Temptation Island: Broken Ties

By makiwander

4.8M 193K 106K

Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Huling Kabanata
Huling Kabanata (2)
Huling Kabanata (3)

Kabanata 29

109K 5.9K 4.3K
By makiwander


Thea

Kahit kinakabahan siya at alam niya ang nagawang pagkakamali, nilapitan ni Thea si Saint. Saint's eyes were red, a combination of melancholy and fury. Pinipigilan nito ang luha sa mata habang nakatingin sa ina na ilang taon na nitong hinahanap. 

She gets it, she messed up, big time. She might cause Mama Jane to resort back to alcohol, and Saint may have more resentment toward her, his mother, to the world.

Nilapitan niya si Saint at hinila niya ang kamay para dalhin sa bakuran, gusto niya itong makausap. Para itong papel na nahila, pero ang mga titig nito ay naiwan sa loob ng kanilang tahanan.

"Your mom is recovering." Pumikit siya ng mariin, "Nakita ko sa mga mata mo na marami kang gustong sabihin. Can you say that to me instead?" Hinuli niya ang tingin ni Saint. "Please?"

"Bakit mo dinala si Katie dito, Thea?" Malungkot na tanong ni Saint. 

"Sorry. Sabi ni Mama Jane nanginginig ang kamay niya. Inakala kong emergency at wala ang Yaya si Katie, hindi ko naman maipagkatiwala sa iba. I am sorry, Saint. I messed up, right?" Tiyak na tiyak niyang tanong. 

"Umalis siya, Thea... Ugali niyang magtapon ng anak!" Tumaas ang boses ni Saint, mabilis niyang tinakpan ang bibig nito gamit ang palad at nilingon kung narinig ba sila nang naroon sa loob.

"Huwag kang maingay. Maririnig ka ni Katie at ng Mama mo. Please, Saint. Ilang buwan ko siyang inalagaan rito. I know, hindi ito proper facility for alcohol dependents ang bahay ko but I tried my best as your family friend. Naging abala siya rito sa pagtatanim ng gulay. Mabilis ang pagbangon niya dahil gusto niya kayong makita ni Cai para humingi ng tawad."

"Kami ni Kuya?" Natatawang wika ni Saint na parang hindi makapaniwala. "She left. Iniiwan niya kami kung kailan namin siya gusto. Kinukuha niya ang pera namin kapalit ng alak and we don't have much that time. We don't have anything but she still wants her alcohol over her children's food!"

"Nanay mo pa rin siya."

"Yeah, like I cannot cut ties with her because I'm her blood? Siya ang gumawa 'non, Thea! Siya ang pumutol ng ugnayan namin." Mahina pero may diin na wika ni Saint. 

"Matagal na iyon, Saint. Nagbabago na siya."

"Iniwan niya si Katie sa basurahan. She gave birth on the street when she was so drunk and threw Katie in the garbage. Alam mo kung bakit nasa Amerika si Katie ng ilang taon? Because of her complications, she was dehydrated for three days and suffered from a heart defect. Tell me, Thea? Can a toxic mother have a chance because she's a mother? Ipinapanganak ba ang karapatang pantao? Aren't she too entitled?"

"K-kapatid mo si Katie?" Nabigla siya. Hindi niya alam na ganon! She should've known better! 

"Kailangan ko bang ipakita na hindi ako galit dahil nanay ko siya?" Puno ng galit ang mga mata ni Saint imbes na sagutin ang tanong niya. "Magpapanggap ako na ayos lang?"

"I'm sorry, Saint." Hindi niya alam ang isasagot. Kung poprotektahan niya si Mama Jane ay si Saint ang magsasuffer. She was caught up in their family feud! At ang kagustuhan niyang tumulong ay mas lumala pa. "Tama ka, valid ang nararamdaman mo, Saint, pero sa ganitong pagkakataon, marami kang kakapitan para maging maayos. Si Mama Jane, wala na. Wala siyang maayos na pamilya kagaya mo, you have the whole Monasterio clan. Wala siyang pera kagaya mo, wala na rin siyang mahabang buhay kagaya mo."

Kumuyom ang kamao ni Saint at nakaramdam si Thea ng hiya sa kanyang ipinapakiusap. 

People will hurt us along the way as we grow, but whether we admit it our not, our traumas started on how we were brought up. Generational trauma, mga napapasa-pasang maling paraan ng pagpapalaki ang unang sumisira sa ating pagkatao. 

Some parents are not aware that they impacted the lives of their children even they only shared love from the beginning. May mga pagmamahal na nakakasakal, may mga pagmamahal na sobrang laya at napapariwara, may mga pagmamahal na nakakalito, iyong itinutulak pansamantala at babalikan na lang kapag maayos na ang lahat.

Marahas na pinunasan ni Saint ang luha sa mga mata at walang salitang pumasok sa loob ng bahay. Nagmamadali siyang sumunod dito at baka magkagulo.

"Ma, kumusta ka na?" Nanginginig ang boses ni Saint. "Magaling ka na, Mama?" Hindi makatingin si Saint sa ina.

"S-saint.. Saint, patawarin mo ako. Patawarin niyo ako ni Cairo. Patawad, anak." Nabasag ang boses ni Jane na sinugod ng yakap si Saint. Saint accepted it, but his face is blank, kinakagat ang pang-ibabang labi at tinatapik ang likod ng ina.

"Wala na 'yon. Ang mahalaga maayos ka. Anak mo si Katie." Humina ang boses ni Saint. "Nasagip ko siya."

Mas lalong lumakas ang iyak ni Jane. Her body was shaking, and her hand trembled even more. Saint fetched Jane's weight, and his tears started to flow too.

"Anak ko..." Jane bawled. 

Nagtataka ang mga mata ni Katie na pinapanood ang mga nangyayari. Nilapitan niya ito at kinulong sa yakap.

"Why are they crying, Teacher?" Mahinang bulong ni Katie, "Papa, are you okay? Do you want cake so you will stop crying? Teacher, let's give Papa and the woman a cake."

"Papa is okay, Katie.. Do you want to check the stars outside? We have a nice view here."

Tumango si Katie. Tinawag niya si Manang Andeng at Mang Teody para samahan si Katie. Nanatili siya roon kahit gusto niyang ilubog siya ng hiya. If Saint was her client, she will tell her that it is okay if he's not ready to deal with his traumas. Hindi niya iyon nagawa. Pinairal niya ang awa sa ina nito.

Inabutan niya ng tubig ang dalawa, si Jane lang ang uminom habang nagpupunas ng luha.

"Mama Jane, pupwede kang dumito pa rin para mas ma-monitor kita pero si Saint at Cairo ang magdedesisyon." Thea assured her.

Tumango si Jane, "Thea, gusto ko sanang dumito muna ako dahil gusto kong magtrabaho sa taniman ng gulay. Gusto ko itong palaguin at magbabayad na rin ako sa iyo. Napag-usapan na namin nina Andeng at Teody na pupwede na kaming magbayad ng renta dahil nakakuha na kami ng susuplyan na regular. Dalawang restaurant at isang puwesto sa palengke."

"Mama Jane." Napasinghap siya sa gulat, "Totoo ba iyon? Nakakapagsimula na kayo?"

"Oo, Thea. Salamat sa iyo." Nilingon ni Jane si Saint na nananatiling nakamasid lang, "Saint, alam kong hindi niyo kailangan ni Cairo ang maliit na halagang kikitain ko pero sana ay hayaan niyo akong tumulong lalo na sa pangangailangan ni K-katie.. Ang gandang pangalan." Malungkot na ngumiti si Jane.

"Kahit hindi niya na ako makilala bilang ina, o lola, ayos na sa akin iyon, Saint, wala akong karapatan—"

"Uunti-untiin ko na sabihin kay Katie na ikaw ang nanay niya, Ma." Wika ni Saint. "Dadalaw kami ng regular sa iyo. Kakausapin ko rin si Kuya."

Inabot ni Jane ang kamay ni Saint at pinisil iyon, "Hindi ako naging mabuti pero biniyayaan ako ng mabubuting anak."

"Hindi mo sure sa anak mong babae, Mama Jane." Ngumisi siya pero napawi ang ngiti niya nang maalalang seryoso ang usapan at higit sa lahat ay pinilit niya pa si Saint na magpanggap na nakapagpatawad na. Batas yarn.

Pinilit sila ni Manang Andeng na maghapunan bago umalis, si Jane rin daw kasi ang nagluto 'nung menudo. Tumanggi si Saint pero sila ni Katie ay gutom na kaya wala itong nagawa.

Ngumiti si Katie nang salinan siya ni Jane ng ikalawang serving ng menudo at kanin, "Thanks Mama---"

"You know that I love chicken nuggets...." Dugtong niya. Kumunot ang noo ni Katie at iniripan siya. Supladang bata! Mama na rin ang ipinatawag ni Saint kay Jane rito at Nanay naman kay Andeng. Hindi nagtanong si Katie at sumunod na lang.

"Say, 'Me too Mama.' , Katie!" Pangungulit niya kay Katie na iniismiran lang siya.

"Si Thea talaga, walang pagbabago. Tuturuan pa ng kalokohan ang bata." Wika ni Andeng. Ngumiti lang siya at sumulyap kay Saint na hindi natatawa. Nanatili itong pormal sa buong gabi. Nang matapos na ang dinner ay parang nagmamadali na itong umalis.

"Ma, huwag ka ng iinom. Makakasama sa iyo. Papupuntahin ko ang assistant ko rito para sunduin ka sa Sabado para sa check-up."

Ngumiti si Jane, "Salamat, Saint. Pupwede ko bang mahingi ang number mo saka ni Cairo? Makakabili na ako ng cellphone, ma-te-text ko na kayo."

Malalim na napabuntong hininga si Saint at kinuha ang wallet nito. He fished out two calling cards. Puti at itim. Hindi ito gawa sa papel kundi parang mainipis na credit card. 

"Ang ganda! Pahingi rin ako ng calling card!" Sabad niya.

Kumuha muli si Saint sa wallet at inabot sa kanya ang puti.

Saint Monasterio I CEO
09xxxxxxxxx

"Pahingi ng isa pa, Saint. Yung kay Cai."

"Ubos na." Matabang na sabi ni Saint pagkatapos ay ibinalik na sa bulsa ang wallet nito, he hugged Jane then walked away. Suplado rin!

Siya naman ay kumaway at sumunod na kay Saint. Nadatnan niyang isinasakay nito si Katie sa carseat. Hinintay niya itong matapos at sarhan ang car door. Binuksan nito ang makina ng sasakyan at nilingon siya.

"Saint, salamat pala. I know that I shouldn't meddle but—"

"It is too late, right? Okay na, Thea. Sumunod ako sa gusto mo. I will do that and keep doing that kung makakatulong kay Mama. Huwag ka nang mag-alala."

She sighed. "Do you want me to help you process your emotions, Saint? K-kung hindi naman ako, meron akong mga kakilalang magaling."

"Thea. I appreciate your help but sometimes, you just have to wait and trust the process. I am not ready for this. When I see her, naaalala ko kung paano niya kami pinabayaan ni Kuya. Mas lalo akong nagalit na basta na lang niyang itinapon si Katie sa basurahan. She can really do that, wow. Ibang klase." Naiiling na wika ni Saint.

"You really can't forgive her?" Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mga mata ni Saint.

"Mag-ingat kang mag-drive." Pagkasabi non ay tumalikod na si Saint at sumakay ng sasakyan.

Napalabi siya at napagtanto ang maling nagawa. Pakialamera talaga siya ng taon. Tiyak na nadagdagan ang inis sa kanya ni Saint at baka imbes na mapabuti ang relasyon nito sa ina ay mapasama pa. Alam niyang nasasaktan si Saint ngayon na ito pa ang kailangang magsakripisyo at magtiis sa kabila ng sakit na ibinigay sa kanila ni Jane. Although, she's proud of Saint who still tried. 

--

"Ate, masakit ba dede mo?" Napaangat siya ng tingin kay Sloane. She was spacing out. Nagdi-discuss na sila sa Gala Night ng Good Girls Gone Wild sa condo pero wala siyang ambag.

"B-bakit?"

"Parang ang bigat kasi ng dibdib mo, maraming laman? Baka gusto mong ihinga yan?"

Umirap siya kay Sloane at ibinalik ang tingin sa guest list. Isang pangalan lang naman ang nabasa niya, Saint Monasterio.

Ibinabalik pa rin si Katie sa Little Archers pero hindi niya na nakita pa ang anino ni Saint. Hindi na rin siya nainvite ni Katie sa bahay nito dahil pinagbawalan daw siya ng Papa niya na mag-invite at mang-abala ng ibang tao.

Napairap siya sa hangin, talaga lang ha! Bawal mag-invite si Katie pero baka naman itong si Saint ang nag-iinvite ng mga babae!

Pero tinanggap na niya ang hatol ni Saint. She lied, she forced him to forgive his mother. Hindi naman siya politiko pero sinungaling at diktador siya.

"Surprise ang ibi-bid na miyembro ng isla para mas exciting! Nakapagpa-wax ka na ba, Ate? Four days to go."

"Anong wax?" Mataray na wika ni Luke. "Kung hindi mahal ng lalaki ang kagubatan, wala siyang karapatan sa perlas ng silanganan!"

"So hindi ka naka-shave?" Tinaasan niya ng kilay si Luke.

"Nakashave yan si Babe." Mabilis na sagot ni Fox.

"Kaya pala ang daming buhok sa banyo, akala ko buhok sa ilong na naglalagas." Sloane retorted.

"Sloane!" Binato niya ng papel ang kapatid niyang bastos.

Tumayo na siya at sinikop ang gamit. "O siya, bahala na kayo riyan. Papasok na ako sa school." Kinuha niya si Tucker at binitbit ito. Gusto niyang ipakita kay Katie dahil gusto raw nito ng dog at hindi pa nakakahawak ng totoong dog.

Sa hallway pa lang ay nakita niya na si Katie. Nakasimangot ito, bakas ang inip, pero nang makitang buhat niya si Tucker ay tinakbo na nito ang kanilang distansya.

"Wow, Teacher! What is his name?" Agad na tinapik ni Katie ang ulo ni Tucker.

Lumuhod siya at inilebel kay Katie si Tucker. "Katie, this is Tucker. Tucker, this is Katie."

Katie squealed! Tucker wagged his tail too! Pinigilan niya ang dalawa at dinala muna sila roon sa playground na walang mga bata at hinayaang tumakbo si Katie at si Tucker.

"Naku, nakakatuwa naman at ngayon lang nakakita ng hayop si Katie." Si Yaya Emily.

"Ganon ba? Hindi niya masyadong tumitingin sa Papa niya?" She asked.

Natawa si Yaya Emily, "Tao naman yun si Sir, Teacher."

Hayop sa kama, hindi counted? Char.

Nakipaghabulan siya kay Katie at Tucker. Panay ang tili ni Katie kahit sinasadya niyang hindi ito maabutan. She threw Tucker's toys and Katie was running as if she's a part of a pack. Aso rin yern.

"Teacher! One more!" Tumili si Katie. Kinuha niya ang tumbler ni Katie na mayroong tubig at ang pamunas ng pawis.

"Okay, we will play some more but you are sweaty. Here's your water." Pinunasan niya ang pawis ni Katie sa mukha at sa likod. "Are you having fun?" Tanong niya rito.

"Yes, Teacher, Tucker is so cute! Can I bring him home?"

"You have to ask Papa."

"Can you tell Papa?"

"Galit sa akin ang Papa mo."

"Huh?" Wika ni Katie na hindi nainitindihan ang kanyang sinabi.

"Okay, I'll talk to him." She tried to calm Katie down because she was catching her breath. "Take it easy. Breathe in, breathe out." Pinagaya niya si Katie sa kanya but her chest was moving ruggedly.

Umubo ito. Napakunot ang noo niya. "Are you okay, Katie?"

"I—I – can't b-breathe, Teach—r" Nanigas ang buo niyang katawan sa narinig, pinanlamigan siya ng kamay. "Yaya, anong nangyayari kay Katie?"

"Katie! Jusko!" Bakas ang gulat kay Yaya Emily. Binuhat niya si Katie at tumakbo siya sa infirmary. Naroon ang pedia at nurse na nagmamadaling pinahiga si Katie sa kama. Walang inaksayang oras.

"Anong nangyari? May hika?" Si Doctor Eden. "Yaya, may hika si baby? Sakit sa puso?"

Umiling siya, hindi niya alam.

"W-wala naman po, Doc. Wala namang bilin si Sir na gamot. Vitamins lang." Namumutla si Yaya Emily at mangiyak ngiyak ang boses. Siya ay panay pagkiskis ng dalawang palad dahil namamanhid iyon sa sobrang kaba.

"Nurse Jacel, call an ambulance." Hinila ni Doc Eden ang oxygen na naroon sa may ulunan at ikinabit kay Katie. Iniangat ni Katie ang kamay nito at agad niya iyong kinuha.

"Are you okay, Baby?" She couldn't believe she was praying while she was speaking. "Teacher is here." Pumikit si Katie at humihinga ng malalim.

Ilang sandali lang ay may dumating na ambulansya. Narinig niyang kausap na ni Yaya Emily si Saint sa cellphone, hinila niya ang kamay nito. Sumakay sila ni Yaya Emily sa ambulansya at nakarating agad sila sa ospital na sinabi ni Yaya Emily.

Ipinasok si Katie sa treatment room. Naghihintay sila sa labas at hindi siya mapakali, she was walking back and fro. Ilang sandali lang ay dumating si Saint.

"Anong nangyari kay Katie?" Nauna nitong tanong sa kanilang dalawa ni Yaya Emily.

"Sir, sorry po. Naglalaro lang naman sila ng aso... Tuwang-tuwa pa naman si Katie tapos bilang hindi na raw siya makahinga."

"Aso? Akala ko ba pumasok kayo sa play gym?"

"Saint, si Tucker ang kalaro ni Katie, she requested to play with a dog. I am sorry." Tngina. Bingo na talaga siya kay Saint. And goodness, what will happen to Katie now?

"I told you she has a heart defect, Thea!"

Napaangat ang balikat niya sa gulat. "I know, I am sorry. I thought it is okay to play like that."

Bumukas ang bibig ni Saint pero muling nagsara. Nakita ata ang takot sa mukha niya. Kahit kinakabahan ay humawak siya sa braso ni Saint.

"Okay lang ba si Katie, Saint? I am really sorry. I promise I will not go near her. Malagpasan niya lang ito. I am really sorry.." She hiccuped. 

Huminga ng malalim si Saint. "Calm down, we have to wait. Yaya, pakikuhaan ng tubig si Thea." Utos nito sa mas mahinahon na boses.

May lumabas na doktor mula sa treatment room. Napatuwid siya ng tayo.

"Good afternoon, my name is Doctor Jose. Katie is stable now. Nastrain lang ng husto kaya natrigger ang problema niya sa puso. Based sa medical history niya sa mula pedia, she stopped her medications before returning here in the Philippines? Okay naman ang results ng ECG but we will have to observe if we have to restart the medications again. Kapag madalas na ganito ang nangyayari..."

She sniffed, "Okay na po talaga si Katie? Hindi lang siya dapat mapagod?" lumuwag ang paghinga niya kahit nanginginig pa rin ang kamay.

"Yes, Mommy. Okay na po ang anak niyo ni Sir. Huwag po kayong mag-alala."

"Hindi ako ang Mommy, Doc." Kinagat niya ang pang-ibabang labi at saka niya ibinuhos ang luha na natitira pa. Sobra-sobra ang pag-aalala niya. Kahit tinatapik na ni Yaya Emily ang likod niya ay hindi pa rin siya matigil. Takot na takot kasi siya.

"O-okay.. She will be transferred to her room, and you can talk to her. Kalma na kayo."

Nilingon niya si Saint ng makaalis na ang doktor. "I am really sorry, Saint. I am sorry for everything. Hindi na ako lalapit kay Katie." She muttered and gathered her strength to walked away. That was the last day she ever saw Katie. She stayed true to her promise.

---

"Ano ka ba? Cheer up." Kausap niya sa video call si Artemis, nagpapa-make up na ito dahil mamayang gabi na ang Gala Night ng kanilang magazine. "Hindi naman nagfile ng reklamo si Monasterio at saka dahil Yaya ang nagfill out ng registration forms, hindi rin nagdeclare na merong history ng sakit sa puso si Katie. Wala rin kaming pananagutan and we did our best for giving the immediate care."

She sniffed. Magang-maga na ang mata niya kakaiyak. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng kapalpakan sa loob ng isang linggo. Talaga ba? Parang ipinipilit ng langit na magalit si Saint sa kanya at talagang involve na involve siya sa buhay nito lately.

"Pero kasalanan ko..."

"Look, you just tried to make the child happy. Bawiin mo na ang Leave of Absence mo at kulang ako sa teacher."

"I don't know if it is meant for me. Hindi ako mahilig sa mga bata."

"Hindi ka pa mahilig niyan ha, halos matuyo na yung lahat ng tubig mo sa katawan kakaiyak kasi naospital ang estudyante mo. Paano kapag mapagmahal ka pa sa bata, Thea?" Napailing si Artemis, "Are you seriously not preparing for the Gala? Magang-maga ang mata mo! Gerl, dapat pepe mo ang mamaga tonight!"

"Bastos."

"Ikaw, hindi?" Umirap si Artemis sa kanya. Nilingon nito ang nag-aayos sa rito, "Eddie, can you make my friend pretty? Ipapasundo ko na siya sa driver ko."

"Artie!" Nagtakip siya ng mukha nang iharap siya sa make-up artist.

"Oo at papuntahin mo na rito para hindi magahol sa oras." Sagot naman nito.

"Heard that? My driver is on the way! Huwag kang magmukmok diyan!"

Mabilis lang siyang nagligo at nagpalit ng kung anong nahugot niya sa closet. It was a leggings and a white boyfriend shirt. Binitbit niya rin ang dress na ibinigay ni Sloane sa kanya na hindi na niya sinukat.

Hindi na siya naghintay sa driver dahil nasa lobby na iyon agad kaya nakaalis na sila. Naabutan niya pa si Artemis sa isang high-end salon sa BGC, she's already wearing her gown and taking professional photos.

"My, my.. Look at you. Sino ang bibili sa iyo?" Hinaplos ni Artemis ang kanyang pisngi, "Double-time. We are women, we don't wear our pain, it is an armour kept inside here." Itinuro ni Artemis ang direksyon ng puso niya. "Be beautiful, always. Don't let them see what's inside, aside from your boobs and vagina."

"Thanks, Artie. I'll be beautiful tonight."

"It is not that hard, right? Cos you already are!"

Umupo siya sa make-up chair at inayusan na rin siya. Nagpaalam si Artemis dahil dinaanan na ito ng kapatid na si Athena. 

"Cut my hair." Hinawakan niya ang kamay ni Eddie na naghahanda na sanang i-blowdry ang mahaba niyang buhok. "I want it short, really short."

Ngumiti si Eddie na wala man lang pagtataka, "Your wish is my command." Ginupitan siya ni Eddie, blunt-bob iyon na mayroong bangs. The length is 2-inch below her ears. Nilagyan muna siya ng make-up bago ang final touches ng bago niyang buhok. 

"Ang ganda-ganda mo! Look at you with your short hair!" Bulalas ni Eddie. Angat na angat ang Russian red lipstick niya at ang kanyang mata na may natural na makapal na pilik.

She liked what she saw in the mirror, so she stood up and hurried to change. Tinulungan siya ng mga stylist with her gown. It was a red tulle tube dress with an oversized bow tie at the back designed by a local designer. Her hair and make-up complement the look. She partnered it with a pair of sequined Pink Rose Christian Louboutin heels. 

Kinukuhaan din siya ng litrato ng photographer ni Eddie para sa instagram ng salon nito. Her phone rang, hindi pa siya nakakapagsalita ay inaaaway na siya ng nasa kabilang linya, "Ang tagal-tagal mo! Panauhing pandangal ka?! They would know that you are one of the article writers kung paimportante ka!" Satsat sa kanya ni Sloane.

"Oo na nga.. I am almost there."

"Naririnig ko pa ang blower ng salon! Almost there ka riyan!"

"Okay, 10-minutes, nasa BGC rin lang ako. Shangri-la is literally three blocks away, pupwede ko ngang lakarin."

"Huwag na at baka pawisan ka pang dumating! How can they start the bid for you at P500,000 kung mukhang kakatapos mo lang mag-dinner sa Jollibee?!"

"Sloane, lalo akong nagtatagal."

"Fine." Ibinaba na ni Sloane ang telepono. Nag-abot lang siya ng tip kay Eddie at sa team nito pagkatapos ay nagpaalam na. 

Sumakay muli siya sa sasakyan ni Artemis para ihatid siya sa Shangri-la. All eyes turned to her as she entered the lobby. May ibang nagbulungan at mga lumapit para magpakuha ng litrato. No one seems to know her by the name. They call her Doctor Bombshell.

She proceeded to the main function hall after saying her thanks to those who asked for her photo. Nagpose pa siya ng ilan sa photo wall sa labas ng hall bago pumasok sa loob. Hindi niya pa naigagala ang mga mata at hindi niya nakita ang kapatid niya o si Fox o si Luke. The function hall is dark at tanging ang stage lang ang may ilaw kaya doon na rin siya napatingin. 

Isang premyadong event's host ang naroon, his name is Aldrin. Neatly groomed in his tux.

"Atermis Montagne. Oh-lala. I will only accept raises of P1,000,000 or higher." Artemis looked exquisitely confident, wearing a white sequined short dress,  standing on the stage beside the auctioneer/ events host.

"P1,000,000." May nagsalita agad sa likod. 

"Okay, we have a bid for P1,000,000~ did I hear P2,000,000 from the crowd?"

"P2,000,000." May isa pang nagbid. 

"P3,000,000." Hindi pa nagsasalita si Aldrin ay umandar na ang bid. She couldn't believe how many men wanted to date Artemis. 

Umabot na ng P9,000,000 ang bid nang walang nagsalita. "P9,000,000 is the last bid. Mr. Gotesco seems to be the lucky one. Going once, going twice--"

"I bid for myself P12,000,000" Nagsalita si Artemis. "I bid myself for Doctor Karev DeLuca." The spotlight focused on Karev who was standing in front. Bakas ang gulat ng kanyang kaibigan. Parang gusto pang magtago sa sariling bulsa.

"Artemis, I am sorry but it is against the rules." Aldrin reminded, but Artie did not spare him a look.

"Athena..." Tawag niya sa kapatid na hindi pa rin nawawala ang ngiti, "Bid for me for P12,000,000."

"Are you crazy?" Athena responded.

"Then gift me to Doctor DeLuca, I'll pay you back." Dugtong ni Artemis.

"Okay, that can be done. Will you place a bid, Miss Athena Montagne?" Aldrin asked.

"You are crazy, Artie! No, I will not!"

"Okay, it seems like no other bidders. Sold for P9,000,000 to Mr---"

"P15,000,000 for Artemis Montagne." Nagtaas ng kamay si Karev. 

"What the fck?" Kahit siya ay hindi napigilang mapamura. Kuripot si Karev ah!

Men groaned, and Artemis' smile widened. "That's it, Baby. Prepare your throat for some screaming." Malanding wika ni Artemis kay Karev na yukong-yuko.

"Going once, going twice, Artemis Montagne sold to Doctor Karev DeLuca for P15,000,000."

May iba pang binid sa stage. Habang nagtatagal siya sa puwesto ay nakikilala niya ang mga naroon. Most are Temptation Island members. Meron ding mga media. Ang karamihan sa mga guests ay may pahintulot na ilabas sila sa publiko na miyembro ng Temptation Island kaya walang problema ang media. Wala pa rin namang ideya ang mga ito sa kaganapan sa isla.

"May we call on the stage the dashing and controversial Big Bad Boys' Magazine October cover girl, Doctor Bombshell?"

Bumilis ang tibok ng puso niya nang siya na ang tawagin. Pumuslit pa siya ng dalawang shot ng tequila para saluhin ang pagkapahiya kapag walang bumili sa kanya. Fck, sana kahit P100,000 ay may gustong makipagdate sa kanya.

"Ohh.. feisty." Sambit ni Aldrin nang umakyat siya. "I was instructed to start the bid for P500,000 kaya lang baka mamaos ako. Mukhang maraming magbibid."

Umiling siya sa host, "Start it at P100,000." Bulong niya.

"P100,000?" Lumingon ang host sa audience, "I will only accept raises for P2,000,000.00 for Doctor Bombshell. Let's start the bid."

Tumahimik ang lahat. Tengene eto na nga ba ang sinasabi niya, walang bibili.

"P4,000,000." May isang humiwa ng katahimikan.

"Oh, Lucifer Monasterio bidding for P4,000,000."

"P6,000,000."

"We have a bid for P6,000,000, Hello, Mr. Demetrius Monasterio."

"P8,000,000. Hindi ako magpapatalo." Lucifer muttered. The infamous devilish grin is on his face.

"P10,000,000." May isang sumabat pa roon sa likuran.

"P10,000,000 for Mr. Rio Buenavista."

Sinenyasan niya si Rio na huwag mag-bid. Is he serious?! He's here for the magazine launch! Nagkibit-balikat ito.

"P12,000,000 ako!" Lucifer chimed in.

"P14,000,000." Rio betted.

"P16,000,000 tngina! Huwag ka nang lumaban! May inaasar lang ako, dude!" Reklamo ni Lucifer.

"P18,000,000." Rio calmly bid.

"P20,000,000!" Gigil na giit ni Lucifer.

"P22,000,000." Demetrius Monasterio bid again.

"P24,000,000." Rio again.

"Twenty six---"

"P100,000,000."  Someone cuts off Lucifer.

Natahimik ang lahat. Saint walked slowly near the stage. Bumilis ang tibok ng puso niya. He was so handsome in his all-white tuxedo. Titig na titig ang mga mata sa kanya. May galit yata at gusto siyang paluin magdamag!

"P102,000,000?" Bakas ang kaba sa boses ni Lucifer, "And my sexy body perhaps? Mahal ang performance ko."

"P104,000,000." Sagot ni Saint.

"Fck you." Tumalikod na si Lucifer.

"Going once, going twice, Doctor Bombshell sold to Mr. Saint Monasterio."

Fck.

--

🧡 Makiwander | 📸 Instagram: Wandermaki | 💙 Facebook: Makiwander | 🐦 Twitter: Wandermaki | 💚 Spotify: The Slow Fix Podcast






Continue Reading

You'll Also Like

29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
61.2K 641 34
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
1.5M 58.7K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...