Magical Series 1 The Long Los...

Autorstwa Misssjagban87228

2.3K 1.8K 757

Si Cassandra ay nabuhay sa mundo ng mga tao, her life was so much like a fairy tale life. Isa siyang anak ng... Więcej

Chapter 1: Cassandra
Chapter 2: Ivan
Chapter 3: Prince of witches
Chapter 5: Finds out
Chapter 6: I truely love
Chapter 7: Fairy Land
Chapter 8: Holy Maiden
Chapter 9: I want to be her Knight
Chapter 10: The First Princess
Chapter 11: The memory of Dion
Chapter 12: Couples Troubles
Chapter 13: The Memory of the second princess
Chapter 14: The Whole Truth about Yana
Chapter 15: Legendary princess's, The Long Lost Princess's
Epilogue:

Chapter 4: Healing power

143 123 40
Autorstwa Misssjagban87228

Cassandra POV


     Ilang minuto ay tumawag ng pulis si Hanz at tumulong sina Geurdo at si Keith. Nasaan ba kasi ang mga bodyguards ni Ate Ana? Tumakas na naman kaya ito? 


"Lady Ana!" sigaw ng sampung bodyguards niya. 


"Iuwi niyo na si Ate Ana, Geurdo, Keith mauna na kayo." Sabi ko na inaalayan si Ivan. 'Baka dumating din ang ambulansya at mahalata na nawawala na ang sugat nito.' 


"Opo Miss Cassandra," sabi ng mga bodyguards ni Ate Ana. 


"Pero ikaw Cassandra," sabi ni Ate Ana. 


"Okay lang ako, besides kasama ko si Ivan," sabi ko. 


"Pero Lady Cassandra," 


"Miss Cassandra," pigil ng dalawa. Tumingin ako sa kanila. 


"Sige na," sabi ko sa dalawa. 


"Opo," sabi nila. 


"Hanz, hintayin mo na lang ang mga pulis." Sabi ko at umalis na akay-akay si Ivan. 


"Saan tayo Ivan?" tanong ko sa kaniya. 


"Sa condo gagamutin ko ang sugat ko," sabi niya. 'Oo nga 'no? Bakit hindi ko 'yun naisip?' Dahil may na diskubre ako na mabilis ang kilos ko katulad ni Ivan ay ginawa ko ito at walang minuto na sa condo unit na kami. Inihiga ko siya sa kama niya. 


"Kaya mo ba Ivan?"  Nag-alala kong tanong dahil namumutla ito. 


"K-Kaya ko Prinsesa Cassandra," nahihirapan niyang sagot. Napagpasya na ako. 


"Ako na," sabi ko. Napatingin naman siya sa akin. Ang cute ng pula niyang mata. 


"H-Huwag na," nahihirapan parin siya. 


"Ako na sabi," sabi ko at agad pinuwesto ang kamay at pinagaling ito. Kaya ang resulta bumalik ang asul kong mata habang ang isa ay violet parin. Nakatulog siya, nadamay pa siya dahil sa akin. 'Umiilaw na naman ang kamay ko. Bakit pag wala si Ivan hindi ito umiilaw pag nandiyan siya sa tabi ko umiilaw ito.' Napatingin ako sa may dibdib ni Ivan, umiilaw din ito. Curious tuloy ako, wala namang malisya, hindi ba? Dahan-dahan ko namang tinaas ang polo niya. Nakikita ko na ang walo niyang abs. Napalunok naman ako, matatanaw ko na sana ang umiilaw ng may mag salita sa may pinto. 


"Ah, Lady Cassandra." Tawag ni Hanz. Hindi ko na tuloy nakita ang umiilaw. Umiilaw parin ito ngayon. 


"Oh Hanz pakibantay siya. Ah, m-magluluto lang ako." Sabi ko at lumabas ng kwarto. Narinig ko namang mahinang tumawa si Hanz. Nakakahiya 'yun ah, napatingin naman ako sa kamay ko na hindi na umiilaw. 


         Bakit ba itong puso ko? Atatakihin na siguro ako nag aalburoto na ang tibok ng puso ko. Namumula naman ako, nag-uumpisa akong magluto na mamumula parin. Matapos akong magluto ng bumukas rin ang pinto sa kwarto ni Ivan. Magulo ang buhok niya at naka T-shirt na lang at short. Napalingon ako ulit sa kaniya. Napatingin ako sa pula niyang mata at sa buong mukha niya. Ang gwapo niya at ang hot. Namula naman ako at nag-iwas ng tingin. 


"K-Kain na tayo," sabi ko na nauutal pa. Gusto kong murahin ang sarili ko. Bakit ba? Ang puso ko parang bomba. Umupo na siya at lumabas din si Hanz. 


"Hanz kain na," sabi ko na namumula parin. Umiling ito. 


"Huwag na po tapos na po ako, sa labas lang ako." Sabi niya at umalis. Magsasalita sana ako ng umalis na siya ng tuluyan. Nanadya talaga ang tadhana 'no? Iniwan pa kaming makapag-isa. Umiilaw na naman ang kamay ko, gayon din sa kaniya sa may dibdib nito. Oy! Iwas tingin. 


"Prinsesa Cassandra," tawag nito sa akin. Kaya ang tingin ko na galing sa dibdib niya ay napunta sa mukha niya. 


"Bakit?" tanong ko. Mukhang natatawa kasi ang hitsura niya. Anong nakakatawa, aber? 


"Tumutulo ang iyong laway." Deritsang sagot niya. Dahil sa gulat ay deristo kong kinapa ang pisnge at baba ko. Meron nga puny*ta! F*ck it, p*tang ina, y*w*, lahat ng mura ngayon ay matatawag ko. Kahiya 'yun ah. 


"P-Pasensya na," nakayuko kong sabi. Nautal pa ako, f*ck sh*t! 


"Sanay na ako," sabi niya at dumirestong kumuha ng sabaw sa karne ng manok. Tinola ang ginawa ko. "Namiss ko ang luto mo," sabi niya ulit.


Ivan POV


"Kahapon pa ako dito miss mo na agad ako?" Natatawang ani niya. Kung alam mo lang Prinsesa Cassandra. 


"Oo nga eh," sabi ko pa na sinakyan lang ang mga biro niya. 


~


"Paano alis na ako ah," sabi niya. Pagkatapos naming kumain. Naghugas rin siya ng mga pinggan. 


"Sige mag-iingat ka ah," sabi ko pa sa kaniya. 


"Oo naman, sige una na ako." Sabi niya at umalis kasama ang mga bodyguards niya. Pumasok ako sa aking silid at humiga agad sa kama. 


"Ivan!" Tawag ng kung sino. Sigurado ako si Ina ito. 


"Ina, bakit?" Seryoso kong tanong sa hindi ko nakikitang ina. Siguro ginagamit nito ang mahiwagang salamin. 


"Bumalik ka na dito ngayon din," sabi niya. 'Ano ako tanga?' Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay. 


"Babalik lang ako diyan pag kasama ko na ang prinsesa na itinakda," saad ko na ngumiti pa. 


"Puwes magpapadala ako diyan ng mga tauhan para paslangin ang prinsesa!" Tawang-tawa niyang sigaw. 


"Pag may mangyari sa prinsesa papatayin kita kahit ina pa kita," sabi ko sa kaniya. 'Sumusobra na talaga siya!'


"Nahanap mo na pala ang prinsesa?" tanong niya na nagpatigil sa akin. 


"W-Wala pa," sabi ko na utal pa. Sh*t! 


"Magaling!" Sabi niya at biglang nawala ang presensya niya. 


"Mahal na prinsipe," sabi ng aking alagang pusa. Seryoso siya kaya kung mag-usap kami ay seryoso rin. 


"Bakit? Ano 'yun Bobby?" tanong ko na seryoso. Nasa bulsa ko naman ang mga kamay. Habang nakatingin sa langit. Nasa balkonahe kasi ako, maraming mga bato sa langit na kung tawagin nilang bituin. Pero sa amin ang tawag dito ay mahihiwagang mga bato. 


"Malapit na ang pagbalik ng alaala ng prinsesa, hindi ba?" Nasambit niya. 


"Bakit mo naitanong?" tanong ko sa kaniya. 


"Bantayan mo siya palagi, maraming nilalang ang hindi papayag na bumalik ang lahat niyang alaala. Pati narin ang mga tito at tita niya na sina Sonny at Alex." Mahaba niyang sabi sa akin. Nakatingin naman ako sa kaniya. 


"Gagawin ko 'yun," sabi ko. Handa akong protektahan ang prinsesa. Para lang kompleto siyang makabalik. 


"Dalhan mo siya ng dugo ng tao, nagsisimula na siyang mauhaw sa dugo ng tao. Alam mo siya kalahating bampira at kalahating diwata. Samantalang ikaw ay kalahating itim na mangkukulam at diwata." Sabi niya sa akin. Napatango ako. Nagsimula na nga siyang nauuhaw. Mabilis akong pumunta ng hospital at nakakakuha ng dugo na hindi nila namamalayan. Isinilid ko ito sa garapon. Naabutan ko siyang halos ubusin na ang dalawampu't isang mineral water. 


"Prinsesa Cassandra ito inumin mo," sabi ko sabay bigay ng garapon. Naamoy niya ito at agad kinuha. 


"Salamat," sabi niya at ininom. 


"Walang anuman." Nakangiti kong sabi habang may lumalabas na pangil sa kaniyang bibig. 


"Ang sarap," wala sa sariling bigkas nito. 


~


     Nasa sofa na kami, mukhang siya lang ang hindi tulog. 


"Ang sarap no'n ah, ano 'yun?" Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko muna sasabihin na dugo ito ng tao. 


"Ah, j-juice na may secret akong nilagay." Sabi ko na nautal pa dahil sa pagsisinungaling. 


"Matutulog na ako," sabi niya. Hinatid ko na siya sa kwarto niya. Nakatulog siya at binantayan ko lang siya at binantayan ko lang siya. Nakatulog na ako dito sa sofa ng kwarto niya. Gumising na ako dahil naaalimpungatan ako.Madaling araw na pala may nilagay akong sulat at umalis, dahil sa nagising na ako hindi na ako natulog pa. Nag asikaso na lang ako ng sarili ko, sakto dumating naman si Hanz. 


"Hanz, ipagluto mo na lang ako," sabi ko. Ngunit tahimik ito. Nilingon ko ito sa akin, ngunit ng mapaharap ito sa akin ay nagulat ako, duguan ito. 


"Hanz, anong nangyayari?" Tanong ko sa kaniya. 


"N-Nagsisimula na silang u-umatake," nahihirapan niyang sagot. 


"Hanz, please lumaban ka gagamutin kita." Sabi ko at pinahiga siya. Hinawakan niya ang kamay ko. 


"N-Naging masaya ako na naging kaibigan kita m-mahal na prinsipe," sabi niya. Gagamutin ko sana siya ng wala na siyang buhay at kinuha ng mga alitaptap. Nahuli ako, nahuli akong iligtas ang kaibigan ko. May kapangyarihan akong bumuhay ng patay. Ngunit ito ay tatalab lang sa mga tao at hindi sa diwata, bampira at mangkukulam. Huwag kang mag-alala Hanz ipapaghihigante kita. Tumayo na ako at dali-daling pumunta sa paaralan. Kakaiba ang kilos ng mga studyante, guro at ang mga nagbabantay. Anong nangyayari? 


"Ivan!" Tawag ni Yanagi na may ginawang panangglan kay Kuya James, Ate Ana, Geo, Mia, Ronnie at ang sarili niya. Teka bakit may kapangyarihan siya? At bakit nandito ang kuya ni Geo at si Ate Ana? 


"Anong nangyayari Yanagi?" tanong ko. 


"Sumusulong na sila," sagot niya na napagulo sa isip ko. 


"Sinong sila?" tanong ko. 


"Ang iyong ina," sagot niya. 


"Alam kong nagtataka ka mahal na prinsipe, ngunit protektahan mo muna ang mahal na prinsesa." Sabi niya at tinuro si Prinsesa Cassandra. Bakit ba ito nangyayari? 

Dali-dali kong nilipat sa ibang paligid na sa lumang building kaming lahat ngayon. 


"Nanghihina si Yanagi," sabi ni Ronnie. 


"Okay lang ako," sabi niya kahit may pait at sakit ang mukha. Lalapitan na sana siya ni Prinsesa Cassandra ng hawakan ko ang braso nito at umiling. 


"Ako na," sabi ko at lumapit kay Yanagi. Naalala ko na, siya pala si Yana ang aking pinsan. Lumapit ako dito at ginamot. Namangha sila dahil muling sumigla si Yanagi. Agad ko itong niyakap. 


"Pasensya na hindi kita natulongan kanina." Sabi ko. 


"Okay lang 'yun." Sabi niya, humiwalay kami at tumayo ako agad. 


"Nasaan si Hanz?" tanong ni Prinsesa Cassandra. 


"Namatay siya pagdating ko pa lang sa condo, hindi ko naligtas ang kaibigan ko." Sabi ko. 


"Pasensya na," sabi nila. 


"Okay lang," sabi ko at naglakad na palayo. Ngunit nagsalita si Prinsesa Cassandra na nagpatigil sa akin. 

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

17K 546 53
[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang...
7.2K 250 41
Isang paaralan na may maraming sekreto,It can be consider as school of gangsters. No! it is already considered as school of gangsters! Book cover pho...
946K 20.4K 68
She's been protected by her two brothers, but they didn't let it show. Because, she is the Great Gangster Queen. Di mo na siya kilala kapag nakalabas...
20.8M 762K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...