The Assassin Servant (Under I...

By Chomipinky

1M 19.9K 6.7K

Obsession series #1 The story revolves around Venezio, a skilled assassin driven by a desire for vengeance. A... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanaba 16
Kabanata 17
Kabanata 18🔺Warning🔺
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28 🔺Warning🔺
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling kabanata
Main Characters

Kabanata 23

14.6K 338 141
By Chomipinky

Pinaglaruan ko ang hawak kong baso. Palinga linga ako sa paligid para libangin ang sarili ko.

"I'm sorry, Blare! Akala ko talaga Tito mo si Venezio noon." Akmang hahawakan nya ang kamay ko pero mabilis akong umiwas.

Hindi ako nagsalita.

"Magalit ka na sa 'kin, Blare. Pero hindi ko kayang pigilan ang sarili kong hindi mahulog sa kanya," ani nya.

Liningon ko sya at ngumiti.

"You don't have to say Sorry, Chantel. Hindi naging kami ni Venezio at wala kaming relasyon. Bahala kayo kung gusto nyo magsama ngayon." Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Bakit ang kaibigan ko pa? Sa dami ng babae. Bakit si Chantel pa?.

Hinaplos nya ang kamay ko, sinundan ko ng tingin

"Salamat, Blare! Natatakot lang talaga ako na magalit ka sa 'kin kaya hindi ko sinabi ang totoo." Hinaplos nya ang kamay ko.

"Bakit naman ako magagalit? Ano ka ba. Naging magkaibigan lang kami at hanggan doon lang 'yong." Biglang lumapit si Chantel at mahigpit akong niyakap.

Dahan dahan kong hinaplos ang likod nya.

"Napaka swerte ko sa kanya, Blare. Wala na akong makitang lalaking katulad nya." Ramdam ko ang saya sa bawat salita nya.

Lumayo ako ng yakap at mabilis tumayo. Inayos ko ang sarili ko.

"Babalik lang ako sa kwarto, may gagawin pa kami." Pagsisinungaling ko. Gusto ko lang talaga na lumayo sa kanya.

I can't handle my emotion.

Hindi ko alam pero pagdating sa love palagi na lang ako talo. Kailan ba ako mananalo?

Tumango sya bilang sagot. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad.

Palapit si Venezio sa 'min. Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang lakad ko.

Dumiretso na ako sa elevator at binuhos ang iyak ko. Huling beses na iiyak ako. Hindi na ako papayag na palagi na lang ako iiyak dahil sa lintik na pagmamahal nayan.

Pagbukas ng elevator lumabas na ako at pumasok ng kwarto ko, tiningnan ko ang sarili sa salamin.

Nilagyan ko ng powder ang mukha ko para hindi halata na umiyak ako.

Nagtimpla ako ng kape. Binuhos ko ang sarili sa pagbabasa pero walang pumasok sa utak ko kaya tinigil ko na lang.

Ang ganda ko tapos iiyak lang ako sa lalaki. Hindi pwede, Blare.

Lumabas ako at pumunta ng kwarto ni Bryle, agad kong binuksan. Nakita ko syang naghuhubad ng damit.

Nanlaki ang mata nya ng makita ako kaya agad syang kumuha ng kumot at binalot sa katawan nya.

"Blare, paulit ulit kong sinasabi sa 'yo na kumatok ka mo na bago pumasok." Kumuha sya ng T-shirt at sinuot 'yon.

Nilapag nya sa tabi ang kumot. Hindi ko pinansin ang sinabi nya.

"Gutom na ako." Narinig ko ang pagkulo nya tyan ko. Tumawa si Bryle.

"Bumaba na tayo para makakain ka na rin. May meeting kami ngayon ni Chantel."

"What?" liningon ko sya.

"She's your friend, Blare. May nakakagulat ba sa sinabi ko?" naglakad sya papalapit sa 'kin.

Agad akong umiling. Tumango sya bilang sagot.

Sabay kaming lumabas pero ang hindi ko inaasahan ng maabutan namin sa elevator ang dalawa.

Nagkatitigan kami ni Venezio pero mabilis akong umiwas ng tingin.

"Mukhang isa lang ang pupuntahan natin, sumabay na kayo," pag aaya ni Chantel.

Aatras na sana ako ng hawakan ni Bryle ang kamay ko at pumasok kami ng elevator.

Muntik ng dumikit ang balat ko kay Venezio.

Tamihik ang buong paligid. Bumukas ulit ang elevator at pumasok ang apat na babae kaya. Ang likot nila kaya napa atras ako.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng magtama ang siko namin ni Venezio.

"Wag kayong malikot," suway ng kasama nila pero huli na ang lahat dahil biglang umatras ang kasama nila.

Akala ko babagsak na ako pero laking gulat ko ng masalo ako ni Venezio. Hawak nya ang bewang ko.

"Sorry!" Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko.

Bumukas ang elevator kaya lumabas na rin ang apat, pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag.

Bahagya akong lumayo kay Venezio.

"Kakain din ba kayo?" pagputol ni Bryle sa katahimikan.

Liningon sya ni Chantel

"Yes, kanina pa kasi kami hindi kumakain," ani nya.

Kasing bagal ba ng pagong ang elevator? Gusto ko na talagang lumabas.

"Sumabay na kayo sa 'min, if gusto nyo?" Presenta ni Bryle.

Sisipain ko talaga ang lalaking 'to.

"Kung ayaw nyo naman okay lang, need din kasi namin ng pri-" pinutol ako ni chantel.

"May pag-uusapan naman kami ngayon ni Bryle, kaya okay lang na magsabay tayo. We're friend, Blare." Lumapit sa 'min si Chantel at pumagitna sa pagitan namin ni Venezio.

Ngumiti lang ako at tumango.

Pagbukas ng elevator agad na akong lumabas.

-

Kumuha ako ng food namin. Akala ko mag-isa lang ako pero hindi ko inaasahan na kasabay kong kumuha si Venezio.

I don't want to expect anything.

Kukunin ko na sana ang maliit na cake magkasabay kami, kalahati ng cake hawak nya.

Pinaningkitan ko sya ng mata.

"Ako ang nauna." Aagawin ko na ng mas lalo nyang higpitan ang pag hawak.

Huling cake na rin kasi.

"Ako ang may hawak ng cake," ani ko.

Tinaasan nya ako ng kilay.

"Mas hawak ko ang cake kumpara sa 'yo, Young lady." Bumilis ang tibok ng puso ko.

No, Blare!

"Tanda akin na sabi," inis kong ani.

"What did you say?" pinaningkitan nya ako ng mata.

Bakit hindi nya matanggap na matanda talaga sya? Ang layo rin naman ng agwat namin, hindi lang masyado halata.

"You can have the cake, masama palang makipag agawan sa bata." Binitawan nya ang cake at iniwan ako.

Napanganga ako. Bata ako? Sira ulo pala sya.

Inis kong kinuha ang cake at nilagay sa plato ko. Naglakad ako papalit sa table namin apat.

Binagsak ko ang plato ko kaya nagkaroon ng ingay. Tumingin sa 'kin ang dalawa maliban kay Venezio na alam ang dahilan kung bakit ako galit.

"What happened, Blare? Busangot naman ang mukha mo," tanong ni Bryle.

Umupo ako at hindi nagsalita.

"Palagi naman nakabusangot si Blare, parang hindi ka sanay, Bryle," singit ni Chantel.

Nasa harap ko si Venezio, katabi ko naman si Bryle.

"You're right! btw, Ang ganda ng mga gawa mo." Puri ni Bryle sa gown na ginawa ni Chantel.

Tahimik lang ako kumakain. Wala akong pinapasin sa kanila dahil ramdam ko ang lalim na titig ni Venezio sa 'kin.

Nag-uusap silang dalawa habang kami ni Venezio hindi mawala ang masamang titig sa isa't isa.

Kukunin ko na sana ang wine ng bigla akong unahan ni Bryle at sya ang naglagay sa baso ko.

"Thanks," ani ko. Tumango sya bilang sagot at pinagpatuloy ang pag-uusap nila.

Kumunot ang nuo ko ng mapansin sobrang lakas ng pagkakahawak ni Venezio sa tinidor na hawak.

"May problema ba, Venezio?" tanong ni Chantel, siguro napansin nya rin ang inaasta ni Venezio.

"Wala naman," simple nyang sagot.

Tumaas ang kilay ko. Pagkatapos nilang mag-usap, iniwan ko mo na sila dahil maghuhugas mo na ako sa washroom.

Pumasok ako at inayos ang sarili ko. Naglagay lang ako ng kaunting lipstick, then powder.

Nang okay na rin lumabas na rin ako pero laking gulat ko ng may humawak ng breast ko.

"What the f*ck! Did you f*cking touch my breast?" malakas na sigaw ko at tinakpan ang dibdib ko. Lumayo ako kay Venezio na natataranta naman.

"N-no! I didn't m-mean to touch it." Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya.

Napalunok sya at hindi makatingin sa 'kin.

"You f*cking touch my breast, Venezio! Bakit nandito ka pa girls room?" hindi ko mapigilan sumigaw.

"Akala ko ba kasi pader rin, hindi nga pala, tyaka papunta ako sa isang Bathroom, Blare." Tumingin sya sa pinaka dulo. Sinundan ko sya ng tingin, nasa pinaka dulo nga talaga 'yong panlalaki.

Pero hindi pa rin 'yon sapat. Anong sabi nya? Pader? Mas lalo tuloy nag init ang dugo ko.

"You don't have any respect, Tanda. Mabilis ka sana maging senior," ani ko at mabilis syang tinalikuran.

Nag-init ang pisngi ko.

Bumalik ako sa table namin. Wala na rin akong gana kaya nagpaalam na rin umalis at bumalik ng kwarto ko.

Nagkulong lamang ako. Babalik pa kami mamaya dahil mangangabayo ulit si Bryle. Nakakatakot sumakay sa bwesit na kabayo pero wala akong magagawa dahil hindi nya ibibigay ang sahod ko kapag hindi ako pumayag.

Aalis na nga ako sa trabaho ko, pahihirapan pa ako para makuha ang sahod ko.

Natulog mo na ako. Ang sarap ng tulog ko pero bumangon ako ng ipatawag ako ni Bryle para mangabayo ulit.

Sabay kaming dumating ni Bryle, pero kasama pala namin ngayon sila Chantel.

Tinulungan umakyat ni Venezio si Chantel sa pag-akyat sa kabayo.

Sunod naman umakyat si Venezio sa likod ni Chantel.

Umiwas ako ng tingin.

"Blare, habulan tayo mamaya kapag natuto na tayo." Masayang ani ni Chantel

"Sure," sagot ko. Mapait akong ngumiti.

"Tara na, mas magaling pa rin ako sa kanila," pagmamayabang ni Bryle. Umirap ako.

Humawak ang kamay ko sa kamay ni Bryle para umakyat kay Tucker. Wag kang makulit Tucker para hindi  ako mahulog. Okay sana kung hindi sa maling tao.

Sunod naman umakyat si Bryle. Hawak nya ang tali ni Tucker.

"Isa!" pagbilang ni Bryle.

"Dalawa!"

Bumilis ang tibok ng dibdib ko. Bakit kasi may bahulan pang magaganap? parang gusto ko na lang bumaba.

"Bryle!" bulong ko

Tumingin ako sa dalawa. Mukhang handa na rin sila, nagtama ang tingin namin ni Venezio pero umiwas ako.

Huminga ako ng malalim, kaya mo 'to, Blare. Wag kang magpapaapekto.

"Tatlo!" sigaw ni Bryle.

Ang bilis ng takbo, pero mas mabilis ang takbo nila Venezio

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, kinakabahan na ako habang si Bryle natatawa lamang.

Malapit na rin namin mahabol ang dalawa.

Sa likod ni Venezio ang tingin ko.

"Blare, ikaw mamaya ang humawak pagliko ko," bulong ni Bryle.

"What? Umayos ka, Bryle... Bryleeee!" malakas na sigaw ko ng babangga kami sa malaking puno, liniko nya ng mabilis si Tucker.

"I'm just kidding! hindi tayo mababangga, Blare. Kalma!"

F*ck! Paano ako kakalma kung ganito sila kabilis magpatakbo. Sana ako na lang si Chantel na natutuwa pa.

Naunang dumating sila Venezio, na sa baba na rin si Chantel.

Pagdating namin bumaba na rin ako. Babol habol ko ang hininga.

"F*ck you, Bastard!" Inis kong sabi kay Bryle.

He smirked.

Inabutan ako ng tubig ni Chantel. Kinuha ko 'yong sa kanya at uminom. Uhaw na uhaw ako dahil sa bwesit na lalaking 'yan.

"Are you ready?" ngumiti si Chantel.

Kumunot ang nuo ko.

"Tayong dalawa na ang susunod," ani nya.

"What the hell! Ayoko na." Binagsak ko ang tubig na hawak ko.

Pagod na pagod na ako. Hindi ko uubusin ang oras ko dahil lang sa lintik na pangangabayo.

Maglalakad na sana ako paalis ng may marinig akong nagsalita na nagpatigil agad sa 'kin

"Talo ka na agad? Hindi pa nagsisimula. Ang bilis mo naman sumuko," rinig kong boses ni Venezio

Dahan dahan ko syang liningon.

-

Wala akong choice kung hindi sumakay sa kabayo.

Bakit parang may ibig sabihin ang sinabi nya? masyado lang malalim.

Kailangan ko pa talagang sumakay ng kabayo para malaman nilang hindi ako talunan.

Hawak ko ang tali ni Tucker, binalingan ko ng tingin si Chantel na tuwang tuwa pa.

Isang ektarya lang naman ang malinis para lang sa kabayo. Gubat na rin sa pinaka dulo.

"Handa ka na ba, Blare?"tanong ni Chantel na mukhang hinahamon pa ako.

"Of course! I'm Blare Oniria Villarreal, remember?" tinaasan ko sya ng kilay.

Humigpit ang paghawak ko sa tali ni Tucker.

"Be ready, girls!" Bilin ni Bryle.

Na sa gilid si Venezio at nakatingin lang sa 'min.

"Isa!"

"Dalawa!"

Pumikit ako.

"Tatlo!"

Nagmulat ako at Agad kong pinatakbo si Tucker.

Pero dismaya ako dahil parang naglalakad lang ang kabayo ko.

"Tucker, bilis!" Pinapalo ko na pero naglalakad pa rin.

Narinig ko ang tawa ni Bryle.

Walang hiya. Tiningnan ko si Chantel, seryosong seryoso sya. Akala ko ba hindi ka marunong Chantel?

Nilakasan ko ang palo kay Tucker.

"Oh my god!" Laking gulat ko ng mabilis na tumakbo si Tucker kaya kumapit ako ng mabuti. I don't know how to control this kabayo.

Liniliko ko sya pero ayaw talaga.

"Tucker, sumunod ka sa 'kin." Kinakabahan kong sambit ng malapit na kami sa gubat.

"Blare, lakasan mo ang paghawak sa kabayo. Iliko mo," rinig kong sigaw ni Chantel.

Pero kahit anong gawin ko ayaw makinig sa 'kin ni Tucker. Namalayan ko na lang nasa gubat na kaming dalawa ng kabayo.

Tyaka pa lamang sya tumigil sa pagtakbo.

"I'm dead," bulong ko.

Continue Reading

You'll Also Like

162K 3K 24
Marriage is a sacred testament that two people in love are blessed from above. Who wouldn't want to get married? Especially if you're marrying the pe...
1.6M 39.7K 47
[ Published ] Yasser Mon Sollano is an engineer. He was acting gay because of the woman he loves and for another reason. He wanted Yannie to be his...
191K 2.8K 26
Under Editing but Daily Update! ... Sa ilang taon na panunungkulan ni Laxon Ace Montemayor bilang Governor ay malaki na ang naitulong niya sa lalawig...
190K 3.1K 36
Khrss Montreal is the only child and grandchild in their family. A well-known girl for her intelligence, beauty, and talent. A student who confessed...