Chapter 45

26.5K 1.6K 694
                                    

“Don’t be envious of evil people, and don’t try to make friends with them. Causing trouble is all they ever think about; every time they open their mouth someone is going to be hurt.” – Proverbs 24:1-2

**

Chapter 45

Ruth 

Bumubuhos ang malakas na ulan. Nakatitig ako sa tombstone ni ate Deanne. Ang basang basa kong katawan ay hindi inalintana ang pag-ihip ng hangin. The wind didn’t make me shiver but the pain did. Every fiber in my bone lashed by its unseen swords and bullets. You couldn’t fight it unless you have the will to stop it. And I couldn’t stop it.

All I could hear was the rain, the wind and my sobs. Hector shouted my name. Minura niya si Leonard. Yumakap ang makapal na tuwalya sa mga balikat ko. Pilit akong tinayo ni Hector at ng kanilang kusinero. 

“Just let her mourn. Kung hindi naman dahil sa kanya, hindi magmamatapang na pakasalan ni Deanne ang Kuya ko.” 

“’Wag mong kalimutan ang pangalang kumupkop sa inyong magkapatid.”

“Hindi ako nakakalimot, Hector. Katulad ng ginawa ng isang de Silva sa kapatid ko.”

Binalot sa akin ni Hector ang tuwalya. Pinayungan ako. Hindi ko inaalis ang titig sa pangalan ni ate Deanne sa batong iyon. Hector cursed. Pinihit niya ako patalikod sa puntod. My body was like a fluid. Following what he wanted me to do. Giniya niya ako palayo sa puntod ng mag-asawa.

Para akong nilayasan ng lakas at tamang ng pag-iisip. Para akong hinila palabas ng maingay na lugar at kinulong sa madilim at nakakabinging katahimikan ng silid. Is this really happening? Is she really dead? 

Sumabay pa ang ulan. Wala akong pakielam mabasa man. Buhusan niyo na lang ng gusto kong sagot ang utak ko nang hindi ko na maramdaman ang pumapatay sa akin. 

It’s so hard to stop this. It’s so hard. . . to accept this . . .

Nakatayo sa entrada ng mansyon sina Don Leon, Steph at ang matandang babae. Agad akong sinalubong ng matandang babae. Hinawakan niya ako sa mga braso at inakay patungo sa hagdan. 

“Gumawa ka ng mainit na tsokolate at dalhin mo sa kwarto ni Senyorita Ruth.” Mabilis nitong utos sa apo. 

Narinig kong umalma si Steph.

“Sundin mo ang Lola mo, Steph.”si Don Leon. His voice was calm. 

Dinala ako sa isang kwarto. Nakita ko sa ibabaw ng malapad na kama ang duffel bag ni Dylan. She made me stepped inside the bathroom. Pinagmasdan ako ng matanda ilang segundo bago nagsalita nang mahinahon.

“Gusto mo bang tulungan kitang maligo, Senyorita?” 

I slowly shook my head. I couldn’t speak. Nor move farther from her. 

“Kung gano’n, iiwan na kita rito. Sa labas lang ako. Hihintayin kitang matapos at nang makainom ka ng mainit. Maagapan nating dapuan ka ng sakit.” 

Pinagmamasdan niya ako. Lumapit ako sa shower room. Nagsisimula na akong mangatog. Sunod kong narinig ang paglapat ng pinto. Inalis ko ang tuwalya. Tumayo ako sa ilalim ng dutsa. Isang pihit lang ay bumuhos ang tubig sa ibabaw ng ulo ko. 

This water could clean up the mess but couldn’t clear up my head. 

I showered mechanically. I shampooed and soaped my body. Matapos kong maamoy ang sabon sa banyo, nangatal sa galit ang ngipin ko. Sinuot ko ang robang nakahanda roon. Paglabas ko ay kasasarado pa lang pinto at inilalapag ni matandang babae ang isang tasa ng mainit na tsokolate. Binalingan niya ako mula sa pagyuko sa pabilog na mesa. 

Racing Hearts (De Silva Series #4)On viuen les histories. Descobreix ara