South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5.6M 336K 213K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 25

60.5K 4K 1.7K
By JFstories

Trigger warning: this chapter contains drugs, violence, and sexual assault that may remind you of a traumatic experience. Please read with caution.


-------------------------------------------------------------------------------------



I HAD TO MEET WAYNE OR ELSE...


No. I didn't even want to think about it. I couldn't afford to hurt my family anymore. I would finish everything tonight. If I needed to beg Wayne, I would.


[ Don't try to do anything stupid, Jillian. ]


"Ikaw rin," balik ko sa kanya. Kausap ko si Wayne hanggang sa makababa ako sa tricycle na sinakyan ko ng pa-special papunta rito sa Buenavista.


[ I told you I just wanna talk to you. Hindi ka naman dapat matakot. May ibang tao rito kaya hindi naman natin solo. May mga parating pa mamaya dahil may inuman. ]


Iyon din ang pinanghahawakan ko kaya pumunta ako. Hindi makakagawa ng kalokohan si Wayne dahil may ibang tao maliban sa amin.


Pagpasok ko sa gate ng bakuran nina Dessy ay napatigil ako. Madilim ang buong bahay mula sa labas. May isang motor na nakaparada sa may bandang puno. Ang may ari niyon ay naroon din, at naninigarilyo. Malaki ang pangangatawan. Nakilala ko na isa sa mga tropa ni Wayne.


"Nasaan ang iba?" tanong ko rito.


"Nasa loob ang tropa. Iyong iba, parating pa lang," sagot nito saka humithit ulit sa hawak na sigarilyo.


Ang usok mula sa sigarilyo ay nakakakilabot. Iisa lang naman ang usok sa lahat ng sigarilyo pero bakit iba ang dating kapag si Hugo ang nakikita kong gumagawa nito?


Ipinilig ko ang aking ulo. Naglakad ako patungo sa bahay. May tao nga sa sala. Hindi lang nagbubukas ng ilaw dahil siguro ay may ginagawa. Mag-boyfriend ang naabutan ko sa sofa, naghahalikan ang mga ito. Pumanatag na ang loob ko.


Idinikit ko ulit ang phone sa aking tainga, "N-nasaan ka?"


[ Sa taas. Dulong kuwarto. ]


Tumiim ang mga labi ko. Ang tinutukoy niyang kuwarto ay ang kuwarto kung saan palaging naroon si Hugo tuwing hapon.


Humugot ako ng paghinga bago humakbang patungo sa hagdan. Nanlalamig ang mga palad ko. Pagkarating sa itaas ay tinungo ko ang pinto sa dulo. Kumatok ako. Nagsalita si Wayne sa loob, "Bukas 'yan, Jillian."


Pumasok ako. Ang liwanag lang sa loob ay nanggagaling sa ilaw ng phone niya at sa nakabukas na bintana. Maliwanag naman ang buwan sa labas kaya hindi madilim dito sa loob.


Ang bigat sa pakiramdam na hindi si Hugo ang napasukan ko sa kuwartong ito. Nasanay na kasi ako na siya ang nakikita ko na nakaupo sa kung saan nakaupo ngayon si Wayne.


"Anong pag-uusapan?" tanong ko agad. I had no plan in staying long.


Wayne stood up from the edge of the bed. He was wearing a shirt and jeans. He was still wearing sneakers on his feet. Instead of answering me, he took something from the table near the window. Dalawang transparent plastic cup na magkapatong saka bote ng nakabukas na Coke.


"Baka nauhaw ka sa pagpunta rito." Inabot niya sa akin ang isang plastic cup.


"I don't drink sodas." Alam naman niya iyon dahil noon pa ay inaalam niya na ang mga ayaw at gusto ko.


"Walang mineral. Saka ngayon lang naman." Inabot niya pa rin sa akin ang plastic cup. "This will be the last time that you're going to see me. Pagbigyan mo na ako."


Saan siya pupunta? Magtatago na naman? Wanted siya. Hindi na siya minor ngayon kaya puwede na siyang makulong. May nakasampa pa sa kanyang kaso dahil ginawa niya kay Carlyn at sa ginawa niya rin sa kuya ko. In addition, he escaped the drug test that was supposed to be conducted on him.


Wala akong magagawa kung ayaw niya talagang sumuko. Hindi ko siya kayang kaladkarin papunta sa presinto. Hindi ko rin siya puwedeng isuplong dahil inaamin ko na naduduwag ako kapag gumanti siya. This guy was capable in doing bad things. He could hurt my family if he wanted to.


Or he could just simply send my photos to my parents. Puwede ring ikalat niya. Hindi naman ako ang mapapahiya kundi sina Mommy at Daddy. Iyon ang ayaw kong mangyari.


Tinanggap ko ang inaabot niyang plastic cup. "I hope you'll stay true to your word. After this, you will not bother me anymore." Kung tatakas siya, tumakas siya. Basta wag na siyang manggulo at magpakita pa.


"Yeah, of course." Sinalinan niya ng soda ang baso ko at pagkatapos ay nagsalin din siya ng kanya.


Nakipag-cheers siya sa akin at pagkatapos ay naupo ulit sa gilid ng kama. Nakatitig siya sa akin kaya ininom ko na ang laman ng baso. Kaunti lang naman kaya madali ko ring naubos. Siguro ay nauuhaw nga talaga ako dahil kanina pa ako tensyonado.


"I'm sorry, Wayne, kung sa tingin mo na napaasa kita," simula ko sa mababang boses. Alam ko na ang feelings niya sa akin ang pinagmulan ng lahat ng gulong ito.


Tumango-tango siya habang nakatutok lang sa akin ang kanyang mga mata.


"Ang priority ko ay ang pag-aaral ko. Wala akong plano na magkaroon ng boyfriend sa school."


"How about Aguilar?"


Umiling ako. "Nagkakamali ka sa iniisip mo kay Hugo. Magkaibigan lang kami."


"Nakikipagkaibigan ka sa ganoon?"


"Look, I know it's weird..." Kasi hindi nga ako nakikipagkaibigan sa iba pero kay Hugo ay nakita niyang sumasama pa ako. "It just happened. We became close. You may believe it or not, but there was really nothing between me and Hugo."


We kissed but that was it. And of course, I couldn't tell that to Wayne.


I also couldn't tell him that I liked Hugo. I didn't plan it and I thought it would not happen, but it happened. Nagkagusto ako sa pinakahuling tao na iisipin ng lahat na magugustuhan ko.


Napakislot ako dahil parang biglang uminit ang paligid. May pumapasok na hangin mula sa malaking Capiz na bintana pero mainit pa rin. I blinked. Something was off. Wayne was staring at me as if he was waiting for something.


Gayunpaman, nagpatuloy ako sa pagsasalita para lang matapos na. "We're moving to Tagaytay this weekend. We're not going back here in Gentri, Cavite. My family will start anew. Ikaw rin sana, Wayne. Hindi pa naman huli. Puwede mo pang maayos ang buhay mo."


He could surrender as a start.


Tinapik niya ang kama kung saan siya nakaupo. "I can't hear you. Lumapit ka rito."


Napanganga ako kasabay nang pagapang sa akin ng kaba. Did he even listen to what I said?


"This will be the last time that I will see you and talk to you, Jillian. Please give this to me."


Pasimple ako na humakbang paatras. "No. Ayaw kong umupo. Saka hindi naman ako malayo para hindi mo marinig dito."


"'Sabi ko, lumapit ka nga rito." Bahagya siyang tumayo. Inunat niya ang kamay para abutin ako. Bago pa ako makalayo ay nahawakan niya na ako sa pulso.


"Wayne, ano ba?!" I squirmed from his grip.


"Bakit ba diring-diri ka sa akin? Pero bakit kay Aguilar, ayos lang?"


"Bitiwan mo ako." Nagpupumiksi ako sa matigas at mahigpit niyang hawak sa aking pulso. "I came here because you said we would just talk!"


"We're talking, aren't we?"


"'Wag mo akong pilitin lumapit kung ayaw ko! Kung hindi ka tutupad sa sinabi mo, aalis na lang ako!" I made a grave mistake of thinking I could talk to him rationally.


"Aalis ka? Ayos lang sa 'yo na i-send ko sa parents mo ang mga kuha mo nakikipaginuman ka at tumatambay ka sa plaza ng dis oras ng gabi?!"


"Wayne, alam mong hindi ako nakikipag-inuman!"


"E iyong pagtambay mo sa plaza at pag-angkas ka Aguilar? Hindi mo itatanggi? Jillian, ang dami-daming lalaki! Kung sa iba ka siguro napunta ay matatanggap ko pa, pero kay Hugo Emmanuel Aguilar? Fuck, sana binayagan mo na lang ako!"


I pushed him on the chest. "Hindi ka marunong makinig! I told you, there was nothing between me and Hugo! May iba siyang gusto at may iba rin akong naging boyfriend at hindi siya iyon!"


"Wow! You are good at lying!"


Pigil ang iritasyon ko dahil hangga't maaari, ayaw kong sagarin siya. Umaasa pa rin kasi ako na may mapapala sa pagpunta ko rito.


"Uuwi na ako. Pero tumupad ka naman sa sinabi mo. Wag mong ipadala ang mga photos na iyon. Depressed ang mommy ngayon, please naging mabuti naman siyang teacher sa 'yo. Maawa ka naman sana."


Tinalikuran ko na siya para pumunta sa pinto, pero bago ako makarating sa pinto ay niyakap niya ako. "Don't leave me, Jillian!"


Napahumidig ako sa pagkakayakap niya. "W-Wayne!"


"Kakalimutan ko na iyong sa inyo ni Hugo. I will also delete the photos. Hindi ko narin guguluhin sina Carlyn at ang kuya mo. Pero wag mo akong iiwan."


Nagpumiglas ako sa kanya. "Wayne, bitiwan mo ako! Hindi ito iyong pinagusapan natin!"


"I'm sorry but I lied to you. I just said that to make you come here."


Nanlaki ang mga mata ko.


"I love you, Jillian. Mahal na mahal kita. Hinintay kita noon pa, di ba? Please, kalimutan mo na si Hugo, ako na lang. Pareho naman kaming gago e. Bakit hindi na lang ako ang piliin mo?"


Hindi siya nakikinig. Wala talaga siyang pinakinggan sa kahit anong sinabi ko. Sarado ang isip niya.


"Wayne, sisigaw ako pag di mo ako pinaalis!" banta ko sa kanya.


Sa gulat ko ay ngumisi lang siya. "You can try."


Nanghilakbot ako. "H-hindi totoo na may iba pang mga pupunta?"


"Totoo. May pupunta pero puro mga tropa ko. Pati iyong nandiyan sa ibaba, tropa ko rin at iyong siyota niya. Though, props lang sila, hindi pa rin ako nagsinungaling. Hindi pa rin ako kasing sinungaling mo."


Darn, I was doomed!


"A-alright..." Pinagana ko ang isip. Sinikap kong wag ipakita sa kanya ang takot. "I will stay. We... will talk."


Tumaas ang isa niyang kilay.


"We will talk, Wayne. I'll listen to you. J-just let go of me..."


Inalis niya ang mga braso na nakapulupot sa bewang ko, pero hinuli niya naman ang isang kamay ko. Nagpahila ako. I would buy time while thinking. I needed to find a way out of this mess.


Pag-upo ko sa gilid ng kama ay napahaplos ako sa aking leeg. Hot. It was getting hotter here. Parang ang iyong init kanina na nararamdaman ko ay biglang lumala. Nang tingnan ko si Wayne ay nakatingin din siya sa akin.


Tumingala ako sa kanya nang humakbang siya palapit sa akin. "W-what did you put in my drinks?"


Matamis na ngumiti lang siya.


Pinangiliran na ako ng luha. "W-Wayne, I trusted you..."


May kumatok sa pinto. Sumilip ang mukha ng isa sa mga tropa niya. "Umuwi na sina Bok at ang syota niya. Kami na lang natira. Aalis din ba kami?"


Kumuyom ang mga palad ko sa sapin ng kama. Nang mapatingin sa akin ang nasa pinto ay bumuka ang mga labi ko. "T-tulungan mo ako..."


Nilingon ako ni Wayne. "'Wag mo pansinin. Ganyan trip niyan, kunwari ayaw pero gusto."


"Hindi iyan totoo! Ayoko sa 'yo!" Tumayo ako at lumapit sa pinto. Napigilan niya ako sa bewang at pahagis na ibinalik sa kama. Sa gitna ako ng kama bumagsak.


"'Di ba tayo madadale riyan?" tanong ng tropa niya sa kanya. "Baka matulad kami kina Bilog na nakulong!"


"Hindi. Akong bahala. 'Wag ka na lang maingay, bibigyan kita limang daan mamaya." Hinarap ako ni Wayne. "Stay here, Jillian. May gagawin lang ako sa ibaba. 'Wag ka nang mag-isip tumakas dahil iisa lang ang pinto sa bahay na ito."


Lumabas siya ng pinto. Naiwan ako na mag-isa sa kuwarto. Naiiyak na bumangon ako sa kama. Nanginginig ako sa takot.


Tama si Wayne. Wala akong ibang lalabasan sa bahay na ito nina Dessy kundi ang pinto sa sala. Ang backdoor nila ay kinandado na at may nakaharang na aparador. Naka-grills naman ang mga Capiz na bintana kaya kahit sumubok ako na lumabas doon ay hindi rin uubra.


I remembered that I had my cell phone with me. Wayne seemed to have forgotten about that. I took out my phone and immediately searched my contacts. Nanlumo rin ako pagkatapos.


I could not call my parents. They would be shocked, hurt, and disappointed if they found out that I came here at this hour to meet with Wayne. It would also be pointless even if I explain.


Kung si Kuya Jordan ang tatawagan ko ay posible ring malaman nina Mommy at Daddy. Mas lalong hindi rin puwede na dumeretso ako sa mga pulis. Una, wala akong number ng kahit barangay lang. Wala rin akong data para maghanap ng number online.


Ayaw ko rin na malaman ng mga tao ang nangyayari dahil ang huli nito ay sina Mommy at Daddy lang din ang mapapahiya. Sila ang mapaguusapan ng mga tao dahil anak nila ako.


Sino ang tatawagan ko? Naisip ko si Hugo pero wala phone ang lalaki sa mga oras na ito. Sira ang phone niya.


Nag-type ako ng binura pero kabisadong number sa screen ng aking phone. Bahala na, tatawagan ko na si Harry. Nagri-ring. "Please, answer..." dasal ko.


Natapos ang unang ring pero walang sumasagot. I tried calling Harry again. Hindi ako puwedeng sumuko. Mamaya lang ay babalik na si Wayne rito.


Hindi na rin maganda ang pakiramdam ko. Pinagpapawisan na ako. Hindi ko alam kung ano ang inilagay ni Wayne sa pinainom niya sa akin, pero alam ko na hindi maganda ang epekto ng kung ano man iyon.


Nakatatlong na hindi pa rin sinasagot ni Harry ang tawag ko. I was now crying out of fear and frustration. "Harry, please..."


Nag-type na ako ng text message kay Harry.


Me:
Harry, I need your help. I am in danger but please don't tell my parents and brother.


Sinend ko ang address ng bahay nina Dessy. Sinabi ko na puntahan niya ako rito. Wala siyang reply. Lumipas na ang limang minuto pero wala rin. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya at bakit ayaw niya akong sagutin.


I heard footsteps approaching the room. My hands were now shaking as I tapped to call Harry's number again. He still didn't answer.


The footsteps stopped in front of the door. I canceled the call to Harry and even though I wasn't sure about the next number, I took the risk. I called Hugo's number. Sa gulat ko ay nag-ring ang number niya.


Sakto na pumihit ang doorknob ng pinto nang may sumagot na sa tawag ko. "Hugo!"


[ Herrera, ] Paos na boses na narinig ko sa kabilang linya.


Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa nito si Wayne na nanlilisik ang mga mata sa akin. Humakbang palapit sa akin ang lalaki. Sa itsura niya at sa kislap ng mga mata ay nahulaan ko na ang ginawa niya sa ibaba kasama ang kanyang tropa.


"W-Wayne..." garalgal ang boses na sambit ko.


Parang biglang nahimasmasan si Hugo sa kabilang linya nang marinig ang pangalan na binanggit ko. Napasigaw siya. [ Nasaan ka?! ]


Hinablot ni Wayne sa akin ang hawak ko na phone at ibinato. Bago tumama iyon sa dingding ng kuwarto ay napasigaw ako. "Dessy!"


Basag ang phone na bumagsak sa sahig. "I am trying to be nice here, Jill! But you're trying my patience!"


"Please, Wayne! Pauwiin mo na ako!"


"No." Hinawakan ako ni Wayne sa braso at pahiklas na hinila ang kwelyo ng suot kong blouse. Napunit ang ibabaw nito kasama ang isang strap ng bra ko.


Napatili ako at napayakap sa sarili. Tili ako nang tili na baka sakaling may makarinig. Hindi ang mga tropa niya dahil alam ko na kampi ang mga ito sa kanya. Ibang tao sana. Kahit imposible ay sana makaabot sa malalayong kapit-bahay nina Dessy ang boses ko.


Sana may maparaan sa harapan ng gate nina Dessy at marinig ako. Sana kahit nagtitinda ng balut at penoy na maparaan ay marinig ako. Sana may makarinig.


Isang malakas na sampal ang tumama sa aking pisngi na halos magpawala sa ulirat ko. Sa lakas ay napasubsob ako. Tumama ang tagiliran ko sa poste ng kama.


Nag-squat sa harapan ko si Wayne. "Ginagalit mo ako, Jillian. Ayokong magalit pero ginagalit mo ako!"


Nanlilisik ang namumula niyang mga mata. Ang amoy niya ay amoy gamot. Pakaladkad niya akong hinila patayo. Ang hihigpit ng mga hawak niya na tiyak na mag-iiwan ng mga marka sa katawan ko.


Nagpupumiglas ako habang tumitili pa rin. Wala akong pakialam kahit maubos pa ang aking boses. Inihiga niya ako sa kama at pinagsasampal ako.


"Jillian, 'wag mo akong galitin! I don't wanna hurt you but you're pushing me!" sigaw niya.


Iyak ako nang iyak. "Ayoko! Ayoko!" sigaw ko na namamaos na. Pumutok na rin ang gilid ng labi ko dahil sa pananampal niya.


"It's been twenty minutes so the drugs that I made you drink should be working by now," parang hibang na sabi niya.


Nang sumubok akong tumayo ay hinila niya ako sa buhok. Napahagulhol ako sa sakit. Hiniklas niya ang blouse ko hanggang sa kalahati na nito ang mapunit. Natulala siya nang mapatitig sa ibabaw na bahagi ng dibdib ko.


Hindi malaki ang dibdib ko pero hindi rin maliit. Mas mapusyaw rin ang balat ko sa liwanag ng buwan kaya kitang-kita ni Wayne ngayon ang aking harapan.


"W-Wayne, you said you love me... D-don't do this..." I begged him. Baka kasi puwede pa siyang madala sa pakiusap kahit luto na ngayon ang utak niya. "P-Please..."


Nang maghubad siya ng t-shirt ay sinamantala ko. Kahit masakit ang katawan ay nagpumilit ako na makabangon. He grabbed me and violently pulled me back. Tumama ang gilid ng noo ko sa kahoy na headboard. Pakiramdam ko ay nahilo ako.


He took off his shirt and threw it on the floor. I was horrified when he hugged me with his naked body. Nagpupumiglas ako, nanulak at nangalmot habang walang tigil sa pag-iyak.


"Hush..." He caressed my face to calm me down. "Jillian, don't worry, I'll marry you after this. I'll marry you..."


He started kissing my neck and I felt like throwing up.


His wet lips pressed against my skin, it was disgusting. Inulalol niya ng halik ang leeg ko pababa sa aking dibdib. Para akong mababaliw. Nagsisisigaw ako kahit wala na halos lumabas na boses sa akin. Basag na basag ang paghagulhol ko.


Hindi ko na kayang lumaban sa lakas niya. Pakiramdam ko ay puro pasa na ako. Natatakot ako para sa sarili pero higit ang takot na aking nararamdaman para kahihinatnan ng lahat ng ito. I was going to hurt my family again.


Bakit humantong sa ganito? Hindi ito ang gusto ko. Akala ko kapag nagpakita ka ng kabutihan sa isang tao, gaano man kasama ito ay mag-aalangan ito na gawan ka ng masama. I thought the world was like that, but it was not.


I chose to believe in Wayne. I chose to think that maybe he could change. That he might be telling the truth and that he wouldn't do anything to harm me. I also chose my fear of hurting my parents. In the end, I was wrong about everything. Everything I feared would still happen because me being naïve and gullible.


Maybe I deserved this? Hindi matinong tao si Wayne at baka nga ganoon din pala ako.


Napapikit ako nang mariin nang maramdaman na hinuhubaran na ako ni Wayne. Tumigil na ako sa panlalaban at tahimik na umiyak na lang.


Maybe I really deserved this—


Biglang may tumadyak sa pinto ng kuwarto. Lumikha iyon ng malakas na tunog ng pagkawasak ng doorknob. The next thing I heard was a hard, cold voice that was full of rage, "Motherfucker!"


Napaalis sa ibabaw ko si Wayne.


Sa nanlalabo kong mga mata sa luha ay isang matangkad na lalaki ang pumasok. Hanggang unti-unti ay luminaw sa akin kung sino siya.


Kasabay nang muling pagluha ay napasinghap ako. "Hugo..."


JF


#TroublemakerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 118 16
Isla is known as a good daughter of Foresia and Simon, hindi rin s'ya nananahimik kapag alam n'yang s'ya ang tama. One day, she discovered the desser...
10.1M 391K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...
8.5M 264K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
15.2M 487K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...