ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶...

By Keitesbrute_

74.9K 2.4K 38

C O M P L E T E D [ᴄʜᴀꜱᴇ ᴍᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1] 𝖢𝗁𝗅𝗈𝖾 𝖠𝗆𝖺𝗋𝖺 𝖠𝗅𝗅𝗂𝗌𝗍𝖺𝗂𝗋 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗆𝖺𝗇�... More

DISCLAIMER
𝑪𝑯𝑨𝑹𝑨𝑪𝑻𝑬𝑹𝑺
PROLOGUE
A WOMANIZER 01
A WOMANIZER 02
A WOMANIZER 03
A WOMANIZER 04
A WOMANIZER 05
A WOMANIZER 06
A WOMANIZER 07
A WOMANIZER 08
A WOMANIZER 09
A WOMANIZER 10
A WOMANIZER 11
A WOMANIZER 12
A WOMANIZER 13
A WOMANIZER 14
A WOMANIZER 15
A WOMANIZER 16
A WOMANIZER 17
A WOMANIZER 18
A WOMANIZER 19
A WOMANIZER 20
A WOMANIZER 22
A WOMANIZER 23
A WOMANIZER 24
A WOMANIZER 25
A WOMANIZER 26
A WOMANIZER 27
A WOMANIZER 28
A WOMANIZER 29
A WOMANIZER 30
A WOMANIZER 31
A WOMANIZER 32
A WOMANIZER 33
A WOMANIZER 34
A WOMANIZER 35
EPILOGUE
Special chapter I
Special chapter II (LAST)
A N N O U N C E M E N T ! ! !
New story alert!

A WOMANIZER 21

1.1K 38 0
By Keitesbrute_

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank you!)

_______________

CHLOE AMARA ALLISTAIR POV

Pagkatapos ng pagtatalo namin ni mamita noong nakaraang linggo, akala ko hindi na ito masusundan ngunit nagkakamali ako.



Halos araw-araw akong pinagsasabihan ni mamita ng kung ano-anong masasakit na salita. Dahil sa kasinungalingan ng aking hinayupak na fiancé.



Nagsumbong ang hinayupak kong fiancé sa aking mamita na palagi akong nakikipag-basag ulo.


Palagi raw ako sa bar at nagpapakalasing doon at laging nakikipag-away.



Sinumbong rin nito na kaya ayaw kong magpakasal, dahil kung sino-sinong nilalandi ko mapababae man o lalaki.



Ngunit sa lahat ng sinumbong nya ay, ni isa doon walang katotohanan.



Pero lahat yun, pinaniwalaan ni mamita. Ganiyan siya ka walang tiwala saakin.


Pero wala  nang mas sasakit pa, noong mapansin kong iniiwasan ako ni Khaled. Halos mag iisang buwan na ako nitong hindi kinakausap.



Sinusuyo ko siya, lahat ng pwedeng gawin para kausapin ako nito ay ginawa ko. Pero wala paring epekto, mas lalo itong lumalayo saakin.



Hindi ko alam kung bakit, naguguluhan ako.



Tinatanong ko ito kung anong problema, kung may nagawa ba ako. Pero hindi naman umiimik, bagkus ay nilalayasan ako o kaya naman ay tinataboy.




Sinabi rin nito saakin na kailangan nya muna ng space, kailangan ko muna raw lumayo.



Masakit pero sinunod ko nalang, natatakot kase ako na kapag hindi ko ito sinunod, mas lalo siyang magagalit saakin.



Ngunit kahit ganon ang nangyari, kahit malabo ang pagsasama namin ngayon. Binabantayan ko parin ito ng patago para lang malaman kung ligtas ba itong nakakauwi, kung sino ba ang mga kasama niya.



[A/N: label muna kase.]



"Shan para sa’yo." Nakangiting wika ni Jasper kay Khaled at inabot nito ang hawak nyang bulaklak.



Nagtilian naman ang mga tao dito sa Cafeteria, gwapo kase si Jasper at isa itong varsity player.



Kasama ni Khaled ang mga kaibigan nya, samantala ako kasama ko naman mga kaibigan ko rito sa kabilang table.



Tinitigan ko si Khaled kung
tatanggapin nya ba ito, wag naman sana.



Hindi sumangayon ang tadhana saakin, dahil tinanggap ni Khaled ang bulaklak galing kay Jasper.



"Thank you" masiglang saad ni Shan.



"You're welcome, pwede ba ako makitable? Wala na kaseng bakante eh."



Sinungaling, ang dami-daming pwede maupuan. Tsk! Hindi ka tipo nyan!



"Sure, dito ka." Turo ni Khaled sa tabi nya.



Agad namang umupo ang hunghang sa tabi nito, talaga lang Khaled? Sa harap ko pa talaga? Langya.




Dahil sa inis ko ay padarang akong tumayo at lumabas sa Cafeteria, tinatawag ako ni Alexis pero hindi ko ito pinansin.



Pumunta ako sa garden para lumanghap ng sariwang hangin, at para na rin makapag relax.



Umupo ako at pumikit at huminga ng malalim, hays ano ba kaseng problema Shaniah  Khaled?



May nagawa ba akong masama na hindi ko alam? Sana naman ay linawin mo.



Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa inis, kumalma naman ako agad dahil may naisip akong paraan.



Ewan ko nalang kung hindi mo pa ako papansinin sa paraang ito.


Kailangan ko lang tapusin ang mga dapat kong gawin, humanda ka Khaled dahil wala ka nang takas saakin.


SHANIAH KHALED MAXIMUS POV


Halos magiisang buwan ko na hindi kinakausap si Amara, dapat lang sakanya yan dahil sa mga kagagohan nya.



Kulang pa nga iyan eh, buti nga hindi ko pa siya sinampal. Kaya ko pa naman mag timpi.



Narito kami sa Cafeteria kasama ko ang aking mga kaibigan.



"Shan para sayo."


Napaangat naman ako ng tingin, bumungad saakin ang nakangiting Jasper. Isang varsity player, gwapo naman ito pero hindi ko type.



Nagtilian naman ang mga tao dahil sa scenario’ng nangyayari ngayon sa Cafeteria.



Napansin ko si Amara sa aking peripheral vision, kasama rin nito ang kaibigan nya sa kabilang table. Masama ang titig sa pwesto ko.



Kahit na ayaw ko ay tinanggap ko nalang ito para maasar lalo si Amara.



"Thank you." masiglang pasasalamat ko rito.


"You're welcome, pwede ba ako maki table? Wala na kaseng bakante eh." Pagdadahilan ni Jasper.



Tatabi pa talaga ano ba yan, dahil andito si Amara ay pinayagan ko ito.


"Sure, dito ka." Wika ko at tinuro ang upuan sa aking tabi.



Umupo naman ito agad at nakangiti pa. Susubo palang sana ako ng narinig ko ang padarang na tama ng upuan sa sahig.



Napatingin ako sa table nila Amara, si Amara pala ang salarin dahil padabog itong tumayo. Tinatawag sya ng kaibigan nya pero hindi ito lumingon man lang.



Siya pa talaga may ganang magalit, ayos ka talaga Chloe Amara.

•••••

Narito ako ngayon sa aking silid, hanggang ngayon hindi parin ako dinadalaw ng antok.



Malalim na ang gabi, abala akong tumunganga nang makaramdam ako ng pagka uhaw.



Bumangon ako at bumaba galing sa aking silid at tinungo ang aming kusina.



Binuksan ko ang refrigerator para kunin ang tubig at ininom ito, pagkatapos ay napagpasyahan kong umakyat na dahil antok pa ako.



Lumabas na ako nang kusina, aakyat na sana ako ngunit nabaling ang aking atensyon sa may terrace.



I saw kuya Drei with his bestfriend, Harold. They're drinking while talking. Ano problema?



Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang mahihinang hikbi ng kuya ko. I don't know that he's drinking, mababa lang ang tolerance nito sa alak.



"Akala ko gusto niya ako pre, kase kada lalabas k--kami ang saya n-nya. Ramdam ko na komportable siya saakin e-eh."  Sambit ni kuya habang humihikbi.



"Dapat kase hindi ka nagpakampate, tsaka marami pang babae dyan Drei." Pagpapakalma nito sa aking kuya.


"Sana... S-sana una palang s-sinabi niya na... N-na may tinitibok na ang puso n-nya, tatanggapin ko n-naman eh. Naiintindihan ko n-naman pre." Halos mamaos na si kuya dahil sa pag iyak nito.



Ngayon ko lang nakitang umiiyak ang kuya ko, dahil kilala namin itong masayahin. Kaya pala ang seryoso nito at laging walang gana, noong nakaraang buwan may pinagdadaanan pala.



Hindi ko manlang napansin yon, wala ka talagang kwenta Shaniah!



"Binigyan ako ng m-motibo eh, syempre u-umasa ako. Sino b-bang hindi diba?"



Nasasaktan ako ngayon sa aking nakikita, na nasasaktan ang aking mahal na kuya dahil sa babae.



Minsan lang magmahal ang kuya ko, tapos ganito pa. Hays



"Isang araw nagchat ito sa--sakin, magkita raw kami s-sa coffee shop... S-syempre ako p-pumayag agad ako, m--mahal ko eh."



"Pagkarating ko... O-ok pa kami nun, nagbibiruan pa kami... M-maya maya sinabi n-nito na tumigil na ako sa panliligaw."



"Nagtaka ako kung b-bakit, tinanong ko 'bakit?' s-sabi nya may m-mahal siyang iba... Ang m-masaklap, malalaman k-ko... Malalaman k-ko sainyo na ikakasal na p-pala ito."  Tuluyan na itong napahagulgol




Tumulo rin ang aking luha dahil sa sakit, kung sino ka mang babae ka hindi mo deserve ang kuya ko!



"Ssshh tahan na dre, marami pang babae dyan. Iiyak mo lang iyan malalampasan mo rin iyan."



"Ang pogi-pogi mo oh! Ang hilig mo kase sa mas bata sayo eh! Ayan tuloy sinaktan ka. Kay Savannah ka nalang pre. Maganda yon, sexy at mabait matalino pa pre, saan ka pa diba?"  - Harold



"K-kantahan mo a-ako, dre" natatawang request ng kuya ko. Kahit tumawa siya alam kong nasasaktan siya

Minsan lang mahulog ang kuya ko tapos ganito pa ang naranasan niya.

"'Cause I found a girl who's in love with a girl
She said that she tried, but she's not into guys" pagkanta ni Harold habang hinahaplos ang likod ng aking kuya. Tumatawa lang si kuya, pero ako? Ito nasasaktan sa mga nasisilayan ko.



"Kung ako sayo kalimutan mo na ang Chloe Amara Allistair na iyan. Kung ayaw mo kay Sav, edi ako nalang" - Pagbibiro nito kay kuya




Para akong nabingi sa aking narinig. Chloe Amara? No way.



Si Chloe ang tinutukoy ni kuya...  N-na nakadate nya noong nakaraang buwan?



And what? Ikakasal na siya? Ibig sabihin sa tagal naming magkasama ni Amara, wala syang binabanggit na kahit na ano, hindi man lang sya nagbago. Manlololoko parin pala.

•••••

Maaga akong pumasok para hindi na ako sunduin ni Amara sa bahay, naalala ko na naman ang kataksilan nito sa kuya ko. Hindi lang sa kuya ko, kundi pati na rin saakin.


Ibig sabihin pinagsabay niya kami? Gago siya



Seryoso akong naglalakad papasok sa campus nang may narinig akong nagkukwentuhan.



Hindi ako tsismosa pero interesado ako dahil narinig ko ang pangalan namin ni Amara.



"Hindi niya hinatid si Shan kahapon, hindi kase sya kinikibo ni Shan eh. Bakit kaya ano?"



Binagalan ko ang aking lakad dahil narinig ko ang pangalan ko. Ang aga-aga, chismis kaagad.



"Ayan ang hindi ko alam-- pero beh grabe! Ang pogi ng lalaki na lumapit sakanya kagabi argh!" Tili ng isang babae.



"Hala tro beh! Narinig ko ang usapan nila!"



"Ano pinagusapan?!"



"Itong si boy pinipilit si Chloe na sumabay na sakanya, para sabay na sila pumunta sa bahay raw ng mamita ni Chloe."



"Tapos?"



"Itong si Chloe hindi pumayag, aalis na sana si Chloe pero hinapit sya ng lalaki! Kaya yakap ng lalaki ang bewang ni Chloe kahapon shit!." Tili nito



"Tapos ito ang nagpakilig at nagpagulat saakin beh!"



"Ano?! Tangina pabitin kase!"



"Sabi ng lalaki  'OH C’MON BABE, MAGIGING ASAWA NA KITA DAHIL ILANG BUWAN NALANG AY IKAKASAL NA TAYO.SO LET'S PRACTICE BEING SWEET.'  aacck!! M--mah hart!" Hinampas-hampas pa nito ang kasama niya.

•••••

Matapos kong malaman ang mga iyon ay talaga namang umusbong ang galit na nararamdaman ko.



Hindi ko manlang napansin na ang dinidate pala nito ay ang kapatid ko?



Hindi ko rin naramdaman na may mapapangasawa na pala ito, ang malala pa roon ay ikakasal na sila?



Sabi mo nagbago ka na. Ako naman itong si tanga nagpaniwala sa mga salita mo.



Hindi ko alam kung anong kasalanan ko. May nagawa ba akong kamalian sa past ko para maranasan ang mga ito?






Continue Reading

You'll Also Like

1M 38.7K 91
𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗲𝗿 𝘄𝗮𝘀 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗳𝗶𝗿𝗲, 𝗹𝘂𝗰𝗸𝗶𝗹𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗵𝗲𝗿, 𝗔𝗻𝘁𝗮𝗿𝗲𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 �...
3.7K 264 29
(GirlxGirl) "I rather have nobody than half of somebody." I bitterly utter with all my heart of sorrow. In the heart of a tangled narrative, two wom...
13K 375 13
Fell inlove with my stepmother(Book 2) We made it guys!! unang una yung mga nangyayari dito ay imahinasyon lang po ni Author at hindi nangyari sa tot...
415K 12.6K 94
Theresa Murphy, singer-songwriter and rising film star, best friends with Conan Gray and Olivia Rodrigo. Charles Leclerc, Formula 1 driver for Ferrar...