you two could get married. Ilalayo ka namin sa mga umampon sa ‘yo. Kung natuloy, nakuha ka na ng Lolo mo at Montevista pa ang asawa mo. Pero iba ang nangyari. Everything got out of our hands. Ni isa sa mga pinalano, hindi natupad. At itong si Yale . . . akala mo ginayuma ng asawa . . . siya ang naging sunud sunuran. Nagbulagbulagan hanggang sa m-mamatay.”

Natigilan ako sandali. Tinitigan ko si Hector. He looked at me but turned away and sighed, like as if he got tired of explaining the words to me.

“Masyadong matapang si Deanne. Yale didn’t know what to do. Nag-panic masyado ang babae. She took the gun and-“

“Nasaksikan mo?”

He stopped. He looked at me. He closed his lips. Then, gulped. “Hindi. Si Don Leon ang nagkwento sa akin. Siya ang nakakita sa lahat ng nangyari.” 

My lips pursed. Hindi ako nagsalita. 

“Look, hindi ko sinasabing tama ang ginawa ng lolo mong itago sila rito. Pero magkakaroon ng gyera. Gyera sa pagitan ng mga taong malalapit sa ‘yo. Handa si Leonard na iganti ang kapatid niya. Kung kayo sana ni Yale ang kinasal . . . baka . . . iba ang nangyari,”

“Dyina-justify mo ba ang ginawa ni Yale? Una, hindi niya dapat pinilit na dalhin dito si ate Deanne. Dapat ay pinakawalan na lang niya itong makauwi sa pamilya kung nagkabistuhan.”

“Hindi niyo dapat ginawang pain si Deanne kay Yale. Dahil once na mapasakamay na siya ng isang Montevista, ‘wag na kayong umasa na makakabalik pa siya sa inyo.”

“She did it for me! Dahil ayaw ni ate Deanne na makuha ako ni Don Leon at gawing criminal!”

Sumakit ang lalamunan sa lakas ng sigaw ko. Agad na bumukas ang pinto. Kinakabahang nakatayo roon si Steph. 

“Magpapatayan na ba kayo?!” 

Nagtagis ang bagang ni Hector. Nagdilim ang mga mata niya. 

“Sino bang may sabing gagawin ka naming criminal? Matagal nang huminto sa pagnanakaw ang Blue Rose! Matagal na ‘yang pinahinto ng Lolo mo!”

“Ikaw ang nagsabi na naghahanap kayo ng bagong leader. Umaasa kayo sa akin dahil may dugo akong Salviejo. Kahit si Leonard gan’yan ang iniisip. Gusto niyong ipagpatuloy ko ang trabaho ni Don Leon. Bakit ba ako gustong pakasalan ni Yale? Dahil gusto niya ang grupo ninyo. Ano’ng meron sa grupo ninyo? Pera. Koneksyon. Kapangyarihan. Na matagal ninyong inaalagaan at tinatago sa batas!”

“Gan’yan pala talaga kayong malilinis, ano? Marami kayong kuro kuro, haka haka at mga kwento na walang pruweba.”

My teeth gritted. “Kinuwento sa akin ni Lola Socorro ang lahat. Nakausap pa niya si Don Leon dito sa isla. Nilayo niya nga ang Mama ko para hindi magkaroon ng ugnayan sa lugar na ‘to!” 

Isang malakas at baritonong boses ang tumawa nang malakas. 

Sabay kaming napabaling ni Hector sa may pintuan. Tawang tawa si Don Leon na nakatayo roon. Nakakapit sa kanyang tungkod. Pinapanood kami. Si Steph ay nasa likuran niya at kabaliktaran naman ang mukha sa Don. 

“Sir Leon.” Hector said. 

Tiningnan ko si Hector at lihim na inirapan. Nagbago ang ekspresyon niya pagkakita sa pinuno.

Humina ang tawa ni Don Leon. Pinunasan niya ang gilid ng mata. “Para kayong mga aso’t pusa kung magbangayan. Palakasan kayo ng boses. Naku, kung narito siguro ang asawa ng apo ko ay baka nakirambol na sa ‘yo ‘yon Hector. Galit na galit ka kung makatingin. Parang mapuputol ang ugat mo sa leeg at sasabog ang mukha dahil sa aking apo.”

Bumuntong hininga si Hector at hinilot ang sintido. “Hina-high blood na nga ako rito kay Ruth.”

Tumawa ulit si Don Leon. Hinakbang ang tungkod at lumapit sa amin. Lumunok ako at nag iwas ng tingin sa kanya. 

“May gan’yan talagang babae, Hector. May ugaling mahirap intindihin. Tulad ni Socorro.”

“Sir Leon, wala akong gusto rito sa apo ninyo. Hindi ako magkakagusto sa gan’yang katigas na ulo.”

Agad na pumasok si Steph at kumapit sa braso ni Hector. Inirapan niya ako. 

“Oo nga naman, Ninong. Saka married na siya, ‘di ba?”

“Hindi ko naman sila pinagrereto, Steph. Apo, maayos na ba ang pakiramdam mo? Gusto sana kitang makausap. Nang tayong dalawa lamang.” Pinagmasdan niya ako. Nakangiti ang labi pero hindi ang mga mata ng matanda. 

Hindi ako sumagot. Niyaya na kasing lumabas ni Hector si Steph at pinagsarhan kami ng pintuan. Pagkalapat, naririnig ko pa ang boses ni Steph sa labas. Hindi sila umalis. Hindi umalis si Hector. Lumaki ang hinala kong malaki ang pagpapahalaga niya kay Don Leon. 

Bakit kaya hindi na lang siya ang gawing pinuno? Tutal, mukhang loyal siya.

Dahan dahang lumapit sa paanan ng kama ang matanda. Kumapit ito sa hawakan ng tungkod at umupo. Ngumingiwi ang mukha niya. Lumapit ako at hinawakan siya sa braso para alalayan. Pagkaupo ay para ba itong nabunutan ng tinik at nakangiting tumingala sa akin. 

“Salamat, apo. Pagpasensyahan mo na’t matanda na ako.” Mahina siyang tumawa.

Tiningnan ko ang nakangiti niyang mukha. He looked fragile despite those smiling face. 

Pinatong niya ang dalawang kamay sa handle ng tungkod. Bumuntong hininga. 

“Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ninyo. Pero dinig na dinig ang mga boses ninyo ni Hector,”

Isang beses akong umatras at yumuko. “P-pasensya na ho . . .”

He chuckled. “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, apo. Kung paanong naiintindihan ko rin ang ginawa ni Socorro at Denise na protektahan ka mula sa akin.”

Tiningnan ko ang mga kamay ko. Naroon pa rin ang kapirasong papel. “Kung ganoon, maiintindihan niyo rin na . . . hindi ko masusunod ang gusto ninyong mangyari. Hindi ko magagawang pamunuan ang grupo ninyo.”

“Kahit hindi mo pa naririnig ang paliwanag ko?” 

Agad akong umiling. Hindi ko napigilang mamuo ulit ang luha sa mga mata ko. “Ayoko po. Hindi ko makakaya. Kung iaatang niyo sa akin ang responsibilidad sa Blue Rose, tinatanggihan ko po.” 

Hindi ako ganoong klaseng tao, kung iba ang iniisip niya. Hindi ako maluhong babae. Mas lalong hindi maiimpluwensyahan ng mga makinang bagay sa mundo. Mas gusto ko ang tahimik na pamumuhay. Hindi iyong kailangang manakit at mang-apak ng tao para mabuhay.

Hindi siya nagsalita ng ilang segundo. Hindi ako tumitingin sa kanya. His presence was classic. His presence has this aura of autocracy. Something that would make your wings fold. And something that nobody could possess easily. Maybe, that was his edge in his kind of business. Kaya nagtagumpay siya sa maruming larangan. Bakit kaya hindi na lang siya naghanap ng ibang mapagkakakitaan? Bakit hindi na lang naging kakampi ng Militar hanggang mag retire? 

It was useless to ask him now. But I was curious. What went wrong from his life?

“Pero wala akong ibang mapagkakatiwalaan. Ikaw lang, apo.”

“Nand’yan po si Leonard. At mukha namang gustung gusto niyang pumalit sa inyo.”

He looked down at floor. “Gusto niya pero ayoko. Kapag binigay ko sa kanya ang pamumuno at lahat ng kapangyarihan ng Blue Rose, gagamitin niya iyon laban sa pamilya ng asawa mo.”

Lumukob ang takot sa dibdib ko. Nanlamig ang mukha ko at agad ko siyang tiningnan. He looked at me, too. 

“Ipaghihiganti niya ang pagkamatay ni Yale. Bubuhayin niya ang dating gawain namin.”

“P-patay na rin si ate Deanne. Ano pang gusto niyang mangyari? Patayin ang buong angkan?”

Deretso niya akong tiningnan sa mga mata. There was something in his eyes. Like as if he has been thinking about this for so long. 

“Mahalaga ka sa akin, Ruth. Mahalaga rin sa ‘yo ang pamilya mo. Ang galit ni Leonard ay hindi natatapos sa pagkamatay ni Deanne. Naniniwala siyang pinagplanuhan ninyo si Yale. Pinaibig nang husto at sa huli ay niloko lamang. Bukod pa roon, may galit sila sa akin. Galit na naipon sa nakalipas na mga taon.”

Bumuka ang labi ko pero walang salitang lumabas sa akin. 

“Ang labanan sa pagitan ngayon ng mga Montevista at de Silva ay hindi ko na makokontrol. Hanggang dito na lang ang kaya ko. Kaya ikaw ang gusto kong pumalit sa akin. Kung kinakatakot mo ang dating Blue Rose, umasa kang hindi mangyayari ‘yan,”

“P-Pero ang sinasabi po nina Dad . . .”

He chuckled. But his eyes were . . . lifeless. “Hindi na mababago ang reputasyon ko. Hahayaan ko na lang ang gusto nilang isipin. Sa edad ko ngayon, wala nang halaga sa akin ang iniisip ng ibang tao. Ang importante, nasabi ko sa ‘yo ang totoo. Hindi kita gagawing criminal, apo ko. Hinding hindi ko sisirain ang proteksyong binigay sa ‘yo nina Socorro, Denise at . . . ng mga de Silva. Ikaw lang talaga ang mapagkakatiwalaan ko. Ang iyong pagkakakilanlan ay mananatiling malinis sa abot ng aking makakaya.” 

My lips pursed and shivered. Bakit ganito? Bakit nalulukot ang puso ko habang pinapakinggan ko siya? 

My whole family spent their time to protect me. Si Lola Socorro ay ilang taon akong tiniis na hindi makita dahil kay Don Leon. Ang Mama ko ay binigay ako kay daddy at mommy para layuan ako ng masamang impluwensya. They were all right. But now . . . everything has changed. And a new problem arose. 

I gasped. Lumandas ang luha sa pisngi ko. “Si Hector po? Bakit hindi niyo po siya alukin?”

He smiled. And slowly shook his head. Pinagmasdan niya ako habang pinupunasan ko ang luha sa pisngi ko. Ilang sandali kaming hindi nagsalita. Ang hikbi ko ang tanging naging ingay sa kwarto. Ayaw kong tanggapin pero paano ko ito ipapaalam sa pamilya ko? 

And seeing Don Leon like this . . . sobrang kalmado at nakikiusap, paano ang gagawin ko? Para akong binigyan ng gamot pero may side effects. 

“Ruth, ayaw kong nakikita kang gan’yan. Pero balang-araw, malay mo . . . magbago ang pagtingin mo . . . sa akin. Bilang iyong Lolo Leon.” Nginitian niya ako. 

Tila may patalim na humiwa sa puso ko nang pagmasdan ko ang mukha niya. 

Buong gabi kong inisip ang lahat ng sinabi ni Don Leon. Patay ang ilaw sa kwarto. Nakaupo lang ako sa kama. Kalahati ng katawan ay nakukumutan at ang likod ko ay nakasandal sa headboard ng kama. Ang hirap pala ng ganito. Wala akong makausap. Wala akong mahingan ng payo. Malayo ang pamilya at mga kaibigan ko. Ilang beses kong sinilip ang cellphone ko at wala pa ring signal. 

Ako at ako lang ang pwedeng gumawa ng desisyon. Ni hindi ko magawang makausap ngayon kahit si Dylan. 

Bumuntong hininga ako. Tiniklop ko ang mga binti at yumakap roon. Pinatong ko ang baba sa tuhod ko. Anong gagawin ko? Tatanggihan ko pa rin at uuwi ako sa manila? Tatanggapin ko para hindi makuha ni Leonard ang Blue Rose? May katotohanan kaya ang sinabi ni Don Leon tungkol sa kanya?

Pinikit ko ang mga mata ko. Naiisip ko si ate Deanne at ang sakit ng pagkawala niya. Tinaya niya ng buhay niya para sa akin. Para kay Dylan. She loved her twin so much to even do that. To marry the man, she didn’t even love. Iniwan niya si Kuya Grey. Inakala ko pang may illicit affair siya pero para lang pala protektahan ako!

At ngayon? Anong resulta? Hindi siya nakawala kay Yale Montevista. Hanggang lapida ay dala niya ang pangalan nito. 

Dinama ko ang sakit na lumukob sa dibdib ko. Hinigpitan ko ang yakap sa binti ko. It’s so hard to even think of going back home because I have to face the fact that I will tell them about ate Deanne. It’s the combination of raw chest pain and humiliation. Wala akong mukhang kayang ipakita sa buong pamilya. 

I gasped the pain that runs in me. “Dylan . . .” I whispered his name. I closed my eyes and sobbed silently. 

Bago magbukang-liwayway, binalikan ko ang tombstone ni ate Deanne. Pumitas ako ng bulaklak na nakita ko sa malapit. Hindi ko alam ang pangalan pero maganda. Inalay ko iyon sa puntod niya. Niyakap ko ang sarili habang tinitingnan ang pangalan niya.  

I kneeled and cried quietly. Hanggang sa magliwanag, nanatili akong nakaluhod. Makailang beses kong hinaplos ang lapida na parang nahahaplos ko ang kamay niya. 

Tiningnan ko ang kaliwang kamay. Pinakita ko iyon sa kanya. “Ate, k-kinasal na kami ni Dylan. Mag-asawa na kami . . .” nanginig ang boses ko. 

Tumingala ako sa magandang kalangitan nang marinig ang huni ng mga ibon. Lumagaslas ang mga dahon sa puno nang umihip nang mabini ang hangin. I looked down at her tombstone. 

“Ate, m-mahal na mahal ko siya. Si D-Dylan lang talaga ang minahal ko. Wala na. Siya lang.” 

Tila musika sa pandinig ko ang hampas ng dagat sa pangpang. Kalmado ang dagat. Ang sarap samyuin ng hangin. Ang katamikan dito ay parang langit din. May kapayapaan. 

“P-pero . . . paano ko sasabihin sa kanila . . . na wala ka na . . .” tuluyang nasira ang pinipigilan kong paghikbi. Ang sakit sakit ng dibdib ko. Ang hirap huminga nang maayos. Hilam ako ng luha at hinang hina. 

Tinakpan ko ang mukha. Doon ko binuhos ang lahat. Sa gitna ng pag ihip ng hangin, huni ng mga nagkakantahang ibon at musika ng hampas ng tubig. 

I sobbed on my palms for I don’t know how long. Kung may dumaan man sa likod ko ay hindi ko na inalam pa. Pagtingin ko ulit sa pangalan ni ate Deanne, pumikit ako nang biglang mahilo. I steadied my head and calm my nerves. Nanginginig ako. Huminga ako nang maayos bago dumilat ulit. I was still kneeling until the rays of sun touched my face. 

I just stared at her name. Then, on the flowers that I didn’t know the name. 

Kumalam ang sikmura ko. Pero wala akong ganang kumain. Nanuyot ang lalamunan ko pero hindi ako naghanap ng tubig. Hinayaan ko lang ang sarili na ganoon. Dahil wala naman akong maramdamang maganda sa paligid ko. Kahit sa pag iisip ko.

Narinig ko ang pagkalabog. Bumaling ako sa likuran ko. Walang tao. Tinalunton ko ang taas ng mansyon. Nakita ko ang nakabukas na pinto ng veranda. Kaninong kwarto iyon na nasa tapat ng dalawang puntod?

Isang pagbagsak ng kung ano ang sunod kong narinig. Nanggaling doon sa bintana. Binalik ko ang paningin sa tombstone ni ate Deanne. Nilipat ko ang mata sa kay Yale Montevista. Out of respect, nilagyan ko rin siya ng mga bulaklak. Kahit patay na siya, matalim na tingin ang ginawad ko sa lapida niyang may pangalan niya. 

I slowly stood up. Namanhid ang mga binti ko at sumakit. Ngumuwi ako nang maramdamang tinutusok tusok ang mga paa ko. Sinuntok suntok ko muna ang dalawang binti hanggang sa dumaloy ulit ang dugo ko. 

Napapalingon sa akin ang mga tauhang nagbabantay sa labas ng mansyon at sa paligid ng isla. Tahimik naman sila. Hindi bumabati. Pumasok ako sa mansyon. Hinanap ko si Don Leon. Wala siya sa study room. Umakyat ako at hinanap ang kwarto niya. Hindi ko alam kung gising na siya pero gusto ko na siyang makausap. Bawat segundo ay tumatakbo. 

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nakita ko ang nagmamadaling paglabas ni Leonard sa kwartong iyon pero iniwang bukas. 

Natigilan siya pagkakita sa akin. Hindi nagsalita at nagtuloy tuloy na sa hagdanan. Nilapitan ko ang pintong hindi niya sinarado. Kwarto ba niya ito? Hindi ako sigurado. Pero . . . kung iisipin kong mabuti ang lokasyon ng kwartong iyon . . . ito iyong may bintana na katapat ng puntod nina ate Deanne. 

Lumingon muna ako sa paligid at nakitang walang katao tao. Sumilip ako sa loob ng kwarto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Don Leon! Agad akong pumasok at nilapitan siya sa gilid ng kama. Mabilis itong humihinga. Nakapikit. Nakasuot pa ito ng pantulog. 

“Don Leon?” mahina kong untag sa kanya. 

Nakanganga na siya. Tila humihilik pero sobrang bilis ng paghinga. 

Tinapik ko siya sa braso. “Don Leon?” hindi kaya binabangungot? 

Natakot ako sa itsura niya. Tinawag ko siya ulit. Umungol siya pero hindi dinilat ang mga mata. 

“Don Leon!” nilakasan ko pa ang boses ko. Kinuha ko ang kamay niya. Sa kanyang hinliliit, diniinan ko ang kuko ko.

Isang beses kong ginawa, ngumiwi siya at inaalis ang kamay sa hawak ko. 

Niyuko ko siya. “Don Leon! Gumising po kayo!” 

Diniinan ko ulit ang kuko ko sa hinliliit niya. Ngumiwi siya pero hindi magawang idilat ang mga mata. Doon na ako tuluyang naalarma. 

“Ano’ng nangyayari? Don Leon?” 

Mula sa nakabukas na pinto, nagmamadaling pumasok ang lalaking nurse. Agad nitong binaba ang tray na may lamang baso at isang plato ng pagkain. Ginising niya rin si Don Leon pero hindi ito dumidilat at patuloy ang mabilis nitong paghinga. 

Itinawag niya iyon kina Hector. Marami ang nag-akyatan at pumasok sa kwartong ito. Tumayo ako sa sulok para bigyan sila ng espasyo. 

Magkasalubong ang mga kilay ni Hector nang lingunin ako. Ilang beses niyang tinawag si Don Leon at iisa lang ang response nito. Ungol at ngiwi. 

“What happened, Ruth?” mahigpit niyang boses at tanong sa akin. 

Naglingunan din sa akin sina Steph at ilang tauhan. Umiling ako. 

“Hindi ko rin alam. Napasukan ko siyang nagkakaganyan na.”

Humakbang si Steph na mangiyak ngiyak na ngayon. Dinuro niya ako. “Pinagsalitaan mo si Ninong nang hindi maganda!” 

Nanlamig ako. “Hindi.”

Para akong kakapusin ng hangin. Agad na nagpatawag ng doctor si Hector sa Polilio. Pinasundo niya ng chopper.

Pinalabas kami sa kwarto. Nagbabaan ang mga tauhan. Si Steph at ako ay naghintay sa labas. Pagbalik ng chopper, nagmamadaling umakyat ang doctor at pinapasok sa loob. Steph was worried and was crying. Ang dibdib ko naman ay kumakalabog. Nilalamig ako. At medyo nahihilo na rin. Kaya umupo ako sa sahig at pinikit ang mga mata ko. 

Ilang oras sa loob ng doctor at si Hector. Nakababa na si Steph. Nang maiwan ako sa labas mag isa, naisip kong bumalik sa kwarto o kaya ay bumaba para uminom ng tubig. Pero naisip ko na lang iyon at hindi ko nagawa. 

Nakarinig ako ng ugong na papalapit sa pwesto ko. Pinagtutulungan ng dalawang tauhan ang pagbubuhat sa mataas at payat na tangke ng oxygen. 

“Padaan lang po, Ma’am Ruth.” Magalang nilang sabi sa akin. 

“S-sorry po,” agad akong tumayo at tumabi. 

Bumukas ang pinto ng kwarto. Lumabas si Hector. Madilim ang mukha niya. Pinapasok niya ang oxygen tank.

“Magdala pa kayo ng dalawa rito. Pang reserba.” 

Tumango ang dalawang lalaki. Hector did look at me. Sandali lang at pumasok na ulit sa loob. Pagkalapat ng pinto at tumitig ako roon. 

Almost two hour later, bumukas ang pintuan. Nag uusap ang doctor at si Hector nang lumabas. 

“Para makasiguro tayo, dalhin niyo na siya sa ospital. Mate-test siya roon. Mabibigyan din ng solusyon. Kung hindi at ganito lang ang gagawin, hindi magtatagal ay magde-deteriorate siya . . .”

Nag aalala ang boses ng doctor. Pero ang mukha ni Hector ay madilim pa rin. 

“Kukumbinsihin ko siya, doc. Salamat.”

“O sige. Sa baba muna ako. Tatawaganan ko ang ospital. Sabihan niyo ako agad kung magpapadala siya roon.”

Binalingan ako ng doctor at tumango. 

“Salamat po.” mahina kong sabi bago ito umalis. 

Hector sighed heavily. 

“Ano’ng nangyari kay Don Leon, Hector?” lakas-loob kong tanong. 

Tiningnan niya ako at namaywang. “Ang prognosis ng doctor, aneurysm.”

Napaawang ang labi ko. “Kung gano’n, kailangan niyang madala agad sa ospital!”

He nodded. “Ayaw ni Don Leon.”

Iniwan niya ako at bumalik sa loob. Hindi niya sinarado ang pinto kaya sumunod ako. Kasalukuyang inaayos ng nurse ang oxygen level sa tangke. Kumukulo ang tubig doon. 

Tiningnan ko si Don Leon. Mas maayos na siyang tingnan at hindi na mukhang hinihingal ‘di tulad kanina. Agad akong nanibago dahil sa nakalagay sa kanyang ilong. 

Tumayo si Hector sa gilid ng kama at pinagmasdan ang Don. 

“Sir Leon, nandito ang apo niyo. Kanina pa siya nasa labas ng kwarto.”

Lumapit ako kay Don Leon at halos mapangiti ako nang makita kong dinilat niya ang dalawang mata. 

“Ayaw niyo bang gumaling para makasama si Ruth nang matagal?”

Nilingon ko si Hector. He didn’t look at me. 

“Isang araw pa lang kayo nagkakasama. Kapag nagpatingin kayo, mas matagal mong makakama ang pinakamamahal niyong apo.”

Binalingan ko ulit si Don Leon. Pinikit niya ang mga mata. Bahagyang ginilid ang ulo sa unan. 

Tumingin sa amin ang nurse. “Gusto na po niyang magpahinga, Sir Hector, Ma’am Ruth.”

“Sige. Lalabas muna ako.”

“Maiiwan ako.” Sabi ko. 

Natigilan sandali si Hector. Naupo ako sa bangkuang nasa tabi ng kama. Ito marahil ang ginamit ng doctor kanina. 

“Magpapadala ako ng pagkain mo rito. Namumutla ka.” sabi ni Hector. 

Paglabas niya ay naiwan kami ng nurse. Nakatingin ako kay Don Leon. Medyo lumubog ang labi niya. Siguro ay tinanggal ang pustiso. Nilingon ko ang nakabukas na pinto ng veranda. Nagkaroon din ako ng pagkakataong pasadahan ng tingin ang kwarto niya. Malinis at maayos naman. Pero kapansin pansin ang mga gamot, biscuit at alcohol sa estanteng mayroon. 

I sighed and looked at him again. 

Sa sumunod na araw, binantayan ko pa rin si Don Leon. Nahihirapan na siyang magsalita. Kung kakain ay sobrang kaunti na lang at aayaw na agad. Mas madalas na siyang tulog. Maghapon ko siyang binabantayan. Kapag nalilingunan ko ang nurse niya, umiiling na lang ito sa akin. 

Umupo ako sa gilid ng kama. Kapapalit pa lang ng oxygen tank niya. Chineck ko ang oximeter na nakaipit sa hintuturo niya. 

“Magpadala na po kayo sa ospital. Sige na po,” yakag ko sa kanya. 

Hindi siya dumilat. Bumuntong hininga ako. Tiningnan ko ulit ang oximeter sa daliri niya. Napatayo ako at tingin sa nurse nang mag blink ang numero sa oxygen level niya! 

“Bumababa!” 

Tumayo ang nurse at sinilip din iyon. Sa kalmado pero kalkuladong kilos, pinalitan na niya ng mask ang gamit ni Don Leon sa ilong at tinaasan ang oxygen level sa tangke.

Nang tingnan ko ang oximeter, bumalik na iyon sa 91-92 pero hindi pa rin normal. Bumagsak ang mga balikat ko. Umupo ako sa bangko at hinawakan ang kamay ni Don Leon. Pinisil niya ang kamay ko. 

“Don Leon,” tawag ko sa kanya. 

Hindi naman ito dumilat. Hindi rin gumalaw. Ilang sandali ko siyang pinagmasdan. Mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ko. Tiningnan ko iyon. Nakalihis ang kumot. Inayos ko. Pag angat ko ng mata sa kanya ay inayos ko rin ang unan niya. Tumayo ako at marahang inusod ang unan. 

Natigilan ako nang makitang sa ilalim ng unan ay may hugis pusong pendant locket. Sinulyapan ko si Don Leon. Nananatili itong nakapikit. Kinuha ko iyong locket. It looked vintage. 

Binuksan ko iyon. Suminghap pa rin ako kahit inaasahan kong siya nga ang makikita ko sa loob. Ang litrato ni Lola Socorro sa kanan at ni Don Leon sa kaliwa. Parehong black and white at kapwa mga bata pa. 

Tiningnan ko ulit si Don Leon. 

“Hindi na mababago ang reputasyon ko. Hahayaan ko na lang ang gusto nilang isipin. Sa edad ko ngayon, wala nang halaga sa akin ang iniisip ng ibang tao. Ang importante, nasabi ko sa ‘yo ang totoo.”

Umalingaw ngaw sa isipan ko ang tumatak na mga salita niya sa akin. Tamilmil akong naupo ulit at inipit sa palad ko ang locket. 

Bumukas ang pinto pero hindi nilingon kung sino ang pumasok. 

“Ruth,” si Hector. “Lilipad ako sa Polilio. May gusto ka bang ipabili?”

Pumikit ako at bumuntong hininga. Pagdilat ko, hinawakan ko ang kamay ni Don Leon. 

“Sunduin mo si Lola Socorro. Sabihin mo sa kanyang pinapasundo ko siya.”

Hindi agad nakapagsalita si Hector. Pero ramdam ko ang presensya niya. Kaya nilingon ko siya. Nakatitig ito sa akin.

“Siya lang?” 

Lumunok ako. “Siya lang.”

Continue Reading

You'll Also Like

945K 32.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
5.3K 318 25
A man who happens to remember every detail of the lifes around him, sakit na pipiliin nyang alisin sa buhay nya para hindi na maging miserable, pero...
757K 15.6K 43
Fifteen-year-old Shellie is stubbornly in love with the snobbish and serious Vincent-the man she calls her first love. But can true love overcome fir...
3.9K 163 27
Did she deserve this kind of love after what happened? Did he wished to be attached with this woman forever? Coffee Series