(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank you!)
_______________
CHLOE AMARA ALLISTAIR POV
Kinaumagahan nga ay sinundo ko si Khaled, dahil sabay kaming papasok para na rin hindi na ito magtampo saakin.
Habang nagmamaneho ay linagay ko ang aking kanang kamay sa hita nito.
"Hays, ano ba Amara kaaga-aga."
Iritang saad nito, ngunit tinawanan ko lang ito. Akala ko nga ay aalisin nito ang aking kamay sa hita nito.
Ngunit nagkamali ako, dahil hinayaan lang ako nito sa gusto ko.
"Grabe iyong ate ni Keizel walang kaarte-arte sa katawan."
Agad naman napantig ang aking tenga sa narinig.
Hindi ako nagsalita, bagkus napisil ko lalo ang hita ni Shan.
"Huwaw, ang wild ha?" Pagbibiro nito, kaya natawa ako.
"Ate nya yun? Yung kasama nya kahapon sa food stall?"
"Oo, ayun yung sinasabi nyang Ate nya. Noong nakita ko nga yun parang may namumukhaan ako sakanya eh. Hindi ko lang mawari kung sino ba." Mahabang kwento nito
"Paano mo naman nasabi na wala syang kaarte-arte sa katawan?" Tanong ko rito.
Curious ako sa pagkatao ng babaeng iyon, hindi ko rin alam kung bakit. Basta ang alam ko lang sa mga oras na ito ay...
Gusto kong malaman lahat tungkol sakanya.
"Hindi sya maarte sa pagkain, lahat ng street food kinain nya. Hindi gaya mo na ang arte-arte. Tsk!" Pairap na wika nito
"Hoy hindi ako maarte ha! Kumakain nga ako ng pek-- I mean kwek kwek." Depensa ko rito
Nakarating na kami sa campus, pinark ko ang aking sasakyan at agad na lumabas upang pagbuksan si Khaled.
Ngumiti naman ito ng malawak saakin.
"Thank you"
Tumango ako rito at hinawakan ito sa kanyang bewang, at nag simula na kaming maglakad.
SAVANNAH's POV
"Ehh sorry na nga po! Sila kase nauna Jiějiě eh bumawi lang ako!" Sigaw ni Keizel sa harapan ko.
Jiějiě ang tawag nito minsan saakin, nangangahulugan kase ito ng "Ate" sa salitang Chinese.
Tinaasan ko naman ito ng kilay, lumalaban pa talaga ang batang ito.
"Kahit na dapat hindi mo na pinatulan pa, sana nag report ka nalang sa teachers mo, pasaway." Malumanay na paninermon ko rito.
Sakit talaga sa ulo ang batang ito, dito na yata ako tatanda.
"Opo sorry po, hindi na po mauulit." Malungkot na wika ni Keizel.
Ginulo ko naman ang buhok nito.
YOU ARE READING
ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]
FanfictionC O M P L E T E D [ᴄʜᴀꜱᴇ ᴍᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1] 𝖢𝗁𝗅𝗈𝖾 𝖠𝗆𝖺𝗋𝖺 𝖠𝗅𝗅𝗂𝗌𝗍𝖺𝗂𝗋 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗆𝖺𝗇𝗂𝗓𝖾𝗋. 𝖲𝗁𝖾 𝗁𝖺𝗌 𝖺 𝗌𝖾𝖽𝗎𝖼𝗍𝗂𝗏𝖾 𝖿𝗂𝗀𝗎𝗋𝖾 𝖺𝗇𝖽 𝖺 𝗆𝖺𝗀𝗇𝖾𝗍𝗂𝖼 𝗉𝖾𝗋𝗌𝗈𝗇𝖺𝗅𝗂𝗍𝗒 𝗍𝗁𝖺𝗍 𝖾𝗏𝖾𝗇 𝗌𝗍𝗋𝖺𝗂𝗀�...