When A Rebellious Heart Chang...

By Felixxedad

6.3K 306 37

Astraea Felisse Galve, the rebellious girl of Manila will transfer to Esmeris National Highschool, a troublem... More

WORK OF FICTION
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44

KABANATA 40

103 6 0
By Felixxedad

When A Rebellious Heart Changed

Kabanata 40

"Honey... Wake up."

I can't help not to hummed when I felt Rance hot breath in the back of my neck. Sumisiksik ako lalo sa katawan niya at muling natulog.

"Babangon na ako, I need to cook our breakfast..." bulong niya muli.

I nodded on that. I felt his smile and kissed my shoulder before he get up. Inayos niya ang pagkakahiga ko at kinumotan ako.

"Sleep more, I'll wake you up later..."

"Okay..." humigpit ang yakap ko sa kumot hanggang sa maramdaman ko ang pagtayo at paglabas ni Rance sa kwarto.

I open my eyes and looked at the door. Bumuntonghininga ako. This is the first day. Muli ay pumikit ako, dahil sa puyat kagabi ay muli akong nakatulog.

Tulad ng sinabi ni Rance ay bumalik siya ng kwarto matapos niya magluto. Mabuti nalang gising na ako at nakamasid na muli sa balkonahe. Mas maganda sa umaga ang tanawin bagkus malamig at mahamog pa kitang-kita naman ang pagsikat ng araw. Sayang nga lang dahil hindi ko nakita mismo ang sunrise.

Habang nakamasid ay naramdaman ko ang dalawang braso na yumakap sa likuran ko.

"Breakfast is ready, honey..." ani Rance habang nakayakap sa akin.

"Tomorrow, I'll wake up early to watch the sunrise..."

"If that's what you want, I'll wake you up."

Tumango ako at ilang minuto pa kaming tumambay ni Rance sa balkonahe habang nakayakap siya sa akin sa likuran. Hanggang sa ipangko niya ako at dalhin sa kusina.

Parang hinuhukay ang tiyan ko sa biglaan niyang pagkarga sa akin. Gosh! I can walk. Hindi ko akalain na pwede siyang maging ganito ka sweet. A months ago, he just used to hold my hand.

Inupo niya ako sa isang silya at sinimulan ng pagsilbihan. As always, siya ang unang naglalagay ng pagkain sa plato ko bago sa kanya.

"Nextime, you don't need to carry me here. Masyado mo akong ginagawang baby..." pabiro ko sa kanya at nagsimula ng kumain.

"You're always be my baby, honey. Only you," he winked again.

Shocks! He did that again. Bakit sa isang kindat lang e parang matutunaw ako.

"Kumain ka nga!" kunwaring singhal ko sa kanya.

Mahina siyang tumawa at nagsimula na 'rin kami kumain. I enjoyed the breakfast with him. Panay ang kwento niya tungkol sa bahay na tinutuluyan namin ngayon.

"There's a villagers here?" gulat na tanong ko. Buong akala ko ang private property na ang lugar na ito.

"Yup, nasa ibaba sila. A bit walk and you can meet them. Mababait sila lalo na si Lola Juana," masayang turan ni Rance.

"Kailan ka pupunta 'ron?" tanong ko agad.

"Maybe, later. Nakapangako kasi ako sa kanila na tutulong sa ginagawang kubo ni Makoy."

"Makoy?" tanong ko muli.

"Ah, si Makoy, yung binatang tinuruan ko noon dito bago ako tuluyang maging CEO ng kompanya namin. Magkakaroon ng bayanihan sa paggawa ng tahanan para sa bubuoin niyang pamilya."

"Bayanihan? Uso pa pala 'yon..."

Mahinang natawa si Rance. "That's why I love to go here. People here are pure and full of love. Kaya dito talaga ako nakakapagpahinga kasama sila."

Hindi ko maiwasang maging masaya sa buhay ni Rance dito. Kahit na kailan ay hindi nawala sa ugali niya pagiging matulungin at masiyahin. Mahilig magpahalaga sa simpleng bagay at marunong makipag-kapwa tao.

He's kind and pure, too. Hindi kailanman yata nagalit ang lalaking 'to. Maliban noong isang gabi, before he dragged me here. Natakot ako sa kanya noon, e. Sabagay kung hindi niya naman ako kinidnap ay hindi niya ako madadala rito.

"What are you thinking?" biglang tanong ni Rance ng mapansin siguro na natigilan ako.

"Can I go with you, later?" tanong ko sa kanya.

"Of course! I won't leave you here. Gusto ko na makilala mo ang mga taong naging pamilya ko rito."

We nodded to each other before we continue our breakfast. Nang matapos ay nagpresinta na ako ang maghugas ng pinggan ayaw pa sana ni Rance pero nagpumilit ako.

"Maligo kana at ako na ang bahala sa mga hugasin," sabi ko habang tinutulak siya paalis ng kusina.

"Are you sure?" tanong niya pa.

"Yup!" tugon ko at pumunta na sa lababo para maghugas ng pinggan.

Lumapit sa akin si Rance at biglang hinalikan ang leeg ko.

"Thank you, hon..." aniya bago tuluyang umalis ng kusina.

Tila nanlambot ang tuhod ko at muntik na mabitawan ang hawak na baso at sponge. Hindi ko maiwasang mahinang mapatili.

Bakit sobrang sweet mo, Rance!

Kinalma ko ang sarili at nagpatuloy na sa paghuhugas ng pinggan. Shit! Para ka'ng tanga, Astra.

Hindi naman ako nagtagal sa paghuhugas ng pinggan kaya ng matapos ay pumunta ako sa kwarto para ihanda ang isusuot kong damit.

I wonder, what is the clothes Rance brought for me? Siya ba talaga ang bumili ng mga damit? Lumapit ako sa cabinet at binuksan iyon.

Great. A lot of dress. Bakit naman dress ang mga binili niya?

Bumuntonghininga ako. Kinuha ko ang isang yellow spaghetti dress. Medyo mahaba ito kaya mas nagustuhan ko. Sabi ni Rance pupunta kami sa mga tao sa ibaba kaya napili ko itong medyo may kahabaan na bestida.

Tumingin ako sa ibaba ng cabinet at nakita ko ang mga damit ni Rance. What's with him? Bakit hindi niya sinabit ang mga damit niya. Puro mga damit ko lang.

Dahil hindi pa naman tapos si Rance sa pagligo ay minabuti ko na ayusin ang mga damit ni Rance sa cabinet. Tiniklop ko rin ang mga shorts at ibang mga tshirt niya na hindi ko naisabit.

I can't help not to smiled. So, this is how couple live? Para kaming mag-asawa na bagong kasal. Shit! Ganito kami sa tatlong araw? Tutulog na magkatabi at gigising na magkayakap. We're eating breakfast, lunch and dinner together. Laging panonoorin ang magandang tanawin sa gabi at umaga.

Lalong lumawak ang ngiti ko. I never felt this before. Sabagay, I never dated anyone for past six years. Si Rance lang naman ang hinayaan kong mahalin ako. Even in the time when I was a rebellious. Wala akong sineryoso sa mga lalaking nagkakagusto sa akin. Hindi naman kasi nila kaya ang katigasan ng ulo ko.

Si Rance lang noon ang nakapagpatiklop sa akin. Kaso...

"What are you doing, honey?" napabalikwas ako sa ginagawa ko ng marinig ang boses ni Rance.

Napalingon ako kay Rance na kalalabas lang ng banyo. I gulped when I saw his body with a towel covering his lower body. He doesn't wipe his body fully. May nakikita pa akong butil ng tubig na tumutulo mula sa buhok niya.

Shit! Kung guwapo siya noon mas hot at guwapo siya ngayon!

"Honey, are you alright?"

I blinked my eyes twice and for the last time I gulped. Lumapit sa akin si Rance, napahawak ako sa pintuan ng cabinet lalo ng mas lumapit sa akin si Rance. He touched my cheeks with his cold palm.

"Astra..." tawag niya sa akin.

Tumingin ako sa mukha niya, "B-Basa ka pa..."

Nagtagpo ang mga mata naming. He's inch away from. Konti nalang ay maglalapat na ang mga labi namin. Napalunok ako. Hahalikan ba niya ako? Shit! Kailangan ko'ng umiwas. Pero...

"You can take a bath, Astra. I'm done."

Napakurap-kurap ako at biglang pinamulahan sa ibang naisip ko. Dahan-dahan akong umalis sa harap ng cabinet at kaagad na nilagpasan siya. I left him and take the towel with me in the bathroom.

The first thing I do when I enter the bathroom is shut my eyes tightly and silently scream.

What the hell is that, Astra? May naiisip ka ba na gagawin sayo ni Rance dahil sa ayos nito. You can't blame me! He's so hot with his half naked. It's not new to me, I've met a lot of boys in America and Rance can beat them when it comes to have a hot body.

"Calm down..." pagpapakalma ko sa sarili ay nagsimula ng alisin ang aking suot na bestida.

Pilit kong kinalimutan ang gwapong mukha ni Rance at sineryoso ang paliligo. Seriously? Ako ata ang mababaliw kay Rance sa loob ng tatlong araw. Halos isang oras akong nasa banyo at kahit tapos na ako maligo ay nagtagal pa ako. Ayaw kong maabutan si Rance pagkalabas ko. Pakiramdam ko ay alam niya ang makamundong iniisip ko kanina.

Though... I'm not kid anymore. We're both adults. Kaya...

Muli akong umiling at bumuntonghininga. I should get out of here, mas maraming bagay akong naiisip kapag mag-isa sa malamig na banyo na ito.

Thankfully, Rance is already left the room. Inayos ko ang aking sarili sa harap ng tokador pero wala masyadong gamit. It's just powder and lip balm. Well, it's good to be natural. Pagkatapos ayusin ang aking sarili ay lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si Rance na nasa sala at nakaupo roon tila naghihintay sa akin.

"Rance..." tawag ko rito, he looked at me and smiled.

"You, done?" tanong nito.

I nodded, he went to me while intently looking at me. Nahihiya ako sa paraan ng pagtitig niya.

"Bakit dito ka naghihintay?"

"It's more safe-I mean, may ginawa 'rin ako... anyway, you're so beautiful..."

"Thank you..." I smiled.

"Ahm, let's go? The villagers are waiting for us," kayag niya sabay hawak sa kamay ko.

Hinila niya ako palabas ng bahay at naglakad na pababa ng bundok. Hindi naman masyado matarik ang binabaan namin sakto lang para hindi kami madapa, but it looks like that Rance already used to the rough road. Samantalang ako, pinipigilan lang ang sarili na huwag matapilok. Nagpapasalamat nalang talaga ako dahil nakaalalay si Rance sa akin hanggang sa patag na daan.

Huminto kami sa isang bukana at doon ay nakita naming ang mga taong sinasabi ni Rance na nakatira sa ibaba ng property nila. A little boy is the first person who recognize us and wave his hand.

"Kuya Rance!" tawag ng bata kay Rance.

"That's Hansel, Makoy's little brother..." pakilala sa akin ni Rance sa bata.

"Papa, Kuya, andito na si Kuya Rance!"

A little boy approached us with two men. Nakangiti ang tatlong tao na nasa harapan namin.

"Magandang umaga po, Sir Rance. Kumusta po?" Bati ng medyo may kaedaran na lalaki.

"Kuya Rance, Magandang umaga!" turan naman ng isang lalaki na siguro ay kasing-edad ko. He must be Makoy. Then, Hansel the little boy also greets us.

"Magandang umaga po, Mang Willy, Makoy. Ayos naman ako, pasensya na at ngayon lang ulit ako nakabisita."

"Ayos lang 'yon, sir Rance. Sakto nga at ikakasal na itong si Makoy sa susunod na araw."

"Kaya nga po, tutulong 'din ako sa pag-aayos rito. Sabihan niyo rin po ako kung may kailangan sa kasal, handa po akong tumulong..."

"Maraming salamat, Sir Rance! Pero sapat na po yung tulong na binigay mo sa akin noon," ani Makoy na malawak ang ngiti.

After that encounter, the villagers also notice us and greets us in chorus. Napapangiti naman ako sa tuwing tumatama ang tingin nila sa akin. Lalo na sa magkahawak namin na kamay ni Rance, siguro'y naiintriga.

Sino ba ang hindi? Their Sir Rance brought woman in their village. Nakakagulat ba 'yon? Oh, maybe because I am the only one, he brought here?

Di ka sure, Astra...

"She's Astra, my girlfriend..." pakilala sa akin ni Rance sa mga tao 'ron.

Kaagad na kumantyaw ang mga villagers sa amin lalo na si Makoy.

"Mukhang may susunod na sa akin, ah! Hindi namin alam na may kasintahan ka pala, Sir," tila nagbibiro ang tono ni Makoy.

"Ano ba ang akala mo kay Sir Rance, syempre mayroon 'yan. Napakaganda pa..." ngiti sa akin ng isang ginang, ipinakilala ito sa akin ni Rance kanina, her name is Aling Helen.

"Osya, tayo'y sumilong sa aming kubo at medyo tirik na ang araw..." kayag ni Mang Willy sa amin sa loob ng isang malaking kubo na nasa sentro ng village.

Naabutan namin doon ang isang matandang babae na may kasamang iilang kababaihan tila naghahanda sila ng pagkain.

"Lola Juana!" tawag ni Rance sa matanda na kaagad napukaw ang atensyon nito. Tumingon ito sa amin at malawak na ngumiti.

"Rance, apo! Narito ka..." turan ng matanda. Nagmano si Rance sa matanda at ganoon din ako dahilan para bahagyang magtaka ang matanda.

"Sino naman itong magandang dalaga na kasama mo, apo?" tanong ng matanda kay Rance.

"Siya po si Astra, kasintahan ko po..." pakilala sa akin muli ni Rance.

Lalong lumawak ang ngiti ni Lola Juana at kaagad na lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Masaya akong makilala ka, Astra. Ako nga pala si Lola Juana, ang lola ng village na ito..."

"Masaya 'rin po ako, Lola Juana na makilala kayo..." muli akong ngumiti sa matanda at ganoon din ito sa akin.

Hindi rin nagtagal ang mainit na pagsalubong na iyon sa amin dahil kaagad na umalis ang mga kalalakihan para magbayanihan sa paglilipat ng bahay ni Makoy. Ako naman ay naiwan sa kubo at tumutulong sa paghahanda ng pagkain, though I am not sure kung nakakatulong ba ako.

"Taga-Maynila ka 'rin ba, hija?" tanong ni Lola Juana.

"Hindi po, sa America na po ako nakatira at narito para po sa isang proyekto..." sagot ko, napatingin ako sa matanda na nakangiti sa akin na tila may hinihintay pa na sagot. "At kay Rance..."

"Kung ganoon, paano kayo nagkakilala?" usisa pa nito.

"Estudyante po niya ako noong guro pa siya..." tipid na sagot ko. Ngunit kagaya kanina ay tila naghihintay pa ng sagot si Lola Juana.

"Tapos, nang umalis ako para pumunta sa ibang bansa para doon magpatuloy ng pag-aaral ay naiwan ko siya rito, pero wala po kaming kahit anong relasyon noon, it's forbidden. Pagbalik ko, nagkita kami muli, tapos-

"Naipagpatuloy niyo na ang inyong pagmamahalan at magkasama na kayo ngayon?" tanong ni Aling Helen, nakikinig din pala sa usapan namin.

"Ah, opo..." sagot ko nalang para matapos na.

"Napakaganda ng love story niyo, Astra. Kinikilig tuloy ako!" Ani Melda, ang mapapangasawa ni Makoy.

"Magtigil ka nga, Melda! Hindi kana teenager, mag-aasawa kana..." suway ni Aling Helen rito.

"Si Inang naman..." nakangusong turan ni Melda.

"Congratulations pala sa nalalapit mong kasal, Melda. I'm happy for you," ngiti kong bati rito. Malawak na ngumiti siya sa akin.

"Huwag kayong mawawala ni Sir Rance sa kasal ko, ah?"

"Uh, sa isang araw na ba?"

"Oo, kaya aasahan namin kayo..." aniya.

Marahan akong tumango bigla ay naisip ko na araw ng kasal nila Melda at Makoy ay ang ikatlong araw ng aming usapan. Pinilit kong alisin sa isip ang maaring mangyari pagkatapos ng aming kasunduan.

Ilang oras pa kami nasa loob ng kubo at maraming usapan na nakakatawa dahil sa pagiging komedyante ni Melda. Nagkuwento pa ito ng tungkol sa love story nila ng mapapangasawang si Makoy at kitang-kita ko kung gaano siya ka-inlove rito.

They even try to dig deeper to get any information about me and Rance. I can't tell everything, though we've been apart for six years, mahirap naman kung mag imbento ako para lang may ikwento. Mabuti nalang hindi sila makulit at hindi na ako tinanong pa.

Hanggang sa matapos kami sa pagluluto ay hindi nauubusan ng kwento ang mga kababaihan na kasama ko. They prepared simple dishes yet delicious. Mga Filipino foods na ngayon ko nalang ulit matitikman. After we cooked everything, pinaayos na ni Aling Helen ang isang mahabang lamesa kung saan naglatag ang mga kabataang lalaki ng dahon ng saging.

Nagsimula na kami ilabas ang mga ulam at kanin habang inaayos ni Melda ang paglalatag nito sa lamesa. Naisipan nila na magboodle fight dahil alam nila na darating kami ni Rance. Kalaunan ay natanawan ko na sila Rance at ang mga kalalakihan na paparating na.

I was holding a pot when Rance approach me and took the pot from me.

"Hey, honey..." tawag niya at napangiti siya dahil bigla akong nagulat sa pagdating niya. "You cook this?" turo niya sa palayok na hawak na niya ngayon.

I immediately shook my head, "Tumulong lang ako sa paghiwa ng mga gulay. Hindi naman kasi ako ganoon kagaling magluto. You know that..."

"Kaya pala..." aniya habang nakatingin sa laman ng palayok.

"Kaya pala ano?"

"Hindi ko maintindihan yung itsura ng gulay," natatawang sabi niya.

"Rance! Don't judge me, matalino ka naman intindihin mo nalang," hindi ko maiwasang pamulahan dahil siguro nga'y hindi ako nagmana kay mama. I don't even know if it is correct, hindi naman pinansin nila Melda kaya diko na rin pinansin.

Mahinang tumawa si Rance at kinuha ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.

"I'm just kidding, tara na at hinihintay na nila itong ulam..." kayag niya at lumapit na kami sa lamesa kung saan naroon na ang lahat.

I can't help not to smile while looking to our intertwined hands. Hindi ko maiwasang lihim na kiligin na para ba'ng may paro parong nagwawala sa aking tiyan.

Nang makarating kami sa lamesa ay nagsimula na kaming magsalo-salo pagkatapos ng isang dasal. Nagpatuloy ang kwentohan at habang kumakain. Rance put a rice in front of me, enough for what I want. Inasikaso niya ako na tila sanay na sanay na siya sa ganitong salo-salo.

"Thank you..." I smiled at him.

"First time mo lang kumain sa isang boodle fight, Ma'am Astra?" tanong ni Makoy. Nasa harapan namin sila ni Melda nakatingin sa akin.

"Uh, yes... Hindi ko ito naranasan noon."

"Mabuti nalang dinala ka rito ni Sir Rance, masarap kumain sa ganitong salo-salo."

"I agree, tapos kasama ko pa si Rance," nakangiti kong turan habang kumakain ng nakakamay.

Naramdaman kong natigilan si Rance sa pagkain at lumingon sa akin. I don't mind his stares and continue eating. I know he shock when he heard what I said. Maging ako ay nagulat din at ayaw kong masalubong ang ngiti at tingin niya kaya nagkunwari akong wala lang iyon sa akin.

Nagpatuloy na rin siya sa pagkain at muli kaming nakipagkwentohan sa mga nasa hapag. Hanggang sa kinantyawan ng mga tao si Melda na subuan si Makoy. Hindi naman nag-atubili si Melda dahil kaagad niyang sinubuan ang mapapangasawa.

Hindi ko maiwasang kiligin sa dalawa bagama't nahihiya ay ramdam ko kung gaano nila minamahal ang isa't isa.

"Kayo naman, Sir Rance at Ma'am Astra!" kantyaw naman sa amin ni Rance.

Tumawa lang si Rance at kaagad na tumanggi. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Kumuha ako ng kaunting kanin at nilagyan iyon ng ulam sabay ipon sa aking kamay at kaagad na tinapat iyon kay Rance.

Natigilan ito sa pagtanggi at pagtawa dahil sa offer ko. Ngumiti ako sa kanya kahit alam ko na sobrang pula na ng mukha ko.

"Ayon naman pala! Si Ma'am gustong subuan si Sir!" kinikilig na turan ni Melda at halos lahat sila at naki"ayiee" na sa amin.

"Are you sure? I don't want to make you uncomfortable..." mahinang bulong ni Rance.

"Ayaw mo ba? Limited edition lang ito, sige ka..." natatawang sinabi ko.

Muli kong nilapit ang palad ko na may kanin at ulam sa bibig niya, hinawakan niya ang palapulsuhan ko at dahan-dahan na binuka ang kanyang bibig upang kainin ang pagkain na hawak ko. I tried to maintain my posture just to make him comfortable even though I feel something burning in my stomach, this is not butterflies anymore, it's something that can wake up my desire for him.

Shit! Is this even a good decision? Mas lalo pala nito pinalala ang nararamdaman ko kanina.

Mabilis na inalis ko ang palad ko at nahihiyang umiwas ng tingin sa kanya. Mabuti nalang mabilis na nakabawi ang lahat dahil pagkatapos ng kilig ay nag kwentohan na ulit.

"Are you okay, Astra?" tanong ni Rance ng maramdaman ko ang paghawak niya sa beywang ko.

Tumango ako, "Of course, kumain ka pa..."

Pinilit kong inalis ang init na nararamdaman at pinaglagyan ng ulam si Rance sa kanyang harapan at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Continue Reading

You'll Also Like

1K 84 25
Sin Miedo A La Muerte Mystery/Thriller/Paranormal Mula Sa Panulat Ni Babz07aziole SYPNOSIS Carrieline Monteclaro She's define beauty and success to...
1K 72 23
Vanity refers to an excessive or irrational belief in one's own abilities or attractiveness. | Seven Deadly Sins Present
3.6K 424 52
SWEAT BOYS SERIES 01 COMPLETED- DECEMBER 25, 2020- MAY 3, 2021 By Tatterdemalion