Christian was silent the whole ride and Amelia refused to say anything hangga't wala sila sa bahay. Ayaw niyang maaksidente silang pareho dahil alam niyang mag kakainitan lang silang dalawa. So when they arrive inside the mansion ay agad siyang umupo sa couch.
Yumuko siya at muling tumulo ang luha sa mga mata niya. Sam....
She closed her eyes tightly. Gusto niyang habulin si Sam at puntahan ito. She wanted to apologize dahil hindi niya nasabi dito ang lahat. Bakit ba kasi ang tanga tanga niya? Bakit hinayaan niyang humantong ang lahat sa ganito?
Her heart squeezed. Tila piniga ng pinong pino ang dibdib niya. She doesn't want for things to go like this. Gusto niyang maging maayos ang lahat but how did she fucked the whole thing up?
"Amelia...tell me what happened? Bakit hinabol mo si Sam?"
Inangat niya ang ulo niya. Tinitigan niya si Christian. Christian had an unreadable expression on his face and Amelia sighed.
"I don't know how to tell you this Christian." Huminga muna siya ng malalim para pakalmahin ang sarili niya. She looked at him in the eyes. Gusto niyang makita nito ang totoo sa mga mata niya. "I don't want to hurt you but...I no longer love you Christian."
Unti unting umawang ang labi nito. Kasabay nun ang sakit na lumarawan sa mga mata nito. He looked up and put a pressure to his forehead na tila bigla iyong sumakit.
Amelia looked away. She doesn't want to hurt him because he was an important person in her life. Christian was her first love. Isa ito sa mga taong naging sandalan niya noong panahong hirap na hirap siya. But everything about them was all in the past. There was nothing that could hold them anymore. Kahit ang bata.
For the first time in her life she wanted to be happy. She wanted to be with Sam and what happened earlier made her realize that.
"K-Kung tama ang hinala ko. Si Sam na ba ang mahal mo?" His voice cracked.
Tumango siya. "I-I'm sorry."
For a moment there was a silence between them. Hindi niya makita kung anong naging reaction nito sa sinabi niya. And when she can't bear the silence any longer ay inangat niya ang tingin dito.
There was rage in his eyes and the veins in his neck are bulging. "P-Paanong nangyari, Amelia?!"
Nagulat siya sa lakas ng sigaw nito. Amelia gritted her teeth. Paano nangyari? She looked at him incredously. Why is he asking her that? In the first place ay ito naman ang puno't dulo ng lahat ng sakit na naranasan niya.
"You are the reason I sought revenge Christian. Inakit ko si Sam para tuluyan siyang lumayo sayo and now I loved her."
Mahinahon ang boses niya nang sabihin iyon. She was controlling her anger by breathing heavily.
He was taken a back. Ilang beses din nitong ginulo ang buhok. He looked frustrated, angry and mad. But Amelia wasn't fazed at all. Gusto niyang sumbatan ito. Gusto niyang sabihin na ito ang sumira ng relasyon nila. Ito ang dahilan kung bakit siya humantong sa ganito. Kung bakit humantong sa ganito ang relasyon nila. Wala itong dapat sisihin kung hindi ang sarili nito.
She tried everything to make him love her back. Pero binalewala nito lahat ng effort niya. Now that she was finaly setting herself free ay tila ito na ngayon ang tumutuol.
She closed her hands tightly into a fist para hindi ito masumbatan. She's done playing that game with him. Hindi niya ugali iyon.
He looked at her. Umigting ang panga nito. "Paano ang bata?"
"I'll take care of it."
"Papalakihin mo siya kasama si Samantha?" Kunot na kunot ang noo nito.
She lifted her chin up. "Yes."
He throws his hands up in the air. "Putang ina, Amelia!"
She winced nang marinig ang malutong nitong mura.
"Kasal tayo!" Malalaki ang hakbang na pumunta ito sa pwesto niya. He grabbed her arms na nagpangiwi sa kanya. Ang higpit ng hawak nito. Sa tingin niya ay mag papasa iyon bukas. "Hindi ako papayag."
"Bitawan mo ako, Christian." There was a venom to her voice nang sabihin iyon. He was getting physical. Paano kung ito ang pinili niya at balang araw ay saktan siya nito? She thought he wasn't capable of harm dahil lagi itong wala sa bahay nila noon. He was out whoring around. But this time its different.
Nakipag titigan ito sa kanya. Marahil ay nakita nito sa mga mata niya na hindi siya magpapatalo dito. At sa huli ay binitawan nito ang braso niya.
Amelia took a few steps back from him and took the divorce papers from her bag. Patapon niyang inilagay iyon sa lamesa. Napadako ang tingin nito doon. The bold red letter of divorce was written on the paper.
Pinikit nito saglit ang mga mata at hinilot ang sentido. "Amelia.... pag usapan natin ito bukas. Baka galit ka lang ngayon. Kung totoo ngang inakit mo si Sam para mapalayo siya sakin. Then it means that you still love me."
Ngumiti ito sa kanya. "I am already a changed man. I promise."
Changed man? Amelia scoffed. "But it's already too late for you Christian. Si Samantha na ang mahal ko at wala ka nang magagawa doon."
Umangat ang gilid ng labi nito. But she can already see that he was cracking up. His façade of bravado is fading. "Kung ginagawa mo lang 'to para maghigante sakin, Amelia. Congratulations nagtagumpay ka na. So please.... can we talk about it tomorrow?"
Amelia wetted her lips. Ayaw niyang sabihin ito kay Christian but he wsa forcing her. Kung sasaktan niya lang ito ay hindi na siya aabot pa sa puntong i-d-divorce ito. Hindi niya alam kung makitid ang utak nito o walang laman iyon. O talagang in-denial lang talaga ito. But either way. He forced her to say the reasons why she had to let him go.
"You hurt me really bad in the past Christian. Oo at naging sandalan kita sa panahong hirap ako. Pero bayad na siguro ako sa utang na loob ko noong mga panahong nag effort akong buohin ang kasal natin. Ilang beses mo akong sinaktan sa harapang pag sisinungaling mo at pambababae! You kept me dangling in your hands and played me!"
Habol ang hininga na tinitigan niya ito. Sa sinabi niya ay gumian ang pakiramdam niya. Ilang taon niyang kinimkim lahat ng sama ng loob niya dito. She stayed because she loved him pero binalewala nito lahat iyon. Just remembering it all makes the corner of her eyes hot. Gusto niyang umiyak. Pero ngayong masaya siya sa piling ni Samantha. He was out again to destroy that happiness too.
Napakurap kurap ito. She can already feel the tension between them dahil sa sinabi niya.
Umiling ito. "I won't sign that."
May diin sa boses nito ng sabihin iyon.
Sinasabi niya na nga ba. Inaasahan niya na iyon but still it made everything heavy for her. "Then I'll see you in court." Kinuha niya ang bag niya at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan.
"Amelia! Where are you going?"
Hinabol siya nito sa pintuan and when he was about to grab her arms ay agad niyang iniwas ang kamay niya. Napatingin ito sa kamay nito at nang mag angat ito ng tingin ay nakita niya ang pag igting ng panga nito.
"Christan. I don't love you anymore. Alin ba doon ang hindi mo maintindihan?" Tinitigan niya ito sa mata. "If you don't sign the divorce papers. Wala na akong rason pa para kausapin ka."
Pagkasabi nun ay tuluyan na siyang lumabas sa pinto. Hindi niya ito nilingon. Sumakay siya sa sasakyan niya at inilabas iyon sa garahe. Christian just stood there on the doorway looking lost. Pero wala na siyang pakialam dito. Ang mahalaga sa kanya ay ang makausap si Sam. Sasabihin niya ditong ito ang pinipili niya.
She took her phone out and dialed Sam's number pero hindi nito iyon sinasagot. Frustrated na itinapon niya ang cellphone niya sa passenger's seat. Her heart is aching. Ayaw talaga siyang kausapin ni Sam. Patong patong na ang problema niya. She closed her eyes tightly before opening them. Ramdam niya ang pag iinit ng sulok ng mga mata niya.
Napahaplos siya sa tiyan niya. We'll go to your other mama, baby. Sa naisip ay mapait siyang napangiti. Sana ay tanggapin sila ni Sam dahil hindi niya alam kung makakaya niyang ipalaglag ang bata sa sinapupunan niya.
She realized that she can clearly have that whole family with Sam. Hindi lang naman babae't lalake ang bubuo sa isang pamilya. Hindi sila magiging broken family. They can provide this child with the love that it deserves. Hindi ito maghahanap ng pagmamahal sa iba dahil mararamdaman nito ang pagmamahal sa tahanan nila. Kahit pa parehas silang babae ni Sam.