"Are you enjoying the business trip so far?"
Amelia caressed Sam's hair habang nakasandal ito sa balikat niya. Nasa balkonahe sila ng room nila sa isang hotel na nasa tabing dagat. Alas singko pa lang ng umaga nang magising sila.
It's been 3 days since the business trip started at determinado na siyang pa-pirmahan kay Christian ang divorce papers. Wala lang talaga siyang oras para makausap ng maayos ang asawa. Maybe after the business trip ay makakausap niya na ito ng maayos. She just wanted a peaceful time with Sam. Bago ang pakikipag tuos niya kay Christian.
"Yes, but I am still worried about my father."
Amelia sighed and held Sam's head to her chest. "I'm sorry, Sam. I wished we could do something for him. Pero mukhang hanggang doon na lang talaga ang kaya ni Tandang Del Rio. But I promise to him that I will take care of you and I'll do just that."
Sam smiled pero hindi iyon umabot sa mga mata nito.
Dinalaw nila ang matandang Del Rio 3 days ago. There was still no response. The doctor pronounced him as coma na labis na ikinalungkot ni Sam. She was saddened by the news too. Na-m-miss niya din makipag kwentuhan sa matandang Del Rio.
Nalaman niya din na binabantayan pala ito ng mag amang De Dios. Charity De Dios turned out to be Sam's bestfriend. Kaya pala ganun ka close ang dalawa. And Cha assured her too that Sam is like a sister to her.
"N-Natatakot ako, Amelia. Hindi ko akalain na ganun pala kalaki ang responsibility ni Dad sa Del Rio's enterprise. Kung hindi ba naman kasi ako pasaway. My Dad took drastic measures para lang mapatino ako." Sam's tears started to fall from her eyes. "Sana ay hindi pa huli ang lahat para bumawi."
Amelia bit her lip. Uminit din ang sulok ng mga mata niya. Naawa siya dito. Nasa huli talaga ang pag sisisi. "Sam. You can do it. Andito ako sa tabi mo. Hindi kita papabayaan."
Sam look up and forced a smile. "Thank you, Amelia."
Napatingin ito sa mga labi niya and Amelia felt heat creep up on her cheeks. Sam slowly leaned in and Amelia was about to close her eyes when the doorbell rings.
Parehas silang napalingon sa pintuan.
"I'll go get it. Baka yung pagkain na natin yan." Amelia smiled and tapped Sam's head. Maaga din kasi silang mag m-meeting mamaya para sa mga activities na gagawin. She wanted to spend extra time with Sam kaya nag pa-deliver na lang siya ng agahan.
Ngumiti ito at tumayo. "I'll go with you. Baka mabigat buhatin ang pagkain."
Amelia's lis tugged up in the left corner. Ikinawit niya ang braso kay Sam at hinila ito papunta sa pinto. Sinilip muna niya ang peephole at nang makitang ang nag d-deliver nga ng pagkain ang andun ay pinag buksan niya iyon.
The man put the tray of food on their table. Umalis din ito agad pagkatapos. Amelia went towards the table and when Sam lifted the covers ay parang biglang humalukay ang tiyan niya. Umakyat sa lalamunan niya ang maasim na likido. She gagged. Napatakip tuloy siya sa ilong at bibig niya dahil kung hindi ay siguradong nag suka na siya sa sahig.
"H-Hindi kaya panis na yang pagkain?"
Sam sniffed the food and shook her head. "Hindi naman. Bakit?"
"N-Nasusuka ako sa amoy. Excuse me." Tinabig niya ito ng mahina para tumabi. Sam followed her to the bathroom nang mag suka siya doon.
She heaved on the bathroom sink pero puro laway lang ang lumalabas sa bibig niya.
Sam bit her lip and handed her a towel. "May nakain ka bang panis kagabi?"
She shook her head. Napapikit din siya dahil parang nahihilo din siya. "I-I don't know Sam."
Hinaplos haplos nito ang likod niya. "Do we need to have that meeting? Can we cancel that? Baka hindi pa umayos ang pakiramdam mo."
"N-No. I still need to have that meeting. Hindi lang naman bakasyon ang ipinunta natin dito, Sam. I hope you can understand."
Bumuntonghininga ito. "Alright. But if you are still not better before or after. I'll cancel the meeting and the activities."
"Thanks, Sam." Ngumiti siya dito but her heart is beating crazy against her chest. Sana nga ay nakakain lang siya ng panis na pagkain kaya ganito ang lagay ng sikmura niya. She had an inkling that this is something else. Something that she had gone through before.
Napakagat labi siya at hinaplos haplos ang mukha ni Sam.
"Let's eat, para matapos na din ang activities mamaya."
Inaya niya na itong kumain. The food barely made it through her stomach. Parang pinilit niya lang ang sariling kumain. Ayaw niya din kasing mag alala si Sam dahil panay ang tingin nito sa kanya, checking if she was ok.
"I really am ok, Samantha."
Pinisil niya ang kamay nito. Papalabas na sila ng kwarto nila pero ang higpit pa din ng hawak nito sa kamay niya. Ngumiti siya dito at ninakawan ito ng halik na ikinanlaki ng mga mata nito.
"Goodluck kiss ko. Ang bagal mo kasi eh."
Namula ang pisngi nito at tenga. "Kahit talaga masama ang pakiramdam mo ay makulit ka pa din. Let me kiss you properly then."
Kumabog ang dibdib niya at may kiliti siyang naramdaman sa talampakan niya sa pag hapit nito sa bewang niya. Then before she knew it. Sam is kissing her. Kusang napapikit ang mga mata niya.
Sobrang lambot ng labi nito. She nimbled Sam's upper lips. Agad na nag init ang pakiramdam niya. Hinapit niya din ang bewang nito para maglapit pa sila.
"God...I can't get enough of your lips, Samantha." Umungol siya sa tenga nito. Ramdam na ramdam niya ang init sa pagitan ng hita niya. "W-Wag na kaya nating ituloy ang meeting?"
Sa sinabi niya ay natatawang humiwalay ito sa kanya. Hinabol niya pa ang labi ni Sam but Sam put a distance between them.
"Kanina ay gusto mo nang pumunta sa board room. Ngayong hinalikan kita ay nag bago na ang isip?"
Natatawang lumabi siya. Yes, she wanted to keep Sam all to herself. Sayang nga at talagang business with pleasure ang buong week. But once she made Christian sign the paper ay mas marami na siyang oras para kay Sam. Maybe they could live in the same house and build their own little family.
"Kasalanan mo to, Samantha. I wanted to bite your lips all day and make you scream."
Nanlaki ang mga mata nito. Tatawa tawa namang lumabas na siya ng kwarto bago pa mag bago ang isip niya. Samantha followed her and lightly bumped their shoulders together.
Pigil ang ngiti na nilingon niya ito. Hindi niya talaga mapigilan ang kilig na nadarama niya sa tuwing ngingiti ito ng ganun. Sam made her feel alive.
----------------------
Amelia entered the board room at agad na nagsitinginan ang mga taong nandoon. She lifted her chin and smiled at them one by one. Kailangan kasi niyang i-acknowledge ang lahat ng naroroon para maramdaman ng mga ito na parte ang mga ito ng hotel empire niya.
The room consisted of managers from the different branch of RC2. Meron din siyang mga investors na inimbitahan para malaman ng mga ito ang future plans para sa hotel. She really planned this week to shoot 3 birds with one stone.
Una ay makasama si Sam for a whole week. Ikalawa ay para naman ma-train niya ang mga bagong manager at humatak pa ng mga potential investors para sa hotel. Ikatlo ay para maihanda ang sarili niya sa pag harap kay Christian para sa divorce papers.
"Good morning."
She paused for a moment para marinig ang pagbati ng mga ito pabalik. When everything settled down ay napatingin siya sa pwesto ni Sam. Kita niya na seryoso itong nakatingin sa kanya. Siguro ay nag aalala pa din dahil sa pag susuka niya kaninang umaga.
"I called another meeting para mapag usapan ulit natin ang mga gagawin nating activities. I don't want to bore you with the details so I'll just let, Ms Del Rio hand over the leaflets of what the day would entail."
Tumango siya kay Sam at nag simula na nga itong mamigay ng mga leaflets. After that ay nakita niya ang pag babasa ng iba sa hawak ng mga ito.
"As you can all see. The list there are the activities we are going to do today. Good morning ulit sa lahat. Back to business---"
She was about to go down when everything in her path became blurry. Napahawak siya sa ulo niya. Biglang sumigid ang hilo at hindi niya na napigilan ang sarili na bumagsak. Hindi niya na nga din alam kung kanino siya bumagsak o may sumalo ba sa kanya.
Her eyes immediately closed on their own accord.