Feels Trip

By luckystriked

18 0 0

Gusto, ayaw, akala, alam. Hindi na nagkaintindihan? Puro nalang akala, lagi namang mali. Hindi tuloy magtugm... More

Part 1
Part Three
Part Four

Part two

1 0 0
By luckystriked

Bilis ng oras, two months na pala!

Two months na pero ang pogi pa rin ni Sir. Haha! Labo. Cool niya pala, madalas namin siyang makasabay magyosi. Inaasar pa nga niya kami na isusumbong niya daw kami sa mga parents namin.

Si Elaine, ayun, di nakatiis, nagyosi narin. Di ko siya pinilit or something, bigla nalang siyang nagsindi on her own. Ang kulit nga eh.

Pero, first sem palang sobrang stressed kaagad lalo na yung gastusin. Nagrereklamo na nga nanay ko. Ang mamahal daw ng "coloring pens" ko. Minsan nga ayoko na manghingi eh. Nakakahiya na rin. Kaya minsan, nagcocommute nalang ako para makabawas sa gastos.

"Girl!!!!!!" Sigaw ni Elaine, nasa malayo pa siya pero alam ko nang siya yun, pag sobrang ikling shorts, si Elaine na yun.

"Kalma! Ano meron?" Tanong ko sakanya.

"May kwento ako!" Sabi niya.

"Anek?!!!" Tanong ko.

"May girlfriend na si Sir Reyes!" Sabi niya.

"Eh ano naman?" Sabi ko. Di naman ako nagulat dahil gwapo siya, mayaman, mabait at successful.

"Ay, deadma? Diba type mo siya?" Tanong niya sakin.

"Oo pero, crush nga lang diba. Wala kasing pogi sa mga kabatch natin kaya si Sir nalang." Paliwanag ko.

"Taray! Ganda mo girl. Pero pangit nga raw girlfriend. Baka mabait." Sabi ni Elaine.

"Makapanlait to. Love is blind nga!" Nagtinginan kami sabay tawa.

"Hay. Anyway, birthday ko sa sabado, punta ka sa bahay! Ininvite ko rin sila Kyle. Pupunta sila." Sabi ni Elaine.

"Paalam muna ko kila Kumander. Alam mo naman yung mga yun." Sabi ko.

"Text mo lang ako para alam ko kung ano ano mga bibilhin ko. Pakalasing tayo HAHA!" Sabi niya.

"Ay, gusto ko yan!" Sabi ko.

~

Sabado
9pm

Nagpark ako sa labas ng bahay nila Elaine, konti palang ang kotse sa labas. First time kong makapunta dito, ang laki ng bahay nila, konti nalang mansyon na.

Kumatok ako sa pinto. "Elaine?"

Lumabas ng pinto ang isang babae. Kasambahay ata nila. "Ay, hello maam, pasok ho, nasa loob po sila."

"Thank you, Ate." Sabi ko sakanya.

"Yun oh!!!!" Sabi ni Elaine sakin. Aba ang gaga, kinuha agad yung regalo niya bago mag hug sakin. "Kain ka muna."

"Sige sige, Jamie, kayo? Kumain na?" Aya ko sa mga kaibigan namin.

"Kanina pa kaming 6 dito, halos mapurga na kami kakain." Sabi ni Jamie.

"Tagal mo kasi!" Sambit ni Kyle. "Bilisan mo para inuman na."

"Ako nalang ba hinihintay?" Sabi ko.

"Si Sir Reyes pa." Sabi ni Kyle.

"Huh? Ininvite mo si sir?" Tanong ko kay Elaine.

"Eh narinig niya kami nag-uusap sa court kahapon kaya ininvite namin. Nagulat nga ako na um-oo siya eh." Sabi ni Elaine.

"Oh, masaya ka na?" Sabi ni Gary.

"Gago!" Sabi ko. "Wag kayo magulo, awkward."

10pm

May kumakatok na sa labas. Shit si Sir Reyes na to. At di naman ako mali, nakapolo siya, tapos naka tuck in sa pants niya. Shit. Mamatay na ako.

"Uy! Sir!" Sabi ni Elaine.

May dala siyang box ng Blue Label. Pucha, yayamanin talaga tong si Sir.

"Happy Birthday." Sabi ni Sir Reyes kay Elaine.

"Thanks sir. Kain ka muna." Yaya ni Elaine.

"Uy, Paula, di ka pa kumakain diba? Sabayan mo naman si Sir." Sabi ni Gary.

"Ha?" Sabi ko. Nagulantang ako. Kaloka, kakain ko lang. Mga gago talaga tong mga to.

"Oh, Paula, didn't see you there." Sabi ni Sir.

"Hello po." Sabi ko. Wrong move.

"Po? We're outside the university. Marcus nalang itawag niyo sakin pag wala sa school. Tsaka, bagets pa naman ako ah." Sabi ni Sir.

"Yes, Marcus." Sabi ni Kyle.

After a few minutes, lumabas na kami at sinet up na ang table sa tabi ng pool nila Elaine. This is the life. Di muna namin inisip mga plates namin. For now, enjoy enjoy muna.

"Alam ba ng mga magulang niyo na umiinom na kayo?" Sabi ni Sir.

"Sir, I mean, Marcus, kalma ka lang jan, legal naman na tayo lahat dito." Sabi ni Lou.

"Hahaha! Alam niyo, mas close ko pa kayo kesa sa faculty members sa school, mga tanders na kasi." Sabi niya. Tawa naman kami lahat.

"Ilang taon ka na ba?" Tanong ko kay Sir.

"30." Sagot niya.

"Pwede pa." Sabi ni Elaine.

"Anong pwede pa?" Tanong naman ni Sir.

"Ah eh, pwede pa, bata pa, nasa calendar pa." Sabi ni Elaine. Gaga talaga to.

"Ah.." Sabi ni Sir.

Nakakailang bote na rin kami ng beer pero masigla pa lahat, wala pang bumabagsak.

Simula na ng usapang lasing.

"Marcus, bro, kamusta naman mga chicks?" Tanong ni Gary.

"Haha. Good boy to. Stick to one." Sagot ni Sir.

"Taken?" Tanong ni Lou.

"Two years na." Sabi ni Sir.

"Ouch." Sabi ni Lou.

"Bakit, Lou? Type mo ko?" Sabi ni Sir sabay tawa.

"Hay nako sir, di tayo talo. Gusto ko rin sa Babae!" Sabi ni Lou.

"Yun lang!" Sabi ni Sir. "Eh kayo ba? May mga someone na ba kayo? Ang alam ko lang si Gary at Elaine na."

"Oo, meron na lahat, yung isa nalang wala." Sabi ni Gary.

"Sino?" Tanong ni Sir.

"Si Paula. Choosy kasi." Sabi ni Lou.

"Really? Ano bang type nito ni Paula?" Sabi ni Sir.

Nanlaki yung mata ko, sinisignalan ko sila Lou na wag magsalita pero wala eh.

"Alam mo, bro, mga type niyan ibang klase, ayaw sa bata niyan." Sabi ni Kyle.

"Pano?" Tanong ni Sir.

"Older men hanap niyan. Mga kaedaran mo." Sabi ni Elaine.

"Talaga? Bakit naman, Paula?" Sabay lingon sakin ni Sir.

"Ah eh, kasi mas gusto ko yung alam na yung gusto sa buhay." Paliwanag ko. Nawala bigla amats ko.

"Aba. Ibang klase rin tong si Paula eh no." Sabi ni Sir.

Wala kong masabi, ngumiti nalang ako. Sobrang awkward.

"So, type mo ko?" Tanong ni sir.

"Woahhhhhhh!!!!!!!" Sigaw nilang lahat.

Natameme ako. Putangina bakit ganon?

"As if. Ayoko sa prof no." Sabi ko nalang.

"Aray." Sabi ni Sir.

"Burn!!!!!" Sigaw ni Elaine sabay tawa silang lahat.

"Bakit naman? Dahil bawal?" Tanong ni Sir.

"Hindi naman. Pero, wala lang. Ayoko lang." Sabi ko. Pero sa totoo lang, gustong gusto ko sabihin na gusto ko siya.

"Totoo ba yan?" Tanong ni Kyle.

"Oo nga!" Sabi ko.

"Next topic na. Nareject ako ng favorite student ko." Sabi niya.

Napangiti ako.

"Ay puta, may favoritism pala. Kaya pala laging si Paula ang tinatawag pag recitation." Sabi ni Lou.

"Joke lang. Wala ko favorite sainyo. Mga gago kayo lahat eh." Sabi ni Sir.

Buong gabi kami nagtawanan at nag-inuman, buti nalang at walang pasok kinabukasan, makakatulog kami ng maayos lahat.

Bago ako umuwi, lumapit si Marcus sakin.

"Ingat ka sa pag mamaneho." Sabi niya.

"Kayo rin, Sir." Sabi ko sabay ngiti.

Shit. Awkward to sa lunes. Gusto ko nalang mag-absent.

------

Kamusta kayo?

Ayos ba?

Parang nababaduyan ako. Haha. If you guys are wondering, may crush talaga akong prof so based dito yung story, it's pretty much the same with what happened to me and my prof crush. Haha! Basta!!!! Kunyari nagkukwento lang ako.

💕

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
1.7M 79.1K 56
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...