Kahimanawari, Diwa

By likhiraya

1.8K 200 15

"At sa mga susunod na pag kumpas ng oras, sana matagpuan kita muli sa kung saan nag wakas." 2kim More

00
00.1
01
02
03
04
05
06
08
09
10
11
12
13
14
15
epilogue.

07

79 10 0
By likhiraya





After so many telenovelas and pocketbooks where I've only seen tanan, I wasn't expecting na mayayaya rin talaga ako sa totoong buhay.

And from someone I'm not even dating!

"Nahihibang ka na ba?" Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya dahil napalakas ang boses ko. There are still people roaming around but naco-conscious ako sa kamay niya na nasa mukha ko. Gaano ako ka-sure na malinis ang kamay niya?

"Makinig ka," inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. I just stopped breathing with how close we are, lalo pa siyang naging close. "Mag-usap tayo matapos natin tumakas dito."

I even forgot she was on top of me. Na-realize ko lang when she slowly stood up and helped me get up as well.

Hawak niya ang kamay ko habang dahan-dahan kami na papunta sa direction ng same wall na pinag pasukan ko. There was a tree near the wall that helped us climb and to get out of their house.

Agad niya akong hinila at patakbo kami na lumayo sa bahay nila. The surrounding was dark and my eyes haven't adjusted yet but Tala seems to memorize the road even with her eyes closed.

Nakatingin lang ako sakanya buong minuto na puro lang kami takbo.

How many times has this happened that she already memorized her way out . . .

Parehas kaming hingal when we finally stopped running. This feels far from their house, but near to where I'm currently staying. Confirmed, Tala memorizes this island like the back of her hand.

I was taken aback when she suddenly knelt in front of me and checked on my feet and reached to check my arms as well.

"Mukhang may mga sugat ka dahil sa iyong pag bagsak kanina," she said. She looked at me with a worried face. "Paumanhin at nadaganan kita."

I didn't say a word, I just looked at her face that I can now clearly see with the help of the moon.

"Sa tingin ko ay mas dapat natin na pagtuonan ng pansin ang mga sugat mo, Tala."






Kinalkal ko pa lahat ng maleta ko para lang makita kung may dala ba ako na first-aid kit but I think I haven't thought of emergency moments and just trusted myself na hindi ako mapapahamak.

"Tala, I'm sorry-" Natigilan ako nang pag lingon ko ay nakatapis na lang siya ng tela habang pinupunasan ang sarili gamit ang basang tela at maligamgam na tubig na nakalagay sa maliit na planggana.

"Halika at linisin din natin ang mga sugat mo sa braso, Luna," yaya niya pa. No fucking way I'll let her mend me half naked!

"A-Ano," napalunok ako. "Kaya ko na ang sarili ko."

Tumango siya at ipinagpatuloy ang ginagawa at ako naman ay nag kunwari na lang natatagalan na mag hanap ng susuotin na damit dahil hindi pa rin siya tapos sa ginagawa niya. Hello? Ayaw ko nga na mag sabay kami sa ganitong situation!

Napalingon lang ako ulit sakanya when I heard her hiss a little. I gasped when I saw her slowly taking off the linen in her back, and there, I saw the worst part of her wounds.

"Tala, sino ang may gawa nito?" Nag-aalala na tanong ko when I approached her to check on her wounds. Fuck myself for not bringing a first-aid kit with me!

Hindi siya sumagot and just looked at me with a smile on her lips and pain in her eyes. "Huwag mo akong alalahanin, Luna. Gusto mo ba na mauna ka nang mag punas at-"

"Lilinisin ko ang sugat mo," pag putol ko sakanya. Kita ko na balak pa sana niya na mag reklamo pero dali-dali ko na inagaw ang tela na hawak niya tiyaka nilinisan para sure na malinis ang ipang lilinis ko sa sugat niya.

Tahimik lang kami while cleaning her wounds. I'll usually be frowning sa pandidiri kung makakakita ako ng ganitong wound but I'm seriously focused on cleaning it. I'm worried, thinking about how much pain Tala must be feeling right now.

Physically and mentally.

Sinira ko ang isa kong dress na mukhang magandang pambalot sa sugat niya. Tinapal ko 'yon doon since wala kaming resources.

"You do the rest," saad ko at nag-iwas tingin.

"Anong ibig mo-"

"Ikaw na ang mag balot sa sarili mo, Tala," iwas tingin pa rin na saad ko. No way I'm covering her up, including her bust!

I heard her giggle, followed by silence. She must be covering herself up now.

"Maaari ka na mag linis, Luna. Kukuha pa ako ng tubig sa balon."

Nilingon ko na siya at nakatayo na siya, hawak ang spare planggana made of wood. Kumuha muna ako ng pamalit na damit sa maleta tiyaka naupo para mag punas din. Gusto ko sana mag shower pero wala namang kashower shower dito!

Agad din siya na dumating, bitbit ang planggana na puno na ng tubig. Nilatag niya 'yon malapit sa akin para magamit ko.

I don't really mind going half-naked or even naked in front of other girls, especially since I need help wearing some clothes during some shoots but right now, pakiramdam ko ang bastos bastos ko tignan. Mahinhin ang bawat galaw ko, and my hands are making sure I'm well covered enough.

"Mag- Magbibihis ako," saad ko.

Tumango at ngumiti siya tiyaka tumalikod. Nagmamadali naman ako na nag bihis dahil baka bigla siyang lumingon.

I scoffed to get her attention after ko mag bihis pero hindi siya lumingon. "Tala, tapos na ako." And that's when she turned to face me.

Good to know na hindi siya maninilip.

"Mahiga ka na, Luna," nakangiti na saad niya habang nag aayos ng latag sa sahig.

"How about you sleep beside me?" I suggested.

"Hmm?" Marahan na tanong niya. Please, she looks so gentle. . . I want to take care of her.

What am I even saying?

"Tumabi ka sa akin sa pagtulog."

Ngumiti siya. "Ayos lang ako, Luna-"

"Hindi. Ayoko na matulog ka sa sahig sa ganyang sitwasyon."

Tumango lang siya at ngumiti.

Sabay namin na inayos ang paghihigaan namin in the most comfortable way. Nauna ako na mahiga so I guided her to position herself sa kama na hindi niya mababagsak ang likod niya.

Tumalikod siya sa akin. I just stared at her back for a few minutes.

"Tala."

"Hmm?"

"Bakit hindi ka humarap sa akin?"

Saglit na nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin and that made me brush my face with my palm. Nakakahiya ako lately!

Pero dahan-dahan siya na humarap sa akin, smile still plastered on her lips.

"Hindi mo naman agad sinasabi na gusto mo pala na makita ang aking mukha sa iyong pagtulog, Luna."

I can feel my face heating up. I moved away and covered my face with my hand.

"A-Ano bang sinasabi mo?"

Nakita ko ang ngiti sa mga labi niya nang sumilip ako kaya nag-iwas ulit ako ng tingin. Why is she more attractive these days?! At bakit obvious na obvious that I'm getting attracted to her?! What if isipin niya na easy to get ako? 

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," bigla niyang saad that made me slowly move my hand away from my face.

"Ano iyon?"

"Gusto mo ba mag tanan?"

Nahampas ko siya sa braso. I saw a hint of pain in her when I did that but she still managed to smile and giggle. Oh my, I forgot she has bruises everywhere. 

"Ano bang naiisip mo at gusto mo makipag tanan? Alam mo ba ano 'yon? Hindi nga tayo magkasintahan," I said, avoiding eye contact. It still feels weird na niyaya niya ako ng tanan, but why do I also feel excitement, like???

"Huh?" Takang tanong niya.

I knew it. . . she has no idea what she's saying.

"Ayon sa aming kasama sa bahay, kung gusto ko na makatakas sa aking ama, yayain ko raw magtanan ang dalaga na palagi ko na kasama."

"Dalaga na palagi mong kasama?" Pag-uulit ko. 

Why am I disappointed? Why am I feeling jealous?! 

Inosente siyang tumango tango.

"Sino ang dalaga na palagi mong kasama?" Tanong ko pa. And I thought I was the one who was always with her! Multitasker pala 'tong babae na 'to.

Kunot noo siya na napatingin sa akin. "Ikaw lamang ang kinikita ko, Luna."

Girl. . . that sounded like some sinaunang cheater na kino-convince ang 'kasintahan' niya na hindi siya nakikipagkita sa iba. Though. . . I'm convinced.

"Para sa magkasintahan ang pagtatanan, Tala," I said, trying to make her understand. She looks too innocent and confused. I saw her lips part, looking more confused.

"Mukhang mahirap 'yan. Hindi bale na, isasama na lamang kita sa oras na umalis ako sa isla."

She didn't even thought na we're both girls and it's impossible to date, and I'm here, whole body going crazy, thinking she'd say we should date then or just react like a homophobe. I'm not even sure with my identity anymore!

Ngumiti siya sa akin bigla na lamang hinawakan ang pisngi ko. I can feel my face heating up again.

"Magkasama tayong magiging malaya, Luna. Kahimanawari."



Continue Reading

You'll Also Like

21.9K 1K 16
a tagalog crack fic about the sana x tzuyu family, featuring kang hyewon, kim minju, and yang jeongin. Β© hansolplum 2021. we deserve a little comedy...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...