Chapter 19
Asher Whisperer
Yap and I decided to go back to my apartment. Imbes na sa favorite gas station namin kami magpakalasing at magpaka-iresponsable, sa bahay na lang kami mag-wawalwal kung saan safe kami at malayong maaksidente.
Drink responsibly nga raw diba?
"Wow. Bati na kayo?" salubong sa amin ni Louisse pagpasok namin sa apartment. Aba, himala yata na nandito ito ngayon?
"Hey, L! Long time, no see!" bati ko sa kanya sabay angat ng brown bag na laman ang pinamili naming mga alak. "Tara, shot!"
Hindi niya ako pinsan. Instead, her smiling eyes were on Yap. "I guess you guys are okay na," sabi pa nito bago bumati sa best friend ko. "Hey, Yap."
Tinanguan lang siya nito at nginitian. Iminuwestra naman ni L ang sofa namin para paupuin siya rito. Inilapag ko sa center table ang mga inumin at nilagay rin ni Yap ang mga binili naming tatlong bote ng softdrinks for chaser, pizza, at roasted chicken na rin para sa lamang-tiyan.
Mawawala ba ang pulutan sa inuman?
"Hindi yata kayo magkasama ngayon ni Kade?" tanong ko sa aking transient roommate.
"He's actually coming up na din. Bumili lang siya ng dinner sa baba."
Nginitian ako siya nang nakakaloko, miss ko na rin kainuman itong si L. "After niyo kumain ng dinner, shot tayo!"
Natawa lang ito sa akin. "Why? Are we celebrating something?" mapang-asar pa nitong tanong. Kaso, bago ko pa siya mabara ay inunahan na akong sumagot ni Yap.
"She's going to New York."
Nanlaki ang mga mata ni L sa gulat at tuwa. "What?! You finally said yes to—"
Tinakpan ko ang bibig niya. "Wala pa! Kaka-convince pa lang sakin ni Yap na um-oo sa meeting." Napalingon ako sa best friend ko na ngingisi-ngisi sa harapan ko. "Advanced lang talaga 'tong si Yap!"
"She's going to get that representation. I know it," sabi pa nito.
"I agree," sagot ni L sa kanya bago tumayo at pumunta sa kusina at kumuha ng mga baso at shot glass. "Let's cheers to that!"
Biglang bumukas ang aming front door at pumasok ang boyfriend ng kaibigan ko. "Hey, hey, hey! What's going on? You haven't eaten yet, babe."
Walang anu-ano ay tinuro ako nito. "She's going to New York," sabi pa nito. "And we'll celebrate it tonight!"
Siniko ko ito. "Huy! Ano ba! Fake news kayong dalawa ha! Wala pa ngang meeting na nagaganap!"
"We know you're going to get it," sabat ni Yap.
Hay, ito talagang dalawa. Pagtulungan daw ba ako? "Masyado pang maaga para mag-celebrate, ano ba!"
"You're right," pagsang-ayon ni L. "Pero, promise us, you'll celebrate with us when you get that modeling contract."
Of course, hindi ko naman sasayangin ang oras at pera niina Sir Red at Sir Simon sa pagdala nila sa akin sa New York. "Oo naman."
"C'mon, then!" nakangiting sabi ni Kade habang naglalakad papunta sa dining table namin. "Let's eat dinner first before we get drunk."
Sumunod naman sa kanya ang girlfriend niya. Mag-sisimula na sana akong mag-ayos ng mga iinumin namin nang tawagin kami ni Kade. "You, two. Eat with us," sabi pa nito, sounding like a big brother.
Oh, wait.
Muntik ko nang malimutan, the elephant in the room. Cascade and Yap are in the same room. Parang first time mangyari 'to na silang dalawa ang magkasama, at wala 'yung dalawa pa nilang brothers.
Especially with what happened the last time they were all present. Kumusta na kaya 'yun si Lake?
***
I'm so happy... and drunk. I wasn't even annoyed that Louisse and Kade retreated in her room to do the nasty or whatever, I'm just happy that we are all happy and okay!
It's been a long time since I grinned this hard, laughed so loud. Parang sa inuman din 'yun? Noong huling beses na magkasama kami ni Yap.
Oo nga no? Bakit parang laging sa inuman na pupunta ang pagka-catch-up naming dalawa nitong best friend ko? Wait, does that make us alcoholic best friends?
Nah.
But before I could shout that ridiculous question, the door to my bedroom's bathroom opened and Yap exited it with a huge grin on his face, too.
"I can't believe we're fucking drunk again, together," sabi pa nito bago tumalon pahiga sa kama ko at tumabi sa akin.
Umusog ako para hindi kami magsiksikan. Niyakap ko ang isa kong unan at pinagmamasdan siyang palupaluin ang unan na mas malapit sa kanya. "I'm glad we're okay again," bulong ko kay Yappie habang nakangiti pa rin.
Tumigil ito at humarap sa akin. "Me, too," sagot nito matapos umayos ng paghiga.
"Switch off ko na 'yung lamp?" he asked.
I yawned as I nodded my head. Within seconds, we were engulfed in darkness again... and for some reason, I remembered the harsh words he shouted at me that night.
"—You still have time not to let the 15-minutes of fame get into your head."
"I chose to be with her because she's honest."
"What she feels for me is crystal clear."
Those words hurt me more than I thought it would. Sometimes, I hear his angry and ugly words in the middle of the night, whenever I couldn't sleep... or just when I let myself admit that I terribly miss him.
But then, I'd remember the worst thing he could ever tell me.
"She's not like you."
Alam kong malabo ako, na sobrang gulo ko. Alam kong duwag ako... pero kailangan pa bang ipamukha sa akin 'yun? Na kahit mas marami akong naa-achieve ngayon, hinding-hindi naman ako magiging kasing matapang ni Stella.
Pero kahit sobrang low-blow at kahit gaano pa kasakit ang mga sinabi niya sa akin, I couldn't help but miss my best friend. He's my only family here in the city. The only person who knows the real me and loves me warts and all.
But that's not the case anymore. He has her fighting for him... while I'm here, drunk out of my mind and still convincing myself that risking us, our friendship, will eventually break us apart.
"But your words really hurt me, you know?" hindi ko napigilang ibulong sa kanya. Nang hindi siya kaagad umimik ay ipinagpatuloy kong sabihin ang mga salitang sa dilim ko lang mabibitawan at masasabi sa kanya. "But not as much of the thought na mawawala ka sa buhay ko. That really hurt me, Yap. Pakiramdam ko nagpapaagos na lang ako sa buhay ko nitong mga nakaraang araw."
"I know. I feel the same," bulong nito sa akin. "And I am so sorry, Asher. Habambuhay kong pagsisisihan 'yung mga binitawan kong salita sa'yo nung gabing 'yun."
Dahan-dahan akong sumiksik papalapit sa kanya at yumakap. Agad-agad din siyang yumakap sa akin at hinalikan ang aking noo. Dahil doon ay nagkaroon ako ng lakaks ng loob maging matapang... lalo na't nasa dilim pa rin kaming dalawa.
"I was really jealous that time," pag-amin ko. "Tama ka naman e."
Bumuntong-hininga siya, naramdaman ko ang mainit niyang paghinga malapit sa tenga ko. "Why can't we talk like this when we're sober?"
Lalong hummigpit ang yakap ko sa kanya. "Kasi parehas tayong duwag?"
Natawa si Yap. "That's probably it,"
"Marami akong pinagsisisihan sa buhay ko," dala ng halu-halong emosyon, ng takot, kaba, saya, at lungkot, hinayaan ko ang sarili kong bumalik sa nakaraan na matagal na dapat naming pinag-usapan. "Isa sa mga pinagsisisihan ko ay 'yung sinaktan kita sa Singapore. I have to take responsibility for what I did and said to you that time."
"Darkest days of our friendship, just like what you said before."
"I love you, you know?.I really do," bulong ko sa kanya. "I know I don't say it enough, but it's true. Isa ka sa pinaka-importanteng tao sa akin at ayokong mawala ka sa buhay ko."
Hindi kaagad siya umimik, kaya naman humiwalay ako ng yakap at pabirong hinampas siya sa braso. "Huy, sumagot ka naman," natatawa kong puna sa kanya.
Ngunit imbes na makitawa rin siya ay hinila ako nito at muling niyakap. "I love you, too, Asher," bulong nito malapit sa tenga ko.
Napabuntong-hininga ako sa tuwa at relief. I finally, finally have my best friend back. "Promise me, last na 'yun ah? Last away na natin 'yun please," paalala ko sa kanya bago mapag-hikab nang malakas.
Humigpit lalo ang yakap nito sa akin. "I promise you, no one will come before you again."
I wasn't sure if I heard him whisper that correctly, or if it was just the alcohol playing with my mind and my feelings. Either way, I already passed out and I know I'll just forget about what we talked about in the dark when I wake up.
***
A few hours after Yap left our apartment, bumalik ulit siya para sunduin ako at samahan sa office ng TMA. Kahit na parehas kaming may hangover, pinili pa rin namin na gawin na ang mga dapat gawin. We already wasted so much time, baka lumipas pa ang opportunity na makapag-modelo ako sa labas ng bansa.
Matuloy man na makuha o hindi, I just want to get this over with. I'll do my best but I won't take it against myself if things won't turn out the way everyone seems to think this will end.
I'm just happy to be where I am now.
Working. And being friends again with my best friend.
I'm just happy to be here.
"I see the Asher Whisperer is back!" natatawang salubong sa amin ni Sir Red pagpasok namin sa conference room.
"Hey, Sir Red, Sir Simon." magalang na bati nito sa mga bossing ko.
Nakangiting lumapit sa amin si Sir Simon. "I take it okay na kayo?"
Bago pa makasagot si Yap ay inunahan ko na ito. "Natakot siya ma-FO ko," nakangisi kong sagot sa kanya.
Hindi ako pinansin nito, imbes ay na kay Yap pa rin ang atensyon niya. "Nag-sorry naman ba sa'yo 'tong alaga namin?"
Inunahan ko ulit si Yap. "Yes, I did! Nag-sorry din po si Yap, so don't worry."
This time, humarap na ito sa akin at tinapik-tapik pa ako sa ulo na parang bata. "That's good," sabi ni Sir Simon. "I'm happy na okay na kayo ulit na mag-best friend?"
Hearing the insinuation in those words, inirapan ko lang ang boss ko at hinila si Yap sa table kung saan nag-aabang ang iba pang kasama sa meeting na ito. "Yes, sir. Mag best friend pa rin po."
"So I assume that you already know about New York?"
Lumingon ako kay Yap at nakita siyang tumango sa direksyon ni Sir Simon. "Yes po, and I think she should go for it. Set the appointment for that meeting."
"What do you say, Asher?" Humarap ang lahat sa akin matapos ang tanong ni Sir Red.
Tinignan ko sila isa-isa, lahat sila rito ay nagtitiwala sa akin. For some reason, they see something in me kahit na ako mismo ay nagdadalawang-isip sa akin at sa kakayahan ko bilang isang baguhan sa industriyang ito. These people held my hand from the moment I allowed myself to take a chance on this new career path.
From the bosses, Sir Simon and Sir Red, to the PR people who are handling and spinning my disaster interviews, to the creatives who are lending their talents for my upcoming editorial shoot, to the make-up artists and stylists who are making me look like a legit model.
And of course, my best friend, Yap.
My Day One.
I settled my eyes on Sir Red and gave him a firm nod. "Let's set that damn meeting."
The whole conference room erupted in cheers. Grabe! Ganoon ba talaga ako ka-unsure? Nakakagulat ang reaction nila sa pag payag ko.
"That's great news, Asher," Sir Red replied. "When do you think should we set the flight? That is if they still want to pursue this."
I just shrugged at him. "If they invite us right away, I'm giving you the permission to say yes on my behalf." Like I said earlier, kung ano man ang maging resulta nito ay tatanggapin ko. Matuloy man o hindi.
"Alright," nakangiting sagot ni Sir Red.
Pero bago pa man ito may maidagdag ay lumapit sa kanya si Sir Simon at nagkunwaring bumulong. "See? Asher Whisperer," natatawang sabi nito.
Napalingon tuloy ako kay Yap na tahimik lang sa tabi ko. Saktong nakaabang na rin ito sa akin at nagtanong, "You okay?"
Ngumiti ako sa kanya at inabot ang kamay niya sa ilalim ng mesa. "Yes. Thank you for coming here with me."
Napatingin ito saglit sa aking labi bago muling tumingin sa mga mata ko at marahang ngumiti. "Anything for you, Ash... Anything."
Muli sana akong magpapasalamat sa kanya nang magsalita na ulit si Sir Simon. "We will do everything to find the right agency for you. This might not be the one, after all. But we know now that there's a spot for you in the international scene, this invitation is an indication that the world is ready for you, Asher."
"Sir Simon, whatever the result is, I know I am going to be fine," I reassured him. "I'm sure marami akong matututunan dito, hindi naman po ako uuwing luhaan either way."
Tumango ito pero hindi pa rin siya nagpatinag. "We will still find you an agency if this meeting doesn't go well. We will find the one who will prioritize you and launch you into supermodel stardom."
Hindi ko maiwasang magbiro dahil nag-uumpisa na silang maging seryoso, kaya nag-uumpisa na rin akong kabahan. "Gusto ko lang po kumita ng pera, sir."
"You will have that and more," mabilis na sagot nito. "I'll make sure of it."
Bago pa ako makapag-pasalamat sa kanya ay biglang nagsalita si Sir Red. Agad kaming napalingon sa kanya. "At 'yung lahat ng nag-doubt sa'yo dito sa Philippines? We will make them eat shit, as the kids these days say."
Nagtawanan ang lahat sa mga binitawang salita ni Sir Red. Bihira lang kasi siyang marinig na magmura. I keep on swearing for all of us, anyway.
"Thank you for believing in me," I said to him with a grateful smile. Sobrang laki ng sugal sa akin ni Sir Red. From the ABC cosmetics campaign to being the muse of his House, I hope I make him the most proud.
Tumango lang ito sa akin at humarap na sa lahat ng nasa conference table. "Enough with the mushy stuff. Let's talk about Asher's long-awaited editorial shoot."
Humarap ako kay Yap at bumulong sa kanya. "Can you come with me tomorrow?"
Bahagya itong lumingon sa mga clothes rack na punung-puno ng mga damit, mga sapatos, accessories na nakalagay sa isang table sa gilid, at mga litrato na nakapaskil sa white board at frosted mirror walls ng conference room.
"Why? Are you not comfortable with the layouts?" tanong nito nang bumalik ang atensyon niya sa akin.
Umiling ako. "Hindi naman. I'm just nervous. I don't want to freak out or anything tomorrow."
Ngumisi ito. "You need me to calm you down?"
Tumango ako at nag-pacute sa kanya. "Yes please? Libre kita dinner bukas bilang kapalit."
Kumindat ito sa akin at bumulong ng "Deal."