Cigarettes and Daydreams (Eru...

Por piloxofia

467K 13K 5.7K

WATTY'S SHORTLIST 2023 Stuck in the never-ending responsibilities as one of the breadwinners of the family, C... Más

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series # 1)
Simula
Kapitulo 1
Kapitulo 2
Kapitulo 3
Kapitulo 4
Kapitulo 5
Kapitulo 6
Kapitulo 7
Kapitulo 8
Kapitulo 9
Kapitulo 10
Kapitulo 11
Kapitulo 12
Kapitulo 13
Kapitulo 14
Kapitulo 15
Kapitulo 16
Kapitulo 17
Kapitulo 18
Kapitulo 19
Kapitulo 20
Kapitulo 21
Kapitulo 22
Kapitulo 23
Kapitulo 24
Kapitulo 25
Kapitulo 26
Kapitulo 27
Kapitulo 29
Kapitulo 30
Wakas
Liham
Espesiyal na Kapitulo

Kapitulo 28

8.6K 314 105
Por piloxofia

Mr. Luy was looking at me with an unreadable expression. It felt like he would make me leave, but it also looked like he was concerned with how I looked right now. My eyes were probably protruding. My nose was probably red.

"Sir, sabi po ng Mama ko... pumunta siya rito. Gusto ko po sanang magpaliwanag at makipag-usap. Nandito na po ba si Chance?"

Umalingawngaw ang boses ni Mrs. Luy ilang segundo matapos kong magsalita.

"Who is that, Eugene? Is that the order I was waiting-" suminghap ako at nakita ang paglapit ni Mrs. Luy sa pintuan.

"Mrs. Luy," she masked her previous facial expression with utter contempt. It made my heart ache more than it already did.

"Pasensya na po sa ginawa ni Mama, ang pagpunta niya rito at ang biglang pakikipag-usap sa inyo. Pwede ko po ba kayong makausap?"

"Your mother already told us everything there is to know, what more could you possibly say? I already fired you, you are not Wesley's tutor anymore. And as for my Ahia," she looked at her husband. "I will make sure he won't go near you again."

"Ma'am, 'wag naman po-"

"Abigail, I agree with your mother's sentiments. Since my son met you, he's had this idea to stop studying medicine. You're poison to each other."

"Hindi... hindi, ma'am... We aren't,"

"Enough talking, your mother's words are enough to make me rethink accepting you."

"Amalia," sasabat sana si Mr. Luy, pero ako ang sumapaw. "Ma'am, hindi po totoo ang sinabi ng nanay ko. Hindi po si Chance ang nagtulak sa akin na sagutin si Mama,"

"Of course not, my son would never do that. But your mother is insinuating that. I hate it. My son is a kind and noble man who would never influence someone to say despicable things to their parents."

"Kung gano'n, sa akin po, sa pagkakakilala niyo po ba sa akin, kaya kong maging masamang impluwensya kay Chance?"

She didn't immediately answer, so I continued. "Hindi ko po intensyon na masira ang relasyon niyo, pero nung nakilala ko si Chance, napansin kong may pagkakapareho kami sa buhay. Isang bagay iyon."

Pinunasin ko ang luha na bumagsak sa mukha ko. "Pareho po naming ibinaon ang pangarap namin para sa pamilya namin."

"What?!"

"Ako, ginawa ko iyon dahil kailangan ng nanay ko ng karamay sa pagpapalaki ng mga kapatid ko at pagbabayad ng mga bayarin sa bahay. Si Chance, ginawa niya iyon dahil ayaw niyang ma-disappoint kayo."

Mr. Luy's eyes were on their front garden, busy and obviously considering everything I had said. Mrs. Luy, on the other hand, looked like she would burst any second.

"Nasa'n po si Chance?"

"Where did you get the idea that my son threw away his dreams for us?"

"Sinabi niya po sa akin,"

"When?"

"Bago po siya bumagsak last year,"

 Kayang-kaya kong lunukin ang pagkawala ng pangarap ko, pero hindi ko kayang lunukin ang pagkawala ni Chance. Tinigil ko na 'yung bisyo ko dahil nandito na siya. Nakaramdam na ako ng sinserong pagmamahal dahil sa kanya. I didn't want to let that go.

"Nasa'n po si Chance?" ulit ko.

"Abigail," lumapit si Mrs. Luy. "Kahit na mayroong tinatagong totoong pangarap si Chance, I knew he would have been alright with continuing med school."

 My lips opened and disbelief was painted on my face. Was she really... this forceful and inconsiderate?

"You gave him the permission to look back at his dreams,"

"Mrs. Luy-"

"You brainwashed him into thinking that throwing away three years was alright."

"Tinapos niya pa rin naman po 'yung med school, Mrs. Luy."

"With an ungrateful heart! His face tells me every day that he regrets ever studying medicine since he started to like you!"

"Sigurado po kayo? Nung nag-enroll po ba siya sa med school, masaya po siya?"

"How dare you speak like your mother?! Insinuating something you have no knowledge of."

Tumigil ako sa pagsagot dahil masyado na akong nadadala ng kagustuhan kong ipaunawa kay Mrs. Luy ang lahat. Pero halata namang hindi siya makikinig. Walang katapusan dito, kailangan kong makita si Chance.

"Mrs. Luy, pasensya na po kung nababastusan kayo sa akin, pero nagsasabi lang po ako ng katotohanan."

"You sure aren't showing any subtlety! Talagang inamin mong bastos ka!"

Kinuha ko ang kamay ni Mrs. Luy at saglit na hinayaang pumatak ang mga mata ko.

"Hindi ko po kayang mawala ang anak niyo. I'm sorry for barging in here and demanding that I talk to both of you. But I just had to act now. My mother and I talked before I went here, and I know I've hurt her. I've hurt you too, Mrs. Luy. But if I didn't, I would lose Chance and my heart. If I didn't admit the truth to everyone, I would keep on carrying all the pain until I decide to just... stop breathing. Chance would do the same, the reget would eat him alive."

Tumungo ako at umiyak lang nang umiyak hanggang sa bawiin ni Mrs. Luy ang kamay niya. She went inside the house, and Mr. Luy told me to go home.

I texted Chance to at least have a glimpse of him before I went out of the village. Thankfully, he replied.


Chance: wait for me, mahal, i just helped shoti with his homework


Wala siyang binaggit tungkol sa pagpunta ni Mama; hindi niya pa ba alam?

Nung bumukas ang pinto ng bahay nila, naputol ang malawak niyang pagngiti dahil nakita niya ako. I was still stupified, cheeks wet, and nose runny. He came near and held my face with his cold hands, parang galing aircon.

"Did your mother and you fight again?" ang unang lumabas sa kanyang bibig. "Oo, sabi niya kasi..." suminghot ako, "pumunta siya rito at kinausap ang mga magulang mo."

"Tita did?" tumango ako at inalis na ang mga kamay niya. "Kaya kinausap ko ang mga magulang mo, nagpaliwanag ako at humingi ng paumanhin."

It looked like Chance paused after my last statement. I felt exhausted right now. And from how Mrs. Luy and I's conversation ended, I knew there would still be a refusal of Chance and I's relationship. But I would continue to explain and explain, even though Mrs. Luy had a hard head.

"Come on, I'll take you home." He held my hand and went out.

He was unbelievably silent during the tricycle ride. Pero kapag kinakausap ko naman siya, sumasagot siya at parang ayos lang.

"Ingat ka," huling wika ko bago niya ako hinalikan sa noo. "I'm sorry for being slow,"

Before I could mutter my confusion about his words, he turned his back on me.

Pumasok ako sa tahimik na bahay at nakita ang nakatakip na ulam sa la mesa. Dumiretso ako sa silid ng mga kapatid ko at ina para tignan ang lagay ni Cathrina, pero hindi ako tuluyang nakalapit dahil nakita kong pinapainom na ni Mama ang bunso ng tubig. Nagpasya na lang akong maligo bago humiga.

Pagod na ang mga mata ko, pero hindi pa rin natitigil ang isipan ko sa kakagalaw. Punong-puno ng pagtatanong at paghihinala ang utak ko ngayon. Ano na bang susunod na mangyayari? Babalik ba ako ulit sa buhay na kulay itim?

Ngayong iniisip ko ang lahat ng nangyari simula nung dumating sa buhay ko si Chance, hindi pumapasok sa akin ang panghihinayang o disgusto na pinipilit ipaabot sa amin ng mga magulang namin ni Chance. Binigyan niya ako ang abenida para ipakita ang tunay kong nararamdaman. Nagsimula lang naman akong maging matapang dahil unti-unti kong naramdaman kay Chance na may puwang ang lahat ng dinadala ko sa mundo—ibig sabihin, pwede ko siyang ilabas talaga sa pamilya ko. My vulnerability found a place to stay in. Hindi nga lang maayos na tinanggap ng pamilya ko, 'di tulad ni Chance.

Sa mga oras na nakakasama ko si Chance, mabagal pero buo kong nailalahad ang buhay ko. Ganoon din siya sa akin. Kaya nga, ngayon, alam ko nang allergic siya sa sobrang pagkain ng seafood at manok. Mahilig siya sa kape, hindi iced coffee—kapeng barako. Mahilig siya sa hungarian sausage, Kenneth confirmed that once because we were eating at their house that time.

Siya, naamin niya na ang katotohanang gusto niyang tumigil sa med school. Ako, inamin ko ang pait na dinadala ko simula nung magtrabaho ako.

How could our parents think that we were bad for each other's lives when we only made each other better and braver?

Kinabukasan, gumaan na ang pakikitungo sa akin ni Mama. Hindi siya humingi ng tawad. Hindi niya binalikan ang lahat ng sinabi ko. Nagpatuloy lang siya sa buhay ng parang walang nangyari kagabi. Hindi niya in-acknowledge ang sakit na nadulot niya sa akin.

"Ate," tawag ni Chino sa akin habang nagbibihis siya ng school uniform. Pumasok ako ng silid nila at inayos ang kwelyo niya. "Ayos ka lang?"

Umiling ako at sinuot sa kanya ang ID niya. Lumabas ako at nagsimulang magtipon ng mga damit na marurumi. Maglalaba na lang muna ako ngayon. Wala pa sa plano ko ang pagpunta muli sa mga Luy. Hindi ko alam kung darating ba 'yon ngayon, baka sa mga susunod na araw... Sa ngayon, maglalaba ako at baka maghanap na ng kapalit na trabaho.

"Abigail," nilingon ko si Mama habang nagkukuskos ng uniporme ni Cathrina. "Mayroon akong iniwang ulam sa la mesa, kumain ka ng tanghalian."

Tumango ako at... nakitaan ng pag-subok ni Mama na... baguhin ang pamilya namin. She usually wouldn't say anything like what she uttered because she had expected me to take care of myself all the time, even when I was an adolescent.

"Sige, Ma. Ingat po kayo," sabi ko bago lumabas ang dalawa kong kapatid para maglakad na papuntang escuela.

Parang may gusto pang sabihin si Mama, pero bumalik na lang ako sa paglalaba imbis na hintayin iyon. This predicament would be a long time, but as long as we're both trying, one day, everything will get better.

The morning and noon ended with me having a video call. I was talking with Chance.

"I talked to my parents," simula niya.

"I confessed everything. Papa was very... bothered. My mother... she couldn't even look at me, she just left the table."

"I'm sorry na inunahan kita, Chance."

"Don't be, I would get angry if we weren't intimate with each other and you say that—but we are. It might have been not your place to speak about that, but you still helped me in telling the truth."

"Sorry,"

"Hey, don't feel bad. I'm telling you now that I'm not mad,"

"Mali pa rin 'yung ginawa ko. Hindi ko dapat sinabi 'yon dahil sikreto mo 'yon, e. Patawarin mo 'ko,"

"Forgiven. Besides, I knew you were in distress, and... stress can do a lot to the human mind and body. I studied about it,"

"Ang bait mo masyado,"

Habang nakikipag-usap, lumabas ang isang mensahe na galing ka Mama sa screen ko.

Mama: anak, mahuhuli na naman ang sahod ko, wala na tayong mga sabon panligo at panlaba. Tapos ang alam ko ubos na rin ang mga biscuit ng mga kapatid mo, makakabili ka ba?

"What's wrong?" tinignan ko muli si Chance.

"Nag-text si Mama, kailangan daw ng pera... Hindi ako nakahanap ng trabaho ngayon, e. Puro fresh grad ang hinahanap dito sa amin."

"Right, Mama fired you... Let me ask my friends if they need a tutor,"

"'Wag na, magpokus ka na lang sa pagpapahinga mo. Sabi mo gusto mong magpahinga after ng med school. Sulitin mo na muna ang oras mo."

"You know I can't do that when I see you having a hard time, just let me make a few calls. I'll find one eventually,"

His whole being just kept on making me feel like I was so special when I was only an ordinary girl.

"Mahal," wika ko habang mayroon siyang tinitipa sa kanyang iPad.

"Yeah?"

"Sabi mo kahapon parang walang katapusan 'yung pagkakahulog mo,"

"Uh-huh,"

"Ako rin, araw-araw mo akong binabaliw."

His eyes were still away from mine, and I smiled at that. Mamaya, ipapaulit niya sa akin ang sinabi ko at saka niya lang mauunawaan.

"Sorry, mahal, what did you say? I was typing something, sorry,"

"Sabi ko, binabaliw mo ako. Sige, bye na."

"Wait, what-"

Nakangiti akong naligo. Ni hindi niya rin napansin na tinawag ko siyang 'mahal.' Nakakatawa talaga na sa oras pang busy siya, saka ko sinabi 'yon!

Nung umuwi ang mga kapatid ko, bumili ako ng tinapay gamit ang natitira kong datung dahil wala na silang meriyenda na mahahalungkat sa bahay. Puro kababayan at regla ang binili ko. Nung pabalik na ako sa bahay, nakita ko ang isang pamilyar na taong nakikipag-usap kay Chino. Ang kapatid ko ay nakasando lang at kitang-kita ang peklat na natamo niya dahil sa nangyaring aksidente.

"Pst," tawag ko kay Chance. Humarap siya sa akin at nag-angat ang isang gilid ng labi niya. Ang itim niyang cap at tinanggal ko at sinuot. "Tara," aya ko papasok.

"Cathrina, kumain ka ng binili ko, oh." Tumayo ang bunso namin at kumuha naman ng pagkain. Pumasok pa rin siya ngayon kahit na medyo sinisinat pa siya. Ayaw niya raw kasing maka-miss ng kahit anong lesson. Makulit, e.

"Gusto mo?" ipinakita ko kay Chance ang pan de regla na hindi niya masyadong gusto habang ngumunguya at nakangisi. "No, thanks." Kumuha siya ng kababayan at iyon ang kinain.

"Cathrina, humiga ka na nga muna, nabinat ka na yata, e." Utos bigla ni Chino nung nanonood si Cathrina ng telebisyon. "E!" sabay ubo ni Cathrina.

"Oh, tignan mo! Halika nga!" pinagmasdan kong hilahin ni Chino papasok si Cathrina sa silid nila.

Pumunta akong banyo at naglagay ng tubig sa planggana para sana punasan muli si Cathrina ng bimpo. Kaso dumating si Chino at nagdeklarang siya na raw ang gagawa no'n. Hinayaan ko siya at pinagmasdan na lang sila mula sa pintuan.

Habang ngumunguya, tinusok ako ni Chance sa braso, kaya nilahad ko ang kamay ko sa likod ko. Kinuha niya iyon at hinawakan.

Nakatulugan ni Cathrina ang pagpupunas ng kuya niya, halata naman kasing dapat magpapahinga pa siya. Matigas lang ang ulo at nagpumilit pumasok.

"Ate, pupunta lang ako saglit kay Vivian, birthday kasi nung kapatid no'n." Paalam ni Chino nung ibinalik niya ang planggana sa banyo.

"Bumalik ka bago maghapunan, ah." Tumango siya at lumabas na ng bahay. Isinara ko ang pintuan ng silid ng mga kapatid ko at inayos ang pinamili na mga tinapay.

"By the way, I found an old classmate who needs a tutor for his niece. He lives in Greenwoods as well, so I can take you to him if you want."

"Talaga? Ang bilis mo naman, salamat, ha." Nilagay ko ang mga plastic na pinaglagyan ng tinapay sa ilalim ng lababo, magagamit pa kasi bilang basurahan.

"Your gratitude would be more sincere if you say it while looking at me," ang tono ng boses niya ay mapanuya, pero sineryoso ko pa rin.

Hinarap ko siya at tiningala ng kaunti dahil nakaharang ang cap niya. "Salamat," kumiling ang ulo niya ng kaunti at pinatakan ng halik ang aking pisngi.

"You called me our endearment during our call a while ago, right?"

"Narinig mo pala?"

Proud ang mukha niya nang tumango.

"Oo, late nga, e. Sabi ko sa unang buwan natin, pero lumagpas na."

"It's okay, it's still accepted. It will be more embraced if you repeat it now,"

Tumaas ang isang kilay ko. Nang-uuto lang 'to, e. Alam niya namang nahihiya ako, e.

"Mahal," happily, nagpauto ako. "Ayos na?"

"Use it in a sentence man lang! I know! Say what you said a while ago and call me that."

"Ayaw ko," tumalikod na ako at nagsimulang ayusin ang mga tuyo nang plato at kubyertos. "Please? Please? Once lang, promise." Hawak-hawak niya na ang baywang ko at pinipilit ako.

"Isa lang, ah? Sasapakin kita kapag nagbingi-bingihan ka." Tinaas niya pa ang kamay niya na para bang nangangako siya.

Ch-in-eck ko muna ang pinto ng silid kung saan natutulog si Cathrina. Baka mamaya ay lumabas siya at marinig ang aking sasabihin. Nakakahiya 'yon.

I stared at Chance and gulped.

"Mahal," tumaas ang dalawa niyang kilay, "binabaliw mo ako."

Suddenly, his finger and thumb held my chin, and he angled his face. With no warning, a quick smooch occurred between us.

Seguir leyendo

También te gustarán

123K 8.1K 25
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
1.7K 74 14
time series #3 Reighn Siena, Arron Loren, and Jett Plane grew together being each other's shoulder to lean on. Not until Reighn's biological father...
37.4K 1K 44
It only took one summer break for Valentina Hermosa to start liking Xaviell Vuitton. He's a real charmer, kind, sweet, and witty. From their picnic...
878 86 16
Gusto kong mangumpisal, hindi tungkol sa mga kasalanan kundi sa pagsinta na gusto kong ialay.