Mystique Club: Operatives

Arcane_Scrivener

900 254 110

An English university student, Jammy Akira Fernsby, had to move to the Philippines to forget the painful inci... Еще

Front Matter
Prologue: The Supremo
Chapter 1: The Prince of the House
Chapter 2: Mnemosyne Academy
Chapter 3: The Owl Group
Chapter 4: His Odd Behavior
Chapter 5: Deduction Show
Chapter 6: Joshua Hellio
Chapter 7: The Bait
Chapter 8: Way of Mikael
Chapter 9: Transferees
Chapter 10: Battle of Brains
Chapter 11: The Granddaughter of Mnemosyne
Chapter 12: The Eerie Mister
Chapter 13: Hantuok
Chapter 14: The Light Underwater
Chapter 15: Guardian Angel
Chapter 16: Ghost Hunting
Chapter 17: Sound of Help
Chapter 18: Mathilda's Body
Chapter 19: The Deal
Chapter 20: First Client
Chapter 21: Finding Zora
Chapter 22: The Ace Player
Chapter 23: The Trick
Chapter 24: Jewel's Greeting
Chapter 25: Jewel is Thyke
Chapter 26: Save by a Lady and a Man
Chapter 27: Samantha Montemayor
Chapter 29: Meet-Up
Chapter 30: Marked X
Chapter 31: Someone From The Owl Group
Chapter 32: Madame's Invitation
Chapter 33: The Second Victim
Chapter 34: Maxine Austria is Alive
Chapter 35: Questioning
Chapter 36: Mrs. A-3 and Mr. Kristo
Chapter 37: Another Angle
Chapter 38: The Perpetrator
Chapter 39: The Deal to Murder

Chapter 28: Austin's Damsel

9 0 0
Arcane_Scrivener

TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

Austin's Damsel

JAMMY

Sa dorm,

“Bakit ngayon ka lang?” bungad tanong sa'kin ni Denver. Magkasalubong na naman ang mga kilay nito. Nakakunot ang noo at nanlilisik ang mga mata sa'kin.

Ano na namang problema nitong asungot na 'to?

“Wala. Naligaw lang ata ako,” mapang-asar kong turan.

Anong naligaw? Pinagloloko mo ba 'ko? Dinukot ka raw sabi ni Gabriel. Sinong dumukot sayo?” highblood nitong tugon.

Ba't ba red tide na naman ang lalaking 'to? Hindi na kailanman naging tahimik ang buhay ko simula nang makilala ko siya. My life has been so chaotic and fermented.

“Teka, ba't 'di ka pumasok sa klase?” pamababalewala ko sa sinabi niya.

Pirme namang matalim ang titig sa'kin ni Denver.

“Pano nga pala nalaman ni Gabriel ang tungkol sa nangyari sa'kin?” tanong kong muli ngunit 'di pa rin ito sumasagot.

Si Thyke! Si Thyke, okay?! Gusto niya kong pagsamantalahan kaya ginamit niya ang pangalang Denver upang makipagkita ako sa kanya, ako naman na uto-utonahulog ako sa patibong niya. Nagpanggap siyang ikaw! Ano? Masaya ka na?” iritable kong turan.

Pasensiya ka na Denver. Hindi pa napapanahon upang malaman mo ang tungkol sa mga nangyari sa'kin doon. Kailangan ko munang subukan kung kaya kong baguhin ang isip ni Zero.

Tila nakapako na ang tingin sa'kin ni Denver at di na niya inalis ang mga titig nito sa'kin. “Si Thyke? Nasaan na si Thyke?” tanong nitong muli.

“Wala! Umalis! Ayaw ata sa'kin,” pamimilosopo ko.

Tumaas ang kilay nito sa narinig. “W-what?” pasigaw nitong tanong. Gulat na gulat ata ito sa narinig.

Hay naku, Jammy. Bat ganyan ka? Kahapon lang ay takot na takot ka sa demonyong yun.

“Patay na siya,” diretsahan kong sagot.

“What?” muli ay pasigaw itong nagtanong.

Bat ba what nang what 'tong kumag na to? Naiirita ako lalo sa ulupong na 'to? Hay ewan!

“Patay na nga siya. May nagligtas sa'kin. Hindi ko nakilala kasi may takip na tela sa mukha niya. Mata lang niya ang kita. Tinulungan niya 'kong makatakas pero di siya sumama sa'kin. Matapos nun, umuwi ako sa'min para magsumbong kay yaya. Yun ang nangyari. Ano? May tanong ka pa?” iritable ko pa ring pagpapaliwanag.

Tumitig ito nang diretso sa mga mata ko. Ako nama'y napa-iwas tingin. Tila binabasa kung anong iniisip ko.

“Wala na,” maikli namang sagot ni Denver. Matapos nun ay umupo na itong muli sa couch at humarap sa kanyang pinakamamahal na laptop. Papasok na 'ko sa room nang muli itong magsalita. “See you in Mystique Club tomorrow.”

Hindi ko na siya kinibo matapos niyon. Dumiretso na 'ko sa'king room at sinimulang matulog nang matiwasay.

°°°°°°°

JEWEL

“Arghh! Mga inutil! Mga walang kwenta!” kung ano-ano na ang nasasabi ko dahil sa labis na katangahang pinairal ng mga tao ko.

“Jewel, sa tingin ko, may tumulong sa bihag upang makatakas,” saad ni Fred, isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan. “Natagpuan ito sa leeg ni Thyke,” patuloy nito saka ipinakita sa akin ang isang needle.

“Assassin!” saad ko sa sarili nang makita ang bagay na yun!

Kung ganun, may traydor sa grupo!

“Tawagin si Jack. Alamin kung sino ang traydor!” patuloy kong sigaw. Mabilis na nagpulasan ang lahat matapos bitawan sa kanila ang utos.

“Mukhang sa una pa lang ay 'di ka na agad nagtatagumpay,” mapanlokong wika ni Zero na kapapasok lamang ng kwarto. Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko nang tumingin ako sa kanya.

“At anong ginagawa mo rito, talunan?” ngayon ay sinusubukan ko nang kumalma.

“Ipinapatawag tayong lahat ng Queen. Sasabihin ko bang pumalpak ka kaya hindi ka makakasunod?” patuloy nito sa pang-iinis.

Hindi 'ko pwedeng ipakita ang labis kong inis sa lalaking ito. Paniguradong matatalo lang niya 'kong muli pag nangyari iyon. “Hindi na kailangan. Handa ako sa ano mang mangyayari,” pagtatanggi ko sa panukala nito.

“Okay, sige. Mag-ingat ka, binibini,” saad nito bago mag-iwan ng ngisi sa'kin.

Zero has been always my greatest foe, not Denver.

°°°°°°°

ANONYMOUS

“Sir, narito na po ang requests niyo,” saad ng aking espiya. Iniabot nito sakin ang ilang kuha nitong mga litrato.

“Magaling,” saad ko at bahagyang ngumiti sa nakita. “Paniguradong ipapakita mo ang kulay mo sa gagawin ko,” saad ko sa sarili.

Ibinaling kong muli ang tingin sa'king espiya. “Ano pang hinihintay mo? Makakaalis ka na!” mariin kong sabi.

Gayundin ay umalis na siya. Ako nama'y humalakhak lang nang humalakhak na parang nababaliw. Ito na marahil ang tuluyang pagbagsak niya.

Ha-ha-ha-ha!

°°°°°°°

JAMMY

It's already seven in the evening nang magising ako mula sa pagkakahimbing. Tila nakaramdam naman ako ng pagkagutom kaya't lumabas ako ng room ko at sinubukang mag-alungkat ng makakain sa ref.

“Oh, Jammy. Mabuti't gising ka na. Halika, samahan mo kaming kumain.” pag-aaya sa'kin ni Sheila.

Magkakasalo sa hapag ang apat kong roommates.

Ilang saglit ang lumipas nang makarinig kami ng mga pagkatok mula sa likod ng pinto.

“A-ako na,” ani ko nang makitang tumayo si Austin mula sa inuupuan nito.

Dumiretso na 'ko sa may pinto at pinagbuksan kung sino man ang kumakatok. Nang masilayan ko kung sino iyon ay agad ko itong ipinagtaka.

“Oh! Andy, Gabriel, Alex? Bat narito kayong tatlo?” agad kong tanong sa tatlong lalaki. Lumingon ako sa may kusina at nakitang tila nagtataka rin ang mga itsura ng mga naroon. “Pasok kayo,” aya ko sa kanila na agad naman nilang ginawa.

“Hi, Gabriel, Andy, Alex,” bati sa kanila ni Sheila. Sumagot lamang ang talo ng pagngiti.

“So, anong meron? Napadalaw kayo?”

“Kamusta ka na, Jammy?” sabay-sabay nilang turan. Hay, ito na naman ba ang synchronized speaking nila?

Ngumiti muna ako sa kanila bago sumagot.

“Ayos lang naman. Kayo ba?”

“I know that you've been abducted by Thyke. Anong ginawa niya sayo?” seryosong tanong ni Gabriel sa'kin. Nakapagtatakang nalaman niya ang mga bagay na yun. Did Denver mentioned it to them?

“W-wala naman.” Umiling ako sa kaniya.

“Sinabi nga pala sa'kin ni lolo na bantayan daw kita. So, don't wonder if mas madalas mong makita ang kagwapuhan ko,” saad naman ni Andy na may kasama pang pagkindat pagkatapos. Pinigilan ko na lamang ang sarili na taasan siya ng kilay.

Wala 'kong panahon upang awayin siya ngayon sa harap ng anim pa naming mga kasama rito sa room.

“Are you really okay, Jammy?” si Alex naman ngayon ang nagtatanong. His face seems so anxious.

“Yeah, I'm okay now.”

Inaya namin silang sumabay na saming kumain. Inabot pa ng ilang pamimilit bago sila napapayag.

This would be tough. Kung patuloy akong tatanungin nang tatanungin ng mga 'to patungkol sa mga nangyari sa'kin. Lalong-lalo na sa ginawa ni Thyke. Sa tuwing naaalala ko yun. Bumabalik lahat ng takot ko. Nanginginig ang katawan ko sa naiiisip.

It's already nine nang maisipan ko ulit magpahangin sa veranda.

“You're here again,” bati ni Austin.

“Yeah,” I answered.

“I know it's hard to tell, it's hard to confess, but people around you needs to know the truth. Especially if they were really bothered 'bout your safety,” ani nito na nakakalang na naman ang mga siko sa grillages. I completely remember the same night na ganyang-ganyan din ang posisyon niya and he was holding a binocular unlike this time.

“I'm sorry, Austin. Pero wag muna ngayon,” tugon ko rito.

“Yeah, of course, Jammy. No pressure.”

Tumingin ako sa kanya. “Do you like Sam?” tanong ko.

“Huh?” tanong nito sa'kin na ngayo'y lumipat na rin ang atensiyon sa'kin. “Do you mean, Samantha?” natatawa pa nitong tanong.

I nodded in response. “No, I don't,” sagot nito.

“Then who's this girl that you like but has feelings towards Denver?” muli kong tanong.

Lumingon muna ito sa likod namin bago sumagot. Tila tinitignan kung may ibang nakakarinig samin. “It was Eloise.”

“Eloise?” pag-uulit ko. Tumango naman ang huli bilang sagot.

Bahagya akong napatawa. “That's hard. I mean, this gonna be hard for Sheila,” wika ko na may kasama pang iling.

“Yeah.”

“And wala kang balak sabihin 'to kay Eloise?” patuloy kong pag-uusisa.

“I want to, but it'll only complicate things. Lalo na sa relationship naming lahat as friends,” tugon naman nito.

“Alam ba 'to ni Denver?”

“No, he does not.”

“I didn't know Eloise has hidden feelings towards Denver,” wika ko. Syonga ka talaga, Jammy! Malamang! Hidden feelings nga, eh!

“Yeah.”

“So what will you gonna do now? Keep it still like this?”

“Yeah. This would sustain us as friends. Hidden feelings always ruin everything. That's the constant about love,” sagot nito saka ibinalik ang tingin sa malayo.

“And fix it with silence? Sabagay, rushing things make it more even worse,” sagot ko naman.

Nagpaalam na ito sa'kin at pumasok na 'tong muli sa loob.

Kinabukasan ay pumasok na 'ko ng klase. Katulad ng mga kasama ko kagabi sa dorm ay pinagtatanong rin nila 'ko patungkol sa pagkawala ko mula pa nung nakaraan.

“Jammy, totoo ba? Dinukot ka ni Thyke dahil may gusto siya sayo?” tanong ni Cherry. Tumabi ito sa'kin pansamantala habang hindi pa dumarating ang aming guro ngayon.

Rinding-rindi na 'ko sa mga tanong. Mabuti na lang at dumating na si sir Bolivia kaya't bumalik na si Cherry sa designated seat nito.

Matapos ang morning class ay sa cafeteria ang tungo namin. Kasama sina Sheila at Eloise, um-order kami ng usual food na ino-order namin.

“Akala ko talaga, Jammy, maisasama ka na sa mga nawawalang estudyante rito,” saad ni Eloise na puno pa ng pagkain ang bibig.

“Akala ko rin,” sagot ko. Nanatiling nakapako ang tingin ko kay Eloise. Naalala ko ang mga sinabi ni Austin tungkol sa kanya kagabi.

“B-ba't ganyan ang tingin mo, Jammy? May dumi ba sa mukha 'ko?” takha nitong tanong.

Napahagikhik na lamang ako sa kainosentehan niya. Bagaman madaling maakit sa mga lalaki si Eloise, nananatili pa rin itong inosente at 'di sineseryoso ang sino man.

“W-wala naman,” I said in the middle of giggles.

Matapos niyon ay nagpatuloy na kaming kumain.

Imbes na bumalik sa klase, nagpaalam samin si Sheila na hindi muna papasok. Kanina ko pa napansing tahimik ito at malalim ang iniisip. Hinayaan na namin siya't nauna nang umalis at nagtungo sa klase.

Matapos ang klase ay naisipan ko munang magtungo sa library. Kailangan ko munang iwasan na magpunta sa Mystique Club o lumapit at makipag-usap kay Denver. Hindi ko pa rin nasisiguro kung nasa paligid lang si Zero.

Naghanap ako ng mababasa — hindi textbooks, bagkus ay mga informational book o mystery book. Mas gusto kong magbasa ng mga tulad nito kaysa sa mga textbook.

Nasa labas na 'ko ng library nang makita kong maghiwalay sina Sheila at Hermione na naglakad sa magkasalungat na direksiyon.

Dahil patungo sa direksiyon ko si Hermione ay agad ko itong binati. “Hi, Hermione.”

“Hello, Jammy. Kamusta ka?” masigla nitong bati sa'kin pabalik.

“Ayos lang naman. Ikaw ba?”

“Ayos lang din,” sagot nito at ngumiti pa nang mas malawak. Itinuro nito ang suot niyang hair clip.

Nakatutuwang makita na masaya siya sa simpleng bagay na yun. Napaka-appreciative niya. Mas lalo siyang naging cute dahil sa suot na hair clip.

“Salamat nga pala rito.”

“Nakita ko kayo ni Sheila, may sinabi ba siya sayo?” panimula kong tanong. “Napansin kong balisa siya at malalim ang iniisip. Hindi ko lang maitanong sa kanya iyon nang diretsahan sa kanya dahil mukhang wala siya sa wisyo upang sabihin iyon sa'min,” paliwanag ko.

“Ah, ganun ba? Tungkol kay Austin ang sinabi niya sa'kin. A-at kay Eloise,” sagot naman ng huli.

“Si Austin at Eloise?!”

Ibig bang sabihin nito ay alam na ni Sheila ang tungkol sa sinabi sa'kin ni Austin kagabi?

Tumango ang huli sa sinabi 'ko.

Hindi ko na 'to muling tinanong matapos niyon. Malinaw na sa'kin kung bakit tila balisa si Sheila.

Pabalik na 'ko ng dorm nang harangin ako ni Denver sa daan. Seryoso itong nakatitig sa'kin. “Bakit hindi ka pumunta sa club?”

“What?” Tumaas ang kilay ko sa kaniyang tanong.

Hinintay kong sumagot si Denver ngunit pirmeng nakapakrus ang mga kamay nito at matalim ang tingin sa'kin. Argh! What's on that eyes?

“Kinausap ako ni Sam at nabanggit niyang nagkita kayo. Wala siyang binanggit sa pinag-usapan niyo. Now, what is it? Anong pinag-usapan niyo?” wika nito saka hinawakan ang pulsuhan ko. Hinila ako nito papuntang Jade's Garden.

Tumigil ito sandali bago humarap sa'kin.

“Makikipagkita sa'kin si Sam on Saturday. Kailangan mong sumama.”

“Ayoko!” pagtatanggi ko. Aalis na sana 'ko nang hawakan nitong muli ang pulsuhan 'ko.

“You need 'to! It's about the true identity of Zero!”

Hindi ako umimik at inilipat lamang ang tingin sa kamay ko na hawak-hawak niya.

Tila naintindihan naman niya kung anong ibig kong sabihin kaya't kahit may bakas ng pagtatakha sa kanyang mukha, binitawan na niya ang kamay ko.

Matapos niyon ay iniwan ko na siya at nauna nang bumalik sa dorm.

Naging tahimik kaming parehas ni Denver sa dorm nang makabalik kami roon. Tila may malalim na alitan sa pagitan naming dalawa dahil pilit naming iniiwasan ang bawat isa. Kita ko rin ang pagtataka ng iba pang kasama namin doon.

Gayunpaman, hindi na sila nagtanong pa sa'kin kung ano nga bang nangyari. Kaya ko lang naman ginagawa 'to ay para na rin sa kaligtasan ni Denver.

At ang mga sinabi ni Zero. Hindi ko dapat ipagsa-walang bahala.

<<<~*•*~>>>

Продолжить чтение

Вам также понравится

Class 3-C Has A Secret | completed hiiiii

Детектив / Триллер

17.8M 320K 59
WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA • AVAILABLE NATIONWIDE)
DEACTIVATE 𝙨𝙝𝙚𝙚𝙣

Детектив / Триллер

10.3M 461K 114
"One mobile dating app... gone wrong. Countless of daredevil couples in Lancaster High are now battling dangerously because of this deadly app. Every...
DOLLHOUSE 𝙨𝙝𝙚𝙚𝙣

Детектив / Триллер

7.5M 378K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
25.8M 642K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...