Take a Chance (GxG)

By zygnus00

143K 5.2K 1.5K

[Medrano University Series #3] [ProfxProf] (Written in English/Tagalog) "You'll never know if you'll never... More

A/N
Prologue
Chapter 1: Leighton
Chapter 2: Chance
Chapter 3: France
Chapter 4: Crush
Chapter 5: Sleepless
Chapter 6: Strike One
Chapter 7: Visitor
Chapter 8: Red Car
Chapter 9: Hiding
Chapter 10: Second Strike
Chapter 11: Chat
Chapter 12: I miss you
Chapter 13: Last Day
Chapter 14: Date
Chapter 15: Last Strike
Chapter 16: Huh?!
Chapter 17: Records
Chapter 18: Help Me
Chapter 19: Reance
Chapter 20: Her POV
Chapter 21: Her POV II
Chapter 22: Insist
Chapter 23: I love you
Chapter 24: Journey
Chapter 25: Stay
Chapter 26: Love Me
Chapter 27: Juice
Chapter 28: Lunch Meal
Chapter 30: Atleast
Chapter 31: Chase
Chapter 32: Chances
Chapter 33: Shadow
Chapter 34: At Lost
Chapter 35: Game of Chance

Chapter 29: Please

3.9K 172 73
By zygnus00

Chance

Kunin mo na ako Lord.

Ayan ang naging mantra ko sa loob ng halos tatlong araw na hindi ako pinapansin si Reed.

Bakit? Hindi lang kasi yung punong lunch box ang nakita niya kundi pati yung resibo ng inorder kong lunch noon. Tandang tanda ko pa ang mga salitang sinabi niya matapos ngumiti sa akin ng malungkot.

'Sana sinabi mo na lang na hindi mo kakainin kaysa nag effort pa ako sa pag hahanda pero mapapanis lang.'

Kapag may sasabihin siya ay chinachat niya ako o kaya nag iiwan siya ng note kung saan saan. Meron sa ref, sa dining table, sa oven, sa pinto ng kwarto ko, o kaya naman ay sa may vase sa sala.

Para akong may kasamang multo. Multong nagpaparamdam lang pero hindi ka papakialaman. Multong kayang mag messenger.

"Help me, Cyane!" Lumong lumong saad ko habang sinasabunutan ang sariling buhok.

Rinig ko naman ang mahinang pag hagikhik ni Cyane na naka upo sa harap ko kaya agad akong napa angat ng tingin para tingnan niya ng masama.

Piskot, ang hudyong ito, naka tingin sa cellphone niya habang napakalaki ng ngisi.

"Hoy!" Untag ko sa baklang dambuhala na agad na ikinagulat niya.

"Giatay, Chance Dea!" Singhal niya matapos siguro makarecover sa pagkagulat dahil sa pagsigaw ko.

Agad naman akong napahagalpak ng tawa dahil sa reaksyon niya. Mukha siyang nakarinig ng pagsabog ng bomba dahil hawak hawak niya pa ang dibdib niya habang nakatingin ng masama sa akin.

"Pwet mo giatay." Natatawang sagot ko habang umiiling iling. Pinagbawalan kasi siyang magmura ni Amaya, either in English or Filipino. Pero ang wengya, nag bisaya naman. Pero hindi naman kasi talaga siya palamura. Puro tupang ina nga lang alam niyan eh.

"Hey, not my butt! Amaya loves my ass." Tila offended na offended na pag tatanggol niya sa pwet niya.

Jusko, pati ba naman pwet pagtatalunan namin ng ganito.

"Mamaya na kasi yang pwet mo! Tulungan mo muna ako." Halos nagmamakaawa na ang tono ko ng sabihin yon. Ayoko na kasing kasamaan ng loob ang misis ko.

Cold man ako sa kanya pero deep inside tuwing makikita ko siya gustong gusto ko ng tumalon, tumalon sa saya dahil si Reed ang kapiling. Sa kanya, sa kanya, sa kanya lamang ang puso ko~

Sige kanta lang kayo.

"Saan ba kita tutulungan kasi! Nakikipag landian yung tao eh!" Inis na sagot niya bago iharap sa akin ang screen ng cp niya at halos malaglag na ako sa couch matapos mabasa ang palitan nila ng mensahe ni Amaya. Pisti!

Amaya
Susi ka ba?

Cyane
Bakit, irog? Kasi binuksan ko
ang nakakandado mong puso?

Amaya
Hindi.

Cyane
Eh bakit?

Amaya
Kasi kandado ako, pasukan mo
ako.

Punyawa!

"What the fuck?!" Malakas na saad ko sabay bato ng unan na hawak ko sapul sa mukha ni Cyane.

Tatawa tawa naman siyang marahan na umilag sa ibinato ko at muling nagtipa sa cellphone niya, marahil sasagot sa pasukan nila ni Amaya. Piste, edi siya na ang may sususian! Ako na ang wala!

Sino ba naman ako para pigilan ka, echos kumanta na naman kayo. Sino ba naman ako para papasukin ni Reed? Charot ulit.

I heaved out a deep sigh before slumping back at the couch. I'm beyond frustrated. Sa halip na ako susuyuin ni Reed eh ako pa ngayon nag iisip ng paraan para kausapin at pansinin niya na ako ulit.

Isinandal ko nalang ang ulo ko sa headrest ng iniupuan ko at tumitig sa kisame.

Tulalang binilang ko na lang ang mga butiking dumadaan sa kisame habang nag iisip ng gagawin.

Di naman kasi masamang ibaba ang pride.

Eto na naman ang kunsensya kong magaling mag advice. Alam ko naman kasi na ako may kasalanan pero red flag ko na siguro ang pagiging matigas at mataas ang pride.

Naubos kasi ako. Naubos ako sa paghihintay kay Reed noon. Pero hindi naman nasagad. May natira pa at ayon ang kinakatakutan kong masaid.

Baka kasi kapag ako na naman ang naghabol, magaya pa din sa dati. Maiiwan na naman ako.

Yes, Reed's reasons were valid but my feelings are valid too.

Mahirap man ang pinagdaanan niya ng mag isa, mahirap din ang pingadaanan ko. Magkaiba mang klase ng sakit, pareho naman yong sumugat sa aming dalawa.

Pain, even if the reason was small or big, can bruise a person to the point of exhaustion. Bakit? Kasi hindi naman pare-pareho ang tolerance ng bawat tao. Kung para sa inyo mababaw lang pinanggagalingan ko, para sa akin sobrang lalim na non.

Kaya hindi tayo pwedeng manguna sa nararamdaman ng mga nakapaligid sa atin.

That's also the reason why we have different phases sa pag momove on. Why they are some who can forgive easily and some cannot.

At kung para sa iba sapat na ang pagpapaliwanag ni Reed, sakin hindi pa. Ano pa nga bang kulang? Kulang pa ako sa pagpapatawad sa sarili ko.

Back when Reed's still nowhere to be found, I cursed her. Prayed that she won't be happy. Tapos noong malaman kong sobrang pasakit pala ang naramdaman niya, nagsisi ako ng sobra. Hindi ko magawang patawarin ang sarili ko agad agad. Kung kaya't lumalayo pa ako sa kanya.

"Ano ba kasing ginawa mo?" Naputol ang malalim kong pag iisip nang biglang magsalita si Cyane.

Mula sa pagkakatingin sa kisame ay binaling ko ang paningin sa kanya. I gave her a small smile before telling what happened.

Nang matapos akong magkwento ay pagtaltak at pag iling iling ang iginawad sa akin ni Cyane.

"Ang sakit non." Komento niya na siyang nakapag pabuntong hininga muli sa akin.

"Hindi naman siya magtatampo ng ganun kung hindi yon masakit diba?" Sarkastiko kong turan.

Natawa naman siya sa sinabi ko na siyang nakapag pasimangot sa akin.

Abnoy talaga 'to.

"Ano? Tutulungan mo ba ako o tatawanan na lang forever?" Nakasimangot na tanong ko.

"Walang forever." Mabilis na sagot niya. Hays, jusko po Rold. Konting pasensya pa po sana ang igawad niyo sa akin.

"Edi maghihiwalay kayo ng irog m--"

"Amaya's not my forever, Chance." Nakangiting pagputol niya sa litanya ko.

"Forever doesn't exist, everyday does. Amaya..." Nagpakawala muna siya ng malamlam na ekspresyon bago ipagpatuloy ang sinasabi.

"...she's my everyday. My always." Isa lang masasabi ko....

Edi wow. Edi sila na may everyday. Ako na puro every second, every minute of the day. Piskot. Sino ba naman ako for the second time, diba? Nakaka bitter pero masaya ako para sa kanila.

"Oo na. Kayo na sweet. Penge naman konti, gagamitin ko lang kay Reed." Nakasimangot at nagsusumamong saad ko.

Tumango tango naman si Cyane at tumayo mula sa kinakaupuan.

"Wait bibigyan kita." Nakangiting sambit nito bago ako iniwan sa sala nila.

Takang taka ko namang sinundan ng tingin ang dambuhalang baliw hanggang sa mawala siya sa tanaw ko.

"Boang." Bulong ko bago muling itinuon ang paningin sa kisame.

Nagbebrain storming kami ng mga butiki. Mula sa pagtitig ko sa kisame ay nagkaroon na kami ng brotherhood. They will help me daw.

"Etoooo na!"

"Ay gagi kang palaka ka!" Nabiglang sigaw ko matapos biglang sumulpot ni Cyane at sumigaw.

Ngingisi ngisi lang naman siyang nakatingin sa akin habang may inaabot na garapon.

Wood ang materyal na ginamit doon kaya hindi ko kita kung ano ang nasa loob. Naguguluhan man ay kinuha ko ito mula sa kanya at halos ibato ko iyon pabalik nang makita ang laman. Piste.

"Asukal! Laklakin mo para maging sweet ka." Pataltak nitong turan bago muling umupo sa couch

Konting konti na lang, mapipikon na ako dito. Parang hindi kaibigan. Walang kasupport support.

"Thank you ah. Appreciated." Naiinis kong turan.

"Welcome!" Anas siya na ikina wala ng pag asa ko sa life.

Nanlulumong sumalampak na lang ako sa couch at pinanalangin ang buhay ko.

"Hindi sa ayaw kitang tulungan, Chance." Biglang sambit ni Cyane. Pinakinggan ko lang siya pero hindi ko na siya tiningnan, natatamad ang ulo ko bumaling.

"I just want you to figure everything out, yourself. Ikaw kasi mas nakakakilala kay Reed hindi ako. Alam kong may maiisip kang paraan. Ikaw pa, ang dami mong pakulo when it comes to Reed. Masyado mong pinepressure sarili mo ngayon. Can't you remember the things you did noong nililigawan mo si Reed? Nasan na yung Chance na madaming pakulo? Aba, ilabas mo yan." Dahil sa sinabi ni Cyane ay parang may nag click bigla sa utak ko.

Oo nga pala, ako nga pala si Chance the great. My God, why did I put too much pressure on myself when there are simple ways to make amends with Reed? Jusko, pinakomplikado ko lang lahat. Utak ko nag loloading na.

"Alam mo Cy..." Panimula ko matapos ayusin ang pag kakaupo.

"...ang talino ko." Pagpapatuloy ko sabay pakawala ng isang malaking ngisi. I have an idea. A very great idea.

"What the freak?" Nalilitong tanong niya.

"Yes, you're a freak HAHAHAHA. Anyways, aalis na ako. Manliligaw pa ako ng misis na galit." Parang kanina lang sobrang down na down na ako pero ngayon parang bumalik bigla lahat ng energy sa katawan ko.

"May naisip ka na?" Pahabol na tanong ni Cyane matapos akong makitang tumayo at akmang lalakad na patungo sa pinto.

I wink at her then smirk.

"Wala.." Confident na sagot ko na nakapag palaglag ng panga niya at nakapag pa laki ng awang sa bibig.

"Tupang i---"

"Wala nang magagawa si Reed kundi pansinin ako after ng gagawin ko." Mataas ang kumpyansang turan ko at walang sabi sabing nanakbo palabas ng bahay nina Cyane.

Baka kasi tanungin pa ako eh hindi pa talaga buo ang plano sa utak ko pero may idea na ako. Chismosa pa naman yang si Ferrer. Hindi naman chismosa sina tita pero si Cyane nasobrahan. Nauntog yata talaga yon noong pinanganak. Buti pa kakambal niya matino.

"Now, let's finalize the plan." Bulong ko at agad na sumakay sa sasakyan ko para pumunta sa grocery store.

Hindi naman bongga ang naisip kong gawin, yung normal lang na ginagawa ko dati. Napalambot ko si Reed sa mga kenkoy kong paraan noon, magagawa ko ulit yon ngayon.

Oplan: Balik pag ibig ni Reed kay Chance!

Assuming! Love ka ba?

Muntik ko nang maapakan ng madiin ang preno matapos ang banat ng kunsensya ko. Piste, sarili kong kunsensya kinakalaban ako. Pwede bang magpapalit ng kunsensya?

"Love ako non. Sakin nga siya tumira kasi love niya ako. Love ako ni Reed, hmp!" Bubulong bulong na turan ko at pinagpatuloy na ang pagmamaneho.

Sige sabi mo eh. Ikaw kasi pinaka 'close' friend niya kaya sayo siya pumunta at lumapit noong bumalik siya.

Patuloy na pananakit ng kunsensya ko.

Hindi naman talaga siya nananakit, siya lang talaga yung mga thoughts ko na pilit kong ibinabaon. Mga what ifs sa utak ko. Mga bagay na malaki ang posibilidad pero pilit kong winawaksi.

"Kung totoo yan, edi ouch." Pinal na saad ko matapos magpakawala ng malalim na buntong hininga.

Kung hanggang close friend lang ang pwedeng maging label namin, edi meow. Edi ouch, edi wow.

Ano bang magagawa ko? Edi habang buhay na akong nasa friendzone.

Nang makarating sa tapat ng grocery store na pakay ko ay agad akong pumarada ng maayos at lumabas sa kotse.

Anong balak kong gawin? Edi maging si Chance.

Gagawin ko lang ulit ang mga bagay na ginagawa ko noon para kay Reed. It's time to lower my pride. Kawawa naman ang anak namin kung di kami magkaka ayos ng mommy niya.

Ang mga bata pa naman ang naiipit kapag may hindi pagkakasunduan ang mga magulang.

Matapos mabili ang lahat ng kailangan ko ay agad na akong umuwi para simulan ang pinaplano.

"I'm home." Anunsyo ko matapos buksan ang pinto ngunit hindi ko inaasahan ang matatagpuan kong eksena.

"What? Where are you going?" Kinakabahang tanong ko matapos makita ang isang maletang hila hila ni Reed habang mahimbing na natutulog si Reance sa carrier na nakakabit sa kanya.

"Aalis." Tipid na sagot nito na agad na nakapagpalubog ng puso ko sa kaba.

"W-why?" Hindi na mapakaling tanong ko.

"Because." She nonchalantly answered before she continue walking towards the door, dragging her luggage behind her.

Sa pagkataranta ay walang sabi sabi kong ibinaba ang mga pinamili ko at agad na niyakap siya mula sa likod.

Hindi ko sinasadya, basta na lang kumilos ang katawan ko para pigilan siya. Ang bilis ng kabog ng puso ko, parang lalabas na mula sa dibdib ko. Ramdam ko na din ang pangingilid ng luha ko at ang pag iinit ng mga mata ko.

"D-don't leave. Stay.." Pride who? All I want this moment is for Reed and Reance to stay.

"..please."

Don't leave me for the second time, Reed.

---

A/N: Hello! I'm back mga pipol. Sorna sa pag iintay ng matagal HAHAHAHA may nangyari lang na di inaasahan kaya pansamantala akong napatigil. Pero hi! Nagbabalik na ako. Updates may differ dahil busy sa work. Late na pero Merry Christmas and Happy New Year sa inyong lahat! Anyway, enjoy!

-zyg

Continue Reading

You'll Also Like

27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
226K 11K 32
Si Jazelle ay bagong hire na writer sa isang international publishing company. Nang mapabilang siya sa isang importanteng project ay kailangan niyang...
160K 13.1K 37
"No! Stop!" I could see her fading silhouette. She keeps on walking away just like the way I dreamt of her every night. 'No! Please don't walk away...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy