Love Me in Brooklyn

By NerdyIrel

153K 5.7K 1.4K

A cheerful and optimistic girl who deeply admires an unapproachable popular guy. She chases him but he never... More

Start
Love Me in Brooklyn
Prologue
Chapter 1 - Her Life
Chapter 2 - Failed Attempts
Chapter 3 - Journey
Chapter 4 - OSR
Chapter 5 - Russell Riders
Chapter 6 - New Member
Chapter 7 - Triple R
Chapter 8 - Everywhere
Chapter 9 - Secret
Chapter 10 - Welcome Party
Chapter 11 - Threat
Chapter 12 - Childhood Friend
Chapter 13 - Contract
Chapter 15 - Patience
Chapter 16 - First Date
Chapter 17 - Competition
Chapter 18 - Invite
Chapter 19 - Falling
Chapter 20 - Feelings
Chapter 21 - Selfie
Chapter 22 - Territorial
Chapter 23 - Worried
Chapter 24 - Confession
Chapter 25 - Bruise
Chapter 26 - Love
Chapter 27 - Suitors
Chapter 28 - Keep
Chapter 29 - Promise
Chapter 30 - Shoes
Chapter 31 - Proud
Chapter 32 - Cheer
Chapter 33 - Guilt
Chapter 34 - Caught
Chapter 35 - Rumors
Chapter 36 - Agreed
Chapter 37 - Truth
Chapter 38 - Questions
Chapter 39 - Protect
Chapter 40 - Settled
Chapter 41 - Nervous
Chapter 42 - Fetch
Chapter 43 - Promises
Chapter 44 - Going Home
Chapter 45 - Happiness
Epilogue
Author's Note

Chapter 14 - Revenge

2.3K 89 9
By NerdyIrel

CHAPTER 14

REVENGE


Ron's POV


"Who are you calling?" Lucas tried to peep on my phone but I immediately walked a few steps away from his observant eyes before he could see anything.


"Hello? Hubby, ikaw ba 'yan?"

I frowned. "Were you expecting a call from Russ?"

Sab was silent for a few seconds. "Ron? Uy hello! Akala ko ikaw na si hubby ko! Hindi pa kasi siya natawag kaya nagtataka ako. He said he'd call. Are you with him?"


I ran a hand through my hair.

I really don't like that she's always talking about him. Wala siyang ibang bukambibig kundi si Russell.


"Are you busy?" pagbabago ko ng topic.

"Hmmm, a little. I still have classes right now."

"And afterwards?"

"I'm going straight to Manager Lee for my training. Swerte ng hubby ko, ano? Biro mo, ganito kaganda ang makakasama niya everyday bwahahaha!"

I smiled at how energetic she is. "Hanggang anong oras 'yon?"

"I'm not sure. Bakit ba?"

"Yayain sana kitang lumabas."

"Uhmm... tingnan ko ah. Hindi kasi ako sure kung limited lang ba ang time ko as an assistant. Baka kasi mamaya kailangan kasama ako ng captain mo until matulog kami hehehe."


I still don't understand Russ. He doesn't want someone following him, let alone bother him and yet he still chose to hire that one girl who has a huge crush on him.

Inis siya dito pero pinili niyang makasama ito. Ano bang pinaplano niyang gawin?


"Let me know, okay? I hope you'll give time for me too."

"Balitaan kita. Sige na, andito na ang prof ko. Bye!!!" She ended the call abruptly before I could even reply back.


Sighing, I stood up and went to my next class. Pagpasok ko sa room ay nakita ko agad si Russell. Hindi naman siya mahirap hanapin dahil madalas pinalilibutan siya ng mga babaeng humaling na humaling sa kanya. Also, a lot of them are taking pictures of him.

Nakikinig lang siya ng music habang nakapikit. His arms are crossed and he's frowning. Typical Russell.

"Bro." Tinapik ko ang braso niya bago ako umupo sa tabi niya. He took out one of his airpods from his ear and raised an eyebrow at me.

"Hindi na ba talaga magbabago isip mo? Hindi ba pwedeng sa akin na lang si Sab?"

Tiningnan niya ako na para bang pinagbabantaan niya ako. It's like he's threatening me not to ruin his day. Binalik niya ang airpod sa tenga niya pagkatapos ay pumikit ulit.


Sanay ako na hindi palaimik si Russell pero this time, napikon ako sa ginawa niya. Kinakausap ko siya ng maayos.


Tinanggal ko ang isang airpod at pinatong iyon sa table.

"Seryoso ako, Russ. Kung pagti-trip-an mo lang siya, wag mo nang ituloy pa."


Again, he just looked at me.


"Ano bang binabalak mo at pinili mo siya bilang assistant mo?"

"Lee told me to pick one and I did. If you've got problem with that, talk to our manager."

My jaw tightened. "Pick someone else."

"I can't."

"You can't?" natatawang paguulit ko. "Or you just don't want to do it? Kasi gusto mo siyang paglaruan? Ganun ba? You want her to stop liking you so now you're going to play with her heart and show her how cruel you really are? Is that it?"


Tinanggal niya ang kabilang airpod niya at inilagay iyon sa lalagyan. He paused before he looked at me. "Ron, stop testing my patience."


Hindi na ako nakaimik dahil dumating na rin ang prof namin. I sighed and clenched my fists.

"If you're only going to hurt Sab, then please just let her go. I want her more than you do," I whispered.


Russell glanced at me but didn't speak a word. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya pero kita ko sa mga mata niyang hindi ko mababago ang desisyon niya.

I need to figure out why he's doing this. May dahilan kung bakit ayaw niyang bitawan si Sab. Kung ano man 'yung rason niyang 'yun, malalaman ko rin 'yon.





Sab's POV


"Is that Russell's assistant?"

"She's so lucky! I envy her!"

"I heard Russ even beg for her to agree to this."

"That's absurd! Russell will never do that!"

"I know, right? F*cking rumors."


Excuse me, hindi naman rumor 'yon. Pinuntahan naman talaga niya ako sa club room at lumuhod pa siya at umiyak para maging asawa ako. Char.


Hindi ko na lang pinansin ang ibang mga new assistants na grabe kung makatingin sa akin.

Mamatay kayo sa inggit! Basta ako, pakiramdam ko nasa cloud nine pa rin ako. I still couldn't believe Russell would personally pick me. Tumalab na nga yata talaga ang charms ko kaya ngayon, ayaw niya na mahiwalay ako sa kanya. Bwahahahaha!


"Hello everyone, welcome to Brooklyn High Tigers!" Manager Lee showed up at the meeting room with a huge smile on her face.

"I believe you've all went through your contracts, right?" Tumango silang lahat habang ako naman ay napalunok.


Ay hala shet, hindi ko binasa. Nalimutan ko na nga kung saan ko ipinatong. Parang ginawa ko na yatang scratch paper kahapon. Omg!


"First things first, I'd like to congratulate each one of you for reaching this far. Out of 184 applicants, only 12 are picked. You all deserve to be here so please give yourselves a round of applause."


Nagpalakpakan kaming lahat at chin up pa akong ngumiti nang sobrang laki.

Opkors deserb ko 'to! Napakahirap kaya ng pinagdaanan kong interview process. As in, nag-research ako ng bongga at kinausap ko pa sila Ron at Lucas upang makakuha ng ideas tungkol sa ginagawa nila as basketball players. Nagpaturo din ako kay Marina kung paano sumagot sa mga possible questions. Hindi rin madali para sa akin na magpapansin kay Russell pero kita niyo naman, it worked!


"Now back to the basics. I will be explaining all the rules---" Natigil si Manager Lee nang bigla na lang bumukas ang pintuan. Then without a beat, gasps and giggles filled the room in an instant.


Pumasok lang naman kasi sa meeting room ang nagiisang RUSSELL JAY VALIENTE!

OH MY GOSH, MY LOVE!!!


"What do you need?" Manager Lee demanded, sounding very authoritative.

"Her." Sabay turo sa akin ni Russell.

"I am still teaching Sab---"

"Yeah, she doesn't need that. I'm taking her." Biglang hinagis ni hubby ang backpack niya sa akin. Nasalo ko naman iyon kahit na nagulat ako sa ginawa niya.

He just tilted his head to the side to tell me it's time to move out. Ngumiti ako at mayabang na tumayo. I waved goodbye to all the girls who are glaring at me before I walked behind Russell.


I had the biggest smile ever as I followed him outside. Dire-diretso lang naman siyang naglakad hanggang sa mapansin kong lalabas na kami ng court.

"Where are we going?"

"Training," tipid na sagot niya.

"Training? But I was just inside, training for my position as your---"


He stopped and faced me. "Rule number 1, don't ask."

"Huh?"

"That's a question."

"Teka naguguluhan ako. Bawal magtanong? E bakit?"

"I just don't want you to."

I frowned but didn't push it. "Okay."

Weird.


"Rule number two, don't say unnecessary things."

My eyebrows furrowed even more.

Paano ko malalaman kung ano ang importante sa hindi? E lahat naman ng sinasabi ko, importante para sa akin.

Whatever, hindi naman niya ako mapapatalsik dahil hindi bibitawan ni Panda Sab ang posisyon na ito forever!


"I supposed there's a third rule?"

"Don't complain. Just do whatever I tell you to do."

"Oo naman! Kaya ko gawin lahat ng iuutos mo. Magdala ng bottled water, punasan pawis mo from head to abs to toe. Kaya ko ring ipagluto ka ng lunch. At kahit paliguan pa kita, okay na okay lang din sa'kin. Hahahaha!" I laughed loudly but he didn't.

Oops.


"That's rule number two," he reminded me.

"Uy hindi ah. I'm just stating a fact."


He rolled his eyes. "Rule number four, always be available. When I ask for you, you show up immediately."

"Kahit nagpu-poopoo ako?" biro ko.

He exhaled. "That's rule number one."

"Teka, baguhin mo kaya 'yon! Ang hirap kayang hindi magtanong! Gaano ba kabilis dapat ang immediately na 'yan? Fifteen minutes? Ten? Or five? Be specific!"

Tiningnan niya ako nang masama kaya tinikom ko na ang bibig ko.

Ang bilis naman niya mainis! Enebeyen! Ganyan siguro ang immediately na tinutukoy niya.


"Last rule, stop annoying me."

After that, he walked away, leaving me all confused.

How am I supposed to know if I'm already annoying? I mean, doesn't everything irk him?


Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Sab!" inis na pagtawag niya.

"Ito na! Grabe, miss mo naman agad ako!" Tumakbo ako upang makahabol sa kanya. Ang layo niya na kasi agad. "Wifey na lang ang itawag mo sa akin or love. Pwede ring baby, mahal, iniirog ko, jowa ko, syota, kabiyak ng puso ko, or kung gusto mo ng sosyal e 'di honeybunch sugarplump pumpy-umpy-umpkin. You're my sweety pie---"


Tumigil siya at tinitigan ako na tila uupakan niya na ako kaya naman ngumiti ako at nag-peace sign. "Nagsa-suggest lang naman, hehe. Love you."

I heard him groan before he left me. I took that as a cue to keep my mouth shut and quietly follow him while secretly enjoying the opportunity of having to stand by his side.


Mas guwapo talaga siya sa malapitan.

Sarap mong kagatin, hubby!!! Rawr!


"Saan ba kasi talaga tayo pupunta Master Sungit at lakad ka ng lakad?" 'Di ko matiis tanungin.

"Rule---"

"Number one, don't ask. Oo nga, naaalala ko. Kung hindi mo napapansin, hindi ko keri 'yon."


He ignored me and continued walking.

"So saan nga?" pangungulit ko. "Sa simbahan ba para makapagpakasal na tayo?"


Humagikgik ako ngunit binilisan niya lang ang paglalakad upang makalayo sa akin.

Sus, kinilig ka lang e! Bwahaha!


"Hubby!" I shouted, hopping so I can keep up on his pace. Para na siguro akong kangaroo sa ginagawa ko pero alam ko namang cute ako kaya okay lang.


Malapit ko na siyang mahabol nang tumunog ang phone ko. I slowed down and stopped to see who's the caller.

Si Ron pala...

"Hello?"

"Hey Sab, are you still at the training?"

"Y-yes?" Russell told me we're going to train so I guess it's still the same?

He laughed. "Mukhang hindi ka sigurado ah."

"Oo nga e. Hayaan mo na. Bakit pala napatawag ka na naman?"


I caught Russell looking at me but when I smiled at him, he frowned and went inside his car. Tumakbo ako at sumakay kaagad sa shotgun seat bago pa man niya ako maiwan.

"You sounded disappointed that I called..."

"Uy hindi ah, nagtataka lang ako. What is it?"

"'Yung date natin, tuloy ba?"

"Date?" gulat na tanong ko. Russell glanced at me so I bit my lower lip. Diniretso niya na ulit ang tingin sa daan at hindi na ako pinansin habang nagda-drive siya.

Hala, baka isipin niya nagtataksil ako sa kanya!!!


"Baliw ka, anong date sinasabi mo diyan?"

"Joke lang, eto naman," pagtawa ni Ron. "Sunduin kita around six? Dinner tayo sa labas. My treat."

"Uhmmm..." Tiningnan ko ang orasan sa kotse ni Russell. It's only four in the afternoon.


Makakabalik naman na siguro ako sa campus by then. Pero what if magyaya si Russell na makasama pa ako? Kanina nga lang, na-miss niya agad ako kahit na segundo pa lang akong nakakalayo sa kanya.

Pero sayang ang panlilibre ni Ron.


"Tawagan na lang kita mamaya if pwede ako. Sige na, babye na!"

"Alright, ingat ka my childhood baby."

Ano daw?


"Nuyan. Mga pauso neto," tatawa-tawang sambit ko.

"Ayaw mo ba?"


"Ahem." Russell suddenly cleared his throat. Mukhang naiingayan na siya.

"Ayaw ko syempre. Ang pwede lang mag-baby sa akin ay si Russell. Bye!!!" I ended the call but smiled at how corny Ron is.


"Childhood baby?" Russell asked. Doon ko lang naalalang kasama ko nga pala siya at mukhang narinig niya pa ang buong usapan namin ni Ron.

"Ah. Wala, nangaasar lang 'yon." I chuckled.

"Magkababata kayo?"

I nod my head. "Yeah..."

Hindi na siya nagsalita kaya tumahimik na rin ako. I noticed that the songs on his playlist were all classics. Kanina ay "This I Promise You by NSYNC" tapos ngayon naman ay "I Knew I Loved You by Savage Garden". May pagka-old soul pala ng slight itong hubby ko...


While enjoying the music, it only struck me that I'm inside his car, sitting beside him.

I felt a sudden familiarity when I took a peek on him and stared into his eyes.


That's odd. This is the first time I've been alone with Russell. Siguro ay dahil sa sobrang pagi-imagine ko kaya pakiramdam ko nagkasama na kami noon.


"Rule number five." Itinigil niya ang sasakyan at tinanggal na ang seatbelt niya. I copied him.

"Huh?"

"I told you to stop being annoying."

"Wala naman akong ginagawa. Nananahimik nga ako dito." I pouted and crossed my arms. Tuleg 'to!


Hindi siya sumagot. Bumaba na lang siya sa sasakyan niya at pumasok doon sa bahay. Agad akong humabol sa kanya.

"Care to explain what you're talking about? Paano ako naging annoying e ang behave behave ko nga! Huy! Hubby!"


He took his jacket off and grabbed a ball on the side. Then he went to the backdoor.

Bahay niya 'to? Bakit walang katao tao? Where's his parents?


Maglilibot sana ako nang marinig ko ang dribble ng basketball sa likuran ng bahay. Agad akong pumunta doon upang makita kung ano ang ginagawa ni Russell.

"W-wait, you have a court behind your house? Whoah!"


Napangiti ako nang ma-realize na gusto niya ng solo time kaya kami nagpunta dito. He doesn't want to practice at school because dozens of girls will watch him. Gusto niya ako lang. HEHEHE.


"Ikaw ha, dumadamoves ka ha!" I giggled and sat at the chair on the side.

"Hey!" pagsuway niya. Napatayo ako ng 'di oras. "You're here to train with me."

"H-huh?"


Bigla niyang hinagis ang bola sa akin at muntikan na iyong tumama sa mukha ko. Mabuti na lang ay nasalo ko.

"Good. You can catch one. Now throw it to me."


I frowned but did what was told. Pagpasa ko sa kanya ng bola ay shinoot niya iyon sa ring. I jumped and clapped my hands.

"Galing!"


He frowned. "Pick the ball and throw it again."

"Right!" I ran across the court and repeated what we did. Sa pangalawang pagkakataon ay nai-shoot niya na naman iyon ng walang palya.


"Where'd you learn how to play basketball?"

"Rule number one."

Sumimangot ako. "Okay, sabi ko nga hindi na ako magtatanong. Master Sungit!" I whispered.

"Excuse me?" Tinaasan ko lang siya ng kilay bago ako tumakbo at kinuha ang bola. "Master Sungit?"

Ay pucha ka, narinig.


"Joke lang hubby. Oh!" Hinagis ko ulit ang bola at sinalo niya iyon ng walang kahirap-hirap.

I was enjoying it at first until I felt exhausted. I thought we were only going to do it a couple of times pero paulit-ulit niya akong inuutusan na kunin ang bola at ihagis iyon sa kanya. Patakbo takbo tuloy ako hanggang sa hindi ko na kinaya. Lumuhod ako at hapong-hapo na tumigil.


"Did I say you can take a break?"

I lifted my head and sat comfortably on the ground. "Did I say you can kill me? Myghad, Russell, ang gusto ko cuddle, hindi murder. Teka lang naman. Nakakapagod! Baka bigla na lang tumigil ang tibok ng puso ko dito, bahala ka."


He walked towards me but stopped a few feet away. "I thought you can do anything for me?"

"Oo nga pero magpapahinga naman ako kahit saglit lang. Masyado ka namang masipag! I'm not an athlete like you. Tsaka tingnan mo nga, anong oras na! I should be back at the campus by now."


Saktong sakto, biglang tumunog ang phone ko. It must be Ron waiting for me.

"Again!" Russell shouted.

"Sasagutin ko lang ang tawag---"

Hindi na siya nagsalita. Tumalikod na lang siya at bumalik sa pwesto niya kanina. I groaned but I knew, this is part of being his wife---este, assistant.


Umirap na lang ako sa kanya at tumayo na rin ulit. "Kiss mo 'ko after ha!"

"Faster!" he angrily shouted.

"Ay wild. Gusto ng fast!" Tumawa ako ng malakas habang tinitingnan niya ako ng masama.

I threw the ball to him again and secretly wished it'd hit his face so he'd sleep and this would all be done. Pumasok pa sa isip kong mapapahiga siya at may mga ibong lilipad paikot sa ulo niya. 'Yung katulad sa cartoons. Napahagikgik tuloy ako sa kalokohan ko.


"SAB!" I heard Russell called but it was too late. Pagangat ng mga mata ay tumama na sa ulo ko ang bola. Napaupo ako sa lakas no'n.


"ARE YOU BLIND?" galit na tanong niya ngunit lumuhod din naman siya sa harapan ko at tiningnan ang ulo ko kung may sugat ba iyon. I blushed as he touched my face with both his hands.

"Ha? Ano? Sino ka? Nasaan ako? Bakit ako nandito? Crispin? Basilio? Mga anak ko?"

He sighed. "You're fine. Thank goodness."


Tumayo siya at inilahad ang kamay niya. I grabbed it and allowed him to pull me up.

Pumikit pa ako dahil akala ko hahalikan niya ako pero bumuntong hininga siya kaya nag-pout na lang ako.


Hinawakan ko ang noo ko at hinimas himas iyon. "Sakit ha..."

"Maybe we should go to the hospital---"

"Ay, ang OA? Keri na, pagkain lang katapat nito. May milk at chocolate ka ba diyan? I'm craving for that hehe."


Hindi siya umimik, tinitigan niya lang ako maigi.

"Bakit? Ay oo nga pala, bawal magtanong. Tss."


He blinked and exhaled. Tila bigla siyang bumalik sa realidad. I wonder what was he thinking...

"Are you sure you're okay? Hindi ka ba nahihilo?"

"Worried ka? Yieee. Kiss mo na lang noo ko. Bilis."


He just frowned and suddenly left me. Bumalik na siya sa loob ng bahay kaya naman sumunod ako sa kanya.

"Saan ka punta?" pangungulit ko. "To the moon? Roadtrip? Vroom vroom?"

"I'll just take a shower then we can grab a food outside," He muttered.

"Magluto na lang ako, gusto mo?"

"No. My Mom's going to be home in a few. We have to leave by then."

Magtatanong pa sana ako kung bakit pero umakyat na siya sa taas.

Ayaw niyang makita mama niya? Or ayaw niyang malaman ng mama niya na may love life na siya? Why can't we wait for her para naman mapakilala niya na ako?

Sabagay, hindi ako nakaayos ngayon. Hindi ito ang tamang outfit para sa meet-the-parents event.


I just shrugged it off and went to the kitchen to get some water. Sobrang uhaw na uhaw ako halos maubos ko ang isang pitsel ng tubig na nasa ref nila. Nang makainom na ako ay umupo lang ako sa may bar counter at hinintay si Russell matapos sa pagligo.

Sana in-invite niya na ako, willing to join naman ako.


Na-bored din ako pagkatapos ng ilang minuto kaya nag-decide akong pumunta sa sala. Naghanap ako ng picture frames ngunit ni isa ay walang naka-display.

Weird naman ng bahay nila. Kaka-move lang ba nila dito?


I opened the glass cabinet on the side and smiled when I saw a photo album.

"Jackpot!"


I was about to get it when I heard Russell's footsteps on the stairs. Agad kong sinarado ang cabinet at humarap sa kanya.

"What are you doing?" nagtatakang tanong niya.

"Nothing."

Hinablot niya na ang car keys niya at naglakad palabas. Naka-gray shorts lang siya at black T-shirt pero jusme, naguumapaw sa kagwapuhan! Ang fresh fresh pang tingnan, hindi katulad ko na mukha na sigurong basahan. Pawisan pa rin kasi ako.



"Uhmmm Russell?" Sasakay na sana siya sa kotse niya nang magsalita ako. He glanced at me and waited. "Pwede makihiram ng T-shirt? Basang basa na kasi itong suot ko."

Huminga siya ng malalim at tumango. "Go upstairs, second room to the right."

"WAIT TALAGA, PAHIHIRAMIN MO 'KO?"

"Ayaw mo?"

"GUSTO! Oh my gosh!" Sobrang laki ng ngiti ko nang tumakbo ako paakyat papunta sa kuwarto niya.


Kilig na kilig ako dahil pakiramdam ko magjowa kami.

I'm going to wear his shirt!!! His shirt with his scent on it! Ahhhh!!!





Russell's POV


Napangiti na lang ako dahil para siyang kiti kiting nagtatakbo paakyat. Hilarious.


Sumakay na ako sa kotse at hinintay siya doon. Ayoko sanang pahiramin siya ng gamit ko ngunit naawa naman ako sa itsura niya. She's so drenched on sweat.

Originally, my plan is to make her suffer in order to get my revenge. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang ginawa niyang pagtu-tweet sa nakita niyang pagiyak ko sa library. Plus I am more irritated now that she has to be with me all the time.

Kaso aksidente ko siyang natamaan ng bola sa ulo. If that didn't happen, we'd still be playing until my Mom arrives. Though I hate when she sees me at home cause she tends to baby me like I'm still in grade school. That is one of the many reasons why I asked her to buy me my own apartment.

Next time ko na lang siguro pahihirapan si Sab.


Nainip na ako kaya binusinahan ko na siya. In just a few minutes, she's already running towards my car. I smiled at her panicked face. Naghilamos pala siya at mukhang hindi pa napupunasan ang mukha nang magtawag ako. She knew I'd be mad if she made me wait.


Pagsakay niya ng kotse ay inalis ko na ang ngiti sa mukha ko. I handed her my box of tissue so she can wipe her face.


"Thanks hubby. Okay lang ba 'tong T-shirt na 'to? It was the first shirt I saw when I opened your drawer." Black rin ang kinuha niya at halata namang ginawa niya iyon upang pareho kami ng suot ngayong gabi. She's trying so hard to stop herself from grinning.

Tumango na lang ako at nag-drive na. I pretended not to know the truth since it won't make any difference. It's not a big deal anyway.


On our way back to the campus, her phone suddenly rang. I bet it's Ron again. Kanina pa 'yon nangungulit kay kulit.


I kept my eyes on the road and waited for Sab to answer her phone but she didn't. Tiningnan ko siya saglit at nagulat ako nang makitang nakapikit siya.

Wait, she's sleeping already? Ang dami pa nitong energy kanina ah!


Bigla tuloy akong na-guilty dahil pakiramdam ko pinagod ko siya ng sobra. Naubos yata ang lakas niya kakatakbo sa court.

Oo nga pala. She's not like me. She's a girl and she's not athletic.


"Sorry," I murmur in a low voice before I headed to the drive-thru. Bibilhan ko na lang siya ng dinner pagkatapos ay ihahatid ko na pabalik ng campus. Lee told me Sab's staying at the dormitory.


Ring pa rin ng ring ang phone ni Sab kaya kinuha ko na iyon mula sa bag niya at sinagot ang tawag ni Ron. Ang ingay kasi, naiirita na ako.


"Hey, kanina pa ko tumatawag. Why aren't you answering your phone? Can we meet now---"

"Pabalik pa lang kami at bukas mo na siya yayain dahil pagod na siya. Bye."

I placed Sab's phone back to her bag. It felt good now that the only noise inside my car is the music playing.


Wait, why the heck did I say all those words to Ron? Bakit ba ako nagmamalasakit sa babaeng 'to? Tsss. Dapat nga matuwa pa 'ko kung mahirapan siya.


Sab's POV


"And one large iced tea."

Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Russell. I slowly opened my eyes and watched him order our dinner.

Akala ko ba kakain kami sa labas? Bakit nag-drive thru na lang siya? Aww. Mukhang gusto ni hubby, sa bahay na lang niya kami mag-stay. Emeghed.


Instead of telling him I'm already awake, I shut my eyes again and pretended to be asleep. Gusto ko lang makita kung matutupad ba ang isa sa mga fantasies ko na iki-kiss niya ang cheeks ko bago ako gisingin. Hehehe.


I waited till the car stopped then I heard a noise. It looks like Russell already unbuckled his seatbelt.

Shet, eto na!


"Sab---" He was interrupted when his phone rang. He sighed and answered it.

Ano ba 'yan. Sino ba ang istorbong 'yan?


"Russ?"

Wait lang. That's a girl's voice. Who is calling my hubby tonight?



"Hmmm?" tamad na sagot ng asawa ko.

"I just got out of my practice. Are you still at school? Do you want to grab dinner together?"


Is that AGATHA?! It must her! Kaboses e!


"I already bought a burger..."

Minulat ko ang isang mata ko at sinilip si Russell. Very good ka ha. Tama 'yan. Turn her down!


"That's not dinner, that's a snack. And it's not good for your health."

Hoy, pwede namang dinner ang burger! Arte neto!


"Fine."

"Okay, I'm at the cheerleading base. I'll wait for you here."


I frowned but I couldn't say anything. Ayoko namang malaman ni Russell na nakikinig ako sa usapan nila. I closed my eyes again and forced myself not to pout.


"Hey." Tinapik niya ang braso ko ngunit hindi ako gumalaw. "Sab, wake up. Now."

Wow, pati sa paggising sa'kin, very bossy pa rin. Kakaloka.


Sa pangalawang pagtapik niya ay dahan-dahan na akong umakto na kakagising ko lang. I even stretched my arms and looked outside the car window as if I wasn't aware that we're already here.


"Oh." Ibinigay niya ang isang paper bag sa akin. I looked inside and there's a burger, fries and iced tea there.


Tiningnan ko siya at imbis matuwa ako ay nalungkot pa ako.

I hate that he's going to meet another girl after me. If only I could tell him not to, I will.


"What?" He demanded.

Umiling lang ako at bumaba na ng kotse niya. Without saying anything, I walked away. Narinig ko na lang umalis na siya.


I looked back and watched him drive away.

Nakakainis. Wala naman akong karapatan magselos dahil hindi naman kami pero 'yon ang nararamdaman ko. He's so chill with Agatha. He seems to really care about her. Samantalang ako, panay pagsusungit ang pinapakita niya sa'kin.

Kung pwede lang kita i-uncrush, ginawa ko na. Kaso wala e. Ikaw talaga ang gusto ko, Russell. Ikaw ang gusto ko kahit na may Agatha ka na.


*End of Chapter 14*

Continue Reading

You'll Also Like

193K 9.3K 46
They say "The higher you build walls around your heart, the harder you fall when someone tears them down.",. And that's exactly what happened.
6.1M 145K 35
[MAKE DUOLOGY #2] When it comes to love, there are no boundaries. You can love your past back when you feel like it. Masama na bang magmahal ng iisan...
2.6M 30.8K 51
C O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story bet...
6.4M 125K 44
Zade does not believe that first love never dies. For him, no matter how fervent love is, if you don't nurture it, you'll eventually fall out of it...