Temptation Island: Broken Ties

By makiwander

4.8M 193K 106K

Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Huling Kabanata
Huling Kabanata (2)
Huling Kabanata (3)

Kabanata 28

107K 5.3K 3.2K
By makiwander

Maki Says: Hirap magset ng kota, ano po. Lol. Nahihit agad yarn. 

Ingat po tayo sa bagyo. Ipanalangin natin ang mga kababayan sa Luzon, Visayas, Mindanao. Buong Pilipinas talaga ang sinalanta ni Paeng. 

Ibang pagsalanta pa naman ang gusto ng mga ferson. Char

---

Thea

'Kanina ka pang bata ka ha!' Thea mentally rolled her eyes at Katie. 

Panay hingi ng tawad ng yaya nitong mataba pero adorable dahil parang nakatagpo ng bagong kalayaan ang bata. 

"Psst, saang city jail ka galing?" Mahinang bulong niya habang pinagmamasdan si Katie na panay akyat sa mini slide at itinutulak ang magtatangka na lumapit doon. Ilang beses itong may napaiyak.

"You are ugly." Kinalabit pa siya ni Katie habang titig na titig ang magagandang mata nito sa kanya. "Your clothes are all crumpled." Hinawakan pa nito ang gusot ng blouse niya. 

Basher nito! Sarap tirisin.

Pinilit niyang ngumiti, "You know why? I don't have a Yaya like you. I don't have a Papa like you."

"Oh." Tumaas ang dalawang kilay nito. "Poor thing." Pagkatapos ay tumakbo na ito muli para maghasik ng lagim.

Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili, 'Bata yan, Thea. Bata yan.' She reminded herself.

"Okay, Kids. Time to get your snacks." Anunsiyo niya sa mga naglalaro. "But first, you have to pack away your toys." She played the Pack Away song, and soon enough, the children started to clean their toys. 

Pack away daw, sana all. Pinigilan niyang mapangisi sa nursery rhyme dahil iba ang sumagi sa isip at sumabay na rin sa kanta.

'Pack away, Pack away, now it's time to pack away.'

"I don't like the song!" Katie threw her arms to her chest and frowned. She just smiled and let the other kids pack their stuff without paying attention to Katie. Ganoon naman ang mga batang naghahanap ng atensyon. Hindi niya muna pinilit dahil first time pa lang naman ang interaction nito sa mga bata.

"Katie! Pack away like your classmates!" Mariing utos muli ng yaya.

"No! I don't like the song."

Umiwas siya ng tingin at tinulungan ang mga batang naglalaglag ng mga laruan sa bin. Hindi talaga kumilos si Katie kaya nagpanggap siyang invisible ito. Naramdaman niya na lang na may humila ng braso niya. Nilingon niya si Katie at nakasimangot pa rin ito.

"I don't like the song!" Ulit nito sa kanya, halatang nawawalan na ng pasensya sa kanya.

"Katie... It is time to pack away so you can eat snacks with your classmates."

"I still want to play! I want Wheels on the Bus!"

"Katie, wala ka sa club para magrequest ng kanta. Hindi ka nandito para magsoundtrip." Malambing pero pinandidilatan niya na ang bata. Kumunot ang noo nito, tiyak niyang hindi nakakaintindi ng tagalog. "Your classmates are almost done, why don't you join them?"

"Tell my Yaya to pack away my toys."

"Why? Can't you do it? Are your hands not working?"

"It is working, but I am just a kid!"

"So are your classmates. If you don't want to help, then maybe we can try again tomorrow?" Nakita niya na rin kasi na tapos na ang mga bata at nakapila na ito para kuhain ang snacks. Ipinamimigay ito ng assistant teacher niya. Nakita iyon ni Katie at dumiretso sa unahan. Alam na ng assistant teacher ang gagawin sa mga ganon, susundin nito ang ayos ng pila.

Ngumiti lang ito kay Katie at sinabihang pumunta sa likod pero hindi ito sumunod. Lumapit siya rito at sinabihan.

"You must fall in line and wait for your turn, Katie."

"But I am hungry!" 

"And your classmates too."

"I don't care!" Aba! Hinahamon talaga ni Katie ang pasensya niya! Kanino kaya ito nagmana? Walang compassion. 

"But I do care. You have to learn to wait for your turn, or else some kids will always want to go first instead of you. Do you want that?"

"I'll fight them!" Umangat pa ang kamao nito na parang si Manny Pa-cute!

"Do you think it is right to hurt people?"

Nag-isip ito na mas lalong lumalim ang gatla sa noo.

"Do you want your classmates to push you too?" Tanong niya muli. Katie's lips went downturned, namula ang mukha nito at bigla na lang sumalampak sa rubbermat pagkatapos ay umiyak ng malakas. It is so loud that the kids turned their heads to Katie.

"Katie! Diyos ko kang bata ka!" Nataranta ang yaya pero sinenyasan niya ito na huwag makialam. Pinanood niya si Katie na humiga sa rubbermat at sumipa-sipa.

"Kids, Katie is having an unpleasant day. Go to your tables and start eating your snacks. Katie will eat when she's ready."

Sumalampak siya sa rubbermat at pinanood ang breakdown ni Katie.

"Why are you crying?" Kalmado pero may awtoridad niyang tanong.

"Because I am upset!"

"What makes you upset?" Mahinahong tanong niya. She's teaching Katie to digest her emotions. Madalas ay hindi ito naituturo sa mga bata kaya maraming mga adult ang emotionally unavailable at nagkakaroon ng anxiety o depression. 

"Because I am hungry, and I want to eat."

"I told you, you can eat if you fall in line. The line is short, and you could be eating snacks now if you just listened."

"I don't like it!" Muli itong pumalahaw ng iyak kaya hinayaan na muna niya. Tiningnan niya lang itong umiiyak at nagwawala.

"Do you want a hug?" She asked her.

"No!" Umiiyak na wika nito.

"Okay. Teacher Thea will be here when you are ready to get your hug." Naghintay siya ng ilang minuto at humina na ang iyak ni Katie. Then she stood up and immediately hugged her. Masuyo niyang hinaplos ang likod nito. She sighed; she didn't imagine she'd be hugging Saint's child.

"Do you want to eat now?" She asked Katie. Tumango ito. Siya na mismo ang kumuha ng pagkain nito at pinaupo ito katabi ng kaklase. Someone shared her apple to Katie and she nudged her to say 'Thank you'.

Pinanood niya ang mga bata habang masayang kumakain. Little Archers teaches kids life skills. Interaction with other kids is their priority. May mga bata talagang brat sa umpisa kagaya ni Katie pero nagbabago naman kalaunan.

"Are you going to be prettier tomorrow?" Tanong ni Katie sa kanya habang naglalakad sila sa may hallway. Ewan niya lang kung kelan magbabago ang anak ni Saint dahil talagang hindi sanay mamlastik ang bata.

"Katie, Teacher Thea is pretty!" Sita ng Yaya Emily nito. 

"Okay lang, Yaya. Si Chuckie yata ang standards of beauty niyang alaga mo." Mahina siyang natawa, "Joke lang, baka maganda ang Nanay niya kaysa sa akin."

"Wala namang Nanay yan." Bulong ng Yaya. "Dumating yan galing Amerika mag-isa."

"N-nasa Amerika ang Mommy niya?" Umiral na naman ang pagiging chismosa niya.

Nagkibit-balikat ang Yaya, "Ewan. Nang tanungin ko ang Papa niya, wala raw Mama 'e. Baka magkagalit at ayaw na magkaroon pa ng ugnayan sa ina. Ganon sa teleserye 'e."

"Do you have candies tomorrow for snacks?" Hinila ni Katie ang laylayan ng kanyang blouse.

"What's your favorite?"

"Naku, bawal po ang candy diyan sabi ng Papa. Pasensya na kayo sa katabilan niyan at wala talagang makapagdisiplina, laging gabi na umuuwi ang Papa niyan sa dami ng work. Ako nga lang ang nagkusa na i-enroll si Katie sa ganito para may activities naman siya at saka bumait."

She leveled her face with Katie, "You can have candy if you'll be nicer to your classmates tomorrow."

"Hmm, I can do that!" Mayabang na sabad nito, "But can you fix your hair tomorrow? You are ugly."

"Can you fix my hair tomorrow?" Balik tanong niya. Lumiwanag ang mukha nito.

"I'll bring my hairclips tomorrow!"

"I am excited." Kinurot niya sa pisngi si Katie, "I'll see you tomorrow."

"I am not that excited, but I'll see you tomorrow." Umirap pa ang bata at kinuha ang kamay ng Yaya nito bago naglakad papalayo. Kamukhang-kamukha ni Saint, and even Cairo. 

Nakaawa nga lang dahil nakikita niyang kapos ng pagmamahal ang bata. She's four but she's already having a hard time to express what she feels. Napakibit-balikat siya, hindi naman niya anak kaya hindi niya rin mapagsasabihan ang magulang. Your kids, your rules, sabi nga.

Naglalakad na siya patungong parking lot nang magring ang cellphone niya.

"I booked you a date for tonight, Thea!" Tiningnan niya ang caller id at napagtantong si Artemis ang tumatawag.

"Nagpapahanap ba ako sa iyo ng date?" Tanong niya na nagtataka.

"Hindi. But I heard you were actively dating last month."

"Ah... No, it is not what you think it is."

"Ha? Fuck buddy lang ang mga iyon? Okay lang, malaki rin naman daw ang tite nitong irereto ko."

"Artie!"

"What? Ano ba ang prefer mo?"

Pumasok siya sa loob ng sasakyan, "Wala akong prefer. I've been dating because I have a project."

"Ano? Search for the Biggest dick? Come on! Ikaw ang pinakamasipag na teacher. You deserve a good man and a good fcking. I'll be sending you a reward and claim it tonight."

Napapikit siya, "The men I dated, are potential cover guys. We are trying out this new Women's Sex Magazine."

"Oohhh.. Now we are talking."

"Pero huwag kang maingay."

"Honeypot, my only interests are hot men and great orgasms. Hindi ako chismosa. Women's Sex Magazine? I like that idea. How can I help you?"

Artemis can promote their new magazine because she volunteered. Nag-uusap sila habang nasa biyahe siya pabalik ng kanyang condo.

She feels that everything falls in its proper place. Busy na si Adam sa layout ng magazine at si Sloane naman sa quality checking. She wants it to have its personality pero international ang quality. The content trumps the magazine title about Omega to Alpha~ an end, but journeying to a new beginning.

"Andyan na pala si Saint Thekla. Kumusta ang community service nang ayaw mag-ire ng sariling anak pero nangangalaga ng anak ng iba?" Fox giggled as soon as she stepped inside their condo. Kumakain ito ng pancit canton sa lamesa.

"Masaya." She smiled. And she couldn't believe that she would enjoy it. "Umaattend sa play gym ang anak ni Saint."

Nabitin ang pagsubo ni Fox at tiningnan siya. "Okay ka lang?"

"Oo naman." She smiled, "Matagal na akong okay. Nagkausap na rin kami ng maayos ni Saint na magfofocus siya sa pagiging tatay at ako naman ay busy sa magazine namin ni Sloane. Kaya lang eto naman si Saint, wala masyadong time kay Katie. Maldita tuloy ang bata." Malungkot siyang napabuntong-hininga.

"Hoy, I don't like what you are thinking ha! Baka mamaya ay magpaka-mother figure ka sa anak ni Saint sa iba!"

"Hindi naman. I am just a teacher."

"Teacher." Umirap si Fox. May sasabihin pa sana siya nang bumukas ang pinto ng condo. Sloane excitedly entered their unit.

"I got the mock copy! Kapag approve na ang sample print, which I can do today, ready na for mass production!" Tumatalon-talon pa ito.

Hinawakan niya ang ang glossy magazine. Hindi niya napigilan ang mamangha sa unang kopya. Binuklat niya ang unang pahina at bumungad ang black and white picture ni Rio na may damit pa. It is one of the four shoot layout last night.

It is so beautiful; all the shots are beautiful. Pati ang mga artikulo na naroon. May contributor writers din sila na kaibigan ni Sloane sa Europe. May beauty section, fashion style guides, and sex tips. It is like a girl's best friend in one, and that is precisely how they conceptualized it.

That night, naipag-go na rin na rin ang printing ng magazine dahil pumasa sa kanila ang lahat. Nagplano naman sila ng Magazine launch. Hindi niya akalain na ganoon kabusisi ang magtatag ng negosyo. Ang pangako naman ni Sloane ay growing pains lang iyon at hindi lagi.

Ang mas nilu-look forward tuloy niya ay iyong klase niya sa Little Archers. Refreshing ang mga bata. Madalas niya pa ring kaaway si Katie pero napagsasabihan na ngayon. She had to endure bright pink clips on her hair though.

"You look a little bit prettier because I fixed your hair." Katie muttered while she's combing her hair. Hindi pa nagsisimula ang klase at silang dalawa ni Katie ang pinakamaaga lagi dahil inaayusan pa siya nito. Tuwang-tuwa naman ang ibang bata sa kanyang itsura.

"Papa will pick me up today." Mayabang na wika ni Katie.

"H-ha?"

"Yes! Because it is our driver's day off."

Naconscious siya bigla, para siyang bumalik sa 90s sa dami ng clips sa ulo pero ayaw niyang tanggalin hangga't nakikita ni Katie. They went on with the class as usual. Nang mag-uwian na ay hawak kamay pa sila ni Katie na naglalakad sa hallway. Akala niya ay darating si Saint sa oras pero dahil wala pa at nililinis na ang classroom after an hour of waiting, inaya niya na ang magYaya na magtungo sa café sa tapat ng play gym para doon maghintay.

She ordered iced chocolate and strawberry shortcake for Katie. Mainit na kape naman ang hiniling ng Yaya, Iced Latte naman sa kanya.

"This is nice. Taste this, Teacher." Inangat ni Katie ang tinidor na mayroong strawberry.

"That's yours; you should get the best part." Tanggi niya.

"There are two strawberries, I ate one, and you'll get the other one."

"Awww.. Am I your favorite person, Katie?" Tukso niya rito.

"No! You look hungry." Umirap muli ito.

Natawa siya at sinubo ang strawberries na iginigiit ni Katie. Nang maubos na nila ang pagkain ay wala pa rin si Saint. Nahihiyang ngumiti ang Yaya.

"Ma'am.. Baka nakalimutan ni Sir. Hindi kasi sumasagot ng tawag. Magtataxi na lang kami."

"Taxi? No, hindi. Ihahatid ko na kayo para makapagpahinga si Katie."

"Naku, Teacher. Huwag. Nakakahiya na at nilibre niyo na kami ng meryenda." Tanggi ni Yaya Emily.

"Wala yon Yaya. Bestfriend naman kami ni Katie."

"You are not my bestfriend!" Sabad ng bata.

"Why? Do you have other friends?" Umingos din siya rito.

Wala na siyang inaksayang panahon. Sa Makati rin lang nakatira si Saint at Katie. In fact, sa same village ng mga Monasterio.

"Your car is ugly." Unang komento ni Katie pagkasakay sa Honda niya.

""E ikaw nga walang car. Nakikisakay ka lang." Bulong niya pabalik pero inayos niya ang sinabi dahil baka maubo muli ang Honda niya at itirik sila sa kalsada. "Katie, that's not nice. You should say, thank you for the ride, Teacher." Maayos niyang turo sa bata.

"Hmph!"

"Naku, malapit na akong pumatol sa bata!" Nanggigigil na wika niya. Natawa naman ang Yaya.

"Hmph!"

"Pasensya ka na talaga, Teacher." Natatawang wika ni Yaya Emily.

"Okay lang. Kilala ko Papa nito, may pinagmanahan."

"Talaga, Teacher? Parang mabait naman si Sir. Makakalimutin nga lang."

"Makakalimutin? Nakalimutan ang anak?" Bigay niya ng opinyon, "Parang bagay lang na naiwanan kung saan." Sarap sampalin ng Betlog 'e. Kung may pagkakataon lang ha.

"Have you met your Aunt and Uncles, Katie?" She asked as they passed by the Monasterio house.

"Aunt and Uncles? Do I have one?" Nagtatakang tanong ni Katie.

Nadismaya siya. Itinatago ba ni Saint si Katie pati sa mga kapatid? Iba na talaga ang panahon ngayon, hindi na lang kabit ang inililihim, pati na rin ang mga anak.

Madilim na nang makarating sila sa tahanan ni Saint at Katie. Iyon ang unang beses niyang nakita ang bahay. It is a Modern contemporary design. Sapat lang para sa maliit na pamilya. Hindi engrande na mansyon pero mayroong pool sa harapan.

"Teacher, dahil inihatid mo kami ni Katie, hindi ako papayag na hindi ka rito maghahapunan. Nagpahanda na rin ako ng dinner sa kusinera."

"Yaya, hindi na.."

"Katie, invite your Teacher inside so she can eat dinner with us." Susog ni Yaya Emily sa alaga.

"You may go inside so you can eat good food." Katie rolled her eyes and marched to the main doors. "And you can check my collection of Barbie later."

Pinagbigyan niya na si Yaya Emily. She went inside and she can smell the home cooked meal. Pinalibot niya ang mata sa tahanan na puti at itim ang tema. Panay litrato ni Katie ang naroon, nilapitan niya pa ang picture frames na nasa ibabaw ng piano at tiningnan kung may makukuha siyang impormasyon. May baby pictures ni Katie pero wala namang litrato ng Nanay.

Nagshower lang si Katie pagkatpos ay dumalo na sa hapagkainan kung saan siya naghihintay. Umupo ito sa tabi niya at kinalabit siya.

"I want rice and soup." Utos nito sa kanya.

"Ay, ako na Teacher. Talaga 'tong bata na 'to." Nagmamadaling dumalo si Yaya Emily.

"Hindi na, Yaya. Ako na." Sinalinan niya si Katie ng sabaw ng sinigang at kanin. "You should finish that so you can be strong and healthy. Do you like labanos? Radish."

"I don't like it..." Katie wrinkled her nose.

"You should eat your veggies, Katie. Barbie eats veggies. Can you try?"

"Okay." Tumango ito kaya binigyan niya ng isang labanos. Kinain naman nito kahit lukot ang mukha. Sinubukan niya pang bigyan ng ibang gulay na tinanggap naman at kinain. 

Nag-uunahan pa silang ubusin ang talong kalaunan, akala ni Katie uurong siya sa eggplant. Favorite gulay niya kaya 'yon! Lalo na yung sa Papa nito. Ay ibang talong pala yun.

After they ate ay niyaya siya ni Katie sa silid nito. She obliged. Nagpapalipas na rin siya ng trapik kahit malapit lang naman ang BGC. Ang hinayupak na iresponsableng ama ay wala pa rin. Naaawa naman siya sa new found bff niya.

"This is Elizabeth, Carli Bell, Christie.." Inisa-isa ni Katie ang mga Barbie nito. 

"Wow! That's awesome! You have a barbie house too!" Pink and white ang theme ng room ni Katie. She's living the life that she used to live before. Sumalampak sila sa sahig at naglaro sa doll house. Ilang sandali pa ay kumatok si Yaya Emily bitbit ang milk ni Katie. 

"Aww.. I don't want to sleep yet, Yaya." Reklamo ni Katie. 

"But it is 9 PM, and the Teacher needs to go home."

"Can you sleep here, Teacher?"

"Katie!" Suway ni Yaya Emily. 

She smiled,  "I can't but I can read a story you like and wait for you to sleep. Drink your milk na." Sumunod naman si Katie so she picked a story from Katie's bookshelf. Pinatay niya ang ilaw at nag-activate naman ang malamlam na star ceiling lights nito na nagbabago-bago ang kulay. 

She started reading Harold and the Purple Crayon. Noong una ay nagtatanong pa si Katie pero ilang sandali pa ay napapikit na rin ito. Inayos niya ang kumot ni Katie bago lumabas sa silid nito para umuwi na, naulinigan niya ang boses ni Saint sa ibaba.

"Sorry, Yaya Emily. Nagpunta ako sa school kaso wala na kayo. I left my phone at the office kakamadali at binalikan ko pa, doon ko lang namalayan na nakauwi na kayo. I am really sorry, Yaya."

Marahan siyang bumaba ng hagdan pero napaangat ng tingin ang dalawang nag-uusap. Saint's hair was dishelved, he unbuttoned his polo until his chest. His face looks tired but still, Santo-looking pa rin.

"Tulog na si Katie." Anunsyo niya.

"Naku, salamat, Teacher. Maraming salamat sa araw na ito."

Nilagpasan niya si Saint at akmang lalabas na ng bahay.

"Thea.."

"Ikaw naman, Saint. Akala ko ba nagkalinawan na tayo? Hindi basta ang pag-a-anak. Kung hindi mo kayang mag-set aside ng time sa bata, dapat ay hindi ka na lang naging ama. Nakalimutan mo na ba kung paano tayo pinalaki? Magkaibang katayuan natin pero parehas lang tayong neglected. Kita mo, ikaw pakboy, ako naman boldstar."

"I am trying, Thea."

"Hush!" Iniangat niya ang hintuturo sa ere, "Bakit mo inilayo sa Nanay kung ganon?"

"Did you ask her who her Mom is?"

"Hindi."

"Dahil wala siyang Nanay, Thea. Look, I am not perfect. But I am trying my best."

"Bakit hindi ka humingi ng tulong sa Ate mo? May anak 'yon! She can be a mother figure. Huwag mo kasing sinosolo ang problema."

"Look who's talking." Matabang na wika ni Saint. "Salamat sa paghatid kay Katie. Pasensya na rin sa abala. Hindi na mauulit."

"Hindi naman sa ganon. I enjoyed my time with Katie. Maldita lang pero yun ang something in common namin. Kapag hindi mo maihahatid, ako na lang ang bahala. Kung hindi mo masasabayan kumain.. Pwede naman ako makikain dito, magrerequest lang ako ng ulam."

"You don't have to do it, Thea." Lumambot ang ekspresyon ni Saint.

"I am not doing this for you. And I know that it is not my responsibility, but I also know what Katie feels. I told you, if I have a chance, I won't let any kid feels that they are alone. So, do you promise to eat breakfast and dinner with your daughter?"

Napayuko si Saint, "I'll try.."

"No, no, you should commit. Makakakapaghintay ang mga tao sa kompanya mo, matatanda na sila."

"Fine. I commit."

"Do you swear to pick her up at school and let me know if you can't do it?"

"Yes. I do, Thea." Bumuntong hininga si Saint, "Kapag hindi ako makakapunta, do you promise to be with Katie and eat dinner with her too?"

"I do, Saint." Napakurap-kurap siya nang may napagtanto.

Tengene, anong 'I do'? Wedding yarn!

"You may kiss the bride na, Sir!" Napapalakpak pa si Yaya Emily habang pinapanood sila. Napatalikod tuloy siya para ikubli ang pamumula ng mukha. 

"Uuwi na ako. Bye!" Nagamamadali siyang nagtungo sa sasakyan niya at pinaharurot ang sasakyan pauwi. Wala nang trapik kaya mabilis lang siyang nakauwi. 

Nadatnan niya si Sloane, Adam, Fox at Luke na nakasalampak sa carpeted na sahig habang tahimik na nag-iisip. 

"Anong meron?" Tanong niya.

"Gala night for Good Girls Gone Wild. Two weeks from now. Temptation Island sponsored our Gala kaya bongga!"

"They did? Kaninong legs naman kaya ang bumuka?" Tanong niya na matalim ang tingin kay Sloane.

"Grabe ka sa akin. Ako agad! Iyong sayo ba, hindi pa naibuka?"

"Naku, hindi, Sloane. Dahil yang Ate mo, nag-aastang Stepmom sa anak ni Saint, foreplay yata nila." Sabad ni Fox. Binato niya ito nang nadampot na stressball.

"That's good. I heard Temptation Island supports a lot of charity gala. Baka pwede nating gawin ang ganon." Lumapit siya sa lamesa at pinagmasdan ang pinagpipiliang mga hotel kung saan gaganapin ang launch.

"Before you say it. Naisip na namin yan. Actually, there will be an Auction of Temptation Island Members para maka-date sa isla, the proceed will go to our chosen charity. We have a pretty much decent line up. Sa lalaki si Tariq, Hunter, Monasterio Brothers maliban na lang sa Bebe mo at sa Kuya niya, meron pang hindi nagku-confirm. Sa babae, si Artemis, her sister, my sister, Georgina, Antonietta--"

"Hold it. Did you say your sister?"

"Ha? May sinabi ba akong ganon?" Nagmaang-maangan si Sloane.

"Sloane ha. Gusto mo bang matulog sa couch?"

"Bakit ba ayaw mo? Si Saint lang naman ang bibili sa iyo. Inilagay ko nga rin ang pangalan ko para mamulubi si Cross. He-he."

Inis niyang iniwanan ang munting brainstorming ni Sloane kasama ang mga kaibigan. Napagod siya ngayong araw pero looking forward naman siya kinabukasan. Natutuwa kasi siya kay Katie, kahit makulit, cute. Ang kapatid niya makulit lang, tapos kata-cute na.

Her day usually starts at Little Archers. Natuwa siya dahil maaga na naman si Katie at Yaya Emily. Umupo muli siya sa rubbermat at inayusan na naman siya ng buhok ni Katie. The kid loves her long hair. 

"Teacher... Okay lang bang maiwan ko muna si Katie? Hintayin niyo lang si Sir. Yung anak ko raw na diabetic bumaba ang sugar at isinugod sa ospital." Hindi mapakali si Yaya Emily. 

"Nasaan ang driver?"

"Hindi pa iyon babalik. Isang linggo rin na nakaleave. Ayaw naman magtiwala ni Sir sa ibang driver mula sa agency."

"Sige, Yaya. Ako na ang bahala kay Katie, pupwede ko rin siyang ihatid kung sakali." 

Lubos ang pasasalamat ni Yaya Emily sa kanya. Nang matapos ang klase ay tinulungan siya ni Katie na magligpit ng ibang mga laruan. Nakikiwalis din ito sa rubbermat. Tiningnan niya ang orasan at 30-minutes na late na naman si Saint. Kung wala pa iyon in an hour ay ihahatid na lang niya si Katie, kaso wala namang Yaya kaya sasamahan niya rin pala.

Her phone rang. Napakunot ang noo niya nang makita ang pangalan ng Manang Andeng, ang caretaker niya sa Rizal.

"Hello? Manang?" Pinagmamasdan niya si Katie na nakasakay sa malaking rubber duck at naglalaro doon.

"Thea.. Si Mama Jane ito. Kumusta ka na?"

"Mama!" Napangiti siya, maganda raw kasi ang improvement nito at once a week na lang umiinom ng alak, hindi pa nakakaubos ng isang bote. Bihira niya na nga lang nabibisita dahil sa pinagkaabalahan niya nitong mga nakaraan.

"Okay naman ako, Mama. Ikaw po?"

"Okay naman.. Busy kami rito sa taniman. Nakakapagbenta na kami ng mga gulay at nakakakain ako lagi ng masustansya. Thea, itatanong ko lang kung normal ba ang panginginig ng kamay? G-gusto ko sanang bisitahin sila Saint at Cairo kaya lang nahihiya ako at nanginginig ang kamay ko. May naipon naman akong pera pampagamot kaya lang hindi ko alam kung anong doktor ang gagamot..."

"Matindi ba ang panginginig?" She thought of alcohol withdrawal pero maaaring may ibang cause pa. 

"Nitong mga nakaraan, oo, nabibitiwan ko ang mga hinahawakan ko."

"S-sige po.. Pupunta ako riyan ngayon din. Para kung emergency ay dadalhin kita sa pinagtrabahuhan kong ospital dati."

"Naku, hindi naman siguro ito emergency, Thea."

"Kailangan nating makasiguro, nasa pangangalaga kita, Mama Jane." Wala na siyang inaksayang pagkakataon. She texted Saint that she will bring Katie with her because her Yaya left. Wala siyang choice kundi bitbitin ang bata. 

The thought of Mama Jane will see Katie held her back but she doesn't need to tell her anything. Si Saint ang dapat magsabing may anak ito. Sasabihin niya na lang na anak ng kaibigan niya ang bata at estudyante niya ngayon.

"Kung hindi ko pupwedeng dalhin si Katie, darating si Saint in 5 minutes." Bulong niya sa sarili. 

Hindi dumating si Saint after 5 minutes, hindi rin siya nakatanggap ng reply kaya siya na ang nagdesisyon. Binitbit niya nga si Katie at nagtipa ng text para kay Saint.

Thea: I'll share my location. Ibabalik ko si Katie before her sleeping time. Ako na ang bahala. I promise, mag-iingat kami.

Mabuti at hindi pa masyadong traffic nang umalis sila sa Makati kaya tumagal lang ng isang oras at kalahati ang pagdadrive niya. Nag-alala nga lang siya na walang car seat si Katie sa likod ng sasakyan niya pero behave naman ito lalo na nang bilhan niya ng happy meal. 

"Thea!" Sinalubong siya ni Manang Andeng ng dumating siya sa Rizal. 

"Where are we, Teacher?" Palinga-linga si Katie sa palibot ng bakuran nang makapasok sila sa gate. Papalubog palang ang araw kaya tanaw pa ang malusog na pananim sa palibot.

"This is my other house, Katie. Look at those, those are the veggies that we ate last night." Itinuro niya ang pananim na sitaw at talong, "Katie, say hi to Lola Andeng."

"Hi.." Tipid na bati ni Katie.

"Napakagandang bata naman! Sino yan, Thea?"

"Anak po ng kaibigan ko. Nasaan si Mama Jane?"

"Naroon at nanonood ng TV." Hinila niya si Katie sa kamay at pumasok na sila sa loob ng bahay.

"Mama Jane!" She greeted when she saw her. Tumaba na ito ng bahagya at maganda na ang kulay ng mukha, nakamake-up pa nga ng bahagya! Bagong gupit pa at may kulay ang buhok kaya lumabas ang ganda. Niyakap siya nito, naamoy pa niya ang cologne. Mangiyak-ngiyak siya nang mapagtantong naalalagaan na ni Mama Jane ang sarili at may sarili na nga itong pera mula sa pagtatanim.

"Kumusta ang byahe mo, Thea? Sana ay ipinagpaliban mo na muna.."

Hinawakan niya ang kamay ni Mama Jane at pinagmasdan mabuti. May panginginig nga iyon. 

"Kelan pa po ito, Mama?"

"Sino yang bata, Thea?" Napaangat siya ng tingin. Titig na titig si Mama Jane kay Katie, ganoon din si Katie.

"A-ah... Anak ng kaibigan ko." Kinakabahan siya dahil baka napagtantong kamukha ni Saint si Katie, "Katie, say hello to Mama Jane."

"Hello... You are pretty." Magalang na wika ni Katie.

Binitiwan siya ni Mama Jane at naglakad ito papalapit kay Katie. Hinawakan nito ang pisngi ng bata at hinaplos ang bawat parte ng mukha na parang kinakabisado.

"Thea, may bisita ka.." Sumilip si Mang Teody mula sa labas. Nahindik siya nang mapagtanto na nasa likuran nito ang hindi inaasahan.

"S-saint.." She nervously said.

Nakakuyom ang kamao nito at matalim ang tingin kay Mama Jane at Katie.

"I- I can explain..." She whispered.


---

🧡 Makiwander | 📸 Instagram: Wandermaki | 💙 Facebook: Makiwander | 🐦 Twitter: Wandermaki | 💚 Spotify: The Slow Fix Podcast

Continue Reading

You'll Also Like

8M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
1.5M 52.5K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...